Malandi #26
Dear Diary,
Nagising na lang ako na parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Mas masakit pa `to kaysa sa pempem kong namula ang gilid pati ang singit ko dahil ilang linggo akong hindi naligo. Pumikit akong muli para maibsan kahit papaano ang pagsakit ng ulo ko.
Shutang inerns , bakit sumasakit nang ganito ang ulo ko? Ay, shet. Nag-inom nga pala ako kanina sa bar kasama si Prince. Nag-celebrate nga pala ako ng seventh monthsary namin ni Josh. Monthsary naming ako na lang ang nagpatuloy.
Muli kong iminulat ang mga mata ko at inikot sa paligid. Umusog ako nang maramdaman kong may katabi ako mula sa kamang hinihigaan ko kaya agad akong napalingon. Nakatalukbong siya ng kumot at tanging buhok niya lang ang nakikita ko habang nakatalikod siya mula sa akin. Si Prince `to malamang. Hindi niya siguro alam kung saan ako dadalhin kaya sa isang motel niya ako dinala. Tiyak kasi na magiging dragona na naman si Inay kapag nalaman niyang nag-inom ang pretty niyang anak, eh. Baka masuntok pa si Prince nang wala sa oras.
Teka, kailan ba ang tamang oras para masuntok si Prince ng boksingera kong mudra?
“Prince...” Kinalabit ko si Prince habang tinatawag ang pangalan niya. “Prince... Gising...”
Tumingin ako sa orasan na nasa dingding. Two thirty AM pa lang nang madaling-araw. Kaya pala madilim pa ang paligid at pati rito sa loob ng kuwarto.
Pumikit ako uli dahil umiikot ang pagilid ko. Gusto ko ring sumuka dahil pakiramdam ko, masyadong maraming alak ang nainom ko. Inaantok pa rin ako. Buwisit na buhay `to! Bakit kasi nag-inom pa ako? Yeah, right. Para makalimot kahit panandalian? Pero kahit ilang beses kong lunurin ang sarili ko sa alak, hindi pa rin nito kayang lunurin ang mga alaala naming dalawa ni Joshua.
Pak that shet , Diary. Ayoko nang umiyak, please lang. Tama na.
Naramdaman kong biglang may humawak sa mukha ko at pinunasan ang mga luha sa gilid ng mga mata ko habang nakapikit ako.
Shet na `yan! Sinabing ayoko nang umiyak, eh. Kahit kailan traidor `tong mga mata ko, eh.
Buwisit kayo, mga eyeball! Isa pang iyak, tingnan n’yo, dudukutin ko kayo at gagawing adobong eyeballs.
“Umiiyak ka na naman...” Narinig kong nagsalita si Prince. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Bakit kaboses niya si Josh?
Agad kong iminulat ang mga mata ko para tingnan si Prince. Nanigas ako nang makita kong mukha ni Josh ang nasa harap ko.
Shutang inames, Pilar. Lasing ka lang, okay? Produkto lang ng malikot mong imahinasyon `yang nakikita mo. Hindi si Josh `yan. Si Prince `yan. Hindi mo maaaring makasama si Josh sa mga oras na `to dahil unang-una, hindi na kayo. Pangalawa, hindi ka na niya mahal. Ikatlo, si Monicalandi ang gusto niyang laging kasama. Ikaapat, hindi posible ang naiisip mong siya ang kasama mo ngayon.
Muli akong dumilat saka tumitig kay Prince. Pero kahit ano’ng gawin ko, mukha talaga ni Josh ang nakikita ko na malapit sa mukha ko. Ganito ba talaga kapag sobrang lasing, Diary? Nakikita mo ang mukha ng taong gusto mong makita sa mukha ng ibang tao? Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit lasing ako, hindi hinahadlangan ng tadhana na makasama ko si Josh kahit na ilusyon lang `to.
“Pasensiya na, Prince. Pasensiya na talaga,” sabi ko habang tumutulo pa rin ang mga luha ko. Hindi ko maialis ang tingin kay Prince dahil mukha ni Josh ang nakikita ko. “Ang dami ko nga `atang nainom kanina kaya mukha ni Josh ang nakikita ko ngayon sa mukha mo.” Ngumiti ako nang tipid habang lumuluha. Ang saya sa pakiramdam na makita ko si Josh ngayon at the same time masakit dahil hanggang ilusyon na lang ang kaya kong gawin.
