Malandi #22
Dear Diary,
“Hindi nga, ikaw ba talaga `yong anak kong pinaglihi ko sa unggoy?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Inay habang nag-aalmusal kaming dalawa.
Kagabi pa siya paulit-ulit ng tanong mula nang makita niya ako. Parang namang napakaraming binago sa akin ng Makeover mo, Sagot ko para ganyan ang maging reaksiyon niya. Hello, wala kaya akong masyado ipinagbago. Talagang sobrang pretty lang ako ever since.
“Inay, paulit-ulit na tanong? Ako nga `to. Si Pilar Payoson also known as Pipay. Ang anak mong sobrang pretty. Hihihi,” sabi ko saka tipid na ngumiti.
“WOW! Talaga naman, anak. Hindi talaga ako makapaniwala,” sabi niya habang titig na titig pa rin sa akin. “Hindi ako makapaniwalang gaganda ka nang ganyan. From Pilar Payoson, ang taong unggoy na anak ko, to Pilar Payoson, ang babaeng pagpapantasyahan ng buong bayan dahil sa ganda ng peg mo ngayon.” Pagkatapos ay tumingala si Inay. “Lord, maraming salamat sa ginawa N’yong himala. Hindi po talaga ako makapaniwala na may igaganda pa pala `tong anak ko. I thought forever na akong may anak na unggoy. Thank you, Lord. Magpapamisa po ako sa Quiapo bukas.” Nag-sign of the cross pa siya.
“Inay talaga,” sabi ko habang umiling-iling pa.
“O, futa talaga, anak. Nakakagulat talaga ang pagbabagong anyo mo, eh. It’s biri ameysing and biri ant-bee-lee-ba-bol .” Naluluha na si Inay habang nakatingin sa akin.
“Dati-dati kapag nag-uusap tayo, lagi kang nakasigaw sa mga sagot mo. Lagi mo pa akong binabara. Hindi ka rin nawawalan ng nonsense na sagot sa mga sinasabi ko,” naiiyak na sabi pa niya. “I’m so proud talaga, anak.” Tumabi sa akin si Inay saka ako niyakap nang mahigpit.
“Gano’n talaga, Inay. Nagbabago ang tao sa mundo. Hindi maaaring forever na lang akong magpapatalo sa mga taong nanloloko sa akin. This time, ako naman ang babangon at dudurugin ko sila isa-isa.”
Napanganga si Inay dahil sa sinabi ko kaya pumunta siya sa bintana saka sumigaw. “ Shutang inerns , `wag n’yong ipapakita sa akin si Nora Aunor. Mabibigyan ko ng uppercut at babangasan ko ang panga n’yan. Napakasinungaling ng babaeng `yan. Sabi niya walang himala pero meron, meron, meron!”
May dumaang nagtitinda ng pandesal at sumagot ito nang pasigaw kay Inay. “Ulol mo, Aling Tinay! Ang aga-aga naka-shabu ka na namang matanda ka!”
Sinamaan `to ni Inay ng tingin at dali-daling tumakbo palabas ng bahay. Malamang bubugbugin niya ang tindero ng pandesal na `yon na sumira sa pag-e-emote niya.
Hays, si Inay talaga walang pagbabago. Kailan kaya siya aarte na naaayon sa kanyang edad? Sana magkaroon ng edition na pangmamatanda ang Makeover mo, Sagot ko para naman maisali ko si Inay. I think kailangan na kailangan niya ang pagbabago na `yon, eh.
Wala akong sapat na tulog ngayon dahil napuyat ako kagabi. Pinagpuyatan ko kasi kagabi ang pagbabasa sa isang malaking notebook kung saan nakalagay ang Tips of How to Act like a Lady na ibinigay rin sa akin ng show. Medyo nosebleed ako sa mga term na ginamit kaya kinailangan ko pa ang tulong ni Google translate. Pero may mga word na hindi alam ni Google Translate kaya hindi niya mai-translate nang maayos. Ang ending, binasag ko ang screen ng computer ko dahil sa inis ko. Pero kiber lang at least, marami akong natutunan when it comes to dressing up and putting on makeup.
