noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 3

Ch. 4 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #3

Dear Diary,

“Nakita mo ba `yong pag-dunk ni Ravenom, Pipay ko? Astig grabe. `Yan ang idol ko sa lahat!” Hindi maalis ang ngiti ni Josh, Diary, habang nakaupo kami sa court. Katatapos lang ng klase naming dalawa kaya napagdesisyunan namin na sa court mag-lunch break since may dala siyang baon namin. Napapangiti na lang ako habang nakatingin ang boyfriend ko sa mga naglalaro sa harap namin.

“Oo naman, Josh ko. Pero mas magaling ka pa rin magdala ng bola,” sabi ko naman sa kanya nang nakangiti rin, Diary. Gusto ko pa sana dagdagan iyon ng, “Sa sobrang galing mo magdala ng bola, Josh ko. Ayaw mong ipahawak `yong sarili mong balls sa akin.” Kaso `wag na lang, Diary. Baka biglang kunin ni Josh `yong bolang nilalaro ng mga player sa harap namin at ipalunok sa akin.

“Sana makasali ako sa team ng South of Gordon Orlex University.” Hindi ko alam kung sa akin niya pa rin ba sinasabi iyon o sa sarili niya. Magkahalong inggit at amusement, Diary, ang nakikita ko sa mga mata ng boyfriend ko.

“Bakit kasi hindi ka sumali? Magaling ka kayang mag-basketball. Saka,`di ba, kaya nga tayo pumasok sa SOGO dahil `yan ang main reason mo, ang basketball team?” tanong ko sa kanya.

Tumingin si Josh sa akin bago sumagot. “Mahirap makapasok sa Gordon Orlex basketball team, Pipay ko.” Ramdam ko ang panghihinayang sa boses niya, Diary. “Hindi basta-basta. Mahigpit silang kumuha ng member. Kaya nga kinukuha nila ang magagaling sa ibang school bago mag-college. Only the best talaga.” `Tapos umupo siya sa tabi ko saka ako niyakap nang mahigpit. “Saka hindi lang naman `to ang reason, Pipay, eh. Ito ang pinili kong school dahil ito ang mas malapit sa ating dalawa. Ayoko sa malayo mag-college. Gusto ko kahit saan basta kasama kita.”

Nakakainis, Diary. Ang sweet na naman ng sinabi ng boyfriend ko. Ramdam kong bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Muntik na naman maluha si Pempem dahil sa sinabi niya. Sa sobrang sweet ng boyfriend ko, pati si Pempem naiiyak na.

Don’t cry, Pempem. Papa-kiss na lang kita kay Josh. Hihihi.

“May naisip ako, Josh ko,” sabi ko kay Josh nang may malapad na ngiti sa mga labi. May naisip kasi akong magandang idea. As in bright idea, Diary. Mahihiya ang kilikili ni Author sa pagka-bright nito.

“Ano naman `yon?” tanong niya.

“Ako na lang ang maglalaro ng balls mo. Hihihi,” tuwang-tuwang sabi ko sa kanya.

“Pipay naman, eh.”

“Joke lang. Ito naman, hindi mabiro.”

“Good. Tara na, balik na tayo sa classroom natin. Magta-time na rin, eh,” sabi ni Josh pagkatapos niyang ligpitin ang mga kalat ng pinagkainan namin.

“Pero, Josh ko...” paglalambing ko sa kanya habang magkahawak-kamay kaming naglalakad.

“Ano `yon, Pipay ko?”

“Ayaw mo ba talaga ipalaro ang balls mo?”

Bigla niya akong itinulak kaya nauntog ako sa poste na nadaanan namin.

“Ay, Pipay ko. Sorry... Sorry... Hindi ko sinasadya... Saan masakit?” Hinawakan niya ang mukha ko. “Saan ang masakit, Pipay ko? Iki-kiss ko dali para mawala ang sakit.”

Gusto ko sanang sabihin na masakit ang pempem ko kahit na noo ko ang tumama sa poste, kaso `wag na, Diary. Alam kong maiinis si Josh at baka hindi na ako sa poste iuntog kundi sa sahig na ng court.

