noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 56

Ch. 57 / 98 Feb 05, 2022

Madalas kapag ganitong malalim na ang gabi ay mga kuliglig na lang sa labas ang namamayani sa paligid. Naalimpungatan si Cristy na may ibang ingay na narririnig. Bukas ang bintana at pumapasok sa kwarto nila ang liwanag ng bilog na buwan mula sa kalangitan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang kapatid niyang si Nonoy na mahimbing na natutulog. Muli siyang nakiramdam sa paligid.

Tunog ng kutsara na inihahalo sa isang tasa.

Huni ng ibon at kuliglig sa labas ng bahay.

Mga boses ng papa at mama niya sa labas ng kwarto.

“Wala pang tatlong oras kang nakahiga kanina, bumangon ka na kaagad,” ani Aling Nimfa nang maupo sa katapat ni Kap Ryan. “Heto ang kape mo.”

“Hindi mo naman kailangan bumangon kaagad para ipagtimpla ako ng kape,” tugon ni Kap Ryan habang abala sa pagbabasa sa mga papel na kaharap. Alas quarto pa lang ng madaling araw.

Bumuntong hininga si Aling Nimfa habang hinahalo ang sariling tasa ng kape. “Alam ko naman kasing mas tumataas kahit paano ang energy mo kapag may iniinom ka na matapang na kape. Ano ba ‘yang binabasa mo?”

“Mga kopya ng CCTV footage mula sa kabilang isla.” Ikinalat ni Kap Ryan ang mga papel sa ibabaw ng lamesa upang mas makita ng asawa. Inabot niya ang kape at saglit na hinipan bago humigop ng kaunti.

“Tungkol pa rin ba ‘to sa droga?” tanong ni Aling Nimfa habang hawak ang ilang papel.

Tumango si Kap Ryan.

“Teka, hindi ba…” Hindi itinuloy ng ginang ang sinasabi nang makita ng mas malinaw ang mukha ng mga naandoon sa papel.

“Sina Lester ‘yan, kasama ang kumpare niyang isa sa mga tanod ko.” Napapailing na ibinaba ni Kap Ryan ang tasa ng kape.

“Ang ibig bang sabihin, sila ang lumalabas ng isla para kumuha at magpasok ng droga dito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Aling Nimfa. Alam niyang lulong sa sugal ang asawa nitong si Sonia. Pero hindi iton dahilan para pasukin ng asawa nito ang napakagulong mundo ng bawal na gamot.

“Malakas ang kutob ko na, oo. Pero wala pa akong katibayan dahil hindi naman kita sa mga kopya na ito na may hawak silang droga.” Muling humigop ng kape si Kap Ryan.

“Sila lang talaga ang nakakalabas-pasok sa isla ng hindi pinaghihinalaan ng ibang tao dito.” Bumuntong hininga muli si Aling Nimfa. Isa sa mga unang taong nanirahan sa isla ang pamilya nina Mang Lester. Kaya sino ang maghihinala sa mga ito na dudungisan ang pangalan ng isla Azul?

“Sa tingin ko hindi talaga sila paghihinalaan dahil may mga taong nagtatakip sa kasalanang ginagawa nila.”

Binitawana ni Aling Nimfa ang mga papel at seryosong tumingin sa asawa. “Marami ba sila?”

“Hindi ko alam. Ang sigurado lang ako, mga taong matagal ng naninirahan dito sa isla ang tanging may lakas ng loob na gawin ang mga bagay na ‘yon. ‘Yung mga taong hindi paghihinalaan dahil may pera sila… Kapangyarihan… At awtoridad. Kaya kahit masira ang pangalan ng Isla Azul na iniingatan nila, sila rin ang gagawa ng paraan upang malinis ito.”

Wala sa loob ng nag-aalalang hinawakan ni Aling Nimfa ang kamay ni Kap Ryan. Nagtama ang mga tingin nila. “Sa totoo lang, kinakabahan na ako sa ginagawa mo, mahal. Hindi dahil lang sa natatakot ako na baka mapahamak kami ng mga anak mo, pero mas natatakot ako na pag-initan ka nila. Lalo na at hindi mo alam kung sino talaga ang kakampi at kaaaway mo dito sa isla.”

Bumuntong hininga si Kap Ryan. Naiintindihan niya ang asawa niya pero hindi niya mapigilan ang sarili na gawin ang mga bagay na taliwas sa mali kahit alam niyang ikakapahamak niya pa. Iniwanan niya ang buhay pulitika sa Maynila nang minsang malagay sa panganib ang pamilya niya. Humanap siya ng isang tahimik na lugar para sa kanila. At hindi kasama sa mga plano niya ang muling maging isang pinuno sa maliit na isla na nilipatan.

