noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 14

Ch. 15 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #14

Dear Diary,

Ano’ng mas masakit, Diary? Ang makita mo ang pinakamamahal mong boyfriend na nakapatong at gumagawa ng milagro kasama ang isang babae o ang maipitan ka ng buhok sa pempem habang nakapantalon ka? Tingin ko, mas masakit kapag bumangga ang pempem mo sa kanto ng mesa.

Ano ang mas mahirap, Diary? `Yong iisipin mo kung paano mo tatanggapin `yong nakita mo dahil ayaw mong mawala siya sa `yo, dahil mahal na mahal mo pa rin siya? O kung paano mo kakamutin ang pempem mo na nangangati kapag nasa public place ka?

Shutang inerns , Diary. Hindi ko na alam ang mga sagot sa tanong ko. Sa totoo lang, dalawang araw na ang nakalipas mula nang makita ko ang nakakasukang pangyayari na `yon sa motel. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Gusto kong tanungin si Josh kung saan ba ako nagkulang at nagawa niya pang tumikim ng ibang pempem. Ako na nga `tong girlfriend niya. Ako na nga `tong willing ibigay nang libre pero naghanap pa siya ng iba?

Bakit, Diary? Mas gusto niya ba ng pempem na maputi kaysa sa pempem na color brown? Aba, hindi ko alam na may diskrimasyon na ng pempem sa Pilipinas. Hindi ako papayag na naaapi lang si Pempem.

Since that day, pulos tawag at text ang ginawa sa akin ni Josh. Pinatay ko lang ang cell phone ko at nagkulong sa kuwarto. Umiyak lang ako nang umiyak dahil hindi ko talaga matanggap ang nakita ko. Pero in all fairness, Diary. Ang sexy ni Josh kapag hubo’t hubad. Ang firm ng muscle niya sa buong katawan. Pero `yon nga lang, ibang babae ang unang nakakita sa katawan niya. `Di ba, dapat ako ang mauuna since ako ang girlfriend niya? `Di ba, kung gagawa siya ng milagro, ako dapat ang ka-join force niya at hindi ang ibang malanding gagita?

Pero bakit hindi ako? Kung nangangati ang patola niya, puwede naman niya akong tawagin para magpakamot, eh. Pero bakit iba pang shutang inerns na malanding futa ang isinama niya sa kama?

Natawa na lang ako nang mapakla sa nakita ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang maramdaman kong aagos na naman ang mga iyon sa mga pisngi ko.

“Uy, Pipay. Ayos ka lang? Naiiyak ka ba?” Bigla akong napatingin kay Prince na nasa harap ko. Kasama ko siya ngayon sa isang kainan na malapit sa school. Lunch break ngayon kaya puwede akong pumunta kung saan hindi ko makikita ang anino ni Josh o ang anino ng futapeteng Monica na `yon.

Ang weird nga dahil parang ako pa ang may nakakasukang ginawa dahil ako pa ang nagtatago sa kanilang dalawa. Dapat nga sila ang matakot dahil sa nakakadiri nilang ginawa pero hindi, eh. Ako pa `tong umiiwas.

Hindi pa ako handang magpakita kay Josh. Hindi ko pa kaya. Dahil alam ko sa oras na makita ko siya na nakatingin sa mga mata ko, wala na akong ibang magagawa kundi ang umiyak na lang nang umiyak at baka isang sorry lang ay mapatawad ko uli siya.

Shutang ina. Ito ang mahirap kapag mahal na mahal mo `yong tao, eh. Hindi mo kayang patagalin ang galit mo sa kanya. Mas nag-uumapaw kasi ang pagmamahal mo kaysa sa galit mo. Love makes people go weak. Quotes again. Paki-tweet, pemsters. Pakikisama lang, o? Brokenhearted ako kaya pagbigyan n’yo na `ko.

“Kailan mo balak sagutin ang tanong ko, Pipay? Sa next chapter pa ba?” tanong uli ni Prince habang umiinom siya ng iced tea.

“Ay, sorry naman,” sagot ko sa kanya. “Actually sa book three ko pa planong sagutin ang tanong mo.” Tumawa ako nang tumawa.

Kunot-noong napatitig lang sa akin si Prince. “May problema ka ba?” Biglang napalitan ng pag-aalala ang boses niya.

Napatigil ako sa pagtawa. “Ha? Bakit mo naman nasabi?”

“Kanina ka pa tawa nang tawa kahit walang nakakatawa. For example, kanina habang bumibili tayo ng ulam, bigla kang tumawa nang makita mo `yong dinuguan. Sabi mo, mas masarap `yon kung dugo ng pempem mo ang gagamitin.”

