noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 73

Ch. 74 / 98 Feb 05, 2022

“Adolph, sandali…” Habol ni Jin kay Adolph na pilit na umiiwas sa kanya. Naisip niya na tama si Jojo, hindi nila pwedeng pakialaman si Rose pero hindi rin pwedeng wala silang gawin upang mapigilan ito sa mga gagawin nitong gawin na ikapapahamak ng mga tao sa Isla Azul.

“Pwede ba paps, h’wag mo nga akong kausapin. Hindi ako kumakusap ng mga traydor na kaibigan!” paasik na sagot ni Adolph habang patuloy sa paglalakad pauwi sa bahay.

“Hindi mo kasi ako naiintindihan eh. Maraming pwedeng mapahamak kapag nagdesisyon ka na lang basta-basta.” Pigil na pigil si Jin sa sarili na sabihin ang lahat kay Adolph.

Malapit na sa bahay si Adolph nang huminto siya sa paglalakad at hinarap si Jin. Tinulak-tulak niya pa ito. “Ano bang ibig mong sabihin?! Anong hindi ko maintindihan?! Na pailalim ka pala tumira? Na kunwari wala kang pakialam at wala kang gusto kay Rose, pero ang totoo. Mas hayok na hayok ka pa palang matikman siya.”

Suminghap si Jin bago saglit na kinagat ang labi. “Tsk! Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa ‘yo.”

“Ang ano ba?!” Pinanlakihan ni Adolph ang mata ang kausap. “Kung paano mo siya nilalandi habang abala ako sa lecheng kasal na ‘yon?! Jin, pinagkatiwala ko sa ‘yo si Rose. Tapos gusto mo pang mauna na makatira sa kanya?! Tang-ina, Jin! Tang-ina lang talaga. Tang-ina mong kaibigan!”

“Sige na, ako nang gagong kaibigan! Pero hindi kasing kitid ng utak ko ang utak mo! Hindi ako manunulot ng babaeng gusto ng kaibigan ko. At uulitin ko, wala akong gusto sa babaeng turista!” giit ni Jin. Nagtataas na rin siya ng boses.

Napailing si Adolph. Kilalang-kilala na niya si Jin. Alam niya tuwing kailan ito nagsasabi ng totoo o kinakabahan at nauutal kapag nagsisinungaling. Sa paraan ng pagsasalita nito ngayon, nababakasan niyang hindi nagsisinungaling ang kaibigan niya. Pero bakit naman si Rose ang magsisinungaling at gagawa ng kwento? “Ewan ko! Hindi ko na alam.” Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod pa rin sa kanya si Jin na walang tigil sa pagsasalita.

At sa pagbukas ni Adolph ng pinto ng bahay ay kaagad na nanlaki ang bilugan niyang mga mata. “’Tay!” Nilapitan niya si Mang Mario na walang malay na nakahandusay sa may sala ng bahay. “’Tay! Tatay, gumising po kayo!” Bahagya niyang tinapik-tapik ang pisngi nito at nang mapulsuhan sa leeg ay kaagad na binalingan si Jin. “Tulungan mo akong dalhin siya sa kabilang isla!”

*****

“Mabuti at naitawid ninyo kaagad siya dito sa isla namin. Kung hindi, baka mas malala na ang nangyari sa kanya,” anang doktor na kausap ni Adolph.

“Pero maayos na naman po siya, ‘di ba?” paninigurado ni Adolph. Pinagtulungan nila ni Jin na dalhin sa bangka at maitawid sa kabilang isla ang tatay niya. Alam niya kasing wala siyang aasahan sa clinic sa Isla Azul dahil bukod sa ayaw niyang humingi ng tulong sa karibal niyang si Harris, wala rin namang ibang doktor doon maliban sa binata.

Tumango naman ang doktor na nananatiling seryoso ang mukha. “Pero Adolph, hangga’t maaari sana ay hindi siya pwedeng bigyan ng kahit na anong sama ng loob. Mahina na ang puso ng tatay mo. At sa susunod na atake niya, baka hindi niya na kayanin.”

Napatulala si Adolph sa sinabi ng doktor bago ito nagpaalam at lumabas na ng kwarto. Tahimik na lumapit siya sa kama kung saan nakahiga ang wala pa ring malay niyang tatay. Nakatayo sa tabi nito si Jin na bumaling ang makaluhugang tingin sa kanya.

