“Sakto naman ‘di ba?” tanong ni Adolph.
Ang repleksyon ni Adolph na nasa loob ng kaharap na malaking salamin ang tinanguan ni Jin. Suot niya ang barong na pinatahi nila noong nakaraan. “Oo paps, sakto lang.”
“Nag-request din ako ng konting allowance para if ever, magamit pa sa susunod. Kung sino man ang susunod pang ikasal dito isla,” ani Adolph. Maagang pumunta si Jin sa bahay nila para kunin ang barong nito na gagamitin para sa kasal nila ni Grace.
“Sino naman kaya ang susunod na ikakasal? Si Jojo o si Harris?” Biglang napahinto sa pagsasalita si Jin nang ma-realize ang huling pangalang binaggit. Bakit ba kasama si Harris sa naisip niya. Pasimple niya tuloy muling binalikan ng tingin ang repleksyon ni Adolph habang hinuhubad niya ang barong. Nasa malayo ang tingin nito pero sumeryoso na bigla ang mukha. “Pero sa tingin ko naman mauuna pa akong makapag-asawa sa kanila.”
“Gago, baka nga nakapag-asawa na lahat ng mga ka-batch natin at nagkaapo, wala ka pa ring asawa,” natatawang sagot ni Adolph.
“Grabe ka sa akin paps ah!”
“Kailan ka ba kasi last nagka-girlfriend? Teka, nagka-girlfriend ka na ba?” natatawa pang tanong ni Adolph.
“Oo naman. Oh, baka itanong mo rin kung virgin pa ako. Hindi na, okay na ba?! Choosy lang talaga ako. Hindi kagaya mo,” napapailing na ibinalik ni Jin ang barong sa loob ng paper bag.
“Choosy din naman ako, eh. Sila lang talaga ang lumalapit sa akin. Anong magagawa ko? Kahit nga etong si Rose, ‘di ko ine-expect na siya pa ang magpaparamdam sa akin. Kung nauna lang siya ng konti, malamang hindi ko na talaga pakakasalan ‘to si Grace.”
Ito talaga ang pinakaayaw niyang topic kapag magkasama sila ni Adolph. Ang dalawang babae sa buhay ng kaibigan niya. “Pero seseryosohin mo naman na si Grace ‘di ba?”
Nagbitaw ng buntong hininga si Adolph. “Wala naman na akong ibang pagpipilian pa. Pero alam mo, sa totoo lang paps… If ever na… If ever lang naman na mabigyan ako ng chance na pumili kay Grace at Rose? Si Rose talaga ang pipiliin ko eh.”
Naglakad na palapit si Jin kay Adolph at umupo sa katapat nito. “Eh ‘di ba ang sabi mo… N-nalilibugan ka lang naman sa kanya? Gusto mo lang siyang maano…”
Hindi na napigilan ni Adolph ang matawa sa mga pigil na salitang binibitawan ni Jin. “Noong una oo. Gusto ko lang talaga siyang matikman. Maikama. Maka-sex… Pero ngayon iba na eh. Ewan ko ba. Bakit ang lakas ng tama ko sa babaeng ‘yun.”
“Pero alam mo, mas maganda at magiging maayos ang future mo kay Grace eh.” Hindi nagugustuhan ni Jin ang nababasa niya sa mukHa ni Adolph. Ngayon lang nakita nakitang naghalo ang kalibugan at kaseryosohan sa usapan nilang dalawa.
“Oh bakit bigla-bigla mo na lang nilalakad si Grace sa akin. H’wag mong sabihin na type mo na ‘yung kaibigan niyang si Vilma at plano mong magpalakad sa kanya,” nagtataka man ay natatawa pa ring sabi ni Adolph. Hindi rin naman kasi close si Jin alinman kayna Grace o sa mga kaibigan nito. Kaya nakapagtataka na ibida nito ang babaeng malapit na niyang pakasalan.
