noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 27

Ch. 28 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #27

Dear Diary,

Ginawa `ata ang araw na `to, Diary, para malasin ako, shutang inames . Una, akala ko mabubutas na ang donut ko kaninang madaling-araw. Kahit ayoko na si Prince ang unang makakabutas sa akin, pikit-mata ko na lang ginawa para lang matuloy. Pero ang shutang Prince na `yan, sa Europe pa `ata bumili ng proteksiyon dahil nasa itaas na si Haring Araw pero hindi pa rin siya bumabalik. Kapag nakita ko talaga ang walang’ya na `yan, bigla akong maghuhubad at papatong sa kanya para lang matuloy ang naudlot naming butasan session .

Hindi ako makakapayag na nabitin ako. Ang ganda-ganda ko `tapos bibitinin lang ako? Siyempre, chos lang.

Palabas na ako ng motel habang nakasuot ang kamay ko sa loob ng panty ko at hinihimas si Pempem. Ramdam na ramdam ko kasing nalungkot siya dahil walang nakapasok na bakal na krus sa kanyang kuweba. Pinaghandaan pa naman niya ang mga oras na `yon dahil akala niya may bubutas na ng kanyang kampo pero wala pa rin. Hanggang ngayon, masikip pa rin ang butas kaya kaunting liwanag lang ang nakikita ni Pempem. Punong-puno pa naman na makakapal na itim na gubat si Pempem kaya pulos kadiliman lang ang nakikita niya.

“Ayos lang `yan, pems. Darating din ang time para d’yan,” sabi ko habang patuloy pa rin sa paghimas sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad sa lobby dahil na feel kong humihikbi si Pempem at malapit nang umiyak. “Pems, `wag kang umiyak. Maraming tao sa paligid, o. Nakakahiya, baka sabihin nila inaaway kita,” pagpapatahan ko kay Pempem nang mapansin kong nakatingin lahat ng tao sa akin at nakanganga.

“Hala, nabitin `ata siya, o. Nagse-selfie habang naglalakad.”

“O, jusko . Ang gandang babae pero mukhang may sayad.”

“ Shet . Ang bangis. Live action ng pagse-selfie! Kailangan ko `tong videohan at ma-post sa Facebook para makakuha ako ng maraming likes. Ang mga tao pa naman sa Facebook, hayok sa malalaswang bagay.”

Narinig ko ang mga bulong-bulungan ng mga tao na nasa paligid ko kaya bigla akong yumuko para bulungan si Pempem. “Tingnan mo ang ginawa mo. `Ayan, pinag-uusapan na tayo ng mga tao sa paligid natin. `Wag ka na kasing mag-inarte, letse.” `Yon ang huli kong sinabi kay Pempem bago ko itinaas ang panty at pantalon na suot ko.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang bigla akong tawagin ng babae sa reception. Agad naman akong lumapit sa kanya dahil baka may naiwan ako.

“Ano `yon?” tanong ko.

“Nakalimutan mong magbayad. Hindi free ang pag-stay dito sa motel namin. Aba, pagkatapos magpakasarap, hindi na magbabayad?” mataray niyang sabi sa akin.

Napataas naman ang kilay ko. “Ako ba hina-high blood mo? Anong nagpakasarap?! Shutang inerns . Hindi na nga bumalik `yong rarakrak sa akin, eh. Nabitin ako, `te. Alam mo ba `yon? Nabitin ako. Pinaasa lang ako, `te. Ang sakit sa puson at puso, `te,” sabi ko at nagsimulang umiyak.

“Ay, sorry. Hindi ko alam, girl.” Lumapit siya sa akin at hinagod-hagod ang likod ko para hindi ako lalong maiyak. “Hindi ko talaga alam, girl. Sana sinabi mo na hindi na bumalik `yong rarakrak sa `yo para nagbigyan kita ng pang-substitute sa kanya. Ang daming gulay sa fridge namin, girl. May talong, pipino at okra. Kung gusto mo naman ng hard, meron ding upo, patola at kahit kalabasa,” mangiyak-ngiyak niyang sabi sa akin.

