Malandi #23
Dear Diary,
Tatlong araw na ang nakalipas mula ang confrontation namin sa canteen, Diary. Tatlong araw na rin akong hindi pumapasok after n’on. Busy kasi ako sa mga photoshoot or whatever na ginagawa ko ngayon. Kinuha na akong official ambassador ng Makeover mo, Sagot ko at ginawa nilang official face ng kanilang segment. Nagkalat tuloy sa buong Abs-Cbn ang mga litrato kong super pretty—wait, hindi right term ang super pretty para sa mukha ko. Nagkalat tuloy ang super perfect goddess face ko sa buong building. There, “perfect,” perfect adjective for me.
“Okay, let’s take a break muna,” sigaw ng photographer na kumukuha ng mga litrato ko. “Good job, Pilar. Ang bilis mong matuto sa mga tamang pag-pose sa camera. You’re pretty and very talented,” puri niya sa akin.
“Excuse me?” Napataas ang kilay ko. “May maling adjective ka `atang nasabi para sa akin.”
“I’m so sorry,” paghingi niya ng paumanhin. “You’re so gorgeous and very talented, Pilar.” Saka siya alanganing ngumiti.
“Good,” sagot ko saka dumeresto na sa upuan kong kulay- pink na may nakalagay na pangalan ko sa likod. Ini-request ko pa `to sa management ng show dahil ordinaryong upuan lang ang gamit ko kahapon. Sinabi ko sa kanilang hindi na ako pupunta sa pictorial kapag ganito pa rin ang pinagamit nila sa akin. Agad silang nagpa-customized ng malambot na upuan na para lang sa akin.
“Water nga!” sigaw ko sa assistant ko.
Agad namang tumakbo ang assistant kong pangit na mukhang hindi nauso ang fashion sa kanya dahil sobrang cheap at sobrang pangit niyang manamit.
Hays! Kung kaya ko lang siyang ipatanggal sa trabaho, ginawa ko na, eh. Kaso matagal na raw siyang nagtatrabaho rito kaya wala akong kapangyarihan para tanggalin siya.
Napatakbo siya sa kinauupuan ko. Sa sobrang bilis, natapon sa suot kong damit ang tubig na iniaabot niya.
“Stupid! Ang tanga-tanga mo naman!” sigaw ko at agad akong napatayo. Naagaw ko tuloy ang atensiyon ng lahat ng tao sa studio. “Simpleng trabaho lang hindi mo pa magawa nang maayos?! Kung ayaw mo sa trabaho mo, bumalik ka ng Camarines Sur at magtanim ka na lang ng patatas do’n. Tutal, `yong mukha mo parang patatas sa dumi.”
Napayuko lang ang assistant ko saka humingi ng tawad dahil sa sinabi ko. Agad-agad din siyang kumuha ng tissue para ipampunas sa damit ko.
“Ouch! Ano ba?! Mag-ingat ka nga sa pagpupunas mo!” Itinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig.
Napaangat siya ng tingin at parang ang sama-sama ng pagkakatitig niya sa akin.
“May angal ka?” sigaw ko uli sa kanya.
Napayuko na lang siya at napailing.
“Good,” sabi ko saka nag-flip ng hair.
Tinawag na uli ako for the last session ng shoot. Medyo pagod na rin ako sa paulit-ulit na pagngiti pero tiis-GANDA lang dahil gusto ko rin ang ginagawa ko.
Noong bata pa ako, pinangarap kong mag-model. At hindi ko inaakalang matutupad din ang pangarap kong `yon dahil sa pagbabago ko. Minsan talaga ang pagbabago ng isang tao ay nakakatulong sa kanya. Maraming magsasabing mas gusto nila ang dating ako pero wala akong pakialam. Mas gusto ko kung ano ako ngayon. Isang babae na sobrang ganda na pinapangarap ng kalalakihan. Isang babae na hindi nanaiisin ng isang lalaki na lokohin at ipagmapalit sa isang babaeng malandi.
Wala na ang dating ako na mahina at mapagmahal sa isang tao dahil patay na ang Pipay na `yon at hindi ko na nanaiising bumalik pa.
