noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 33

Ch. 34 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #33

MONG’S POV

Tumayo ako at tumabi kay Pipay. Hinawakan ko rin nang mahigpit ang kamay niya para maramdaman niyang hindi ko siya iiwan sa mga oras na ito. Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming apat. Walang nagsasalita at parang nagpapakiramdaman kung sino ang unang iimik.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Pipay nang magsalita ako.

“Ano `yon, Monica? Ano’ng kailangan naming malaman at lalong-lalo na ni Pipay?” seryosong tanong ko.

Tiningnan ko si Pipay pero wala siyang reaksiyon. Nakatingin lang din siya kina Josh at Monica. Nararamdaman ko ang kalungkutan sa mga mata ni Pipay. Mga kalungkutan na hindi na yata mawawala.

Humarap si Josh kay Monica at muli itong hinawakan sa kamay. “Please, Monica. `Wag mo naman sirain ang plano. We came this far. `Wag na, pakiusap. Lalo lang gugulo ang lahat.” Bakas sa mukha ni Josh ang pagmamakaawa kay Monica. Parang handa siyang lumuhod sa harap nito para lang hindi isiwalat ang sekreto nilang dalawa.

Naguguluhan ako. Ano bang meron? Bakit ganyan kapursigido si Josh para hindi sabihin ni Monica ang nalalaman nito?

“But they need to know the truth, Josh,” naiinis na sagot ni Monica. “Sa ating apat dito ay hindi si Pipay ang higit na nasasaktan. Wala dapat sa kanya ang simpatya. Nasa `yo dapat. They think you cheated on her just because of me, pero kung alam nila kung anong sakripisyo ang ginawa mo para lang sa babaeng `yan.” Napahilamos na ng mukha si Monica dahil sa frustration at inis na nararamdaman.

“Kung alam lang nila kung gaano mo kamahal si Pilar. Kung gaano mo tinitiis ang lahat para sa kanya. Lahat ng ginagawa mo para sa kanya dahil siya lang ang iniisip mo. Kung nasaktan ba siya just because of what you did. Pero naisip ba nila ang nararamdaman mo? Kung nasaktan ka rin ba no’ng nawala siya sa `yo?”

Nagulat ako sa mga narinig ko.

“Kung alam lang nila kung gaano ka umiyak no’ng naging sina Mong at Pipay. Mas iniyakan mo pa `yon kaysa sa dami ng karayom na tinusok sa katawan mo.”

Bigla akong napatingin kay Pipay. Tuluyan nang nawalan ng reaksiyon ang mukha niya. Poker-faced lang siya habang nakikinig sa mga isinisiwalat ni Monica.

Ginagawa iyon ni Pipay for two reasons. Una, ayaw niya sa naririnig niya at pangalawa, nasasaktan siya. Sa tagal ko nang kilala si Pipay ay alam na alam kong na-master na niya ang paglalagay ng maskara para hindi makita ang kanyang totoong emosyon. Ganyan kagaling magpanggap si Pipay sa mga taong nasa paligid niya. Pero hinding-hindi niya ako maloloko. Alam ko ang ibig sabihin ng bawat emosyon na ipinapakita niya.

“Pero, Monica, `wag na. Ayoko nang magulo ang lahat.” Ngumiti si Josh pagkatapos. Pero kalungkutan lang din ang nakita ko sa kanya. Tulad ni Pipay, isang pekeng ngiti lang din ang ipinakita niya. “Masaya na ako sa mga nangyayari ngayon. I have to do this for her. She’s my everything kaya gagawin ko ang lahat para maging masaya siya.”

“Wala akong pakialam!” sigaw ni Monica. “Itigil na natin ito. Suko na ako sa bash and death threats na natatanggap ko sa fans ng JoPay. Wala naman akong ginagawa, ah. Sure, nilalandi kita pero ang lakas ng powers ng pagmamahal mo kay Pilar. Akala nila nagkahiwalay kayo dahil mas pinili mo ako? That’s bullshit. Hindi `yon ang totoo.” Tumayo nang tuwid si Monica saka seryosong tiningnan si Pipay. “Hindi ko alam kung ano ba ang nakikita ng mga lalaki sa `yo to make them gaga over you. You’re just plain, ordinary and boring. Pero I’ve witnessed Josh’s undying love for you and how he did everything just for your happiness. Kahit na ang kapalit nito ay ang habang-buhay na kalungkutan na nararamdaman niya.”