“Huhuhuhu. Gaga ka, late na, eh,” sabi ko. “Ang sama-sama mo, `te. Wala ka na ngang suso, wala ka pa ring puso. Ang sama mong tao.” Nagpunas pa ako kunwari ng luha para naman effective ang pagdadrama ko.

“`Eto panyo, o.” Iniabot niya sa akin ang panyo na hawak niya pero hindi ko `yon tinanggap.

“`Wag na, `te. Meron akong pamunas,” sabi ko saka inilabas ang pamunas na nasa bulsa ko. Ipinamunas ko `yon sa mga mata at ilong ko. Bigla naman akong may naamoy na mapanghi. “ Futa ! Ano ba `tong pamunas ko?! Bakit ang panghi?”

Tiningnan ko agad kung ano ba ang pamunas na hawak ko at nakita kong brief pala `yon ni Prince na naiwan niya kanina.

“Brief pala `to. Kaya pala ang panghi. Ang sakit sa ilong.”

“Ay, talaga? Brief `yan?” tanong ni Ateng receptionist.

“Oo. Gusto mo, iyo na lang?”

“Really?”

Tumango ako saka iniabot ko ang brief na puti ni Prince na naiwan niya kanina.

“Thanks, girl. Isasama ko `to sa collection ko.”

Nagpaalam na ako kay Ate at tuluyan nang umalis ng motel. Nakita ko pa siyang inaamoy-amoy ang brief na ibinigay ko sa kanya.

Boom, adik si Ate. Fetish niya `ata ang salawal ng mga lalaki, eh. I wonder kung ilan na ang brief na nasa kanya na naiiwan ng mga lalaking nagtse-check in sa motel na `yon.

Mabuti na lang nagoyo ko si Ate at hindi na ako pinagbayad. Yari talaga sa akin `yang Prince na `yan. Hindi na nga bumalik, pinaasa na nga ako `tapos hindi pa rin pala niya binayaran ang fee sa motel? Galing sa Amerika ang lalaking `yon pero ang kuripot. Kawawa naman ang magiging girlfriend niya dahil paniguradong `yon lagi ang sasagot ng pang-date nila.

Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Inay na nakasuot ng two-piece na bikini habang may suot na sunglasses at malaking sumbrero at nakahiga sa garden namin. May orange juice pa siyang nakalagay sa gilid niya habang nagsa-sunbathing.

“Ano na namang kaadikan `yan, Inay?” tanong ko nang huminto ako sa harap niya.

Tinanggal niya ang headset sa mga tainga niya na may tugtog na “Blurred Lines” at ang sunglasses saka seryosong tumingin sa akin.

“Can’t you see it? I need to have tan skin.” Nag-roll eyes pa siya. “Gumanda nga ang anak ko pero lalo `atang naging bobo. Simple logic can’t undertand, My Godness .” Nagsuot uli siya ng sunglasses.

“ Jusko . May nagpapa-tan pa kayong nalalaman, eh, mukha namang tanso ang mukha n’yo, Inay,” sabi ko. “Saka bakit n’yo suot-suot `yang carpet nating brown?” Pinisil ko ang balat ni Inay. “Ay, shuta . Akala ko carpet, Inay. Balat mo pala `yan? Pulos kulubot na kasi.”

“Haha. Very funny, anak,” sabi ni Inay saka tumawa nang sarcastic. “Por que nabitin, ako ang pinagdidiskitahan? Pretty ka naman pero bakit ka insecure sa akin?”

“WOW! Insecure daw. Big word, Inay.” Napahalakhak ako. “D’yan ka na nga. Insecure pa, ah. Lagyan mo rin ng lotion ang singit mo, Inay. Pulos kamot, eh.” Tumawa ako pagkatapos saka dumeresto na sa loob ng bahay.

Isasara ko na sana ang pinto nang mapansin kong nilalagyan na nga ni Inay ng lotion ang singit niya. Napailing na lang ako at inuntog ang sarili kong ulo sa pinto.

