“Adolph! Adolph, buksan mo ito, lumabas ka d’yan!”
Bumaluktot ng higa sa matigas na kama si Adolph bago tinakip sa magkabilang tainga ang mga kamay. Sumasakit ang ulo at tainga niya sa malakas na pagsigaw ni Mang Celso at paghampas nito sa pinto ng bahay. Inaasahan niya na iyon buhat ng umalis si Grace kanina. Susugod ang tatay nito sa kanya upang bulabugin muli ang bahay at buhay niya.
“Putang ina mo, Adolph! Wala kang utang na loob!” muling sigaw ni Mang Celso.
Nagtatangis na ang bagang ni Adolph habang pinipigilan ang sarili na bumangon. Alam na alam na naman niya ang mga sasabihin pa ng lalaki sa oras na harapin niya ito, kaya bakit pa siya mag-aaksaya ng panahon na pakinggan iyon. Isa pa, wala nang sinoman ang makakapagpabalik sa kanya kay Grace. Hinding-hindi na siya makukumbinse pa na muling maging isang pambayad utang.
“Lumabas ka d’yang gago ka! Kung ayaw mong wasakin ko itong pinto ng bahay ninyong alam mong pagmamay-ari ko na! Manang-manang ka sa talaga sa patay gutom at walang utang na loob mong tatay!”
Napamulat na si Adolph sa huling sinabi ni Mang Celso. May kumirot sa isang bahagi ng utak niya na hindi niya inalintana. Hamakin na siya nito pero h’wag na h’wag idadamay ang namayapang tatay niya. Nanggigil na bumangon siya at mabilis na naglakad palapit sa pinto at kaagad iyong binuksan. “Putang ina mo rin, h’wag mong idadamay ang tatay ko dito!”
Saglit na napaatras si Mang Celso nang makita ang kakaibang galit sa mga nandidilat na mata ni Adolph. Namumula ang buong mukha nito. Pero kaagad na nanumbalik ang matinding galit niya dito at muling humakbang palapit sa binata. Kinuwelyuahan ito bago sinuntok ng malakas. “Wala kang utang na loob!”
Kaagad na bumagsak sa sahig na kawayan si Adolph. Sapo niya ang pumtok na labi.
“Napakawalang hiya mo! Pati anak ko dinamay mo sa kagaguhan mo!” pigil ang galit at luha ni Mang Celso. Kung pwede niya lang sanang patayin ngayon si Adolph ay ginawa na niya.
Dinura ni Adolph ang maalat niyang laway na may bahid ng dugo bago tumayo. “Eh anak ninyo naman nagpupumilit sa sarili niya akin eh. Kayong magtatay ang magkaparehong-magkaperaho dahil pilit ninyong inaangkin ang mga bagay o tao na kahit kailan, hindi ninyo makukuha!”
“Putang ina mo ka talaga! Napakawalang utang na loob mo!” Muling kinuwelyuahnni Mang Celso si Adolph at malakas na sinuntok pero hindi na ito bumagsak.
Napapailing na ngumisi si Adolph. Nagsisimula na siyang mamanhid physically at emotionally. Parang hindi na siya nasasaktan sa ginagawang pagsuntok sa kanya ng lalaki. “Sa tingin ninyo ba hindi pa kami bayad sa putang inang utang na loob na ‘yan pagkatapos ng ilang taon na pagpapaalipin namin sa inyo ng tatay ko? Pagkatapos ninyong ipilit sa akin ng paulit-ulit ‘yang bwiset na anak ninyo na kahit kailan, hinding-hindi ko naman magagawang mahalin!?”
Ramdam ni Mang Celso ang pamumula ng mukha niya dahil sa matinding galit. Hindi niya lubos maisip kung paaano nagkagusto kay Adolph ang nag-iisang anak niya na itinuring niya na prinsesa. Ang mahal na mahal niyang anak na sasaktan lamang pala ng isang kagaya ni Adolph. Bakit hinayaan niya pang makarating ang lahat sa ganito. Ang maging miserable ang buhay ng Grace ng dahil sa hayop tao na si Adolph. “Walang hiya ka talaga, Adolph! Paano ka ba nagustuahn ng anak ko!? Nakapawalang kwenta mong tao!”
“Putang ina! Tang ina talaga!” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Adolph bago nagsisigaw. “Oo na! SIge na! Wala na akong kwenta!”
Napahinto si Mang Celso sa gagawiang pagsugod sana ulit sa binata dahil sa bigla nitong pagwawala.
