noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 42

Ch. 43 / 98 Feb 05, 2022

“Sobrang na-miss ko po ‘tong paksiw ninyo, Nanay Harwina,” ani Harris nang halos matatapos na siyang kumain. Maaga niyang inihatid si Rose sa bahay ng mag-asawa at naabutan niyang kakaluto lang ng hapunan ni Nanay Harwina kaya hindi na siya tumanggi pa ng yayain siya nitong sumabay nang kumain.

“Ayan naman kasi ang palagi kong niluluto,” nakangiting tugon ng matandang babae.

“Nakalimang bulos tuloy ako ng kanin,” dagdag pa ni Harris.

“Natalo pa pala kita kasi nakaanim na bulos ako,” ani Rose.

“’Yung totoo, saan mo nilalagay ang mga kinakain mo?” natatawang tanong ni Harris. Napansin niyang mas maraming nakain na kanin at ulam sa kanya ang dalaga. Pero ni hindi man lang lumaki ang tyan nito.

“Hoy! Ang yabang mo. Parang ikaw din naman mabilis ang metabolism mo. Ang hirap kayang mag-diet kapag ganito kasarap ang ulam,” si Rose naman ang natatawang sumagot. “Isa talaga ang mga paksiw ni Nanay Harwina sa hahanap-hanapin ko ‘pag balik ko ng Maynila.”

“Next time, mag-aaral na rin akong magluto para ako naman ang hahanap-hanapin mo,” nakangiting sabi ni Harris.

Naramdaman ni Rose ang pag-init ng pisngi niya bago tinapik ang balikat ng katabing gwapong doktor. “Tumigil ka nga d’yan. Nakakahiya kayna Tatay at Nanay oh.”

“Nililigawan mo na ba si Rose?” nakangiti pero may himig ng kaseryosohan ang tanong na iyon ni Tatay Poncio.

“Ayan, kadyo-joke mo… Maha-hot seat ka ng wala sa oras,” ani Rose bago uminom ng tubig pero nakatingin pa rin kay Harris at hinihintay ang magiging sagot nito.

“Hindi naman ako nagdyo-joke eh. Ayaw mo lang talaga ako seryosohin,” sagot ni Harris bago tumingin kay Tatay Poncio. “Ang totoo po, hinihintay ko lang magpaligaw sa akin si Rose.”

“Tama na nga, baka maniwala na sa iyo sina Tatay Poncio,” saway ni Rose kahit ang totoo ay nagpigpigil na siya ng kilig na nararamdaman.

“Alam mo Harris, hindi ka na iba sa amin ni Harwina. Natutuwa nga kami at hindi ka nakakalimot dito sa isla o sa aming mag-asawa. Pero etong si Rose, habang nandito siya sa Isla Azul… kami muna ang tatayong magulang niya. Kaya kung gusto mo talaga siya, alam mo na kung kanino ka dadaan. Siguraduhin mo lang na hindi mo siya sasaktan.” May himig pa rin ng kaseryosohan ang boses ni Tatay Poncio.

“Naku Poncio, masyado ka namang seryoso magsalita. Baka hindi matunawan n’yan si Harris,” natatawang saway na ni Nanay Harwina sa asawa.

“Nagpapaalala lang. Siyempre, nandito sa bahay natin ang isang magandang turista. Walang mga magulang o ibang kasama, kaya tayo muna ang pamilya niya ngayon,” dugtong pa ni Tatay Poncio.

Hindi na mapigilan ni Rose ang mapangiti. Ramdam niya kasi ang sinseridad sa boses ng matandang lalaki. Na-miss niyang magkaroon ng ganitong klaseng mga magulang. Binalingan naman niya si Harris. “Bakit parang pinagpapawisan ang noo mo, Harris? Pressured ka?”

“Hindi ah. Bakit naman ako mape-pressure kung seryoso talaga ako sa iyo. Ito lang po ang masasabi ko, Tatay Poncio at Nanay Harwina, hindi ko po maipapangako na habambuhay kong mapapasaya si Rose dahil baka dumating ang araw na sa ibang tao niya pala makikita ‘yun. Pero makakaasa po kayo na kung sakali man na tanggapin niya na ako bilang partner niya in the future,” tumingin si Harris kay Rose. “Hinding-hindi ko po siya sasaktan.”

Walang makapang mga salita na itutugon si Rose para barahin ang huling sinabi ng gwapong doktor. Napakagaan ng pakiramdam niya ngayon. Parang wala na siyang mahihiling pa na iba kung hindi… Sana totoo na lang lahat ng nangyayari na ngayon.

