noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 16

Ch. 17 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #16

MONJIE’S POV

“Hoy, Mongoloid .”

Napatigil ako sa paglalaro ng robot nang mapatingin ako kay Pipay na kasalukuyang kumakain ng saging. Lagi na lang siyang kumakain ng saging. Paborito niya talaga `yan, `no?

“Bakit?” inis kong tanong sa kanya. Kunwari naiinis ako sa pagtawag niya sa akin ng mongoloid—dahil hindi naman ako mongoloid—pero deep in my heart, natutuwa ako.

My dad told me, when somebody gave you a nickname, it means you’re special to them. Special pala ako kay Pipay.

“Paglaki natin, magpapakasal tayo!” sabi niya saka ngumiti. Kitang-kita ko tuloy ang lahat ng bulok niyang ngipin.

Napatitig lang ako sa kanya kaya inihagis niya sa akin ang balat ng saging. “Bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo bang magpakasal sa akin?” kunot-noo niyang tanong.

“Ang bata-bata pa natin para mag-isip nang ganyan,” sagot ko saka umiwas ng tingin. Sampung taong gulang pa lang kaming dalawa pero bakit natutuwa ako sa sinabi niya? “Saka ayokong magpakasal sa `yo. Hindi ka malinis sa katawan, eh. Lagi kang nangangamoy `tapos lagi mo ring hinuhubad ang panty mo at sinusuot sa ulo ko,” inis na sagot ko sa kanya.

Narinig kong tumawa si Pipay. “Hihihi. `Arte nitong mongoloid na `to.” Nagpatuloy lang siya sa pagtawa. “Mabuti nga’t ikaw ang papakasalan ko paglaki natin, eh. Ayoko sa ibang lalaki magpakasal, Mong. Sasaktan lang kasi nila ako, eh. Ikaw best friend kita.”

“Best friend mo `ko?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Oo.” Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Pipay habang hinahawi niya ang matigas niyang buhok. “Kaya `wag mo `kong sasaktan, ah? Basta if ever may boyfriend na ako paglaki natin, agawin mo ako sa kanya. Ikaw lang ang gusto kong mapangasawa. Hihihi.” Humagikhik uli siya. “Alam ko naman na hindi mo ako sasaktan, eh. Ikaw ang mongoloid ng buhay ko.”

Umirap ako kay Pipay at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalaro ng robot ko habang siya naman tumakbo papunta sa kusina kung nasaan sina Mommy at ang nanay niya.

Kinakapatid ko si Pipay dahil ninang niya ang mommy ko. Lagi sila pumupunta dito sa bahay namin para makipaglaro sa akin. Hindi ko na matandaan kung paano kami naging close pero nagkaisip na lang ako na siya lang ang tangi kong kalaro.

Madalas niya akong tinatawag na payatot dahil sobrang payat ko at mongoloid dahil mukha raw akong mongoloid. Hindi yata alam ni Pipay na half Japanese ako kaya singkit ang mga mata ko.

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Sa pagkain ng saging at paghubad ng mabantot niyang salawal lang siya magaling, eh.

Noong una kaming nagkita ni Pipay ay inis na inis ako sa kanya. Palagi kasi siyang nakangiti kahit bungi-bungi ang ngipin niya. Pero every time I see her smile, may kung ano sa pakiramdam ko na nagbabago. Nakakahawa ang kasiyahan ni Pipay. Mabuti nga’t kasiyahan lang ang nahahawa niya sa ibang tao at hindi pati ang amoy niya.

Aware ba si Pipay na ang bantot niya?

“Mong!” tawag ni Pipay sa akin pagkalabas niya sa kusina. May hawak na naman siyang saging.

“Bakit?” Napatigil na naman ako sa paglalaro ko ng robot.

“Sinabi ko na kay Ninang Glenda na magpapakasal tayo. Pumayag siya. Paano ba `yan wala ka nang takas. Hihihi.”

Nakita kong tumulo ang uhog ni Pipay at pinunasan niya iyon gamit ang palda niya. Napangiwi ako nang makita ko ang panty niya.

“Bahala ka sa buhay mo, Pipay,” inis na sabi ko sa kanya saka umiwas ng tingin. Pero napangiti ako.

Since that day, lagi niyang pinapaalala sa akin na magpapakasal kaming dalawa kaya mag-iingat daw ako.

Makulit si Pipay pero hindi ko magawang kainisan siya. May kung ano sa akin na nagsasabing protektahan ko ang dugyot na si Pipay.

“Mong, itulak mo ako,” sabi niya habang nakaupo sa swing. Nasa playground kami na malapit sa subdivision namin.