“O, bakit? Nakakatawa naman, `di ba?” Pagkatapos ay tumawa uli ako.

“Eh, `tapos bigla ka ring tumawa dahil Monica `yong pangalan ng cashier. Anong nakakatawa sa pangalang Monica?” seryoso na naman niyang tanong.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan iyon ng isang mapaklang tawa. “Wala, may naalala lang ako.” Saka ako nag-iwas ng tingin.

Naramdaman kong biglang hinawakan ni Prince ang kamay ko. “Pipay, kilala kita since first year high school pa lang tayo. Alam kong kahit may problema ka ay tumatawa ka pa rin. Siguro kung ordinaryong tao lang ang makakakita sa `yo, iisipin lang na normal `yan. Pero ibahin mo ako dahil matagal na kitang gusto. Alam ko ang pinagkaiba ng mga tawa mo. `Yong tawa mong totoo at `yong tawa mong may itinatagong lungkot at sakit.”

Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. “Kilalang-kilala mo talaga ako, `no?” nakangiti kong tanong kay Prince saka nag-iwas ng tingin. “Wala akong problema, Prince. Siguro pagod lang ako dahil tambak ang projects ko `tapos may part-time job pa ako sa gabi. Walang matinong tulog.”

“Kahit naman may matinong tulog ka, hindi pa rin nagbabago ang hitsura mo, eh. Forever haggard ka kaya.” Biglang tumawa si Prince.

Kinuha ko ang tray na pinaglagyan ng pagkain namin saka ko ibinato kay Prince. Mabuti na lang nakaiwas siya kundi bull’s eye ang mukha niya.

“`Lakas mo mang-hard, samantalang galing kang America `tapos dito mo lang ako sa karinderya ililibre? WOW! Big time. Sosyal ka talaga, Koya Prince.” Pagkatapos ay inirapan ko siya.

“Eh, sabi mo kasi, hindi ka puwedeng lumayo, eh. Kaya dito na lang kita inilibre.” Nahihiyang napakamot pa siya sa kanyang ulo. Tinamaan yata sa sinabi ko, Diary. LOL!

“Ilibre mo `ko sa mamahaling restaurant. Ang kuripot nito. Akala ko ba mahal mo ako? Bakit tinitipid mo `ko?”

“Anyway, Pipay. Nakita ko pala si Josh kanina. Mukhang ilang araw na walang tulog dahil ang itim-itim ng ilalim ng mga mata. Binati ko nga pero hindi ako pinansin, eh. Parang wala sa sarili. May problema ba `yon?”

Nagkibit-balikat na lang ako. “Ma at Pa.”

“Ma at Pa?” kunot-noong tanong ni Prince.

“Malay ko at pakialam ko?” seryosong sagot ko saka inubos ang iced tea. “`Wag na natin siyang pag-usapan kasi nawawalan lang ako ng gana.” Saka ako umirap.

“Oww. Mukhang may problema nga kayo, ah. Sana mag-break na kayo para ako naman ang may exposure sa book two na `to. Nakakatamad na kasing umalis ng Pilipinas para lang mag-move on.”

“Ano?”

“Wala.” Ngumisi si Prince habang nakatingin sa akin.

Umalis na kami ni Prince ng restaurant pagkatapos naming kumain. At pakshet na Prince `yan dahil walang barya at pulos dollars pa ang pera niya kaya ako ang pinagbayad niya ng mga kinain namin. Parang ako rin ang nanlibre, `di ba? Walang asenso talaga `tong lalaki na `to. Hanggang book two walang pakinabang. No’ng book one, pinagbayad ako ng tricycle. Ngayon namang book two, ako ang pinagbayad ng kinain namin. Suntukin ko ang patola niya, eh!

“`Eto naman, nakasimangot na agad. Babayaran kita sa Sabado. Date tayo!” natatawa niyang sabi habang nasa tapat kami ng gate ng SOGO.

“Hindi ako puwede. May trabaho ako.”

“Ay, okay.”

“Letse! Hindi mo man lang ako pipilitin sumama sa `yo sa date?”

“Eh, kasi naisip ko na ang pangit din tingnan. May boyfriend ka `tapos magde-date tayo?” malungkot na sagot ni Prince.

“`Sus, ayos lang `yan. Walang pakialam `yon,” todo-ngiti kong sagot kay Prince. Si Josh nga may girlfriend pero nakuha pang makipag- jerjeran sa ibang babae, eh.

“ Sure ka diyan, ah?”

Tumango ako.

Nang ma-settle namin ni Prince ang date namin, nagpaalam na ako sa kanya. Papasok na sana ako sa loob ng school nang bigla niya akong tawagin. Pagharap ko ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi saka tumakbo palayo sa akin.

