Malandi #31
Dear Diary,
Ilang araw na ang nakalipas mula nang maging official couple kami ni Mong, Diary. Aaminin kong hindi madali itong ginawa ko dahil lumalabas na rebound lang si Mong. Pero wala, eh. Kahit hindi naman gano’n ang gusto kong palabasin, gano’n naman ang iisipin ng mga taong nakakakita sa akin.
Naalala ko tuloy kahapon habang magkasama kaming kumakain ni Mong sa canteen ng school at sinusubuan niya pa ako, lahat ng tao ay nakatingin sa amin at parang may nakikita silang nagse-sex sa harap nila. Nakakaloka lang dahil pagkain naman ang isinusubo sa akin ni Mong at hindi ang bakal na krus niya...
“ Bakit ba sila tingin nang tingin,” iritadong tanong ni Mong habang nakasulyap sa paligid. Lalo tuloy sumingkit ang mga mata niya dahil sa pagkairita sa paligid namin. “Parang ngayon lang nakakita ng lalaking pinapakain ng saging ang girlfriend niya.” Lumapad ang ngiti ni Mong nang banggitin niya ang salitang “girlfriend,” Diary. Proud na proud talaga si Gago na finally, girlfriend na niya ang pretty na tulad ko.
“Hayaan na natin sila. Inggit lang ang mga `yan,” sagot ko. “`Wag na natin silang pansinin. Ituloy mo na ang pagpapakain sa akin ng saging. Mas malaki naman ang isubo mo sa akin, please,” pagmamakaawa ko pa...
KaTatapos lang naming mag-lunch ni Mong ngayon, Diary. Nagulat nga ako dahil after naming kumain ay may inilabas siyang napakaraming saging sa bag niya. Ako raw kasi ang naalala niya nang makita niya iyon habang papasok siya ng school.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya dahil naalala niya ako dahil sa saging o maiinis. Aba, hindi naman ako mukhang unggoy, ah. Kurutin ko kaya ang betlog ni Mong, Diary?
Napaisip tuloy ako kung ano ang hitsura ng betlog ni Mong. Pang-Filipino ba ang hitsura o pang-Japanese? Baka naman both since may lahi siya, `di ba?
“Wala akong makitang malaki, eh,” sabi ni Mong habang hinahalukay ang bag niya. “Pulos malalaking saging na ang naipakain ko sa `yo, eh. Pulos malilit na lang ang nandito.”
“Ehhh, nakakainis naman, eh,” pagmamaktol ko. “Maghanap ka. Tanggalin mo muna `tong kamay mo na nakahawak sa kamay ko. Para naman makapaghanap ka nang maayos. Magkatabi na nga tayo `tapos magka-holding hands pa. Hindi ka obssessed sa ganda ko, `no?”
Mula kasi nang magsimula kaming kumain hanggang ngayon ay magkahawak kami ng kamay. Ang hirap tuloy kumain kanina.
“Ayoko,” matigas na sagot niya. “Gusto kong maramdaman ang bawat segundong lumilipas na magkahawak ang mga kamay natin at akin ka na talaga.” Lumapad na naman ang ngiti ni Mong at lalong sumingkit ang mga mata niya.
Nakakainis, Diary. Ang guwapo ni Mong. Ang sarap lamutakin ng patola—este, ng mukha niya.
“Ay, bahala ka. Maghanap ka pala ng saging na mahaba.”
“Wala na talaga,” sabi niya pagkatapos niyang halukayin ang bag niya. “Bibilhan na lang uli kita ng saging mamaya. `Talaga `tong girlfriend ko, ang hilig sa saging. Siguro unggoy ka talaga no’ng past life mo.”
Kinurot ko siya sa tiyan. Nahawakan ko tuloy ang matigas niyang abs. Yummy, Diary.
“Baka nga. `Tapos baka saging ka rin no’ng past life mo at palagi kitang sinusubo,” inis na sabi ko. “Kung wala kang makitang saging na malaki, `yang saging mo ang kakainin ko, sige ka.” Ininguso ko pa ang bakal na krus ni Mong na natutulog sa ilalim ng shorts niya, Diary.
“Ha! Baka hindi mo kayanin `to,” natatawang sagot niya. “Nine inches `to,” pagmamayabang pa niya.
“`Wag mong hinahamon ang bibig ko, boyfriend. Mas malaki pa `to sa bag ng negrang lakwatsera, sa bulsa ng asul na pusa, at sa bibig ni Dyesebel,” pagmamayabang ko rin kaya sabay kaming tumawa ni Mong.
