noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 10

Ch. 11 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #10

JOSH’S POV

PAGTALIKOD ko kay Pipay at paglabas ko ng classroom nila saka nawala ang malapad kong ngiti. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ang maitatawag sa akin dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya. She gave me a chance to explain everything pero hindi ko sinabi lahat. Pili lang ang nasabi ko. Hindi ako pinayagan ng puso ko na ipagtapat kay Pipay ang lahat ng nangyari dahil alam kong masasaktan siya at alam kong iiyak na naman siya.

What kind of a guy am I? For the second time, I lied to her. Shit. Kahit gusto kong sabihin sa kanya, hindi ko kaya. Alam kong masasaktan siya at tutulo na naman ang mga luha niya. Hindi ko kayang makitang umiiyak si Pipay. I couldn’t bear the fact that she might cry again because of me.

Minsan talaga kailangan natin itago sa mga taong mahal natin ang katotohanan. Hindi dahil gusto natin silang lokohin kundi gusto natin silang protektahan. Alam kasi nating masasaktan sila once they found out the truth. `Yon ang ayokong mangyari.

Sorry, Pipay. But I think it’s for the better. Better for you and me. Better for both of us and for this relationship.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko, parang nababasag ang puso ko. Nababasag dahil sa pagsisinungaling kay Pipay. Nawawasak dahil hindi ko nagawa nang maayos ang responsibilidad ng isang boyfriend para sa girlfriend niya. At nasira iyon dahil wala talaga akong kuwenta.

Pero on the bright side, Pipay stayed by my side at paunti-unti ko nang nakukuha ang pangarap ko. Ay, mali. Ang pangarap ko para sa amin ni Pipay. Magmula nang maging kami ni Pipay, hindi na pulos sarili ko ang iniisip ko kundi para na sa aming dalawa. Natuto akong maging matiisin at manuyo ng tao dahil sa kanya. Natuto akong magtiis sa amoy na hindi kayang tiisin ng isang tao. Gano’n naman ang pagmamahal,`di ba? Minamahal mo ang bawat parte ng taong mahal. Kahit na ang pinakamabahong parte ng katawan niya ay bumabango sa ilong mo.

Hindi lang pala ang mata ang bulag, pati rin kasi ang ilong ay nawawalan ng pakiramdam kapag nagmamahal. O baka naman nasanay na lang ako?

Pagpasok ko sa classroom, wala pang tao except kina Anne, Coleen at Monica na nasa harap at nagre-retouch ng makeup. Napatingin sila sa akin at napangisi ang dalawa. Habang si Monica ay bigla akong inirapan at sinimangutan.

“OMG! Mukhang may LQ kayong dalawa, ah? What’s with the simangot face, sis?” tanong ni Anne kay Monica. Nagtawanan silang dalawa ni Coleen at nag-apir pa.

“Shut up! I’m not in the mood,” mataray na sagot ni Monica sa dalawa. Tumingin siya sa akin saka umirap. `Problema na naman ng babaeng `to?

“Hahaha. I knew it. She’s jealous kasi nakita niyang hinalikan ni Josh ang girlfriend niyang mukhang monkey,” sabi ni Coleen. Nagtawanan sila including Monica na pinakamalakas ang tawa.

“Haha! Tama. She looks like a monkey, `no? I dunno kung ano nakita ni Josh sa girl na `yon at nakakaya ni Josh na ipangalandakang girlfriend niya. Pati nga yata pagligo ay hindi nagagawa ng babaeng `yon, eh,” panlalait ni Monica kay Pipay. Kung makapag-usap sila parang wala ako sa paligid nila, ah.

Humagalpak na naman sila ng tawa dahil sa sinabi ni Monica. Tanging tawa lang nila ang naririnig ko sa buong classroom na agad kong ikinairita. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka pumunta sa harap—sa mismong kinauupuan nila.

“Ooopps,” sabi nina Anne at Coleen habang si Monica ay natatawang napatingin lang sa akin.