Ang daming inihandang pagkain ni Inay ngayon. Ang daming masasarap na pagkain na ngayon ko lang nakita pero tanging two slices of bread and milk lang ang inalmusal ko. Kailangan ko kasi ng proper diet dahil nakalagay rin `yon sa How to Act Like a Lady , eh.
Ang babae raw ay kailangan ng sapat na diet para maging fit and sexy. So `yon ang ginagawa ko ngayon. Kung noon, kain-karagador ako, ngayon naman, kain-prinsesa na. Princess Pilar mHou Lh4Rn.
Wrong timing din kasi si Inay, eh. Kailangan pa palang gumanda ako ng ganito para lang maghanda siya ng masasarap na pagkain.
So, `pag pangit ako, magtitiis ako sa mga cheap food, gano’n?
Umakyat na ako sa kuwarto ko at naligo. Alam ko na rin kung paano gamitin nang tama ang pH Care. Shutang inerns , sa tinagal-tagal ko `tong ginagamit, hindi ko alam na pang kay Pempem pala `to at hindi sa ulo? Now I know.
`Yong shampoo na ibinigay ng show ang ginamit ko kaya feel na feel ko ang lambot ng buhok ko. Since wash day sa school ngayon, maaari kaming hindi mag-uniform. Inilatag ko sa kama ko ang mga damit na ibinigay sa akin at pumili ng magandang damit para sa pagpasok ko ngayon.
Hmm, magso-shorts ako ng high-waist `tapos pink top na off-shoulder. Magsusuot din ako ng salamin para sosyal ang effect ko. Ewan ko na lang kung hindi ako patinginan ng mga taong makakasalubong ko.
Nag-lotion muna ako sa buong katawan para mawala ang pagka-dry ang skin ko. Ayokong masayang ang treatment na ginawa sa akin kung hindi ko pangangalagaan ang aking super-kinis at super-lambot na balat. Mahihiya ang mga damit na binabad sa Downy isang banlaw sa lambot ng balat ko ngayon.
Nang matapos na akong mag-ayos, nag-apply naman ako ng light makeup. Malakas ang loob ko na mag-make up dahil nabasa ko `to kung paano at nanood din ako sa Youtube ng tutorials. Naglagay muna ako ng foundation courtesy of aking sponsor, then eyebrows na kulay-brown, blush on na light pink and red lipstick. Sabi sa mga nababasa ko, red lipstick ang ginagamit ng mga babaeng palaban at fierce.
Para na akong si Eva Fonda sa ayos ko ngayon. Inilabas ko ang cell phone ko at nag-selfie muna saka nag-post sa Facebook. Wala pang isang minuto, ang dami na agad likes ng picture ko. May nag-share at comment pa nga, eh.
Extra 1: Hoy, Pilar. Sino `tong dyosa na `to? Ang pretty niya, emeged.
Extra 2: Shit, who’s she? Grabe diyosa na `to, ah.
Extra 3: Sino `to? Para siyang Hollywood actress. She looks like Vanessa Hudgens.
Extra 4: Ang ganda-ganda-ganda naman nito at nasabi ko na bang maganda siya? Sino siya?
Extra 5: Pa-add, please.
Extra 6: Pa-like po ng profile picture ko. Salamat po.
Natawa na lang ako sa iba’t ibang reaksiyon nila sa bagong selfie na ipinost ko. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Who would have thought na gaganda ako nang ganito? To think na isang araw lang nila ako pinaganda, ah? They did a great job talaga. Amazing Trio it is. That name suits them very well. Wala akong masabi sa show nila.
Pero siyempre hindi ko pinalampas si Extra number 5 and Extra number 6. Mga epal sila at iba ang sinabi. Hindi man lang pinuri ang ganda ko kaya blinock ko agad sila. Litsi . Mga epal at famewhore.
Lumabas na ako ng bahay namin na nakasuot ng salamin. Hindi ko rin tinali ang buhok ko at hinayaan lang ang straight kong buhok na may global cut na nakabagsak. May bitbit-bitbit din akong shoulder bag na inilagay ko sa braso ko para sosyal. Ang bango-bango ko rin dahil halos ipaligo ko na ang pabango kong Victoria Secret.
Paglabas ko ng gate ay may kotseng nakahinto sa harap ng bahay namin. May lalaki ring nakasandal sa kotse na agad napatingin sa akin saka napanganga.
“Hi,” nakangiting bati ko.
