noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 37

Ch. 38 / 98 Feb 05, 2022

“Jin!”

Huminto sa paglalakad si Jin at nilingon ang tumawag sa pangalan niya na kaagad namang lumapit. “Oh, Jojo. Ang aga mo yata?” Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad sa may pampang kasabay ang kababatang pulis.

“Ang totoo niyan, nagpadestino muna ako dito sa isla natin. Kaya madalas mo na akong makikita ng ganito kaaga.”

“Talaga? Buti pumayag ang tatay mo?” Kilala ni Jin ang tatay ni Jojo na istrikto. Nakadestino iyon dati dito sa Isla Azul, pero upang mapakita na talagang tahimik sa isla nila ay nagdesisyon itong doon na lamang magpadestino sa kalapit na isla kung saan madalas may nangyayaring krimen.

“Hindi nga eh. Nagpumilit lang ako. Hindi kasi ako matahimik,” tugon ni Jojo. Sa may lugawan sila dumiretso ni Jin na sakto naman dahil hindi pa rin siya nag-aalmusal.

“Bakit naman?” tanong ni Jin bago um-order ng lugaw na may laman. Naisip niyang baka may ibang kaso na itong tinututukan sa isla nila.

“Hanggang ngayon kasi hindi ko pa alam kung saan nakuha ni Mel ang drugs na ininom niya.” Alam ni Jojo na sarado na talaga ang kaso ng pagkamatay ng kaibigan niya at pamilya nito.

Pinatay ni Mel ang mga magulang dahil lutang sa ipinagbabawal na gamot. Case Closed. Pero para sa kanya ay hindi pa. Ilang kaso na ng droga sa mga kalapit na isla ang nahawakan niya pero ibang klase ang droga na nakuha mula sa mga gamit at katawan ni Mel. Hindi iyon isang normal na gamot na mabilis makita ng mga drug addict o seller sa mga kalapit na isla.

Wala pang naisusubong kahit na ano ay napalunok na si Jin. “Sa tingin mo, saan galing ‘yun? May lead na ba kayo?”

“Wala pa nga eh. Kasi walang tumutulong sa akin sa paghahanap ng kahit na anong lead. Para sa mga kapwa ko pulis, sarado na talaga ang kaso ni Mel. Pero ewan ko ba, hindi talaga ako matahimik,” kwento pa niya. Kagabi lang ay halos masigawan na siya ng papa niya nang malaman nitong nagpapabalik-balik siya sa Isla Azul. Hindi na lamang siya masyadong sumagot upang hindi na iyon mas lumaki pa.

“Jojo…” Nagdalawang isip si Jin kung itutuloy pa ba ang sasabihin. Wala siyang pruweba na kahit na ano. Ang pagiging mapagmasid niya lang. Pero alam niyang wala na siyang ibang pwedeng makausap tungkol sa bagay na ito. “Sa tingin mo ba may kinalaman ang babaeng turista sa nangyari kayna Mel?”

Natatawang kumunot ang noo ni Jojo. “Si Rose? Seryoso ka ba?

“Oo nga!” Nagsimula nang mainis si Jin nang hindi pa rin humihinto si Jojo sa kakatawa. Akala pa naman niya ay nakahanap na siya kakampi at makakausap tungkol sa mga kakaibang napapansin niya sa magandang turista. “Mukha ba akong nagbibiro?”

“Sorry, Jin,” napapailing na sabi ni Jojo bago uminom ng tubig. “Ano naman kasi ang tingin mo na magiging kinalaman niya sa nangyayari dito sa ‘tin?”

“W-wala lang…” nagkibit balikat si Jin. “Kasi ano...” Tuluyang na siyang nawalan ng gana sa kaharap na lugaw na halos dalawang subo pa lang ang nagagawa niya. “Hindi ko alam kung maniniwala ka pero mula kasi nang dumating siya parang nagkagulo na dito sa Isla Azul.”

Inubos na ni Jojo ang kaharap lugaw bago uminom ng tubig. Pinipigilan na nito ang sarili na matawa habang nagbabayad sa tindera ng lugaw. “Alam mo Jin, kung ano-ano na ‘yang naiisip mo dahil d’yan sa mga binabasa mong comics. Pati si Rose, dinadamay mo pa.”

“Jojo, kasi hindi mo naiintindihan -”

Nang makuha ang sukli, tinapik ni Jojo ang balikat ni Jin kaya hindi na nito natapos ang gustong sabihin. “Alam mo kung ayaw mong madamay, hayaan mo na lang sa akin ‘to. Kaya ko ‘to. Ako nang bahala dito sa Isla Azul.”

