noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 4

Ch. 5 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #4

JOSH’S POV

“ANO BA ang kapalit, Mon?” tanong ko kay Monica habang seryoso akong nakatingin sa kanya. Hindi maganda ang naba-vibes kong gusto niya pero kailangan ko na ring alamin para makasiguro. Gustong-gusto ko talagang makapasok sa basketball team ng school dahil isa ito sa mga pangarap ko. Saka kung hindi ko kaya ang gusto niyang kapalit, eh, di hindi ko ibibigay. Hindi ako gagawa ng isang desisyon na makakaapekto sa pagkatao ko lalo na sa aming dalawa ni Pipay ko.

Lalong napangisi si Monica dahil sa tanong ko. I swallowed hard. Parang may kakaiba siyang naiisip o nakakatuwa dahil sa mga ngisi niyang iyon.

“Sasabihin ko sa `yo later. Kapag tayong dalawa na lang at walang tao sa paligid.” Tiningnan niya nang masama ang barkada na nakikinig sa aming dalawa.

“Oh, c’mon, sister. Don’t be so unfair. Gusto rin naming malaman,” parang batang sabi ni Coleen.

“Yeah, right. Ngayon mo na sabihin. Pretty please, sis?”sabi naman ni Anne.

“Oo nga. Pinapatagal pa, eh. Ano’ng gusto mong kapalit sa pagpasok mo kay Josh sa team namin?” pagsingit naman ni Mong habang si Chard ay tumango-tango lang at si Mike as usual, nakatingin lang.

“No, guys. Ayokong mapeste ang plano ko. Besides...” Tumingin si Monica sa pintuan. “`And’yan na si Prof. Kaya bumalik na tayo sa mga upuan natin.” Nakangisi pa rin siya.

“Ugh! Unfair!” sabay-sabay na sabi ng barkada.

“Josh, later ko sasabihin, ah? `Wag ka munang uuwi,” sabi sa akin ni Monica nang dumaan siya sa gilid ko. Hinawakan niya pa ang muscle sa braso ko saka pinisil na parang nanggigigil. Hinayaan ko na lang siya sa ginawa niya at napailing na lang.

Bumalik na rin ako sa upuan ko nang dumating ang professor namin. Maglabas daw kami ng paper so ginawa ko naman. Habang kumukuha ako ng papel sa bag ko, napatingin ako kay Monica at nahuli ko siyang nakatitig nang malagkit sa akin. Parang hinuhubaran na niya ako sa mga tingin niyang iyon. Sa halip na iiwas ni Monica ang mga mata niya dahil nahuli ko siyang nakatitig sa akin, lalo pa siyang nakipagtitigan saka ngumisi. Ako na lang ang nag-iwas ng tingin dahil naiilang ako sa mga ganoong titig.

Pagkalabas ko ng papel, bigla kong naramdaman na nag-vibrate ang cell phone ko. Napangiti agad ako matapos kong mabasa kung kanino galing ang text.

From: My Sky and Universe.

Aral mabuti, Josh ko. Mahal na mahal na mahal kita. Pinapaalala ko lang, In case makalimutan mo. Hihihi.

Nag-reply rin ako sa text ni Pipay at sinabi kong mas mahal na mahal na mahal ko siya at kahit kailan, hindi ko iyon makakalimutan.

Tinitigan ko muna ang wallpaper ko na picture naming dalawa ni Pipay. Kuha iyon habang nakahiga kaming dalawa sa kama. Tulog si Pipay noon habang ang ulo niya ay nakasandal sa dibdib ko. Ang cute naming dalawa sa picture kaya ginawa kong wallpaper.

Si Pipay lang talaga ang gusto ko. I know she isn’t perfect like the other girls around me but she’s the one I really want. Hindi na iyon magbabago kahit kailan.

Nope, I wouldn’t do anything to hurt Pipay again. Ayoko na siyang paiyakin.

Itinago ko na ang cell phone ko at nakinig nang mabuti sa professor namin.

Natapos ang klase at nagsimula nang umalis ang mga kaklase naming excited umuwi. As usual, naghintayan ang tropa dahil lagi naman sila sabay-sabay umuwi kapag dismissal na.

“Guys, mauna na kayo,” rinig kong sabi ni Monica sa barkada nang matapos niyang ayusin ang mga gamit niya.

