Malandi #8
Dear Diary,
Kumagat na ang dilim nang makarating ako sa street namin, Diary. Imagine, anim na oras kong nilakad ang mall na `yon na nasa kabilang bayan pa hanggang dito sa lugar at sa bahay namin? Pagod na pagod ako at uhaw na uhaw, Diary. `Yong suot kong sandals, napigtal na ang tali at dumidila na ang suwelas sa kalsada. Pati nga pempem ko dumidila na rin sa sobrang pagod, eh. Kaya habang naglalakad ako at binabaybay ang highway, todo-bola ako sa pempem ko.
“Malapit na tayo, pempem. `Wag kang susuko. Ang sumusuko ay hindi nagwawagi. Ang sumusuko hindi nabubutas. Charot,” sabi ko kay Pempem habang hinihimas pa.
Pero kahit todo-aliw na ako sa sarili ko habang naglalakad, sumasagi pa rin talaga sa isip ko na nagsinungaling sa akin si Josh. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang magsinungaling para lang makasama ang babaeng `yon. Girlfriend niya ako, `di ba? Dapat kapag may lakad siya sasabihin niya sa akin. Kung gusto niyang makipag-date sa iba, pagbibigyan ko naman siya, eh. Basta maging honest lang siya sa akin. `Yon lang naman ang gusto ko, eh. Is that too much to ask?
I know ang kagaya ni Josh na guwapo at nasa college life pa ay lalapitan talaga ng mga babae. Hindi ko naman siya pagbabawalan, eh. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, kahit makipag-date pa siya, ayos lang. Pero `wag na `wag niyang liligawan. `Wag na `wag din siyang makikipaghalikan at makikipag-ano dahil hindi ko na `yon mapapalampas pa. Sa totoo lang, Diary, hindi ako naiiyak. Mas naiinis ako sa kanya at nagagalit. Ito kasi ang unang beses na ginawa niya `to at ayokong isipin na kaya niya pa rin sundan ang kalokohan niyang `to.
Hingal na hingal ako nang makalapit ako sa bahay namin. Napahinto ako at napatitig sa lalaking nakaupo sa tapat ng gate namin. Nasa gilid din ang motor niya. Nakayuko siya at mukhang natutulog. Halatang kanina pa siya naghihintay sa tapat ng mansiyon ko kaya inantok na siya. Agad namang lumambot ang puso ko nang makita kong nag-effort siya sa paghihintay sa akin.
Kumain na kaya siya? Mukhang hindi pa rin, Diary. Pero shutang inerns lang, Pilar. Hayaan mo muna siya ngayon. Ipamukha mo sa kanyang galit ka at hindi ka natutuwa sa ginawa niya.
“Gumising ka nga diyan. `Wag mong gawing tulugan ang harap ng bahay namin,” sabi ko sa kanya sabay sipa nang marahan sa binti niya.
“Pipay?!” Nagising naman agad si Josh at napatayo. Bigla rin niya akong niyakap nang mahigpit. “Pipay... Sorry... Patawarin mo ako… Hindi ko na uli uulitin… Please, `wag kang makipaghiwalay sa akin, Pipay. Pangako hindi na mauulit pa…” sunod-sunod na birada niya sa akin habang yakap-yakap pa rin ako .
Hindi ako nagsalita at nanahimik lang. Pinipilit niya akong humarap sa kanya pero ayoko. Baka kasi kapag napatingin ako sa maamo niyang mukha ay biglang malusaw ang galit ko. Alam mo namang si Josh ang tanging kahinaan ko, eh.
“Tapos ka na ba?” malamig na tanong ko sa kanya. “Kung tapos ka na, papasok na ako sa loob. Umuwi ka na at may pasok pa bukas.”
“Galit ka pa rin?” malungkot na tanong niya. “Sorry na, Pipay. Pangako, hindi ko na uulitin. Saka wala naman kaming ginagawang masama, eh. Sinamahan ko lang siyang bumili. `Yon lang. `Wag ka nang magalit.”
