noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 29

Ch. 30 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #29

Dear Diary,

“Inay, first boyfriend n’yo ba si Itay?” tanong ko kay Inay, Diary, habang nagluluto siya ng ulam namin.

Friday ngayon pero hindi ako pumasok kaya tengga ang kagandahan ko rito sa bahay namin para pestehin ang buhay ng boksingera kong nanay. Mabuti nga nandito siya ngayon dahil mostly, nasa labasan si Inay kapag weekends at nagbebenta ng droga. Charot! Busy siya sa boxing career niya, remember?

Lumingon siya sa akin saka nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano bang tanong `yan, Pilar. Why so sudden? Hihihi.” Biglang kinilig si Inay. Inilagay niya pa ang hawak niyang sandok sa pagitan ng boobs niya saka humawak sa pisngi na parang kilig na kilig.

“Inay, sagutin mo na nga lang ang tanong ko. Hindi bagay sa `yo ang kiligin. Para ka lang natatae,” naiinis na sabi ko.

“Basag trip ka talaga forever, `no?” singhal naman niya sa akin saka umupo sa tabi ko. “Hindi ko first boyfriend ang tatay mo, Pilar,” sabi niya habang nagtatanggal ng dahon ng malunggay sa tangkay nito. “May first boyfriend ako no’ng fourth year high school pa lang ako up to college. `Yong first boyfriend ko, pinangarap ko na talagang makatuluyan ko sa lahat. He’s so ideal and perfect to be my husband. Sabi nga ng schoolmates namin dati, perfect couple raw kami. Alam mo `yon, anak? `Yong wala kang maitatapon na pintas sa aming dalawa dahil perfect talaga kami sa isa’t isa?”

Nakikinig lang ako kay Inay habang nagto-throwback siya ng mga kalandian niya no’ng araw.

“Everything in our relationship was so smooth back then. Ang dami naming pinangarap sa isa’t isa before. Mga pangarap na gusto naming makamit nang sabay at abutin na magkasama sa future. Sabi nga namin sa isa’t isa, walang makakatibag sa relasyon namin, eh. Pero may isang hindi inaasahan na pangyayari na nagbago sa aming relasyon.

“Nagkaroon ng opportunity para makapunta sa ibang bansa ang first boyfriend ko. Masyado kasing mataas ang pangarap niya dahil gusto niyang maging astronaut. Mahilig sa space si Gago. Sana pala hindi ko na siya pinaalis, `no? Pero wala, eh. Supportive girlfriend kasi ako dati. Hihi.” Kilig na kilig na naman si Inay.

“Bago siya umalis, ipinangako namin sa isa’t isa na pagbalik niya ay magpapakasal na kami. Eh, ang futa . Wala pang isang taon sa US, nalaman kong nabuntis niya ang anak ng professor nila.” Biglang tumawa si Inay. Tawang parang nasasaktan dahil sa mga naalala niya. “Ang sakit-sakit nang malaman ko ang balitang `yon. Kingina lharn talaga. Pakiramdam ko, nanunuot sa buto’t balat ko ang kirot ng puso ko. Nakakagago lang kasi dahil panay naman ang tawagan namin sa isa’t isa, eh. Minsan nga naghuhubad pa kami sa harap ng Yahoo Messenger para lang matanggal ang kati ng mga katawan namin.”

Bigla akong nandiri sa sinabi ni Inay.

“Pero may ginagawa na palang kagaguhan ang walang’yang `yon?! May nirarak na palang puti sa US. Galit na galit ako nang nalaman ko `yon kaya pinasok ko ang boxing club sa school namin. Gusto ko kasi mag-training at matuto ng perpektong sapak kung saan mababasagan ko ng bayag ang first boyfriend ko.”

“Ang haba naman ng kuwento n’yo, Inay. Ang dami ng nasayang, o. Ang haba ng exposure n’yo ngayon sa kuwento ko,” inis na sabi ko.

“ Futa ka!” Kinuha niya ang kawali na nasa harap niya saka hinampas sa ulo ko. “`Wag kang atat. Kitang nagmo-moment ako dito, eh. `Asa’n na ba ako? Ay, tama. Sa boxing club kung saan ko nakilala si Itay mo. Hihihi.” Kinilig na naman ang matanda. “Unang kita ko pa lang sa itay mo, nag-init agad ang ulo ko, Pilar. Ang hambog at ang hangin kasi niya masyado. Palibhasa, isa siya sa mga senior ng boxing club kaya kung makapagmayabang, akala mo kaguwapuhan.”

“Hindi ba pogi si Itay no’ng kabataan niya?”

