noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 41

Ch. 42 / 98 Feb 05, 2022

“Good morning Manang Lucia, nand’yan po ba si Tita Lani?” tanong ni Rose nang makapapasok sa bakuran ng malaking bahay nina Harris at makita ang matandang katulong na nagdidilig ng halaman.

“Naku umalis hija ng maaga kanina para mamalengke,” sagot naman ng matandang babae. “Kapag kasi ganitong Linggo ay gusto niya na siya ang namamalengke para makapaghuntahan pa sa mga kumare niya doon.”

“Hala, sayang at hindi ko po pala siya inabutan. May dala pa naman po akong pancake na special recipe ko,” sabi ni Rose.

“Pabalik na rin naman si Lani. Pwedeng hintayin mo na lang siya dito,” si Kap Henry ang nagsalita bago naglakad palapit kay Rose.

“Good morning po, kap. Dala ko po kasi ‘yung request na pancake ni tita,” nakangiting sabi ni Rose at inabot na kay Kap ang hawak na paper bag.

“Mukhang masarap ‘tong niluto mo ah. Lucia, dalhin mo na ‘to sa kusina at iinit mo pagdating ng madam mo,” utos ni Kap Henry nang maabot ang paper bag kay Manang Lucia. Ang mga tingin niya ay pasimpleng humahagod sa makinis at maputing leeg ni Rose na nakasuot ng maluwag na tshirt at paldang hindi aabot sa tuhod ang haba. “Maglabas ka na ng dalawang tasa ng kape at sabihin mo kay Harris na nandito sa baba si Rose.”

Sumunod naman Manang Lucia at pumasok na sa loob dala ang paper bag.

“Medyo tinanghali po kasi ako ng gising, dapat pala mas maaga akong pumunta,” sabi ni Rose.

“Maaga pa naman, nagkataon lang talaga na excited makipaghuntahan si Lani sa palengke kapag ganitong Liinggo. Pero babalik naman ‘yun bago magtanghalian.”

“Gano’n po ba? Kayo po kap, saan po kayo pupunta? Parang ang gwapo ninyo po ngayon,” ani Rose.

“May munting pagpupulong kasi sa kabilang isla ang mga kapitan. Hindi naman pwedeng magpahuli ako sa pagdating sa pagpustura,” nakangising sagot ni Kap Henry. Hindi na niya mapigilan ng matanda ang pagbaba ng tingin sa malusog na harapan ni Rose. “Oh sige, mauuna na muna ako. Kung gusto mo ay sa loob mo na lang hintayin si Lani para hindi ka masyadong mainitan dito.”

“Sandali lang po kap.” Hindi pwedeng sayangin ni Rose ang bawat minuto niya sa isla. Lumapit siya sa harapan ni Kap Henry.

Napalunok naman ang matandang lalaki nang hawakan ni Rose ang kwelyo ng suot niyang long sleeve. Saglit lang na dumikit ang daliri nito sa leeg niya pero labis na ang kuryenteng dulot noon sa balat niya. Patuloy ang pag-aaayos ng magandang turisa sa kwelyo at butones ng damit niya habang ang mga mata ay diretsonng nakatingin sa kanya. Nakaguhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito na gustung-gusto niya. Dahan-dahan nang bumaba ang mga tingin niya hanggang sa bahagya niya nang nasisilip ang pisngi ng malulusog na dibdib ng magandang turista. Mas lalo niya tuloy hindi mapigilan ang sarili lalo na ang paggising ng kanyang laman sa loob ng pantalon na nagsisimulan nang sumikip.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Rose ang makailang ulit na paglunok ng laway ng matandang lalaki na kaharap. Mas naging dahan-dahan ang pag-aayos niya sa kwelyo nitong hindi naman talaga magulo. Mas naging mapusok ang ngiti sa mga labi niya. Hindi na siya tumanggi pa nang maramdaman ang magaspang na kamay ng lalaki sa mga braso niya na dahan-dahang humihimas. Nakapangingilabot sa pakiramdam pero pinilit niyang hindi magbago ang ngiti sa mga labi kahit na ang totoo ay gustung-gusto na niyang sampalin ang lalaking kaharap. At nang may makita siyang aninong tila papalabas ng bahay ay ay kaagad siyang kumilos upang bahagyang makalayo kay Kap Henry.

