noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 28

Ch. 29 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #28

Dear Diary,

Hindi ko ma-explain at maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, Diary. Parang may kung anong nag-iinit sa loob ko habang nakatitig kay Monjie na masiglang nakikipag-usap sa babaeng katabi niya. Patuloy pa rin ang screening para sa Foundation Day pero hindi ko magawang makinig sa sinasabi ng professor na nasa gilid namin. Focused lang ang mga mata ko kung paano ngumiti at tumawa si Monjie habang kausap ang babaeng `yon. Nag-iinit ang ulo ko, Diary. Gusto kong kaltukan ang noo ng pempem ng babaeng `yon ngayon.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, biglang napalihis ang tingin ko. Naabutan kong nakatitig si Josh sa akin. Kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin dahil baka nagkakamali lang ako ng inaakala at hindi talaga siya sa akin nakatingin at kay Monicalandina kingina nitongbabaenatoforever talaga. Pero sa akin talaga siya nakatingin, eh. Nakatitig ang mga mata niya sa akin na parang may ibig sabihin. Medyo nakaawang ang mga labi niya na parang may gustong ipahiwatig sa akin.

Pansin ko lang sa sarili ko na hindi na ganoong kasakit kapag nagkakatinginan kaming dalawa ni Josh. Wala na ang dating kirot. May sakit pa rin akong nararamdaman pero hindi na tulad ng dati. Bigla akong napangiti dahil finally hindi na ako gano’ng nasasaktan.

Kaunti na lang. Kaunti na lang talaga, Diary, at tuluyan ko nang maiaalis sa sistema ko si Josh. Siguro kaunting landi—este, kembot na lang, makakaya ko na siyang ngitian nang walang halong ka-bitter-an sa buhay at sa sexy kong katawan.

Ang puso pala ng tao ay hindi nakakalimot sa sakit ng nakaraan, nasasanay lang `to. Marahil tuluyan lang akong nasanay. Aba, ilang weeks na rin, eh. Move on din dapat.

Ilang segundo rin akong nakatitig kay Josh hanggang sa ako na ang unang umiwas at muling ibinalik ang tingin ko kay Monjie. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap ng babae. `And’yan `yong biglang hahampas si Malanding babae sa braso ni Mong dahil sa sobrang tuwa. Meron pa ngang kahit nakatagilid si Mong, hahanap talaga ng paraan si Malanding babae para mahampas niya ang abs ni Mong, eh.

Shutang inerns na mga `to. Feeling `ata nila nasa park sila. More talk more fun ang mga tukmol. Nakakaimbiyerna at the same time nakakabuwisit na talaga.

“Okay, that’s all for now. Tandaan n’yo ang mga sinabi ko, girls, ah?” biglang sabi ng professor na kanina pa nagsasalita.

Talk pa siya nang talk kahit wala namang nakikinig sa kanya. Busy kasi kaming lima sa kanya-kanya naming landi sa buhay. Si Monicalandinapakarat hawak ang cell phone niya at nagse-selfie. `Yong babaeng si Jennica naman, nagre-retouch ng makeup niya. Ang lakas maglagay ng makapal na foundation, feeling maputi. Nagmukha lang siyang crinkles. Si Mary Grace naman na jejemon, mukhang nagdyi-GM. `Yong Dane naman at Faith, nagkukutuhan. O, `di ba? Hindi sila busy.

Bigla tuloy akong napaisip. Sila ba talaga ang makakalaban ko sa boxing? Mukhang isang uppercut ko lang sa mga maaarteng `to, tulog na agad, eh.

“Yes, Miss,” sabay-sabay nilang sabi pero ako dedma lang. Tumayo na ako saka binitbit sa braso ko ang shoulder bag ko.

“Ah, Miss Payoson. It looks like hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko kanina,” baling sa akin ng professor.

“Nakikinig kaya ako, duh?” sagot ko.

