Malandi #32
Dear Diary,
“Bakit mo sinunog `yang mga `yan?”
Napalingon ako at nakita ko si Inay na nakatayo sa pintuan. Pawis na pawis siya at mukhang may ginawang karumal-dumal na bagay sa loob ng kuwarto niya.
`Yong totoo, Inay? Bakit pawis na pawis ka? Nag-selfie ka ba? Miss mo na ba si Itay kaya selfie-selfie na lang ang ginagawa mo?
Napatingin pa ako sa hawak niyang talong saka pipino. Kompirmasyon, pemsters. Nag-selfie ang nanay ko.
“Trip ko lang,” sagot ko saka muling itinuon ang pansin sa mga gamit na sinusunog ko na nasa harap ko. “Walang basagan ng trip. Ikaw nga nagse-selfie. Pinapakialaman ba kita?” bulong ko.
Biglang may tumama na kung anong bagay sa ulo ko. Nakita kong ang talong na hawak niya kanina ang ibinato niya sa akin. Napahawak tuloy ako sa buhok ko at naramdaman kong may parang madulas na nakadikit sa buhok ko. Galing sa talong na hinagis ni Tinay. Kadiri forevs talaga `tong si Inay. Mabuti pa ang aso may breeding pero siya wala. Kaloka!
“Narinig ko `yon!” sigaw niya sa akin. “Anong nagse-selfie?! Hindi ako nagse-selfie, `no!”
Nilingon ko uli siya. “Eh, ano’ng ginagawa n’yo? Bakit kayo may hawak na talong `tapos may lotion pa? Ano, dermatologist na kayo ngayon ng mga talong? Pinapakinis mo siya?”
“Bobita. Alam mo, anak, gumanda ka nga pero shushunga-shunga ka pa rin. Rumarak ako, bh3 .”
Inirapan ko na lang si Inay at hindi na pinansin.
Kinuha ko uli ang karton na nasa gilid ko saka kinuha ang mga bagay na sinusunog ko. Ilang sandali akong napatitig sa picture naming dalawa ni Josh saka pinag-iisipan kung susunugin ko rin `to o hindi.
Napapikit ako at tuluyan na ngang isinama `yon sa lumalagablab na apoy na nasa harap ko. Sinusunog ko kasi ang lahat ng bagay na makapagpapaalala sa akin kay Josh. Ang unfair para kay Mong kung hindi ko gagawin `to. Gusto kong si Mongoloid na ang naaalala at naiisip ko magmula nang maging kami, pero hindi `yon mangyayari hanggang may naaalala ako tungkol kay Josh.
Kahit mahirap `tong ginawa ko at kahit iyakan ko ang mga bagay na `to, wala na akong magagawa dahil tapos na ang kuwento naming dalawa ni Josh. Hindi ako makakausad sa panibagong pahina kung patuloy ko pa ring binabasa ang mga kabanata namin ni Josh.
Mahirap, oo. Ilang beses ko na bang sinabi na nahihirapan ako? Ilang beses na ba akong nag-deny sa mga tao na wala na akong feelings kay Josh? Siguro nakumbinsi ko sila sa pamamagitan ng mga ngiti kong wala nang bahid ng kalungkutan. Pero ang sarili ko ba lolokohin ko pa? Up to this point? Si Josh pa rin talaga, eh. Si Josh pa rin. Kaya mas mabuti na `tong ginagawa ko. Kay Mong ko na ibibigay ang space na para kay Josh.
Ang puso ng tao ay hindi napapagod magmahal pero napapagod naman masaktan. Ilang ulit ko pa ba ikukulong ang sarili ko sa isang malungkot at masakit na alaala? Shutang inerns , chapter thirty-two na ang kuwento ko at balita ko hanggang chapter forty lang `to. Kailangan ko pa bang magmukmok sa nangyaring trahedya sa pagitan namin ni Josh? Maiksi lang ang buhay, `di ba? Kaya kailangan lumimot na. Tama na. Rak na, bh3 .
“May pa-monologue-monologue pang nalalaman.”
Bigla ko na naman narinig na nagsalita si Inay na nasa likuran ko.