Naiwan na mag-isang nakaupo si Jin na hindi pa rin nakakalahati ang lugaw na in-order. May tiwala naman siya sa kakayahan ni Jojo. Isa ito sa kilala niyang totoong pwedeng magprotekta sa kanilang isla. Pero hanggang nararamdaman niya ang presensya ni Rose sa isla, pakiramdam niya anumang oras. May mangyayaring gulo.

***

“May sugat ka pala sa kamay?” pansin ni Harris habang hawak ang kamay Rose. Nasa may likod sila ng isla, nakaunan siya sa mga hita ni Rose habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

“Matagal na ‘yan.” Nakangiti ang mga labi ni Rose pero may kirot siyang nararamdaman sa dibdib niya.

“Anong nangyari d’yan?” muling pag-uusisa ni Harris habang pinagmamasdan ang peklat sa hawak na kamay.

Pasimpleng naman binawi ni Rose ang kamay at sinuklay-suklay sa buhok ng gwapong doktor. “Wala. ka-clumsy-han lang.”

“Paanong ka-clumsy-han?” Hindi pa rin matahimik si Harris. Dalawa lang kasi ang nakikita niyang pwedeng maging dahilan ng peklat na iyon, isang aksidente na nahiwa ang kamay ni Rose. O nasaksak iyon.

“Ikaw, ang dami mong tanong dok.” Malambing na kinurot pa ni Rose ang matangos na ilong ni Harris bago ibinaling sa tubig dagat ang mga tingin. “Ang kalmado ng dagat ‘no?”

“Oo nga, ang ganda…” nakangiting tugon ni Harris habang nakatitig sa magandang mukha ni Rose. Maaga niya itong sinundo kaninang umaga sa tinutuluyang bahay. May dala sila pagkain at buong maghapon na nakatambay dito sa Paraisong Azul.

Natatawang inilipat ni Rose ang tingin ni Harris mula sa mukha niya paharap sa dagat. “’Yung dagat ang tinutukoy ko, hindi ang mukha ko. Alam mo, kapag ganyan ang alon pakiramdam ko napakapayapa dito sa isla ninyo.”

“Payapa naman talaga dito. Sobrang bihira nga lang na may mangyaring gulo,” ani Harris.

Sinamantala ni Rose na nasa tubig dagat na ang mga tingin ni Harris. Napailing siya habang may mapait na ngiti sa mga labi. “Payapa? Ano bang description ng salitang payapa para sa iyo?”

“Tahimik. Walang krimen na nangyayari. Kaya nga walang pulis na nakadestino dito kasi wala namang nangyayari masama.”

“May…” Lumunok ng laway si Rose. Pasimpleng bumunting hininga. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung handa na ba siyang marinig ang ibang version ng kwento pero gusto niya pa rin na subukang pakinggan. “May narinig akong kwento tungkol dito sa isla ninyo.”

“Ano ‘yun?” tanong ni Harris. Ang kamay niya ay nakahawak sa binti Rose na nakaunat sa harapan nito.

Muling lumunok ng laway si Rose. “May tinatawag silang bloody night na nangyari daw dito, more than 10 years ago?”

Si Harris naman ang unti-unting naging seryoso. Bumangon na siya at maayos ng naupo sa tabi ni Rose. Napaka-kalamado nga ng dagat. Maliliit lang ang mga alon. Malamig ang simoy ng hanging yumayakap sa katawan niya. At nagsisimula nang magtalo ang liwanag at dilim sa paligid. “Actually, wala rin akong masyadong maalala about do’n.”

“Talaga? Bakit? Wala ka ba dito nang… Nang mangyari ‘yung sinasabi nilang incident,” seryosong tanong niya.

“Nandito pero… Medyo natrauma kasi kami ng mga panahon na ‘yun. Uhmm… Kaming magbabarkada.”

Kumunot ang noo ni Rose. Ang mga tingin niya ay nasa mukha ni Harris na kababakasan ng labis na kaseryosohan. “B-bakit?”

“Hindi masyadong malinaw sa akin pero ang natatandaan ko lang…. May dugo sa paligid… Maraming dugo. Pagakatapos no’n, wala na. Ilang linggo o buwan din yata akong hindi nakapasok sa school. Pero naka-graduate naman ako. Hindi na nga bumalik ‘yung alaala na ‘yun, oh siguro. Ayoko na lang din maalala.” Siguro nga ay nagawang alisin ng mga doktor sa isipan niya ang mga nangyari, pero hindi ang sakit na nararamdaman niya na tila paulit-ulit siyang binabalikan. “Alam mo nga ang weird eh. May mga oras na nananaginip ako, ang alam ko, masaya sa umpisa… Tapos biglang didilim. ‘Yung panaginip na magiging bangungot. Hanggang sa magigising na lang ako na… pawisan at halos umiiyak. Ang nakakainis do’n, wala na akong matandaan sa bangungot na ‘yun.”