“HINDI!” mabilis na sagot ni Inay. “Pero masasabi kong malakas ang sex appeal ng demonyong tatay mo. Alam mo `yon? May something sa kanya na hinahabol ng kababaihan at kabaklaan sa school namin dati. Dati, takang-taka ako kung ano ang hinahabol sa kanya until malaman kong ang patola niya pala. Sobrang laki kasi. Hihi.”

Napa-face palm ako.

“So, `ayun nga. Mayabang ang tatay mo at lagi akong binu-bully dahil ang hina ko raw sumuntok. Siya ang naging personal trainor ko n’on. Sinabi niya sa ibang senior na walang poporma sa akin dahil makakalaban daw nila si Itay mo.”

“O, `tapos? Dahil sa boxing club, sa pambu-bully niya sa `yo, sa pagiging trainor niya at sa palagi n’yong pagsasama nagkadevelopan kayo? Na-develop ang feelings n’yo sa isa’t isa kaya nahulog ka sa kanya? So, si Itay ang second boyfriend mo? Ano ba `yan, Inay. Masyadong clich é ang kuwento n’yo. So predictable. Ganyan ang mga story sa Wattpad na nagkalat, eh. Aso’t pusa ang start pero sa ending, nag-dog style na. Sino ba ang author ng story mo para mabigwasan ko sa ngalangala?”

Kinuha naman ni Inay ang tangke ng gasul at muntik nang ihampas sa ulo ko. “Gaga! `Wag kang excited. Bakit mas marunong ka pa sa author? Tapos na ba ang kuwento, ha? Tapos na ba?”

“Ay, hindi pa pala. Hehe.” Napakamot ako ng ulo.

“Hindi pa nga talaga,” sabi niya. “`Yan ang hirap sa inyo, eh. Kasisimula pa lang ng kuwento, sasabihin n’yo agad na clich é at parang katulad din ng mga nababasa n’yo. Pagsasampalin ko kaya kayo nang magising kayo at maliwanagan sa mga sinasabi n’yo?” Umirap pa si Inay. “Hindi ko second boyfriend si Itay mo.”

“Eh, ano?”

“Pang fifty-fourth ko siya. Ay, wait, pang-fifty-fifth `ata? Pero parang pang nasa sixtieth na siya, eh.” Nag-isip-isip si Inay. “Letse. Ang sakit sa ulong mag-isip. Basta hindi ko second boyfriend si Itay mo. Marami pang dumaan sa akin bago ko naging boyfriend si Itay mo. Halos nga lahat `ata ng lalaki sa school syinota ko na parang lang makalimot sa pesteng first boyfriend ko na `yon.

“Pati nga mga bakla sa school namin no’ng araw, pinipilit kong maging boyfriend, eh. Ultimo mo poste na lagyan mo lang ng damit na matino at malaking patola sa harap gagawin kong boyfriend.”

“OMG! Naging malandi kayo, Inay?”

“ULOL, Pilar. Malandi ka d’yan?!” sigaw niya. “Manhater pa nga ako n’on, eh. Saka hindi ako malandi, `no.”

“Excuse `yan ng mga malalandi.”

“Eh, ikaw, hindi ka malandi?”

“Hindi ako malandi,” sagot ko.

Nang-irap na naman si Inay. “Excuse nga `yan ng mga malalandi,” sabi niya. “ Anywhore , basta hindi ako malandi n’on. Naging bitch ako at manhater. Naging party animal at nilulong ang sarili sa alak at droga. Ginawa ko lang ang lahat para makalimot pero alam mo `yon, Pilar? Kahit ano’ng gawin ko, hindi ko pa rin magawang makalimot. Sariwa pa rin ang panloloko sa akin ng animal na first boyfriend ko. Ang hurt-hurt kasi ng ginawa sa akin ng walang’ya.

“Hanggang sa isang gabi habang nasa bar ako at nakikipag-sexy dance sa kung sino-sino, may lalaking humila sa akin. Nagulat ako kung sino `yon. Hindi ko pa makita nang maayos ang mukha niya dahil nahihilo na ako at ang dilim pa sa bar.

“Hanggang sa makapag-adjust na nang tuluyan ang mga mata ko at nakita kong si Itay mo ang humila sa akin para humarap sa kanya. Nakatingin lang siya nang seryoso sa akin at biglang galit na galit na nagsalita. `Wag ko raw sisirain ang buhay ko para lang sa isang walang kuwentang lalaki.” Natahimik si Inay at parang inaalala ang mga araw na `yon. “Sabi pa ni Itay mo, na okay lang daw umiyak dahil masakit ang nangyari sa akin pero isang beses lang daw. Ang pag-iyak kasi ng pangalawang beses sa parehong rason ay katangahan na.”