Itinulak ko naman si Pipay gaya ng sabi niya kaya bigla siyang nahulog mula sa swing. Tumama pa ang noo niya sa nakausling bato sa lupa.

“Pakshet kang mongoloid ka!” sigaw niya sa akin habang pinupunasan ang noo niya. “Sabi ko, itulak mo ako para makapagduyan ako. Hindi `yong ako mismo ang itutulak mo.”

“Hindi mo naman kasi nililinaw, eh,” natatawa kong sagot sa kanya.

“Slow ka, `kakainis!” sabi niya. “`Wag ka ngang tatawa. Ang liit na nga ng mata mo `tapos nawawala pa lalo kapag tumatawa ka.”

Bakit ba lagi siyang naiinis sa mga mata ko? Kasalanan ko bang singkit ako?

“Singkit kasi ako, Pipay,” sabi ko.

“Kahit na. Basta kapag malaki na tayo, kailangan malaki na ang mata mo, ah? Ayokong magpakasal sa lalaking walang mata. Saka palakihin mo ang katawan mo. Ang payat mo, eh. Para kang tingting at isang malakas na hangin lang, tiyak tatangayin ka na.” Humagikhik na naman siya.

Magsasalita sana ako kaso biglang may tumawa sa likuran namin. Lumingon kami ni Pipay at nakita namin ang tatlong batang kasing-edad namin na feeling siga ng lugar namin. Palibhasa matataba kaya feeling mga boss, eh. Tss.

“Ikaw, Pipay. Magpapakasal?” Tumawa uli sila. “Gago, pangit ka. Walang lalaking tatanggap sa `yo.” Patuloy lang sila sa pagtatawanan.

Nakita kong papaiyak na si Pipay dahil sa sinabi ng matatabang bata.

“Hindi ako pangit,” sagot niya habang nagpipigil ng iyak, “Sabi ng nanay ko medyo lang daw. Kaya hindi ako pangit.”

Ang pangit magpigil ng luha ni Pipay. Parang unggoy na natatae.

“Pangit ka. Pangit ka. Pangit ka,” pang-aasar nila kay Pipay.

Naikuyom ko bigla ang kamay ko dahil sa ginagawa nila.

“Ikaw, Monjie. Papayag ka bang magpakasal sa unggoy na `to paglaki n’yo? Gusto mo ba si Pipay?”

“Gusto mo ako, Mong, `di ba?” Tumingin sa akin si Pipay. Kagat niya pa ang ibabang labi niya para siguro hindi tuluyang pumatak ang mga luha niya

“Hindi ko siya gusto,” seryosong sabi ko.

Biglang nagtawanan nang malakas ang mga baboy dahil sa sinabi ko. Napanganga lang si Pipay at tuluyan nang umiyak. Damn, mukha talaga siyang unggoy kapag umiiyak.

“Akala ko ba, Mong, gusto mo rin ako? `Di ba, magpapakasal pa tayo?” umiiyak na tanong ni Pipay sa akin.

Pakiramdam ko tinusok ang puso ko dahil sa mga luhang pumapatak sa mga mata niyang may muta. Naaawa ako sa kanya pero walang salitang gustong lumabas mula sa bibig ko. Ang bata pa lang namin pero bakit ang drama na agad ng buhay?

“Ayoko na sa `yo, Mong! Ayoko nang magpakasal sa `yo! Mongoloid na payatot ka!” sigaw niya sa akin saka tumakbo palayo sa akin. Bago pa makalabas ng playground si Pipay ay nadapa pa siya. Lalapitan ko sana siya pero nakatayo agad siya saka tumakbo nang mabilis.

“Pipay!” sigaw ko sa kanya . “Gomen nasai...”

Muling nagtawanan ang mga baboy na nasa harap ko.

“Feeling niya kasi may magpapakasal sa tulad niyang pangit.”

Lalo kong naikuyom ang kamay ko dahil sa sinabi nila.

Alam kong no match ako kapag pinagsusuntok ko ang tatlong baboy na ito dahil payat ako at ang lalaki ng katawan nila. Pero wala akong pakialam. Hindi nila dapat iniinsulto si Pipay nang ganoon lalo na’t nasa harap ko sila.

“Omae wo korosu!” (I will kill you) sigaw ko sa kanilang tatlo habang tinitignan sila ng masama. “Hindi ko gusto si Pipay dahil mahal ko siya!”

Napanganga sila dahil sa sinabi ko. Pinagsusuntok ko silang tatlo pero dahil mag-isa lang ako, ako ang bugbog-sarado. Umuwi akong may black eye sa magkabilang mata ko at lamog ang katawan. Ikaw ba naman ang daganan ng matatabang baboy at pagsusuntukin, ewan ko na lang kung mabuhay ka pa.