“Ay,`and’yan ka pala,” patay-malisya niyang sabi. “Hindi ko alam na nandiyan ka. Narinig mo ba ang mga panlalait ko sa girlfriend mong mukhang unggoy? Well, I won’t take it back. I’m just being honest here. Right, sis?”

Naghanap pa siya ng kakampi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kinuyom ko na ang palad ko at sinuntok ang kahoy na desk ni Monica. Nagulat si Anne at Coleen na may kasama pang sigaw. Si Monica naman, halatang nagulat din pero seryosong tinitigan langako.

“The next time you insult my girlfriend in front of me, baka makalimutan kong babae ka,” pagbabanta ko, seryoso ring nakatingin sa kanyang mga mata at handa na siyang suntukin. Kinakalma ko lang ang sarili ko at baka hindi ko mapigilan na mapunta sa maliit niyang mukha ang kamao ko.

“Oh, really?” sarkastikong sabi niya. “Should I be scared by now? So scary. Huhuhu,” taas-kilay na sabi niya.

“Sis, I think we should go outside muna, okay?” Kinuha nina Anne at Coleen ang mga makeup nila na nagkalat sa sahig saka nagmamadaling lumabas.

“Guys, I suggest na ayusin n’yo na `yan. Stop the LQ. Hihihi,” pahabol pa ni Anne bago tuluyang umalis.

“Seryoso, Monica. What’s your problem with me and my girlfriend?” tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harap niya.

Tumayo rin siya kaya magkaharap na kaming dalawa. “Sa `yo wala,” mabilis niyang sagot kasabay ng paghawi niya sa mahaba niyang buhok. “Pero sa girlfriend mong mukhang unggoy, malaki. Josh, that monkey doesn’t deserve you. Ano ba’ng nakita mo do’n? Anong meron siya na wala ako? You left me at the mall para lang sundan siya? Seriously? Sa ganda kong `to, iniiwan mo lang? You can’t do that to me.”

Natawa ako. “At sinong deserving sa akin, ikaw? Ha?” bulyaw ko sa kanya. “Ilang beses na ba natin napag-usapan `to? Anong nakita ko sa kanya na wala sa `yo? MARAMI. As in too many to mention. At hindi tayo matatapos ng isang araw kung ie-enumurate ko ang mga good qualities ni Pipay na wala sa isang panlabas lang ang kagandahan.”

“Ang pangit-pangit-pangit ng girlfriend mo!” parang batang sabi ni Monica. Napapadyak pa siya ng paa kaya tumutunog ang takong ng suot niyang sandals. “Ano ba kasi’ng nakita mo do’n?!”

“Monica, minsan hindi lang sa panlabas ang kagandahan. Wala sa mukha. Wala rin kung paano sila kumilos at magsalita. Sometimes people are beautiful just the way they are.”

“NO! `Wag mo akong idaan sa quotes. Look at me, Josh. Maganda ako. Perpekto na nga, eh. Hindi ka mahihiya kapag kasama mo ako sa mall. I’m the perfect girlfriend material. I’m good in all aspects. Name it. Magaling ako diyan. Sa paghalik? I already proved that, right? You kissed me back. Kaya alam kong magaling ako. Sa kama. Sure, we can try it. Anytime and anywhere. Josh, just choose me. Iwan mo na ang girlfriend mo at ako na lang.” Para siyang baliw na nakikiusap at nagmamakaawa sa akin. Hinawakan ni Monica ang kamay ko at idinampi pa sa pisngi niya saka hinalikan. “Josh, please. Ako na lang. `Wag na ang unggoy na `yon…”

“Sorry, Monica, but I can’t.” Hinila ko ang kamay kong hawak-hawak niya. “`Yong tungkol sa kiss kaya ako napahalik pabalik, I was thinking about my girlfriend and not you. `Tingin mo, kaya kitang halikan? No. Si Pipay lang ang nagmamay-ari ng mga labing `to,” prangkang sagot ko sa kanya. “You’ll hate me for saying and doing this to you? I don’t care. Wala akong pakialam. Hinding-hindi na uli `yon mangyayari. Tatanggalin mo ako sa team for rejecting you? News flash, Josh Renz Manalo doesn’t care at all.” Ngumiti ako. “I finally decided to keep my girlfriend rather than my dreams. What’s the point of fulfilling my dreams if I will lose the one I love in return?”

