noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 15

Ch. 16 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #15

Dear Diary,

Hindi na ako pumasok ng afternoon class ko, Diary, dahil sa nakita ko. I know na masamang mag-cutting classes dahil ipinangako ko kay Itay na magiging mabuti akong student, pero I can’t help it. Para kasing sasabog sa sobrang sakit ang dibdib ko habang nakaupo ako sa loob ng classroom. Tulala lang ako habang iniisip ang nangyari. Pakiramdam ko maluluto at mapiprito na ako sa kalungkutan kaya I chose to go home na lang, Diary.

Habang nasa tricycle ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ang bigat sa dibdib dahil sa mga nangyayari sa relasyon namin ni Josh lately. Bakit pakiramdam ko, unti-unti na niya akong iniiwan? `Di ba, dapat magpaliwanag siya sa akin dahil sa nasaksihan kong kababuyan nilang dalawa ni Monicalandi? Pero bakit wala man lang siya ginagawang paraan para magkausap kaming dalawa? Hindi tulad ng dati na lahat ng way ginagawa niya para mapatawad ko lang siya.

Oo, iniiwasan ko siya. Hindi pa kasi ako handang kausapin siya, Diary. Pero bakit parang wala lang sa kanya ang lahat? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa mga nangyayari sa aming dalawa ngayon? Shutang inerns , Diary. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari ngayon sa aming dalawa. Utang-na-labas, Diary. Pakihampas ako ng flourescent lamp sa bumbunan ko para maliwanagan ako.

Sobrang sakit na nang makita ko si Josh na nakahubad at nakapatong sa hubad na katawan ni Monicalandi. At mas masakit pa `yon sa naipit na buhok ng pempem ko sa panty ko. `Tapos makikita ko pang si Monicalantod ang kasama niya habang inaalalayan siya palabas ng clinic? Aba, may plano ba talaga si Josh na mamatay ako dahil sa sobrang selos, galit at inis? Kung meron, sabihin lang niya. Iinumin ko na lang ang pH Care ko. Joke only! Sayang ang pH Care. Mawawalan pa ako ng shampoo.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Inay na nasa garden namin at nagpa-practice. Meron na siyang punching bag na gawa sa sako na may lamang mga buhangin.

“Wow! Ang aga ng anak kong shunga, ah,” sabi niya nang makita akong papasok ng gate. “O, bakit lukot na lukot `yang mukha mo? Anong nangyari?”

“Wala, Inay,” sagot ko saka lumapit sa punching bag. “Walang nangyari, Inay. Wala talaga. Wala akong nakitang ibang babae na kasama ang boyfriend ko habang inaalalayan siya palabas ng clinic.” Saka ako bumwelo at sinuntok ang punching bag na nakasabit sa puno. Inisip kong pagmumukha ni Monicalantodharotputapakarat ang punching bag. Inilabas ko ang lahat ng galit ko kaya biglang tumagos ang kamay ko at nawasak ang punching bag. Lumabas ang mga buhangin sa butas na ginawa ng suntok ko.

“WOW!” sabi ni Inay na hindi makapaniwala sa nakita niya. “Hindi lang mabaho ang pempem mo, anak. Malakas ka ring sumuntok. Manang-mana ka talaga sa akin.”

“Mana ako sa `yo, `Nay?” tanong ko. “Mabaho rin pempem mo?”

“Hindi, `oy!” mabilis niyang sagot. “Hindi mabaho ang pempem ko dahil naghuhugas naman ako ng pempem four time a week.”

“Lamang ka lang ng isa sa akin, Inay. Ang hugas ng pempem ko, three times a week lang.”

“Kaya pala iba amoy ng iyo, anak. Mabagsik, eh,” sabi ni Inay. “`Nak, may miniboxing na gaganapin sa plaza. Baka gusto mong sumali? `Lakas mong sumuntok, eh.”

“Wala akong interest sa boxing chuchu na `yan, Inay,” walang gana kong sagot. “Papasok na ako sa loob. Masakit ang buong katawan ko lalo na ang puso ko.”

“Ano, masakit puki mo?” gulat na tanong ni Inay.

“Puso, Inay. Puso!” sigaw ko. “`Ayan, nabibingi na kayo. Kakasapak `yan sa tainga n’yo, eh.”

