noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 76

Ch. 77 / 98 Feb 05, 2022

“Oh Rose, napadaan ka?” bati ni Kap Henry nang mabungaran si Rose sa may veranda. Binalingan pa niya saglit ang katulong na nagdala ng juice sa dumating na bisita. “Manang, magpahinga na po kayo ng maaga. Ako na po ang bahala dito.”

Tumalima naman ang kasambahay bago pumasok sa loob ng bahay.

“Good evening po, kap,” bati ni Rose habang may matamis na ngiti sa mga labi.

“Good evening din, hija. Wala pa si Lani dito sa bahay. Umattend ng kasal ng anak ni Celso,” ani Kap Henry.

“Gano’n po ba? Bakit wala po kayo do’n?” tanong ni Rose. Puumunta siya sa isang bahagi ng mga halaman na nakatanim sa paso.

“Sumama kasi ang pakiramdam ko kanina. Saka naipadala ko na rin naman ang regalo ko sa mga batang ikakasal,” sagot ni Kap Henry habang hinahagod ng tingin ang nakatalikod ng turista. Manipis lamang ang sout na bestida ni Rose, hapit sa katawan kaya kita niya ang magandang kurba mula dibdib pababa sa balakang nito. Mabilog din ang mga pwet at hindi na lingid sa pasimple niyang paninilip na malusog ang mga dibdib nito.

“Actually kap… Hindi naman si Tita Lani ang ipinunta ko rito.” Nakangisi si Rose habang nagsasalita. Ramdam niya ang manyak na titig na ginagawa ngayon ni Kap Henry sa may likuran niya.

“Ang anak ko ba? Hindi pa siya nakakauwi eh. Pero baka maya-maya, nandito na ‘yon,” muling sabi ni Kap Ryan. Ngayon din ang schedule ng uwi ni Harris para humabol sa kasal ng mga kababata nito.

Muling marahang napailing si Rose. Ibinalik ang matamis at mapagpanggap na ngiti sa mga labi bago humarap sa lalaki. “Kap naman eh… Hindi ba pwedeng kayo ang ang dahilan ng pagpunta ko dito.”

Napalunok ng laway si Kap Henry at tila nag-slow motion pa sa kanyang paningin ang paglalakad ni Rose palapit sa kanya. Inayos-ayos nito ang kwelyo niya bago lumampas at pumunta sa kabilang side ng halamanan. Para siyang asong ulol at naglalaway na nakahabol tingin sa turistang muling nakatalikod mula sa kanya. “Ako ang ipinunta mo dito?”

Tumaas ang isnag kilay ni Rose nang mabakasan ang pangangatal sa boses ni Kap Henry. Wala pa man siyang ginagawa ay ramdam niya na ang labis-labis na pag-iinit ng katawan nito sa kanya. “Oo kap. Dahil sa totoo lang…” Inamoy pa niya ang isang halaman na may namumukadkad na bulaklak bago nagpatuloy sa sinasabi. “Matagal ko na kayong gustong masolo.”

Naramdaman ni Kap Henry ang pagtigas ng kanyang kahabaan sa loob ng pantalon na suot. Muling napalunok ng laway. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang namamagitan sa anak niya at sa babaeng turista. Kung gaano kagusto ni Harris ang magandang turista sa Isla Azul. Iba ang mga ngiti nito kapag kasama ang dalaga. Ngiting minsan lamang niya nakita noong kabataan nito. Pero wala na siyang pakialam do’n. Mas mahalaga sa kanya ang tawag ng sariling laman niya. Lumapit na siya kay Rose at hinawakan ang magkabilang balikat nito bago idinikit ang ilong sa buhok ng dalaga pababa sa may tainga. Napakabango ng amoy nito. Napakasariwa. “Sabi ko naman sa ‘yo noon, kalabaw lang ang tumatanda… Matibay pa ang mga tuhod ko. Magaling pa rin ako.”

Naramdaman ni Rose ang halos pagdikit ng mga labi ni Kap Henry sa tainga niya. Nanginig ang laman niya at nanindig ang mga balahibo niya sa buong katawan. Saglit na nanggigil ang kanyang mga ngipin at nangatal ang mga labi.

