Mahinahon ang agos ng tubig sa ilog mabato. Payapa. Ang mga ibong pitta ay nagkalat sa mga sanga ng puno nasa paligid. Malayo ang tingin ni Rose. Malalim ang iniisip. Nagbitaw siya nang malalim na buntong hininga bago naramdamang may pares ng mga kamay na tumakip sa mga mata niya.
“Harris…” saad ni Cristy. Ang binatilyo lang naman ang madalas na gumagawa ng gano’n sa kanya.
“Ang bilis mo namang mahulaan,” natatawang sabi ni Harris bago tumabi kay Cristy. Inilabas nito ang dalang pagkain. “Oh.”
“Binallay!” natutuwang inabot ni Cristy ang pagkaing dala ng binatilyo. Hindi naman siya gutom pero binuksan niya kaagad iyon upang kainin. Gano’n talaga siya kapag nai-stress.
“May problema ka ‘no?”
Huminto sa ginagawang pagkagat ng binallay si Cristy. Hindi niya rin ‘yon halos malasahan dahil sa lalim ng iniisip niya. Bumuntong hininga siya bago ngumiti. Kilalang-kilala na talaga siya ni Harris. “Nag-aalala lang ako kay Lila.”
Kumunot ang noo ni Harris. “Oo ng pala, bakit hindi kayo magkasama?”
“Hindi kasi ulit siya pumunta ngayon. Actually, ilang araw na nga siyang hindi lumalabas ng bahay. Hindi ko alam kung anong problema niya,” kwento ni Cristy. “Ang sabi ni Adolph, parang nakita niya na galing siya sa inyo no’ng nakaraang araw.”
“Kailan?” tanong ni Harris.
“Nagkita kasi kami ni Adolph sa may ligawan ni Manang Delia kahapon, nakwento niya na nakita niya no’ng nakaraan si Lila pero hindi siya pinansin. Parang galing galing nga raw sa inyo,” ani Cristy.
“Wala namang nabanggit sa akin sina mommy at daddy,” sagot ni Harris.
“Baka hindi nga…” Muling kumagat si Cristy ng binallay. Ngayon lang nangyaring hindi siya kinausap ni Lila ng ilang araw. Ni hindi man lang iton lumalabas ng bahay. Kaya nga pati sina Jojo at Jin ay kinukulit na rin siya tungkol sa bestfriend niya. Wala naman siyang maibigay na sagot kasi hindi ito pumupunta sa dapat na kitaan nilang dalawa.
“Kilala naman natin si Lila. Wala ‘yung probelma na hindi kinakaya. Kaya nga sanay na sanay ‘yung hindi nag-oopen sa ating mga kaibigan niya ‘di ba?” nakanagiting sabi ni Harris.
Tumango si Cristy. May point si Harris. Alam nilang lahat na walang hindi kinakaya si Lila. Kahit ano pang problema ang kinakaharap nito.
“Kaya h’wag ka nang malungkot at mag-isip ng kung ano-ano pa. Siguro puntahan na lang natin si Lila bukas para hindi ka na masyadong nag-aalala. Ilang araw na lang tayong magkakasama-sama. Matatapos na ang bakasyon kaya dapat, sinusulit na natin,” dagdag pa ni Harris.
“Aalis ka na nga pala ‘no?” tumamlay ang boses ni Cristy. Ngayon pa lang kasi ay hindi na niya maiwasang malungkot. Sa mga kaibigan niyang lalaki sa isla, si Harris ang pinakamalapit sa kanya. Kahit na alam niyang hindi magkasundo ang mga tatay nila dahil naging magkalaban sa pagiging kapitan, ay hindi iyon naging hadlang para maging malapit sila sa isa’t-isa. Hindi lang din isang beses nitong sinabi sa kanya na gusto siya ng binatilyo. At dahil batid naman nitong priority niya ang pag-aaral, sinabi ni Harris na handa itong maghintay hanggang sa maging ready na sila pareho na pumasok sa isang seryosong relasyon.
“Babalik din naman ako kada bakasyon. Magkikita pa tayo.” Nalulungkot din si Harris pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang sumunod sa daddy niya.
“Alam ko naman ‘yun,” nagbuga si Cirsty ng hangin. “Nasanay lang talaga ako na kasama ka lagi. Halos araw-araw. Tapos biglang ganito. Tinanong nga rin ako nina papa kung gusto ko raw ba mag-aral sa Manila, kasi may mga kamag-anak kami do’n na pwede kong pag-stay-an, kaya lang ayokong malayo sa kanila. Kaya ang sabi ko, do’n na lang ako sa malapit dito sa isla.”