“Hindi ako bingi, gaga ka.” Inirapan ako ni Inay habang inaayos niya ang suot niyang boxing gloves.

Hindi raw bingi. `Sus! Hitsura mo, Inay.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin saka dumeretso sa kuwarto ko. Inilapag ko muna sa sahig ang bag ko saka nagsimulang maghalukay ng damit pamalit. Habang naghahalukay sa baul kung saan nakalagay ang mga damit ko, nakuha ko ang jersey shirt ni Josh. Kinuha ko iyon saka inamoy.

“Amoy na amoy ni Josh,” sabi ko sa sarili ko saka iyon niyakap nang mahigpit. “ Shutang inames . Ang bango ng boyfriend ko. Oops, boyfriend ko pa nga ba?” Natawa na lang ako nang mapakla dahil sa sinabi ko.

Isinuot ko ang jersey shirt ni Josh para naman kahit papaano, kahit dito lang sa shirt na `to ay maramdaman kong akin pa rin si Josh. Shet lang, Diary. Bakit ako nagkakaroon ng ganitong pakiramdam? Ako ang girlfriend, eh. Dapat hindi ako magkaroon ng selos sa katawan. Ako ang nagmamay-ari kay Josh at hindi si Monicalandipakaratnaputapa.

Humiga muna ako sa kama saka tumitig sa kisame na pulos sapot ng gagamba. Sa totoo lang, Diary, hindi ko masyadong iniisip ang pakikipagsiping ni Josh kay Monica, eh. Shet. Patola lang `yan. Kung gusto ni Monicalandi, kanya na ang patola ni Josh. Lunukin niya nang buong-buo at isaksak pa niya sa apdo niya.

Mas pipiliin ko pa rin ang puso at ang pagmamahal ni Josh. Oo, gusto ko, ako ang makakauna kay Josh at siya rin ang makakauna sa akin. Ito naman ang bawat hiling ng mga babae, `di ba? Ang maging una’t huli ng lalaking mahal nila.

Hindi ko masyado iniisip ang nangyari kahit na ang sakit-sakit para sa akin. Ang babae kasi, kahit gaano nila sabihing galit sila sa taong mahal nila, hanggang salita lang sila. Kahit gaano karaming kasalanan ang gawin ng lalaking mahal nila, malulusaw agad ang galit nila. Mas mahina talaga ang babae kapag nagmamahal.

Shutang inames. Bakit kasi sa relasyon namin ni Josh ako ang mas nagmamahal? Ako tuloy ang mas nasasaktan ngayon. At lalo pang nasasaktan dahil parang walang pakialam si Josh.

I love you, Josh, even when I hate you.

No, Pipay. `Wag kang papayag na mawala sa `yo si Josh. Ipaglaban mo ang karapatan mo. Katawan lang ang nakuha kay Josh at hindi ang puso niya. Ilang buwan na kayo ni Josh samantalang sila ni Monicalandi ay sandali pa lang magkakilala. Marahil, nilandi lang ni Monica si Josh.

After all, Pipay, lalaki si Josh. Lalaki na hindi makakatakas sa tukso.

Sige lang, Pipay. Lokohin mo ang sarili mo. Ito lang ang masasabi ko sa `yo, kung mahal ka talaga ng isang lalaki, kahit harangin pa `yan ng sangkaterbang babaeng nakahubad, ipipikit niya lang ang mga mata niya saka maglalakad palayo. Dahil alam niyang masasaktan ka kapag pumatol siya sa iba.

Agad akong naluha nang marinig kong nagsalita ang kosiyensiya ko.

Hindi ba ako naaawa sa sarili ko? Mukhang niloloko na nga ako ni Josh `tapos lolokohin ko pa rin ang sarili ko. Ginawa ko namang DotA ang pagpaparusa sa sarili ko. Double kill, pakshet.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko para i-text si Josh. Kailangan na naming pag-usapan ang nangyayari sa aming dalawa. Kung anong plano niya, eh, di tatanggapin ko. Kaysa naman clueless ako sa mga nangyayari.

Josh, magkita tayo sa kanto namin bago mag-alas-sais. Kailangan na natin pag-usapan ang lahat. Pumunta ka or else break na tayo.

