Malandi #30
Dear Diary,
May isang oras na ang lumipas pero hindi kami nag-iimikang dalawa ni Josh, Diary. `Andito pa rin kami sa lugawan ni Aling Nena habang nakaupo sa isang mahabang upuan. Nasa dulo ako habang nasa kabilang dulo naman si Josh na malayo ang tingin at parang may malalim na iniisip. Plus, patuloy lang din siyang bumubuntong-hininga sa bawat minutong lumilipas na parang may gustong sabihin pero hindi niya kaya.
Napatitig ako sa mukha ni Josh. Unti-unti nang tumutubo ang bigote niya. Bakit kaya hindi niya inaahit? Samantalang dati, ayaw na ayaw niyang tinutubuan siya n’on dahil daw nagmumukha siyang matanda, Diary. Pero ngayon, kaunti na lang tuluyan na silang hahaba at magmumukha na siyang matanda.
Bigla tuloy akong napaisip na kung sa bakal na krus kaya ni Josh ay mahaba na rin ang buhok? Hmm... Itanong ko kaya?
Kapansin-pansin din ang pagpayat ni Josh, Diary. Wala na ang medyo matabang pisngi ni Josh na palagi kong pinipisil dati kapag nanggigigil ako sa kanya. Hindi ba siya inaalagan ni MonicalandinapokpokngSOGOuniversity para pumayat siya nang ganyan? O, baka naman sadyang puspusan lang talaga ang practice nila kaya pumayat siya?
Marahil `yon nga talaga ang dahilan.
Biglang napatingin sa akin si Josh kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ngumiti lang siya pero hindi `yon umabot sa mga mata nya.
Napatitig din ako sa mga mata ni Josh pero wala na ang dating kislap n’on. They were gloomy and... sad. Wala na ang mga matang punong-puno ng kaligayahan at sigla.
“Magdadalawang oras na kayong nakatambay dito pero hindi naman kayo umo-order. Enebe , umalis na lang kayo kung hindi kayo bibili,” mataray na sabi ni Aling Nena sa aming dalawa ni Josh. Pabagsak pa niyang inilagay ang tray sa harap namin.
“Ang taray, akala mo naman ang sarap ng tinda,” bulong ko saka napatingin kay Josh. Magsasalita sana ako nang mapansin kong kinuha niya ang wallet niya mula sa bulsa.
“O, `eto po. One thousand `yan. Sapat na siguro `yan para hayaan n’yo kaming tumambay dito hanggang sa gusto namin?” tanong ni Josh kay Aling Nena saka inilapag ang one thousand bill sa mesa.
Nagningning naman at nagmukhang peso sign ang mga mata ni Aling Nena. Dali-dali niyang kinuha ang pera at hinalikan pa. “Sure, tambay lang pala, eh. Kahit matulog pa kayo d’yan ayos lang,” masiglang sabi ni Aling Nena na mukhang pera. Iniwan na niya kaming dalawa ni Josh at muling pumasok sa kusina.
“Mukhang pera. `Kainis,” bulong ko.
Bigla kong narinig na tumawa si Josh. Napatingin ako sa kanya.
Ipapasok na sana niya ang wallet niya sa bulsa nang biglang dumulas ito sa kamay niya at nakabuklat na nahulog sa sahig. Napatingin ako sa wallet niya dahil `yon ang ibinigay ko sa kanyang wallet no’ng may naglalakong bente-bente sa street namin. Bumili ako ng isang kulay-pink at isang kulay-blue. Kulay-blue ay ibinigay ko sa kanya. Pero nang makita ko ang picture na nakalagay, biglang may kumurot sa dibdib ko. Hindi na picture naming dalawa ang naka-display do’n. Kundi, picture na nilang dalawa ni Monica. Nakaakbay sa kanya si Monica at nakahalik sa pisngi habang nakapikit pa. Habang si Josh naman ay tipid lang na nakangiti.
Mabilisang kinuha ni Josh ang wallet niya saka itinago.
Too late, Josh. Nakita ko na. Wala ka nang dahilan para itago pa sa akin `yon. Saka hindi naman ako magagalit, eh. Wala akong karapatang magalit dahil matagal nang tapos ang relasyon nating dalawa.
Gusto ko sanang sabihin kay Josh `yon pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Nanahimik na lang ako at napaiwas ng tingin dahil sa nakita ko.
“Bakit ka nga pala pumunta dito? Hindi naman ikaw ang ine-expect kong pupunta, eh,” matabang na tanong ko habang hindi pa rin siya tinitignan.