Hindi ko na kinaya, Diary, kaya napaharap na ako kay Josh saka nagsalita.
“`Yan ang hirap sa inyong mga lalaki, eh. Por que nag-sorry kayo, akala n’yo ayos na? Akala n’yo mawawala agad `yong sakit na naramdaman naming mga babae?” Matipid akong ngumiti kay Josh. “Saka hindi naman ako galit, Josh. Nasasaktan ako. Nasasaktan dahil kaya mo palang magsinungaling sa akin. Ang tanga ko para isiping hindi.” Tumawa ako nang nakakaloko. “Ha-ha-ha. Ang tanga ko.”
“Pipay…” Hinawakan ni Josh ang kamay ko pero agad ko ring hinila.
“Josh, umamin ka nga sa akin,” sabi ko sa kanya habang nakatingin nang seryoso sa mata niya. “Mahal mo pa ba ako? Ipagpapatuloy pa ba natin `tong relasyon na `to? Kasi kung ayaw mo, dito mismo, dito sa kinatatayuan natin, puwede nating itigil.”
“Of course!” mabilis na sagot ni Josh. Hinawakan niya uli ang mga kamay ko. “Of course mahal kita. Mahal na mahal at hindi `yon magbabago. Anong naisip mo at ihihinto natin `tong relasyon natin? Para mo na ring sinabing magpakamatay na lang ako. Pag-aaway at tampuhan lang ang dapat itigil at hindi ang relasyon.”
“Ah, gano’n ba?” Napangiti uli ako nang mapakla. “Pero,`di ba, kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka magsisinungaling sa kanya? Lying to her is like stabbing a sharp knife to her chest. You’re very much aware that it’s going to hurt and bleed but you still continue without hesitation.”
“Quotes ba `yan?”
Tumango ako. “Yes, paki-tweet uli. Don’t forget the hashtag DNHMSL2 .”
Inilabas ni Josh ang cell phone niya saka nag-type. “Okay na. Na-tweet ko na.”
Tumango uli ako. “Okay. Thanks. Sige, umuwi ka na.”
“Pipay naman. Pag-usapan naman natin `to, o,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Josh. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi tayo nagkakaayos.”
“Eh,`di `wag. Sino bang malalamigan ang katawan? Ako ba? Ikaw naman.”
“Pipay…” Humawak pa si Josh sa bakal na gate namin. Pero naglakad na ako papasok ng gate namin at agad na isinara iyon.
Patuloy lang si Josh sa pagtawag sa akin pero hindi na ako lumingon hanggang sa makapasok ako nang tuluyan sa loob ng bahay. Minsan kailangan din nating tiisin ang taong mahal natin. Para malaman nila ang pagkakamali nila at matakot na umulit pa. Akala kasi nila por que mahal natin sila, isang sorry lang ayos na. Hindi naman tayo robot, `di ba? May feelings tayong nasasaktan.
Paakyat na ako sa itaas nang madaanan ko si Inay na parang may hinahanap sa sala namin.
“Anong ginagawa n’yo, Inay?” tanong ko sa kanya.
“Nawawala `yong kuwintas ko. Bigay pa naman ng tatay mo `yon. Yari ako do’n kapag hindi ko nahanap `yon,” sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Busy talaga siya sa paghahanap ng kuwintas niyang nangingitim na dahil peke.
“Saan mo ba nawala? Naku, yari ka talaga kay Itay.” Nakihanap na rin ako sa kanya.
“Sa labas ko naiwala,” patay-malisya niyang sagot at todo-hanap pa rin sa sala.
Napahinto ako sa paghahanap para tanungin uli siya. “Eh, sa labas n’yo pala naiwala, eh. Bakit dito n’yo sa sala hinahanap?”
This time, Diary, napatingin na siya sa akin. “Tanga ka ba, anak? Natural dito ko hahanapin. Dito maliwanag, eh. Ang dilim kaya sa labas.”