“`Tapos?” sabi ko habang pinapapak na ang dahon ng malunggay na nasa harap ko.

“`Tapos sabi niya, kung iiyak pa raw ako, wala na raw siyang magagawa kundi buuin ang puso ko at siya na ang mag-aalaga. After that night, may nangyari sa aming dalawa. Ikukuwento ko pa ba ang bed scene, anak?”

“Sige, Inay. Dali! `Yong detailed, ah? Mula kung paano kayo nakarating sa motel `tapos naghubaran!”

Muntik nang buhatin ni Inay ang lamesa para lang ihampas sa ulo ko. “`Wag kang malibog, Pilar,” sabi niya na namumula pa ang mukha. “Basta ang masasabi ko lang, ang galing ni Itay mo. Hihihi.”

“Kill joy ka, Inay. O, `tapos kayo na after n’on?”

Tumango siya. “Oo. Hihi. And the rest is history.”

“Ang dami mong sinabi, Inay. Mga paraan mo rin, `no? Para lang dumami ang exposure sa kuwento ko. Ang tanong ko lang naman sa `yo kung si Itay ba ang first boyfriend mo. Oo o hindi lang ang isasagot sa tanong ko, eh.”

“Wala kang pakialam! Oh, shit! `Yong niluluto kong pritong itlog, nasusunog na! Ikaw kasing bata ka, dinadaldal mo ako, eh. Shutang inames naman, o,” sabi niya saka mabilisang tumayo para asikasuhin ang niluluto niya.

Tumayo na ako saka nagsalita uli. “Itlog lang pala ang niluluto n’yo, Inay, pero bakit may pahimay-himay pa kayo ng malunggay habang nagkukuwento?”

“Para dagdag effect sa pagkukuwento ko. Props lang ba?” sagot niya habang tinatanggal ang itlog mula sa kawali. “Pero alam mo, anak? Na-realize ko lang na kapag pala perfect ang relasyon ng dalawang nagmamahalan, hindi nagtatagal. Kasi may tendency na magsawa ka sa kanya dahil wala na kayong ibang gagawin kundi mahalin ang isa’t isa. Healthy rin sa isang relasyon ang mag-away pero hindi `yong sobra. Ang pag-aaway kasi ay nangangahulugang may pakialam ka sa ginagawa niya.

“Saka hindi por que nagkaroon ka ng first boyfriend at ipinangako niya sa `yo ang lahat, kayo na ang magkakatuluyan sa dulo. Darating din ang oras na maghihiwalay kayo dahil may mas deserving na taong inilaan ang Diyos para sa `yo.”

Natahimik ako dahil sa sinabi ni Inay at tuluyan nang pumasok sa kuwarto ko. Para kasing natamaan ako sa sinabi niya, eh.

Anong parang? Natamaan talaga.

Ang mga sinabi niya kasi ang perpektong naglalarawan sa aming dalawa ni Josh ngayon. We loved each other so much na parang wala nang sino man ang makakapaghiwalay sa aming dalawa. Na-realize ko lang din na hindi lang pala ang pagmamahalan ang importante sa isang relasyon. Dahil kung pulos mahal lang? Bakit marami pa ring nagkakahiwalay sa mundo? Marahil ginawa ang paghihiwalay ng dalawang tao para mapalapit siya sa taong para talaga sa kanya.

Josh was just a stepping stone para sa taong para talaga sa akin.

Kagabi ko pa rin pinag-iisipan ang sinabi ko kay Mong. Kung bibigyan ko ba siya ng chance or hindi. Inaamin ko na may something akong nararamdaman para kay Mong pero not enough para maging magkarelasyon kami. Pero wala namang masama kung susubukan ko, `di ba? There’s no harm in trying.

Mas masayang magsisi ako sa isang bagay na ginawa ko kaysa magsisi dahil hindi ko nagawa. Ilang ulit kong tinimbang ang consequences pero laging natatapos sa bibigyan ko ng pag-asa si Mong.

No’ng mga bata pa kasi kami, ipinangako ko na siya ang papakasalan ko, eh. Hays! Sige, bibigyan ko ng chance si Mong. Who knows baka mag-workout ang relasyon namin? Nag gi-gym pa naman ang mongoloid na `yon samantalang si Josh hindi, kaya nganga ang relasyon namin.

O, hindi n’yo na-gets ang joke? Bigti na, `te.