“Rose?” takang bati ni Harris nang makita ang magandnag turista na nakatayo at may ilang hakbang ang pagitan mula kay Kap henry. Plano niya na talagang puntahan ito ng maaga kung hindi lang may tumawag na doktor sa kanya kanina at nagtagal ang kanilang diskuyson. Hindi na rin kasi siya nakatulog ng maayos pagkatapos bangungutin kaninang madaling araw.

“Hi Harris, good morning.” Nakangiting bati ni Rose na nagawang makalayo kay Kap henry bago sila tuluyang makita ni Harris. Nakasuot lang ito ng pambahay na short at sando kung saan kitang-kita ang maskulado nitong pangangatawan.

“Nagdala kasi ako ng pancake, request ni Tita Lani last time. Kaya lang maaga pala siyang umalis,” sagot ni Rose. Laking pasalamat niya na rin ang biglang pagpasok ni Harris sa eksensa dahil hindi niya alam kung gaano katagal niya pa kayang tiisin ang mga malademonyong haplos at tingin sa kanya ng kinamumuhiang lalaki.

“Kailangan ko na ring umalis. Baka mahuli pa ako sa meeting namin,” ani Kap Henry habang pinapakalma ang sarili at ang nainigas na laman sa may pantalon niya. Ayaw niya pa sanang iwan ang magandang turista, gusto pa niyang hawakan ang balat nito, halikan ang mga labi, lamasin ang mga dibdib, patungan sa kama at pasukin ang pinakatinatago nitong kayamanan pero sa ngayon ay kailangan niya munang magpigil. “Harris, ikaw munang bahala sa bisita natin at h’wag mong hahayaan na mainip siya.”

“Sige dad, ingat kayo,” tugon ni Harris.

“Ingat po kap,” ani Rose. Pasimple siyang nginitian ni Kap Henry bago ito tuluyang umalis.

Bumalik naman si Manang Lucia dala ang tray na may dalawang tasa ng kape sa ibabaw at may platito ng pancake.

“Salamat po manang,” sabi ni Harris.

“Maiwan ko muna kayo at maglilinis lang ako ng kusina. Kung may kailangan kayo, maririnig ko naman kayo mula doon.” Lumingon ang matandang katulong kay Rose. Ngumiti ito at gumuhit ang malalim na wrinkles sa noo at gilid ng mga labi. “Nag-iwan na rin ako ‘neng ng pancake na niluto mo para kay madam. Iinitin ko na lang mamaya pagdating niya.”

Natuwa si Rose sa narinig. “Thank you po Manang Lucia.”

Nang muling pumasok sa loob ng bahay ang matandang babae ay naupo na sina Rose at Harris. Kanina pa gustong yakapin ni Harris ang dalaga pero pinipigilan niya ang sarili, dahil kahit may nangyari sa kanila kagabi sa loob ng kotse ay bigla ring bumaba ang energy ni Rose nang magpaalaman sila sa isa’t-isa. Hindi pa rin niya ma-gets kung ano bas a mga pinag-usapan nila kahapon ang hindi nito nagustuhan. Kaya pinapakiramdaman niya muna kung nasa mood na ba ito ngayon.

“Ang moody ko kahapon ‘no?” napapailing na sabi ni Rose habang hawak ang tasa ng kape.

Natawa naman si Harris kasi parang nababasa ni Rose ang nasa isip niya. “Hindi naman,” tugon niya bago kumagat sa hinating pancake na nasa tinidor na hawak niya. “Sariling recipe mo ‘to?”