“Why?” sabay-sabay na namang tanong ng barkada.

“May pag-uusapan pa kami ni Josh.” Ngumisi at kumindat pa siya sa grupo.

“BUT?”

“No more buts, guys. Just follow my command.” Nairita na si Monica at naging seryoso na ang kanyang mukha.

Sabay-sabay na napalunok ang tropa at nagmamadaling kinuha ang mga gamit nila para lumabas ng classroom.

Akala ko nakaalis na silang lahat pero sumulpot naman si Anne sa pintuan at nakangisi rin. “Sis, good luck. Galingan mo.” Kumindat pa siya bago tuluyang isinara ang pinto ng classroom.

Kaming dalawa na lang ni Monica ang naiwan sa loob ng classroom. Tanging ingay ng aircon na lang ang naririnig namin. Kahit centralized ang aircon, bakit bigla akong pinagpawisan? Hindi ko gusto ang atmosphere na kasama si Monica. Hindi talaga, as in.

“So?” tanong ko kay Monica pagkatapos kong maisuot ang backpack ko. Nakangiting nakatingin lang siya sa akin na parang may iniisip na hindi maganda. Lintik, ano kaya’ng naiisip nito? “Sabihin mo na kung ano `yong kapalit na gusto mo. Naghihintay kasi sa parking lot `yong girlfriend ko,” tanong ko uli sa kanya.

“So? Atat much?” Natawa si Monica. “Bakit ka ba nagmamadali? Hindi ka ba masaya na ako ang kasama mo sa classroom na `to? Look, no one’s around. We can do whatever we want to.” Naging maharot ang boses niya.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya saka napailing. “Just say what you want, Mon. Para makaalis na ako. Besides, I don’t fool around `cause I’m already committed,” sabi ko sa kanya. “Hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong makakasakit sa girlfriend ko. Minsan ko na siyang napaiyak, hindi na uli `yon masusundan pa.” Ngumiti ako sa kanya.

“You love her that much, ah?” Biglang nag-seryoso ang mukha ni Monica. “Is she prettier than me? Sexier or richer than me? Every guy that I knew begs for my attention. Ikaw lang ang ganyan. Ano ba’ng hindi mo magustuhan sa akin?”

“Actually, wala naman akong ayaw sa `yo. In fact, you’re a perfect girl. Maganda, matalino at mayaman.” Kitang-kita ko ang malapad na ngiti at ang pagba-blush ni Monica sa mga sinabi ko. “But, I ain’t looking for a pretty girl. Hindi ako naghahanap ng babaeng maganda, matalino at mayaman dahil nahanap ko na ang babaeng hindi mo man kasingganda, pero napapaganda niya ang araw ko. Hindi mo man kasintalino, pero kaya niyang sagutin kung bakit niya ako mahal. At hindi mo man siya kasingyaman pero sa pagmamahal pa lang, nalulunod na ako.” Ngumiti uli ako hindi dahil sa mga sinabi ko, kundi dahil naalala ko si Pipay ko.

“You’re so cheesy, you know that?” iritadong sabi ni Monica. “We’re still young, Josh. Bakit kung makapagsalita ka, parang siya na ang babaeng gusto mong makasama habang-buhay? Saying those words are like closing your door and wasting other opportunities.”

“No, it’s not like that,” sagot ko sa kanya. “When you truly love someone, you’re already contented with her. It’s not closing your door for other opportunities, it’s about being contented `cause you knew that you already got the best.”

“Whatever.” Umikot ang kanyang mga mata dahil siguro wala na siyang maisagot sa akin.

“Ano na `yong kapalit? Kung wala rin pala, aalis na ako.” Hahakbang na sana ako pero biglang humarang si Monica sa daraanan ko.

“Gusto mong malaman ang kapalit ng pagpasok ko sa `yo sa basketball team?” Bumalik na naman ang kakaibigang ngisi sa mga labi niya. “Kiss me.”

“WHAT?” gulat na sabi ko. Bahagya pa akong napaatras.

“You heard me right. I want your kiss. And, oh, not just a kiss. Kundi French kiss.” Inikot-ikot pa ni Monica ang dulo ng kanyang buhok sa kanyang daliri habang nang-aakit na nakatingin sa akin.