I love myself now to the point na mas pipiliin ko pa ang ganitong hitsura’t pag-uugali kaysa sa Pipay na madaling magpatawad at lokohin ng mga walang kuwentang lalaki. I need to embrace this change. Kailangan ko `to para sa sarili ko.
Marami akong naririnig na ayaw raw nila sa ugali ko lalo na sa trabaho ko ngayon pero wala akong pakialam sa sinasabi nila. It’s a mind over matter situation. I don’t mind them `cause they don’t matter. Quotes `yan paki-tweet, o. `Wag ka nang umarte pa. Sa ganda kong `to, pag-iinartehan mo `ko? Baka hampasin kita ng flourescent lamp nang maliwanagan `yang maliit mong utak?!
Pagkatapos ng photoshoot ay inayos ko na ang mga gamit ko’t nagpahatid sa labas ng building. Nainis agad ako dahil ilang minuto na akong naghihintay pero hindi pa rin dumadating si Mong. Leche naman ang lalaki na `yan. Mabuti nga sa kanya pa ako nagpasundo, eh. `Tapos late pa siya darating? Shutang inerns naman. Nakaka-stress, ah.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang may pumaradang kotse sa harap ko. Lumabas si Mong na bagong paligo na naka-jersey lang. Ang bango niya ngayon at gusto kong siyang purihin dahil bakat na bakat ang abs niya sa suot niyang jersey shirt pero `wag na lang. Naiinis ako sa kanya ngayon.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ko saka humalukipkip. “`Di ba, ang usapan before nine AM mo `ko susunduin?” Tumingin ako sa relo ko. “Nine-o-two na, o. You’re late.”
Napakamot si Mong sa ulo niya saka napanguso. “Sorry na. Late lang naman ako nang dalawang minuto, eh. Traffic kasi sa highway kaya na-late ako. Maaga na nga akong umalis, eh.”
“Pulos na lang sorry. Sorry here, sorry there. Sorry every where. Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Sa sorry lang magaling? Isang minuto, dalawang minuto o kahit ilang minuto pa `yan it doesn’t matter. Late ka pa rin sa usapan natin.
“Parang panloloko lang `yan, eh. Nagloko ka ng isang beses, dalawang beses, tatlong beses o kahit lima pa. Kahit mag-sorry ka nang paulit-ulit gano’n pa rin ang impact n’on sa isang tao. Nasaktan na siya nang bongga. Minsan pala ang sorry, parang sirang plaka. Ang sakit sa tainga kapag paulit-ulit mong naririnig.”
Nagulat si Mong. “Ang dami mo namang sinabi. Parang na-late lang nang two minutes, eh. Saka kambing na kambing `yong sinabi mo, ah. Whogoat .” Tumawa siya pagkatapos.
“Ha-ha. Nakakatawa,” sarkastikong sabi ko saka nilampasan si Mong at pumasok na sa loob ng kotse niya. “`Yong mga bag ko pakibuhat. Ang bigat, eh. Salamat.” Saka ko isinara nang malakas ang pinto ng kotse.
Napailing na lang si Mong saka sinunod ang utos ko. Sumakay rin siya pagkatapos. “Ihahatid ba kita sa inyo o sasama ka sa school?” tanong niya habang nagmamaneho. “`Nood ka ng practice namin, Pipay.”
“Puwede ba?” inaantok na tanong ko. “Gusto ko na sana umuwi dahil tatlong araw na akong walang masyadong tulog. Kailangan ko rin ipahinga ang ganda ko. Kahit naman maganda ako, kailangan ko pa rin matulog dahil after all, tao pa rin ako.”
“Natural, puwede. Lagi kayang nanonood si Monica ng practice namin. Gusto mong gumawa ng eksena?” Tumingin sa akin si Mong saka ngumisi.
“Anong eksena naman? Bugbugin ko siya uli?” natatawang tanong ko sa kanya kaya napahalakhak din si Mong.
“Baliw, hindi `yon. Pero grabe ka talaga. Sayang hindi ko napanood `yong bugbugan sa canteen. Mukhang magandang laban `yon, ah.”