`Yan ang text ko sa kanya. Ilang minuto na akong nakatitig sa cell phone ko pero wala pa rin siyang reply. Napaisip tuloy ako kung nabasa niya ba ang text ko since may black eye siya.

Bahala siya sa buhay niya. Kung hindi siya pumunta, bahala na talaga siya sa buhay niya.

Nag-DotA muna ako para aliwin ang sarili ko. Nakailang laro ako pero laging talo. Paano, lagi kong sinusulyapan ang cell phone ko kung may reply na ba ang magaling na si Josh. Lumipas na ang maghapon pero wala pa rin siyang reply. Mukhang wala siyang balak magpakita, ah.

Nag-ayos na ako nang makita kong malapit nang mag-alas-singko. Papasok na ako sa trabaho ko after naming mag-usap ni Josh kung pupunta siya.

Papalabas na ako ng bahay nang maabutan ko si Inay na nagpu-push up naman.

“Inay, papasok na ako. Anong ginagawa n’yo diyan?” tanong ko sa kanya.

“Nagpu-push up. Para ma-maintain ko ang abs ko sa tiyan.” Ipinakita pa niya ang abs niya.

Tumawa ako. “Sobra-sobra na `yang abs n’yo, Inay. `Yong ibang abs n’yo nga napunta na sa mukha, eh.”

“Aba! Punyatera ka talagang Pilar ka.”

Tumakbo na ako palabas nang buhatin ni Inay ang upuang bakal para ibato sa akin.

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko habang naglalakad ako papunta sa kanto namin. Kinakabahan kasi ako kung sisipot ba si Josh o hindi. Kung sumipot siya, ibig sabihin ay ayaw niyang maghiwalay kami. Pero kung hindi siya sumipot, sige lang, Diary. Tatanggapin ko nang buo na hiwalay na kaming dalawa.

Ang relasyon ay kailangan ng isang matinong pag-uusap pero kung ayaw niyang makipag-usap, fine, I won’t waste my time.

Papalapit na ako sa kanto nang matanaw ko si Josh na nakasakay sa motor niya. Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Monicalandi at hawak pa nito ang helmet ko na may VE sa likod...

“Pipay, binilhan kita ng helmet,” sabi niya sa akin saka ipinakita ang pink na helmet na hawak niya. “Terno tayo ng design. Letter LO ang nasa likod ng helmet ko.” Ipinakita ni Josh ang design ng helmet niya. “Samantalang sa `yo, VE naman.”

“Bakit LO sa `yo at VE ang sa akin?” tanong ko.

“Kasi hindi mabubuo ang ‘LOVE’ kapag walang LO ang VE. Parang tayong dalawa, paano na ako kapag walang ikaw?” seryoso niyang sagot sa akin.

Agad kong naalala ang araw na iyon, Diary. Sabi niya, paano raw siya kung walang ako? Pero parang ang nangyayari ngayon ay paano ako kung wala na si Josh?

Tumigil ka nga, Pipay. Siguro sumama lang si Monica para mag-sorry sa `yo. Gentleman si Josh kaya pinasuot niya lang kay Monica `yong helmet. Gano’n `yon, `di ba? Positive thinker ako kaya alam kong gano’n `yon.

Tama, Pipay. Tama ka.

Itinext ko muna si Mong bago lapitan sina Josh.

Mong, where are you? Hintayin mo ako sa sakayan ng jeep, please?

Itatago ko pa lang sana ang cell phone ko nang mag-vibrate agad iyon. May reply galing kay Mong.

Hindi mo na kailangang mag-text. Kanina pa kita hinihintay dito. :)

Hindi na ako nag-reply at itinago na lang ang cell phone ko sa loob ng panty ko.

Ngiting-ngiti ako nang puntahan ko sina Josh at Monicalandi. Lumapit agad ako kay Josh saka siya hinalikan sa mga labi para ipakita kay Monica na pag-aari ko si Josh. Walang sa kanya, akin lang ang boyfriend ko.

“Hi, Josh ko. Kumusta? Ano’ng nangyari sa `yo at bakit may black eye ka sa mukha? `Di bale, guwapo ka pa rin. Hihihi,” sabi ko kay Josh. Sinubukan kong maging usual self ko na masayahin sa harap ni Josh.