“Ang bango-bango mo, Rose.” Ipinikit pa ni Kap Henry ang mga mata habang patuloy na inaamoy ang buhok, tainga at leeg ng magandang turista. Ang mga kamay niya ay humahaplos na tila nagmamasahe sa balikat nito. Napakalambot ng balat. Napakakinis. Napakasarap pisilin, halikan at dilaan.

Ngumiti si Rose. Patuloy siya sa paglalaro sa dahon ng mga halaman na kaharap. Gumuhit ang nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi. “Gaano kabango, kap? Parang amoy ng mga batang babae?”

Huminto ang pamamasyal ng kamay ni Kap sa balikat at braso ni Rose dahil sa sinabi nito.

“Mahilig ka pa rin ba sa bata , kap?” muling tanong ni Rose.

Tuluyang nang nawala ang init na kanina lang ay lumulukob sa katawan ni Kap Henry. Ang mga kamay niya ay dahan-dahan na ring umalis mula sa balikat ng magandang turista. May kung anong kaba siyang nagsimulang maramdaman sa dibdib niya. “A-ANong ibig mong sabihin?”

Saglit na natawa si Rose na hindi pa rin nililingon ang kausap. Napailing pa siya bago muling nagsalita. “Ano bang lasa ng mga batang babae para ‘yo?Matamis ba?”

Napaatras si Kap Henry sa biglang pagharap sa kanya ni Rose. May nakalolokong ngiti sa mga labi ng dalaga. Ngiting labis ang lamig na idinudulot sa buong katawan niya.

Lalong napangiti si Rose nang makita ang labis na takot sa mukha ni Kap Ryan. Saglit siyang napapailing na tumawa. “Kapag sumisigaw sila ng tama na, anong naririnig mo? Sige lang kap, ipasok mo pa! Kapag nagmamakaawa silang itigil mo na ang kababuyang ginagawa mo dahil sobrang sakit na, anong akala mo? Tumatawa sila sa sarap. Now, tell me kap… Ilang bata na ba ang ginawan mo ng kahayupan dito sa Isla Azul? Lima? Sampu? Beinte?”

Pinigilan ni Kap Henry ang pangangatal ng sariling mg labi lalo na nang nagsimulang maglakad dahan-dahan si Rose palapit sa kanya na dahilan upang siya naman ang mapaatras. Sino ba talaga ang babaeng ito?

Umismik si Rose bago muling huminto sa paglalakad. Itinaas niya ang isang kilay. “Hindi mo na maalala kung ilan? O hindi mo na mabilang sa sobrang dami? Kasi magkaiba ‘yon, eh. Alam ko naman kasi na madalas ang tao, kapag nag-eenjoy na sa koleksyon niya… Hindi na importante ang bilang. Kaya siguro, hindi mo na rin alam kung ilang buhay na ang sinira ng kababuyan mo!”

“Sino ka ba talaga?” Hindi na napigilan ni Kap Henry ang tanong na iyon.

“Oh c’mon, kap. Hindi mo na ba talaga ako naalala?” natatawa at kunot ang noong balik tanong ni Rose. Nag-eenjoy siya sa nakikitang takot sa mukha ng lalaki. “Hindi mo na ba natatandaan kung gaano ako kasarap? Kung paano ako sumigaw habang pilit mong sinisira ang katawan ko? At kung paano ako magmakaawa na h’wag mong patayin ang buong pamilya ko?!”

Naguguluhan na si Kap Henry lalo na nang magsimulang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Rose habang may mapit na ngiti sa mga labi. Halatang pigil na pigil ito sa sarili na maiyak.

“Ano?! Hindi ka na nakapagsalita, kap? Hindi mo pa rin natatandaan? Baka naman kapag nakita mo ‘to eh bumalik na ang lahat sa alaala mo?”

Nanlaki ang mga mata ni Kap Henry nang itaas ni Rose ang kanang kamay nito. May malaking peklat sa palad nito. Malalim.

Inaasahan na ni Rose ang reaksyon na makikita lalo na sa mga mata ni Kap Henry. “Pamilyar ba? May kamukha ‘di ba? Kamukha ng peklat sa may dibdib mo...”

