noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 46

Ch. 47 / 98 Feb 05, 2022

“Ang ganda pala dito kapag ganitong huling Sunday ng March?” amazed na sabi ni Rose habang naglalakad kasabay si Harris. Maaga sana siyang matutulog kanina nang sunduin siya ng binata at yayain na pumunta dito sa may tabi ng dagat. Tuwing huling araw ng Linggo raw kasi ng Marso ay may isang special event na ginaganap sa Isla Azul. Tinatawag ito ng mga taga-isla na Azula Night. Nagtitipon-tipon ang mga tao sa isang lugar sa isla kung saan ginaganap ang event. May mga sumasayaw, tumutugtog at kung ano-ano pa.

“Kaya nga buti na lang napilit kitang sumama dito,” tugon ni Harris.

Ngumiti naman si Rose. Wala na kasi talaga siyang balak sana na pumunta dahil mas gusto niyang matulog ng maaga ngayon, kung hindi lang din siya kinumbinse nina Tatay Poncio kanina, hindi siya mapapasama ni Harris na lumabas. Muli niyang pinagmasdan ang paligid na pinaliwanag ng iba’t-ibang kulay ng ilaw. Halos lahat ng mga taong hindi lumalangoy ay nagkalat at sumasayaw. Sinasabayan ng mga ito ang pagtapik sa tambol ng mga manunugtog.

“Aleng maganda…”

“Uy, ikaw pala,” nakangiting sabi ni Rose nang malingunan ang pamilyar na batang tumawag sa kanya. Ang batang nagbigay sa kanya ng bracelet sa kauna-unahang araw na dumating siya sa Isla Azul. “Kumusta ka na?”

“Maayos naman po, kasama ninyo po pala si Doc Pogi,” ngumiti ang bata at lumabas ang bungal nitong ngipin.

“Tumataba ka yata, Otep,” ani Harris.

“Naubos ko na po kasi ‘yung vitamis na binigay ninyo kay nanay, doc,” tugon ni Otep.

“Mabuti naman. Sabihin mo sa nanay mo, dumaan lang sa center para kumuha ulit ng vitamis para sa ‘yo saka sa mga kapatid mo, ha?”

“Salamat po, doc.”

“Otep, pala ang pangalan mo,” ani Rose na muling may naalala sa kaharap na bata. Hindi niya mapigilan ang paglapad ng ngiti sa mga labi pero pigil ang mga mata sa pagluha.

“Opo aleng maganda. Suot ninyo pa rin po pala ang bracelet na binigay ko,” pansin pa ng bata.

“Siyempre naman, bigay mo ‘to eh,” sagot ni Rose.

“Bagay na bagay po sa kamay ninyo kasi ang puti saka ang kinis. Pero alam ninyo po, mas bagay po kayong dalawa ni doc pogi,” bumungisngis pa ang bata kung saan lumabas ang bungal nitong mga ngipin.

“Kaya naman gustung-gusto kita Otep, kasi napaka-honest mong bata!” sabi ni Harris.

“Ikaw ha, tinuturuan mo mambola ‘tong bata,” natatawang tinapik ni Rose ang katabing doktor.

“Naku, totoo po ang sinasabi ko aleng maganda. Ay sige po, mauna na po pala ako, baka hinahanap na ako ni nanay,” paalam ni Otep.

“Sige Otep, ingat ka,” ani Rose.

“Enjoy po kayo sa date ninyo ni doc pogi. Ba-bye po,” nagsimula nang maglakad palayo ang bata.

“Makulit na bata talaga ‘yun si Otep. Saka, napaka-honest. Halata naman ‘di ba?” nakangiting pakli ni Harris.

“Ewan ko sa ‘yo,” natatawang tugon niya.

Naglakad sila palapit sa mga nagtitinda ng pagkain at inumin. Kumuha si Harris ng dalawang baso ng alak.

Si Rose naman ay dumukot ng pera muka sa bulsa ng suot na short.

“Libre nila ‘to,” sabi ni Harris nang maiabot kay Rose ang baso.

“Talaga?” takang tanong niya.

“Oo. Lahat ng nakikita mong pagkain, inumin o alak dito… Libre. Kapag ganitong Azula Night, kasi lahat ng mga pagkain, inumin at alak dito sa event, sagot na ng barangay.”

“Sagot na ni Kap?” pinilit niyang hindi maging sarcastic ang sinabing iyon. Ininom niya nang diretso ang laman ng basong hawak. Mapait ang alak. Matapang. Ramdam niya ang pagguhit ng init mula sa lalamunan papunta sa sikmura niya.