“Weak naman `yong malanding pokpok na `yon, eh,” sabi ko saka napasimangot. “Saka epal kasi `yong feeling knight in shing armor niyang may ugaling Shrek. Ay mali, mabait pala si Shrek at kung tutuusin, mas guwapo pa `yon sa kanya. Pero mas guwapo pa rin talaga ang mga lalaking stick-to-one.”
“Eh, di guwapo ako?” Nagtaas-baba ang mga kilay ni Mong.
“Bakit lalaki ka ba?” pagbibiro ko.
“Gusto mong halikan kita dito para mapatunayan nating lalaki talaga ako? Hindi lang halik kundi you know? Dito mismo sa loob ng kotse ko’t sa gitna ng kalsada.” Inihinto pa ni Mong ang kotse at akmang gawin nga ang sinabi niya.
“Lalaki ka nga,” sagot ko. “Pero `wag kang manyak, ah? `Guwapo-guwapo mo, eh.” Tinapik-tapik ko pa ang pisngi niya.
Napailing na lang si Mong dahil sa sinabi ko. “Pero alam mo, nakakapagtaka lang dahil hindi ka man lang napatawag sa guidance office dahil sa ginawa mo.”
Napatingin ako kay Mong at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“You know, sinapak mo lang naman ang anak ng may-ari ng school. Hindi lang `yon, dahil tinawag mo pa siyang pokpok at whore.”
“Baka natakot,” sabi ko. “Natakot na hindi na lang si Mirasol ang may kayang magwasak ng mukha niya kundi pati na rin ako.”
“Ewan ko lang. Parang may iba pang rason kaya hindi ka napatawag, eh. Parang wala ngang nangyari, eh.”
“Ayoko nang isipin `yon dahil nagsisimula pa lang naman ako, eh. Wala rin naman akong pakialam kung ipatawag ako sa guidance o i-kick out man lang. Ngayon pang nagsisimula na akong maging model? Maraming mas magagandang school ang kukuha sa akin at tatanggapin ako with open arms pa.”
“Wow! So fierce.” Tumawa si Mong.
“Yes!” sabi ko. “This is the new me. Pilar version 4.0.” Nag-snap pa ako. “Talo pa ang version ni Sarah. 2.0 lang kasi ang kanya. Weak ni Coach Sarah.”
“Pero gawa tayo ng eksena mamaya, ah?” sabi na naman ni Mong.
“Ano ngang eksena kasi `yan?” naiinis kong tanong. “`Wag mag-sex sa harap nila, ah? Hindi ko kaya sa public.”
“Sa private lang, gano’n?”
“Puwede.” Saka ko siya hinampas. “Joke lang! Manyak mo talaga, Mong.” Saka ako tumawa. “Pero seryoso, anong eksena?”
Ngumisi si Mong. “Halikan mo `ko sa harap ni Josh,” nakangising sabi niya. “Walang malisya. Trip-trip lang. For revenge.”
Saglit akong napaisip sa sinabi ni Mong pagkatapos ay napangisi na rin ako. Nagtinginan kami ni Mong nang nakakaloko.
“Hmm. Let me think.”
Nanahimik na lang kami habang bumabiyahe papunta sa school. Habang nakaupo ako, naramdaman kong biglang nangati ang pempem ko. Kinamot ko `to nang pasimple habang hindi nakatingin si Mong. Lately, kahit naghuhugas ako nang tama, palagi pa rin siyang kumakati. Ibig sabihin ba nito ay may humahalik ng pempem ko sa picture? Gano’n daw kasi `yon, eh. Kapag daw nangati ang ilong mo, ibig sabihin may taong humalik ng ilong mo sa picture. So sa pempem ko, may humahalik kasi nangangati, eh.
Baka naman napapraning lang ako? Baka naman nami-miss lang ako ni Pempem na kausap? Hindi ko na kasi siya kinakausap mula noong makeover ko.
Sabi sa, How to Act Like a Lady , hindi dapat kinakausap ang pempem. So out and unlady-like daw `yon so stop na. It’s for the better, pempem. Sana maintindihan mo. Kyoot ka naman so friendship over na tayo, ha?