Sumeryoso lalo ang mukha ni Monica. “Gusto n’yo ng totoo, `di ba? Here, sasabihin ko na. Hindi kami ni Josh. For my beautiful body’s sake. Never naging kami dahil palabas lang ang lahat. Gusto niyang magalit si Pipay sa kanya at kasuklaman siya. Nasaktan si Pilar dahil do’n pero pero mas nasaktan si Josh. It’s been a month for Pipay but for Josh, it’s been a month of hell without Pipay.”

“Totoo ba ang sinasabi mo, Monica?” galit na tanong ko.

Tahimik lang si Josh at nakayuko.

“Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka, pangako, kakalimutan kong babae ka para suntukin lang `yang mukha mo.”

Ngumisi Monica. “Go on, Mong. As if nagsisinungaling ako. I’m a bitch with honesty. Remember?” sagot niya at muling tiningnan si Pipay. “The day na binugbog n’yo ako ng friend mong baboy na maitim na mukhang balyena, matatanggal sana kayo sa school. Pero pinakiusapan ni Josh si Daddy para hindi kayo matanggal. Kahit saan ka pumunta ay laging nakasunod si Josh.

“Imbes na nagpapahinga siya sa bahay nila, ikaw pa rin ang pinupuntahan niya. Sabi niya sa akin, mas lumalakas daw ang katawan niya kapag nakikita ka niya. He’s so stupid.” Tumigil si Monica at napansin kong naluluha na siya pero pilit niya iyong pinipigilan. “Mahal na mahal ka niya, Pipay. Walang araw na hindi ka inisip ni Josh. Baliw na baliw `tong lalaki na `to sa `yo. I abhor you because of that. Naiinggit kasi ako dahil may mga lalaking handang gawin ang lahat para sa `yo.”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Monica. Tumingin siya kay Josh saka ngumiti. “Sorry, Josh, pero hindi ko na kaya na makitang nasasaktan ka.” Pagkatapos ay tumingin siya kay Pipay. “Josh has stage-three bone cancer. Malala na ang case niya and his doctor said na hindi na siya aabutin ng dalawang buwan. Pero sa nakikita ko ay hindi ang sakit niya ang pumapatay sa kanya. Kundi ikaw, Pipay. Seeing you with Mong is tearing his heart into pieces. Ang unfair lang dahil ikaw ay masaya na habang siya ay mag-isang lumalaban sa sakit niya.”

Hinawakan ni Josh ang balikat ni Monica saka umiling. “Tama na, Monica.”

“But—”

“Tama na, please.” Ngumiti na naman si Josh.

“Fine! Whatever! Magkita na lang tayo bukas for your checkup.” Tinanggal ni Monica ang pagkakahawak ni Josh sa balikat niya pagkatapos ay tumingin sa amin at inirapan kaming dalawa ni Pipay.

Nang makalabas na sa school gym si Monica ay kaming tatlo na lang ang natira. Napuno na naman ng katahimikan ang paligid. Si Pipay ay nakatingin lang sa gilid habang si Josh naman ay nakatingin sa amin at nakangiti.

“Totoo ba `yon, p’re? Totoo ba ang lahat ng narinig namin kay Monica?” seryoso kong tanong.

Sa totoo lang ay nag-iinit ang dugo ko ngayon kay Josh. Ang bading niya masyado. Kung totoo lahat ng mga isiniwalat ni Monica, sana hindi siya nakipaghiwalay kay Pipay. Mas pinili niyang saktan si Pipay para sa ikakabuti nito kahit na maging hudyat ng habang-buhay na kalungkutan iyon para sa kanya.

Nabubuwisit ako kay Josh at gusto kong suntukin ang pagmumukha niya, pero at the same time ay humahanga ako sa kakaibang tapang na ipinakita niya. Mas gusto niyang siya ang masaktan kaysa si Pipay na habang-buhay na masasaktan kapag nawala siya.