Hindi pa rin magawang magsalita ni Kapr Henry pero nagsisimula nang luminaw sa kanya ang lahat. Paano mangyayari ito? Napakaimposible.

Ingay ng pagpasok ng sasakyan sa may garahe ang pumutol sa pagtitigan nina Kap Henry at Rose. Bumaling saglit ang tingin nila doon bago ibinalik sa isa’t-isa.

Gumuhit ang isang nakalolokong ngiti sa mga labi ni Rose. Oras na. Lumapit siya kay Kap Henry na tila hindi na magawa pang ihakbang ang mga paa dahil sa pangangatog ng mga tuhod nito. Sinalubong ang mga tingin ng lalaki bago sinira ang kwelyo ng suot niyang dress, kung saan lumabas ang panloob niya at malusog na dibdib. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Kap Henry at nagsimulang malakas na nagsisigaw. “Tama na po, kap! Maawa na po kayo sa akin! Tama na po!”

Nanlaki ang mga mata ni Kap Henry. Pilit niyang inaalis ang kamay mula sa pagkakahawak ni Rose pero bigo siya. “Anong ginagawa mo?! Tumigil ka! Tumahimik ka!”

“Tama na po! Ayoko po, kap! Tumigil na po kayo! Tama na po! Nasasaktan na po ako!” muling sigaw ni Rose. Sinampal-sampal pa niya ang sarili gamit ang hawak na mga kamay.

“Nababaliw ka na! Tumigil ka ng babae ka!” sigaw ni Kap Henry.

Narinig ni Rose ang nagmamadaling yabag palapit sa kanila. Saglit niya pang nginitian si Kap Henry at binitawan ang mga kamay nito bago itinumba ang sarili sa damuhan.

“Rose!” sambit ni Harris na kaagad na nilapitan ang dalagang nakatumba sa damuhan. Magulo ang buhok nito, sira ang damit at may sugat sa labi.

“Oh my God, hija!” Lumapit na rin si Tita Lani kay Rose kasunod si Jojo.

Walang tigil sa pag-iyak si Rose habang si Kap Henry ay napapaatras.

“Anong ginawa mo, daddy?!” Malalim ang paghinga ni Harris. Nanggigil sa galit. Hindi na niya napigilan ang sariling tumayo at sinugod ng suntok ang sariling ama.

“Harris! Harris, tama na!” Nakailang suntok pa si Harris sa hindi lumalaban na si Kap Henry bago ito tuluyang napigilan ni Jojo. Inilayo niya ang kaibigan mula sa lalaking natumba na rin sa damuhan.

“Napakahayop mo talaga Henry kahit kailan! Pati ba naman ang girlfriend ng anak mo, balak mo pang gawan ng masama!” Naiiyak na ring sigaw ni Tita Lani.

Walang maapuhap na salitang pwedeng itugon si Kap Henry. Ang mga tingin niya ay nakatuon sa babaeng inaalo ng asawa niya. Malakas na umiiyak pero sigurado siyang nakangiti ang mga labi nito kahit natatakpan ng magulong buhok ang mukha. Paano siya nabuhay? Paanong nangyayari ang lahat ng ito?!

“Hinding-hindi kita mapapatawad daddy sa ginawa mo, kay Rose!” sigaw ni Harris habang ang mga braso niya ay mahigpit na hawak ni Jojo.

“Pagbabayaran mo lahat-lahat ng kasalanan mo, Henry. Sa pagkakataon na ito, hindi ako papayag na patahimikin mo pa ako!” Yakap-yakap ni Tita Lani ang umiiyak na dalaga.

Samantalang na kay Rose naman ang mga tingin ni Jojo. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari mula sa hindi natuloy na kasal ni Adolph at Grace kanina, hanggang sa gulong sinasabi ni Rose na mangyayari sa loob ng bahay nina Kap Henry ngayong. Napakagaling talagang mag-isip at magplano ng babaeng turista sa kanilang isla. Sigurado siya, lahat ng ito ay umaayon at kasama sa paghihiganti ni Rose dito sa Isla Azul.