“Weh? Sige nga, kung nakinig ka, ano `yong mga sinabi ko?”

“Bakit ko sasabihin? Sinabi n’yo na `tapos sasabihin ko uli? Paulit-ulit lang, Ma’am? Saka kakasabi n’yo lang, ah? Nakalimutan n’yo na agad. Nagdurog ba kayo ng bato?”

Biglang nagtawanan ang mga estudyanteng nakarinig ng sinabi ko.

“OMG! Walang galang sa nakakatanda,” parinig ni Monicalandi.

“OMG! Walang galang sa nakagaganda,” parinig ko rin sa kanya.

“Excuse me, are you referring to me?” mataray na tanong ni Landi sa akin.

Seryosong tumingin sa kanya saka nagtaas ng kilay. “Excuse me rin. Bakit, maganda ka ba?”

Inirapan niya ako. “Whatever. I still have Josh. You have no one.” Nag-roll eyes pa siya.

“Iyong-iyo na si Josh mo. Saksak mo sa pempem mong maluwang, sa boobs mong lawlaw at sa katawan mong laspag.” Tumawa ako pagkatapos.

“Such a waste of time talking to a nonsense monkey like you.” She rolled her eyes.

“Such a waste of time talking to a slut like you.” I mimicked her.

Tumalikod na nang tuluyan si Monica at pasimpleng nangulangot.

“Yak! Ilong na nga lang ang virgin sa `yo, pini-finger mo pa. Ang landi talaga,” sabi ko.

“I’m not fingering my nose, duh?” inis na sabi niya. “`Wag mo nga akong kausapin. Girls, look, o. May bago akong flower. Bagay `to sa akin, tingnan n’yo,” sabi niya sa ibang babaeng makakalaban namin.

Inilagay nga ni Monica ang bulaklak sa tainga niya at todo-puri ang mga gaga sa ginawa niya. Kesyo ang ganda raw ni Futa . Kesyo ang pretty daw. Shutang inerns na mga `to! Ang hilig magplatiskan.

Bigla akong napahalkhak. “Naglagay ka pa ng bulaklak sa tainga mo. So feeling mo, diyosa ka na n’yan? Nagmukha ka lang paso.” Sabay baba ko sa stage.

Narinig ko pang sumigaw si Monica sa akin na pulos panlalait. Kaya humarap ako sa kanya at nagsalita uli. “Hindi ako tumatanggap ng insulto na galing sa taong mas pangit pa sa akin.” Ngumisi ako saka kumindat.

“BOOM BASAG, BH3? ARAY KO, BH3!” sigaw ng mga estudyante.

Sumigaw uli si Monica pero hindi ko na siya pinansin. Asar-talo si Gaga.

Tuluyan na akong naglakad. Dahil may hinahalungkat ako sa bag ko, hindi ko na namalayan na may nabunggo pala ako kaya nawalan ako ng balanse. Mabuti na lang at may taong mabilis na nakahawak sa katawan ko kaya naalalayan niya ako para hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

“Mag-iingat ka sa susunod, ah? Tingnan mo, muntik ka nang mahulog. Mabuti na lang nasalo kita,” sabi niya sa akin.

Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili saka nagsalita. “Sana hinayaan mo na lang akong mahulog. Masakit nga mahulog sa sahig pero mas masakit pa rin ang iwan ka dahil sa hindi ka kagandahan at ipagpalit sa mas magandang babae.”

“Pipay...” tawag ni Josh sa pangalan ko. Pero hindi na rin tulad ng dati. Hindi na bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing binabanggit niya ang simple kong pangalan. Wala na `yong dati na parang nagkakaroon ng special meaning ang pangalan ko kapag siya ang bumabanggit.

