Malandi #12
Dear Diary,
Hindi rin nagtagal si Prince sa pakikipag-usap sa akin, Diary. Kararating lang daw talaga niya sa Pilipinas at agad na pumunta sa bahay para personal na ibigay sa akin ang kanyang pasalubong na pH Care at bagong panty. Sinabi niyang magkita na lang daw kami bukas sa plaza na malapit sa amin para makapag-usap kami tungkol sa mga nakalipas na buwan. Pumayag naman ako dahil anong karapatan kong tumanggi sa taong galing ng US at may pasalubong sa aking pH Care at panty na halatang mamahalin? Nakakahiya naman na tumanggi ako dahil baka isumbat pa niya, `di ba?
Nagtataka rin, ako Diary, kung bakit sa dinami-raming puwede niyang ipasalubong sa akin ay pH Care at panty pa? Anong tingin niya sa akin, walang pambili ng mga `yon? Hello lang, Prince. Never kong nakakaligtaan gumamit ng pH Care, `no. Lagi ko kaya `yang gamit sa buhok at mukha ko. Minsan nga pang-scrub pa ng buong katawan ko, eh. Saka bakit kailangan niya rin ako bigyan ng panty? Anong tingin niya sa akin, hindi nagpa-panty? My gosh, Diary. Nagpa-panty — Oo na, joke lang. Punyeta! Oo na hindi na ako nagpa-panty. Masaya ka na? Basag- trip ka talaga, Diary.
After niyang umalis ay pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kuwarto ko. Ginamit ko rin agad ang ibinigay ni Prince na pH Care sa buhok ko. Kakaiba ang amoy, Diary, kaya napatingin agad ako sa bote at binasa kung anong flavor.
Pempem flavor.
`Taray ng flavor ng pH Care, Diary. Kapangalan ni Pempem ko. Kaya pala biglang kinilig si Pempem no’ng hawak-hawak ko ang bote.
“Ano, pempem? Gusto mo bang maranasan mag-shampoo ng pH Care?” tanong ko sa kanya habang nakayuko para makita siya nang maayos.
Tumango naman si Pempem at parang kilig na kilig. “No, pempem,” pagtanggi ko. “Bawal sa `yo ang pH Care, okay? Hanggang tubig ka lang. Bawal sa `yo ang mabahiran ng kahit anong may sabon dahil mawawala ang amoy mo.”
Agad naman nagtampo si Pempem ko, Diary, dahil bigla siyang ngumuso.
“`Wag mo `kong ngungusuan, pems,” sabi ko sa kanya habang nagsasabon ng katawan. “Kurutin ko `yang pisngi mo, eh.” Napansin kong lalo naman siyang ngumuso. “Ay, si Pempem gustong magpakurot. Hihihi.” Kinurot ko na lang siya nang mahina pero ako rin naman ang nasaktan sa sarili kong kurot. Weird lang, Diary.
Minsan kailangan din nating kausapin ang ating mga pempem, girls. Kausapin lang ba na parang tao at kuwentuhan ng mga bagay-bagay. Lahat ng parte ng katawan natin ay may buhay lalo na ang mga uri nina Pempem. Kapag malungkot tayo, malungkot din sila. Kapag masaya tayo, pansin n’yo bigla rin silang naluluha. Tears of joy kasi `yon. Minsan, `di ba, mararamdaman na lang din natin na parang nababasa ang panty natin? Umiiyak kasi sila sa labis na kasiyahan. Kung minsan naman, may dugong lumalabas sa kanila na ibig sabihin ay brokenhearted sila. Ang lalandi ng mga pempem natin, `no?
Medyo napatagal yata ang pagligo ko ngayon, Diary. Five forty PM kasi ako pumasok ng banyo `tapos paglabas ko, five forty-three na. Tatlong minuto rin ako sa loob ng banyo. Naku, baka mapagalitan na naman ako ni Inay kong boksingera kapag tumaas ang bill namin ng tubig. Baka isipin na naman ng nanay kong shunga-shunga na ang ang lakas kong gumamit ng tubig sa pagligo. Kung alam lang ni Inay na tatlong tabo lang ang nagagastos ko sa pagligo ko at minsan nga, isa lang, eh. `Tapos kung minsan pa, isang beses sa isang linggo na lang ako naliligo para tipid.
Nang ready na ako para pumasok sa part-time job, bumaba na agad ako sa sala namin. Naabutan ko si Inay na nasa sulok at nakaupo habang may luha sa mga mata. Nakataas pa ang kamay niya habang may hawak na cell phone at nakanguso pa. Ano kaya’ng trip ng inay ko ngayon?