“Dito po, o. Ang sakit. Huhuhu.” Itinuro ko ang noo ko. “It hurts, Josh ko. Parang may lalabas na bus at kotse. Huhuhuhu.”

“Aww. Kawawa naman ang Pipay ko.” Saka agad na hinalikan ni Josh ang noo ko. “Saan pa masakit?”

“Dito pa po.” Itinuro ko ang mga labi ko. “Ang sakit-sakit.”

“Mwaaaaaah.” Agad na hinalikan naman ni Josh ang mga labi ko.

“Yehey, wala nang sakit,” tuwang-tuwang sabi ko. “Totoo palang a kiss makes the pain go away, `no?”

“Siyempre naman. Ang kiss ko yata ang pinakamabisang gamot sa sakit na nakukuha ni Pipay.” Tumaas-taas pa ang mga kilay ni Josh.

Hmm... yabang. Pero `sabagay, Diary. May point ang boyfriend ko. Hindi lang point kundi super point.

“Kaya dapat akin lang ang mga labi na `yan, ah?” Hinawakan ko sa kuwelyo si Josh. “Subukan mo lang na humalik sa ibang babae, pag-uuntugin ko ang mga ulo n’yo at puputulin ko `yang Flappy Bird mo. Get that?”

“Yes, Ma’am.” Nag-salute pa siya. “I, Joshua Renz Manalo, promise that I wouldn’t kiss any other girl except for my girlfriend, Pilar Payoson.” Itinaas pa niya ang kanang kamay saka nangako.

“Pinky promise?” Itinaas ko ang hinlilit ko.

“Pinky promise.” Saka namin pinagdikit ang aming mga hinliliit. “I love you.”

“I love you, too,” sagot ko kay Josh. “Ikaw lang ang dahilan ng pagtibok ng pempem ko.”

Binatukan niya ako pero mahina lang. “Pulos ka kalokohan.” Saka kami nagtawanang dalawa.

Magkahawak-kamay pa rin kami ni Josh ko habang naglalakad papunta sa room ko. Lagi akong hinahatid ni Josh ko sa tapat ng classroom namin. Hindi siya pumapayag na kung saan lang niya ako iiwan dahil ang sabi niya…

“Responsibilidad ng isang boyfriend na masigurong ligtas ang girlfriend niya...”

Sino ’ ng hindi mai-in love sa lalaking katulad ni Josh? Kaya subukan lang nilang lapitan at landiin si Josh ko, huhubarin ko sa harap ng malalantod ang panty ko at isusungalngal ko mismo sa mga bunganga nila. Sige, lumapit kayo malalantod.

Humalik muna si Josh sa mga labi ko for the last time at nag-“I love you” bago tuluyang umalis sa harap ng classroom namin, Diary. Pagharap ko at pagpasok ng classroom ay naabutan kong nakanganga ang lahat ng kaklase ko. Bakit kaya ganoon ang reaksiyon nila? May nakita ba silang isang nakakabilib na bagay o nagagandahan lang silang lahat sa akin? Siguro ang huling sinabi ko ang dahilan.

“I wonder kung ano’ng nakita ni Josh sa `yo. You’re so chaka naman, eh,” sabi ni Charry sa akin. Isa siya sa kambal na feeling bitch pero mukha namang witch. Kaklase ko ang dalawang gaga.

“Baka naman, twinnie, mangkukulam siya. And her mother is like kayang gumawa ng gayuma. OMG,” sabi naman ni Kathy sa kakambal niya.

Pag-umpugin ko kaya ang dalawang `to para maliwanagan?

“Alam n’yo, Chaka...” sabi ko sa kanila.

“Ano’ng tawag mo sa aming dalawa ng twinnie ko?” gulat na sabi Charry.

“Chaka. Ikaw si Charry at ito naman si Kathy. ChaKa. O,`di ba, bagay sa inyong dalawa?” galak na galak na sabi ko.

“I can’t believe this,” nainsultong sabi ni Kathy. “Kaming famous twinnie, sasabihan mo ng chaka?”