“What made you think na papayag ako sa kapalit na gusto mo?” seryosong sagot ko sa kanya. “Hindi ko kaya, aalis na ako.” Hahakbang na sana uli ako pero humarang na naman siya. Ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

“Josh, I know that you’re loyal to your girl. But this is your dream, right? Maraming babae sa paligid pero ang opportunity na makapasok sa team ng Gordon Orlox, isa lang at ito lang. Saka wala namang makakaalam na hinalikan mo ako if ever, promise.” Itinaas pa ni Monica ang kanang kamay niya para mangako. “Trust my words, Josh. Just one minute of French kissing. After n’on, welcome to the basketball team ka na.”

Hindi ako nakapagsalita dahil lahat ng sinabi ni Monica ay tama. Matagal ko nang pangarap na makapasok sa team dahil magagaling ang coaches ng Gordon Orlex Team. Ito rin ang madalas pinapanlaban ng bansa para makipaglaban sa mga international competition. Successful sila when it comes to basketball.

But…

Dealing with Monica is like cheating to Pipay. Kahit hindi ko sabihin kay Pipay hindi naman ako papatulugin ng konsiyensiya ko.

“Kaya dapat akin lang ang mga labi na `yan, ah? Subukan mo lang na humalik sa ibang babae, pag-uuntugin ko ang mga ulo n’yo at puputulin ko `yang si Flappy Bird mo. Get that?”

“Yes, Ma’am. I, Joshua Renz Manalo, promise that I wouldn’t kiss any other girl except for my girlfriend, Pilar Payoson.”

“Pinky promise?”

“Pinky promise.”

Bigla kong naalala ang usapan namin ni Pipay. Nangako ako sa kanya na hindi ako hahalik ng kung sinong babae at tanging siya lang.

Shit, Josh. Don’t hurt her. Don’t do anything that you’d regret afterwards. Masasaktan si Pipay panigurado. Masasaktan siya.

“ Looks like you’re having a debate with your mind and your heart,” narinig kong sabi ni Monica. “Josh, promise ko naman sa `yo na hindi `to lalabas sa public. Magagalit din ang parents ko kapag nalaman nila ito at mapapasama ang Gordon Family. Besides, this is your dream. Sasayangin mo ba? Sasayangin mo ba dahil lang loyal ka sa girlfriend mo? You cannot choose between the two of them. Now, decide. Your girlfriend or your dream?”

Lalo akong natahimik dahil sa sinabi ni Monica. Tama nga siya dahil pangarap ko iyon at once in a lifetime opportunity. Kahit gaano pa ako kagaling, hindi pa iyon sapat para lang makapasok sa team.

Shit, Josh. Ano’ng ibig mong sabihin?

Bahala na, `tangina.

Dear Diary,

Kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng school pero wala pa rin si Josh ko. Sabi niya kanina, kapag daw uwian na namin ay dito na ako dumeretso at maghintay sa kanya. Pero ang magaling kong boyfriend, Diary, hindi pa rin sumusulpot. Ano na kaya’ng nangyari do’n?

Nilalamok na rin ako kakatayo dito sa gilid ng motor niya. Dumidilim na rin at nauubos na ang sasakyan ng kotse dito sa parking lot. Parang kanina lang ang dami pang tao dito, ah?

Hindi na tuloy ako mukhang student ng SOGO, Diary, dahil sa pagtayo ko dito. Mukha na akong guard ng parking lot at tagabantay ng mga kotse.

`Yong totoo lang, Joshua? `Asa’n ka na bang lalaki ka? Hay naku, kailangan mong i-kiss ang pempem—este, ang mga labi ko dahil dito.

“Aray ko, letse!” sigaw ko dahil kinagat na naman ng mga lamok ang mga binti’t braso ko. “Mahuli ko lang talaga kayong mga peste kayo, gigilitan ko kayo ng leeg isa-isa.”

“Sige, lumapit kayong mga lamok kayo. Handa na ako.” Nag-pose pa ako na parang nangangarate para balaan ang mga lamok sa pagsugod. Akala nila, papatalo ako? Ako na si Pilar Payoson, magpapatalo sa lamok? Asa mga, bitch.

“Wow! Talaga bang sinusundan mo ako?”

Biglang may nagsalita sa likuran ko kaya napatigil ako sa pag-karate. Parang kilala ko ang boses na `yon? Isa lang naman ang kilala kong may boses na agad nakakasakit sa eardrums ko at ng eardrums ng pempem ko, eh.