“Anong ginagawa n’yo, Inay?” tanong ko sa kanya habang nagsusuklay.
“Nagse-selfie ako. Kailangan kong makabog ang profile picture ni Kumareng Petra, eh,” sagot niya habang abala sa pagse-selfie niya. Todo-nguso pa si Inay at todo-emote sa sulok. “Nakakainis. Ano bang magandang angle?”
Lumapit ako kay Inay. “Bakit, ano ba ang profile picture ni Aling Petra?”
“`Eto, o.” Ipinakita niya sa akin ang Facebook profile picture ni Aling Petra. Naka- pakyu sign si Aling Petra habang nakadila. Napatingin ako sa dibdib ni Aling Petra na walang suot na bra o blouse man lang. Tanging tape lang ang tumatakip sa utong niya. Lawlaw na rin ang boobs niya dahil sa edad niyang singkuwenta. Agad naman ako nasuka nang makita ko ang picture. `Yong totoo? Ano ba si Aling Petra? Boksingera at basagulera o matandang porn star?
Nabasa ko rin ang caption sa picture niya. “Don’t play my feelings. Just play my boobs instead.” Parang gusto kong isuka ang lahat ng nakain ko mula nang sanggol pa lang ako.
“Jusko, Inay. `Yan lang pala, eh. Matatalo n’yo `yan,” pagtsi-cheer ko kay Inay.
“Really, anak?” nakangiting tanong ni Inay. “Nabuhayan ako ng loob, anak. Malakas ang pakiramdam ko na matatalo ko ang five likes ng profile picture ni Kumareng Petra. Kakabugin ko ang cleavage niya. Ano kaya, anak. Takpan ko naman ng santol ang pempem ko? Kabog, `di ba?”
“`Wag n’yo nang takpan ang pempem n’yo, Inay. Kapag mas malaswa ang profile picture mo, mas maraming likes. Trust me, Inay.”
“Sige, sige. Minsan talaga maaasahan ka, eh.” Tumayo si Inay saka hinubad ang short at panty niya. Agad naman tumambad sa akin ang black forest ni Inay.
Shutang inerns . Back off na, Pipay. Kailangan mo nang umalis ng bahay. `Ayan na ang mother black forest of all kind!
Paglabas ko ng bahay namin ay kumagat na ang dilim. Medyo madilim na sa street namin kaya medyo scary na ang daan. Nilakasan ko na lang ang loob ko para hindi matakot.
Habang naglalakad ako ay inilagay ko sa loob ng panty ko ang cell phone ko. Alam n’yo na, para iwas nakaw. Iba pa naman ang panahon ngayon, Diary. Kahit saang lugar sa mundo wala nang kasiguruhan.
Paliko na ako nang may mapansin akong anino na parang sumusunod sa akin. Agad naman akong napalingon sa likuran ko para makita kung sino `yon pero wala naman. Tanging kadiliman lang ang sumalubong sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng kilabot sa buong katawan ko. Nararamdaman ko nga rin si Pempem na nanginginig sa loob ng panty ko, eh. Tinapik ko lang siya para alam niyang hindi ko siya papabayaan.
Naglakad uli ako at dinedma ang naramdaman ko. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
“Pilar...”
Parang boses ng isang babae ang tumatawag sa akin. Para din siyang may hawak na microphone dahil nag-e-echo ang boses niya.
“Pilar...” muli niya pagtatawag sa akin.
Napalingon uli ako sa likuran ko nang may makita akong isang babae na sumasayaw ng “Gimmie-Gimmie.” Para siyang nakukuryente dahil sa paggiling niya at paghawak niya sa poste. Ang laswa niyang tingnan.
“Sino ka?” tanong ko.
Huminto siya sa pagsayaw at may dinukot na kung ano sa cleavage niya. “Pinatay ko lang `yong tugtog.” Ngumiti siya sa akin. “Dito ko itinatago ang cell phone ko para iwas nakaw.”
Parehas kami ng strategy sa pagtatago ng cell phone, Diary. I think magiging mabuti kaming friends ng gagang `to.
“Sino ka nga?” muli kong tanong.
“Hindi mo ako kilala?” hindi makapaniwalang tanong sa akin. “Sige, magpapakilala ako.” Tumalikod siya saka nag-streching.
Pinagmasdan ko lang siya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bigla kasi siyang tumambling nang pagkataas-taas `tapos umi-split na parang walang bukas.
“Ako si Diyosa ThikThik, isang diyosa at lider ng Isprikitik Gang,” sabi niya habang naka-split sa malawak at madilim na kalsadang kinatatayuan namin ngayon.