“Kayo famous? Bakit, mas marami ba kayong likers ng status kay Sic Santos? Nakakaabot ba ng one thousand plus likes ang mga profile pic n’yo?”

“YES!” sagot naman ni Charry.

“Gaga, twinnie. `Yong latest profile picture natin na labas ang cleveage natin, two lang ang likes at sina Papa at Mama pa. The rest pulos mura at report as a spam na,” bulong ni Kathy sa kakambal niya.

“Gaga ka. `Wag ka ngang magpapahalata,” pabulong din na sagot ni Charry. “And who’s Sic Santos?” Tinaasan niya pa ako ng kilay.

“OMG! Hindi mo kilala si Sic Santos?” gulat na tanong ko sa kanya. “I think you need to get out from your cave and start to use the Internet.” Kumindat pa ako sa kanilang dalawa saka tumuloy sa upuan ko at nanahimik na lang.

Nagpatuloy ang klase, Diary, na pulos masasamang tingin at pagpaparinig ang nakukuha ko sa kambal na ChaKa. Dedma na lang ako sa mga pinuputok ng mga butse nila since ako, may boyfriend na guwapo at yummy, sila nganga. Ako, may Joshua Renz Manalo habang sila nganga. Ganyan talaga ang buhay, eh, tatalak nang tatalak ang isang tao kapag walang blessings na natatanggap. Inggit sa mga taong pinapaulanan ni Lord ng suwerte.

Thank you, Lord. Salamat sa pagbigay sa akin kay Josh.

“Class, may hahabol pala. Late enrollee siya. Pasok ka na, Miss Mayosa,” sabi ng professor namin.

Miss Mayosa? Oh, noes, Diary. `Wag mong sabihing...

“Hi, I’m Mirasol Mayosa. Nice meeting you all. Sana makipaglandian lahat ng boys sa akin,” panimulang bati agad ni Negrang pusit sa aming lahat.

Gulat na gulat ang mga boys dahil sa sinabi ni Negrang pusit na anak ni Ursula sa pagiging kabit sa hari ng karagatan.

Pero kung nagulat kami sa sinabi ng negra, mas nagulat kami sa suot niya. Ang ikli-ikli kasi ng shorts niya. Shorts na nga ginawa niya pang short. Pempem shorts na nga pero ang suot niya singit shorts. I wonder, Diary, kung may natatakpan pa ba nang maayos ang pisngi ng bilat ng negrang `yan.

“She’s so kadiri, twinnie. Like, eww. Parang tae na nagsasalita sa sobrang itim,” comment ni Charry habang nakatingin kay Mimay.

“You’re right, twinnie. She’s like a charcoal. Ang sarap niyang paglutuan ng adobong baboy,” sagot naman ni Kathy habang nakatitig din kay Mimay.

Napatingin si Mimay sa kambal saka napataas ng kilay. “Oh, really? What if daganan ko kayong dalawa?” Lumapit si Mimay sa kambal saka tumayo sa harap nila. “D’yan ako uupo. Lumayas kayo d’yan.” Natakot naman ang kambal kaya biglang napatayo at ibinigay ang upuan kay Mimay.

Napangisi ako dahil sa nakita ko. I think hindi ako ang makakalaban ng dalawang ChaKa, Diary, kundi si Mirasol.

Nagbago na rin si Mirasol, ah? Hindi na siya jejemon. Pero malandi pa rin si Gaga.

Sige, Diary, mag-aaral muna ako para sa kinabukasan namin ni Josh.

Talk to you later—este, write to you later.

Enjoying my college life,

Pipay ni Josh

JOSH’S POV

“MAY PRACTICE pala tayo sa Sabado, dude. Maaga kayo pumunta rito sa school, ha?” narinig kong sabi ni Chard kina Mong at Mike.

Ngayon ko lang nalaman na part pala ang tatlo na ito ng school’s basketball team. Nakakainggit.

“Oo naman. Lagi naman kaming maaga ni Mike, ah?” natatawang sagot ni Mong. “Alam mo naman na mahigpit si Coach, eh. Mahirap makapasok sa team kaya kailangan hindi pabayaan ang career. `Di ba, Mike?” Tumingin si Mong kay Mike.