Hindi na ako kinausap ni Pipay after n’on. Hanggang sa magkasakit ang daddy ko at kinailangan namin umuwi ng Japan para alagaan siya. Pumunta pa ako sa bahay nila at naghintay sa labas ng gate nila pero hindi lumabas si Pipay. Wala tuloy akong ganang umalis ng Pilipinas dahil galit si Pipay sa akin.

Lumipas ang mga taon at ipinangako ko sa sarili ko na magbabago ang hitsura ko. Kailangan kong maging guwapo at maging yummy. Hindi naman ako nabigo dahil natupad ko ang nais ko. Maraming babaeng Hapon ang humahabol sa akin dahil sa hitsura at sexyness ko pero ni isa sa kanila, wala akong pinansin.

Madalas akong tawaging okama o bakla sa Japan dahil wala akong pinatulan na babae. Pero wala akong pakialam. Pakialam ko ba sa sasabihin nila? Hindi ko kailangan ang opinyon nila dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa akin.

Hindi ako titingin sa ibang babae dahil nangako ako kay Pipay na siya lang ang papakasalan ko.

Umuwi kami ng Pilipinas para dito ako mag-college. Hindi ko hinanap agad si Pipay dahil sinabi sa akin ni Mommy na papapuntahin niya si Pipay sa bahay para kuhaning waitress sa restaurant na pinatayo niya. Na-excite ako dahil doon. Araw-araw kong kinukulit si Mommy na papuntahin na niya sa bahay si Pipay pero saka na lang daw kapag ayos na ang restaurant.

Pumasok ako sa isang exclusive university. Nalaman ng university na iyon na naging star player ako ng team ng Tokyo kaya kinuha ako ng basketball team. Kinaibigan agad ako ni Monica, ang anak ng may-ari ng school at ipinaramdam sa akin na gusto niya ako. Pero hindi ko sinuklian ang mga panlalandi niya sa akin. Tulad nga ng sabi ko, wala akong interes sa ibang babae. Kung si Pipay siya, bakit hindi?

Napangisi na lang ako.

Nagkita na kami ni Pipay at hindi ko maiwasang mapangiti. Nagwo-workout ako sa second floor ng bahay namin nang dumating siya. Muntik pang bumagsak sa mga paa ko ang dumbbell na buhat ko dahil sa sobrang excitement ko na makita siya. Pagbaba ko ng first floor ng bahay ay nakita ko si Pipay. Ganoon pa rin ang hitsura niya aside sa tumangkad siya. Mukhang matigas pa rin ang buhok niya.

Kitang-kita ko ang pagnganga at ang pag-tulo ng laway niya habang nakatitig sa abs ko. Tumawa na lang ako at hindi siya pinansin.

“Nagpalaki ako ng katawan, Pipay,” bulong ko sa sarili ko. “Nagpalaki ako ng katawan para sa `yo. Para maprotektahan kita sa lahat ng mananakit sa `yo.”

Nalaman kong may boyfriend na si Pipay at ang bagong tropa at teammate ko pa. Potek! Nawalan ako ng gana at nainis sa sarili ko dahil ang tanga ko. Pero inisip ko na lang na sinabi ni Pipay noon na agawin ko siya kapag may boyfriend na siya pero hindi ko magawa. Kitang-kita ko kasi na mahal na mahal niya si Josh.

Natuwa ako kay Josh noong una ko siyang nakilala dahil mabait siya. Pero nang malaman kong niloko niya si Pipay at ipinagpalit kay Monica, hindi na ako nagdalawang-isip na bugbugin siya. Binuhos ko ang lahat ng inis ko sa kanya kaya hinila ko siya palabas ng classroom saka binugbog.

Wala siyang nagawa dahil mukhang pagod siya. Hindi nga rin siya nakalaban ng suntok, eh. Parang lahat ng suntok na ibinigay ko sa kanya ay wala lang dahil tinatanggap niya iyon lahat.

“Sige lang, p’re,” sabi ni Josh habang pinagsisipa ko siya. Nakahiga na siya sa sahig dahil sa sobrang panghihina. “Pakilakasan ang pagsuntok. Kailangan kong maramdaman ang sakit, eh. Lakasan mo pa.”

Nilaksan ko ang pagsipa sa tiyan niya. Kitang-kita ko ang ngiwi sa mga labi niya dahil sa sobrang lakas ng sipa ko.

“`Tangina. Ang sakit ng sipa mo pero mas masakit pa rin `yong kirot dito.” Nakatulala lang si Josh sa kawalan habang hawak-hawak ang tiyan niyang bugbog-sarado. Nakita ko rin ang mga luhang umaagos mula sa kanyang mga mata.