“O, ngayon?” Napa-cross arms ako, Diary. “Anong eksena mo sa story ko?”
“Hinahanap ko si Lala,” sagot niya at hindi pa rin tumatayo mula sa pagkaka-split. “Kailangan ko siyang balaan na ilang araw na ang lumilipas pero wala pa ring progress ang mga ginagawa niya. Paki-text naman siya, o? Wala kasi akong load.”
“Sinong Lala?” tanong ko. “Bobita ka ba? Walang Lala sa kuwentong `to.”
“Eh? Sino-sino lang pala ang nandito sa kuwentong `to?” gulat niyang tanong.
“Ako na pretty. `Tapos si Josh na boyfriend ko. Si Mong na yummyness ang body. `Tapos si Prince Leroy na pumunta sa US para mag-move on sa kagandahan ko. Hihi,” kinikilig na sabi ko. “`Tapos si Mimay na negrang pusit na anak ng isang pokpok ng karagatan at pagpuputa na si Ursula kay Poseidon. `Yong ChaKa twins na feeling kontrabida na binalian ng buto ni Mimay sa chapter nine. Si Monicalandi na pretty pero ang ugali ay yucky dahil super landi at nilalandi niya ang boyfriend ko. Walang Lala dito, `te.”
“Ay, pakshet naman, o,” sabi ng nagpakilalang si Diyosa Thik na mukhang gymnast at hindi diyosa. “Maling kuwento ang napuntahan ko. Ang tanga ng manager ko. Hindi inaalam kung saan ang exact location ng taping ng Lala Laitera.” Tumayo siya saka nagpagpag ng katawan.
Hindi kaya siya nangawit sa tagal niyang naka-split?
“`Te, salamat, ah? Mabuti sinabi mo agad.”
“Ayos lang, `te. Alam mo naman ako, mababait sa mga shungang tulad mo. Next time `wag tanga, ah? Hindi `yan nakaka-pretty.”
“Thanks sa advice, `te. Sige, aalis na ako. Ciao.”
Bumuwelo pa siya saka tumambling paalis sa harap ko. Bago pa nga siya makalayo ay bigla siyang nalaglag sa kanal na pulos tae ng mga aso. Humingi pa siya sa akin ng tulong pero dinedma ko na lang. Ang dami kasing alam, eh. May patumbling-tumbling pang nalalaman.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep nang may humarang na naman sa akin. Isang lalaki na may balot ang mukha at naka-jacket pa.
“Shutang ina naman, eh,” inis na inis na sabi ko. “Ano bang meron at pulos may extra ngayon dito sa chapter na `to? My God! Nakaka-stress.”
“Aba, Miss. Easy lang, napag-utusan lang ako ng direktor,” sagot ng lalaki.
“Ano ba’ng role mo ngayon?” naiinis pa ring tanong ko. “Bilisan mo at sabihin mo na ang pakay mo dahil male-late na ako sa part-time job ko.”
“Isa akong holdaper,” sabi niya. “Kailangan kitang holdapin.”
“Ay, malamang! Alangang raper ka.”
“Anong raper?” nagtataka niyang tanong.
“Raper. `Yong gumagahasa sa mga babae. Raper.”
“Ahh...” sabi ng lalaki. “Ano na? Kailangan na kitang holdapin. Ilabas mo na ang cell phone mo.”
“Kailangan ko bang matakot sa `yo?”
Tumango siya.
“Sige, wait. Buwelo lang ako.” Huminga ako nang malalim saka sumigaw. “HELP! TULONG PO! MAY LALAKING GUSTONG GUMAHASA SA AKIN! TULUNGAN N’YO PO AKO!”
Bigla niyang inihampas sa ulo ko ang baril na hawak niya. “Bobo! Sabi ko hoholdapin kita, hindi gagahasain.”
“Nag-suggest lang ako. Masama ba?” pambabara ko sa kanya. “`Nyeta! Kukuha lang din ng extra hindi pa manggagahasa. Eh, di sana na-devirginize na ako ngayong gabi,” sabi ko habang kinukuha sa loob ng panty ko ang cell phone ko. “O! `Yan lang ang makukuha mo sa akin. Wala na akong maibibigay sa `yo.”
Diring-diring napatingin siya sa akin. “` Tungunu! Ipapahawak mo sa `kin `yang cell phone mo na galing sa panty mo? No way. Iyo na `yan. Isaksak mo sa ngalangala mo.” Nagdabog pa siya saka nag-walkout.