Tumawa ako saka siya hinampas sa braso. “Just kidding, Josh. Wala na `yon sa akin. Past is past, right? Never say die because tomorrow is another guy. Nasa inyo na nang tuluyan ni Monica ang basbas ko. No hard feelings. Basta ba ay invited ako sa kasal n’yo if ever, ha?” Lalo akong natawa. “It’s weird pala na pag-usapan ang kasal lalo na tayong dalawa ang unang nagplano n’on.” Saka ako tuluyan nang tumalikod.

Tinawag uli ni Josh ang pangalan ko sabay hawak sa braso ko. May kuryente pa rin pero hindi na malakas ang tama sa buong katawan ko.

Muli akong humarap sa kanya sabay tanggal ng pagkakahawak niya sa braso ko at seryosong nagsalita. “You don’t have the right to touch me. You dropped my heart and soul, remember?”

Napauwang ang bibig ni Josh. Akala ko ay may sasabihin siya pero humugot lang siya ng malalim na buntong-hininga at napayuko. “Patawad,” sabi niya na halatang sincere naman.

“Sa palengke na lang ginagawa ang tawad. URUR!” Saka ako nag-walkout.

Dere-deretso lang ako sa paglalakad palabas ng school gym. Chin up para makita nila ang ganda ko. Pouty lips para alam nilang masarap halikan ang mga labi ko. Stomach in para kunwari malaki boobs ko. Hehe.

Nang malapit na ako kay Monjie at sa babaeng kausap niya, sa mismong gitna pa nila ako dumaan. Bigla silang napatigil sa pag-uusap saka napatingin sa akin.

“O, bakit? Daanan `yan. Hindi `yan talking way,” sarkastikong sabi ko.

Natawa lang si Monjie habang si Malanding babae napaasim ang mukha.

“May sasabihin ka ba, `te? Nakakahiya naman sa `yo. Extra ka na sa story ko pero wala ka pa ring line.”

Umiling lang siya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa pero na-confused ako, mga pemsters. Hindi ko mawari kung nasaan ba ang ulo o ang paa niya. Magkamukha kasi.

Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko si Mong. Nakangisi siya sa akin kaya inirapan ko siya.

Lumabas na ako ng gym nang marinig kong tinawag ni Mong ang pangalan ko. Hindi ako lumilingon at patuloy lang ako sa paglalakad. Mas binilisan ko pa kahit natatapilok na ako dahil sa taas ng takong ng sapatos ko.

Akala ko makakalayo na ako mula kay Mong pero bigla niya akong hinawakan sa braso at hinarap sa kanya. “Ano ba, Pipay? Kanina pa kita tinatawag, eh. Nakakahingal ka namang habulin,” sabi niya habang pilit naghahabol ng hininga.

“Sino ba kasi nagsabing habulin mo ako?”

“Matic na `yon, baliw. Kapag nag-walkout ang babae, responsibilidad na ng lalaki na habulin siya para mag-explain,” sabi niya saka tumingin sa akin at ngumiti.

Lalo tuloy sumingkit ang mga mata ni Mong.

Ngayon ko lang napansin na ang kinis pala ng kutis ni Monjie. Ang pinkish din ng lips niya. Ang nipples niya kaya pink din?

“Ano naman ang ipapaliwanag mo? Hmm... Sige, i-explain mo sa akin kung bakit nasa ibaba ang pempem ng isang babae? Puwede naman sa noo o kaya sa kilikili?”

Tumawa siya. “Siyempre mas masarap kapag nasa ibaba. Ang pangit naman kung ang pempem ng babae nasa noo o kilikili niya. Ang awkward butasin n’on.” Tawa lang siya nang tawa.

“Korni mo. Letse,” inis na sagot ko pero sa totoo lang, natatawa na rin ako.

Sasagot pa sana ako pero biglang may tumawag sa pangalan ni Mong kaya napalingon siya. Tinawag siya ng babaeng malanding kausap niya kanina.

Pansin ko lang sa kuwento kong `to, ano? Ang daming mga higad. Nakakahiya ang slight na kalandian ko sa mga kalandian nila sa katawan.