Alas-nuwebe na ng umaga at may isang oras pa ako para maghanda papunta sa school. Kailangan kong pumasok ngayon since ilang araw na akong absent nitong nakaraan. Hay, naku. Makikita ko na naman ang pagmumukha ni Monica at ni Josh. Mukhang kailangan ko na namang i-on ang pagiging bitch ko.

Sorry, old Pipay. Nangako ako sa `yong hindi na magiging bitch pero hindi ko mapigilan, eh. Usapan naman natin, `di ba, as long as wala silang ginagawa sa akin, hindi ako gaganti? Sige. Hindi ko sila gagalawin hanggang hindi nila ako tatarantaduhin.

Habang nagbibihis, nagche-check ako ng Instagram account ko. Nakita kong finollow ako ni Mirasol. Ang taray ng balyenang negra, umi-Instagram na! Ano kaya ang ipo-post niyang picture do’n? Pulos seashells and sea creatures? LOL! May iniwan pa siyang comment sa isang picture ko.

Huy, Pilar. I-like mo rin ang lahat ng picture ko. Comment and share mo na rin, ah? Kung mabait ka, puwede mong i-print ang picture ko `tapos ipa-frame mo at isabit mo sa kuwarto.

Natawa na lang ako at agad ini-report ang account ni Mirasol. Report as spam.

Ngayong araw, naka-uniform ako pero lumulutang pa rin ang ganda ko. Itinali ko ang buhok ko kaya lalo akong gumanda.

Napangiti ako nang makita ko ang sarili kong reflection sa salamin. Naisip ko kasing buksan na ang puso ko para sa ibang lalaki na gusto akong mahalin. Siguro, ito na ang time para i-give up ko na nang tuluyan si Josh. Ayoko nang mag-hold on sa taong ako mismo ang pinakawalan. Marahil nakakapanghinayang ang memories namin at ang mga pinagdaanan naming dalawa pero wala, eh. Kailangan nang kalimutan for the sake of my future love life. Hindi lahat nang nagmamahal nagkakatuluyan.

Josh was never a mistake, he’s just a lesson. Kaya nagpapasalamat akong dumating ang tulad niya sa buhay ko.

Char! Tama na ang drama. Sayang ang makeup, `uy.

Lumabas na ako ng bahay nang makita ko naman si Inay na nagtu-twerking sa garden. Ginagaya niya si Miley Cyrus. Hindi na ako magtataka kung isang araw, magpapagupit ng buhok ang boksingera kong nanay. Alam n’yo naman ang matatanda these days. Pinipilit magpakabata.

Pagdating ko sa school, may pinagkakaguluhan ang mga kaklase ko. Agad ko silang itinulak para makita ang tinitingnan nila sa table ng professor namin.

“Tabi kayo d’yan. Makikitingin ang maganda,” sabi ko at itinulak ang ChaKa twins na nakikisulyap din.

Agad naman silang napalingon sa akin at sasagot sana pero inunahan ko na sila.

“Ssshh. Don’t talk when a beautiful girl like me is talking,” sabi ko saka tinalikuran na sila.

“Bakit hindi ka sumagot, Twinie. Nakakainis ka,” rinig kong bulong ni Charry kay Kathy.

“English `yon, Twinie. Alam mo naman sa paglalandi lang ako magaling,” sagot naman ni Charry.

“Ako rin, eh. Sa paglalandi lang magaling kaya nga nilalandi ko ang boyfriend mo kagabi, eh.”

“What? Kaya pala hindi siya nagre-reply sa akin, eh! Nilalandi mo pala siya! Siguro sa `yo niya ipinasa `yong load na hiningi niya sa akin kagabi, `no?! Gaga ka, Twinie.”

Napalingon ako dahil sa huling sinabi ni Charry at nakita kong nagsasabunutan na silang dalawa sa likuran ko. Mga ChaKa na `to. Sa sobrang landi, pati kalandian ng sariling kadugo pinapatos. Poor bitches.

“What’s this, Sir?” tanong ko kay Sir.