“Parang gano’n na nga. Kasi wala naman talagang budge rang barangay para sa ganitong klaseng event,”sagot ni Harris habang ang tingin ay nasa mga taga-isla na nasa gitna at masayang nagsasayaw. “Tara…”

Batid ni Rose ang gustong gawin ni Harris nang kunin nito ang baso mula sa kamay niya at ibaba sa buhanginan. “Teka! Hindi ako -” At bago pa niya nagawang tumanggi nagawa na siyang hilahin nito patungo sa mga nagkukumpulan at nagsasayawang taga-isla.

Kunot ang noong nakasunod lamang siya sa bawat paggalaw ni Harris. Hindi naman kasi siya talaga nagsasayaw at kahit kailan at hindi niya sinubukan dahil pakiramdam niya ay parehong kaliwa ang mga paa niya. Pero dahil hawak ni Harris ang mga kamay niya pakiramdam niya ay hawak din nito ang bawat yapak ng mga paa niya sa buhanginan.

Napakaingay pero napakasaya sa paligid. Lahat halos ng mga taong sumasayaw ay may kanya-kanyang galaw ng katawan. Walang pakialam ang bawat isa kung may nadadapa, natatapilok o kaya ay halos magkabungguan na sa mga iba pang sumasayaw. Hindi maipagkakailang halos lahat ay nag-eenjoy sa tugtuging umeere.

At nang halos malasing na siya sa musika, alak na ininom kanina at mawalan ng balanse sa pagsasayaw, naging maagap si Harris pero tumuloy pa rin silang bumagsak sa buhanginan na nakaibabaw sa kanya ang binata. Muling nagsalubong ang tingin ng mga mata nila. Ang gwapong mukha ng binata ay humahalo sa matitingkad na kulay at liwanag mula sa likuran nito. Hindi niya na tuloy napigilan ang paglapad ng sariling ngiti sa mga labi habang dinarama ang mabilis na tibok ng puso niyang alam niyang hindi niya pa pwede maramdaman ngayon. Napasinghap siya nang bumaba ang mga tingin ni Harris sa mga labi niya kasunod ang dahan-dahang pagkilos ng mukha nito palapit sa mukha niya. “Gusto ko ng tubig…”

Nagsalubong ang kilay ni Harris kasunod ang pagngiti ng mga labi. Napapailing na tinulungan nitong bumangon si Rose at inakay patungo sa may puno kung saan may bakanteng upuan. “Babalikan kita, kuha lang ako ng tubig.”

“Thank you,” nakangiti siyang tumango habang nakasunod ang tingin kay Harris na bumalik sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Muling niyang inilibot ang mga tingin sa paligid. Halos lahat ng mga tao sa paligid ay kababakasakan ng kalasingan sa musika at alak. Sa ganitong klaseng event, parang napaka-payapa ng isla.

“Bakit nandito ka pa?”

Nagtiim-bagang si Rose nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. Humugot siya nang malalim na buntong hininga na kaagad niyang binitawan bago matamis na ngumiti at tumayo paharap sa nagsalita. “Mang Mario, kumusta po?”

“Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit hindi ka pa umaalis dito sa isla naming. Hindi ka bagay dito. Salot ang dala mo!”

Napailing si Rose, bago humalikipkip ang mga braso at ngumisi. “Alam ninyo po Mang Mario, hindi pa talaga ako aalis dito sa isla ninyo kasi hindi pa ako tapos sa mga gusto kong gawin.”

Si Mang mario naman ang natahimik dahil hindi na niya gusto ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Rose. Lalo na ang mga ngiti sa labi nito.

“Hindi ko pa nakukuha ang lahat ng gusto ko dito sa isla, mang Mario…” Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Rose. "Hindi ko pa natitikman ang anak ninyo.”

Nagdikit ang mga ngipin ni Mang Mario habang nagpipigil ng galit. “Subukan mong lapitan pa ang anak ko!”

“Mang Mario hindi mo ba talaga nage-gets? Hindi ako ang dapat sinasabhian mo n’yan. Ang anak mo. Sinabihan ko na nga siya na wala naman talaga siyang pag-asa sa akin. Kaya lang, the more na kinakausap ko siya, the more na nauulol siya sa akin na parang aso.”

“Napakawalang hiya mo talagang –”

“Mario!”

Hindi naituloy ni Mang Mario ang gagawing pagsugod sa turista dahil sa biglang pagtawag ni Kap Henry sa pangalan niya.