Ngumiti si Josh saka umiling. “`Sus. `Wag kayong maniwala sa sinabi ni Monica. `Galing niya, `di ba? Hehe.” Pekeng tumawa si Josh. “Sige, p’re, Pipay. Mauuna na ako. Good luck sa relasyon n’yo. `Wag n’yong iisipin ang mga sinabi ni Monica, ha? Trip lang `yon. Nababaliw na yata, eh. Hehe.” Saglit na napatitig si Josh sa magkahawak na kamay namin ni Pipay saka tumango sa akin. Tumalikod na rin siya pagkatapos at lumabas ng school gym.

Pansin na pansin ko na ang pangangayayat ni Josh. Para na siyang tingting dahil sa payat niya.

Nang mawala si Josh ay biglang binitawan ni Pipay ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Napayukom siya pagkatapos.

“Pipay,” mahina kong tawag sa pangalan niya.

Lumingon siya sa akin saka ngumiti. Pero hindi na naman umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon.

Another fake smile.

“Bakit?”

“Ah... ano...” Shit, paano ko ba sasabihin `to? “Naniniwala ka ba sa sinabi ni Monica? `Yong alam mo na... about kay Josh?” naiilang na tanong ko.

Nawala ang ngiti ni Pipay. “If ever na totoo `yon, wala naman akong magagawa, eh. Hindi naman ako si Nora Aunor na nagpapamalas ng isang himala para gumaling siya. Besides, si Josh na ang nagsabi na `wag maniwala sa Monica na `yon. Baka nagdudurog lang ng shabu si Monica kaya niya nasabi ang mga `yon.”

“Pero paano kung—”

“Mong, `wag na nating isipin `yon, okay?” Hinawakan ni Pipay ang kamay ko saka iyon pinisil. “Ayoko nang isipin pa ang mga sinabi ng babaeng `yon. Masaya na ako.”

Magsasalita pa sana ako pero nanupalpal na naman si Pipay.

“Mauuna na ako sa kotse. Hatid mo na ako pauwi.”

Pinagmasdan ko lang si Pipay habang naglalakad siya palabas ng school gym. Walanghiya. Ang hilig mag-walkout ng tatlong `yon, ha? Napailing na lang ako at mabilisang kinuha ang bag ko at lumabas na rin ng school gym.

NASA kotse na kami ni Pipay pero walang nag-iimikan sa aming dalawa. Halos nabibingi na ako sa katahimikang namamagitan sa amin. Nakabaling lang ang paningin niya sa labas ng bintana at parang may malalim na iniisip. Gusto ko siyang kausapin para malaman ang mga tumatakbo sa isip niya pero alam kong hindi rin niya sasabihin.

Hanggang sa maihatid ko si Pipay sa bahay nila ay hindi pa rin siya nagsalita. Nagpaalam lang siya sa akin saka nagpasalamat pagkatapos ay tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.

Noong gabi, kahit ilang ulit kong i-text si Pipay ay hindi siya nagre-reply. Kahit nga sa Facebook ay hindi rin siya online, eh. Nakakapagtaka lang dahil usually ay online siya kapag gabi at nanonood ng mga porn, pero this night ay hindi siya nag-open ng Facebook niya. Ending, hindi ko na siya itinext dahil mukhang gusto niyang mapag-isa.

Anong oras na pero nakatitig lang ako sa kisame ng kuwarto ko. Dapat sa mga oras na ito ay natutulog na ako dahil sa pagod sa practice kanina pero walang’ya lang, eh. Hindi ako dinadalaw ng antok. Ginugulo kasi ako ng mga nalaman ko kanina. Ang daming tanong ang gumugulo sa utak ko.

Paano kaya kung totoo ang mga sinabi ni Monica? Iiwan ba ako ni Pipay para kay Josh at siya ang mag-aalaga dito? Shit.

Biglang kumirot ang puso ko nang maisip kong iiwan ako ni Pipay at babalik siya kay Josh. Puwede bang maging selfish? Puwede ko bang hilingin na sana hindi ako iwan ni Pipay kahit may sakit si Josh? Parang hindi ko kasi kakayanin, eh.