Ramdam na ramdam kong nakatitig si Josh sa akin dahil tumataas ang mga balahibo ko.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “A-ano... Gusto lang kitang kumustahin,” mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.
Napatingin ako sa kanya saka natawa nang mapakla. “`Wag tayong maggaguhan, puwede ba? Hindi ka pupunta dito para kumustahin ako, Josh. Tell me, ano pa ba’ng kailangan mo? Kung pagsasabihan mo na naman ako dahil kinanti ko ang girlfriend mo, go ahead. Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ako ang nagsimula kundi siya.”
“No, hindi `yan,” mabilis niyang sagot. “Gusto ko lang itanong na...”
“Na?”
“Na ano...” Napapikit si Josh saka napalunok. Kitang-kita kong nagtaas-baba ang Adams’ apple niya. “Kung bibigyan mo na ba talaga ng chance si Mong?”
His question caught me off guard. Chos! Makapag-English lang. Pero napatulala talaga ako sa tanong ni Josh. I mean, ano ba’ng pakialam niya kung bibigyan ko na ng chance si Mong, `di ba?
`Yan lang ba ang pakay niya at talagang sinadya niya pa ako dito sa lugar kung saan kami magkikita ni Mong? Aalamin niya lang talaga kung bibigyan ko na ba talaga ng chance si Mong o hindi? Ginagago ba ako ng Josh na `to?
“Ano naman sa `yo kung bibigyan ko na nga ng chance si Mong?” supalpal ko sa kanya. “Josh, please lang. Just this once. Ano ba’ng pakialam mo kung bibigyan ko na talaga si Mong ng chance? Wala ka namang paki, `di ba? You left so I don’t owe you any explanations.
“Oo, bibigyan ko na si Mong ng chance. After all, single naman ako, `di ba? Walang masama. At least, nagluksa muna ako no’ng iwan mo ako bago ako lumandi sa iba. Eh, ikaw?”
Napaiwas ng tingin si Josh. “Ang dami mo namang sinabi. Tinatanong ko lang naman,” pabulong niyang sagot. “Bibigyan mo na pala si Mong ng chance. Nice.” Natawa siya pagkatapos. Isang tawang punong-puno ng kalungkutan at hinagpis.
Hindi ko siya maintindihan. Ang gulo-gulo ni Josh.
“Ano pa ba’ng kailangan mo?” naiinis na tanong ko. “Josh, please lang. Tama na. Tinanggal mo na ako sa buhay mo, `di ba? Ito na, o. Tinatanggal na rin kita. Kaya sana wala nang ganito. Hayaan mo na ako. Hayaan mo na akong maging masaya. You took my happiness away. So please, ibalato mo na sa akin `to. Napapagod na akong masaktan, eh. Pagod na pagod na ako.” Nangingilid na ang mga luha ko.
Biglang tumayo si Josh saka ako niyakap nang mahigpit. “I’m so sorry for causing you too much pain, Pipay. I’m so sorry if I left you. I’m so sorry for making you cry. I’m so sorry for leaving you without any understandable reason. I’m so sorry kung pulos sorry na lang ako, Pipay. Sana kaya kong sabihin ang lahat ng nararamdaman ko.
“Sorry kung wala akong nagawa no’ng mga panahong umiiyak ka dahil sa akin. Sorry kung ang tanga ko para iwan ka pero may rason naman ako. Isang rason na hindi ko maaaring ipaalam sa `yo. Sorry kung ang duwag ko masyado. Sorry kung mas pinili kong hiwalayan ka kaysa malaman mo ang nangyayari sa buhay ko. Sorry kung akala mo kinalimutan ko na ang lahat ng sa atin. Sorry, Pipay. Sorry...”
Naramdaman kong tumulo ang mga luha ni Josh sa balikat ko. “Josh...”
“Don’t worry, Pipay. Hindi ko `to sinasabi para guluhin ang puso’t isip mo. Sinabi ko `to para malaman mong pabor ako sa gagawin mo. Pabor akong bigyan mo ng chance si Mong. Alam kong hindi ka niya sasaktan tulad ng ginawa ko. Alam kong hindi ka niya papaiyakin at alam kong mamahalin ka niya nang higit pa sa nagawa ko.
“Gusto kong maging masaya ka, Pipay. Gusto kong bumalik na ang dating Pipay na laging nakatawa at hindi `yong laging nakataas ang kilay. `Yong Pipay na una kong nakilala at minahal. `Yong Pipay na maintindihin at walang tinatapakang tao.