Maayos naman ang pamamahala ni Mang Henry noon bilang isang kapitan dito sa Isla Azul nang dumating sila. Pero sa loob ng ilang buwan na paninirahan nila noon, napansin niya na may kulang sa ginagawa nito. Lalo na sa paghihigpit sa mga tao sa isla na lumabas ng dis oras ng gabi, pagtanggap ng mga turista na wala man lang pagkakakilanlan at ang pagtatago ng mga krimen kagaya ng droga sa mga tao at media. Masyadong nitong ipinapakita sa lahat na tahimik at walang bahid ng kasamaan ang Isla Azul. Wala siyang balak na makialam no’n. Alam ng asawa niya kung ilang beses niyang pinigilan ang sarili niya. Pero nang minsang may muntik nang masaktan at ma-rape na bata dahil sa isang taga-isla na lulong sa droga ay kumilos na siya. Hindi siya tanod pero mas madalas pa siyang rumonda sa gabi upang ikutin ang maliit na isla at siguraduhing walang napapahamak. Doon niya nakilala si Mang Delfin, ang pulis na nakadestino sa Isla Azul. Tinulungan siya nito sa pag-aayos ng mga malilit na bagay sa isla kagaya na lamang ng pagkakaroon ng curfew at paglista sa mga pangalan ng mga turistang dumarating at umaaalis. Nakita ng mga taga-isla ang ginagawa niya. At pagkalipas ng isang tao, ang mga taga-Isla Azul na mismo ang nagkumbinse sa kanya na tumakbo bilang kapitan. Sinubukan lang niya pero hindi siya umasa na mananalo siya dahil sa halos sampung taon na sa pagiging pinuno si Mang Henry. Siya lang ang naglakas loob na kumalaban dito. Nangako rin siya no’n na kung hindi siya palarin, magpapatuloy pa rin siya sa ginagawang pagbabantay sa isla kahit wala siyang posisyon. Hanggang sa nanalo nga siya at nabali niya ang halos isang dekadang pamumuno ni Mang Henry sa Isla Azul. At sa tatlong taon niyang pagiging barangay captain, isa lang ang nakikita niyang krimen na paulit-ulit na nangyayari sa isla. Ang paglabas masok ng droga. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang maging kuta ng mga Drug Lord ang maliit at tahimik nilang isla.

“Mahal…”

Ang boses ni Aling Nimfa at pagpisil nito sa kamay ni Kap Ryan ang nagpabalik sa gunita niya sa kasalukuyan. Ngumiti siya dito. “Mag-iingat ako palagi.”

Napalunok ng laway si Crity habang lihim na nakikinig sa pag-uusap ng mga magulang niya. Ang tatay ng kaibigan niyang si Mel ang pwedeng isa sa mga drug pusher na matagal nang gustong makulong ng papa niya. Pero sino pa kaya ang ibang tao na tinutukoy ng papa niya? Umalis sila sa Maynila para sa isang tahimik na buhay. Lumayo sila sa gulo. Pero bakit parang sinusundan sila? Bakit parang mas nakakatakot ngayon?

****

Magkatabi sina Jojo at Mel na nakaupo sa may gilid ng ilog mabato. Isang tagong ilong na madalas nilang tambayang magbabarkada. Pinapanood ng dalawa sina Jin at Lila na kanina pa naghaharutan sa tubigan. Naglalaba kasi si Lila at tinutulungan ito ni Jiin.

“Parang nanonood lang ng pelikula, ah!” natatawang bati ni Cristy na umupo sa gitna ng dalawang binatilyo.

“Ang ganda kasi ng bidang babae,” nakangiting sagot ni Jojo na hindi maalis-alis ang tingin kay Lila.

Ngumiti si Cristy habang nakalingon kay Jojo. Bakas sa mga mata nito ang labis na paghanga sa tinititigang dalagita. Sa kanilang magkakaibigan, si Jojo ang may pinakamaskuladong pangangatawan. Hindi batak sa pangingisda pero sa training sa tatay nitong pulis. Ang alam niya rin ay may pagkamabigat ang kamay ni Mang Delfin kay Jojo lalo na kapag hindi nito nasusundan ang workout na pinapagawa, tamang bilang ng takbo, push up, sit up at kung ano-ano pa. Kaya siguro maagang gumanda ang pangangatawan nito. “Gusto mo talaga ang bestfriend ko, ‘no?”

Ngumiti si Jojo. Medyo mapait na ngiti. “Matagal na… Pero matagal ko na ring alam, na hindi ako ang gusto niya.”

“Paano mo nasabi? Baka naman judgmental ka lang,” pag-uusisa ni Cristy.