And just like that, parehas kaming tatawa ni Mong sa mga kalokohan namin kapag napag-uusapan namin ang kanyang alaga.
Akala siguro ni Mong nagbibiro lang ako sa mga sinasabi ko kaya tinatawanan niya ako. Hindi niya alam na ilang beses na siyang ginahasa sa isip ng girlfriend niya. Hahahaha! Malandi ang gaga.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa canteen. As usual, magkahawak-kamay na naman kami ni Mong, Diary. Nahihirapan tuloy akong mangulangot habang naglalakad. Gusto ko kasi sabay ko kinakalikot ang dalawa kong ilong kapag nangungulangot, eh. Baka magtampo ang kaliwang butas ng ilong ko dahil `yong kanang butas lang ang nakakatikim ng finger
Pakshet , ano ba `tong mga naiisip ko?! Futa kasi `tong si Author, eh. Ang halay ngayon! My Godness . Tigang ka ba, Sic?
Sinabi ko kay Mong na magbabanyo muna ako bago pumasok sa classroom. No’ng nasa tapat na kami ng CR ay hindi pa rin binibitiwan ni Mong ang kamay ko.
“O, ano? Baka may balak kang bitiwan naman ang kamay ko para makapagbanyo ako?” sabi ko.
“Ayoko,” parang bata niyang sagot sa akin. “Tingnan mo nga muna kung may ibang tao sa loob ng banyo para sasama ako sa `yo sa loob. Ayokong bitiwan ang kamay mo, eh. Baka kasi bigla kang mauntog sa loob at bawiin mo na binigyan mo ako ng chance,” malungkot niyang dagdag saka nag-iwas ng tingin.
“Hindi naman mangyayari `yon, Mong. Ang kulit mo. Ilang beses mo nang sinasabi `yan. Binibigyan kita ng chance. Binibigyan ko ng chance `tong relasyon natin dahil baka mag-work,” sabi ko saka ngumiti. “Hindi mo naman ako sasaktan, `di ba? Hindi mo sasayangin ang chance na ibinigay ko?”
“Oo, naman!” mabilis niyang sagot. “Hindi dapat sinasayang ng isang lalaki kapag binigyan siya ng chance ng isang babae.”
“Tama. Ang babae kahit natatakot na `yan masaktan, isusugal niya pa rin ang sarili niya. Hindi dahil gusto uli namin masaktan kundi umaasa kami na mahahanap na namin ang lalaking magpapatunay sa amin ng totoong ibig sabihin ng pagmamahal.”
“Yeah.” Ngumiti si Mong.
“`Wag mo kong i-yeah. Quotes `yong sinabi ko kaya i-tweet mo na.”
“Ay, itu-tweet ko ba `yon? Teka, wala pa akong Twitter. Gagawa pa lang mamaya. Sa bahay ko na lang itu-tweet,” natatawa niyang sagot.
“Push mo `yan,” sabi ko. “Magbabanyo na pala ako.”
Bibitawan na sana ni Mong ang kamay ko pero nagsalita muna uli siya. “Sige. Pero ipangako mong kapag lumabas ka ng banyo ay tayo pa rin, ah?”
“Oo nga! Ang kulit mo,” iritado kong sagot.
“Naniniguro lang.” Napanguso si Mong habang dahan-dahang binibitawan ang kamay ko.
Napangiti na lang ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa loob ng banyo.
Pumasok agad ako sa loob ng cubicle dahil taeng-tae na talaga ako, Diary. Ang dami ko kasing nakain na saging kaya biglang sumakit ang tiyan ko. Mabilisan na akong naghubad ng palda at panty ko saka isinabit sa itaas ng cubicle.
Napalakas yata ang pagsabit ko dahil ang palda ko lang ang nailagay ko habang ang panty ko naman ay nahulog sa kabilang cubicle.
Hays! Nakakainis naman. Mamaya na nga kita kukunin. Hindi ko na matiis ang sakit ng tiyan ko, eh.
“Miss, like ewww lang. `Yong color black na panty mo nahulog dito, o.”
Biglang may nagsalita sa kabilang cubicle, Diary. Parang kilala ko ang boses na `yon pero hindi ko na inalala kung sino siya dahil nakaupo na ako sa inidoro at naglalabas ng sama ng loob.