“O, `eto background music. ‘Hanggang Ngayon’ by Kyla ang title ng song. Sakto sa pag-iinaso mo ngayon. `Drama ng gaga,” pagpaparinig ni Inay sa akin saka inilapag sa tabi ko ang malaking radyo namin at nagpatugtog nga ng kanta. “Kung ano man `yang dinadala mo, anak, `wag mong masyadong dinidibdib, ha? Flat-chested ka na nga, didibdibin mo pa. Eh, di, nawalan ka na lalo ng boobs.”
Ngumiti ako nang tipid kay Inay saka nagsalita. “Inay, nabalitaan mo ba `yong anak na sinaksak ng ilang ulit `yong nanay niya dahil nainis siya sa pagkabasag-trip nito sa mga ginagawa niya?”
“Ay, oo, anak. Alam ko `yon. Nabalitaan ko `yon. Sad, `no? Very, very sad ang news na `yon, eh.”
Hinawakan ko si Inay sa balikat. “Yes. Very, very sad ang news na `yon. Gusto mo bang i-try natin `yon, Inay? Trip-trip lang? Sasaksakin kita `tapos kapag may tumulong dugo sa tiyan mo, uulitin ko ang saksak. Ano, game?”
Bigla namang nawalan ng kulay ang mukha ni Inay. “Ah, eh. Hehe. `Eto namang anak ko, masyadong pikon. Joke lang `yon, bh3 . Hehe. Sige na, anak. Tuloy mo na ang pagdadrama mo diyan. Baka ma-discover ka ng Star Magic dahil sa acting skills mo. `Pretty-pretty talaga ng anak ko. Hehe.”
“Ayoko na! Nawalan na ako ng gana,” sabi ko saka nag-walkout.
Hays! Kung ikaw ba naman ang magkaroon ng ganyang nanay, Diary, ewan ko na lang kung hindi ka ma-stress araw-araw. Sinong gusto ng nanay na boksingera na malakas bumasag ng trip at nakikipag- rakrakan sa talong? Taas lang ang kamay. Ibibigay ko na sa inyo `tong si Tinay.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at naligo. Naalala kong susunduin nga pala ako ni Mong at sabay kaming pupunta sa school. May training sila ng basketball at sinabi niya sa akin na manood daw ako. Ayaw ko nga sana dahil katatapos ko lang mag-training kaninang umaga ng boxing, courtesy of my trainor, the one and only, the adik of all, the very, very shungang mother in town, please do welcome, Tina Pie Payoson.
Pero alam kong malulungkot si Mong kapag tumanggi ako kaya go na lang ako. Nakakahiya kasi kay Mong na tanggihan ko siya samantalang ginagawa niya ang lahat para sa relasyon namin.
Simple lang ang suot ko ngayon, Diary. Isang kulay-cream na dress na may design na black na Hello Kitty. Hindi ako fan ng Hello Kitty, Diary, dahil nalalandian ako sa pusang `yon. Hindi kasi marunong mag-panty `tapos palagi pang nakabukaka. Masyadong pakarat sa mga lalaking pusa, Diary. Nakakapang-init ng ulo si Hello Kitty sa ginagawa niyang kalandian. Ginagaya ang style ko dati na hindi nagpa-panty.
Aww. Napaka-nostalgic naman, Diary. So, anyway, balik tayo sa punyentang Hello Kitty na `to. `Ayun nga. Kapag nakita ko talaga sa personal ang pusa na `yon, gagawin ko siyang siopao.
Nag-selfie muna ako sa salamin dahil ang pretty ko ngayon. Hindi ang selfie na ginagawa ng nanay ko kanina, ha? Selfie as in picture sa harap ng salamin.
Nang natapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto ko at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Pagsilip ko sa bintana ay nakita ko si Inay na sumasayaw ng Igorot dance habang paikot-ikot sa mga sinunog ko kanina.
Ano na naman ba ang trip ng matandang `to? I wonder bakit till now na kahit ganyan si Inay ay hindi pa rin siya hinihiwalayan ni Itay? Or maybe, may babae na si Itay sa ibang bansa? Char lang! Alam kong powerful ang pagmamahal ni Itay kay Inay kaya kahit may sayad ang nanay ko, hindi niya `to iiwan.
