noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 36

Ch. 37 / 98 Feb 05, 2022

“Kotse ni Harris ‘yun ah?” ani Adolph nang makitang paalis na ang kotse ng kababatang si Harris mula sa bahay nina Tatay Poncio. Nagkubli pa siya sa katawan ng puno ng buko hanggang sa tuluyang nang mawala ang sasakyan sa paningin niya. Mabilis siyang naglakad patungo sa bahay na pakay at napangiti siya nang maabutang nagbubukas pa lang ng pinto si Rose.

“Hi Rose.”

“A-Adolph.” Hindi inaasahan ni Rose ang malilingunang binata. Sa huling naging pag-uusap nila kasi ay nagpaalam ito na baka maging abala sa pangingisda kahit alam niya na kasal nito ang totoong dahilan na ayaw lang sabihin sa kanya. Kaya nga sinamantala niya iyon at ginawang abala ang sarili upang tuluyang makuha si Harris habang walang umaaligid na Adolph sa palaigid. “K-kanina ka pa?”

“Ah hindi. Kakarating ko lang. Nakasalubong ko nga ‘yung sasakyan ni Harris.” Nagdalawang isip pa si Adolph bago iyon sabihin. Baka kasi isipin ni Rose na nagiging demanding kaagad siya at mabusisi kahit wala naman silang relasyon, pero hindi niya rin napigilan ang sarili. “Galing siya dito?”

“Ah, oo. Nagpaturo kasing magluto ng tinolang manok ang mommy niya kanina. Napasarap ‘yung kwentuhan namin at hindi ko namalayan ang oras. Kaya pinahatid na lang ako nina Kap Henry kay Harris,” sagot ni Rose. Medyo nakahinga na siya nang maluwag dahil sigurado siyang hindi nakita ni Adolph ang maiinit nilang halikan ni Harris bago ito tuluyang umalis.

“Si Aling Lani talaga ang pinunta mo sa kanila?”

Napangiti si Rose. Mukhang may kailangan siyang gawin upang hindi masira ang nga plano niya. “Oo, bakit?”

“W-wala lang. Uhmm. Gusto mong maglakad-lakad muna sa may likuran?”

Tiningnan ni Rose ang oras sa suot niyang relo, alas-diyes pa lang naman kaya pinaunlakan na niya ang binata para na rin gumaan ang pakiramdam nito. Alam niya ang selos na nararamdaman nito ngayon nang dahil kay Harris. Nagtungo sila sa may likuran ng bahay na malapit lang din sa dagat. Pumwesto ng upo sa bahaging hindi nahahalikan ng malamig na tubig dagat. Naramdaman naman ni Rose ang pagkilos ni Adolph upang mas magdikit ang balat ng kanilang mga braso. “Ang busy mo lately ‘no?”

“Oo. Medyo, nakakapagod na nga eh.” Ang tingin ni Adolph ay pasimpleng humahagod sa makinis na leeg ng katabing dalaga pababa sa may dibdib nito, na ang unang tatlong butones ng suot na blusa ay nakabukas. Gaano kaya kasarap halikan at hawakan ang malulusog na dibdib ng magandang turista? Kung bakit naman kasi naturingan na maliit ang kay Grace. “Baka mas maging busy pa nga ako sa mga susunod na araw. H’wag mo akong mami-miss kaagad ah.”

Nakangiting napailing si Rose. “Baka ako ang ma-miss mo,” aniya na kinurot pa sa pisngi ang kausap. “May tanong pala ako,” ani Rose.

Hinawakan pa saglit ni Adolph ang psinging malambing na kinurot ni Rose bago sinalubong ang mga tingin nito. Napakaganda talaga ng babae katabi niya. Sobrang nakakalibog. “Ano ‘yun?”

“Anong pakiramdam ng… Ikakasal sa taong hindi mo mahal?”

Unti-unting nawala ang init na nararamdaman ni Adolph at parang napalitan ng lungkot. Kung hindi lang si Rose ang nagtatanong ngayon baka hindi niya ‘yon sagutin. Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi niya bago ibinalik sa umaalon na dagat ang mga tingin. “Mahirap. Sobrang hirap. Ang totoo n’yan, sinubukan ko naman eh. Sinubukan kong mahalin si Grace. Pero wala talaga. At alam mo kung ano ‘yung mas mahirap sa sitwasyon ko ngayon?”

Bakas na bakas ni Rose ang pait sa tono ng pagsasalita ng binata. Hindi na lang siya sumagot at hinintay ang susunod na sasabihin ng binata.