“Walang utang na loob! Patay gutom!” Hinawakan ni Adolph ang radyo naabot ng kamay niya at malakas na inihagis sa kung saan na kaagad nawasak. Ang electric fan na hindi kalayuan ay inihagis niya rin, kasunod ang malaking salamin at ang bangko na ilang ulit niyang inihampas sa dingding hanggang sa masira. “Ayan! Kunin mo na ang lahat ng mga gamit na ‘yan. Kunin mo na ang bahay na ito! Wala na akong pakialam. Putang ina! Putang ina ninyong lahat! Kamkamin ninyo na itong gamit ko. D’yan naman kayo magaling ‘di ba?! Manggipit sa mga taong ipit! Manamantala ng mahihinga! Napaka-swapang ninyo Mang Celso. Bagay lang sa inyo lahat ng nangyayari sa inyo dahil napakasama ng ugali ninyo!”
Humihingal na lumapit si Mang Celso kay Adolph bago ito muling sinuntok. At nang bumagsak sa lupa ay nilapitan niya at kinuwelyuahn. “Bawiin mo lahat ng sinabi mo! Balikan mo ang anak ko para matapos na ang gulo na ito, Adolph!” Labag sa kalooban niya ang sinabi niyang iyon pero alam niyang ito lang ang maaaring muling makapagbalik sigla sa anak niya. Muli niya itong nilapitan at kwinelyuhan.
Ngumisi naman si Adolph. Halos wala ng isang dangkal ang layo ng kanilang mga mukha mula sa isa’t-isa. “Patayin mo man ako ngayon kagaya ng ginawa mo sa tatay ko, hinding-hindi ko na babalikan pa ang anak ninyo. Patawad Mang Celso, pero hindi ko talaga kayang mahalin si Grace. May ibang babae akong gusto na makasama sa habambuhay.”
“A-anong sabi mo?! Matagal mo nang niloloko ang anak ko?!” nadidilat ang mga mata ni Mang Celso.
Umiling si Adolph. “Hindi. Matagal ng niloloko ni Grace ang sarili niya. Dahil kahit siya, alam niyang pinipilit niya lang ang sarili niya sa akin. Si Rose…. Ang babaeng turista. Siya lang ang kaya kong mahalin. Siya ang nag-iisa dahil kung bakit hindi ko kayang mahalin ang anak ninyo. H’wag kayong mag-alala, aalis din kami dito ni Rose at magpapakalayo dito sa Isla Azul. Magsasama kami ng tahimik at masaya malayo sa mga demonyong swapang na kagaya ninyo!”
Bakas na bakas ni Mang Celso ang galit sa mga mata ni Adolph. Halos hindi naghihiwalay ang mga ngipin nito habang nagsasalita. Wala sa loob na binitawan niya ang lalaki. Binunot ang itak na nasa tagiliran at akmang itataga dito.
“Sige patayin ninyo na ako!” Tumayo si Adolph at inilapit pa ang sarili sa lalaking bigla namang napaatras. Napangisi siya nang masindak niya ito. “Patayin ninyo ako kagaya ng ginawa ninyo sa tatay ko! Pero ito ang tatandaan ninyo, kahit kailan… Hinding-hindi ninyo ako mapipilit na mahalin ang anak ninyo. Ako ang lalaking nakatadhana sa babaeng turista dito sa ating isla. At siya lang….” Malakas na hinampas ni Adolph ang sariling dibdib. “Siya lang ang mamahalin nitong puso ko!”
Naiwang nakahabol tingin si Mang Celso kay Adolph na mabilis na naglakad palabas ng bahay. Napalunok siya ng laway dahil pakiramdam niya ay ibang Adolph ang kausap niya kanina lang. Nawala ang maamong binata na minsang naging sunud-sunuran sa kanya. Napalitan ng isang tila nababaliw na tigre. Pero baka ito nga ang totoong Adolph na matagal na nagpanggap na isang maamong tupa.
*****
Didiretso na dapat pauwi si Mang Celso pagkatapos ng mainit na pagtatalo nila ni Adolph sa bahay nito. Pero nagdesisyon siya na dumaan ng palengke upang bumili ng sariwang sabaw ng buko na pang-uwi niya sa anak niya. Paborito kasi iyon ni Grace. Kung hindi man ito kumain ng kahit na anong pagkain, kahit man lang sana sabaw at laman ng buko.
“Salamat,” ani Mang Celso nang makuha na ang buko. Naglalakad na siya paalis ng palengke at marahil dahil sa malalim na iniisip ay hindi niya sinasadyang mabunggo ang isang babae. Kaagad naman nitong pinulot ang nabitawan niyang platic na mga binili niyang buko at gulay.