Dalawang oras lang ang tulog ko kaya medyo inaantok pa ako nang magising ako kinabukasan. Ito ang advantage kapag singkit ka, eh. Hindi halata ang eye bags.

Thank you, Oto-san. Salamat sa genes mo kaya naging singkit ako.

Hindi na ako kumain ng agahan at umalis na rin ako ng bahay. Susunduin ko kasi si Pipay sa bahay nila para sabay kaming pumasok.

Pagparada ko ng kotse sa tapat ng bahay nila ay naabutan ko si Tita Tinay na nagpa-practice ng boxing sa bakuran nila.

Nice, hanggang ngayon ay nagba-boxing pa rin pala ang isang `to.

Si Mommy kasi hindi na, eh. Tumigil na sa pagiging adik niya sa boxing.

“Tita!” tawag ko sa kanya nang may kasama pang pagkaway.

Napatingin si Tita Tinay sa akin saka ngumiti. “Monjie!” sabi niya saka dali-dali akong pinuntahan at pinagbuksan ng gate. “Anong ginagawa mo rito? Hihi.” Humagikhik pa si Tita Tinay na parang kinikilig.

“Susunduin ko po si Pipay.”

Nawala ang ngiti ni Tita Tinay. “Amp. Akala ko naman binibisita mo ako.” Nag-pout pa siya.

“Hehe. Gano’n na nga rin po,” pagsisinungaling ko.

“Talaga?” Nagliwanag ang mukha niya. “Patingin pala ng abs mo. Matitigas pa rin ba ang abs mo?”

“Siyempre naman po,” pagmamalaki ko.

“Puwedeng pahawak? Hihi.”

Tumango na lang ako at napakamot ng ulo dahil sa sinabi ni Tita Tinay. Itinaas niya ang polo ko saka hinimas ang abs ko. Bigla naman akong nakiliti.

“Ang tigas nga. Hihi,” kilig na kilig na naman na sabi niya.

“Siyempre, po. Puwede ko na po bang puntahan si Pipay? Male-late na po kasi kami sa school, eh.”

“Hay, naku. Wala yatang planong pumasok `yang anak ko,” naiinis na sagot ni Tita. “Kahapon pag-uwi niya ay hindi na siya lumabas ng kuwarto niya. Nagkulong lang doon at hindi ko alam ang ginagawa. Hindi nga rin siya kumain ng hapunan, eh. Ano ba’ng nangyayari diyan sa anak ko?”

Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Mukhang iniisip ni Pipay ang mga nangyari kahapon at ang mga sinabi ni Monica. Tsk! `Sabi na, eh. Maaapektuhan pa rin si Pipay dahil doon.

Pinapasok na ako ni Tita sa bahay nila para ako na raw ang kumausap kay Pipay. Habang naglalakad ako sa bakuran nila ay may nakita akong dalawang picture na parehong sunog ang gilid.

“Picture ni Josh at ni Pipay,” sabi ko sa sarili ko nang matitigan ko ang dalawang picture na hawak ko. Pinagtabi ko ang dalawa at nalaman kong magkadugtong ang mga iyon. Sinunog ba `to ni Pipay? Mukhang tuluyan na niyang sinunog ang lahat ng alaala nila ni Josh.

Umakyat na ako at dumeresto sa kuwarto ni Pipay. Kumatok ako at tinawag siya

“Pipay. Si Mong `to. Hindi ka ba papasok?”

“Wala si Pipay. Tulog. Naglayas. Nagbigti. Ang daming problema. Nagse-selfie. Rumarak . Bumalik ka na lang next year,” sagot niya. Hindi niya binuksan ang pinto.

Natawa ako sa kalokohan niya. “Eh, sino ka?”

“Ako ang secretary ni Pilar. Ako si Pempem Payoson. Gusto mo ba akong makita?”

“Sige!” natatawa kong sagot.

“`Wag na! Baka tigasan ka pa,” sagot naman niya. “Hindi raw siya papasok, Mong. Gusto niya raw munang mapag-isa.”