“Gusto kong ipangako mo sa akin na kakalimutan mo na ako nang tuluyan. Na papalitan mo ang memories natin ng memories n’yo ni Mong. Kalimutan mo na ako, Pipay. Kalimutan mo na ang masasakit na alaalang ibinigay at idinulot ko sa `yo. Sa ating dalawa, ikaw ang may higit na karapatan para lumigaya. Hangad ko ang kaligayahan mo.”
Bumitaw si Josh sa pagkakayakap sa akin. Somehow, parang nalungkot ako dahil ilang linggo at buwan ko ring hindi naramdaman ang yakap ni Josh.
Napatingin ako sa mukha ni Josh at tuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya. Hindi ko na namalayan na umiiyak na rin pala ako.
Tipid siyang ngumiti kasabay ng pagpunas niya sa kanyang mga luha. “Tears of joy lang. Masaya lang ako dahil finally, magmamahal ka na uli,” sabi niya.
Pero parang naramdaman kong iba ang sinasabi ng mga mata niya.
Tumayo si Josh. “Sige na, Pipay. Aalis na ako. Tumakas lang ako sa practice namin ng basketball, eh. Gusto ko lang talaga sabihin na masaya akong bibigyan mo ng chance si Mong.”
Hindi ako nakapagsalita. Madaldal akong tao pero sa mga oras na `yon parang napipi ako at walang salitang gustong lumabas mula sa bibig ko.
Marahang ginulo ni Josh ang buhok ko. Yumuko siya para itapat ang mukha niya sa akin. “Ipangako mo sa aking sasaya ka na, ha? Magsimula kayo ni Mong kung saan pulos kaligayahan lang ang mararamdaman n’yong dalawa,” sabi niya saka ngumiti at muli na namang tumulo ang mga luha niya. “Buwisit na mga luha `to. Lumalabas kahit hindi kailangan.” Tumawa siya nang malakas pagkatapos. `Yong pekeng tawa.
Tumalikod na si Josh saka nagsimulang maglakad palayo sa akin. Tinawag ko siya. “Josh!” sigaw ko.
Hindi lumingon si Josh pero huminto siya sa paglalakad. Hinihintay `ata niya ang sasabihin ko.
“Thank you! Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Salamat dahil ikaw ang unang lalaki na nagmahal at nagparanas sa akin na kahit hindi kagandahan o kalinisan sa katawan, deserving pa rin mahalin ng isang lalaki. Ang daming nangyari sa ating dalawa to the point na kinasuklaman kita.
“Pero I realize one thing, kung gusto mo palang makalimot, simulan mo sa mga bagay na nagpapalungkot sa `yo. Kakalimutan ko na ang mga alaalang masasakit at magsisimula ng bago. Sana...sana kapag nakalimutan na talaga kita at mahal na mahal ko na si Mong, sana maging magkaibigan tayo!”
Itinaas lang ni Josh ang kamay niya na parang sinasabing pumapayag siya sa sinabi ko. After n’on, nagpatuloy na uli siya sa paglalakad palayo sa akin. Somehow, parang naramdaman kong dahil sa paglalakad niya palayo sa akin, parang forever na siyang lalayo. Lalayo siya at pupunta sa isang lugar na hindi napupuntahan ng mga ordinaryong tao . Chos! Ang lawak ng imahinasyon ko.
Nang tuluyan nang mawala si Josh sa paningin ko, pinunasan ko na ang mga luha ko. Ang sarap palang mag-let go. Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ko.
Huminga ako nang malalim at naamoy ko ang bagong lutong lugaw ni Aling Nena. “Isa ngang lugaw, Aling Nena. `Yong walang langaw at ipis, ah?” sigaw ko saka umayos ng pagkakaupo.
Habang hinihintay ang order ko, bigla akong napangiti. Bigla kasi akong na-excite sa magiging relasyon naming dalawa ni Mong if ever maging kami na talaga. Magiging maganda kaya ang takbo ng relasyon namin? Hmm... we’ll see.
Dumating na ang order ko at sinimulan ko nang kumain nang maramdaman kong may biglang yumakap mula sa likod ko. Nangangamoy Safeguard ang buong katawan niya at amoy bagong ligo pa siya. Naramdaman ko ring tumatama sa likuran ko ang bakal na krus na sa tantiya ko ay nasa nine inches. Alam na kung sino ang lalaking mongoloid na `to.
“Ang tagal mo,” sabi ko saka lumingon kay Mong na todo-ngiti sa akin. Nawala na naman ang mga mata niya dahil sa ngiti niya.
