noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 44

Ch. 45 / 98 Feb 05, 2022

“Jin, sakay na.”

Sa sobrang seryoso ni Jin sa paglalakad papunta sa palengke na may tatlong kilometro ang layo mula kayna Adolph ay hindi niya napansin ang sasakyan na biglang huminto sa tapat niya. Bukas ang bintana at nakita niya ang kababatang doktor. “Harris,” aniya. Hindi na siya tumanggi pa at pumasok na sa loob ng sasakyan.

“Sa palengke ka ba pupunta?” tanong ni Harris na saglit na tinapunan ng tingin si Jin.

“Oo, ikaw? Sa clinic mo?” sagot at balik tanong ni Jin.

“Yep. Pero may kukunin lang ako saglit do’n. Paalis rin kasi ako dito sa isla bukas,” tugon ni Harris.

“Teka,” napalingon si Jin sa may likuran kung saan nanggaling ang sasakyan ni Harris. Hindi iyon daan mula sa bahay nito. “Saan ka pala galing?”

“Ah, kayna Rose.”

Nabaling na ang tingin Jin sa nagmamanehong binata. Nakangiti ito. Malaking ngiti ang nakaguhit sa mga labi. Ngiting madalas niyang makita sa mga labi ni Adolph, kapag ang topic nila… Ay ang magandang turista. “Sa bahay nina Tatay Poncio?”

“Oo, do’n nga. Nakikain lang ng almusal.”

“Kayo na ba?” Hindi alam ni Jin kung tama ba ang naging tanong niya na ‘yun. Pero bahala na. Hindi naman kaagad sumagot si Harris. Pero namula ang pisngi nito at ngayon niya lang iyon nakita.

“Ni Rose?” Natawa si Harris sa naging tanong Jin bago napailing. Paano niya nga ba sasagutin ang tanong nito kung siya man ay hindi rin sigurado sa set up nila ngayon ng magandang turista. “Hindi pa… I mean. Hindi.”

“Pero gusto mo siya, tama?” muling tanong ni Jin. ‘Saan ba papunta ‘tong interview mo, Jin?!’

Kinagat ni Harris ang labi bago saglit na tinapunan ng tingin si Jin. “Sino bang hindi magkakagusto sa kagaya niya?”

Pinilit ni Jin na ngumiti at sumang-ayon sa sinabi ng kababata. “Oo nga naman. Sa ganda at sexy ni Rose, sino ba naman hindi alam mo na… ‘Di ba?”

“Don’t get me wrong, paps. Pero hindi lang dahil sa maganda o sexy siya kaya ko siya nagustuhan,” ani Harris. Kahit hindi man siya diretushin ni Jin, alam niya ang tinutukoy nito. Sino ba namang lalaki ang hindi malilibugan sa katawan ni Rose. “Eto paps, sa ‘yo ko pa lang iku-kwento ah.”

Binalik ni Jin ang tingin sa nagmamanehong kababata na hindi maalis-alis ang nakalolokong ngiti sa mga labi. Hindi siya pwedang magkamali, pati ito ay tila nagayuma na rin ng magandang turista. “Ano ‘yun?”

“Alam ko na medyo weird pero sa tuwing makikita at makakasama ko ‘yang si Rose, para akong nade-déjà vu. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala eh… Actually minsan baliktad nga eh. parang…”

“Parang kilalang-kilala ka na niya?” putol ni Jin sa sinasabi ni Harris.

Sakto namang may dadaan na lalaking may hila-hilang mga kambing kaya saglit niyang inihimpil ang sasakyan at sinalubong ang mga tingin ni Jin. Napakaseryoso ng mukha nito na ngayon niya lang napansin. “Paano mo nalaman?”

“Kailan pa ba kayo nagsimulang lumabas ng magkasama? Gaano katagal na? Saka… Paano nag-umpisa?” sunud-sunod na tanong ni Jin. Bigla niyang naalala ‘yung mga oras na may mga binabanggit si Rose tungkol sa kanya… Tungkol sa mga ginagawa niya noon… At tungkol sa lolo at lola niya. Pati tuloy siya, pakiramdam niya ay parang kilalang-kilala na siya ni Rose.

“Teka, ngayon ko lang napansin. Kanina ka pa yata nagtatanong tungkol sa aming dalawa. Interesado ka rin ba kay Rose?” Iniiwasan ni Harris na maisip ang bagay na ‘yon kahit alam niya napaka-posible.

“H-ha? Wala…”

“Eh bakit parang sobrang interested ka naman sa status naming dalawa?” muling nagtatakang tanong ni Harris.

‘Status naming dalawa.’Ang mga salitang tumatak sa isip ni Jin. Ibig sabihin, pwedeng kagaya ni Adolph ay may nagsisimula nang mamagitan kay Rose at Harris. Umarte siyang natatawa. “Wala nga akong gusto sa kanya. Parang gago ‘to si Harris oh. Curious lang ako sa… Sa ano…. Sa inyong dalawa kasi nga ‘di ba, ang tagal mo na ring walang girlfriend. Saka napansin ko na parang gusto mo talaga siya at mukha namang gusto ka rin niya.”

“Talaga? Napansin mo na parang gusto rin ako ni Rose?”