“Monjie, salamat, ah? Sana makapunta ka!” sabi ng babae at todo pa-cute pa. Mukha namang pakyu ang mukha.

“Finally! May nasabi ka na ring linya sa kuwento ko. O, wala nang samaan ng loob, ah?” sabi ko sa babae saka umirap.

“Wala `yon, April. Try kong pumunta!” Kumaway pa si Mong. “She’s so pretty, right?” sabi niya habang nakatingin pa rin sa babae habang naglalakad ito palayo sa amin. “And she’s so fun to be with.”

Napasimangot ako. “Hindi kaya siya maganda. Maputi lang siya. She’s so fun to be with? Mas magaling kaya akong mag-joke kaya sa kanya. Alam niya ba ang mga pempem jokes?”

“Don’t compare yourself to other girls. Every girl is beautiful in their own unique way,” sabi ni Mong saka ngumiti na naman.

“Whatever. Kung maganda, eh, di ligawan mo.” Naglakad uli ako palayo kay Mong. Buwisit siya! Talaga bang kailangan niyang sabihin sa akin na maganda ang babaeng `yon? Oo na. Maganda na. Kailangan talaga ipamukha sa akin na may magandang babae siyang nakikita? Nakakainis!

Hindi ba alam ng mga lalaki na naiinis kami kapag may ibang babae silang sinasabihan na maganda? Hindi ko ma-gets ang sarili ko pero naiinis talaga ako, eh. Naiinis ako sa mga nakita kong ginagawa ni Mong sa babaeng `yon. Parang ang saya-saya nilang dalawa. `Yong tipong nakakalimutan na nila may tao sa paligid dahil sa sobrang kaligayahan nila sa isa’t isa?

May kung anong kumirot sa puso ko dahil do’n.

“Pipay, ano ba’ng problema mo?” Muli na namang hinawakan ni Mong ang kamay ko at hinila paharap sa kanya. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit—teka, bakit ka umiiyak?”

“Anong umiiyak ka d’yan?” Bigla akong napahawak sa mga mata ko at tama nga si Mong, umiiyak na nga ako.

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang iniisip ko na masaya si Mong habang kausap ang babaeng `yon. Bumigat ang pakiramdam ko sa ideyang isang araw, magkakaroon na ng girlfriend si Mong at iiwan na rin niya ako.

Siguro, masyado lang akong na-trauma dahil sa ginawa ni Josh sa akin. `Yong sumama siya sa ibang babae dahil maganda ito at sexy. Ayoko lang matulad si Mong na iiwan din ako dahil sa babaeng `yon.

“Wala...” sabi ko saka pinunasan ang mga luha ko. “Tears of joy `to. Masaya lang ako dahil finally mukhang may babae ka nang nagugustuhan. I’m happy for you, Mongoloid,” sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

Hinawakan ni Mong ang kamay ko saka tumingin sa akin. “`Wag mo `kong gawing tanga. Mga bata pa lang tayo, alam ko na’ng ibig sabihin ng mga luha mo,” sabi niya. “Seryoso, Pilar. Ano ba’ng nangyayari sa `yo? Bakit mo `ko sinusungitan? Bakit ka umiiyak?”

Napaiwas ako ng tingin. “Natatakot lang ako...” mahina kong sagot sa kanya.

Shutang inerns. Ayoko talaga ng ganito, eh. Nahihirapan akong sabihin ang gusto kong sabihin.

“Natatakot saan? Tumingin ka nga sa akin.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka iniharap sa kanya.

Ang seryoso ng mukha ni Mong. `Yong hitsura niya kapag ayaw niya akong nasasaktan at may inaalala.

“Saan ka natatakot?”

“Natatakot ako sa ideyang iiwan mo rin ako dahil sa isang magandang babae. Shutang inerns . Ang feeler ko, `no? Feeling ko boyfriend kita kaya ayokong may kinakausap kang ibang babae. Naguguluhan ako, Mong. Ang bigat sa dibdib, eh. Ang bigat sa dibdib no’ng nakita kitang may kausap na babae. Parang any moment, iiwan mo rin ako tulad ng ginawa niya .”