Napabuntong-hininga ako. “Ah, gano’n ba? Pakisabi kay Pipay, nandito lang ako sa tabi niya lagi, ha? Hindi ko siya iiwan. Nag-aalala lang ako sa kanya. Sige, aalis na ako.”

Maglalakad na sana ako pababa nang marinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ni Pipay pagkatapos ay sumilip lang siya. Nagulat ako sa nakita ko dahil hindi pa rin nagpapalit ng damit si Pipay. Iyong suot niya pa rin kahapon ang suot niya.

“Gusto ko lang mapag-isa, Mong,” sabi ni Pipay na mukhang walang tulog dahil ang laki-laki ng eye bags niya at ang itim ng ilalim ng mga mata. “Thank you!” Ngumiti siya pagkatapos.

Tumango na lang ako at ngumiti.

Mag-isa na lang tuloy akong pumasok at dumating sa school. Nakakalungkot lang dahil hindi ko na kasabay si Pipay. Naging parte na ng daily routine ko ang paghatid-sundo sa kanya, eh. Nagmumukha na nga akong driver dahil doon pero wala akong pakialam. Mahal ko, eh. Mahal na mahal.

Pagdating ko sa classroom namin ay naabutan kong may kanya-kanyang usapan ang mga kaklase ko. Pero isa lang ang topic nila at ito ay si Josh.

“Anong meron? Bakit nila pinag-uusapan si Josh?” tanong ko kay Mike na kaibigan ko.

Itinigil niya ang pagbabasa at itinuon ang atensiyon sa akin. “Nag-drop out na siya. Galing ang mama niya rito kanina.”

“Ha, bakit daw?” gulat na tanong ko.

“Hindi ko alam. Ang bali-balita ay aalis na papuntang ibang bansa. `Yon lang ang narinig ko. Hindi naman kasi ako tsismoso,” sabi niya saka muling nagbasa ng librong hawak-hawak niya.

Hindi ko na siya tinanong pagkatapos n’on. Mukhang wala rin namang ganang sumagot si Mike sa mga itatanong ko sa kanya, eh. Bitter yata si Mike dahil wala siyang exposure sa kuwentong ito. Tsk!

Nanahimik na lang ako sa upuan ko at hinintay na dumating si Monica. Alam kong siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko ngayon.

Bad trip. Bakit pati ako namomoblema ngayon?

`Sabagay, ang problema ng taong mahal mo ay problema mo na rin. Baka hindi ito kayanin ni Pipay nang mag-isa kaya tutulungan ko siyang harapin ang mga problema niya. Ganito magmahal ang isang Monjie.

Hindi dumating si Monica hanggang sa magpatuloy ang klase. Mukhang hindi siya papasok dahil anong oras na rin. Tinanong ko sina Anne at Coleen kung may alam ba sila sa nangyari pero wala raw. Hindi nga rin daw nagsabi si Monica na a-absent siya, eh.

Natapos na ang morning class namin. Naglalakad na ako papunta sa canteen habang itini-text si Pipay na kumain na siya nang may mabangga akong isang babae.

“Aray! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo,” iritado niyang sabi hanggang sa ma-realize ko na si Monica pala ang nabangga ko.

“`Buti nakita kita!” mabilis kong sabi. Napahawak pa ako sa balikat niya.

Napangisi siya. “Bakit? Miss me?”

Inalis ko ang pagkakahawak sa kanya. “Asa ka. May itatanong lang ako sa `yo.”

“Wala kang makukuhang sagot sa akin,” naiinis na sabi niya. “Kung itatanong mo kung totoo ang mga sinabi ko kahapon, yes. `Tingin mo, magsisinungaling ako? Duh.” She rolled her eyes.

“Oo, `di ba, doon ka naman magaling? Ang magsinungaling.”

“Siguro sinungaling ako. Siguro bitch ako. Siguro masama akong tao, but I’ll never lie kapag buhay na ng tao ang usapan,” seryosong sabi niya. “Tabi ka nga d’yan. May pupuntahan pa ako. Istorbo. Tss.”

“Teka lang.” Hinawakan ko siya sa kamay. “Totoo bang nag-drop out na si Josh? Paano ang basketball team? Aalis ba siya ng bansa?”