“Bye, Pipay!” Todo-halakhak pa siya habang naglalakad palayo.

Napangiti na lang ako sa ginawa ni Prince pero as soon as makapasok ako nang tuluyan sa loob ng campus ay bigla ring nawala ang ngiti sa mga labi ko. Ito na naman ang mga oras na pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako at walang kakampi sa mundong `to. Ito ang panahong gusto ko na lang umuwi at magmukmok sa bahay dahil sa nangyari.

Shutang inerns , Diary. Para na naman akong niluluto sa kalungkutan. Bakit pa kasi ako pumasok? Bakit pa kasi nasa iisang school lang kami ni Josh? Bakit kasi ang pogi ni Sic? Char! Bakit kasi kailangan ko pang makita ang eksenang `yon?

Bigla ako binalot ng kakaibang pakiramdam kaya agad akong nagtago sa isang lugar na hindi makikita ng mga tao. May mga puno sa tabi ng building ng department namin kaya agad akong dumeresto do’n. Sumilip muna ako kung may mga tao bang nakakita sa akin. Mabuti naman dahil wala. Pagkatapos ay agad kong itinaas ang palda ko at kinamot si Pempem. S hutang inames. Ngayon pa nangati ang pempem ko kung kailan papasok na ako ng classroom. Ito talaga ang mahirap kapag nasa public place, eh. Hindi mo alam kung paano mo maiinda ang kati ni Pempem. Mabuti na lang may tagong lugar.

Paglabas ko sa mula mga puno ay naglakad agad ako papunta sa classroom. Papasok na ako sa loob nang biglang may humila sa akin saka ako niyakap nang mahigpit. Akala ko siya, pero hindi pala. Ibang lalaki.

“Kung pakiramdam mo wala kang kakampi, `andito lang ako. Hindi kita iiwan. Hindi kita papabayaan.”

Hindi ko makita kung sino ang lalaking ito pero may nakita akong logo na nakalagay sa suot niya. Parang logo ni Batman. Pagtingala ko, nakasuot din siya ng maskara ni Batman. May suot din siyang kapa sa likod niya.

“Sino ka ba?” tanong ko.

“Bobo! Ako nga bahala sa `yo, eh, di malamang ako si Batman.”

Kilala ko ang boses na `yon. Alam ko rin kung sino ang nagmamay-ari ng matigas na abs na `to na tumatama sa tiyan ko.

“Pulos ka kalokohan, Mong. Saan mo ba nakuha `yang Batman costume na `yan? Ang init-init nakaganyan ka,” natatawa kong sabi sa kanya.

“Nakita ko lang `to sa gym habang nililinis ko `yong bodega. Kanina ko pa `to suot dahil hinahanap kita. Shit ang init nga.”

Tinanggal ni Mong sa harap ko ang maskarang suot pati ang fitted costume niya. Tumambad na naman tuloy sa harap ko ang abs niyang walastik. Shet! May pawis-pawis pa na tumutulo sa gitna ng mga tinapay niya sa tiyan kaya lalo siyang naging hot. Naramdaman ko na naman tuloy na kumislot sa kilig si Pempem kaya pasimple ko siyang sinuntok sa noo niya. Pempem na `to, ang harot masyado.

“Bakit ka naglinis ng gym? `Di ba, may janitor naman ang SOGO?” tanong ko habang hinuhubad naman ni Mong ang suot niyang pang-ibaba. Naka-school pants pa pala siya. `Ba `yan! Akala ko naman naka-brief lang siya.

“May sinuntok ako sa mukha kanina, eh. Dahil basketball player din `yong sinuntok ko. `Eto, naparusahan tuloy ako,” nakangisi niyang sagot

“Sino namang sinuntok mo? Basagulero ka pala? Isusumbong kita kay Ninang Glenda.”

“Hindi naman ako basta-basta nanununtok nang walang dahilan, `no? Sinuntok ko siya dahil alam kong may ginawa siyang katarantaduhan,” nakangiting sagot ni Mong. “Sige na, Pipay. Pumasok ka na. Hindi pa ako tapos maglinis ng gym, eh.”

Papasok na ako sa classroom nang biglang hinawakan ni Mong ang kamay ko.

“Bakit?” tanong ko sa kanya paglingon ko.

“Wala naman,” nakangiti niyang sabi pero punong-puno ng pag-aalala ang mga mata ni Mong. “Just... just...”

“Just?” sagot ko. “Just The Way You Are?”

“Just remember na `andito lang ako no matter what happens,” sagot niya. “Ako ang Batman ng buhay mo kaya ako ang bahala sa `yo. Shit. Ang korni ko. Bye na nga.” Saka siya tumakbo pababa ng hagdan. Sa sobrang pagmamadali ni Mong, bigla siyang nadulas pababa pero agad din siyang nakatayo at patay-malisya sa nangyari nang marinig niya akong tumawa. Shuta! Ang macho ng katawan ni Mong pero ang lampa naman.