Gano’n naman, `di ba? Gumaganda ang ano mang pangit na katangian basta tungkol sa mahal mo? Sana gano’n din ka-powerful ang love ni Josh sa akin.
Hay, letse. Josh na naman. Eh, di Mong.
Paglabas ko ng bahay ay naabutan kong nakaparada na ang kotse ni Mong sa tapat ng bahay. Nakasandal siya sa kotse habang busy sa cell phone niya at mukhang may ka-text. Nakasuot na si Mong ng basketball uniform nila na fitted sa katawan niya. Jusko! Ang guwapo at ang yummy ng lalaking Hapones na `to! Ang sarap iulam. Penge ngang kanin at ipupunas ko sa buo niyang katawan. Hehe.
“Kanina ka pa pala dito pero hindi ka man lang nag-text,” naiinis na sabi ko kay Mong at nag-cross arms pa.
Napatingin siya sa akin at ngumiti nang malapad habang kumakamot-kamot pa ng ulo. “Hindi na kita tinext kasi alam ko namang busy ka sa pag-aayos sa sarili mo.”
“Sana nagmadali ako, `di ba? Eh, di sana hindi ka naghintay nang matagal.”
“Ayos lang maghintay nang matagal,” sabi niya. “Responsibilidad ko bilang boyfriend mo na hintayin ka kahit gaano katagal.” Ngumiti siya pagkatapos. “Saka nagpa-practice lang ako sa paghihintay. In no time, hihintayin din naman kita sa dulo ng altar, eh.” Ngumisi siya sa akin saka kumindat pa.
“Wow! Ang advance mong mag-isip!” singhal ko. “Saka, Mong, `wag kang magsalita ng mga ganyan. Baka mapako lang lahat ng sinasabi mo.”
Sumeryoso na ang mukha ni Mong. “Hindi ako tutulad kay Josh, okay? `Wag mo akong ikumpara sa kanya dahil hindi por que nasaktan ka sa una, sasaktan ka na naman ng sunod. Love doesn’t work that way. Hindi na lang ako mangangako para hindi ka maging paranoid. Ipapakita ko na lang na hindi ka mabibigo sa chance na ibinigay mo sa akin.”
“Kilig mats, bh3 ,” sabi ko. “Pahawak nga sa bakal na krus mo kung totoo ang sinasabi mo?” pagbibiro ko sa kanya.
Tumingin-tingin sa paligid si Mong. “Ang daming taong dumadaan, eh. Sa kotse na lang puwede?”
“Hihihi. Sige,” kinikilig na sagot ko.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan ni Mong. Bago niya buhayin ang makina ng kotse ay bigla niyang iniabot sa akin ang cell phone niya.
“Ano ang gagawin ko diyan?” tanong ko.
“May nagte-text kasi sa akin. Mimay ang pangalan. Na-love at first sight daw siya sa akin. Nakikipag-meet pa siya at sagot niya raw ang pagkain,” sabi ni Mong na parang nandidiri. “`Yong Mimay `yong matabang babae, `di ba?”
Tumango ako. “Oo, `yong matabang balyena na anak ni Ursula sa pagiging puta ng karagatan. Pero hindi mukhang babae si Mirasol. Mukha siyang lider ng isang group ng mga gangster shit.” Tiningnan ko na ang mga text ni Mirasol kay Mong.
From: +6969696969696
Hi, pHoe. Puwede textm8?
@#&&^~Mim4y mHouH Lh4Rn~^&@
From: +6969696969696
K uya, di ba ikaw yung gwapo na singkit? yun may 8 inches na temtems?
@#&&^~Mim4y mHouH Lh4Rn~^&@
From: +6969696969696
Meet tayo, uy. Reply pls. Wala ka bang load? gusto mo load? wait lang.
@#&&^~Mim4y mHouH Lh4Rn~^&@
`Tapos nag-send si Negra ng load kay Mong na five hundred pesos. Ang desperate ni Gaga para lang maka-text si Mong.
From: +6969696969696
Received mo na load? hihi. Reply ka please. Kita tayo? Sagot ko pagkain mo pati tuition fees mo.