Alas-tres na ng hapon kaya nag-ayos na ako. Hindi na ako nag-aksaya pa para magdamit nang bongga dahil malapit lang naman ang sinabi kong lugawan ni Aling Nena. Nag-shorts lang ako para makita ang maputi kong legs at spaghetti top.

Nagpusod ako ng buhok `tapos red lipstick para kabog. Balak ko nga sanang suotin ang ball gown ko na ginamit ko noong Ms. January Girl pero `wag na lang. Ayokong makakuha ng atensiyon lalo na kung sa lugawan lang naman pala ang bagsak ko.

Nagpaalam na ako kay Inay na aalis na ako. Sabi niya, bahala raw ako sa buhay ko. Iniwan ko siyang nilalamon ang sunog na mga itlog na iniluto niya habang nanonood siya ng boxing

Paglabas ko ng bahay, nakasalubong ko si Prince na may dalang karton. Saka ko naalala ang mga atraso sa akin ng walang’yang `to!

“Hoy! Gago ka. Ang lakas mong magpakita sa chapter na `to pagkatapos mo `kong bitinin sa motel?!” sigaw ko sa kanya habang hinahampas siya ng dala kong bag.

Todo-iwas naman siya. “Aray! Pipay, aray! Masakit. Itigil mo `yan. Saka anong pinagsasabi mong binitin kita? Saan ba?”

Bigla akong napatigil sa paghampas sa kanya dahil sa sinabi niya. “`Di ba, `yong sa motel?` Ando’n tayong dalawa at magbe-bed scene sana pero pinabili kita ng proteksiyon dahil ayokong mabuntis? `Tapos umalis ka at hindi na bumalik. Hindi mo rin binayaran ang motel fee!” sigaw ko uli saka hinampas siya ng bag sa harap niya.

Napahawak si Prince sa patola niya dahil sa sobrang sakit.

“Aray ko, shit ka. Ano’ng pinagsasabi mo? Hindi naman kita nakasama sa motel, eh. No’ng nalasing ka sa bar, hindi ako ang kasama mo papuntang motel. May sumundo sa `yo saka—” Naputol ang sinasabi niya dahil biglang nahulog ang box na dala-dala niya at natapon ang laman sa kalsada. “Shit. Ang strawberry cake ko! Ang kawawa kong strawberry cake. Huhuhu,” sabi niya habang nakasalampak sa kalsada at hawak-hawak ang strawberry cake na lasog-lasog na.

Napangiwi ako sa inakto ni Prince. Shutang inames . Para strawberry cake lang, iniyakan na?!

“Ano’ng nakakaiyak d’yan sa cake? Cake lang, iiyakan mo na?”

“Favorite ko `tong cake na `to, eh. Huhuhu.” Patuloy lang siya sa pag-iyak. “Pagbabayaran mo `to! Dahil sa `yo kaya natapon ang cake ko! Kailangan mo `kong samahang kumain dahil hindi pa ako nanananghalian.”

“May lakad ako. Hindi puwede! Saka ayaw na kitang kasama. Lagi na lang ako ang nagbabayad.”

“Ngayon, hindi na. Ako na talaga ang magbabayad.” Ngumisi si Prince.

“Hmm, sige na nga. Alam mo naman na patay-gutom ako sa libre, eh,” sagot ko. “Pero d’yan na lang tayo sa lugawan ni Aling Nena kumain. May hihintayin din kasi ako do’n.”

“Sige ba?! Para mas mura!”

Kuripot talaga ang punyeta.

“Ba-bye, strawberry cake. Bibili na lang ako bukas, promise.”

Nagpaalam pa siya sa cake na nasa kalsada. Adik na rin ba `tong si Prince?

Naglakad lang kami papunta sa lugawan ni Aling Nena. Nang makarating kaming dalawa, agad kaming nag-order. Actually, siya pala ang nag-order para sa aming dalawa. Lugaw ang in-order ni Gago at hindi man lang nag-order ng soft drinks. Magtubig na lang daw kaming dalawa. Kuripot talaga ang letse!

Habang naghihintay kami ng order dahil iniit pa raw ang lugaw na tira no’ng isang araw, nagkuwentuhan lang kami ni Prince.

“Ano nga `yong sinasabi mo kanina?” tanong ko.

“Alin do’n? Ang dami kong sinabi kanina, eh. `Yong sinabi ko ba tungkol sa strawberry cake?”

“Bobo mo madalas. Wala akong pakialam sa strawberry cake na `yon. Ang tanong ko, kung sino ang sumundo sa akin.”