Napatitig si Prince—na mukha ni Josh—sa akin saka ngumiti. “Ayos lang. Isipin mo lang na ako si Josh sa mga sandaling `to. Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa akin, Pipay. Lahat-lahat ng nasa puso mo...”
Oh, God. Pati boses ni Josh kuhang-kuha, Diary. Sana forever na lang akong lasing para lagi ko talagang nakikita nang ganito kalapit si Josh.
“Puwede?” tanong ko saka hinaplos na rin ang mukha ni Prince. Mukha naman ni Josh ang nakikita ko kaya ayos lang.
Magkatitigan kami ngayong dalawa. Muli ko na naman nakita ang kulay-brown na mga mata ni Josh. Ang mga mata na isa sa mga naging dahilan kung bakit ko siya minahal.
“Josh, alam mo, until now, mahal na mahal pa rin kita,” panimula ko habang hinahaplos ang pisngi niya.
Nakatitig pa rin siya sa akin. Napansin kong napalunok siya at nangilid ang luha.
“Kahit nasasaktan na ako sa mga nangyayari sa akin, mahal na mahal pa rin kita. Gusto kong magalit sa `yo pero shutang inerns , ang lakas ng kapit mo sa puso ko, eh. Ayaw ng puso ko na tuluyang magalit sa `yo kaya mas nangibabaw ang pagmamahal ko kaysa sa galit ko sa `yo.” Muli na namang tumulo ang mga luha ko pero hindi ko inaalis ang tingin ko kay Josh. Ayokong alisin dahil baka sa oras na kumurap ako, mukha na ni Prince ang makita ko.
“I love you, sobra pa sa sobra, Josh. `Yong pagmamahal ko sa `yo, hindi `to mapapantayan o malalampasan ni Monica, promise. Sana bumalik ka na sa akin `tapos kalimutan na lang natin ang lahat ng nangyari. Magsimula na lang tayo uli.”
Napansin kong naluluha na rin si Prince—si Josh kaya mabilis akong tumawa nang peke. “Joke lang `yon. Ayokong pahirapan mo ang sarili mo, Josh. Alam kong mahal na mahal mo si Monica kaya nga nagawa mo akong iwan, `di ba? Shit. Sobra-sobra na naman ang luha ko. Bakit ba kasi hindi ako nauubusan ng luha, eh.”
Patuloy lang siya sa pagpupunas ng mga luha niya.
“Alam mo, Josh, pinagmamalaki kita sa lahat. Lagi kong sinasabi sa ibang tao na dapat kung magbo-boyfriend sila, `yong katulad mo. Ikaw `yong taong sobra kung magmahal. Ikaw `yong lalaking super protective. Ikaw `yong lalaking nagagalit kapag nilalait ang girlfriend niya.
“Paulit-ulit ko na `tong sinasabi pero sana ang hiling ko lang, tumagal kayo ni Monica. Sana mahalin ka talaga niya, Josh. Pero kung nagbago na ang isip mo at naisip mo nang bumalik sa akin... tatanggapin pa rin kita.” Tumawa uli ako nang peke.
“Pero, Josh, kung babalik ka, sana hindi ka matagalan. Baka kasi may mahanap na akong ibang lalaki na mamahalin ko, eh. `Wag ka sanang magalit kapag dumating ang araw na `yon, ah? Pero mukhang hindi naman talaga, eh. Kasi wala ka nang pakialam sa akin, `di ba?”
Gusto ko pa sanang dugtungan ang sasabihin ko pero pulos iyak na lang ang nagawa ko. Punong-puno na rin ang ilong ko ng sipon kaya ngongo na ang mga nasasabi ko.
“ Nyosh, manyakit nya nyalaga, nyeh. Nyubrang nyakit nya nyito nya nyuso nyo. ”
Napansin kong nakatitig lang si Josh sa akin habang nagsasalita ako. Tumutulo na rin ang mga luha niya. Kung si Josh lang kaya talaga `to at hindi si Prince, iiyak din ba nang ganyan si Josh tulad ni Prince? Malamang, oo. Kasi si Prince naiyak na dahil sa mga sinabi ko, eh. Matigas na patola lang ang hindi maiiyak sa mga sinabi ko.