Nagbitaw siya ng malalim na buntong hininga.

“Alam kong nahihirapan ka ngayon…” ani Jin. Kailangan niyang samantalahin ang nangyayari.

“Mahal ko si Rose, Jin.” Ang mga tingin ni Adolph ay hindi naaalis kay Mang Mario. “At alam kong mahal niya rin ako.”

Napalunok si Jin sa huling sinabi ni Adolph. Pigil ang bibig na bumuka upang sabihin ang totoong nalalaman niya. Kaibigan niya si Adolph pero minsan niya ring naging kaibigan si Rose. At ito ang pinaka-biktima sa lahat ng nangyayari ngayon. Muli siyang lumunok ng laway bago nagsalita. “Sino bang mas importante sa ‘yo? Adolph, si Mang Mario na lang ang natitira mong kapamilya dito sa Isla Azul. Alam kong madalas ay hindi kayo nagkakasundo, pero hahayaan mo ba talagang may masamang mangyari sa kanya? At ikaw pa ang maging dahilan nang pagkapahamak niya?”

“Pero paano naman ako? Paano kami ni Rose?” ani Adolph.

“Anong paano kayo? Wala naman kayong relasyon ‘di ba?” pakiramdam ni Jin ay gusto niyang bawiin ang sinabi na ‘yon nang makita ang pagtiim ng bagang ni Adolph. Nasasaktan ito sa sinasabi niya. Nagpipigil ng galit. “Ang ibig kong sabihin, w-wala pa… W-wala pa naman talaga ‘di ba? At h’wag mong hintayin na mas maging komplikado ang sitwasyon kapag naging kayo na talaga, paps.”

Nagbitaw ng mas malalim na buntong hininga si Adolph. May point naman kasi lahat ng sinasabi ni Jin. Nahihirapan lang talaga siya. Dahil sa pagkakataon na ito, kakailanganin niyang pumili kung sino ang mas matimbang sa kanya… Ang nag-iisang taong natitira sa Isla Azul na kadugo niya? O ang babaeng kauna-unahang nagpatibok ng puso niya?

Nalilito na rin Jin sa mga ginagawa niya. Hindi naman talaga masamang tao si Rose. Pero ayaw na niyang may iba pang mapahamak sa Isla Azul. Ayaw na niyang may iba pang madamay. “Adolph, alam mo kung ano ang dapat mong gawin. Kung ano ang dapat na mangyari… At kung sino ang dapat mong piliin.”

*****

“Rose, anak… Gising ka pa ba?”

Kaagad na itinabi ni Rose ang ilang personal na gamit sa loob ng box. Umayos siya ng upo sa may harap ng salamin at nagkunwaring nagsusuklay ng buhok, bago sumagot sa nagtatanong na si Nanay Harwina na nasa may pinto ng kwarto niya. “Opo ‘nay… Pasok po kayo.”

“Pasensya ka na… Hindi kasi ako makatulog kaya nagbakasakali akong gising ka pa rin kagaya ko,” ani Nanay Harwina na tumayo sa may likuran ni Rose at nakatingin sa repleksyom nito sa salamin.

Ngumiti naman si Rose. “Ayos lang po ‘yon. Alam ninyo naman po na madilim na ang gabi kung makatulog ako.”

“Ang totoo n’yan, may gusto akong ibigay sa ‘yo. Eto…” Iniabot ni Nanay Harwina ang isang pang-ipit sa buhok na may nakadikit na maliliit na kabibe.

“Ang ganda po!” bulalas ni Rose. Hindi na siya tumanggi pa ng kunin ni Nanay Harwina ang suklay mula sa kamay niya at ito na ang magsuklay ng buhok niya. Inilagay na rin nito sa may gilid ng ulo niya ang ipit na gusto nitong ibigay.