Ibinaluktot ni Rose ang mga tuhod upang mayakap ang mga hita. Ramdam niya sa boses ni Harris ang sakit na kinikimkim nito habang nagku-kwento. May ideya na siya sa nangyari kayna Harris pero hindi sa hirap na pinagdaanan nito.

“Sorry, ang drama ko,” natatawang sabi ni Harris na bahagya pang naluha ang mga mata.

“No, it’s fine. Ako nga ang dapat mag-sorry kasi na-open ko pa,” tugon ni Rose.

Inihilamos muna ni Harris ang mga palad sa mukha niya. “Alam mo, maraming naging version ‘yung kwento ng tungkol sa… Sa massacre na ‘yun. At hindi ko na alam kung ano ‘yung totoo. Kahit kailan kasi ay hindi ‘yun pinag-usapan sa bahay. Bawal daw sabi ni mommy. Kaya iba-ibang kwento na ‘yung naririnig ko.”

“A-ano ‘yung version na pinakatumatak sa iyo?” Natutuyuan na ng laway si Rose pero muli siyang napalunok. Handa na ba talaga siyang marinig ang mga bagay na tungkol sa nakaraan na pilit niyang tinatakasan? Bahala na.

“Sigurado ka, gusto mong malaman?” nag-aalalang tanong ni Harris. “Medyo madugo at malungkot kasi ‘yung version na madalas kong naririnig.”

Nakangiti namang tumango si Rose. Hinid niya na kayang magsalita pa kaya tumango na lang siya.

“Okay,” ani Harris, Nagbuga muna siya ng hangin at muling tumingin sa dagat bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Almost 15 years ago daw, may mag-asawang dumating dito sa isla na may kasamang dalawang anak, pero hindi para maging turista. Kung hindi para mag-stay na dito for good. Doon sila nanirahan sa may gitna ng isla. Okay naman daw sila at mabuti makisama. Hanggang bigla na lang daw nagbago ‘yung tatay, naging lasenggo.”

Kumuyom ang mga palad ni Rose. Pinipigilan niya ang pangangatal ng mga labi dahil sa gigil. At tila halos sasabog na ang dibdib niya sa lakas ng kabog.

“Nalulong daw ‘yung tatay sa sugal at sa droga… At ‘yung bloody night na sinasabi nila? Nangyari daw couple months before ang graduation namin sa high school. Malakas ang ulan. Umuwi raw na lulong sa droga ‘yung tatay, nagsimula magwala at manakit. Hindi ko na alam ang exact na nangyari sa mga kwento nila. Basta ang malinaw sa akin, pinatay niya ang buong pamilya niya bago siya -”

“Shut up! Tama na! Ayoko nang marinig ‘yang mga kasinungalingan na ‘yan! Tumigil ka na!”

“R-Rose…” Hindi alam ni Harris kung mag-aalala o magtataka nang malingunan ang katabi. Nangangatal ang mga labi ni Rose, basa ng luha ang magkabilang pisngi at malalim ang paghinga. “S-sorry. Narinig ko lang ‘yun. Wala talaga akong –”

“N-no, h’wag kang mag-sorry.” Napapailing na sabi ni Rose. Kaagad niyang pinunasan ang mga pisngi habang pinipigilan ang pangangatal ng labi niya at mga kamay. “Ah… Nadala lang ako, kasi parang ibang version ng kwento naman ‘yung narinig ko…” Tumayo na siya. Wala pa ring tigil ang paglandas ng luha sa mga pisngi niya. Hindi pa rin pala niya kayang balikan ang nakaraan. Hindi niya kayang tiisin ang sakit. Tumalikod na siya mula kay Harris na alam niyang labis na nagtataka sa kakaibang ikinikilos niya. “Tara na, balik na tayo. Sumama ang timpla ng tyan ko.”

Chapter XXVIII SPG

“Salamat sa paghatid sa akin.” Bubuksan na dapat ni Rose ang pinto ng kotse upang bumaba nang pigilan siya ni Harris.