WOW, ah?! Choosy pa ang holdaper na `yon, ah? Maloka siya kung iPad Air ang kinuha ko mula sa loob ng panty ko. Ang panty ko, parang bag ni Dora. Lahat kasya kahit patola nina Josh, Prince at Mong. Kahit sabay-sabay ipasok keri ko `yan. Hahaha!
Nang makarating ako sa waiting shed, may natanaw akong lalaking nakaupo. May kotse rin sa harap niya at mukhang naghihintay siya. Lumapit naman agad ako sa kanya at nakilala kung sino siya.
“Anong ginagawa mo diyan?”
Ngumiti siya saka tumayo. “Bakit ang tagal mo? Kanina pa kaya kita hinihintay.”
`Kainis, Diary. Bakit ang guwapo ni Mong kahit gabi na? Nakasuot lang siya ng short at sandong itim kaya bakat na bakat ang maganda at sexy niyang katawan. Ngumiti pa siya kaya lalong sumingkit ang mga mata niya. May nakikita pa kaya, `to? Nakikita pa kaya niya ang kagandahan ko?
“ Leshe kasi, eh. Ang daming um-extra ngayong chapter,” sagot ko sa kanya.
“Anong um-extra? Saka anong chapter?” naguguluhang tanong ni Mong.
“Wala. Wala,” sabi ko. “Bakit ka nga nandiyan at anong ginagawa mo rito sa lugar namin?”
“Sinusundo kita. Baka kasi wala kang masakyan, eh,” sabi ni Mong sabay iwas ng tingin.
“ Telege ? Senesende me ke ?” kinikiliig kong tanong. “Ikaw, Mong, ah? Hindi mo mahintay na dumating ako sa restaurant n’yo, `no? Kaya para makasiguro ka, sinundo mo pa ako. Hihihi.”
“Tulok! `Wag ka ngang feeler. Tara na at marami nang customer sa restaurant namin.”
Asus! Umiiwas si Mong sa sinabi ko. Hindi makasagot kaya dumeresto na siya papasok sa kotse niya.
Pumasok na rin ako sa loob kaya bigla akong nilamig. Agad namang inihagis ni Mong ang jacket niya. “Suotin mo `yan para hindi ka lamigin,” sabi niya habang ini-start ang kotse.
“Salamat,” sagot ko saka binasa ang nakasulat sa jacket.
Varsity jacket pala `to ni Mong kaya may nakasulat na Tiramoko-Tirakita 69 sa likuran. Napangisi tuloy ako, Diary, dahil sa naisip ko.
Magtirahan kaya kami ni Mong dito sa loob ng kotse? Hihi! Dirty-dirty mo, Pipay.
First night sa part-time job,
Pipay
JOSH’S POV
“`TANGINA sinabing papunta na, eh. Hindi makapaghintay?” sigaw ko kay Monica habang kausap ko siya sa cell phone.
Anong oras na kasi pagkatapos tinawagan niya pa ako para lang makipagkita. Tinanggihan ko siya at sinabing huwag na at bukas na lang dahil gabi na masyado. Pero sadyang makulit talaga ang malanding Monica na iyon. Tinakot pa ako na kapag hindi ako nagpunta kung nasaan siya, bukas na bukas din daw ay ipapakita niya kay Pipay ang video.
Shit! Kaya wala akong magawa kundi maligo para puntahan siya.
“Hihihi. Alam ko naman na hindi mo ako matitiis, eh. Kaya bilisan mo na, Josh. Nami-miss ko na ang mapupula mong labi...” sagot niya na may bahid ng paglalandi ang boses.
Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Ang dami ko nang kasalanan kay Pipay. Ginagawa ko lang naman ang mga gusto ni Monica dahil may alas siyang hawak laban sa akin. At sa oras na hindi ko sundin ang gusto niya, paniguradong mawawala agad sa akin si Pipay. Ayoko. `Tangina. Hindi ko kayang mawala sa akin si Pipay. Basta malinis ang konsiyensiya ko na hindi ko niloloko si Pipay at kung ano man ang nangyayari ay hindi ko gusto.
Hinding-hindi.
Nakarating na ako sa park na sinasabi ni Monica at agad ko naman siyang nakita. Nakasuot lang siya ng puting blouse at maikling short. Kahit medyo madilim sa kinauupuan niya, kitang-kita pa rin siya dahil sobrang puti ng kutis niya. Agad siyang tumayo at ngumiti nang makita ako.
“Mabuti naman dumating ka,” sabi niya.
Sasagot pa lang sana ako kaya lang bigla niya akong hinalikan nang mariin sa mga labi. “Ano ba? Baka may makakita sa atin dito.” Itinulak ko siya at agad na tumingin sa paligid. Mabuti na lang at wala nang masyadong taong dumadaan.