Tumingin-tingin siya sa paligid bago nagsalita. “Teka, ako ba ang kinakausap mo?” nagtataka niyang tanong habang nakaturo pa sa sarili niya.
“Malamang. Sino pa pala? Tayo lang kaya ang magkausap.” Natawa ako dahil mukhang hindi ako nakilala ni Mong. Mongoloid talaga `to kahit kailan.
“Sure ka?” sabi niya habang nakaturo pa rin sa sarili niya. “Ako talaga? Teka, kaano-ano mo si Pipay? Saka nand’yan pa ba siya? Halos thirty minutes na kasi akong naghihintay dito.”
Natawa na naman ako. “Ako si Pipay,” sabi ko. “The one and only Pipay.”
Napanganga si Mong saka umiling. “Miss, alam kong maganda ka. Sobrang ganda to be exact pero `wag mo namang niloloko ang guwapong tulad ko. Imposible na maging ikaw si Pipay dahil una, iba ang amoy n’on sa amoy mo. May amoy `yon na ang sakit sa ilong habang ikaw, amoy strawberry. Ang sarap kagatin gamit ang mga labi ko.” Ngumisi pa si Mong saka tumaas-baba ang mga kilay niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa sinabi ng mongoloid na `to, eh. Compliment at insulto kasi ang sinabi ng peste. Tinanggal ko nga ang suot kong salamin.
“Eh, kung bugbugin kita dito, mongoloid ka?” pananakot ko sa kanya.
Shutang inerns , out ang manners ko dahil kay Mong. Don’t be rude to someone dapat, eh. Kaso hindi ko mapigilan. Hayaan na nga, tutal si Mong naman `yan. Harmless and sometimes useless.
Unti-unting lumaki ang singkit na mga mata ni Mong habang nakaturo pa rin sa akin. “WAAAH! Shit, Pipay. Ano’ng nangyari sa `yo? Bakit ganyan ka kaganda? Hala! Taena . Paano? Teka.” Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niyang singkit. “Hindi nga panaginip. Sobrang ganda mo ngayon. As in, wow.” Tiningnan pa ako ni Mong mula ulo hanggang paa.
“Well...” sabi ko saka napangisi. Muli kong isinuot ang shades ko .
“Shit, Pipay. You’re really one totally hot babe,” sabi ni Mong. “Isa ka na sa pinakamaganda sa SOGO University. Baka kapag ako hindi nakapagpigil, baka sa ibang SOGO kita ipasok ngayon, eh.”
Napansin kong may matigas na nakabulol sa pantalon ni Mong habang nakatitig siya sa akin. Ano kaya `yon? Bakit bakat na bakat?
“Tse,” sabi ko saka siya pabirong inirapan. “Ang bastos mo.”
“Wow naman talaga! Hindi ka na nakikipagbastusan, ah. Talagang nagbago ka na. Grabe,” natatawa niyang sabi.
Lumapit ako kay Mong saka pinunasan ang laway na nasa gilid ng bibig niya. “I changed for the better and I’m ready for my revenge.” Saka ako ngumisi.
Napalunok si Mong. Kitang-kita ko kung paano magtaas-baba ang Adam’s apple niya.
“Tutulungan kita,” aniya saka napangisi rin.
Tumingin ako nang deretso sa mga mata niya. “Sounds good to me.” Pagkatapos ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Mong kaya kitang-kita ko kung paano magpawis ang kanyang noo. Napapanguso na rin siya at hinihintay na dumikit ang mga labi ko sa kanya kaya bigla akong tumawa.
“Effective pala `yong nabasa kong How to Seduce a Guy. Kung nakita mo lang ang mukha mo, Mong, para kang tigang na tigang sa kagandahan ko,” pang-aasar ko sa kanya.
“Saan mo natutunan `yan? Grabe ka, Pipay,” naiinis niyang sabi. “Pero, kidding aside. I’m glad na gumanda ka nang ganyan. Promise, ibang-iba ka na talaga. Lalo tuloy akong...”
Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Mong dahil sa sobrang hina ng boses niya.