Agad na napalingon si Sir sa akin at parang nagningning ang mga mata nang makita ang kagandahan ko.

“Sir, nagtatanong po ako.”

“Ay! I’m so sorry, Miss Payoson. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa maganda mong mukha every time na nakikita kita,” sabi niya saka ngumiti. May bungi si Sir. “Next week na ang foundation day ng SOGO University kaya kailangan ko nang pumili ng magiging muse ng department natin. Kaso wala akong mapili dahil walang may gustong sumali.”

“Ha, bakit naman? Sa sobrang feeler ng classmates kong girls malamang maraming magpiprisinta para maging muse ng department natin.”

“`Yon nga, eh. Maraming gusto pero nang sabihin kong lahat ng muse ay lumalaban sa girls’ boxing match, lahat nag-atrasan. Hays! Sumasakit na ang ulo ko. Kailangan talaga natin ng muse. Ikaw na lang kaya?”

Umiling ako. “No, Sir. Thanks but no thanks. Ayokong masira ang mukha ko dahil lang d’yan. Si Mirasol na lang, Sir. Tutal basagulera `yon at gangster pa. Tiyak sure win tayo do’n.”

“Oo nga, Sir! Ako na lang kasi!” biglang sigaw ni Mirasol at hinawi ang mga estudyante para makadaan. “Ako na lang, Sir. Tutal pretty ako `tapos malakas pa. Babasagin ko lahat ng mga mukha nila, promise. Ano ba’ng kailangan kong gawin? Magda-diet ba ako para lalo akong maging sexy o liposuction na lang, Sir?”

Seryoso siyang tiningnan ni Sir. “Hindi liposuction ang kailangan mo, Miss Mayosa, kundi reincarnation na.”

Biglang nagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Sir.

“ Kingina . Aping-api talaga ako sa story na `to,” buwisit na sagot ni Mirasol saka nag-walkout. “ Futa! Bad trip!” sigaw niya saka pinagsusuntok sa mukha ang ChaKa twins na nag-aaway pa rin.

“Sino-sino na ba’ng mga kasali, Sir?” tanong ko uli.

“We have Dane Avellosa, Faith Alexandra Gupit, Mary Grace Seromines, Jennica Marie Bona and the Queen Monica Gordon,” sabi ni Sir saka napatingin sa akin. “Gusto mo na bang sumali? Perfect ka para dito, eh. Pulos magaganda kasi `tong mga kasali. Plus, may ibubuga rin sa suntukan.”

Agad akong napangisi nang marinig ko ang huling pangalan na sinabi ni Sir. “Sige, Sir. Count me in. Ipapanalo ko ang laban ng department natin,” sabi ko na may ngisi sa mga labi.

Tuwang-tuwa si Sir dahil napasali niya ako sa competition lalo na at nasabi ko sa kanyang former boksingera ang may sayad kong inay kaya paniguradong may advantage na kami. Hindi na rin nagklase si Sir dahil nga tuwang-tuwa siya. Sinabi niya lang sa akin na kailangan naming pumunta sa school gym mamayang lunch break para sa screening ng mga contestant. Sabi ko naman pupunta ako at tumango na lang siya.

Nang lunch break na, agad akong naghanda para pumunta sa school gym kung saan gaganapin ang screening. Nag-retouch pa ako ng makeup ko para naman lalo akong maging diyosa at kabahan na ang mga kalaban ko dahil kasali ako sa competition.

Ako ang reyna ng baranggay namin noong January kaya hindi na ako kinakabahan pagdating sa mga ganitong bagay. Ngayon pang mayroong boxing match ang mga contestant? I’m free para bugbugin at tuluyang wasakin ang mukha ni Monica.

Marami nang tao pagdating ko sa gym. Nasa stage ang mga contestant at panlaban ng iba’t ibang college department ng SOGO University. Nasa ibaba naman ang mga estudyanteng manonood ng screening. Lahat sila napatingin sa akin and I can say, ang iba sa kanila ay nagulat at napanganga nang makita ako.