“`Wag kang bobo, Miss,” nahihirapang sagot ko. Nahihirapan na nga akong umiri `tapos kinakausap pa ako. “Color blind ka lang, `no? Kulay-puti `yang panty ko, hindi black.”
“Ay, I thought color black `to. Nangitim lang pala dahil siguro sa tagal mo nang gamit `to. Eww lang,” sagot niya at sigurado akong nag-roll eyes pa ang punyeta na `yan kung sino man siya.
Hindi na ako sumagot at nag-concentrate na lang ako sa pag-iri ko, Diary. Naloloka ako sa mga dumi ko, Diary. Buo-buong saging pa ang mga nailalabas ko sa inidoro. `Yong iba may balat pa. Shutang inerns na Mong `to. Hindi ko na napansin na may balat pa pala ang pinapakain sa akin. Gano’n ba ako kapatay-gutom sa paborito kong prutas?
“Girl, kumusta ka na diyan?” Bigla na namang nagsalita ang babae sa kabilang cubicle.
Napasimangot tuloy ako dahil panira siya ng konsentrasyon ko. “Ayos lang ako, `te. Ang hirap dumumi. Buo-buong saging ang nailalabas ko,” naiinis na sagot ko saka umiri nang malakas na may kasamang malakas na utot.
“Ang hirap, `no? Nahihirapan nga rin ako, eh. Anyway, kumusta na kayo? Kayo pa ba?” tanong niya.
“Sobrang hirap, `te,” sagot ko. “Hirap na hirap ako. Saka kumusta kami? Ng bago kong boyfriend ba? Ayos lang naman. Bago lang kami kaya smooth pa ang relasyon namin.”
O, `di ba, Diary? Halos lahat ng tao sa school, alam na kami na ni Monjie. Kahit kasi si Girl na nasa kabilang cubicle na mukhang dumudumi rin ay alam, eh. Famous pala `tong si Boyfriend ko, eh. Marami siguro siyang likers at followers sa Facebook. Hindi pa kasi kami friends kaya hindi ko pa alam. Mamaya nga ia-add ko siya para mai-tag ko rin siya sa mga ipo-post kong selfie ko.
Pamparami din ng likes kapag tina-tag mo ang mga famous sa picture at status mo, eh. Magse-send din pala ako ng relationship request kay Monjie para alam nilang taken na ang lalaking nilalandi nila.
“`And’yan na ba si Sir, girl? Matatapos na ako dito sa banyo.” Nagsalita na naman si Girl sa kabilang cubicle, Diary. Mukhang gusto niyang may kausap habang naglalabas ng sama ng loob, ah.
“Wala si Sir dito, girl. Pambabaeng banyo `to at bawal ang lalaki. Matatapos na rin ako,” sagot ko.
“Mamaya na nga tayo mag-usap, girl. May epal na babae sa kabilang cubicle na sagot nang sagot sa mga tanong ko sa `yo, eh. Sige, babalik na ako diyan sa classroom,” sabi ng babaeng nasa kabilang cubicle at may narinig akong pag-flush ng inidoro. Mukhang lumabas na siya.
Saka ko lang na-realize na hindi pala ako ang kausap ni Gaga, kundi may kausap siyang iba sa cell phone niya. Shutang inerns , Diary. Nakakahiya. Akala ko ako ang kausap ng futa na `yon kaya panay ang sagot ko. Buwisit! Napahiya ako do’n, ah? `Di bale, hindi naman niya ako kilala, eh. Dedma na lang paglabas ng banyo.
Natapos na akong dumumi, Diary, kaya naghugas na ako ng aking puwit. May kaunting tubig sa baldeng nasa gilid ko kaya `yon na ang ipinanghugas ko. Pagbukas ko ng gripo, walang lumabas na tubig. Shutang ina . Paano ako maghuhugas ng kamay ko? Inamoy ko bigla ang kamay ko . Shuta! Amoy erna pa, Diary. OMG! Sana may tubig sa labas.
Kinuha ko na ang palda ko na nakasampay nang maalala kong nahulog pala sa kabilang cubicle ang panty ko. Okay, Diary. Paano `to? Paano ko kukunin ang panty ko sa kabila?
Sinilip ko muna si Girl na punyeta kung nasa labas pa at `ando’n pa nga siya, nagre-retouch ng makeup niya.
Hinga ng malalim, Pipay.
