“Ang ganda ng dagat ‘no? Ang payapa ulit ng mga alon niya.” Uminom ng alak mula sa hawak na bote si Rose. Malalim na ang gabi at halos lahat ng mga tao kanina na naiwan sa Azula night ay lasing na. At alam niya na pati silang dalawa ni Harriss ay malapit na ring lamunin ng kalasingan. Ihahatid na sana siya nito pauwi sa bahay pero niyaya niya pa ang binata na dumaaan sila sa Paraisong Azul. Muli siyang lumagok ng alak mula sa bote bago ibinaling ang tingin sa gwapong doktor na hindi nagsalita. Tama siya. Nakatitig ito sa kanya. “Sasabihin mo na naman na mas maganda ako sa dagat?” natatawang sabi niya.
“’Yun naman ang totoo eh,” si Harris naman ang natawa. Inalis na niya ang tingin sa magandnag mukha ni Rose at ibinaling sa mga alon ng dagat. Maaga ang alis niya mamaya para sa flight niya pabalik ng Maynila at mag-aalauna na ng madaling araw ngayon. Pero mas importante sa kanya na makasama ngayon si Rose kahit hindi na siya matulog hanggang bago siya umalis ng isla. “When was the last time you fell in love?”
Hindi nakasagot si Rose at dumiretso ng lagok ng alak. Kailan nga ba siya huling nagmahal? Kanino? Hindi niya na napigilan ang sarili na mapailing. Bigla niya kasing naisip na kasama niya ngayon ang lalaking una at alam niya sa sarili niya na gusto niyang mahalin hanggang sa huli.
“I’m in love with you…” Hindi inalis ni Harris ang mga tingin sa alon ng dagat. Alam niya na halos ilang linggo pa lang silang nagkakasama ni Rose. Pero iba kasi ang pakiramdam niya sa tuwing kasama ito. Magaan ang loob niya at para bang matagal na niyang kilala ang magandang turista.
“Paano mo ba malalaman kung mahal mo na talaga ang isang tao? Kapag napapangiti ka niya sa sa simpleng ginagawa niya? Kapag napapagaan niya ang loob mo? O Kapag sa isang iglap lang, nawawala ang lahat ng problema mo kapag kausap mo siya?”
“Kapag naramdaman mo na masaya ka kasama siya kahit wala siyang kahit na anong ginagawa para sa ‘yo,” muli niyang ibinalik ang tingin kay Rose. “I’m not forcing you to believe me… Gusto ko lang talaga na marinig mo mula sa akin kung ano ‘yung nararamdaman ko para sa –”
Pinutol ng maiinit na mga halik ni Rose ang sinasabi ni Harris. Kahit gaano niya kagustong marinig ang mga sinasabi nito ay ayaw niyang mapansin ng binata ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. At nang maging mainit ang pagtatagpo ng mga labi nila ay hindi na niya napigilan pa ang mga luha. Kumilos na rin ang katawa niya at umupo paharap kay Harris. Ang mga kamay niya ay humihimas sa leeg ng binata habang patuloy ang mainit na paglalaro ng mga dila nilang dalawa. Ramdam niya ang katigasan ni Harris sa pagkakaupong ginawa niya sa kandungan nito. Ang mga kamay naman nito ay nagsimulang gumapang sa may baywang niya. Hindi na siya tumanggi pa nang buksan ni Harris ang mga butones ng blusang suot niya. Tinanggal nito ang pagkakalock ng bra niya. Isinubo ang isa sa mga dibdib niya habang ang isa ay nilalaro ng kamay. Nakakatuliro ang ginagawa nito sa sarap. Kaya unti-unti na siyang nadadala. Kahit paano ay nababawasan ang bigat sa loob na nararamdaman niya.
Binuhat siya ni Harris at inihiga sa buhanginan. Ibinaba na nito ang short na suot niya kasama ang panloob niya. Habang patuloy ito sa paghalik sa leeg niya, naging maliksi ang mga kamay nito sa pagtanggal ng sariling mga kasuotan. At nang ganap na ang kahubdan ng kanilang mga katawan, hinaplos niya ng mga palad niya ang mukha ni Harris. Nagkatitigan ang mga mata nila. Ngumiti ang mga labi niya nang kumapit ang mga buhangin mula sa palad niya sa pisngi ng binata. At nang akmang hahalikan siya ni Harris ay tinulak niya ito.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Harris nang tumakbo si Rose palayo sa kanya.
Natatawang kumaway si Rose. “Do you wanna kisss me? Habulin mo ako!”
“Pero wala na akong suot na kahit na ano.” Kunot ang noo ni Harris pero nakangiti.
“Ako rin naman, ah. Saka pwede ba… Nakita ko na lahat ‘yan. Nahawakan. Nadilaan. Nahalikan. Ngayon ka pa ba naman mahihiya?!” muling sagot ni Rose mula sa malayo. “Halika na… Kapag nahabol mo ako, I’ll make this night extra special bago ka bumalik ng Manila.”
Napapailing na tumayo si Harris at tumalima kay Rose. Ilang saglit silang naghabulan sa buhanginan, tubigan hanggang sa magpagulung-gulong na sila sa may pampang, habang ang buwan ay tila nakikisaya na nagbibigay liwanag mula sa madilim na kalangitan.