Tumango si Rose. “Yep.”

“Ang sarap ah!” puri ni Harris.

“Talaga? So, mas masarap sa akin?”

Lumapad na ang ngiti sa mga labi Harris. Lumingon muna siya at siniguradong walang tao sa may pinto bago inilapit ang upuan kay Rose. Hinawakan niya ang pisngi nito, hinalikan ang mga labi na kaagad namang pinaunlakan ng magandang turista. Saglit ring naglaro ang kanilang mga dila bago kumalas ang mga labi nila. “I miss you.”

“Grabe, kahit halos hanggang madaling araw na tayong magkasama kanina?” ani Rose.

“Sabi ko naman sa iyo, kung pwede lang hindi na ako umalis sa tabi mo, gagawin ko. ikaw lang eh.”

“Ah, so tampu-tampuhan ka na pala ngayon?” mapanuksong ngumiti si Rose habang ang kamay ay nagsisimulang mamasyal sa may hita ng gwapong doktor. Dahan-dahan iyong gumapang patungo sa katigasan nitong hinimas-himas niya. “Dok, tanghali na ah. Bakit gising pa rin ‘to?”

Hinawakan naman ni Harris ang kamay ni Rose at pinagsikliop sa kamay niya. “Ang sarap kasi ng almusal na dala mo.”

“Oo ng pala, ‘di ba nabanggit mo na sumasali ka sa camera club no’ng college ka?” tanong ni Rose habang ang kamay niya ay nakabilanggo sa kamay ni Harris. Kaya ang isang kamay niya ang ginamit niya para mahati ang pancake at maisubo kay Harris.

“Oo, bakit?” balik tanong ni Harris habang ngumunguya.

“Eh ‘di may collection ka rin ng mga pictures?” muling isinubo ni Rose ang pinarasong pancake sa katabing binata.

“’Yung iba naitago ko pa, pero karamihan do’n naitapon na ni daddy.”

Nabakasan kaagad ni Rose na may kaunting lungkot sa boses ni Harris. Binitawan na niya ang tinidor at hinawakan na rin ang isa pang kamay nito. “Pwedeng makita?”

“Seryoso ka? Bakit?”

“Wala lang, curious lang ako sa mga shot mo dati,” ani Rose habang nilalaro ang mga daliri ng kamay ni harris.

“Nakakahiya kasi sobrang amateur shot lang ng mga ‘yun. Pero, sige okay lang. Hanapin ko sa kwarto, mabilis lang.”

“Gusto mo tulungan na kitang maghanap?” muling mapanuksong ngumiti si Rose.

“Sure ka?” gustong mainis ni Harris sa sarili dahil umaatake na naman ang pagiging conservative niya.

“Uhmm… Hindi ba pwede? Sige, hihintayin na lang kita –”

“Hindi, okay lang!” putol kaagad ni Harris sa sinasabi ni Rose. Para tuloy gusto niyang batukan ang sarili niya. “I mean, tara sa taas?”

Nakangiting sumunod si Rose sa paglalakad ni Harris habang nakahawak sa kamay nito. Dumiretso sila sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa isang malaking kwarto. “Ang laki pala ng kwarto mo? Nice.”

“Oo, nag-set up na rin kasi ako ng maliit na opisina dito para sa mga research na kinu-conduct ko saka sa mga papers na dapat ko pang pag-aralan,” tugon ni Harris habang may hinahanap sa mga kaharap na kahon sa isang sulok.

Nagpatuloy naman si Rose sa paglalakad-lakad at napansin ang ilang picture frame sa may estante ng kwarto. “Bakit… Bakit parang puro baby picture at during college ang mga pictures mo dito? Wala kang pictures no’ng teenager ka?”

Saglit na napahinto si Harris sa ginagawa, pasimpleng bumuntong hininga bago kinuha ang isang envelope. “Actually hindi ko rin alam. It’s either itinago or itinapon na nina mommy. Ewan, ang sabi nila… It’s for my own good din naman daw.” Tumayo na siya at naglakad palapit sa nakatalikod na babae.