Lumingon rin si Rose kay Kap Henry at kaagad na tumakbo patungo sa may likod nito. “K-Kap… S-Si Mang Mario po, lasing na po yata siya… Gusto niya pong sumama ako sa kanya pero ang sabi ko po, ayoko.”

Nanlaki ang mga mata ni Mang Mario dahil sa sinabi ni Rose. Nawala ang kakaibang ngiti sa mga labi nito. Napalitan ng takot na parang iiyak anumang oras. Bakit umaarte na tila biktima ngayon ang turtista na ‘to? “Sinungaling kang babae ka!”

“Mario, h’wag kang lalapit kung hindi tatawag ako ng mga tanod!” pagbabanta ni Kap Henry. “’Diba sinabi ko na sa ‘yo na sa tuwing iinom ka ng alak ay sa t’yan mo lang ilalagay at hindi sa utak!?”

“Pero Henry, nagsisinungaling ang babaeng ‘yan! Mas paniniwalaan mo ba talaga siya kaysa sa akin?!” pinipigilan ni Mang Mario ang sarili na magwala. Oo, totoong nakainom siya pero hindi siya lasing at nasa katinuan pa ang isip niya.

“Kayo po ang sinungaling! No’ng nakaraan ninyo pa po ako gustong pagtangkaan! Kung hindi pa kayo nakita ni Jin, hindi kayo titigil sa pangha-harass sa akin!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Rose.

Naramdaman ni Kap Henry ang mga kamay ni Rose sa may braso at likod niya. “Umalis ka na dito at ayokong malalaman na umaali-aligid ka kay Rose.

Nanlaki ang mga mata ni Mang Mario nang ngumiti si Rose habang ang isang kamay nito ay humihimas sa braso ni Kap Henry. “Putang ina… Putang ina talaga!” napapailing na sambit na lang niya. Paano ba nabibilog ng turistang iyon ang ulo ng mga tao sa isla?!

“Umalis ka na!” utos ni Kap Henry.

“Aalis talaga ako kahit hindi mo ako utusan, Henry! At ikaw babae ka, hindi pa tayo tapos!” muling sabi ni Mang Mario bago nanggagagalaiting naglakad palayo.

“Ayos lang ka lang?” tanong ni Kap Henry nang mapaharap kay Rose.

“Opo, kap.” Kaagad na binawi ni Rose ang ngiti sa mga labi bago pa man humarap sa kanya ang kapitan. Nagbitaw siya ng buntong hininga bago hinawakan ang kamay ng kausap. Magaspang iyon. Mga kamay na gustong-gusto na niyang putulin. “Salamat po.”

Saglit na tumingin si Kap Henry sa kamay ng magandnag turista na may kakaibang kiliti na hatid sa buong katawan niya. Ngumiti siya at sinalubong ang mga tingin ni Rose. “Walang anuman. Pagpasensyahan mo na lang sana si Mario, paminsan-minsan ay nawawala talaga siya sa sarili lalo na kapag napaparami ang inom ng alak.”

“H’wag po kayong mag-aalala. Hindi ko na po palalakihin ito.”

Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Kap Henry sa sinabi ni Rose. Hangga’t maaari kasi ay gusto niyang panatilihin ang kaayusan at katahimikan dito sa Isla Azul. At sa oras na magsumbong sa kahit na sinong awtoridad ang magandang turista tungkol sa nangyari, pwedeng malagay sa ingay at panganib ang tahimik nilang isla. “Salamat, Rose.”

“Wala po ‘yun. Ayoko rin naman pong masira pa ang ilang araw o linggo na ipag-i-stay ko dito sa isla,” muling sagot ni Rose. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang pabalik na si Harris kaya binitawan na niya ang malanding pagkakahawak sa braso ng kaharap na lalaki.

“Daddy? Andito ka rin pala?” tanong ni Harris nang makalapit. Inabot nito ang bottled water kay Rose.

“Nakita ko kasi si –”

“Napadaan lang daw siya para mag-hi at siguraduhin na walang magulo sa gabing ito,” putol ni Rose sa sinasabi ni Kap Henry. Bakas ang pagtataka sa mukha nito ngunit nang gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ay kaagad din nitong nakuha ang nais niyang sabihin.

“Oo. Tama. Paalis na nga rin ako. Kaya ikaw nang bahala kay Rose, Harris,” bilin ni Kap Henry bago nagpaalam sa dalawa. Pakiramdam niya sa tuwing magsasalubong ang mga tingin nila ni Rose… At ngingiti ang magandang turista, kaagad na nahihipnotismo ang mga mata niya at napapasunod na lang sa gustong ipagawa sa kanya ni Rose.