“Rose, are you… are you okay?” nag-aalala pa ring tanong ni Harris. Hindi na kasi ulit bumalik ang sigla nito mula nang umalis sila sa sa Paraisong Azul. Pakiramdam niya tuloy ay may nasabi siya o nagawa na labis nitong hindi nagustuhan.

Nakangiti namang tumango si Rose. “Oo naman, sumama lang talaga ‘yunh timpla ng t’yan ko kanina. Oh sige ha, pasok na ako sa loob.”

“R-rose?” Hinawakan ni Harris ang kamay ni Rose upang muli itong pigilan sa gagawing pagbaba ng sasakyan.

“Hmm?” salubong ang kilay na muling bumaling ang tingin ni Rose sa mukha ng gwapong doktor.

“Are we… okay?” Iyon talaga ang kanina pa niya gustong itanong. Kahit wala naman sila talagang relasyon ni Rose, pakiradam niya ay hindi sila okay.

Ngumiti naman si Rose. Hinawakan niya ang pisngi ni Harris bago hinalikan ang mga labi nito. Banayad na halik bago dahan-dahang bumaba ang mga labi niya sa leeg ni Harris.

“Rose…”

“Shhh.” Saway ni Rose. Inilapat niya pa anghintuturo sa mga labi ni Harris bago nagpatuloy sa ginagawa. Naramdaman niya ang paghawak ni Harris sa kamay niya, hinalikan at isa-isang sinubo ang mga daliri. Ilang saglit pa ay binawi na niya iyon upang mabuksan ang mga butones ng polo shirt nito.

Napasinghap na si Harris nang laruin ng dila ni Rose ang dulo ng dibdib niya habang ang mga kamay nito ay binubuksan ang sinturon at zipper ng pantalon niya. Bakit ba napakabilis niyang madarang sa konting kilos lang ng mga labi ni Rose na ngayon ay nagsisimula nang bumama sa may puson niya.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Rose at nang lumabas na mula sa bukas na pantalon ang gising na gising ng pagkalalaki ng binata ay hinawakan na iyon. Minasa-masahe at dinila-dilaan ang mahaba at matigas nitong inuugat na kahabaan. Ilang saglit pa ay ulo naman nito ang nilaro ng dila niya. Naglalaway na ang butas noon, kaya hindi na niya pinatagal pa at isinubo niya hanggang sa kayang isagad ng lalamunan niya.

Tuluyan nang nawalan ng kontrol sa mga kamay niya si Harris. Hinawakan niya ang buhok ni Rose habang ang isang kamay nito ay humihimas sa makinis na batok nito. Siya ang nag-guide sa pagsubo at paglabas ng kanyang kahabaan mula sa bibig nito. At dahil may kung anong tila agimat ang dila ni Rose, naramdaman niya na kaagad na malapit na siya sa kasukdulan ng kasarapan. Mas binilisan niya tuloy ang pagkontrol sa ulo ng magandang turista na hindi naman nagparamdam ng kahit na anong pag-angal. “R-Rose…” Gusto niya na sana muling ilayo ang ulo ni Rose dahil hindi talaga siya sanay na nilulunok ng babaeng ka-sex niya ang lumalabas na katas mula sa kanya pero iba si Rose. Kaya nang hindi pa rin ito huminto sa ginagawang pagsubo at luwa sa kahabaan niya ay tuluyan nang humigpit ang pagkakahawak niya sa buhok nito. May gigil. May libog.

Huminto lang sa Rose nang maramdaman ang biglang paghigpit ng kamay ni Harris sa buhok niya. Sinagad niya sa pinakaloob ng bibig ang pagkalalaki nito. Naramdaman niya ang malagkit na katas na lumabas mula doon kasunod ang pagtibok-tibok nito. At kahit hindi ito ang unang beses na ginawa niya iyon ay nahirapan pa rin ssiyang lunukin ang lahat ng katas, sadya kasing madikit sa lalamunan at ngala-ngala. Napasinghap siya nang unti-unting ng manlambot ang kahabaan na nasa loob pa rin ng kanyang bibig. At bago niya iyong tuluyang pinakawalan ay dinila-dilaan pa niya ang katawan nito na tila nais masigurado na walang katas ang masasayang. Itiinaas niya na muli ang mga tingin, ipinunas sa braso ang nanlalagkit na pisngi at bibig bago ngumiti kay Harris. “Ngayon, naniniwala ka na ba na we’re okay?”

“Hindi pa…” sagot ni Harris bago siya naman ang humalik kay Rose kasunod ang pag-adjust sa upuan nito upang maihiga ‘yun. Sa pagkakataong ito, siya naman ang magpapaligaya sa magandang turista.