Yumakap ang mga braso ni Harris mula sa likuran ni Rose. Ang mga kamay nitong nasa harapan niya ay may hawak na envelope.

“Eto na po…” ani Harris.

Kumalas naman sa pagkakayakap si Rose at nagtungo sa malaking kama bago naupo sa may gilid. Nilabas niya mula sa envelope ang mga picture at isa-isang tiningnan. “Uy infairness, ang gaganda ng mga shot mo dito, to think college ka pa lang nito.”

Tumabi si Harris sa magandang dalaga at nakitingin sa mga litratong hawak nito. Hindi na rin niya napigilan ang mapangiti nang magbaliktanaw siya sa pagkuha ng mga litrato sa iba’t-ibang sulok ng university nila. Ang ilang pa sa mga litrato na ‘yun ay nanalo sa mga photograpy contest. “Marami pa ‘yan dapat eh. Kaya lang, tinapon na ni daddy ‘yung iba. Buti nga may naitago pa ako.”

Nilingon ni Rose ang katabi. Nandoon na naman ang lungkot sa mga labi nito. “Alam mo ang mahalaga ngayon, it’s never too late na gawin mo ‘yung mga bagay na gusto mo. Ginawa mo naman na ‘yung nila, this time… Sarili mo naman.”

Kahit paano ay nabawasan ang lungkot na kumukurot sa may dibdib ni Harris. Napakagaan sa pakiramdam ng bawat salitang binibitawan ni Rose. Tama ang magandang dalaga. Oras na para sariling kaligayahan naman niya ang isipin at sundin niya. “Thank you, ha?”

Kumunot ang noo ni Rose. “Para saan?”

Kumibit balikat si Harris. “Wala lang… Gusto ko lang mag-thank you.”

“Alam mo, wala pa nga akong ginagawa nagte-thank you ka na… Napressure tuloy ako bigla.” Dahan-dahan nang inilapag ni Rose ang mga pictures sa tabi.

“Whoa… parang biglang uminit ah.”Hindi na tumanggi pa si Harris nang ilapit ni Rose ang sarili sa kanya. Umatras naman siya hanggang sa makarating sila sa gitna ng kama. Gusto na sana niyang paibabawan ang babae pero muli siyang nagpaubaya nang hubarain nito ang sandong suot niya kasunod ang short at boxer niya. Gumapang din ito pababasa sa naghuhumindig niyang paglalaki na mas gising na gising na ngayon. Hinalikan. Dinilaan At dahan-dahang isinubo mula sa pinakaulo at sagad sa laman niya. Napasinghap siya sa sarap lalo na at kitang-kita niya ang mga mata ni Rose na nakatingin sa kanya habang pinapaligaya siya. Hindi pa ito nakuntento sa ginagawa at paminsa-minsan ay ang dalawnag ulo naman sa ilalim ng kanyang kahabaan ang hinahalik-halikan at dinidilaan. “F*ck…” Halos masubunutan na niya si Rose lalo na kapag nialalabas masok nito sa bibig ang pagkalalaki niya. Napapailing na hinila na niya si Rose.

Hindi naman na muli pang tumanggi si Rose nang maramdaman na nais na siyang hilahin ni Harris. Pero hindi siya nagmadali. Habang hinalik-halikan pa rin ang iba’t-ibang parte ng katawan nito ay sinisimulan na niyang hubarin lahat ng saplot niya. Halos mapaliguan na nga niya ng laway si Harris. At dahil ramdam niya kanina pa basa ang pagkababae niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa na dahan-dahang upuan ang galit na galit ng kahabaan ni Harris. Napabuga siya ng hangin nang unti-unti na iyong pumasok sa lagusan niya. Nakagat na rin niya ang labi nang kumilos na ang dalawang kamay ni Harris ay sinimulang laruin ang mga dibdib niya kasabay nang paglabas masok ng kahabaan nito sa kaloob-looban niya. Napapailing na lang siya sa sarap lalo na kapag sumasagad iyon sa pinasensitibo parte ng pagkababae niya. Nakakabaliw pati na ang ginagawang paglalaro ng mga hinlalaki nito sa may dulo ng dibdib niya habang nilalamas iyon. “Ahhhh…”