Nang dumating kami ni Mong sa gate ng SOGO University, napansin ko si Mirasol na papasok ng school habang sakay-sakay ng bike niyang kinakalawang na. Flat na ang dalawang gulong ng bike ni Negrang Impakta at may dala-dala rin siyang walis tingting, walis tambo at dustpan na nakasabit sa likod niya. Feeling niya siguro baril `yon at feeling niya sundalo siya sa ayos niya ngayon? Sundalo pa nga raw ang gusto pero ang mukha mukhang kandado sa tigas.
“Hoy, Mimay!” sigaw ko sa kanya nang makababa kami ni Mong.
Ipinark pa niya ang bike niya. Nilagyan niya pa iyon ng malaking kadena saka itinali sa puno. Feeling mananakaw. Baka ihampas pa sa kanya ng magnanakaw `yang bike niyang bulok, eh.
Napakunot-noo si Mimay at napatingin sa akin. “Sino ka?” Binalingan naman niya si Mong. “Shet! Si fafalicious .” Kuminang-kinang pa ang mga mata ni Mimay. Kung sa mga anim è , heart ang lumalabas, sa mga mata naman ni Negrang Mirasol ay patola ng lalaki. My God. Ang libog ng negrang `to!
“Si Pipay,” pagmamalaki ko sa kanya.
“Weh? Ikaw, si Pipay ka? Hindi ganyan kaganda si Pilar, `no. Ever since na bata kami pangit `yon, eh.” Tumawa siya pagkatapos. “Himala na lang ang kailangan n’on para gumanda siya,” sabi pa niya saka tumingin uli kay Mong. “ Fafalicious.. .”
“Tara na, Pipay. Nakakatakot siya. Parang ginagahasa na niya ako sa utak niya,” bulong sa akin ni Mong at humawak pa sa damit ko na parang bata.
“`Wag kang mag-aalala. Hindi ka ginagahasa sa utak niyan dahil wala namang brain ang mga pusit,” pabulong ko ring sagot.
“Hoy, anong sinasabi mo sa kanya? Anong walang brain ang mga pusit?” sigaw ni Mirasol.
“Totoo naman, `di ba? Wala kayong utak?”
“Tama.” Tumango-tango pa siya. “Pero sino ka ba?”
“Si Pipay nga!” sigaw ko. “Bakit ba ayaw mong maniwalang negrang balyena ka na anak ni Ursula sa pagiging puta ng Red Sea at Bermuda Triangle, ha?”
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Negra at napatakip pa ng bibig dahil sa gulat. “Shucks. Ikaw ba talaga `yan? Hindi ba ako nagha-hallucinate dahil sa pagod ko sa limang araw na paglilinis ng SM North, Araneta Coliseum, Mall of Asia at ng soccer field?” hindi makapaniwalang tanong ni Mimay. “Ano’ng nangyari bakit ang diyosa-diyosa mo na? Sabihin mo ang secret mo sa akin.”
“Bakit ko sasabihin? Close ba tayo?” pagtataray ko sa kanya. “Pagkatapos mo `kong ilaglag, tingin mo sasabihin ko ang secret ko? `Negrang `to, feelingera.”
“Ang yabang mo, ha? Secret lang ayaw pang sabihin,” inis na sabi niya.
“May ibang secret na lang akong sasabihin sa `yo.”
“Ano `yon?” nagningning naman ang mga mata niya.
Lumapit ako kay Negra saka bumulong. “Eight inches lang siya,” sabi ko saka ininguso ang clueless na si Mong. Nakakalokong nagkatinginan kami ni Mong pagkatapos.
“Really?” tanong ni Negra habang patuloy na nagniningning ang mga mata. “Ang laki, shucks!”
“Sinabi mo pa.” Tumango-tango pa ako.
Iniwan namin ni Mong si Negra na nakanganga sa parking lot dahil sa sinabi ko. LOL! Ang mga negrang dambuhalang balyenang baluga talaga, ang bilis mapaniwala sa mga sinasabi.
“Ano `yong binulong mo do’n sa negrang `yon?” tanong ni Mong habang naglalakad kaming dalawa. Napansin ko na naman ang mga tingin ng mga tao sa akin. Hays! Attention again. Hindi talaga sila nasasanay sa ganda ko.
“Sabi ko eight inches ka lang.” Itinuro ko pa ang patola niya.