Natampal ko na lang ang sarili kong noo saka nag-walkout dahil sa sagot ni Inay. Jusko. Wala na talaga sa katinuan `tong si Tinay. Mukhang naalog na nang tuluyan ang utak niya, eh.
Nagpalit na lang ako ng damit pagpasok ko sa kuwarto ko. Nakakatamad kasing maligo dahil malamig. Kaya dedma na lang sa mga alikabok na nasa katawan ko buong araw. Sanayan na lang `yan.
Paghiga ko sa kama, biglang pumasok si Inay. Ano na naman kaya’ng kailangan nito?
“Anak kong pretty…” pambobola niya sa akin.
“`Ayan! Diyan kayo magaling, Inay. Kapag may kailangan kayo, pretty ang tinatawag n’yo sa akin. Kapag wala, todo-lait at sigaw kayo.”
“Ito naman, matampuhin.” Tumawa pa si Inay. “Mag-a-adobo ako bukas ng madaling-araw. Maaga akong magluluto dahil may training kami. You know, boxing stuff. Wala nang asin kaya bumili ka sa tindahan.”
“Ano ba `yan, Inay. Kung kailan gabi saka mo ako uutusan. Ayoko nang lumabas.
“At bakit?” Tumaas ang kilay niya.
“Ang dilim-dilim na, o. Saka basag ang ilang ilaw sa kanto kaya ang dilim ng daan. Nakakatakot kaya.” Nag-pout pa ako.
“Okay lang `yan, anak. Hindi ka naman magagahasa dahil pangit ka. Besides, may guardian angel kang lagi kang sasamahan.”
“May guardian angel pala ako, eh. Eh, di siya na lang ang utusan mo. Asin lang ang bibilhin namin, `tapos dalawa pa kami? Ano kaya `yon.” Humiga na ako saka nagtalukbong ng kumot.
“Shuta ka talagang bata ka. Walang adobo bukas. Mag-almusal ka ng toyo.” Ibinagsak pa ni Inay ang pinto ng kuwarto ko.
Pikon much.
Pumikit na ako at pinipilit na makatulog nang maalala ko si Josh kaya bigla akong napatayo sa higaan ko at pasimpleng dumungaw sa bintana. Nando’n pa rin siya, Diary, sa tapat ng gate namin. Nakaupo siya sa motor niya at halatang ginaw na ginaw.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla siyang napatingin sa gawi ko at nagtama ang mga mata namin. Ngumiti lang siya saka nag-thumbs-up. Inirapan ko na lang siya saka bumalik sa higaan ko.
Shutang inerns , Diary. Ano’ng gagawin ko? Lalabasin ko ba siya at makikipagbati na? No. Hindi, Pipay. Hayaan mo siya. Kailangan niyang matutunan ang leksiyon niya. Hindi matututo ang isang tao kapag patuloy na kinukunsinti sa kamaliang nagawa niya. Bahala siya diyan. Mag-effort siya sa pakikipagbati sa akin.
Inalis ko muna si Josh sa utak ko at natulog na. Kinabukasan, wala na si Inay sa bahay. Mukhang maaga ngang umalis at nag-jogging para sa boxing stuff na pinagsasabi niya. Hindi rin siya nagluto ng ulam ko at tanging toyo lang ang nasa mesa. Kapag talaga ako na-bad trip kay Inay, ihahagis ko ang lahat ng damit niya sa labas at hindi ko na papapasukin dito sa pamamahay ko. Echos!
Maaga ang pasok ko ngayon dahil nabago ang schedule ko. Naligo na ako agad at nagsuot ng uniform. Nagulat ako paglabas ko ng bahay. Nando’n na kasi agad si Josh sa tapat habang nakasakay sa motor niya. Nakasuot na rin siya ng uniform at ready for school na rin.
Anong oras kaya umuwi ang mokong na `to?
Pansin kong ang laki ng eye bags ni Josh at halatang walang masyadong tulog. Nakangiti siya sa akin at ang guwapo pa rin talaga niya.
“Good morning, my sky and universe,” nakangiting bati niya. “How’s your sleep, my Pilar Payoson?”