Lalong pinagbuti ni Harris ang paglalaro sa malulusog na dibdib ni Rose nang marinig ang mga halinghing nitong tila musika sa tainga niya. Napakaganda nito sa paningin niya habang nakatingala at umiindayog sa ibabaw niya. Bumangon na siya, kumilos at inilapat ang sariling likod sa may headboard ng kamay upang hindi mangalay.

Hindi naman iyon inaasahan ni Rose. Hindi huminto sa pagkilos ang balakang ni Harris at ang paglalabas masok nito sa lagusan niya pero mas naging triple ang sarap na nararamdan niya nang sabayan iyon nang pagsipip nito sa isang dibdib niya. “Sh*t Harris!” Ang bibig ng gwapong doktor ay parang uhaw sa gatas na sinisipsip ang isang dibdib niya, ang kamay nito ay walang tigil sa paglalaro sa isa pa niyang dibdib at ang balakang ay tila walang pagod sa pag-ulos sa lagusan niya. Hindi na niya kayang pigilan pa. “Ahhhhh!!!” Sa pagdikit ng mga ngipin niya at pagpikit ng mariin ay tuluyan na niyang narating ang unang rurok ng kasukdulan sa araw na iyon.

Naramdaman ni Harris ang pagtibok at paninikip ng lagusan ni Rose na tila sumasakal sa kahabaan niya. Hindi siya huminto sa pag-ulos sa kabila nang halos pagkalmot ng dalaga sa likod niya. Tumaas ang mga labi niya sa balikat nito… Sa leeg… Pinipigilan niya ang sarili na makagat o masipsip ang maputing balat ni Rose dahil baka makapag-iwan siya ng marka. Kaya siniil na lang niya ng halik ang mga labi nito. Nakipagpalitan ng laway. Nakipag-espadahan ng dila. Habang pabilis ng pabilis at palakas ng palakas ang ulos niya. Lumalalim na ang hinga pero hindi pa rin siya pa rin siya humihinto. Saglit na kumalas ang mga labi niya at tiningnan ang mga magandang mukha ni Rose na sa kabila ng malamig na aircon ay may namumuong butil ng pawis sa noo. Sinuklay-suklay niya ng mga daliri ng kamay ang buhok nitong nagulo na. Eto na naman ang kakaibang expression sa mukha ni Rose. Nakangiti ang mga labi pero may lungkot sa mga mata. “Rose…”

Iginuhit ni Rose sa mga labi ang pinakamatamis na ngiti na kayang niyang ipakita kay Harris ng mga oras na ‘yun habang pigil ang mga luha. Hinaplos niya ang pisngi nito bago bumitaw ng malalim na buntong hininga at nagsalita. “Inside me…” Pinulupot niya ang mga braso sa ulo ng binata at niyakap iyon. Mas bumilis pa ang ulos ni Harris. Mas malakas. Mas masarap. Sa pagkakataong ito ay sabay nilang mararating ang rurok ng kasukdulan. Ilang ulos, halik at halinghing pa ang umere sa loobg ng kwarto. At kasunod ng mga likidong naramdamang niyang pumutok sa kaloob-looban niya ay ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya.

Humihingal naman si Harris habang nakayakap sa katawan ng magandang turista nakaupo pa rin sa ibabaw niya. Ang katawan na nanaisin niya hindi lang makasiping kung hindi makatabi sa araw-araw at gabi-gabi ng buhay niya. “I love you… Rose.”