Bigla akong hinila ni Prince at niyakap nang mahigpit. Napansin kong naka-topless lang siya at may balat din siya sa balikat tulad ni Josh. Shutang inerns , ang bangis ng alak. Ito pala ang tama kapag nalasing ang isang tao, eh. Kaya nitong lokohin ang mga mata mo na parang kasama mo ang taong malayo sa `yo.
Kung ganito pala ang tama ng isang alak, aba, lagi na akong mag-iinom para lang makita lagi si Josh. Magiging tumadera ako. Sige, magdudurog na rin ako ng shabu at baka mas malakas ang tama n’on.
“Mahal na mahal kita, Pipay. Mahal na mahal higit pa sa inaakala mo.”
Narinig kong nagsalita si Prince sa boses ni Josh.
“`Wag mong iisipin na kinalimutan ko ang lahat ng pangako ko sa `yo. Wala akong kinakalimutan. It’s just that... hindi ko lang kayang tuparin ang mga iyon dahil sa sitwasyon natin.”
Naramdaman kong tumulo na ang mga luha niya kaya napatingala ako. Nakapikit lang siya habang patuloy sa pagluha.
`Taray ni Prince. Dalang-dala sa eksena namin ngayon. Feel na feel niyang siya si Josh, ah. Career na career, eh.
“Pagkatiwalaan mo lang ako, Pipay. Lahat ng ginagawa ko para sa kapakanan mo lang. Sana... Sana lang hindi pa huli ang lahat kapag naayos ko na ang nangyayari sa akin at sa atin. Sana may babalikan pa rin ako sa `yo. Sana matanggap mo pa rin ako... Pero kung hindi mo kaya... Kung nakahanap ka na ng lalaking ipapalit sa akin at ipaparamdam sa `yo na mahal ka niya, don’t worry, hindi kita pipigilan...” Napalunok siya. “Hindi kita pipigilan para sumaya, Pipay. To the pempem and back, remember? Laging kaligayahan mo ang hangad ko kaya kung saan ka masaya, susuportahan kita.”
“Ang sarap sanang pakinggan n’yang sinabi mo kung si Josh talaga ang nagsabi, Prince.” Lumayo ako sa kanya saka ngumiti. “Pero tama na. Ayoko nang umasa. Alam ko naman at tanggap ko nang hindi na babalik si Josh sa akin. Hindi na rin niya masasabi ang mga bagay na `yan.”
Bigla akong may nakapa na nakasabit sa leeg ko kaya tiningnan ko `yon. “Kuwintas? Saan `to galing?” tanong ko sa sarili ko. Isa `yong kuwintas na may pendant na kalangitan at mga bituin at buwan.
“Hindi ka lang bituin at buwan sa akin. Ikaw ang buong kalawakan ko.” Muli akong napatingin kay Prince. Kahit na medyo okay na ang paningin ko, mukha pa rin ni Josh ang nakikita ko. “Kung nahihirapan ka na, Pipay, puwede ka nang bumitaw. Puwede ka nang mag-move on. Hindi na kita pipigilan. Ayoko nang nakikita kang nahihirapan dahil sa akin.
“Marahil tama nga sila. Hindi mo makakatuluyan ang great love mo dahil ang makakatuluyan mo ay ang right love mo. Siguro nga, ako ang great love mo kaya hindi ako ang makakatuluyan mo.” Ngumiti pa rin siya sa kabila ng pagluha. “Shit. Pulos luha na lang ako every chapter, ah. Akala ko ba comedy `tong story? Bakit naging drama?” Humalakhak pa siya pagkatapos.
“Marahil, tama ka nga, Josh. Siguro hindi lang tayo ang para sa isa’t isa.” Ngumiti ako. “Pangako, after ng gabing `to, pagsikat ng araw, hindi na kita iisipin pa. Ayokong makita mong umiiyak na naman ako dahil sa `yo. Kakalimutan na talaga kita at bubuksan ang puki—este, puso ko para sa ibang lalaki na gusto akong mahalin.”
Tumawa ako. “Tama na nga, Prince. Naiiyak lang ako, eh,” sabi ko saka niyakap ang sarili ko’t umiyak na naman.
Bigla ko na lang naramdamang hinila ako ni Prince saka mariing hinalikan. Idiniin niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Biglang kumabog nang mabilis ang puso ko sa nangyayari ngayon. Gusto ko siyang itulak dahil sa biglaan niyang paghalik sa akin pero sinisigawan ako ng puso ko na “`wag!”