Shit. Umiiyak ba siya dahil sa pambubugbog ko sa kanya?

Inawat lang kami ni Monica at ng mga tropa namin nang makita nilang binubugbog ko si Josh. Inalalayan ni Monica si Josh papunta sa clinic at nagbanta pa sa akin.

“Kapag nabalian ng bones si Josh, I’ll make sure na maki-kick out ka sa school.”

Ngumisi lang ako. “Try me. Hindi lang `tong university n’yo ang puwede kong pasukan,” pagmamayabang ko.

Nalaman ng coach namin ang ginawa ko kay Josh kaya pinarusahan ako. Akala ko tatanggalin ako pero hindi raw dahil malapit na ang laban kaya papalampasin na lang niya iyon. Pinaglinis na lang ako ng school gym dahil sa ginawa ko.

Ang dami kong nagawa para kay Pipay. Natatawa na lang ako ngayon habang nakaupo sa waiting shed at hinihintay si Pipay. Nag-text pa siya na sunduin ko siya kaya lalo akong natuwa. Kahit hindi niya sabihin ay hihintayin ko talaga siya para sabay kaming pumunta sa restaurant.

Naglaro muna ako ng White Tile 2 sa cell phone ko habang hinihintay si Pipay. Na-beat ko uli ang score ko so Beat that Dope.

Nang mapansin kong naglalakad na si Pipay papunta sa gawi ko, itinago ko na ang cell phone ko saka tumayo para salubungin siya.

“Pipay,” todo-ngiti kong pagbati sa kanya pero agad nawala iyon nang makita ko siyang parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko maipaliwanag ang mukha niya dahil samu’t saring ekspresyon ang makikita roon. Pero tanging sakit at kalungkutan ang nangingibabaw.

Ngumiti siya. Iyong ngiting may halong kalungkutan. Hindi man lang umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon.

“Wala na kami,” nakangiting sabi niya habang lumuluha. “Josh and I... We broke up...” Parang sa bawat salitang sinabi ni Pipay ay pulos pain lang ang nararamdaman niya. “Mong...” tawag niya sa pangalan ko.

“O?” naaawang sagot ko sa kanya.

“Yakapin mo naman ako? `Yong mahigpit na mahigpit. `Yong masasaktan ako. `Yong hindi ko mararamdaman `yong kirot dito.” Itinuro ni Pipay ang dibdib niya.

Bakit gano’n? Bakit parehas na itinuro nina Josh at Pipay ang ang dibdib nila?

“Damn!” Hinila ko si Pipay saka niyakap nang mahigpit. “Kahit hindi mo sabihin, yayakapin talaga kita.”

Ibinaon pa ni Pipay ang mukha niya sa dibdib ko at patuloy lang na umiyak. Naramdaman ko ring nababasa na ang suot kong damit dahil sa mga luha niya.

“Sige lang. Iiyak mo lang `yan.”

Biglang suminga si Pipay sa suot kong damit. “Sorry,” sabi niya.

“Okay lang.” Bakero. Sabi ko iyak lang, eh. Bakit kasama ang pagsinga, Pipay?

“Akala ko magpapaliwanag si Josh sa mga nakita ko pero hindi pala,” sabi na naman niya habang umiiyak.

Hindi ba siya nauubusan ng luha?

“Pulos sorry lang ang sinabi niya. Saying sorry means accepting his mistake. Alam niyang nagkamali siya pero hindi man lang siya nakipag-ayos. Hiniwalayan niya pa ako. Letseng sorry `yan. Makakain ko ba `yon? Hindi `yon ang kailangan ko. Siya mismo ang kailangan ko.”

Hindi ko alam kung ako ba ang kausap ni Pipay o ang sarili niya mismo.

“You deserve someone who knows how to make things up after hurting you. Not someone who’s just good with the word ‘sorry,’” sabi ko habang hinahaplos ang buhok ni Pipay.

`Tigas ng hair.

“Maghihiganti ako, Mong. Sisiguruhin kong pagsisisihan ni Josh na mas pinili niya si Monicalandinapakaratnaputapa kaysa sa akin.” Lumayo si Pipay sa akin saka tumalikod. Nakita kong pinunasan niya ang mga luha niya.

Pagharap niya sa akin ay nakangiti na siya.

“This is my revenge. Magpapaganda ako and I’ll make sure na hahabulin ako ni Josh pabalik sa kanya. Pero sorry na lang siya. Maglaway siya habang-buhay.”

I grinned. “I’ll help you, then.”

Napangisi rin si Pipay. “I like that.”