“Oo nag-drop-out na siya at hindi para umalis ng bansa. Kundi para magpagamot. He’s a hopeless case pero umaasa pa rin ang parents niya na gagaling siya. Magche-chemo theraphy na siya.

“Kahit ayaw niyang iwan ang basketball team ay wala siyang magagawa. Umiyak siya nang sabihin ng doktor niya na kailangan niyang mag-quit sa team para mag-focus sa pagagamot sa kanya. Sabi niya nga, ‘Hindi puwede. Gusto kong makita ako ni Pipay na naglalaro ng basketball. Masaya si Pipay kapag naglalaro ako ng basketball. Ayoko. Hindi ko kayang mag-quit.’ ` Tapos umiyak lang siya nang umiyak. See? Lahat ng ginagawa niya ay para sa kaligayahan ni Pilar. He’s so stupid for being like that.”

Binitiwan ko ang kamay ni Monica.

“Papunta ako sa ospital ngayon para samahan si Josh. Sabi ng Mama niya ay hindi na naman daw kumakain si Josh at panay ang pagtawag sa pangalan ni Pipay. Lagi na namang tulala. Nakakainis.”

“Puwede ba akong sumama?” Gusto kong malaman ang kalagayan ngayon ni Josh.

Napatitig si Monica sa akin at parang pinag-iisipan pa ang isasagot. “Hays! Nagalit na si Josh sa akin dahil sa sinabi ko kahapon, eh.”

“Sige na, please? Ipapahawak ko sa `yo ang abs ko para lang pumayag ka. `Di ba, matagal mo nang gusto hawakan ang abs ko?” Ngumisi ako. Alam na alam ko kasing patay na patay si Monica sa abs ko. May picture pa nga siya sa kuwarto niya ng mga abs ko, eh.

Napalunok siya. “Alam na alam mo talaga ang weakness ko. Sige na nga.”

Sinabi ko kay Monica na sa akin na lang siya sumabay papunta sa ospital kung saan namamalagi si Josh. Pumayag naman siya dahil para daw mahahawakan niya ang abs ko. Habang bumabiyahe tuloy kami ay todo ang paghimas niya sa abs ko. Amp! Kung wala lang akong kailangan sa babaeng ito ay hindi niya iyon mahahawakan, eh. Lahat ng parte ng katawan ko ay nakalaan lang para kay Pipay.

Hindi kalayuan ang ospital. Nag-park ako ng kotse saka sumabay kay Monica sa paglalakad papunta sa kuwarto ni Josh.

Bubuksan pa lang niya ang pinto nang may lumabas. Isang sosyalerang babae na sa tingin ko ay Mama ni Josh.

“Tita,” tawag ni Monica rito. “Kumusta po si Josh? Kumain na po ba siya?”

Umiling ang babae. “Ayaw niya talagang kumain. Paano siya makakainom ng gamot at lalakas nito kung ayaw niyang lagyan ng laman ang tiyan niya? Kahit nga mga gamot ay tinatanggihan na ng katawan niya, eh,” naiiyak na sagot nito.

Bigla akong naawa kay Josh.

“Sige po, ako na muna’ng bahala sa kanya,” magalang na sabi ni Monica.

Tumango ang babae pagkatapos ay pinapasok na kami sa loob ng kuwarto ni Josh. Naabutan namin siyang nakahiga sa kama at nakatingin lang sa bintana ng kuwarto. Mukhang may malalim siyang iniisip. Hawak-hawak niya rin ang isang picture. Picture ni Pipay.

“He looks pathetic, right?” bulong sa akin ni Monica, hindi pa rin kami nagpapakita kay Josh.

Naaawa ako sa kalagayan ni Josh. Bumagsak na nga nang tuluyan ang katawan niya. Pero bakit hindi ko man lang napansin? Siguro doble-dobleng damit ang isinusuot niya para hindi mahalata ang pangangayayat niya.

Ilang segundo pa ang lumipas nang marinig naming nagsalita si Josh.

“Pipay...” sabi niya habang hawak-hawak ang picture ni Pipay.

Nakita na namin ni Monica ang pagtulo ng mga luha niya.

He really loves Pipay that damn much.