“Si Lila mismo ang nagsabi sa akin. Ayaw niya raw na umasa pa ako at sayangin ko ang oras ko sa kanya,” malungkot na kwento ni Jojo. Sa totoo lang, hindi na rin kailangan sabihin ni Lila ang bagay na ‘yon. Ramdam na niyang kahit mas lamang siya kay Jin ng hitsura at pangangatawan, mas lamang naman ang patpatin niyang kaibigan sa puso ng babaeng mahal niya. “Pero okay lang. Maaga pa para sumuko ako. Malay natin, magbago ang ihip ng hangin at ma-realize niya na hindi niya kayang sakyan ang exaggerated na imagination ni Jin.”

Natawa si Cristy at tinapik si Jojo. “Ikaw talaga, inasar mo pa si Jin.” Bumuntong hininga siya habang ang mga tingin ay nasa mahinang agos ng tubig ilog. “Ang seryoso ng usapan ng mga tatay natin sa party ni Harris ‘no?”

“Medyo. Pero alam mo, nakukuha ko naman ang point ni kapitan. Dapat talaga mahuli na ang kung sinoman ang nagpapasok ng mga droga dito sa isla natin.” Updated si Jojo sa mga krimen o kaguluhan na nangyayari sa isla at kalapit na iba pang isla. Gusto rin kasi ng papa niya na hindi siya nahuhuli sa balita para makasanayan na niya. “Sila lang kaya ang sumisira dito sa isla natin. Si papa lang kasi, hangga’t maaari, ayaw niya rin na lumabas sa media ang nangyayaring hindi maganda dito sa atin.”

“Sobrang iniingatan din ni Mang Delfin ang pangalan ng Isla Azul ‘no?” pansin ni Cristy.

“Gano’n yata kapag mga unang tao dito sa isla. Masyadong O.A. sa pagiging protective.” Tumayo na si Jojo at nag-inat. “Oh, alis muna ako. Mukhang matagal pa matatapos ang pelikula na pinapanood ko na may magandang bidang babae.” At pagkatapos magpaalam kayna Lila at Jin ay umalis na siya. Mga ganitong hapon kasi ay kailangan pa niyang mag-jogging biglang pagsunod sa schedule na binigay sa kanya ng papa niya.

“Uhmmm. Mel, okay ka lang?” tanong ni Cristy sa naiwang binatilyo na nasa tabi niya. Kanina pa ito tahimik.

“O-oo naman,” tipid na sagot ni Mel.

Ngumiti si Cristy at hinawakan sa braso si Mel. Kilala niya ito bilang pinakamaingay at palabiro sa barkada. Na ngayon ay parang malapit ng mapanisan ng laway sa sobrang katahimikan. “May gusto ka bang ikwento?”

Hindi kaagad sumagot si Mel. Napakagaan kasama ni Cristy. Sa kanilang magbabarkada, ito ang pinakamasarap kwentuhan ng problema. Pero kaya na nga ba niyang magkwento?

“Kilala mo ako, pwede mo akong pagkatiwalaan. Alam ko na gagaan ‘yang loob mo kapag nailabas mo na ang kinikimkim mong bigat,” ani Cristy.

Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Mel. “Si daddy kasi. Pakiramdam ko meron siyang hindi magandang ginagawa sa sinasabi niyang bagong business na pinasok niya.”

“A-anong business?” tanong ni Cristy kahit parang alam niya na kung ano ‘yun.

“Hindi ko nga alam. Pero madalas nilang pag-awayan ‘yon ni mommy.” Pakiramdam ni Mel ay ayaw na niyang malaman pa kung ano ang negosyong pinasok ng daddy niya. Sigurado kasi siyang illegal na naman iyon. “Wala talaga akong pakialam sa kung anong ginagawa o pinapasok niyang negosyo. Nakakairita lang madalas sa bahay ‘yung almusal at hapunan na puro away nila ni mommy ang naririnig ko. Kaya nga mas gusto ko na kasama kayo kaysa umuwi ng maaga.”

Ramdam ni Cristy ang pigil na luha ni Mel. Ngayon lang kasi ito nakakapagkwento ng tungkol sa problema sa bahay.

Naramdaman ni Mela pagpagpisil ni Cristy sa braso niya at sinalubong ang mga tingin nito. Nakangiti ang mga labi na tila pinapalakas ang loob niya.

“H’wag kang mag-alala. Maayos din ang lahat sa pamilya mo, Mel.” Hindi sgurado si Cirsty sa sinabing iyon. Hindi rin niya ma-imagine kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag napatunayan ng papa niya ang lahat ng akusasyon sa daddy ni Mel. Masisira kaya ang pagkakaibigan nila kahit ginagawa lang naman ng papa niya ang tama para sa Isla Azul?

****

“Napakayabang!” singhal ni Mang Lester bago ibinagsak sa kaharap na lamesa ang bote ng alak.

“Akala mo kung sino!” inis na dagdag ni Mang Celso.

“Dayo lang dito sa isla natin pero kung umasta, parang mas matagal ng nakatira dito,” may gigil na sang-ayon ni Mang Mario.

Nakangisi pero napailing si Mang Henry sa nakikitang reaksyon ng mga kasama sa inuman. Ganitong-ganito ang pakiramdam niya mula nang dumating si Kap Ryan at mas lalo na no’ng napalitan siya nito sa position niya bilang pinuno ng buong isla. Muli siyang uminom ng alak mula sa sariling bote na hawak. May isang oras na silang magkakasama sa bakuran ng bahay nina Mang Celso. Marami na rin silang naubos na bote ng alak kayao halos pare-pareho na silang lasing. “Alam ninyo bang sabi ni Jojo, hindi titigilan ng lalaking ‘yon ang tungkol sa isyu ng droga.”

Napahinto sa pag-inom ng alak dahil sa inis si Mang Lester. Siya kasi ang mapapahamak kapag nagkataon dahil siya ang kauna-unahang nagdala ng droga dito sa Isla Azul. May nakilala lang siya sa kabilang isla na nagsu-supply hanggang sa magkaro’n na siya ng sariling mga tauhan. “Napaka-gago talaga.”

“May balak pa yata siyang sirain angb pangalan ng isla na ito.” Hindi makapapayag si Mang Celso kapag nangyari ‘yon. Hindi siya kasama sa mga nagbebenta ng droga pero isa siya sa mga nagtatakip sa mga ginagawa ni Mang Lester dahil ayaw niyang masira ang pangalan ng isla. Ayaw na niyang lumaki pa ang issue tungkol sa droga. Isa pa, kilala niya si Mang Lester. Halos sabay na rin silang tumanda dito, alam niya kung gaano ito kaingat magtrabaho. Kung hindi lang talaga dumating at nagsimulang makialam ang dayo na si Kap Ryan, hindi nito mahuhuli ang ibang tauhan ni Mang Lester.

“Hindi na maganda ang nangyayari simula ng dumating siya dito sa atin. Pati ulo ni Jojo, nabibilog na niya.” Malayo ang tingin ni Mang Henry habang nagsasalita. Nagmu-multitasking ang isipan niya. Dahil habang kausap ang mga kasama, may kung anong naglaalaro sa isip niya. Isang dalagitang maputi at makinis ang kutis, matangos ang ilong at medyo kulot ang mahabang buhok. Ang dalagitang laging kasama ng anak niya. Si Cristy. Mga gano’n ang tipo niya na ikinakama. Bata. Sariwa. Birhen. ‘Yong tipong maririnig niya ang mga iyak habang winawasak niya. ‘Yong makikita niya ng mukha habang nagmamakaawa sa kanya. Napapailing na muli siyang lumagok ng alak mula sa bote. Gustung-gusto na niyang matikman ang batang ‘yon.

“Pero alam ninyo, napansin ko. Parang masarap tikman ‘yong asawa niya,” nakangising sabi ni Mang Celso. Matagal na siyang may pagnanasa kay Aling Fatima. Kaya nga dito siya madalas bumibili ng gulay kahit hindi naman mahilig sa gulay ang nag-iisa niyang anak na si Grace. Gusto niya lang na nakikita ng malapitan ang babae. Naamoy ang natural na pabango nito. At saglit na nagdidikit ang mga balat nila kapag nagaabot siya ng bayad o kumukuha ng sukli.

“Umandar na naman ang pagiging manyakis mo!” natatawang tugon ni Mang Lester kahit ang totoo ay may pagnanasa rin siya sa babaeng pinag-uusapan. Halos kalahati lang kasi ng asawa niya ang katawan ni Aling Nimfa.

“Sang-ayon ako sa sinabi mo, Celso. Ang kurba ng katawan. Parang walang anak.” Pakiramdam ni Mang Cesar at nabubuhay ang laman sa pagitan ng mga hita niya nang maalala ang hitsura ni Aling Nimfa kapag naglalaba sa ilog kasama ang asawa niya. Hindi naman ito masyadong nagpapakita ng balat pero parang nahuhubaran na rin niya ng mga tingin. Napakakinis ng balat at ang sarap dilaan lalo na kapag tumutulo ang pawis dahil sa sikat ng araw. Hindi kagaya ng asawa niyang kulubot na ang balat at puro guhit pa ng wrinkles ang mukha. “Ang sarap laspagin.”

Lalong napangisi si Mang Henry. Pare-pareho talaga sila ng takbo ng utak at bituka ng mga kaibigan niya. Mukhang magkakaro’n na siya ng pagkakataon na makatikim ulit ng birhen na hiyas. “Kailangang maturuan na nating ng leksyon ang lalaking ‘yon…”