“I’m Pilar Payoson of Business Department. Ako ang panlaban nila,” sabi ko sa isang professor na nasa harap ko.

“Ah, okay. Sige, umakyat ka na sa stage,” sabi niya kaya agad naman akong umakyat.

Pag-akyat ko ng stage, nakatingin na nang masama si Monica sa akin habang nakaupo siya. May bakanteng upuan sa tabi niya kaya doon ako umupo.

“In all fairness, Pilar. Ang ganda mo pala sa malayo,” sabi niya saka tumawa.

Napatingin ako sa kanya pero hindi siya tumingin sa akin. Nakatuon lang ang pansin niya sa mga estudyante na nasa harap namin.

“Oh, thank you, dear,” sabi ko. “Mabuti nga ako ang ganda sa malayo, eh. Eh, ikaw? Ang layo mong maging maganda.” This time ako naman ang tumawa kaya napatingin siya sa akin at kinindatan ko lang siya.

“I thought magaganda lang ang puwedeng sumali dito sa pageant. Pero bakit may pangit?” muli niyang sabi sa akin.

Ngumisi ako. “Oo nga, eh. Bakit ka nga pala kasi nandito? Saka kung bawal ang pangit, ang malandi na kagaya mo lang pala ang puwede?” Napaatras ako. “Tsk. Tsk. Kung palandian lang `to, malamang screening pa lang, panalo ka na. Wala kasing tatalo sa kalandian mo, eh.”

She gritted her teeth. Mukhang napipikon na. “I don’t take insults from a monkey that transformed into a human like you,” sabi niya saka inirapan ako. Naglabas siya ng salamin at tiningnan ang sarili habang ngumingiti-ngiti pa sa harap ng hawak niyang salamin.

“Mirrors don’t talk, and lucky for you, they can’t laugh, either,” pang-iinsulto ko sa kanya.

Padabog niyang inilagay sa bag ang salamin saka tumingin sa akin. “I so hate you, bitch.” Saka niya ako inirapan.

“Hahaha. Funny, dear.” Tumawa ako nang sarcastic. Inilabas ko mula sa bag ko ang cell phone ko saka may text kunwari na binasa. “Monica, nag-text ang alaga kong higad sa bahay.”

“Anong sabi?” tanong niya.

“Nahihiya raw siya sa sobrang kati mo.” Tumawa ako pagkatapos.

“You’re getting into my nerves.” Tumayo siya at akmang sasampalin na sana ako nang biglang may humawak sa balikat niya.

“Stop it, Monica. `Wag nang pumatol sa tulad niya,” sabi ni Josh na biglang sumulpot sa harap namin ni Monica.

Agad namang kumalma ang mukha ni Monica saka yumakap kay Josh. “Thanks for reminding me, Josh KO,” sabi ni Monica saka tumingin sa akin at ngumisi. “Pero minsan hindi ko maiwasang pumatol sa mabababang uri ng tao, eh.”

Tinigasan ko ang mukha ko at hindi nagpahalatang naapektuhan sa sinabi ni Josh. `Wag daw pumatol sa katulad ko? Pero he did. Pinatulan niya ako, Diary, `di ba? Bullshit!

“It’s funny na sabihin mong `wag nang pumatol sa katulad ko, Josh.” Tumingin ako nang seryoso kay Josh. “It’s very contradicting sa ginawa mo.” I laughed out loud.

Hindi ko na sila pinansin at itinuon na lang ang pansin sa harap ng stage. Ayoko nang magpaapekto sa kanila pero sadyang sinasagad nila ang pasensiya ko. That bullshit couple!

Napangiti ako nang makita kong pumasok ng school gym si Mong. Pero agad nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ang kasama niyang babae. They were both laughing na parang may nakakatawang pinag-uusapan. Halos mawala na ang mata ni Mong dahil sa sobrang ngiti niya sa babaeng kausap. May pahampas-hampas pa ang babae sa tiyan at braso ni Mong.

Double bullshit! Who’s that girl?

Sabaw ang sinulat sa Diary ko,

Pipay