“Salamat sa mga taong tumulong sa akin. Kay Author na hinayaan na akong gumanda dahil mukhang naaawa na rin siya. Sa Amazing Trio na may magic ang mga kamay sa ginawang makeover sa akin at sa Kanya,” sabi ko. “Kung hindi dahil sa Kanya hindi ko mare-realize na nasa realidad ako at wala sa isang fairy tale. Walang lalaki na magtitiis sa isang pangit na babae. Lahat sila iiwan ang pangit na kagaya ko noon at sasama sa isang magandang witch.”
“`Oy, hindi naman lahat gano’n, `no. Iba ako sa ibang lalaki, Pipay. Ibang-iba.”
“`Sus, narinig ko na `yan. Ilang ulit na. Wala na ba kayong ibang linya kundi ‘ibang-iba ako sa ibang lalaki’? So cliché, so gasgas and so overused.”
Napatitig sa akin si Mong kaya tumawa ako. “Just kidding. Did I hurt your ego?”
“Parang sumama ang ugali mo, Pipay,” seryoso niyang sabi. “Parang hindi lang ang hitsura mo ang nagbago kundi pati na rin ang ugali mo. Pinakain ka ba ng expired na makeup kaya imbes na lalong gumanda ang ugali mo, lalo pang pumangit?”
Ngumisi ako. “Ako nagbago? Baka hindi mo lang ako gano’n kakilala?” Sumakay na ako sa kotse ni Mong kahit hindi niya sinasabi. Pakapalan na lang `to ng mukha.
Gumanda nga ako pero gano’n pa rin ang allowance ko. Walang pang-tricycle.
Napailing na lang si Mong saka sumakay ng kotse niya at nag-drive papunta sa SOGO University. Nauna na akong bumaba nang marating namin ang school at hindi na nagpaalam kay Mong. Masyado akong maganda para sumabay pa sa kanya.
Pagpasok ko pa lang ay agad ko nang nakuha ang atensiyon ng mga estudyanteng nakakita sa akin. Patuloy sila sa pagtingin mula ulo ko hanggang paa. Marahil naiinggit sila sa suot kong pulos branded ngayon.
Kitang-kita ko ang inggit sa mga mata ng kakabaihan habang mga paglalaway at pagnanasa naman ang sa kalalakihan.
Taas-noo akong nagpatuloy sa paglalakad dahil masyado akong maganda kung iyuyuko ko lang ang mukha ko.
May mga babaeng humarang sa daraanan ko kaya huminto ako sa tapat nila saka tinanggal ang suot kong salamin.
“Tumabi kayo, mga pangit,” sabi ko habang seryosong nakatingin kina Charry at Kathy.
“OMG! Ikaw si Pipay, right?” Hindi makapaniwalang tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. “OMG! Ang ganda-ganda mo. Diyosa ka na, `te.” Tuwang-tuwang humawak pa sila sa braso ko.
“`Wag n’yo `kong hawakan, mga pangit. Baka mahawaan pa ako ng kapangitan n’yo,” sabi ko saka tinanggal ang pagkakahawak nila sa braso ko.
“Aba! Gumanda lang pero masama pa rin ang ugali,” sabi ni Charry saka niya ako sinampal nang malakas. “Serves you right, bitch.”
Sarkastiko akong natawa. “Is that all you’ve got?”
“Hawakan mo `tong mamahalin kong bag, Kathy.” Ibinigay ko ang bag kay Kathy. Bumuwelo ako at isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa mukha ni Charry. Sa sobrang lakas ng suntok ko, tumilapon pa siya sa mga basurahan sa tabi. Knockout at mukhang nakatulog na talaga.
“WOW! Ang lakas mong sumuntok, Pipay. Napatulog mo ang kakambal ko gamit ang isang suntok lang.” Tuwang-tuwa si Kathy sa nasaksihan niya.
Inagaw ko sa kanya ang bag ko saka ngumisi at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa school.
Gaya ng mga tao sa labas, gano’n din ang mga titig at atensiyon na nakuha ko sa mga kaklase ko. Hindi matanggal ang malalagkit na tingin nila sa akin kaya napapangisi na lang ako.
“Wow, Pilar. Ang ganda-ganda mo ngayon. Anong nangyari? Break na ba kayo ni Joshua na taga-Engineering kaya gumanda ka?”
“Oo, break na kami,” sagot ko. “Pero hindi ako nagpaganda para sa isang walang kuwentang lalaki. Dapat iniisip ng isang babae na kailangan niyang gumanda para sa sarili niya at hindi para sa isang lalaki.”