“Mabuti ka pa pwedeng mamili. Alam mo ang swerte mo talaga sa mga maagulang mo. Lalo na sa papa mo.” Nakatingin si Harris sa payapang agos ng tubig ilog. Ngumiti siya pero mapait. Kung tutuusin ay swerte rin naman siya sa mga magulang niya. Kasi lahat ng mga materyal na bagay na gusto niya ay ibinigay ng mga ito. Nagkataon lang na masyadong mataas ang pangarap ng mga ito lalo na ng daddy niya para sa kanya.
“Hindi ka ba naiinis sa papa ko?” curious na tanong ni Cirsty.
“Bakit naman? Naiintindihan ko naman ‘yung point niya kung bakit ayaw niya akong payagan na manligaw sa ‘yo kasi nga mga bata pa tayo,” tugon ni Harris.
“Hindi lang dahil do’n. Kasi siyempre, ang tagal ng kapitan ni Mang Henry dito sa Isla Azul, tapos biglang naagaw ‘yon ni papa,” patuloy ni Cristy.
“Hindi ‘yun naagaw ni Kap Ryan. Mas pinagkatiwalaan lang siya ng mga tao kaysa sa daddy ko. Which is I think, tama naman. Hindi naman sa sinasabi kong may mga maling nagawa ang daddy ko pero siguro kasi, mas maraming tama lang na nagawa ang papa mo kaya deserve niya ang position niya ngayon.” Alam ni Harris kung gaano kainit ang dugo ng daddy niya kay Kap Ryan. Ito lang kasi ang nag-iisang tao na naglakas loob na kumalaban sa daddy niya. Malaki ang pagmamalasakit ni Mang Henry sa Isla Azul pero hindi lahat ng ginagawa nito ay tama. Kaya naniniwala siya na mas kailangan ng isla nila ng taong kayang baliin lahat ng mali sa Isla Azul. At si Kap Ryan ‘yun.
“Mabuti na lang, hindi tayo masyadong naaapektuhan sa… Alam mo na. Away nilang dalawa,” ani Cristy.
“Sinabi mo pa. Tingnan mo pati mga mommy natin close din, si daddy lang talaga ang pikon,” natatawang sagot ni Harris.
Mabait din naman ang mommy ni Harris. Sa katunayan ay gustung-gusto nito si Cristy para sa anak. Alam din ni Cristy na totoo ang pagiging malapit nina Tita Lani at ng mama niya sa isa’t-isa. Walang halong pagpapanggap. Nabaling ang atensyon niya sa isang bag na nasa tabi ni Harris. “Ano ‘yan?”
“Ah, dinala ko ‘yung isang kamera ko. Akala ko kasi marami kayong aabutan ko dito. Fun shoot sana tayo,” sagot ni Harris. Inilabas niya ang SLR niya mula sa bag, regalo iyon ng mommy niya no’ng isang taon na patago rin nitong ibinigay sa kanya.
“Pwede pa rin naman tayong mag-fun shoot eh. May ballpen ka d’yan?” tanong ni Cristy.
“Oo, eto oh.” Kinuha ni Harris ang ballpen mula sa loob ng bag at iniabot kay Cristy.
Tinanggal ni Cristy sa pagakaka-ponytail ang buhok niya. Iniikot iyon bago ini-lock gamit ang ballpen. Tumayo siya at bahagyang tinaas ang maluwag na t-shirt na suot niya, hinapit sa may laylayain upang maging fit sa katawan niya, at gamit ang ponytail ay binuhol niya sa may likuran kung saan bahagyang lumabas ang kanyang pusod. Pumaywang siya sa harapan ni Harris at ngumiti. “Ready na ang model mo.”
Nakangiting tumayo na rin si Harris. Inipit niya sa may likod ng tainga ang buhok ni Cristy na hindi naisama sa pagkakapuyod gamit ang ballpen niya. Napakaganda ng dalagita lalo na sa malapitan. Ilang taon na ito sa isla pero parang hindi man lang nabawasan ang kaputian kahit batang gala din kagaya niya. Naalala niya tuloy no’ng unang beses niya itong nakita na dumating isla. Natatamaan ng sikat ng araw ang maputing balat nitong tila kumikislap sa kakinisan. At ‘yon din ang unang beses na naramdaman niyang si Cirsty na ang babaeng gusto niyang makasama sa habambuhay.