“Akala mo hindi kita maabutan ah.” Nakaibabaw na si Harris kay Rose na patuloy sa paghagikhik. Parang musika sa panrinig niya ang mga munting tinig at tawa nito habang ang mukha ay malaanghel sa paningin niya. Bumaba ang tingin niya sa hubad na katawan ni Rose kung saan nakadikit ang mga butil ng buhangin. Muling bumalik sa mga mata ng dalaga ang tingin niya. Dinampian niya ito ng halik sa noo, sa ilong nito hanggang sa may tainga. “Napakaganda mo,” bulong niya bago dinilaan ang tainga nito. Ang mga kamay niya ay namasyal sa balikat pababa sa dibdib ni Rose.
Hinaplos naman ni Rose ang pisngi ni Harris upang mahalikan ang mga labi nito. Kumilos siya at nagawang pumaibabaw sa hubad na katawan ng binata na hindi naghihiwalay ang mga labi nila. At sa paglalaro ng mga dila nila ay ramdam na niya ang katigasan ng kahabaan ni Harris. Inilayo niya ang mukha mula dito. “Sabi ko sa ‘yo ‘di ba, gagawin kong extra special ang gabi na ‘to.” Dumakot siya ng buhangin sa may tabi at ipinunas sa katawan ni Harris. Muli siyang kumilos at ngayon ay dahan-dahan nang ipinasok ang kahabaan ng binata sa lagusan ng pagkababae niya.
Napalunok ng laway si Harris nang muling maramdaman ang masikip na lagusan ni Rose. Ito ang kumikilos upang magawang makapaglabas-masok ng pagkalalaki niya habang nagkakatitigan ang kanilang mga mata. Magulo na ang buhok nito pero hindi iyon nakabawas sa kagandahan ng mukha ni Rose. Mas masarap pala talaga na habang nakaibabaw si Rose sa kanya ay nakikita niya ang magandang mukha nitong may ngiti sa mga labi. Mas nakalilibog.
Muling siniil ni Rose ng halik ang mga labi ni Harris bago ito hinala upang bumangon. Nanatiling nakapasok sa kanya ang kahabaan ng binata hanggang sa makadiretso ito ng upo at nasa ibabaw siya paharap dito. Sagad sa kaloob-looban niya ang pagkalalaki nito na may tinatamaang kung ano na matinding kiliti ang hatid sa katawan niya. Bumaba ang mga labi ni Harris sa leeg niya habang ang mga kamay niya ay nakasabunot sa buhok nito. Nang magsimulang maglaro ang mga kamay at labi nito sa dalawang bulubundukin niya napatingala na siya sa init at sarap na nararamdaman. Napamulat ang mga mata niya sa kalangitan. Maaliwalas ang gabi. Maliwanag ang bilog na buwan na napalilibutan ng nagkikislapang mga bituin. Sa pagpikit ng mga mata niya ay ang muling paglandas ng mga luha sa pisngi niya. Nasasarapan siya sa ginagawa ni Harris sa katawan niya habang pinipigilan niya ang sarili na humagulhol. At para muling maikubli sa binata ang pagpipigil niyang umiyak ay isinubsob niya ang mukha nito sa dibdib niya. Tahimik na siyang humahagulhol habang patuloy ang pag-ulos na ginagawa ng binata sa kanya.
“I love you…” halos pabulong na saad ni Harris. Ramdam niya ang higpit ng yakap ni Rose ulo niya at sabunot sa buhok. Alam niyang kagaya niya ay libog na libog na rin ang dalaga at malapit nang makaraos. Pero sana hindi lang ‘yun ang pagkakatulad nila. Sana pareho rin sila ng nararamdaman para sa isa’t-isa.
****
Naalimpungatan si Harris na wala na si Rose sa tabi niya. Pagkatapos nilang makaraos sa may pampang ay hinila naman siya ni Rose papunta sa may likod ng pick up car niya. At nakailang ulit pang naging iisa ang mga katawan nila sa bed floor nasa likod ng sasakyan niya. Kung hindi pa mag-aalarm ang cellphone niya ay hindi sila hihinto sa ginagawa. Kaya nang maisuot ang pantalon ay muli siyang mahiga sa tabi ng dalaga sa may bed floor ng sasakyan. Natatandaan pa niya na umunan ito sa braso niya bago yumakap sa katawan niya. Saglit niya lang ipinikit ang mga mata upang mas maramdaman ang yakap ni Rose. Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya.
“Rose?” Bumangon na siya at inilibot ang mga mga tingin. Wala si Rose sa paligid ng kotse. Pero may kakaibang siyang naririnig sa kung saan. Huni ng ibon? Ingay ng pusa? Hindi… parang mga pigil ng iyak ng isang tao. Naging maingat siya sa mga sumunod na kilos na hindi niya alam kung bakit. Bumaba siya ng kotse at hinanap kung saan nanggagaling ang mga iyak. Dinala siya ng mga paa sa likod ng puno ng buko hindi kalayuan sa pwesto ng kinauupuan ni Rose, na bahagyang naaabot ng tubig dagat. Lalapitan niya sana ito pero may bahagi ng sarili niya ang pumipigil sa gusto niyang gawin nang makita ang pagkilos ng mga balikat nito. Nang marinig niya ng mas mas malinaw ang mga pigil nitong hikbi. Pinilit niya na lang ang sarili na makuntento sa palihim na panonood ngayon sa babaeng mahal niya.
Ngayon sigurado na siya… Tama ang nababasa niyang lungkot sa mga mata ni Rose sa tuwing ngingiti ang mga labi nito. Sa tuwing maririnig niya ang mga tawa nito. Pero bakit? Anong itinatago ni Rose sa kanya? Sa lalim ng galaw ng mga balikat nito at impit na mga iyak nito, ano ba ang pwedeng maging dahilan ng bigat na nararamdaman nito at itinatago mula sa kanya?