“’Yung pakiramdam na ipambabayad utang ako ng tatay ko sa mga kagaguhan niya.”

Napasinghap si Rose nang maalala ang tatay ni Adolph. Lalo na ang matatalim na tingin nito sa kanya. “Bakit ba kailangan na palagi mo siyang sundin? Pwede ka namang gumawa ng desisyon para sa sarili mo. Kahit minsan lang sa buhay mo.”

Nagbitaw ng buntong hininga si Adolph. Tama si Rose, bakit nga ba kailangan siyang maging sunud-sunuran sa tatay niya.

“Basta ito ang tandaan mo, Adolph.”

Saglit na napatingin si Adolph sa kamay ni Rose na humawak sa kamay niya bago sinalubong ang mga tingin nito. Walang kahit na anong kolorete sa mukha ng turista, nakapuyod lang ng mataas ang medyo magulo nitong buhok at halatang buong araw na rin itong hindi nagpupulbos dahil sa medyo nagmamantikang pisngi, pero napakaganda pa rin nito sa paningin niya.

Iginuhit ni Rose ang ngiti sa mga labi niya. Kitang-kita niya sa mga mata ni Adolph kung paano ito maakit sa mukha niya. Ito ang mga pagkakataon na hindi niya pwedeng sayangin. “Kahit ano o sino pang makakapagpasaya sa ‘yo, sasamahan kita hanggang sa huli.”

***

“Bakit hanggang ngayon, wala pa ang anak mo? Kanina pa nakauwi sa bahay namin si Grace, ah,” pansin ni Mang Celso habang kainuman si Mang Mario sa may labas ng bahay nito.

“Baka dumaan kayna Jin ‘yon. Alam mo namang gala talaga ang batang ‘yun,” tugon ni Mang Mario bago ininom ang baso ng alak na para sa kanya.

“Nagkikita pa ba sila ng… Babaeng turista?” muling tanong ni Mang Celso.

Muntik nang hindi malunok ni Mang Mario ang alak na nasa loob ng bibig niya. Hindi niya pinahalatang nabigla siya sa naging tanong ng kumpare niya. “Hindi naman sila nagkikita ng babaeng ‘yun, pare.”

Napaismik si Mang Celso. Hindi lingid sa kaalaman niya ang ilang beses na pagkikita noon nina Adolph at ng babaeng turista na ang alam niya ay Rose ang pangalan. Kilala niya rin si Adolph, halos lahat yata ng mga babaeng may hitsura na kaedaran nito at nakatira sa isla ay naging kasintahan nito. Kay hindi malayong magkagusto din ang mamanungangin niya sa babaeng dayo sa kanilang isla. Kung hindi niya lang nababalitaaang madalas sa clinic ni Harris ang turista, hindi mapapanatag ang looob niya na hindi nagloloko si Adolph. “Maganda ang babaeng turista na ‘yun,” aniya. Isang beses niya pa lang nakita ang babaeng tinutukoy, namamalengke ito at bumibili ng gulay kay sa nanay ni Fe at ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Hindi maipagkakailang napakaganda nito talaga, maputi ang balat, matangos ang ilong at totoong tila pang modelo sa mga kalendaryo ang katawan. Pero may bigla siyang naramdaman na kakaiba nang mapansin ang kamay kaliwang kamay nito. “Nakita mo na rin ba siya?”

“O-oo pare, no’ng minsan lang na pumalaot ako. Nakita ko siyang kasama ni Harwina.”

“Wala ka bang naramdaman nang makita mo siya?”

Gusto kaagad sumagot ni Mang Mario pero pinigilan niya ang sarili.

“Hindi ko gusto ang presensya niya dito sa isla.”

Ganoong-ganoon din ang pakiuramdam ni Mang Mario buhat nang makita si Rose. Naalala niya tuloy ang ngiti sa kanya ng babaeng turista nang minsang makita niya itong kasama ni Adolph. Mapanukso iyon pero may pait. At parang may galit. “Ang balita ko ay paaalis na siya dito. Baka hindi na rin siya umabot sa kasal ng mga anak natin.” Imbento niya lang ‘yun pero lihim siyang nananalangin na sana nga ay umalis na ito. Para kasing habang nasa isla ang turista, may kung anong hindi magandang mangyayari anumang oras.

“Mabuti naman kung gano’n. Dahil kung hindi, ako na ang gagawa ng paraan para tuluyan na siyang mawala bago pa magulo ang buhay ng mga tao dito isa isla.”