“Mabuti naman, dahil maraming lalaki dito sa isla ang nagtatangka na dalawin at umakyat ng ligaw d’yan kay Rose. Hindi ko lang pinapayagan at sinasabi kong hindi siya intereaso kahit ang totoo, ako naman talaga ang hindi interesado sa kanila para sa anak-anakan namin,” natatawang kwento ni Tatay Poncio na ikinatawa din ng tatlong mga kasama niya. Marami siyang nakakasama sa pangingisda na nagpapalakad sa kanya para sa magandang turista na hindi niya pinagkakaabalahan pa o pinapansin, dahil ayaw niya na may ibang tao na pumupunta sa bahay nila. Kaya paulit-ulit niyang sinasabi may boyfriend si Rose na naiwan sa Maynila kaya hindi ito magpapaligaw dito sa isla. “H’wag mo sanang sayangin ang pagkakataon na binigay namin sa iyo para umakyat dito sa bahay hindi lang para gamutin o suriin kami ni Harwina, kung hindi para mas lalong mapalapit dito sa anak namin.”

‘Anak namin.’Napasinghap si Rose sa huling sinabing iyon ni Tatay Poncio. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Gusto niya tuloy maluha pero pinigilan niya lang ang sarili.

“Makakasa po kayo, Tatay Poncio,” tugon naman ni Harris.

“Naku, napakaseryoso naman ng ating usapan… Tapos na ba kayong kumain at ako’y magliligpit na. Baka tuluyan ka pang hindi matunawan Harrris sa siinasabi nitong Tatay Poncio mo,” ani Nanay Harwina.

“Ayos lang po ‘yun ‘nay, para po kahit paano maipakita ko na sincere talaga ako,” muling sagot ni Harris. “Heto po, tapos na po akong kumain.”

“Ako rin po tapos na, tutulungan ko na po kayong magligpit,” ani Rose.

“H’wag na anak. Samahan mo na lang muna itong si Harris maglakad-lakad sa may likod bahay malapit sa dagat nang bumaba-baba konti ang kinain ng batang ito bago magmaneho pauwi. Mahirap na baka hindi tunawin ng sikmura niya ang mga niluto ko dahil sa paggigisa ni Poncio sa kanya.” Sinimulan nang ayusin ng matandang babae ang mga plato.

“Oo nga Rose, ako na lang ang tutulong dito kay Harwina,” segunda ni Tatay Poncio.

“Thank you po ulit sa masarap na hapunan,” sabi ni Harris.

“H’wag ka sanang madadala sa mga sinabi sa iyo ni Poncio. Basta nasa iyo ang boto ko,” nakangiting sagot ni Nanay Harwina.

***

“Na-hotseat ka tuloy ng wala sa oras,” ani Rose habang naglalakad silaa sa may pampang.

“Wala ‘yun.” Huminto na rin si Harris sa paglalakad nang huminto si Rose at umupo sa tabi nito. “Pero alam mo, ngayon ko lang nakita na gano’n kaseryoso si Tatay Poncio. Sa totoo lang, medyo kinabahan nga ako eh,” natatawang napakamot sa ulo si Harris. Pangiti-ngiti lang siya kanina pero totoong namumuo na ang butil ng mga pawisa noo niya dahil sa kaseryosohan ng matandang lalaki. Sanay kasi siya na malambing ito at palabiro.

“Grabe, na-pressue ka kaagad? Paano na lang kung totoong ligawan na?” pati si Rose ay natawa na rin.

“Hindi pa ba totoong ligawan ‘to? Ayaw mo pa kasi akong seryosohin,” ani Harris. At dahil may pagkakonserbatibo nga siyang lalaki. Kahit may nagyayari na sa kanilang dalawa, gusto niya pa ring manggaling kay Rose ang totoong estado ng relasyon nilang dalawa.

“Naiinip ka na ba?” nakangiting tanong ni Rose. “Pwede namang umuwi ka na kung naiinip ka na.”

“Hindi ah. Enjoy na enjoy kaya akong kasama ka,” kaagad na sagot ni Harris. “Pero nakasagot naman ako ng maayos kanina ‘di ba?”

“Medyo convincing naman ‘yung mga naging sagot mo.” Nasa dagat na ang mga tingin ni Rose. Kagaya dati, mahinahon ang mga alon. Kahit nakasuot siya ng manipis na jacket, ramdam niya pa rin ang malamig na hanging-dagat na humahalik sa mga binti niya.

“Medyo lang? Sincere kaya ako sa mga sinabi ko,” nakalabing sabi ni Harris.

Natawa si Rose nang umarteng parang nagtatampo si Harris. “Eto naman, parang bata. Sinabi ko naman dati ‘di ba? Mas nararamdaman ko ang sincerity kapag pinapakita kaysa sinasabi.”