Hindi ako sumagot at itinuon na lang ang pansin sa pagsasara ng gate namin. Nagulat ako pagharap ko dahil nasa harap ko na si Josh at bigla akong hinalikan.
“`Sarap talagang humalik ng Pipay ko,” natatawa niyang sabi sa akin. “Pa-kiss pa nga.” Humalik uli siya.
“Tapos ka na ba?” seryoso kong sabi.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Josh at napalitan ng paawa- effect. “Galit ka pa rin? Hays.” Pumunta siya sa motor niya at kinuha ang helmet ko. “Tara na sa school.” Kinuha ko ang helmet at sinuot sa ulo ko. Nauna na rin akong sumakay sa motor niya.
Gusto ko mang mag-inarte at `wag sumabay kay Josh sa pagpasok pero hindi puwede, Diary. Hindi ako iniwanan ni Inay ng baon kaya wala akong pera. May maghahatid naman sa akin kaya aarte pa ba ako sa grasya?
Tahimik lang kaming dalawa ni Josh habang nakasakay kami sa motor. Hindi nga rin ako nakayakap sa kanya o nakahawak sa balikat niya. Ayoko. Baka matunaw ang galit ko kapag naamoy ko ang mabangong amoy ni Josh ko.
Pagdating namin sa harap ng SOGO, bigla akong tumalon sa motor kahit hindi pa `yon nahihinto ni Josh. Nagulat nga ang ilang estudyante sa talentong pinamalas ko kaya nag-bow na lang ako sa kanila. `Wag dedma sa fans. Masaya `yon.
Huminto naman si Josh at napatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya para ibigay ang helmet.
Palakad na ako papasok sa school nang makita ko si Mimay na padating. Nakasakay si Negrang Pusit sa pulos kalawang niyang bike at kumakaway pa sa mga dinadaanan niyang tao. Mukhang tanga lang si Gaga sa ginagawa niya. Hindi ba aware ang negra na `yan na tanga siya? O dahil tanga siya kaya hindi niya alam na tanga siya?
Pumasok na ako sa classroom at nagpatuloy na ang first class namin. Nang sumapit ang last subject before lunch, biglang nagkaroon ng eksena, Diary. Bigla kasing nagtilian ang mga kaklase ko. `Yong teacher naman namin ay natigil sa pagtuturo at pinuntahan `yong papansin sa harap ng pinto ng room.
“What do you need?” tanong ni Miss MhataRey.
“Ah, kasi po, Ma’am, galit po sa akin `yong girlfriend ko. Gusto ko lang po sanang magkabati na kami.” Biglang tumingin si Josh sa gawi ko. “Puwede po bang umupo sa harap ni Miss Payoson until the last class hour? Promise po hindi ako makakaistorbo sa inyo.”
Napatingin si Miss MhataRey sa akin saka ngumiti.Pagkatapos ay tumingin uli siya kay Josh at tumango.
“Thank you, Ma’am!” tuwang-tuwang sagot ni Josh. Lumabas siya uli at parang may kinuha. Pagpasok niya ng classroom namin, may dala na siyang puting placard.
Lumakad siya papunta sa harap ko saka umupo. Hinarap niya sa akin ang placard na dala niya.
I’m so sorry. Hindi na mauulit, pangako. Mahal na mahal kita, Pipay ko. To the pempem and back, right?
Kinilig ako sa nabasa ko, Diary. Pero todo-pigil ako sa sarili ko para hindi ngumiti. `Yong mga kaklase ko napapangiti at halatang kinikilig. Kahit nga `yong ChaKa twins nakatingin kay Josh at naghahampasan na sa mukha ng notebook. Ganyan siguro sila kiligin. Si Mimay naman narinig kong nagparinig ng…
“Ang arte-arte. Hindi naman kagandahan.”
Pinigilan ko na lang ang sarili ko na `wag ibato sa kanya ang hawak kong Encyclopedia.
Buong last subject namin nakaupo lang sa harap ko si Josh habang hawak ang placard. