“Bakit parang biglaan naman yata ang naging desisyon ng pag-alis mo?” may bahid ng lungkot ang boses ni Nanay Harwina.
“May kinalaman ba ito sa mga gulong nangyrai dito sa Isla Azul?” seryoso man ang boses ay bakas din ang lungkot kay Tatay Poncio.
Pilit na ngumiti si Rose bago umiling. Tatlo silang nagsasalo-salo sa hapunan nina Tatay Poncio at Nanay Harwina nang sabihin niya na babalik na siya ng Maynila sa makalawa. Mabigat din iyon para sa kanya lalo na at alam niyang mabibigla ang mag-asawa sa naging desisyon ninyo. “Wala pong kinalaman ang mga nangyaring gulo. Nakatanggap po kasi ako ng email mula sa pinagata-trabahuhan kong kompanya na nire-request na nila akong bumalik.”
“May bumabagabag ba sa ‘yo, anak?”
Sinalubong ni Rose ang nag-alalang tingin ni Tatay Poncio. “Wala po ‘tay. Sariling desisyon ko po ang pagbalik sa Maynila.”
“Mukha namang buo na talaga ang isip mo sa pag-alis dito. Paano naman kayo ni Harris?” muling tanong ni Tatay Poncio.
“Nakapag-usap na rin po kaming dalawa. Ang sabi niya po, nandito po sa Isla Azul ang buhay niya. Kaya titingnan na lang po namin kung anong pwedeng mangyari kapag nasa Maynila na ko,” sagot ni Rose. Alam niyang kaya niyang kumbinsihin si Harris na sumama sa kanya sa Maynila. Bukod sa mas maganda ang magiging career nito do’n bilang isang doktor, magkakasama pa silang dalawa. Pero hindi niya iyon ginawa. Mas gusto niyang magkaro’n ng sariling desisyon si Harris. Kagaya ng sinabi niya kayna Tatay Poncio, titingnan na lang nila ni Harris kung may patutunguhan pa ba ang kung ano man ang mayroon sila sa oras na magkahiwalay sila ng landas.
“Babalik ka pa ba dito sa amin?” Hindi na maitago ni Nanay Harwina ang lungkot. Mabuti na lang at patapos na siyang kumain dahil tuluyan na rin siyang nawalan ng gana.
Matamis na ngumiti si Rose. “Siyempre naman po. Babalikan ko po kayo ni Tatay Poncio. At kung kayo naman po ang mapapasyal sa Maynila. Bukas na buks po ang bahay ko para po sa inyo.”
“Salamat, anak. Alam ko naman na kahit paano ay nag-enjoy ka sa pagpunta mo dito sa isla namin,” ani Tatay Poncio.
“Mas na-enjoy ko po ang pag-stay ko dito sa Isla Azul nang dahil po sa inyo ni Nanay Harwina. At ang mga araw na magkakasama tayo ang isa mga hindi ko po makakalimutan sa buhay ko.” Pigil ang mga luha ni Rose habang nagsasalita. Kung pwede lang sanang hindi na siya bumalik pa ng Maynila. Pero malapit nang matapos ang mga plano niya dito sa Isla Azul. At hangga’t maaari, gusto niyang iiwas sa mga plano niya ang dalawang matanda. “Salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin hindi bilang turista sa bahay na ito… kung hindi parte ng inyong buhay at pamilya.”
****
Makapal ang suto na jacket ni Rose pero naunuot pa rin ang malamig na simoy ng hanging dagat hanggang sa balat niya. Pinapatayo ng lamig ang mga balahibo niya sa braso. Maliwanag ang bilog na buwan mula sa kalangitan, kaya nakikita niya ang payapang mga alon ng dagat.
Ilan araw na lang siyang mananatili dito sa Isla Azul. Hindi niya pa talaga gustong umalis dahil ayaw niyang iwanan sina Tatay Poncio at Nanay Hawrina. Napakasarap kasi sa pakiramdam na may mga magulang siyang nag-aalaga sa kanya at nagpaparamdam ng pagmamahal. Ayaw niya ring muling malayo kay Harris. At alam niyang ganoon rin iro sa kanya. Pero ito ang desisyon na kailangan niyang gawin. Bago pa may mga sumunod na madamay at mapahamak.