“Tititigan mo lang ba ako o magpa-fun shoot na tayo? Kapag sikat ka na, magpapabayad na ako,” natatawang biro ni Cristy bago hinila sa may magandang pwesto ang binatilyo.
Nagsimula na si Harris kumuha ng mga litrato sa iba’t-ibang pose na ginagawa ni Cristy. May thirty minutes na ang lumipas ng biglang kumalas ang buhok ni Crisry mula sa pagkakapuyod ng ballpen. Kaagad na gumulong ang panulat patungo sa may ilog na halos nasa gilid lang ni Cristy. Mabilis na iyonh inanod at lumubog.
Saglit nila itong pinagmasdan pareho hanggang sa tuluyan ng ilugay ni Cristy ang mahabang buhok at hinati sa may bandang likuran.
Lumapit si Harris sa modelol niya. Inayos ang dulo ng buhok ng dalagita na bahagyang nagbuhol. At sa ginawa niyang iyon ay nagtama ang mga tingin nila na halos wala ng isang dangkal ang layo mula sa isa’t-isa. Napasulyap siya sa mapulang labi ni Cristy kasunod ang paglunok ng laway sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. “P-Pahinga muna tayo?”
Napangiti si Cirsty. Halata kasing kinakabahan ang binata. At nang akmang aalis na si Harris sa harapan niya ay hinawakan niya ang kamay nito. “Harris…” Muling nagtama ang mga tingin nila. “Kahit anong mangyari… H’wag na h’wag mong bibitawan ang pangarap mo. At kung sakali man na mahirapan kang abutin ‘yon dahil sa mga plano ng daddy mo sa ’yo, ako ang magtutuloy ng pangarap mo. At gagawa ako ng paraan para muli itong mailapit sa ‘yo para hindi ka na mahirapan hanapin ang daan pabalik sa totoong pangarap mo.”
***
“Kapitan, baka naman pwede pa nating pag-usapan ‘to,” kabado pero matigas ang boses ni Mang Lester habang kausap si Kap Ryan sa loob ng barangay hall. Nakapalibot sa kanila ang ibang barangay tanod at mga kasama niya na nahuli ng mga itong nagde-deliver ng droga.
“Wala ng dapat pag-usapan,” seryoso ang boses ni Kap Ryan.
“Kap, ngayon ko lang naman ginawa ‘to eh,” ayaw ni Mang Lester makiusap sa lalaking kaharap pero alam niyang wala siyang ibang pagpipilian ngayon kung hindi ang gawin iyon. Lalo na at nahuli sila sa akto ng pag-aabutan ng droga kanina.
“Matagal na kitang binabantayan, Lester.” Bumuntong hininga si Kap Ryan. “Oo, ako mismo ang nagbabantay sa ‘yo dahil alam kong marami sa mga tanod ko ang nabayaran mo na. Kaya ngayong may malaki na akong katibayan na ikaw talaga ang nagpapasok ng droga dito sa Isla Azul, hinding-hindi ko na ‘to palalampasin.”
Pumasok naman si Mang Celso sa loob ng barangay hall, hindi man lang nagpasintabi kay Kap Ryan. Lumapit kay Mang Lester at bumulong. “Nand’yan si Henry. H’wag ka nang mag-alala.”
Ngumisi si Mang Lester bago sinamaan ng tingin si Kap Ryan.
Magkasunod namang pumasok si Mang Hnery at Mang Mario sa loob ng baranggay hall. Umalis sa pagkakaupo sa katapat ni Mang Larry ang isa pang lalaking nahuli sa paged-deliver ng droga upang paupuin si Mang Henry.
“Ryan, nabalitaan ko ang nagyari kanina,” panimula ni Mang Henry. Kahit kailan ay hindi niya tinawag o tinuring na kapitan ng Isla Azul si Kap Ryan. Para sa kanya kasi ay siya pa rin ang nag-iisang kapitan.
“Alam mo na pala, bakit ka pa napasugod dito? Kayo nina Celso at Mario? H’wag ninyong sabihin na kasama kayo sa krimen na ginagawa ng kaibigan ninyo?” ani Kap Ryan.
“Grabeng panghuhusga naman ‘yan kapitan,” inis na singit ni Mang Mario.