Bakit ganito ang mga labi ni Prince? Bakit parang mga labi ni Josh ang nararamdaman kong nakadikit sa mga labi ko? No, hindi `to puwede.
Patuloy lang si Prince sa paghalik sa akin habang ako, iniisip kung nag-toothbrush ba ako? Ay, tama, nag-toothbrush pala ako.
Pinag-iisipan ko rin kung gaganti ba ako ng halik sa kanya pero bago pa ako tuluyang makapag-decide, nahuli ko na lang ang sarili kong gumaganti ng halik kay Prince. Halik na mapangahas. At para akong nagugutom sa mga halik niya.
Shutang inerns! Ang tagal ko nang hindi natitikman ang halik ni Josh. Kahit hindi si Josh `to, ayos lang. Basta maramdaman ko lang uli ang mga labi niya na nasa mga labi ko.
Ilang minuto kami na pulos halikan ang ginawa. Tahimik ang buong kuwarto at tanging ang ingay na nanggagaling lang sa aircon ang tanging naririnig namin. Napapahawak pa ako sa batok ni Prince dahil kinakagat niya ang mga labi ko. Gumanti rin ako at kinagat din ang mga labi niya kaya napalayo siya sa akin at napangisi.
Shit, Diary. Pati pagngisi ni Josh kuhang-kuha ni Prince! Paano ako makakatanggi sa kanya at sa mga oras na `to? Alam mo namang babae ako’t marupok.
Nakangisi lang siya sa akin at dinaganan ako bigla. Ngayon nasa ibabaw ko na si Prince na tanging shorts lang ang suot. Nararamdaman ko na ring may matigas na bagay na tumatama sa tiyan ko. Ano ang bagay na `yon? Muli niya akong hinalikan sa mga labi pababa sa leeg ko. At parang minamarkahan niya ang buong katawan ko at sinasabing pag-aari niya ako.
Naramdaman kong tinatanggal na niya ang suot kong blouse kaya itinaas ko ang dalawa kong kamay para hindi na siya mahirapan. Ngayon, bra na lang ang suot ko kaya napayuko ako.
“Bakit ka nakayuko?” tanong ni Prince habang nasa ibabaw ko pa rin siya.
Nagkakadikit na ang mga balat namin, Diary, kaya libo-libong bultahe na naman ng kuryente ang nararamdaman ko ngayon.
“Nahihiya ako,” sagot ko habang nakayuko pa rin.
Hinawakan niya ang baba ko para mapatingin ako sa mga mata niya. Nakangiti siya sa akin. Gusto kong isipin na si Prince talaga `to at hindi si Josh pero nabigo ako, eh. Masyado akong nalulunod sa pagka-miss ko kay Josh at samahan pa ng espiritu ng alak kaya si Josh ang nakikita ko.
“Maganda ka,” sabi niya. “Itong view na `to mula dito sa ibabaw mo ang pinakamagandang view sa lahat ng view sa mundo,” dugtong niya. “Pero alam mo ba ang pinakamasarap na view sa lahat? `Yong masarap sa pandinig?”
Ngumiti ako. “Hmm... mountainview ? Favorite soft drink ko `yon, eh.”
Natawa siya. “Sira, hindi. Kundi...” Inilapit ni Prince ang mukha niya sa akin dahilan para maamoy ko ang kanyang hininga. “I love view ...”
Shutang inames , bakit pati hininga niya, kaamoy ni Josh?
“`Wag ka nang mag-joke,” sabi ko. “ Rakrakan na lang. Rak na bh3 .”
Humalakhak na naman siya saka muling hinalikan ang katawan ko. Pababa nang pababa ang halik niya hanggang sa makarating iyon sa pusod ko.
Shuta , nakapaglinis ba ako ng pusod ko? The last time I checked, ang dirty ng pusod ko. Hmm... hayaan na nga. Madilim naman kaya hindi na niya `yon mapapansin.
Nararamdaman kong sinisimulan na ni Prince ang paghubad sa pantalon kong suot. Itinaas ko pa ang balakang ko para hindi na siya mahirapan. Napangisi naman siya nang tuluyan niyang mahubad ang suot kong pants at inihagis `yon sa gilid. Ngayon, tanging bra at panty na lang ang suot ko. Mabuti na lang talaga madilim ang kuwarto at tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw namin ngayon.