Isinuot ko muna ang palda ko kahit wala munang panty saka lumabas ng cubicle. Agad akong nagtungo sa kabila at kinuha ang panty ko at agad na isinuot `yon.
Pagkasuot ko, sakto namang lumabas na ng banyo si Girl. Napahinga ako nang malalim dahil do’n. Mabilis akong pumunta sa lababo para maghugas ng kamay. Pagbukas ko ng gripo ay wala ring lumalabas na tubig.
Futa talaga. Kapag minamalas ka nga naman, o! Tiningnan ko rin ang lagayan ng tissue kung merong laman pero wala. Shutang inamerns overload. Paano ang kamay ko nito?
Inamoy ko uli ang kamay ko at bigla `tong inilayo. Ang baho! Kinginang `yan.
Dedma na nga lang!
Lumabas ako ng banyo nang hindi naghuhugas ng kamay. Naabutan ko si Monjie na nasa gilid ng pintuan at matiyaga akong hinihintay. Nakatingala pa siya at parang ang lalim ng iniisip. Pero ngumiti naman siya agad nang makita ako.
“Ano, tayo pa rin ba?” tanong niya sa akin.
“Kapag sinabi ko bang hindi na, ano’ng gagawin mo?” pagbibiro ko.
“Nasa fourth floor tayo ng building kaya tatalon na lang ako mula dito sa itaas,” sabi niya habang itinuturo ang pagtatalunan niya. “Para isang sakitan na lang. `Ge, tatalon na ako.”
Mabilisan ko siyang hinawakan sa kamay. “Joke lang! Ang arte nito,” natatawa kong sabi.
“`Wag mo kasi akong bibiruin nang gano’n. Masakit kaya. Tumatagos ang sakit sa matigas kong abs.” Itinaas pa niya ang polo niya para ipakita sa `kin ang abs niya. Ang tigas, Diary.
“Tara na,” sabi ko saka naunang maglakad. Mauuna na ako para hindi hawakan ni Mong ang kamay kong nangangamoy tae pa rin.
Pero ang malas lang dahil mabilis siyang tumabi sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinisil-pisil pa niya `yon habang nakatingin sa akin na may malapad na ngiti sa mga labi.
“Ang lambot ng kamay mo, girlfriend ko,” sabi niya habang patuloy pa rin siya sa pagpisil sa kamay ko. “Ang sarap pisilin.”
Sige! Pisilin mo lang `tapos amuyin mo para malaman mo kung ano’ng amoy. Iyan sana ang sasabihin ko pero `wag na lang. Hayaan na lang natin si Mong na mahawa sa mabahong amoy ng kamay ko. Tutal naman, love niya ako, `di ba? `Ayan, mahalin niya rin ang kamay kong nangangamoy tae. LOL!
Habang naglalakad kami papunta sa classroom ay tinanong ko si Mong ng random question.
“Mong, saan malapit ang puso mo?”
“Sa lungs,” seryoso niyang sagot.
Na-disappoint ako dahil akala ko nasa akin ang sasabihin niya. Hays! Umasa pa kasi ako, eh. `Wag kasing umaasa. Nakakamatay `yan.
“Ay, akala ko sa akin...” nag-iinarteng sagot ko.
“Kaya nga. Sa `yo lungs. ” Tumingin siya sa akin saka ngumisi.
Pakshet! Mga banat ng mongoloid na `to, eh!
Nagtawanan na naman tuloy kaming dalawa habang magkahawak-kamay na naglalakad.
Hmm, bahala ka na lang, Mong, kung maamoy mo mamaya ang kamay mo. `Hilig mo sa holding hands, eh.
Papasok muna ako, Diary. Kuwentuhan kita later. Mwa, mwa!
Happy and contented,
Pipay
MIMAY’S POV
Yes! Thank you, Author. Ehem, ang ganda—
PRINCE’S POV
Mahal na mahal talaga ako ni Author dahil binigyan niya na naman ako ng exposure. Anyway, sumakit talaga ang tiyan ko nang ilang araw dahil doon sa kinain kong lugaw kina Aling Nena. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa tiyan ko kaya sumakit. Siguro, masyado lang akong nasarapan sa lugaw na iyon kaya hindi nakayanan ng tiyan ko. Grabe, men. Ang sarap talaga ng lugaw nila. Lalo na `yong lugaw na may pasas? Shet ! Kakaiba ang lasa. Maalat pero suwabe ang hagod sa lalamunan. Babalik nga ako doon kapag may time para makakain uli.