Napalunok si Jin ng laway at medyo nakahinga na ng muling paandarin ni Harris ang sasakyan. Nakita niya rin sa mukha nito na nakumbinse niya ito sa sinasabi niya. “Oo, halata naman eh. Iba ‘yung mga tinginan niya sa ‘yo.”

“Inuuto mo na ako ah. Hindi naman kita sisingilin sa sakay mo dito. Kaya h’wag kang mag-alala.”

Muling nagkunwaring natatawa si Jin kahit alam niyang medyo mukha na siyang tanga sa ginagawa niya. “Pero mabait naman si Rose ‘di ba? Nakakausap ko rin siya minsan eh, lalo na no’ng sinamahan ko sina lola na magpa-check up sa ‘yo. Giliw na giliw sa kanya sina lola.”

“Talaga? Pati sina lola?” muling napailing si Harris pero nakangiti. Buti na lang at hindi si Rose ang tipo ni Jin dahil sigurado siyang magiging botong-boto ang mga kinagisnan nitong mga magulang sa magandang turista kagaya ng mga magulang niya.

‘Pati?’ Pinigilan ni Jin ang pagkunot ng noo niya. Bakit ba kasi parang ang O.A. ng pagiging observant niya sa bawat salita ni Harris. “Anong ibig mong sabihin pati sina lola?”

“Alam mo kasi sina daddy at mommy, tuwang-tuwa rin d’yan kay Rose. Lalo na si mommy, kung pwede nga raw na ibahay ko na para hindi na makahanap ng iba dito sa isla,” kwento ni Harris.

“Eh si kap?” may pag-aalinlangan man ay tinuloy pa rin niya ang tanong na iyon. Maliban kay Adolph, si Kap Henry ang isa sa kilalang tirador ng magagandang babae sa Isla Azul. Malinis nga lang ito gumalaw, at hindi niya sigurado kung paano iyon naitatago kay Harris at kay Tita Lani.

“Mukhang botong-boto rin kay Rose. Nai-speechless nga kapag nasa bahay si Rose eh,” patuloy pang kwento ni Harris.

“Madalas sa bahay ninyo si Rose?” muling napalunok ng laway si Jin.

Kumibit balikat si Harris pero nakangiti. “Medyo… Mahilig kasi siyang magluto at do’n sila nagkakasundo talaga ni mommy. Alam mo, ayun nga… Sa totoo lang, hindi naman talaga ‘yung pagiging maganda at sexy ni Rose ‘yung pinaka-nagustuhan ko sa kanya. Bonus na ‘yun siguro, pero iba kasi siya eh.”

“Paanong iba? Eh marami rin namang maganda dito sa isla na magaling magluto. Marunong pa mangisda at mag-ihaw,” nagpanggap ulit na natatawa si Jin habang nagsasalita. Baka makahalata na naman kasi si Harris na sobrang curious siya kay Rose at sa nangyayari sa dalawa.

“Hindi lang naman ‘yun paps. Pero kasi, kapag kasama ko si Rose… Parang kayang-kaya ko na maging ako. She made me realize na, ginawa ko na ang gusto ng parents ko na maging doktor. This time, dapat sariling passion ko naman ang dapat kong isipin at sundin. Kaya nga parang palagi ko siyang gustong kasama eh. Kasi palagi niyang pinaparamdam sa akin na tanggap niya ako kahit sino pa man ako.”

Saglit na natahimik si Jin. Sa pagkakataong ito, hindi niya na mapigilan ang sumeryoso ang mukha niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Narinig niya na ‘yun kanina lang. Ganoong-ganoon din ang sinabi ni Adolph habang magkausap sila kanina.

“Uy, paps? Okay ka lang?”

Napapitlag si Jin nang tapikin pa siya ni Harris sa balikat. Nakarating na pala sila sa may bukana ng palengke at nakatigil na ang kinalulunan nilang sasakyan. “O-oo naman! Okay lang ako.”

“Para kang nakakita ng ano d’yan at bigla ka na lang natutulala,” natatawang sabi ni Harris.

“Sorry, nalipasan yata ako ng gutom,” kamot ulong sagot ni Jin. “Oh sige ha? Salamat sa paghatid sa akin dito.” Akmang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan nang pigilan siya ni Harris.

“Paps, sandali lang. Actually may ipapasuyo sana talaga ako eh. Buti na nga lang nakita kita ngayon,” ani Harris.

Muling umayos ng upo si Jin at humarap kay Harris.

“Babalik na kasi ako sa Maynila bukas. Baka mga tatlong linggo akong mawawala, kaya hindi na rin ako maka-attend ng kasal ni Adolph,” patuloy ni Harris.

Hindi pa man naririnig ni Jin ang pakay na pabor na nais hingin o ipagawa ni Harris sa kanya ay parang alam niya na kung ano ‘yun. Nagsimula na tuloy manuyo ang lalamunan niya at bumilis ang kaba sa dibdib niya habang inihahanda ang sarili sa mga susunod pang sasabihin ng kababata niyang doktor. “A-ano ‘yung favor mo?”

“Nakakahiya man pero…” Napailing pa si Harris bago ibinaling ang tingin kay Jin. “Pwede bang bantayan mo si Rose habang wala ako dito sa Isla Azul?”