“Pasensya na po.”
Napalunok ng laway si Mang Celso nang marinig ang isang pamilyar na boses lalo nang pumatong ang kamay niyo sa ibabaw ng isang maputing kamay. Dahan-dahan niyang itinaas ang mga tingin at nagsalubong ang mga mata nila ng isang napakaputi at magandang babae.
“Kayo po ang tatay ni Grace, hindi po ba?”
Muling narinig ni Mang Celso na sabi ng kaharap na babaeng tila nagliliwanag sa kaputian. Ang mga ngipin at ngiti nito ay napakapamilyar sa kanya. Lalo na ang bosses nitong hindi niya matandaan kung saan una at huli niyang beses na narinig. Nagdulot ng kakaibang kaba na dahilan upang bahagya siyang mapaatras. “Ikaw ang… Babaeng turista.” Halos pabulong sa saad niya.
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Rose. Nakikita niya ang pangamba sa mukha ng lalaki na labis niyang ikinatutuwa. “Kumusta po ang kasal ng anak ninyo?”
Kaagad na napalitan ng matinding galit ang nararamdaamn ni Mang Celso. Kaharap niya nga pala ang babaeng naging dahilan ng hindi pagsipot ni Adolph sa kasalan nito at ng anak niya. Nagtangis ang kanyang bagang. “H’wag ka na nga magpanggap na wala kang alam tungkol sa nangyari sa dapat na kasal ng anak ko.” Naalala niya ang kinwento ni Mang Delfin no’ng nakaraan lamang. Ito rin ang babaeng naging dahilan kung bakit nakapiit ngayon sa bilanguuan ang kaibiagn niyang si Henry. Nagkataon lang ba talaga ang lahat?
“Oh my God! Hindi po ba natuloy?! Ano pong nangyari? Kumusta na po si Grace?” painosenteng tanong ni Rose na umarte pang nag-aalala.
Hindi na napigilan ni Mang Celso ang sarili. At dahil medyo malayo sila sa mga tao ay nagawa niyang marahas na hawakan ang mapayat na braso ng babaeng turista. “Tumigil ka na sa pag-arte mo?! Alam ko namang tuwang-tuwa ka sa lahat ng mga kaguluhang nangyayari dito sa Isla Azul!”
Tumaas ang isang kilay ni Rose bago mapusok na ngumiti. “Paano mo nalaman? Kung pwede nga lang na magpa-lechon ako dito sa buong isla para lamang ipagdiwang ang pagdurusa ng anak mo, gagawin ko! Kaya lang naisip ko, wrong timing pala. Dahil kamamatay lang ng kaibigan mong si Mang Mario at nakapiit pa ngayon sa bilangguan si Kap Henry.”
Hindi kaagad nakapagsalita si Mang Celso pero mas lalong humihigpit ang hawak niya sa braso ng turistang kausap. Ngayon ay sigurado siyang natutuwa nga ito sa nangyari hindi lamang sa anak niya kung hindi pati na rin sa dalawang lalaking minsan niyang itinuring na mga kaibigan.
“Akalain mo nga naman, ang karma kahit gaano katagal, bumabalik at gumaganti pa rin. Karma ni Mang Lester, ni Mang Henry, ni Mang Mario. At ngayon…” Natatawa pa saglit siRose. “Karma mo naman.”
“A-ano bang sinasabi mo!?” Napalunok ng laway si Mang Celso. Bakas na bakas niya ang galit sa mga mata at boses ni Rose. Ang mapait na ngiti sa mga labi nito.
“Oh kanina, sinabi mong tumigil na ako sa pagpapanggap na walang alam… Bakit ngayon parang ikaw ang biglang nagkukunwaring walang alam!?” Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Rose. Lumalim ang paghinga at nanggigigil na nagpatuloy sa pagsasalita. “Pare-pareho kayo ng mga kaibigan mo asal hayop at demonyo. Kaya bagay lang sa inyo yan, Mang Celso! Kung ano man ang pagdurusang nararanasan ni Grace ngayon, karma mo ‘yan dahil sa kahayupanng ginawa mo noon. Bagay lang na maranasan ninyo ang impyerno habang nabubuhay pa kayo!”
Umangat ang isang kamay ni Mang Celso at akmang sasampal na sa mukha ni Rose.
Kaagad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Rose. Mula sa nanggigil sa galit ay napalitan ng mangiyak-ngiyak na mga mata at boses na halos sumisigaw. “Mang Celso, bitawan ninyo po ako. Wala po akong kasalanan sa inyo! Ayoko pong sumama sa inyo! Bitawan ninyo na po ako!”
Kaagad na nakuha ng dalawa ang atensyon ng mga ibang kalalakihan sa paligid. Lumapit sa kanila ang mga ito na dahialn upang mabitawan ni Mang Celso ang hawak na braso.
“Bitawan ninyo na po ako Mang Celso, lasing po yata kayo,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Rose.
Napaatras na si Mang Celso. Hindi siya makapaniwalang napakabilis na magpalit ng emosyon ng mukha nitong babaeng turista.
“Mang Celso, nasasaktan ninyo na po ang turista,” anang lalaking may malaking katawan at kayumangging balat na pumagitan pa kayna Mang Celso at Rose.
“Nakainom po ba kayo?” tanong ng isa pang lalaking lumapit.
“Hindi ako nakainom! Hindi ako lasing!” pasigaw na sagot ni Mang Celso. Nagsimula na siyang palibutan ng mga lalaki.
“Anong nangyayari dito?” si Jojo ang nagtanong na bagong lapit sa nag-uumpukan na mga tao.
Kaagad na pumunta sa may likuran ni Jojo si Rose na tila ba takot na takot na nagtatago. “Jojo, mabuti dumating ka. Si Mang Celso kasi, gusto niya akong gawan ng masama.”
“Hindi totoo ‘yan! Sinungaling kang babae ka!” kaagad na sigaw ni Mang Celso.
Naluluha na ang mga mata ni Rose habang nakatayo at tila nagtatago sa likod ni Jojo. “Kayo po ang sinungaling! Bigla ninyo na lang po akong nilapitan tapos ayaw ninyong bitawan ang braso ko. Pinipilit ninyo akong sumama sa inyo kahit sinabi ko nang ayaw ko!”
“Eh manyak ka palang matanda ka!” sigaw ng isang lalaki.
“Parehong-pareho kayo ng kaibigan mong si Kap Henry!” sulsol pa ng isang lalaki.
“Turuan kaya natin ng leksyon ‘yan ng hindi na umulit at walang tumulad?!” suhestyon ng isa pa.
“Mga pare! Mga pare! Sandali lang. H’wag masyadong magpadalos-dalos,” pumagitna si Jojo kayna Mang Celso at sa mga lalaking gustong sumugod dito. Pasimpleng binulungan si Mang Celso. “Umalis na po kayo, ako na pong bahala sa mga ito.”
Tumalima si Mang Celso habang kinakausap ni Jojo ang mga lalaking nais siyang kuyugin at bugbuginm. Tumingin saglit sa babaeng nakatayoo hindi kalayuan mula sa kanya habang siya ay mabilis na naglalakad palayo. Nakapamaywang na ang turista, wala na ang mga luhang kanina lang ay nasa mga mata nito at may nakalolokong ngiti na nakaguhit sa mga labi habang nakatingin sa kanya. Sino ba talaga ito. Bakit parang may mas malalim itong pakay sa kanya. Sa kanila. Sa buong Isa Azul?
Nang mawala na si Mang Celso sa paningin ni Rose ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.
“Rose, sandali…”
Narinig ni Rose ang boses ni Jojo pero hindi niya ito nilingon hanggang sa maabutan siya nito at sabayan sa paglalakad.
“Hindi ka pa ba talaga titigil?” matigas na tanong ni Jojo.
Hindi man lang nilingon ni Rose ang kasabay na pulis. “Kaya ko naman ang sarili ko, dapat hindi ka na nakialam para nabugbog nila ang lalaking ‘yon! Jojo, alam mo kung ano ang mas masahol pa na kayang kong gawin sa oras ng masira ang mga plano ko nang dahil sa ‘yo!”
Pumunta na si Jojo sa harapan ni Rose na dahilan upang mapahinto na ito sa paglalakad. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at nag-aalalang sinalubong ang mga tingin nito. “Ayoko lang mapahamak ka…” Malaki ang kasalanan niya kay Rose, sila ng tatay niyang si Mang Delfin sa buong pamilya nito. At ang kasalanan na iyon ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi na naging normal pa ang buhay niya dahil sa mga bangungot na gabi-gabing siyang dinadalaw.
“Ano pa bang mawawala sa akin? Kung mangyari mang ‘yang sinasabi mo na mapahamak ako?” Ngumiti si Rose. Mapait. Habang pigil ang mga luha. “Jojo, handang-handa akong mamatay mula nang mamatay ang pamilya ko nang dahil sa isla na ‘to.”