Diary, may eardrums ba ang pempem? Parang wala yata. O, sige, pemdrums na lang. Pinapasakit ng negrang pusit na `to ang pemdrums ng pempem ko.

“Ang kapal mo naman para isipin `yan, Mirasol. FYI, ako ang unang nakapag-enroll. `Di ba, late enrollee ka?” mataray na sagot ko pagharap ko sa kanya.

Dahil sa madilim na ang paligid, lalo pang dumilim nang makita ko ang negrang pusit na `to. `Yong totoo? Uling ba `to, Diary, o panggatong? Hindi lang kulay maitim si Gaga, pati na rin singit at budhi niya. Mahihiya ang black na crayons dahil sa kaitiman ng pusit na `to.

“Paanong hindi ako male-late sa pag-e-enroll, ikaw ang unang binigyan ni Konsehala ng pera!” sigaw niya sa akin. “Por que ba ikaw ang nanalo sa Mutya sa barangay habang ako lang ang first place, ikaw na agad mauuna? Unfair ituuuu .”

“Gaga! Anong ikaw ang first place, hindi naman ikaw ang first place, ah?”

“Ay, hindi ba? Eh, di first place to the last. Okay na?”

Tumango ako.

“Ah, basta! Kahit kailan talaga, kontrabida ka sa story ko. Pakshing shet. Unfair talaga ituuuu .”

“Gaga uli. Wala ka namang story, ah?”

“Ay, wala ba?” painosenteng sagot niya. “Akala ko story ko na `tong book two. Hihihi. Sorry na.” Humagikhik pa si Mimay.

Parang tanga talaga `tong negra na `to, Diary. Mukhang tuluyan nang nabaliw sa pag-alis ni Prince. Lukaret na nga ang gaga, lalo pang nalukaret dahil sa pag-iwan sa kanya ni Prince. Dapat hindi sa SOGO `to pumasok kundi sa Mental University, eh.

Baliw ka, Negra. Baliw ka. Chaka. Dirty ang skin. Tinta. Product ng smoke belching. Air pollution. NEGRA!

“Nag-aadik ka bang negra ka? `Yan ang nakukuha mo sa kakalangoy sa ilog na pulos basura na, `no?”

“Excuse me? Hindi ako sa ilog ng basura lumalangoy.”

“Saan pala?”

“Sa dagat ng basura.” Inirapan niya ako. “Umalis ka nga diyan sa sasakyan ko. Hinaharangan mo ang car ko.” Tinabig pa ako ni Mimay para lang makadaan siya.

Anong pinagsasabi ng negrang `to? Except sa motor ni Josh ko na nandito at isang bike na pulos kalawang, wala nang iba pang sasakyan.

Tiningnan ko na lang si Negra kung saan pupunta. Lumapit siya sa bike na pulos kalawang at sumakay.

“`Yan ang car na sinasabi mo?” turo ko sa maliit na bike na sinakyan ni Negra.

“Oo. Regalo `to sa akin ni Mommy no’ng graduation natin. Inggit ka, `no?” Umirap na naman siya. “Palibhasa mahirap kayo kaya hindi makabili ng sasakyan.”

“Uh.” `Yan na lang ang nasabi ko sa mga pinagsasabi ng pusit. Ano ba `tong anak ni Ursula, mukhang wala nang pag-asang umayos ang pag-iisip.

“Makaalis na nga. Ang pangit ng tao dito sa parking lot. Masyadong inggitera,” pagpaparinig na naman ni Negra. Bago pa siya pumadyak at paandarin ang sinasakyan niyang kalawangin na bike, pinindot niya muna ang potpot niyon. Feeling busina lang?

Pinagmasdan ko lang si Mimay hanggang sa makalayo siya. Palabas na sana siya ng school nang bigla siyang bumalentong at masubsob sa kalsada. Mukhang humampas pa ang mukha niya sa semento.

“Pakingshet! Ang sakit!!!” sigaw niya. Sumemplang kasi siya sa bato.

Isang bato lang pala ang magpapabagsak sa anak ng puta ng karagatan.

Napailing na lang ako at hindi na siya tiningnan uli. Napatingin ako sa relo ko at mag-iisang oras na akong naghihintay. Bakit ang tagal naman ni Josh ko? Ano na kaya’ng nangyari do’n?