Kahit gano’n ang ginawa ni Josh sa akin ay medyo masaya pa rin ako dahil may mga kaibigan pa rin akong nandito sa tabi ko. Gaya nina Prince at Mong. Mga kaibigan na ang sasarap ng katawan.

Gawin ko rin kaya `yong ginawa ni Josh? Gumawa rin kaya ako ng milagro kasama ni Prince o ni Mong? O di kaya naman, gawa na lang kaming milagro nina Prince at Mong. Kami na lang kayang tatlo? Mas masaya kapag marami, `di ba? The more the merrier.

Pumasok na ako sa loob ng classroom saka naupo sa upuan ko. Tahimik lang akong nagmamasid sa mga ginagawa ng mga kaklase ko. Naagaw naman ang atensiyon ko nang marinig kong magsalita si Mimay.

“Classmates! Makinig kayo, may announcement ako,” sigaw niya sa buong classroom. Walang nakinig kay Mimay dahil abala pa rin ang mga kaklase ko sa mga ginagawa nila. “Makikinig ba kayo sa sasabihin ko o uutot ako ngayon?”

Napatigil silang lahat saka napatingin kay Mimay. Halatang natakot sa banta ng negrang pusit. Last time kasi na umutot ang balyenang pusit na `yan na-postpone ang klase dahil sobrang baho ng utot ng gaga na kumalat sa buong room. Ang ending, maghapon kaming walang klase dahil lang sa utot.

“Debut ko na next week. Lahat kayo invited,” masayang sabi ni Mimay. “Ang theme ng debut ko ay sea creatures. Dapat lahat kayo magko-costume na parang mga hayop sa dagat.”

“Kahit ano, Mirasol?” tanong ng isa naming kaklase.

“Yes! Pero `wag na kayo magsirena dahil ako na ang sirena. Ako na ang Dyesebel ng party.” Humagikhik pa si Negra.

“ Dyesebel daw, twinnie. Baka butanding.”

Napatigil si Mimay sa pagtawa nang marinig niya ang sinabi ni Charry saka tumawa. Si Kathy naman, tahimik lang at hindi sumagot.

Patay kang Charry ka!

“Twinnie, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Hihihi. Dyesebel daw si Mirasol. Mas mukha siyang butanding.” Patuloy lang sa pagtawa si Charry. “Twinnie… ha? What?” Ininguso ni Kathy si Mimay na kasalukuyang umuusok na ang mga tainga at ang sama ng titig kay Charry.

Dahang-dahang lumapit si Mimay kay Charry saka niya ito hinawakan sa leeg. Wala nang sabi-sabi at inihagis ni Mimay si Charry palabas ng classroom namin. Hindi pa nakontento si Mimay at binuhat pa niya ang malaking mesa na nasa harap at binato rin kay Charry na kasalukuyang nakahiga sa sahig.

Bull’s eye! Tinamaan sa mukha si Charry ng mesang ibinato ni Negra.

`Ayan naman kasi, eh. Hindi na nadala kay Mimay. Alam namang ayaw ng negrang pusit na nilalait siya, eh. Pero mabuti na lang at hindi ko na-experience kay Mimay `yan. Hanggang talak lang si Mimay sa akin sa book one, eh. Nag-evolve na sa pagiging dragona ang negra. Isa na siyang octopusmon.

Lumabas muna ako saglit nang maramdaman kong naiihi ako. Nasa tabi ng clinic ang pinakamalapit na banyo kaya do’n ako pumunta. Pagdaan ko sa tapat ng clinic, eksakto naman iyong bumukas.

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita ko si Josh na palabas ng clinic habang inaalalayan ni Monica. May benda sa mukha si Josh na parang binugbog ng kung sino.

Nagtama ang tingin naming dalawa ni Josh pero agad siyang nag-iwas ng tingin habang ang sama naman ng tingin ni Monica sa akin. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naglalakad sila palayo sa akin. Naiwan akong nakanganga dahil sa nakita ko.

Diary, sino ba’ng girlfriend ni Josh? Ako ba o si Monica?

Break na ba kami? Hahahahahaha! Shutang inerns . `Di ako na-inform. Kailan ba kami nag-break?

Hindi ko na alam ang nangyayari sa relasyon namin ni Josh. Pero naaawa ako nang makita ko ang pagmumukha ni Josh. Bugbog-sarado at halatang nanghihina. Pero bakit si Monica ang kasama niya at hindi man lang ako?

Naguguluhan,

Pipay