Nakaluhod siya sa kama at seryosong nakatingin sa akin. Napansin kong tinatanggal na ni Prince ang shorts na suot niya kaya napalunok ako. Lalo akong napalunok nang tanging brief na lang ang suot niya. Brief na puti at bakat na bakat na ang patola niyang `sintigas ng bakal na krus ni Juan Dela Cruz.
Hubog na hubog `to! Shet , Pipay. Lunok pa. Mukhang mapapalaban ka.
Biglang siyang humiga sa gilid ko at binuhat ako papunta sa ibabaw niya. Nararamdaman na ni Pempem ang bakal na krus, Diary. Habang nasa ibabaw niya ako, bigla niyang tinanggal ang bra ko. Pero dedma na lang ako dahil busy ang katawan ko sa matigas na bakal na nakadikit sa akin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil dito. My Godness ! Ganito pala ang pakiradam n’on. OMG lang, Diary.
Naramdaman ko namang tinatanggal na ni Prince ang panty ko. Nang matanggal na niya, sinunod na niya ang brief niya. Ngayon, parehas na kaming nakahubad habang nakahiga.
“Teka lang...” sabi ko. “Gagawin ba talaga natin `to?”
“Ayaw mo ba? Mahal naman natin ang isa’t isa, `di ba? Kaya walang masama rito.”
“Eh, kung mabuntis ako? Wala ka bang proteksiyon d’yan?”
“Wala, eh,” umiiling na sagot niya. “May plastic ng ice candy `ata akong nakita do’n sa banyo kanina.”
“`Tingin mo kasya ang plastic ng ice candy d’yan?” Itinuro ko pa ang patola niyang `sintigas ng bakal na krus na nakatutok sa akin na parang inaasar ako. Kagatin kita d’yan, eh! “Ang laki-laki n’yan.”
“Eh, okay na `yon kaysa wala.” Napakamot pa si Prince sa ulo niya. “So, ano’ng gagawin natin? `Wag na lang?”
“Bumili ka ng proteksiyon ngayon,” sabi ko.
“Sa oras na `to mismo? Wala na `atang bukas na bilihan n’on.”
“Meron. Sa 7-Eleven at Ministop. Bilisan mo na para rakrakan na.”
Tumayo siya. “Tsk. Puwede namang hindi na, eh,” sabi niya habang nagsusuot ng shorts. Hindi na siya nagsuot ng brief kaya `yong eggyok niya, gumagalaw habang naglalakad siya papunta sa pinto.
“Bilisan mo, ah? Hihihi,” sabi ko habang nakahiga pa rin sa kama.
“Oo.” Ngumiti siya sa akin saka tuluyang lumabas ng pinto.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin ngayon. Masama ba `to? Masama ba dahil mukha lang naman ni Josh ang nakikita ko pero hindi talaga siya `yon? Hindi ko talaga alam dahil mas nag-uumapaw ang sinasabi ng puso ko kaysa sa sinasabi ng utak ko.
Sorry, brain. After naman nito, tuluyan ko nang kakalimutan si Josh, eh. Pangako, last na pag-iisip ko na `to sa kanya.
Hindi ba unfair para kay Prince `tong nangyayari sa amin? Siya ang kasama ko pero si Josh naman ang nakikita ko?
Bigla na namang bumigat ang pakiramdam ko. Gumagamit ako ng ibang tao para sa sarili kong kaligayahan.
Sorry, Prince. Pangako, kahit ngayon lang.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik. `Yong minuto, biglang naging oras pero ang futa hindi pa rin bumabalik. Saan ba bumili ng proteksiyon ang letseng `yon? Sa China pa ba?
Shutang inerns . Inabutan na ako ng pagsikat ng araw na mulat pa rin at nakahiga sa kama na walang suot na kahit anong damit pero wala pa rin siya. Shutang inames talaga, o.
Alas-otso na ng umaga at tirik na ang araw pero hindi pa rin siya bumabalik. Naiwan pa ang brief niya rito sa ibabaw ng kama. Wala na `atang planong bumalik ang letseng `yon, eh!
Naku, Prince. Masasapak kita sa atay mo kapag nakita kita.
Paasa ka masyado , pakingshet.
Hanggang dito na lang muna, Diary. Nakakagigil talaga si Prince.
Nabitin,
Pipay
PS. Eh, kung mag-selfie na lang ako para makaraos? Ano’ng sa tingin mo, Diary?
PPS. Ang sakit talaga sa puson! Shutang inerns, Josh, come back home...