Nakatingin lang siya sa akin habang pinapakinggan ang bawat salitang sinasabi ko. Hanggang sa bigla niyang inilapit sa dibdib niya ang kamay ko kung saan nakalagay ang puso niya.

“Ano’ng sinabi ko sa `yo, Pipay? Hindi ba, ang sabi ko, ako ang Batman ng buhay mo? `Di ba, ako ang bahala sa `yo?” sabi niya saka ngumiti. “Wala akong balak na mag-girlfriend ng ibang babae, Pipay.”

“Bakit?” tanong ko.

“Hindi mo ba natatandaan ang sinabi mo sa akin no’ng mga bata pa lang tayo?” nakangiti pa ring tanong niya.

“Alin do’n? Na bibigyan kita ng gamit kong panty para may remembrance ka sa akin? `Yon ba? Hindi naman ako sisira sa pangako, eh. Gusto mo `tong panty na suot ko na ang ibigay ko sa `yo?” Itataas ko na sana ang palda ko pero bigla niya akong pinigilan.

“`Wag kang dugyot. Hindi `yan,” natatawa niyang sabi. “Hindi ba, sinabi mo no’ng mga bata pa lang tayo na ako lang ang lalaking papakasalan mo?”

Pagkasabi niya n’on ay saka ko naalala ang mga usapan namin no’ng maliliit pa lang kaming dalawa.

“Sinabi ko ba talaga `yon?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Oo naman,” sagot niya. “Hindi ko sisirain ang pangako natin sa isa’t isa tulad ng ginawa niya.”

Bigla naming napansin na nakatayo na pala sa gilid namin sina Josh at Monica. Magkahawak-kamay pa silang dalawa at nagulat ako sa ginawa ni Mong.

Bigla siyang humarap kay Josh saka nagsalita. “P’re, hihingin ko na ang basbas mo. Since mukhang masaya ka na kay Monica and it’s unfair for Pipay kaya magpapaalam na ako sa `yo na liligawan ko na siya.”

Nagulat ako sa sinabi ng Mongoloid na `to. Halatang nagulat din si Josh at napatingin sa akin. Parang sinasabi ng mga mata niya na tumanggi ako. O feeling ko lang?

Ilang sandaling nakatitig si Josh sa akin nang bigla siyang sikuhin ni Monica. “B-bahala ka,” malamig niyang sagot saka nag-iwas ng tingin.

“Thanks, p’re,” sabi ni Mong saka muling humarap sa akin. “Pipay, will you give me a chance to pick up the pieces of your broken heart? Will you let me mend it and make it whole again? Pipay, alam kong hindi dapat `to tinatanong pero papayagan mo ba akong manligaw sa `yo?” sunod-sunod na tanong ni Mong at lumuhod pa sa harap ko.

Napatingin ako kay Josh na kasalukuyang nakatingin lang din sa akin. Habang si Monica naman ay nakangisi habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Josh. Napatiim-bagang si Josh habang seryosong nakatitig sa akin.

Bigla akong napalunok. Hindi naman siguro masama kung bibigyan ko si Mong ng chance, right? After all, single naman ako and ready to finger—este, to mingle pala.

“Bukas. After ng klase. Kita tayo sa lugawan ni Aling Nena para malaman mo ang sagot ko,” sabi ko kay Mong saka ngumiti.

“JOSH!”

Bigla akong napaharap nang sumigaw si Monica. Kitang-kita ko kung paano tumakbo palayo si Josh.

Anong eksena n’on? Mang-aagaw ng exposure, ha? Tse!

Hanggang dito muna, Diary. Sabaw pa rin si Author, eh.

Ready to finger—este, to mingle,

Pipay