Nasaan pala ako ngayon? Naglilibot ako sa bayan dahil katatapos ko lang tumambay sa bake shop na paborito kong kainan ng strawberry cake. Bumili pa nga ako ng half roll dahil nabitin ako kanina, eh.
Hindi ko paborito ang strawberry cake, ah? Hindi talaga, promise.
Habang nililibot ko ng tingin ang paligid, bigla akong may nakitang lalaki. Si Josh. Pero may kasama siyang babaeng tisay na mahaba ang buhok.
Lumakad ako para puntahan siya dahil bigla kong naisip na baka iyon ang sinasabi ni Pipay na ipinalit sa kanya ni Josh. Ito na rin ang tamang panahon para makausap ko siya nang seryoso. Kailangan ko ng matinong paliwanag sa ginawa niya at tamang-tama dahil kasama niya pa ang babaeng iyon. Kailangan nilang magpaliwanag habang kinakain ko sa harap nila ang strawberry cake ko. Can’t wait!
“Josh!” tawag ko sa pangalan ni Josh nang mapansin kong papasok sila ng ospital.
Tumigil ako at mabuti na lang at napalingon si Josh sa akin pati ang babaeng kasama niya.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Ano’ng gagawin nila sa ospital? Sawa na ba sila sa motel kaya sa ospital naman sila gagawa ng kalaswaan? Ganyan na ba ang utak ni Josh ngayon? Naku, malala na ang isang ito.
“Bakit?” tanong ni Josh nang makalapit ako.
Napansin kong ang laki ng ipinayat ni Josh at parang pagod ang hitsura niya. Masyado na siyang haggard. Lagi ba siyang pagod dahil sa babaeng ito?
“Ano’ng gagawin mo d’yan?” turo ko sa ospital. “Saka sino `yang kasama mo?”
Sasagot na sana si Josh pero biglang nagsalita ang babaeng maputi na may mahabang buhok.
“I’m Monica and you are?” masayang sagot niya sa akin at naglahad pa ng kamay para makipag-shake hands. Nag-beautiful eyes pa siya.
Nagpapa-cute ba siya sa akin?
“I’m Prince,” matipid kong sagot saka nakipag-shake hands.
“OMG! Baka ikaw ang Prince ko sa kuwentong `to.”
Walanghiya! Binitiwan ko agad ang kamay niya at muling tinanong si Josh.
“Siya ba ang girlfriend mo?” Napaiwas naman ng tingin si Josh at napalunok. “Siya ba ang ipinalit mo kay Pipay?” Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Monica na biglang natawa.
“So, kilala mo rin pala ang monkey na `yon na gumanda lang, feeling tao na,” maarte niyang sagot sabay halukipkip. “`Wag mong sabihing isa ka rin sa nababaliw do’n?”
“First love namin ni Pipay ang isa’t isa,” proud na sagot ko. “At oo, tama ka. Isa rin ako sa nababaliw sa kanya sa kuwentong `to.”
“What’s wrong with you, guys? Ang guguwapo n’yo naman pero nababaliw kayo sa isang babaeng-unggoy na nag-evolve lang.”
Napangisi ako. “Mas okay na `yon kaysa mabaliw sa isang babaeng maganda nga pero mas masahol pa sa animal ang ugali. Hindi ba?”
“Whatever.” She rolled her eyes. “Josh, tara na. Oras na ng checkup.” Humawak siya sa braso ni Josh.
“Anong checkup? Hindi ba check in ang gagawin n’yo d’yan?” naguguluhang tanong ko sa kanilang dalawa.
“Duh? Ospital `to kaya checkup. Sa motel ang check in.” Tiningnan ako ni Monica mula ulo hanggang paa saka natawa. “Ang guwapo nga pero ang bobo. My God.”
`Sarap suntukin sa mukha ng babaeng ito.
“Sige, p’re. Una na kami,” sabi ni Josh. “Sasabihin ko sa `yo ang lahat mamaya kaya hintayin mo ako.” Tumalikod na si Josh at pumasok na silang dalawa ni Monica sa loob ng ospital
Ito ang hinihintay ko para malaman ang lahat-lahat. Kaya hihintayin ko si Josh para maliwanagan ako sa mga nangyayari.
Umupo ako sa gilid ng ospital saka inilabas sa karton ang strawberry cake. Kakainin ko muna `to habang hinihintay si Josh.