Mabigat din naman sa loob niya na may mga inosenteng nadadamay dahil sa paghihiganting ginagawan niya. Ang asawa ni Mang Lester na si Aling Sonia… Si Grace… At pati na rin si Mel.
Hindi madali ang lahat sa kanya hindi kagaya ng sinasabi nina Jojo at Jin. Pero anong magagawa niya? Mas mahalaga pa rin sa kanya ang pakay niyang paghihiganti. Dahil sila mismo ng pamilya niya ay minsang naging inosente dito sa Isla Azul.
Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa mga pisngi bago niyakap ang mga braso. Ito na siguro ang huling beses na pagpunta niya dito sa Isla Azul. Dahil habang tumatagal siya dito sa isla, pakiramdam niya, anumang oras ay masisiraan na siya ng bait dahil sa matinding galit at poot na nararamdaman. Lalo na kapag bumabalik sa alaala niya ang lahat ng mga nangyari.
“Sinabihan ka na ni Mario na umalis dito sa isla namin, pero hindi ka nakinig…”
Saglit na nagtiim ang bagang ni Rose nang marinig ang boses na ‘yun. Nagbuga ng malalim na buntong hininga bago nakangiting humarap sa nagsalitang si Mang Celso na nakatayo hindi kalayuan mula sa kanya. “Mang Celso… Kayo po pala. Kumusta po ang libing ni Grace?”
“Ang kapal ng mukha mong kumustahin ang anak ko. Ikaw na isa sa mga dahilan kung bakit siya namatay. Kayo ng hayop ng lalaki mong si Adolph!” nanggigigil na sabi ni Mang Celso. Umaga nang ilibing si Grace kanina. At matagal niyang pinag-isipan ang pagpuntang gagawin kay Rose, dahil anumang oras ay sigurado siyang mayroong mangyayaring hindi maganda.
Natawa naman si Rose sa huling sinabi ni Mang Celso. “Sandali lang po Mang Celso. Itatama ko lang po… Si Adolph ay hindi ko naging ka-relasyon kahit kailan. At wala po akong balak na agawin siya mula sa anak inyong si Grace. Alam mo, parehas na parehas kayo ng kaibigan ninyong si Mang Mario. Ang hirap ninyong maka-gets.”
Lalong nanggalaiti sa galit si Mang Celso nang magpunas ng luha si Rose dahil sa pagtawang ginagawa nito. May pagkalito rin sa isipan niya dahil ang buong akala niya ay mayroon ng relasyon si Adolph at ang babaeng turista.
“Si Adolph lang po ang parang asong ulol na habol ng habol sa akin.” Bumuntong hininga pa si Rose bago nagpatuloy sa pagku-kwento. “Sa totoo lang, pinagtatabuyan ko na nga siya sa anak ninyo eh. Dahil alam ko kung gaaano kapatay na patay si Grace kay Adolph, at naaawa na ako sa ginagawa niyang pagbebenta sa sarili niya para lang mahalin siya ng taong sa akin naman ulol na ulol. Nakakaawa siya Mang Celso. Nakakawa ang anak ninyo.”
“Hayop kang babae ka. Salot ka talaga sa isla na ‘to! Hindi ka tao mag-isip!” Halos hindi naghihiwayalay ang mga ngipin ni Mang Celso habang nagsasalita.
“Nagsalita ang nagpapanggap na tao pero mas hayop pa sa demonyo!”
Napahinto sa gagawing paglapit si Mang Celso kay Rose nang biglang mawala ang ngiti sa mga labi ng babaenng turista. Ang mga mata nito nandidilat at bgilang nanlabo dahil sa mga luha. Nangangatal ang mga labi na halatang nanggigigil sag alit.