@#&&^~Mim4y mHouH Lh4Rn~^&@
From: +6969696969696
Kuya, sex on text tayo?
@#&&^~Mim4y mHouH Lh4Rn~^&@
Sumakit ang ulo ko habang binabasa ang mga text ni Mimay kay Mong. Shutang inames na balyenang negra `to. Saan niya kaya nakuha ang number ni Mong? Iba talaga ang moves ng malalandi. Gumagawa ng paraan para lang makapaglandi. Desperada pa si Ate Mimay n’yo dahil sasagutin pa raw niya ang tuition fee ni Mong? Ano siya, matrona? Mama-sang? Mukha siyang hasang ng isda sa itim niya.
Pinagbubura ko ang text messages ni Mimay saka blinocked siya sa phone ni Mong. Sunod ko namang ginawa ay ipinasa ko ang load ni Mong sa cell phone ko. Hehe. Wala akong load, eh.
“Ano’ng ginawa mo?” tanong ni Mong nang ibalik ko sa kanya ang cell phone niya.
“Binura ko `yong mga text ni Negra saka blinocked na rin siya. `Wag mo nang pansinin `yon. Kulang lang sa kalinga ng nanay niya kaya attention seeker masyado,” sabi ko habang busy sa cell phone ko. Nag-unli kasi ako.
Text-text tayo, pemsters. Unli na ako. Kayo ba?
Dumating na kami ni Mong sa SOGO at dumeretso sa parking lot para i-park ang kotse niya. Nakita ko ang bulok na bike ni Mimay kaya sinabi ko kay Mong na banggain niya `yon. Binangga nga ni Mong kaya biglang nawasak ang bike ni Negra. Napangisi na lang ako nang maisip ko na ngangawa ang pusit na sinuka ng karagatan kapag nakita niya ang beloved bike niya.
“Itali mo `tong jacket ko sa baywang mo.” Iniabot sa akin ni Mong ang jacket niya bago kami lumabas ng kotse.
“Bakit?”
“Masyadong lantad `yang legs mo dahil sa dress na suot mo, eh.” Napanguso si Mong. “Ayokong makita ng teammates ko `yang legs mo. Baka pagnasaan ka nila at hindi ko alam ang magagawa ko sa kanila kapag minanyak ka nila.” Napaiwas pa ng tingin si Mong.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya kaya lumapit ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. “Bakit ang sweet mo?”
“Kasi I love you sagad hanggang magdugo,” nakangising sagot niya. Ang lapit na ng mukha ni Mong sa mukha ko kaya napatingin ako sa mapupula niyang labi. “Lumayo ka sa akin, girlfriend ko. Baka ma-kiss kita nang wala sa oras, eh.” Natawa ako kaya lumayo ako sa kanya.
Magkahawak-kamay kami ni Mong habang naglalakad papasok ng SOGO campus. Biglang nag-ring ang phone ko kaya napahinto kami para sagutin kung sino ang tumatawag. Sinisira ang MonAy moments, eh.
“Hello, Inay. Ano’ng kailangan mo? Panira ka ng kilig vibes, alam mo `yon?” naiinis kong sabi kay Inay sa kabilang linya.
“Sorry po. Gusto ko lang sabihin na nasunog ang bahay nina BFF Petra.”
“O, ano’ng gagawin ko kung nasunog ang bahay nila? Tatawagan ko ba siya at i-congratulate? Congratulations, Aling Petra. Nasunog ang bahay n’yo kaya kailangan nating magpa-party. Gano’n ba?”
“Bobita, hindi. Nasunog ang bahay nila dahil sa mga sinunog mong gamit sa bakuran. Lumakas ang hangin kaya kumalat ang apoy at umabot kina BFF ko.”
“So, kasalanan ko pa? Kasalanan `yon nina Aling Petra dahil do’n sila nagtayo ng bahay,” pangangatwiran ko. “Sige na, Inay. Busy ako. Bye.” Saka ko pinutol ang tawag.
“Ano raw `yon, girlfriend ko?” tanong ni Mong sa akin. “Ano’ng sabi ni Tita?”
“Wala `yon. Nagpapabili lang ng rugby si Inay. Ubos na raw ang pangsinghot niya,” sabi ko saka muling hinawakan ang kamay ni Mong kaya napangiti na naman siya.