Hindi nagsalita si Mike at tumango lang.

Pansin ko lang sa kanilang tatlo, si Mike ang hindi masyadong nagsasalita. Laging tango at iling lang ang sagot. Mabaho ba ang bunganga niya?

“Ikaw, Josh. Naglalaro ka ba ng basketball?” tanong naman sa akin ni Chard.

“Yeap.” Tumango ako saka ngumiti. “Part ako ng basketball team namin no’ng high school.”

“Gusto mong sumali sa team?” tanong naman ni Mong.

“Puwede?” Parang lumiwanag ang kalangitan dahil sa tanong sa akin ni Mong.

“Bobo mo, Mong. Asa ka naman na makakapag-recruit ka nang gano’n kadali.” Binatukan pa ni Chard si Mong.

Akala ko, makakapasok na ako sa team dahil sa sinabi ni Mong, pero hindi pa pala. Sabi ko na, eh. Mahirap talaga makapasok sa school’s basketball team.

“Kahit member na kami ng team hindi kami agad makakapagpapasok. Kahit gaano pa kagaling, mahihirapan pa rin,” malungkot na sabi ni Chard.

“Pero unless...” Nakangisi si Mong.

“Unless, ano?” sabay na tanong namin ni Chard.

“Unless ang magpapasok sa kanya ay malakas sa school. `Yong anak ng may-ari ng school. `Yong heiress ng Gordon’s Clan.” Nakangisi si Mong kay Chard.

Napangisi rin si Chard habang ako clueless naman.

“Sino naman?” tanong ko sa kanilang dalawa.

“What’s up, boys?” rinig naming sabi ni Monica mula sa likuran namin. Kararating lang niya kasama sina Coleen at Anne sa classroom namin.

Nakasinging napatingin naman sina Chard at Mong sa akin. Hindi ko pa rin ma-gets.

“Monica. May pabor na gustong hingin sa `yo si Josh,” tuwang-tuwang sabi ni Chard kay Monica.

“What’s it?” sagot naman ni Monica habang nakangiti sa akin.

“Hala! Wala naman. Kayo talaga,” todo-tanggi ko.

“`Sus naman, p’re. `Wag ka nang pa-chicks pa. Sabihin mo na. `Wag ka mahiya. Malakas ang tama sa `yo niyan,” natatawang komento ni Mong.

“Whatever, Mongskie.” Nag-roll eyes si Monica saka tumingin sa akin. “Ano `yon, Josh? You know, kahit ano basta kaya ko, ibibigay ko.” Kumindat pa siya sa akin.

“Ughh... Ano... Paano ko ba sasabihin `to...” nahihiyang sagot ko sa kanya. Napapakamot pa ako sa ulo ko. Kailangan ko ba talagang itanong?

Kailangan ba talaga? Ughh. Josh, mag-isip ka. Kapag nakapasok ka ng basketball team, hindi lang ikaw ang masisiyahan kundi pati na rin si Pipay. Alam mo naman kung gaano mo napapasaya si Pipay mo kapag nakikita ka niyang naglalaro ng basketball,`di ba?

“`Wag ka nang mahiya, Josh. Tell it to me,” panghihikayat ni Monica sa akin.

Huminga muna ako nang malalim. “Puwede mo ba akong ipasok sa school’s basketball team? Ever since kasi, ang Gordon Orlex team talaga ang gusto kong mapasukan,” nahihiyang sabi ko sa kanya.

“Si Monica, ayaw mong pasukan, Josh?” biglang tanong ni Coleen kaya nagtawanan ang buong barkada.

Medyo green `yong sinabi niya, ah.

“Shut up, guys.” Nag-blush si Monica habang sinasaway ang barkada. “I can put you in the basketball team without a sweat. Malakas ako sa school na `to, Josh, since my family is the owner of this school. The question is... kaya mo ba ang kapalit?” nakangisi niyang tanong sa akin.

Bigla akong napalunok dahil sa tanong niya. Mukhang hindi maganda ang kapalit na sinasabi niya, ah?