“So, ibig sabihin, single ka na n’yan?” tanong ng isang kaklase kong lalaki. “Puwede na bang manligaw?”
“Sure,” sagot ko.
“Really?” tuwang-tuwang tanong niya.
“Oo naman. Hindi nga lang sa akin.”
Saka napuno ng tawanan ang buong classroom.
Napansin kong wala si Mirasol ngayon sa klase. Sayang. Gusto ko pa naman mainggit ang balyena sa ganda ko ngayon. Gusto kong magsisi ang tulad niyang pangit na maitim na baboy dahil ipinanganak pa siya sa mundong `to
Lunch na kaya pumunta ako sa canteen. Tulad pa rin kanina, gano’n pa rin ang mga tingin nila. Nahuhuli ko nga ang ilang kalalakihan na nakatingin sa akin lalo na ang mga guwapo sa third year and fourth year college na sinusundan ako ng titig. Patay-malisya na lang ako na dumaan sa harap nila.
Habang nakapila para bumili ng pagkain, bigla akong nabunggo ng dalawang estudyante kaya napaatras ako. Hindi ko namalayan na may babae pala sa likuran ko na may dala-dalang tray ng pagkain kaya natapon `to sa damit niya. Agad naman siyang nag-hysterical at sumigaw.
“What the fuck! Tumingin ka naman sa paligid mo. Natapon na tuloy `yong pagkain ko,” asar na asar na sigaw ni Monica. May benda pa rin siya sa ulo na marahil ay sugat niya dahil sa pambubugbog ni Mirasol sa kanya.
Tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa saka natawa. “Your face is fuck,” nakangising sabi ko.
“What did you just say? My face is fuck? Tama ba ang pagkakarinig ko?” sigaw niya uli na naging dahilan para pagtinginan kaming dalawa ng mga tao sa paligid.
Wow, Diary. I love this attention.
“Bingi ka ba? Kasasabi ko lang, `di ba?” sagot ko saka siya tinaasan ng kilay.
“Ako na anak ng school na `to sasabihin mo lang ng my face is fuck? Gusto mo ba ng gulo, ha?”
“Kaya mo ba? Malakas lang naman ang loob mo dahil anak ka ng may-ari ng school, eh. Malakas ang loob mo dahil may kapit ka kaya wala kang takot na lumandi, magpakarat, at umagaw ng boyfriend nang may boyfriend.” Tinapunan ko siya ng isang nandidiring tingin. “Beautiful face with a shit attitude. Such a whore.”
“OMG! Me, whore?” Natawa si Monica. “Binabalaan kita, you don’t know me. Hindi mo alam kung paano ako magalit, Miss. Sino ka ba, ha? Sino ka ba sa inaakala mo?” Saka siya tumingin sa paligid. “Guys, anak ng may-ari ng school sasabihin niyang whore? This bitch is looking for war,” aniya sabay turo sa akin.
“Matatakot na ba ako?” tanong ko. “Huhuhu. I’m scared. Really, really scared. Ganyan ba ang gusto mong sabihin ko? Puwes, maghintay ka bago magkabuhok si Pnoy bago ko sabihin `yan. I won’t give you the satisfaction of seeing me cry, bitch. And you’re asking who I am?” sagot ko saka tinanggal ang shades na aking suot. “Ako lang naman ang babaeng inagawan mo ng boyfriend. Yes, ladies, gentlemen, and in-between. Mang-aagaw ang anak ng may-ari ng school na `to. Sulutera’t walang breeding and right manners. Magandang mukha na may basurang ugali.”
Nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid dahil sa sinabi ko. Bigla namang pinagpawisan si Monica.
“That’s not true!” sigaw niya. “Wala akong inaagaw sa `yo. Hindi nga kita kilala, eh.”
“Really? Tingnan mo nang mabuti ang mukha ko,” sabi ko. “Hindi mo ba nakikilala kung sino ako?”
Napatitig sa akin si Monica hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata niya. “Shit. P-Pilar?”
“Hi, bitch. Yes, I’m Pilar. Ang inagawan mo ng boyfriend.”