Tumawa si Monica. “Don’t worry, Josh. It’s almost midnight kaya wala nang masyadong tao sa paligid.” Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko.
“Ano ba’ng kailangan mo? May pasok pa bukas, o,” naiirita kong tanong.
“Ikaw. Ikaw ang kailangan ko,” straight niyang sagot saka sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. Mukhang hindi ko gusto ang naiisip ni Monica.
“Anong ako? Shit naman, Monica. Nakakailang halik ka na, eh. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Umiwas ako ng tingin.
Hinawakan ni Monica ang pisngi ko saka hinarap sa kanya. “Hinding-hindi ako magsasawa sa `yo, Josh. Kailangan kita ngayong gabi. Kailangan ko ang iyong katawan.” Biglang hinawakan ni Monica ang ano ko kaya napaatras ako.
“Monica, sobra na `yan, ah. Babae ka ba talaga?”
“Ikaw, lalaki ka ba talaga?” Tumawa siya. “Palay na ang lumalapit sa `yo tinatanggihan mo pa?”
“May girlfriend ako na mahal na mahal ko. `Yong paghalik nga na ginagawa mo, pakiramdam ko niloloko ko na siya at paniguradong hihiwalayan niya ako kapag nalaman niya `yon. Saka naririnig mo ba `yang sinasabi mo? Inaaya mo akong mag-ano?”
“C’mon, Josh. Don’t be so stupid. Alam kong narinig mong gusto kong may mangyari sa atin ngayon,” seryosong sagot niya. “Sige, kung ayaw mong may mangyari sa atin, puwede ko naman ipadala sa girlfriend mo `yong video natin, eh. Isn’t it a great idea?”
“Fuck.” Iyan na lang ang naisagot ko dahil sa sinabi ni Monica. Napatulala rin ako sa kawalan dahil hindi ko ma-imagine na gagawin ko ang bagay na iyon sa babaeng hindi ko mahal.
“Don’t say fuck, Josh. Just fuck me. Hihihihi.” Ngumiti na naman nang nakakaloko si Monica.
Hindi ko na alam ang susunod na nangyari at ang tanging alam ko na lang ay nakaupo na ako sa gilid ng kama ng isang motel habang nasa loob ng banyo si Monica at nagsa-shower.
Nakayuko lang ako at parang gusto ko nang tumakbo paalis ng motel na ito.
Shit! Ano ba’ng ginagawa mo, Josh? Ano ba’ng ginagawa mo sa buhay mo? `Tingin mo hindi masasaktan si Pipay kapag nalaman niyang nahahalikan ka ng Monica na `yan? At ngayon may mangyayari pa sa inyong dalawa? Mag-isip ka.
Pero kapag hindi ko ginawa ang gusto ni Monica at kapag ipinakita niya ang video kay Pipay ay katapusan na rin ng lahat.
`Tangina. Wala na akong maisip na dapat gawin. Ang gulo-gulo ng utak ko.
Narinig kong tumigil ang pagtulo ng tubig mula sa banyo at lumabas si Monica na tanging towel lang ang nakabalot sa kanyang buong katawan.
“Your turn...” sabi niya saka itinuro ang shower.
Walang gana akong tumayo at naglakad papunta sa banyo. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ay tinawag muna ako ni Monica.
“Maghilod kang mabuti,” sabi niya habang nakaupo sa kama at kumindat pa.
Hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan nang pumasok sa banyo. Nakatitig lang ako sa sarili kong reflection sa salamin habang tumutulo ang sarili kong mga luha.
“Ano? `Gago mo, `di ba? Wala kang magawa, `di ba? Pakamatay ka na!” sabi ko sa sarili ko.
Lumabas na lang ako ng banyo na tanging towel lang ang nakabalot sa ibabang parte ng katawan ko pagkatapos kong maligo. Umupo muna ako sa gilid ng kama para mag-isip-isip.
“Josh, buksan mo muna `yong pinto. Baka `yan na `yong sushi na in-order ko sa isang Japanese restaurant. Kain muna tayo bago tayo magkainan. Hihihi.”
Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto para kunin ang order. At laking gulat ko matapos kong makita ang taong bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.
“Ito na po `yong sushi n’yo. Sorry po kung late. Hihi.” Bigla siyang nagulat nang makita niya akong nakatayo sa harap niya. “JOSH?” sabi niya saka napatingin sa ibabang parte ko na towel lang ang suot.
“Pipay?” gulat na gulat na tawag ko sa pangalan niya.
Anong ginagawa niya rito?