“Eh kung hindi pala kayo kasama sa krimen na ginawa ni Lester, bakit pa kayo nandito?” Alam naman ni Kap Ryan ang dahilan kaya hindi niya maiwasang lalong uminit ang ulo niya. “Padating na ang mga pulis na ipinatawag ko mula sa kabilang isla, kaya hindi ninyo na ako kailangang kausapin pa.” Bumaling ang tingin niya kay Mang Lester. “Si Lester lang at ang mga kasama niya sa krimen ang kakausap sa mga pulis.”
“Ryan naman, para namang hindi mo kilala ‘tong si Lester. Hindi niya naman talaga gawain ‘to. Ngayon niya lang talaga ginawa kaya palampasin mo na lang muna,” ani Mang Henry. “Hindi k aba nag-aalala na baka masira ang pangalan ng isla natin sa media?”
“Wala akong pakialam. Que una o maraming beses, ginawa niya pa rin ang magpasok ng droga dito sa isla. Saka pwede ba Henry, h’wag mo nan gang pinagtatakpan ‘yang kaibigan mo. Alam kong alam na alam mo na si Lester ang promotor ng droga dito sa Isla Azul,” matigas na sagot ni Kap Ryan.
“Sandali lang kap, para namang masyado ka nang nakakaapak n’yan. Oo, nahuli mo kami ng mga kasama ko kanina pero wala ka pa ring katibayan na ako talaga ang promotor! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo!” Nagtaas na ng boses si Mang Lester. Napapahiya na siya sa mga kasama at ibang tao sa loob ng barangay hall. Pinigilan naman siya ng mga kasama ng akmang susugod na siya. Alam ng mga ito na lalong lalaki ang gulong kinasasangkutan niya kapag gumawa siya ng maling aksyon.
“Kapitan…”
Halos lahat ay sabay-sabay na bumaling ang tingin sa bagong dating na si Mang Delfin.
Kahit paano ay tila nakahanap ng kakampi si Kap Ryan sa pagdating ng pulis, pero kumunot ang noo niya nang mapansing wala itong kasamang ibang pulis. “Nasaan ang mga kasama mo, Delfin?”
Saglit na sumulyap si Mang Delfin kay Mang Henry na tinanguan siya. Ibinalik niya ang tingin kay Kap Ryan. “Nagdesisyon akong ayusin na lamang muna dito sa loob ng barangay ang lahat.”
Nagtiim bagang si kap Ryan. Nagbitaw ng mas malalim na buntong hiniga. “Bakit kailangan pang dito ayusin eh hindi naman ito isang simpleng pag-aaway lng ng mag-asawa. Delfin, droga ‘to! Nahuli ko ang promotor ng pagpasok ng droga dito sa Isla Azul tapos ang gusto mo ay ayusin lang ng pag-uusap dito?!”
“Iniisip ko lang na baka masyadong maeskandalo ‘tong isla natin,” kalmado pa rin si Mang Delfin.
Muling humugot at bumuga ng malalim na buntong hininga si Kap Ryan. “Puro eskandalo at panagalan nitong Isla Azul ang iniisip ninyo! Kaya hindi totoong natatahimik ‘tong isla dahil sa mga pangungunsinti ninyong may kapangyarihan sa ganitong krimen!”
“Alam mo kanina ka pa, eh. Masyado nang matalas ang bibig mo. Akala mo kung sino ka na, eh dayo ka lang naman dito!” nagpintig na rin ang tainga ni Mang Henry.
“Oo, dayo lang ako pero ako na ang kapitan sa lugar na ito!” Tumayo na si Kap Ryan ng akmang susugurin siya ni Mang Henry na pinigilan ng mga kasama.
“Ako pa rin ang dati at naunang kapitan –”
“Dating kapitan…” madiin at putol ni Kap Ryan sa sinasabi ni Mang Henry. “Dahil kahit saang dokumento mo tingnan… Ako pa rin ang bagong pinuno sa isla na ‘to!” Inilibot niya ang paningin sa mga kasamang nasa loob ng barangay hall. “At h’wag ninyong kakalimutan lahat ‘yan!”
Wala nang pumigil sa ginawang paglalakad ni Kap Ryan palabas ng barangay hall. Lahat ay tahimik na nakasunod ang tingin sa kanya.
Samatalanag malalim ang paghinga ni Mang Henry. Nanganagatal ang panga sa sobrang gigil at galit na nararamdaman. “May araw ka rin sa akin, hayop ka!”