“Kaya nga willing ako gawin lahat para maipakita at maiparamdam ko sa iyo na seryoso ako.”

Iniunat ni Rose ang mga tuhod, dumukit ang maliliit na butil ng buhangion sa ilalim ng mga binti niya. Nilingon niya si Harris. “Seryoso ka ba talaga sa akin?”

“Hindi pa ba halata?” Sinalubong na rin ni Harris ang mga tingin ng magandang tuirsta.

“Pero hindi mo pa ako masyadong kilala. Paano kung psychopath killer pala ako na mahilig pumatay ng mga gwapong doktor?” natatawang tanong ni Rose.

“Eh ‘di sabay tayong bumalik ng Maynila para mas makilala na kita. Tapos dadalhin kaagad kita sa presinto hindi para i-verify kung may tinakasan ka bang kaso, kung hindi para ipakulong ka na kasi nanakaw mo na kaagad ang puso ko nang unang beses pa lang na nagkita tayo.” Hindi alam ni Harris kung kailan niya simulang naramdaman na si Rose na talaga ang babaeng gusto niyang makasama sa habambuhay, kahit totoo naman talagang hindi pa sila masyadong magkakilala. Hindi naman na mahalaga ‘yun. Pinakamahalaga sa kanya ay ang makasama ito ngayon. Isa na lang ang hinihiling niya, sana ay pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t-isa.

“Ang korni mo, doc!” Natatawang tinapik ni Rose ang balikat ni Harris.

“Pero seryoso ako sa sinabi ko…”

“Alin ba do’n? Ang dami mo kasing sinabi,” muling tanong ni Harris.

“Na sabay na tayong bumalik ng Maynila. Kailan ka ba babalik do’n? Ayoko kasing…” bumuntong hininga si Harris. “Ayokong umalis dito sa isla ng hindi ka kasama.”

“Anong ibig mong sabihin? Aalis ka?”

Tumango si Harris. “May conference kasi kami this this week. At pinapabalik na rin ako sa ospital dahil nag-leave pala ‘yung isang doktor namin do’n. So kulang sila sa mga tao. Kaya kailangan ko munang bumalik ng Maynila.”

“Talaga?” Nabakasan ni Rose ang excitement sa sariling boses kaya saglit siyang tumikhim. “I mean, talaga? Gaano katagal ka namang mawawala?” Satotoo lang kasi ay medyo nahihirapan siyang kumilos kapag ganitong umaali-aligid si Harris sa kanya. Pero kung saglit itong mawawala sa isla, mas mapapabilis ang mga plano niya.

“Mga tatlong linggo,” malungkot na sagot ni Harris. Hindi siya komportable na iwan si Rose sa isla. Hangga’t maaari ayaw niyang mawala ang presenya ng bakuran niyang nakapaligid sa dalaga.

“Paano ‘yung kasal ni Adolph? In two weeks na ‘yun ‘di ba?” muling tanong ni Rose. Nakwento kasi ni Harrris na abay ito sa kasal ng mga kababata.

Tumango si Harris. “Kaya umalis rin ng maaga si mommy kanina para daanan sina Grace at ipaalam na baka hindi na ako makapunta sa kasal nila. Si mommy na lang daw ang bahala. Rose…” hinawakan niya ang kamay ng dalaga. “Sabay na tayo bumalik ng Maynila.”

Ramdam ni Rose ang sincerity sa ginagawa ni Harris para sa kany noong una pa lang. Kaya nga nakokonsensya siya na pati ito ay nadadamay sa mga plano niya. Pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Ngumiti siya bago umiling sa binata. “Hindi pa ako pwedeng umalis. Hindi pa tapos ‘yung… ‘Yung project ko na ginagawa ko para sa website ko.”

“Pwede naman nating balikan ‘yun ‘di ba? Pagbalik natin dito from Manila, sasamahan kitang tapusin ang project mo. Kahit 24 hours pa. Basta… Basta sumama ka na sa akin pabalik. Dahil ayokong iwanan ka dito. Rose, sa totoo lang…” Lumunok ng laway si Harris kasunod ng paglunok niya ng kabang nararamdaman para sa mga susunod na sasabihin. “Ayoko na kasi mawala ka sa tabi ko.”

“Hindi naman ako mawawala eh. Saka, pwede naman kitang hintayin na bumalik. Siguro ‘pag balik mo tapos na ‘yung project ko. And that time, pwede na ako sumama sa iyo kahit saan ka pa pumunta,” ani Rose. Lihim niyang pinapanalangin na sana nga ay dumating pa ang araw na ‘yun. Ang araw na para sa kanilang dalawa lang ni Harris. “Hihintayin kitang makabalik, Harris.”