Kinakabahan na ako sa tagal kong paghihintay kay Josh. Hindi siya nale-late nang ganito kapag may usapan kami, eh. Laging siya ang nauunang dumarating sa meeting place namin dahil sabi niya, mas okay na siya ang maghintay kaysa ako. Pero bakit ngayon pinaghihintay niya ako?

Lumipas pa ang ilang minuto nang matanaw ko na si Josh na naglalakad papalapit sa akin. Para siyang wala sa sarili at lamyang-lamyang naglalakad. Para siyang zombie.

“JOSH!” Sinalubong ko siya at niyakap nang mahigpit. “Bakit ang tagal mo? Kakatapos lang ba ng klase n’yo, ah?”

“Pasensiya na, ang dami kasing ginawa sa last subject namin, eh,” matamlay niyang sagot sa akin. Hindi rin siya makatingin nang deretso sa mga mata ko, Diary.

“May problema ka ba?” tanong ko sa kanya.

“Ha, wala naman.” Napatingin sa akin si Josh pero agad din siyang umiwas. “Tara na, Pipay. Nagugutom na ako, eh.”

“Para kasing may problema ka, Josh.”

Ramdam kong merong problema si Josh dahil hindi naman siya ganito. Ano kaya’ng nangyari at parang down na down siya?

“Wala nga, Pipay. Tara na,” walang-gana niyang sagot saka naunang sumakay sa motor. “Bilisan mo.” Parang iritado pa siya.

“Ah, sorry.” Iyan na lang ang nasabi ko saka nagmamadaling sumakay sa motor ni Josh.

Natawa ako, Diary. Ako pa ang nag-sorry sa kanya. Siya dapat ang mag-sorry, `di ba? Dahil pinaghintay niya ako nang matagal. Ugh! Hayaan na, Pipay. Mukhang may problema, eh. Dedma na lang ang beauty.

Pinaandar na ni Josh ang motor pero bago pa kami maakalis, biglang may tumawag sa kanya.

“Josh, wait! Naiwan mo `to!”

May isang babaeng super ganda na mukhang manyika ang papalapit sa amin. Mahihiya ang mga Miss Universe beauty queen dahil sa ganda ng babaeng `to. Diyosa ba `to o diyosa? Diyosa nga.

Pero imbes na huminto si Josh at kunin ang inaabot ng babae ay agad na niyang pinaandar ang motor. Hindi mabilis kundi sobrang bilis. Kung hindi ako nakakapit agad sa balikat niya ay mukhang tumilapon na ako sa kabilang kalsada.

Bago pa kami tuluyang makalayo ni Josh, biglang naagaw ng atensiyon ko ang inaabot ng babaeng diyosa. Isang kulay-pink na panyo na regalo ko kay Josh no’ng nakaraang buwan. Bakit nasa kanya `yon? Saka bakit hinayaan na lang ni Josh sa babaeng `yon ang panyong bigay ko? Alam ko kasing importante kay Josh ang mga bigay ko, eh. Pero bakit `yon hindi niya iningatan?

Josh, ano ba? Naguguluhan ako sa `yo.

Tahimik lang kaming dalawa ni Josh habang bumibiyahe pauwi sa bahay namin. Hindi siya nagsasalita o sumasagot kapag kinakausap ko siya. Focused lang ang mga mata niya sa dinaraanan namin, Diary.

Paghinto ng motor niya sa tapat ng bahay namin ay nagsalita agad ako. “Joshua Renz Manalo, tingin ko, kailangan ko ng explanation,” pagbibiro ko sa kanya at nag-cross arms pa ako, Diary.

“Pipay, `wag ngayon. Pagod ako,” masungit na sagot ni Josh saka niya pinaandar uli ang makina ng motor. “Pumasok ka na. Aalis na ako. Goodnight.”

Magsasalita pa uli sana ako pero agad na niyang pinaharurot ang motor palayo. Sa sobrang bilis, sandamakmak na usok tuloy ang binuga ng motor niya. Napaubo-ubo tuloy ako dahil nasinghot ko yata lahat.

“Ano ba’ng problema n’on,” sabi ko habang inuubo-ubo pa rin.

Hindi ko alam kung ano’ng nangyari kay Josh ngayong araw. Pero ang alam ko lang talaga, nasasaktan ako, Diary.

Hurt-hurt,

Pipay