“Siguro ay naririnig mo na paminsan-minsan, umiiyak ako sa madaling araw…” Malungkot ang boses ni Nanay Harwina.Bakas ang pagpigil nito sa sarili na maiyak. “Alam mo, pareho kayong mahilig magpahaba ng buhok ng anak ko, hindi nga lang kasing kintab ng buhok mo ang sa kanya…” gumuhit pa ang malungkot na ngiti sa maputlang labi ng matanda. “Pero pareho kayong ngumiti. At sa tuwing nakikita kita, palagi kong naiisip na... Kung nabubuhay pa siya hanggang ngayon, sigurado akong magkasundong-magkasundo kayong dalawa.”

Sinalubong ni Rose ang mga tingin ng repleksyon ni Nanay Harwina sa kaharap na salamin. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang bigat at sakit na dinadala sa napakahabang panahon.

Malambing na pinisil ni Nanay Harwina ang balikat ni Rose. “Kaya nga malaki ang pasasalamat namin at sa amin mo napiling tumira panandalian habang nandito ka sa Isla Azul. Hindi mo alam kung paaano mo kami napasayang mag-asawa at nabigayn ng kula ang buhay naming dalawa. Nang dahil sa ‘yo, naramdaman ulit nain kung paano magkaro’n ng isang anak.”

Humarap na si Rose sa matandang tuluyan nang hindi napigilan ang sarili na maiyak. Hinawakan niya ang kulubot at ugatin nitong mga kamay.

“Pasensya ka na…” dispensa ni Nanay Harwina.

Umiling si Rose, pigil na rin ang sariling mga luha. “Hindi ninyo po kailangang humingi ng pasensya. Wala naman po kayong naging kasalanan eh.” Pinisil niya ang mga kamay nito habang nakataas ang mga tingin sa mukha ng matanda. “At kung nasaan man po si Lila ngayon, sigurado ako na masaya siyang nakikitang napapasaya ko kayo ni Tatay Poncio.”

Niyakap na ng matandang babae ang nakaupo si Rose. Kahit paano ay malaki ang iginaan ng loob nila ng mag-asawa mula nang dumating dito sa bahay si Rose. May malaking espasyo sa bahay at buhay nila ang biglang napunan ng magandang turista. Espasyong napakatagal nang panahon at dahilan ng labis niyang pangungulila. “Salamat anak… Salamat at dumating ka sa bahay na ito.”

Hindi na nagsalita pa si Rose. Tinugunan na lamang niya ng mahigpit na yakap ang sinabi ni Nanay Harwina. Tahimik siyang umiyak. Kahit kailan, hindi na maibabalik pa ang buhay ni Lila. At alam niyang kahit kailan, hindi na rin muli pang babalik sa normal ang buhay ng mag-asawang kinikilala niyang mga magulang ngayon. Nagtiim ang kanyang mga bagang bago pasimpleng bumuntong hiniga at mapait na ngumit. ‘H’wag po kayong mag-alala. Dahil ito na ang magiging huling gabi ng katahimikan dito sa Isla Azul.’

****

“Magpapakasal ka na?” tanong ni Rose sa malungkot na boses. Yukot ang mukha niya at nagpipigil ng inis habang nakatalikod sa kausap na si Adolph. Ibinaba niya ang isang kilay at pinalungkot ang mukha bago hinarap ang kulot na binata. “Mahal mo talaga siya?”

“Hindi!” kaagad na sagot ni Adolph na lumapit kay Rose. Nakikita niya sa mukha nito kung gaano ito nasasaktan sa desisyong gagawin niya. “Ayoko naman talaga magpakasal eh… Wala akong kahit na anong nararamdaman para kay Grace,” sagot niya pa. Malalim na ang gabi nang makabalik siya sa Isla Azul samantalang naiwan naman sa ospital si Mang Mario. Dumiretso siya sa pampang kung saan sila madalas magkita ng turista.

“Ayun naman pala eh. Bakit hindi mo magawang mag-desisyon para sa sarili mo?!” pigil ang mga luhang tanong ni Rose. “Buhay mo ang pinag-uusapan dito… Kinabukasan mo…. Kaligayan mo, Adolph.”

“Rose, si tatay na lang ang nag-iisang pamilya ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may masamang nangyari sa kanya nang dahil sa akin.” Hindi naging madali para kay Adolph ang deisyon na ito. Ang pakasalan ang babae na alam niyang kahit kailan ayy hindi niya magagawang mahalin. Pero hindi niya kayang isakripisyo ang buhay ng tatay niya para sa sarili niyang kaligayahan.