“Parang gago ‘to. Siyempre hindi no. Ayoko lang na magulo ang buhay mo,” ani Jin.
“Paano naman magugulo ang buhay ko kung aalis din naman kami dito sa isla ni Rose.”
Napalunok si Jin sa narinig. Hindi niya na ikinwento pa kay Adolph ang nakita niya sa pagitan ni Rose at ng tatay nito dahil alam niya kung paano magwala sa galit ang binata. Ayaw niyang mag-away ang mag-ama dahil lang sa turistang iyon. “Anong ibig mong sabihin? May plano na kayong dalawa”
“Siyempre wala pa!”natatawang sagot ni Adolph bago bumuntong hininga. “Pero kapag nagkausap kami, h’wag niya sana akong yayain na tumakas dahil hinding-hindi talaga ako magdadalawang isip na sundin ang gusto niya para makasama siya.”
“Iiwan mo si Grace at itong… Isla Azul para sa turista na ‘yun?” muling tanong ni Jin. Nilingon siya ni Adolph. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Ngiting hinding-hindi niya kakikitaan ng pagbibiro.
“Alam mo kasi, iba si Rose eh. Sa lahat ng mga naging babae ko, siya lang ang nagparamdam sa akin na, hindi pa huli ang lahat para sariling kaligayan ko naman ang isipin ko. At kahit hindi niya sabihin, ramdam ko na tanggap niya ako kahit sino pa man ako.” Isang malalim na buntongn hininga ang binitawan ni Adolph bago lumapad ang ngiti sa mga labi. “Kaya oo paps… Kaya kong iwanan lahat para sa kanya.”
Muling napalunok ng laway si Jin at pasimpleng nagbitaw ng buntong hininga kasunod ang pilit na mga tawa. “Ang lakas mo mag-joke paps.”
“Hindi ako nagbibiro,” salubong ang kilay ni Adolph ng sabihin iyon. Kung ano man ang nararamdaman niya ngayon para kay Rose ay hindi niya maintindihan. Isa lang ang sigurado siya. Walang-wala ang nararamdaman niya para kay Grace kumpara kay Rose. Kaya sigurado siya sa sarili niya na kung bibigyan siya ng pagkakataon na makasama ang magandang turista, handa niyang iwan lahat pati na ang Isla Azul para lang kay Rose.
“Ewan ko sa ‘yo, oh sige na… Mauna na ako at dadaanan ko pa si lola sa palengke,” biglang paalam ni Jin.
“Akala ko dito ka magtatanghalian? Padating na si Grace, magdadala daw siya ng ulam,” ani Adolph.
“Hindi na paps, alam ko namang makakaistrobo lang ako sa lunch ninyo dalawa.” Tumayo na si Jin at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Baka kasi mahalata pa ni Adolph na parang kinakabahan siya na ewan kaya iiwanan niya na ito. Kung bakit kasi sa tuwing nasasali sa usapan nila ang magandag turista parang hindi siya mapakali.
“Paps…”
“Ano?!” napataas ang boses ni Jin nang lumingon kay Adolph.
“Ba’t parang galit ka?” natatawang tanong ni Adolph bago itinaas ang hawak na paper bag. “Naiwan mo ‘to oh.”
Tumikhim si Jin bago naglakad pabalik sa kinatatayuan ni Adolph. Muli ay pinilit niya ang sarili niya na matawa. “Oo nga. Hahaha. Sorry, nag-uulyanin na. Oh sige paps. Una na ako.”
Hindi na muli pang pinigilan ni Adolph ang kaibigan na papalayo na sa kanya. Natatawang umiling siya habang nakahatid tanaw dito.
Kumunot naman ang noo ni Jin habang naglalakad palayo. Kilala niya kasi si Adolph, mas mabilis itong mahulog kapag babae ang nagbibigay ng motibo. Lalo na sa mga hitsura ni Rose. Posible kayang nagbigay ng motibo si Rose na takasan na lang ng mga ito ang kasal at ang Isla Azul?