Napatitig si Prince sa akin saka napalunok. “Ah... eh... Ano..”

“Ah... eh... Ano?”

“Ah... `Ayan na `yong order natin, o,” sabay turo niya sa padating naming order.

Inilapag ni Aling Nena ang mga lugaw sa harap namin. Agad kong hinawakan ang mangkok para malaman kung mainit ba ang lugaw o hindi dahil hindi naman umuusok ang lugaw.

“Akala ko ba ininit n’yo ang lugaw, Aling Nena?” tanong ko. “Bakit wala namang init `to?”

“Sana sizzling lugaw ang in-order mo para mainit na mainit talaga,” mataray niyang sagot.

“Sana sinabi n’yo para `yon ang in-order ko,” nagmamalditang sagot ko. “Magkano ba ang lugaw?”

“Sampu.”

“Eh, ang lugaw na may langaw, magkano?” tanong ko nang may mapansin akong langaw sa lugaw ko. “May langaw, o.”

“Free na `yan sa `yo. Langaw ang inilagay ko sa lugaw mo habang sa kasama mo naman ipis.” Saka niya itinuro si Prince.

Napatingin naman kaming dalawa ni Aling Nena kay Prince na kasalukuyang nilalantakan na ang kinakain niyang lugaw. Isang subo na lang niya at ubos na ang lugaw.

“Bakit?” patay-malisya niyang tanong sa akin.

Napatitig ako sa bibig ni Prince dahil napansin kong may paa pa ng ipis na nakausli sa mga labi niya. Napalunok ako at nandiri. “Wala,” sagot ko. “Gusto mo pa? Sa `yo na lang `tong akin.” Saka ko inusog sa harap niya ang lugaw na para sa akin.

“Talaga, Pipay? Salamat, ah? `Sarap pa naman ng lugaw,” kumikinang pa ang mga matang sabi niya. Bigla siyang napatingin sa lugaw at nagsalita. “Bakit may pasas ang lugaw? Special siguro `to.” Kinuha niya ang langaw saka sinubo at nginuya-nguya. “Maalat-alat `yong pasas. Tamang-tama sa lugaw.” Saka niya sinimulan uling lamunin ang lugaw na may langaw.

Napabaling ang ulo ko sa kaliwa at nasuka-suka dahil sa kabobohan ni Prince. My God. May mas bobobo pa ba kay Prince? Magtaas na lang ng kamay.

Nang matapos si Prince kumain, nagpaalam na siya na mauuna na dahil pakiramdam niya raw ay sumakit ang tiyan niya dahil sa dami ng kinain niya. Gusto ko sanang sabihin na sumakit ang tiyan niya dahil may ipis at langaw siyang nakain kaso `wag na lang. Ganti ko na `yon dahil sa pambibitin niya.

Nang makaaalis si Prince, saka ko lang na-realize na hindi pa pala siya nagbabayad ng kinain niya kaya nag-init bigla ang ulo ko. Peste! Ang ending, ako na naman ang magbabayad ng kinain niya? Wala talagang maaasahan sa kupal na `yon kahit kailan.

Nakalimutan ko rin palang itanong sa kanya kung sino ang sumundo sa akin at kasama ko sa motel kung hindi siya `yon. Gusto kong isipin na si Prince nga `yon at gumagawa lang siya ng excuse para hindi ko siya bugbugin. Pero may part sa utak ko na nagsasabing hindi nga siya `yon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip kong baka si Josh nga talaga ang kasama ko no’ng araw na `yon. Shutang . `Wag naman sana. No. Hindi maaari.

“Hindi maaari. Si Prince talaga `yon,” bulong ko habang pinipilit kumbinsihin ang sarili sa mga naiisip ko. “Hindi puwedeng si Josh `yon.”

Biglang may humawak sa balikat ko mula sa likuran ko kaya nagulat ako. “AY, JOSH!” sigaw ko.

“Bakit?”

Biglang kumalabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses na nagsalita mula sa likuran ko. Kabado ako at dahan-dahang lumingon para masiguro kung siya ba talaga ang nakatayo sa likuran ko.

“Ano’ng... Ano’ng ginagawa mo rito?” nauutal kong tanong kay Josh nang tuluyan na akong makaharap sa kanya.

Nakasuot pa si Josh ng basketball uniform nila at todo-tagaktak ang pawis na mukhang tinakbo niya ang school hanggang dito sa lugawan na may langaw at ipis ni Aling Nena.

“Sinusundo ka,” matipid niyang sagot saka ngumiti.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Muli na naman akong naguluhan. What should I do, Diary?

Natataranta,

Pipay