“Anong eight inches ka d’yan?! Hindi kaya!” mabilis niyang sagot. “Nine inches `to, `uy!” Saka siya tumawa.
Pumasok na kami sa loob ng school gym kung saan magpa-practice sina Mong. Pagdating namin, `ando’n na ang ibang player pero si Josh wala pa.
Sumunod lang ako kay Mong saka umupo sa gilid. Bigla namang naghiyawan ang teammates niya specially ang mga third at fourth year players.
“Nice naman, Tirakita. Nagdadala ka na ng chicks sa practice, ha. Pakilala mo naman kami sa magandang dilag na `yan, o,” sabi ng isang lalaki. Medyo matangkad siya at ang ganda rin ng katawan. Tumingin pa siya sa akin saka kumindat.
“Ulol mo,” sigaw ni Mong. “Hindi ko pa siya girlfriend.”
“Pa? Ibig sabihin pinopormahan mo na? Aww,” sabi naman ng isa. “Pero ayos lang kahit pormahan mo. Manliligaw na lang din ako.” Lumapit siya sa akin `tapos iniabot ang kanyang kamay. “Hi, Miss. Ang ganda mo pala talaga lalo na sa malapitan. I’m Patrick and you are?”
“Not interested,” sagot ko saka nakipag-shake hands at ngumiti nang nakakaloko.
Naghiyawan naman ang mga lalaki dahil sa sinagot ko. “Boom pahiya.” Pinagtawanan pa nila ang teammate nila na napahiya.
“Hindi pa ba tayo magsisimula ng practice? Next week na ang laban, o. `Lagi na lang tayong late, eh,” naiinis na sabi ni Mong saka tumabi sa akin. “Pipay, pakiayos naman ang pamunas ko sa likod,” pakiusap niya.
“Wala pa si Manalo, eh. Alam mo naman `yon, por que girlfriend ang anak ng may-ari ng school, laging late. `Sus,” buwisit na sabi ng isa.
Inayos ko na lang ang bimpo na nasa likod ni Mong.
“Thank you, girlfriend,” sabi niya saka ngumisi.
Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Josh kasama si Monica. Nakasuot na si Josh ng jersey uniform nila habang nakakapit si Monica sa braso niya. Siya rin ang may dala ng bag ni Monica.
Aww. So gentleman. Insert my fucking sarcasm here and everywhere.
Hindi pa nila ako napapansin dahil busy pa sila sa pag-uusap. Napatigil si Monica sa paglalakad nang mapansin ako.
Tinaasan ko siya ng kilay saka nginisian.
Sunod naman nabaling ang tingin sa akin ni Josh at bakas ang gulat sa mga mata niya. Napansin kong bigla rin niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Monica sa kanyang braso.
Tumayo ako at humarap kay Mong. Gulat siyang napatingin sa akin. “Lalabas muna ako para bilhan ka ng tubig, ha? Babalik din ako agad kaya `wag mo `ko agad mami-miss,” sabi ko saka siya hinalikan sa mga labi. Mukhang nagulat ang lahat dahil agad din silang naghiyawan except kina Josh, Monica at Mong na gulat pa rin sa ginawa ko.
“Bye, boyfriend,” sabi ko saka ngumiti nang matamis sa kanya.
Sinundan nila ako ng tingin habang naglalakad palabas. Rinig na rinig sa buong school gym ang ingay ng takong ng shoes ko. Nang nasa tapat na ako nina Monica at Josh, sinadya kong banggain si Monica.
“Oops, sorry. Ang basura dapat nasa isang tabi. Hindi humaharang kapag may magandang dadaan,” sarcastic kong sabi saka tumawa nang mahina.
Ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ni Josh habang papalabas ako ng school gym. Hindi ko siya nilingon dahil kahit kailan, hindi na siya deserving sa pagtingin ko. Mamatay na siya kung maaari lang. As soon as possible, kung puwede.
Hindi ko rin matanggal sa isip ko ang reaction ni Josh nang makita niyang hinalikan ko si Mong. Kumunot ang noo niya at nagtagis din ang kanyang mga bagang. Ano’ng problema niya?
This is so exciting, Diary. Ang enjoy makipaglaro sa kanila.
Sobrang pretty and a bitch with class,
Pipay