“Anong pakiramdam, Mang Celso?! Anong pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay?!” Pinilit ni Rose na pigilan ang pangangatal ng mga labi, pati na rin ang pagkabasag ng boses niya, pero bigo siya. Hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili at magpanggap pa sa harap ng lalaking sumira ng buhay niya. Ito na ang huling parte ng paghihiganti niya. “Masaya ba? Masarap? Paano mo ba nakitang wala ng buhay ang anak mo? Nakangiti ba siya? Masaya? Alam mo, maswerte ka nga eh. Maswrte ka dahil hindi mo nakita paano siya mismo malagutan ng hininga. Dahil ‘yun ang mas dapat na nangyari sa ‘yo. Dapat nakita mo kung paano mamatay ang anak mo. Kung paano siya mahirapn. Paano siya umiyak habang humihingi ng tulong na kalagan mo ang tali sa leeg. Kung paano siya magmakaawa sa ‘yo na buhayin mo siya. Dahil ‘yun naman ang gusto mo ‘di ba?” Mas malalim na buntong hininga ang binitawan niya. Mas madiin ang bawat salita. “Ang makita kung paano mamatay ang isang tao! Kaya bagay lang na magsama sama kayo ng mga kaibiga mong mamatay tao!”
Ramdam ni Mang Celso ang galit sa lumuluhang mga mata ng babaeng turista. Ang gigil sa nangangatal na labi nito. Ramdam niya ang lalim ng poot nito sa kanya. Sa kanila ng mga kaibigan niya. Pero saan ba ‘yun nanggagaling? “S-Sino ka ba talaga?!”
Natawa si Rose. Ngayon ay hindi na maitatago ni Mang Celso ang kaba sa mukha nito. Pinunasan niya ang mga luha. Bago muling nakalolokong ngumiti. “Alam ninyo kayong mga demonyo kayo, kapag nasasarapan kayo, parang fresh na fresh palagi sa utak ninyo. Pero bakit kapag binabalikan na kayo ng mga kahayupan niyo, parang kayong nagkaka-amnesia bigla? Pare-pareho talaga kayo ng mga kaibigan mo!”
“Putang ina! Sabihin mo kung sino ka ba talagang babae ka!” sigaw ni Mang Celso. Magkahalong kaba, galit at pagkalito na ang nararamdaman niya ngayon. Isa lang ang sigurado siya, ang mga nagyayari sa Isla Azul ay hindi mga nagkataon lamang.
“Napakabilis talagang makalimot ng mga demonyong kagaya mo, ano? Ang alam ko, sina Harris lang naman ang tinanggal ng memorya tungkol sa amin. Bakit pati ikaw, parang bigla na lang walang maalala…”
Napalunok ng laway si Mang Celso. Bahagyang napaatras habang ang dibdib niya ay nagsisimulang bumilis at lumakas at tibok na tila ba lalabas na ang mismong puso niya. Hindi ito pwedeng mangyari. Imposible.
Nakangiting napailing si Rose. “Alam mo, magkakaibigan nga talaga kayo nina Kap Henry. Ganyan na ganyan din ang hitsura niya no’ng huling beses kaming magkausap. Nakakatawa kayo! Nakakaaw!”
“Paano ka nabuhay?!” Hindi na napigilan na tanong ni Mang Celso.
“At may lakas ka pa talaga ng loob na itanong ‘yan. Baka gusto mo na ring itanong… Kung paano ko nagawang patayin ang anak mo, nang hindi ko man lang ginagamit ang mga kamay ko.”
“Putang ina kang babae ka!” Binunot na ni Mang Celso ang baril mula sa likuran. Nanginginig ang mga kamay na itinutok iyon sa babaeng turista. Pigil ang mga luha dahil sa kaba at matinding galit. Alam na niya ang lahat… Naiintinidihan na niya. Si Rose… Hindi! Si Cristy! Si Cristy ang totoong dahilan kung bakit namatay ang nag-iisang anak niya. “Papatayin kita!”
“Celso!” sigaw ni Tatay Poncio. Kaagad siyang lumapit at pumunta sa harapan ni Rose.