Sarkastikong tumawa si Monica. “Aba nga naman. Gumanda lang, akala mo kung sino nang matapang.” Seryosong tumingin siya sa akin pagkatapos. “So, ano’ng pinaglalaban mo?”
“Ako, wala,” sabi ko. “Baka ang isang pokpok na gaya mo meron. Meron ba?”
“Stop calling me that.”
“What? Na pokpok ka?”
“Ughh!! You said it again. Stop it!” iritado niyang sabi.
“`Yong alin ba? `Yong pokpok ka?”
“Ahh! Buwisit ka!” Saka siya lumapit para sabunutan ako.
Narinig kong nagsigawan na ang mga estudyanteng nasa paligid namin para i-cheer kaming dalawa ni Monica sa pagsabunot niya sa akin. Natawa ako. Hindi `ata alam ng gagang `to na boksingera ang nanay ko kaya malakas akong sumuntok.
Bumuwelo ako saka isang suntok ang ipinalipad ko sa mukha niya.
Tumilapon naman si Gaga saka agad nawalan ng malay.
Shutang inerns, tulog agad. `Kainis. Hindi pa ako nag-iinit, eh.
“Pipay!” Natahimik ang paligid nang may sumigaw ng pangalan ko mula sa pintuan. Agad akong lumingon.
Nakita ko si Josh at agad siyang tumakbo palapit kay Monica saka ito binuhat.
“`Di ba, nakiusap na ako sa `yo? Ano na naman `to?” galit na tanong ni Josh sa akin. Magkasalubong ang mga kilay niya at mukhang galit na galit nang mga sandaling `yon.
Agad bumalik sa alaala ko ang pag-uusap naming dalawa kagabi...
“Hindi ko na kaya... Hindi na talaga...” sabi ni Josh habang lumuluhang nakatingin sa akin.
Gusto ko siyang sigawan dahil sa ginagawa niya ngayon. Gusto ko siyang murahin at suntukin sa mukha dahil sa mga ginawa niya sa akin. Pero nagtatalo ang puso’t isip ko. Nagtatalo sila sa gusto kong sabihin at gawin. Sinasabi ng puso ko na yakapin ko nang mahigpit si Josh dahil hanggang ngayon ay ayaw na ayaw ko pa ring nakikita siyang umiiyak. Pero sinasabi naman ng utak ko na `wag na, tama na at pabayaan ko na lang siya.
“Anong hindi mo na kaya?” tanong ko, umaasang makikipagbalikan siya sa akin dahil sa ginagawa niyang pagluha sa harap ko. Umaasang babalik na siya ngayon dahil mas maganda na ako kay Monica kaya nagbago na ang isip niya’t babalik na siya sa akin.
Pero iba ang sinabi niya sa gusto kong mangyari.
“Please lang, palayain mo na ako. Ayoko na talaga. Si Monica na ang mahal ko at hindi na ikaw. Pakiusap, Pipay. Tama na... `Wag ka nang manggulo pa...”
Parang nagsilbing matutulis na bagay ang mga sinabi ni Josh at bumaon `yon sa buong katawan ko kaya agad akong nakaramdaman ng sakit.
Shutang inerns , ganito ba kamahal ni Josh si Monica para makipag-usap sa akin at umiyak sa harap ko? Hindi ko naman sila ginugulo, ah? Shutang inames , Diary. Gusto kong magwala.
“Okay,” sabi ko habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko. “Pinapalaya na kita. Malaya ka na talagang mahalin si Monica pero ito lang ang masasabi ko sa `yo...” Lumunok ako. “Once I cut you off, I won’t try to entertain you. I’m gonna move on like you never existed.”
Tumalikod na ako’t tuluyan nang naglakad papasok sa bahay namin. Sinubukan kong buksan ang pinto pero hindi `to bumukas kaya tuluyan na akong naiyak.
Shutang inerns , `asa’n ba si Inay? Bakit hindi niya iniwan ang susi?
“This is my revenge, Josh,” sabi ko saka lumapit sa kanya para hawakan ang kanyang pisngi. “Maghanda na kayo dahil simula pa lang `to.” Saka ako ngumiti nang pagkatamis-tamis at iniwan sila sa loob ng canteen.
`Cause I’m now a bitch with class. A tooth for a tooth. An eye for an eye.
You hurt me, Josh. So I’ll hurt you back.
A bitch,
Pipay