“Kaya okay lang sa ‘yo na ikaw ang magsakripisyo? Okay na ikaw na lang ang masaktan?” pigil pa rin ang mga luha ni Rose. Kailangan niyang gamitin ang pagiging best actress award niya ngayon. Si Adolph ang isa sa mga susi para maisakatuparan niya ang lahat ng mga plano niya. At kapag isinuko siya nito, mas mahihirapan na siyang humanap pa ng ibang paraan.

“Mas importante sa akin ang buhay ni tatay kaysa sa pansarili kong kaligayan.” Ngayon pa lang ay hindi na ma-imagine ni Adolph na makakasama niya sa panghabambuhay si Grace. Pero anong magagawa niya. Baon na baon na sila sa utang ng tatay niya. At ssarili na lang niya ang kaya niyang ipambayad sa pamilya ng babaeng ipinipilit na pakasalan niya.

“Mas importante ba talaga siya kaysa sa akin? Kaysa sa nararamdaman ko? Kaysa sa nararamdaman natin para sa isa’t-isa?” Kasabay ng paghampas ng malaking alon sa karagatan ay ang paglandas na ng mabibigat mga luha sa magkabilang pisngi ni Rose. Nangangatal na ang kanyang mga labi at basag na ang boses.

Saglit na hindi nakapagsalita si Adolph habang titig na titig sa lumuluhang mga mata ng magandang turista. Kahit kailan ay hindi niya narinig mula dito na mahal siya nito. Pero sapat na ang makita niyang nasasaktan si Rose ng ganito upang makumpirma niyang pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t-isa.

Napasinghap si Rose bago napapailing at mapait na ngumiti. Pinunasan niya ang pisnging basa nan g mga luha. “I’m sorry. Hindi ko dapat sinasabi ito… Mas lalo ko lang ginugulo ang isipan mo.”

“Ako dapat ang mag-sorry, Rose… Kasi hindi kita kayang ipaglaban. Hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa ‘yo.” Pigil na rin ang mga luha ni Adolph. Gusto niyang magmura at magwala. Ngayon lang siya nasasaktan ng ganito dahil sa isang babae. “Kung kaya ko lang sana. Kung pwede lang na -”

Hindi na napigilan ni Rose ang sarili. Ito ang huling alas niya para muling makuha si Adolph. Pinutol na ng mainit niyang mga halik sa labi ng binata ang sinasabi nito. Ipinulupot pa niya ang mga braso sa batok nito upang mas magdiin ang mga labi nila. Hindi naman siya binigo ng binata. Kaagad itong sumunod sa pinaparamdam niyang ritmo ng kasabikang mahalikan ito. Hanggang sa maglaro na ang kanilang mga dila.

Kaagad na naramdaman ni Adolph na nagigising na ang kanyang pagkalalaki. Hinawakan niya sa may likuran si Rose at hinapit ito upang mas magdikit ang kanilang mga katawan. Upang mas maramdaman ni Rose ang katigasan ng kanyang kahabaan. Humihigpit ang hawak niya sa balakang nito. Mas lumalakas ang init ng katawang nararamdaman niya ngayon. Ang init na kahit kailan ay hindi niya naramdaman kanino man. Kahit pa sa babaeng nalalapit na niyang pakasalan.

Parehong hinihingal nang kumalas silang dalawa mula sa mainit na paglalaro ng kanilang mga labi. Hinaplos-haplos pa ng mga kamay ni Rose ang pisngi ni Adolph. Ang mga labi nitong bahagyang nabasa ng laway niya bago muling sinalubong ang makahulugang tingin ng mga mata nito. “Magkita tayo sa araw ng kasal mo. Sa Paraisong Azul. Gusto kitang makasama kahit sandali lang… Bago ka pa tuluyang mawala sa akin na panghabambuhay.” Ikinulong na niya sa magkabilang palad ang mga pisngi ng binata. Bakas na bakas niya sa mga mata nito ang magkahalong lito at pananabik. Muli niyang saglit na hinagkan ang mga labi nito. Banayad na halik na sinigurado niyang makakabasag ng desisyong bibitawan nito. “Maghihintay ako, Adolph.”