Pagdating namin sa school gym ay nando’n na ang ibang teammates niya. Napanganga silang lahat nang makita nilang magkahawak-kamay kami. Si Mong naman ay napataas pa ang noo at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Proud na proud ang loko.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bigla akong napatingin sa gilid. Nakita ko sina Josh at Monica na nakaupo. Nagre-retouch ng makeup si Monica habang si Josh naman ay titig na titig sa akin. Hindi siya nakasuot ng jersey uniform at tanging sando lang na puti at shorts ang suot niya. Pansin na pansin ang pagpayat ni Josh dahil lumalabas na ang buto sa mga balikat niya. Pati ang mga braso niya ay namayat na rin. Kumakain pa ba ang lalaking `to?
“Titig na titig ka sa kanya, ha?”
Bigla akong nagulat nang magsalita si Mong.
“Hindi naman ako nakatitig. Napatingin lang ako sa kanya.”
Ngumiti lang si Mong.
“Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya naka-basketball uniform. Hindi ba siya magpa-practice?”
Umiling si Mong. “Hindi, eh. Pumunta lang talaga siya dito para magpaalam kay Coach. Magpapahinga raw muna siya.”
“Magpapahinga? Bakit, may sakit ba siya?”
Nagkibit-balikat si Mong. “Ewan ko d’yan. Baka nagpapahinga para mas marami siyang time kay Monica.”
Bigla akong napalunok at napaiwas ng tingin dahil sa sinabi ni Mong. “Ah, gano’n ba? Kaya pala namamayat siya, eh. Nakakalimutan na niyang alagaan ang sarili niya dahil sa sobrang pag-aalaga sa girlfriend niya.”
S a totoo lang, Diary, nainis ako. Naiinis ako kay Josh. Bakit naging ganyan ang katawan niya? Bakit pumayat siya nang ganyan mula nang maging sila ni Monica?
Hindi ba siya inaalagaan ng pesteng Monicamalandinapakaratnaubodnglandikinginangyan?
Monicamalandinapakaratnaubodnglandi kinginang yan?
Nagsimula na ang practice nina Mong kaya naupo ako sa kabilang gilid habang yakap-yakap ko ang bag niya. Bigla kong napansin na naglalakad papunta sa gawi ko si Josh at mukhang uupo sa tabi ko.
Shutang ina. `Wag kang uupo sa tabi ko. `Wag, koya. `Wag po, koya.
“Kumusta?” tanong ni Josh saka umupo sa tabi ko.
Pakiramdam ko ay pansamantalang tumigil ang ikot ng mundo dahil sa tanong niya. Bakit ako pinagpapawisan? Bakit ako biglang kinabahan nang marinig ko ang boses niya?
“A-ayos lang naman,” nauutal na sagot ko saka siya tiningnan. Titig na titig pa rin siya sa akin, Diary. Parang matagal niya akong hindi nakita, ah. “Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?”
Ngumiti si Josh saka umiling. “Gusto ko lang kabisaduhin ang buong mukha mo.”
“Ha?” sagot ko nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
Umiling siya. “Wala. Never mind.”
“Bakit hindi ka nag-practice?” tanong ko. “`Di ba, dream mo na makapaglaro sa SOGO team? Malapit na ang laban, ah. Bakit nagpahinga ka?”
Napaiwas ng tingin si Josh saka napalunok. “W-wala lang. Kailangan lang, eh.”
Bigla kong napansin ang mga pulang scratches sa leeg ni Josh na parang kalmot o allergy.
“Ano `yang mga pula sa leeg mo?”
“Ah... wala `to. Allergic lang sa hipon. Kumain kasi ako kanina,” sabi niya saka tinakpan ang leeg niya.
“May allergy pala sa hipon pero nag-girlfriend ng hipon,” bulong ko.
“Kumusta kayo ni Mong? Kamusta ang relasyon n’yo?” Matipid na ngumiti si Josh sa akin.
Bigla akong napatingin kay Mong habang naglalaro siya sa court. Nagtama ang paningin namin kaya bigla siyang ngumiti at kumindat sa akin. Natawa na lang ako.