Napahalakhak si Monica saka tumalikod sa akin. “This is the second time na ma-reject ako ng isang lalaki. First, si Monjie. Second, ikaw naman. Ano ba’ng mali sa isang tulad ko?” sabi niya habang may kinukuha sa bag niya. “Pero hindi ako susuko sa `yo. Hindi ako susuko sa pangalawang lalaking gusto ko. Kung kailangan kitang agawin sa unggoy na `yon nang puwersahan, gagawin ko. Wala akong pakialam kung may masagasaan ako. Mayaman kami. Kaya kong gawan ng paraan.”

“`Tingin mo, papayag ako na maagaw mo ako kay Pipay?” Natawa ako. “In your dreams, Monica. In your wild imagination and dreams.”

Humarap siya sa akin saka ngumisi. “No, don’t worry. Hindi na kita aagawin sa kanya.” Ngumisi siya nang mas malaki. “Kasi sa ipapakita ko pa lang sa kanya, baka siya na mismo ang magsuko sa `yo. Baka siya na ang makipaghiwalay. Lalo na’t may alas ako laban sa `yo. We’ll see kung hindi ka niya agad hiwalayan.”

“W-what is it?” kinakabahan kong tanong.

“Oh, this?” patay-malisyang sabi ni Monica saka ipinakita ang cell phone niya sa akin. “Wala `to. It’s just a video. A video wherein a girl and a boy were kissing passionately. Wala lang talaga `to.” Hindi nawala ang ngisi ni Monica sa mga labi niya.

Naikuyom ko ang aking kamay kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. May ideya na ako sa sinasabing video ni Monica pero gusto ko pa ring i-confirm kung ano.

Lord, sana mali ang iniisip ko. Baka hindi ko na alam ang magawa ko sa babaeng `to lalo na’t nagdidilim na ang paningin ko.

“Ano `yan?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Wala nga lang `to,” tila nang-iinis niyang sagot. “`Tingin mo, anong magandang date ko ipapakita sa girlfriend mo ito? Next month? Next week? How about sa birthday niya kaya o sa monthsary n’yo?” nakakaloko niyang tanong sa akin. “Eh, how about bukas? Ay, masyadong mabilis. Mamaya na lang pala. Right! Mamaya ko ipapakita ito sa girlfriend mong monkey.”

“`Tingin mo, papayag akong ipakita mo `yan?” Mabilis kong inagaw sa kamay ni Monica ang cell phone niya saka lumayo.

Mabuti naman at hindi siya nagtangkang agawin ang cell phone niya. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangisi. Pinindot ko ang cell phone niya at hinanap sa gallery ang video. Agad ko naman iyong nakita dahil may folder na ang file name ay, “Me and Josh kissing hihihi <3.” Kumabog na naman nang mabilis ang puso ko kasabay ng pag-init ng ulo ko. Nanginginig ang kamay ko habang pinapanood ang video.

It was a thirty-three second-long video. Galing sa taas ang kuha na parang nasa kisame ang kumukuha ng video. Pero kahit nasa kisame, masyadong maliwanag ang classroom kaya kitang-kita pa rin kaming dalawa ni Monica. Walang sounds akong naririnig dahil CCTV type ang video.

The next thing na nakita ko ay ang biglang paglapit sa akin si Monica para halikan ako. Ito ang naging kapalit para ipasok ako ni Monica sa team.

Hinalikan ako ni Monica na parang gutom na gutom siya sa mga labi ko. Gusto ko siyang itulak pero naglalaban ang puso’t utak ko nang mga sandaling iyon. Inisip ko na lang na para iyon sa pangarap namin ni Pipay. Inisip ko na lang na si Pipay ang kahalikan ko kaya I kissed her back. Nagulat si Monica kaya lalo niyang ginalingan ang paghalik. Kinakagat niya pa ang ibabang labi ko kaya kinagat ko rin ang labi niya.