“Umalis ka d’yan, Poncio! Hindi mo ba alam na salot ‘yang babaeng pinapatuloy ninyo ni Harwina sa bahay ninyo?!” sigaw ni Mang Celso.
“Ikaw ang salot! Kayo ang matagal ng salot dito sa isla! Kayo na mga naghahari-harian dahil sa mga pera ninyo!” sigaw ni Tatay Poncio. Matagal na niyang kinikimkim ang galit sa mgha taong kagaya ni Mang Celso. Mga taong may pera kaya kinakaya ang mga kagaya nilang isang kahig isang tuka. At naniniwala siya na kung ano man ang paghihirap na pinagdadaanan nito ngayon ay epekto lamang ng kasamaan ng ugali nito. “At anak mo ang nagdusa dahil sa kasakiman mo dito sa isla Azul. Karma ‘yan sa mga ginawa mong kasalanan at panggigipit sa mga taong humihingi ng tulong sa ‘yo! Si Grace ang sumalo ng lahat ng kasalanan mo!”
“Eh gago ka rin pa pala, Poncio eh! Magsama-sama kayo sa impyerno ng salot na turista na ‘yan!” Kinalabit na ni Mang Celso ang gatilyo ng baril na hawak niyang nakatapat sa kausap na lalaki.
“Tatay Poncio!” sigaw ni Rose nang pumutok ang baril at kaagad na tumama sa katawan ni tatay Poncio. Bumagsak ito sa lupa na kaagad niyang nilapitan.
“R-Rose…” Kapos man sa hininga ay nagawa pang hawakan ni Tatay Poncio ng mahigpit ang kamay ng turistang naging anak-anakyan niya. Saglit pa siyang naubo na may kasamang dugo. Hindi siya sigurado kung saan tumama ang bala ng baril na ipinutok ni Mang Celso pero naninikip na ang dibdib niya. At kung ito man ang senyales na mamamatay na siya, masaya siya dahil kahit paano ay nagawa niyang protektahan sa huling sandali ang buhay niya ang anak niya. “A-Anak…”
“Tatay Poncio… Tatay, gumising po kayo… Tatay!!!” palahaw ni Rose nang tuluyan nang pumikit ang mga mata ng matandang lalaki at bumitaw ang kamay mula sa kanya. Ilang malalim na paghinga ang ginawa niya bago ibinaling ang nanlilisik na mga mata kay Mang Celso. “Napakahayop mo! Napakademonyo mo talaga!”
“Bagay lang ‘yan sa lalaking ‘yan. Dahil masyado na siyang madaldal!” sagot ni Mang Celso.
“Tama si Tatay Poncio. Ang nangyari kay Grace ang karma mo!” Umiiyak na sabi pa ni Rose habang mahigpit pa ring hawak ang kamay ni Tatay Ponciong tila wala ng buhay. Wala ito sa plano niya. Hindi kasama sina Tatay Poncio. Pero nang dahil sa isa sa mga lalaking sumira ng buhay niya, muli niyang naramdaman kung paano mawalan ng isang tatay. “Hindi ako nagsising dinamay ko siya sa paghihinganti ko dito sa inyo!”
Muling nanginig ang mga kamay ni Mang Cleos na may hawak nab aril at nakatutok sa babaeng turista. “Bakit kailangan mong gawin ‘yon! Nag-iisang anak ko si Grace. Bakit hindi na lang ako?! Bakit hindi na ako ang pinatay mo sa umpisa pa lang, putang in ka!”
“Putang in aka rin!” ganting mura at sigaw ni Rose. “Ang lakas naman ng loob mong tanungin sa akin ‘yan! Bakit ikaw?! Kayo ng mga kaibigan mo!? Anong naging kasalanan namin sa inyo ng pamilya ko para sirain ninyo kami at patayin?! Ano!? Ang hahayop ninyo! Mga demonyo kayo! Mga demonyo kayong lahat.”
“Hayop kang babae ka! Magsama-sama kayong lahat sa impyemrno!”
Isang malakas na putok pa ng baril ang narinig ni Rose bago siya tuluyang napayakap ng mahigpit sa duguang katawan ni Tatay Poncio.