Napansin kong napataas lang ang kilay ni Monica sa akin.

“May tarantado lang na bumugbog sa akin,” malamig na sagot ni Josh habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. At wala ni anong emosyon akong nakita sa mga iyon.

“Ehemm,” singit ni Monica.

Mabilis na hinila paalis ni Josh ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

“Aalis na muna ako. Doon lang ako sa 7Eleven. Tapusin mo na `yan, Josh.” Ngumisi si Monica sa kanya bago umalis.

Napatango na lang si Josh.

Naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa ni Josh. Parehas kaming tahimik. Nakatingin ako sa mukha niya habang siya naman ay nakatingin kay Monica bago pumasok sa loob ng 7Eleven. Nag-flying kiss pa ang gaga bago tuluyang pumasok. Ngumiti lang si Josh sa kanya habang patago ko siyang pinakyu.

Kumirot ang puso ko dahil sa ngiti ni Josh kay Monica. Parang kailan lang, ako ang nginingitian niya nang gano’n.

“So,” pagbasag ko sa katahimikan. “Kumusta?” Pagkatapos ay ngumiti ako.

Binalingan na ako ni Josh. “So, anong gusto mong pag-usapan natin?” deretsang tanong niya.

Nagulat ako, Diary. Nagulat ako dahil sa panlalamig niya. Si Josh ba talaga `to?

“Wala ka bang balak mag-explain, Josh? Wala ka bang balak na mag-sorry dahil sa nakita ko no’ng nakaraan?” seryosong tanong ko sa kanya.

“Kung magso-sorry ako, Pipay, may magbabago ba? Nasaktan ka na, eh. Matatanggal ko ba ang sakit na naramdaman mo?” Ngumisi si Josh. `Yong ngising sarcastic na nagsasabing, “Mag-sorry-ka-mag-isa-mo.”

“Pero, at least, `di ba, kailangan mo `yon? Boyfriend kita, eh. Kailangan mong mag-explain,” sabi ko sa kanya. “Ayusin natin `to, Josh. `Wag nating hayaang masira ang relasyon natin. Seventh monthsary na natin next week, o. Magse-celebrate tayo, `di ba? Sabi mo dati mag-e-Echanted Kingdom tayo kapag seventh monthsary natin?” nakangiti kong sabi sa kanya.

Napalunok si Josh. “Wala nang monthsary. Change of plans. Ayoko na, Pipay,” seryoso niyang sagot na hindi man lang kumukurap. “Itigil na natin `to.”

Biglang sumikip ang dibdib ko. “Itigil na natin `tong pag-uusap? Sige. Mukhang pagod ka, eh.”

“Hindi `yon ang tinutukoy ko,” mabilis niyang supalpal sa akin. “Itigil na natin `tong relasyon na `to. Wala nang patutunguhan `to, eh. Ilang beses na akong nagloko, Pipay. Ilang beses na kitang nasaktan at napaiyak. Tama na. Maawa ka na sa sarili mo.”

Tuluyan nang nangilid ang mga luha ko. Pinipigilan ko lang na `wag tumulo. “Joke lang `to, Josh, `di ba? Pakshet. Ang benta ng joke. Hahaha!” Nagawa ko pang tumawa para pigilan lang ang mga luha ko.

“Pipay, makinig ka.” Hinawakan ni Josh ang magkabilang-balikat ko. “Ayoko na. Tama na. Itigil na natin `tong relasyon na `to. Pulos sakit na lang ang nararamdaman mo sa `kin, eh. I don’t deserve you. Hindi na healthy ang isang relasyon na pulos sakit at pag-iyak na lang ang nararamdaman mo sa akin, okay? Naisip ko lang na bata pa tayo. Bata pa tayo.

“`Wag muna tayong magseryoso sa isang bagay dahil mas marami pang oportunidad na darating. Marami kang pangarap, Pipay. Marami din akong pangarap. `Wag tayong papayag na matali sa isang bagay na magiging hadlang sa pag-abot ng pangarap natin.”