“Ayos naman. Masaya kaming dalawa. Ipinaparamdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako,” sagot ko habang nakangiti.
“Good. Kailangan mong maging masaya, Pipay. Kailangan mong makahanap ng lalaking mamahalin ka habang-buhay. Hindi `yong lalaking katulad ko.” Ngumiti si Josh pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
“Kayo, kumusta kayo ni Monica?”
“Ayos naman.” Napaiwas siya ng tingin. “Ang galing talaga ni Ravenom. `Galing mag-three points,” pag-iiba niya ng usapan.
Napatango na lang ako sa sinabi ni Josh at nanahimik na lang din.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapanood sina Mong. Naririnig kaya ni Josh ang kabog ng dibdib ko? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito. I should be done with this. Pero bakit hanggang ngayon ay mayroon pa rin?
Biglang dumating si Monica from nowhere at umupo sa tabi ni Josh. May iniabot siyang tubig kay Josh saka isang gamot na hindi ko alam kung para saan. Baka vitamins? Nagi-guilty siguro ang malanding `to dahil ang payat na ni Josh.
Dapat mo lang alagaan `yang boyfriend mo, gaga ka.
“Anong tinitingin-tingin mo?” mataray na tanong ni Monica nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. “Nagagandahan ka ba sa akin? Tss. Insecure.” Nag-roll eyes pa siya.
Natawa ako. “Ang hilig mong maglaro ng ganda-gandahan, `no?” nakangiting tanong ko.
“Whatever.”
“Monica, tama na,” saway ni Josh sa kanya.
Napasimangot na lang si Monica at nanahimik.
Nang mag-break ang team nina Mong ay lumapit na siya sa akin. Tumayo ako at sinalubong siya para hubarin ang jersey niya at punasan ang likod niya.
“Ang pawis mo sa likod parang waterfalls,” sabi ko habang pinupunasan ang likod niya. “Tsk. `Wag kang malikot. Hindi ko mapunasan nang maayos ang likod mo. Baka magkasakit ka.”
“Ang sweet naman ng girlfriend ko,” sabi ni Mong sa akin saka pumikit para mapunasan ko ang mukha niya.
Bigla akong napatingin kay Josh. Nakabukas ang bibig niya at titig na titig na naman sa akin habang pinupunasan ko ng pawis si Mong.
“Bakit?” tanong ko kay Josh.
“Ah, wala.” Umiling siya saka nag-iwas ng tingin.
Nakita kong napakuyom siya ng kamay.
“Maasikaso talaga `tong girlfriend ko kahit kailan,” sabi ni Mong saka hinila ako at kinandong. “Kaya mahal na mahal ko `tong si Girlfriend ko, eh. Hinding-hindi talaga kita ipagpapalit kahit kanino.” Pinipisil-pisil pa ni Mong ang mga pisngi ko.
“Ano ba?! Bitawan mo nga ako, Josh. Nakakainis, ha!” biglang sigaw ni Monica kaya napatingin kami ni Mong sa kanila ni Josh.
Nakatayo na silang dalawa at parang pasugod si Monica sa amin ni Mong habang hinaharangan siya ni Josh.
“`Wag na, Monica. Tama na,” saway ni Josh. “`Wag ka nang gumawa ng eskandalo dito.”
“Nakakainis na kasi. Nabubuwisit na ako!” sigaw ni Monica. “Wala ba kayong pakiramdam, ha? Talagang sa harap pa kayo ni Josh naglalandian?!” sigaw ni Monica sa aming dalawa ni Mong.
“Ha? Ano’ng problema mo?” naguguluhang tanong ni Mong.
“Bitawan mo ako, Josh. I think this is the right time para malaman nila ang totoo!” Todo-piglas si Monica sa pagkakahawak sa kanya ni Josh. “We should stop this shit right now. Sasabihin ko na ang kailangan nilang malaman. Sasabihin ko na ang totoo diyan kay Pilar.”
Napatingin si Josh sa akin kasabay ng pagbitiw niya kay Monica.
Okay, Diary. Ano ang kailangan kong malaman?
Muling nambibitin at abangan n’yo na lang
sa susunod na kabanata,
Pipay