Napatingin siya sa relos niya. “Late lang naman ako ng thirty-four seconds,” sabi niya saka umupo sa tabi ko. “So, ano’ng desisyon mo? Bibigyan mo ba ako ng chance?” Nagtaas-baba pa ang mga kilay niya.
“Hmm... hindi, eh. No chance,” pabiro kong sabi.
Napahalukipkip si Mong na parang bata saka sumimangot. “Hindi nga? Ano ba `yan. Naghilod pa naman ako nang todo. Nag-ayos pa at todo-porma `tapos babastedin mo lang din naman pala ako. `Tapos—”
Hindi na natapos ni Mong ang sinasabi niya dahil pinasakan ko ng kutsara ang bibig niya. “Ang daldal mong mongoloid ka. Joke lang, eh.”
Tinanggal niya ang kutsara saka lumiwanag ang kanyang mukha. “Ano pala?”
“Basta ba ipapangako mo sa akin na hindi mo gagawin ang ginawa niya.”
“Hindi ko ipapangako dahil wala naman `yon sa plano ko,” mabilis niyang sagot.
“Basta ba hindi mo `ko papaiyakin.”
“Hindi kita papaiyakin. Kung mapaiyak man kita, masisiguro kong dahil sa sarap.” Saka siya ngumisi.
“I like that,” natatawang sagot ko. “Basta ba dadalhin mo `ko sa Japan.”
“Kahit sa heaven pa. Dadalhin kita sa heaven na gamit lang ang kama ko.” Kumindat pa si Mong.
“Gago ka. Manyak.” Natawa na naman ako. “Basta ba...” Biglang naputol ang sinasabi ko dahil bigla niya akong hinalikan sa mga labi.
“I can’t promise anything, Pipay. Tao lang din naman ako, eh. Isang taong nakakagawa ng pagkakamali. Pero sisiguruhin kong hindi ko man malagpasan ang happiness na naramdaman mo kay Josh, papantayan ko naman. Gagawin kitang reyna ng buhay ko. Ikaw lang at wala nang iba. To the pempem is not enough for you. Don’t settle for that. To the infinity and beyond is too mainstream. So...” Ngumisi si Mong. “Ito na lang. I’ll just stop loving you if the elephants learn how to fly.”
“Si Dumbo kayang lumipad. `Yong elepanteng malaki ang tainga,” sagot ko.
“Eh, di I love you sagad hanggang magdugo na lang,” sabi ni Mong saka ngumisi.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Magkalapit na ang mga labi naming dalawa habang deretsong nakatingin kami sa mga mata ng isa’t isa.
“I love you up to the point that I can already imagine myself waiting for you at the end of the altar.”
“Too cheesy, bh3 .”
“I know.”
Saka nagdikit ang mga labi namin.
I know hindi ko pa mahal si Mong tulad ng pagmamahal ko kay Josh. Hindi naman madaling makalimot, eh. “It takes time” sabi nga nila. Pero gagawin ko ang lahat para masuklian ang pagmamahal na ipinapakita ni Mong. Ayokong masayang `yon, eh. Sabi nga nila, mahal magkasakit . Char! Anong konek?
Sige na, Diary, hanggang dito na lang muna. Maglalandian pa kami ni Mong, eh. Kuwentuhan uli kita mamaya.
Pretty and taken again,
Pipay
JOSH’S POV
WALA nang mas sasakit pa kapag nakita mo ang taong mahal mo na hinahalikan ng ibang lalaki. Sakit na tumatagos sa buto ko hanggang kalamnan.
Gusto kong hilahin si Pipay palayo kay Mong pero hindi ko puwedeng gawin. Kailangan na ni Pipay maging masaya. Hindi ko maibibigay ang kaligayahan na iyon dahil hindi ako ang nararapat sa kanya. Kahit mahal na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Gusto kong makalimutan na ako ni Pipay.
It’s for the better.
Umalis na ako mula sa pinagtataguan ko at nagsimula na uling maglakad. Nagsisimula na namang pumatak ang mga luha ko. Mga luhang hindi ko alam kung kailan titigil.
“I’ll never stop loving you. I’ll just stop showing it. To the pempem and back, Pipay. To the pempem and back, always remember that,” bulong ko, umaasang maririnig ni Pipay.
This is how our story ends. Or should I say, how my life ends. Pinalaya ko na nang tuluyan ang babaeng mahal na mahal ko. I’m so pathetic.