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. “Magiging hadlang sa pag-abot ng pangarap mo? Ako ba ang tinutukoy mo diyan, Josh?” Pekeng natawa ako. Tumulo na rin ang mga luha ko. “All this time, Josh, kapag nangangarap ako kasama ka sa pangarap ko. `Tapos ikaw, nangangarap ka na ngayon para sa sarili mo? Si Monica ba ang tinutukoy mong oportunidad na `yan?”

Nag-iwas siya ng tingin.

Lalo akong natawa. “Ang pangit ng breakup scene natin, Josh. Sobrang pangit. Pero thank you na rin dahil naliwanagan ako. Pakshet. Iniisip ko pa lang na maghihiwalay tayo dati, hindi ko na kaya. Mas masakit pala kapag totoo nang nangyari.”

“Sorry, Pipay. Sorry kung hanggang dito na lang talaga tayo.” Hindi siya makatingin nang deresto sa akin.

“`Wag kang mag-sorry, Josh,” sabi ko sa kanya. “Dapat magpasalamat ka. Thank you, Josh. Thank you dahil nakaabot tayo ng anim na buwan. Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa’t isa. Kahit pala mahal na mahal mo ang isang tao, darating din ang point na magsasawa siya sa `yo.

“Basta tandaan mo lang, Josh, na ikaw ang bumitaw at hindi ako. To the pempem and back? Shutang inerns . `Sarap mong sampalin ng pempem and back and forth ngayon.”

Napayuko si Josh.

“Masarap ba si Monica kaya siya ang pinili mo at hindi ako? Puwes, isang araw gigising ka na lang na magsisisi ka dahil siya ang pinili mo’t hindi ako. Pero kapag nangyari `yon, tatawanan kita kasama ang lalaking bago kong mahal.”

Hinawakan ko si Josh sa balikat. “Sana lang mahalin ka ni Monica gaya ng pagmamahal ko sa `yo. Sana lang kaya niyang higitan ang pagmamahal na ibinigay ko sa `yo.”

Tumalikod na ako saka pinunasan ang mga luha ko. Humarap din ako sa kanya pagkatapos. “I fell for you, what a stupid mistake that turned out to be.”

“Quotes ba `yan?” tanong niya.

“Oo! Paki-tweet, ah. `Wag ka nang mag-inarte tutal nakikipag-break ka na,” bulyaw ko pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. “Puwede bang halikan mo ako sa huling pagkakataon, Josh? Kahit ngayon lang. Kahit huling beses na.”

Walang sinayang na oras si Josh kaya agad niya akong hinalikan sa mga labi. Naramdaman ko pang ipinasok niya ang dila niya sa bibig ko.

Shet! Malalasahan niya ang tartar ko!

“Thank you, Josh,” sabi ko sa kanya pagkatapos maghiwalay ng aming mga labi. “The first cut is the deepest but I assure you, makakalimutan ko rin `to. Thank you for loving me.”

Magsasalita pa sana si Josh pero agad niyang itinikom ang kanyang bibig. Nakita ko ring pilit pinipigilan ni Josh ang mga luha niya.

Nasasaktan ba si Josh kaya siya naiiyak? O nasisiyahan siya dahil finally wala na ako sa buhay niya? O baka naman naluluha siya dahil hindi siya nasarapan sa lasa ng tartar ko?

Napatingin kaming dalawa ni Josh kay Monica na kalalabas lang sa 7Eleven.

“Alis na kami. Good-bye, Pipay. Ingatan mo ang sarili mo,” sabi ni Josh saka umalis sa harap ko sakay ng motor niya. Dinaanan niya si Monica sa 7Eleven. Ngumisi pa si Monica sa akin saka yumakap kay Josh nang mahigpit.

Letse kayo. Maaksidente sana kayo.

Akala ko pumunta si Josh dahil natatakot siyang maghiwalay kami. `Yon pala, pumunta siya para hiwalayan ako nang tuluyan.

Hay, that’s life. Masakit siyempre na naghiwalay kami pero wala akong magagawa. Lalaki lang `yan. `Daming lalaki sa Earth.

Pero, Diary, may na-realize ako. I realized that when you have a good heart, you help too much. You trust too much. You give too much. You love too much and you end up being hurt the most.

Single again,

Pipay