“Aww... I kinda miss your lips, Josh. Kiss me again, please. Hihihi…” pang-aasar ni Monica habang pinapanood ko ang video.

Hindi ko na nakaya pang panoorin at tapusin ang video kaya binato ko ang cell phone niya sa dingding. Agad naman iyong nabasag saka nagkahiwa-hiwalay ang mga parte niyon sa loob ng classroom. “Eh, di wala nang problema. Wala nang pruweba.” Ngumisi ako kay Monica na parang sinasabing ako ang nanalo.

“Shit ka, Josh. What have you done to my precious phone?” gulat na tanong ni Monica. Pero agad din siyang humalakhak na parang nababaliw. “Just kidding. Mayaman ako. Kaya kong bumili ng marami niyan. And you think iyan lang ang copy ko? Kung matalino ka, Josh, mas matalino ako. Of course kinuha ko na ang CCTV tape na `yan at itinago ang original. Hindi lang itinago kundi kinopya ko pa nang mas marami, in case nga na mabura, mawala, o makita mo. Hihihi.” Tumawa na naman siya. “`Talino ko, `no? Hihihi.”

Lumapit ako kay Monica saka siya hinawakan sa magkabilang braso. “`Tangina, Monica. Seriously. Anong gusto mo? What do you want me to do para tigilan mo lang kami ng girlfriend ko?” desperado kong tanong sa kanya habang niyuyugyog siya.

“Aray! It hurts, Josh!” sigaw niya.“Ikaw ang gusto ko! Ikaw!”

“Hindi ako puwede! May girlfriend ako at mahal na mahal ko siya!”

“Mabait naman ako, Josh. Hindi ko sinasabing makipaghiwalay ka sa kanya.” Ngumisi na naman siya. “All I want is to be your second girlfriend. If I wanted a kiss, you’d give it very quick. If I wanted your body, alam mo na.” Kumindat pa siya.

“No!” matigas na sagot ko kay Monica. “Reserved na ang first time ko para kay Pipay.”

“Hindi rin naman `yan matutuloy once na maipakita ko sa kanya ang video natin, eh. So deal or no deal?”

Natulala na lang ako sa kawalan dahil wala na akong maisip na ibang solusyon para malusutan ang mga pambaba-blackmail ni Monica sa akin. Para akong nasa isang chess game na kahit anong gawin kong move ay matatalo pa rin ako. Touch-move kumbaga. Lahat ng naiisip ko, palpak at hindi na matatalo ang mga sinabi ni Monica.

Kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Monica, alam kong gagawin niya ang sinabi niya. Ipapadala niya o ipapakita niya kay Pipay ang video at kapag nakita ni Pipay iyon, paniguradong makikipaghiwalay siya sa akin.

Kapag sinunod ko naman ang gusto ni Monica at ibinigay ang gusto niya, hindi niya ipapadala kay Pipay ang video, meaning hindi kami magkakahiwalay ni Pipay.

Shit! Naiipit ako. Wala na akong ibang maisip gawin. Wala nang solusyon. Bakit kailangan pa maging ganito kakomplikado ang mga bagay-bagay?

“You’re an evil witch,” sabi ko kay Monica habang nakatitig sa kanya. Kanina ko pa siya pinagsususuntok sa isip ko.

Humahalhak naman siya na parang nababaliw na witch. “Ang ganda ko namang witch,” sabi niya. “Now, Josh. Decide. Deal or deal?”

“Shit.” Naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha dahil sa sobrang frustration. “Sige... Deal...” mahina kong sagot sa kanya.

“Alam ko namang papayag ka rin.” Tumawa na naman si Monica saka naglakad palapit sa akin. Pagkatapos ay mabilis niya akong hinalikan sa aking mga labi na parang sabik na sabik.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko kasabay ng pag-flash ng nakangiting mukha ni Pipay sa utak ko.

Sorry, Pipay. Sorry.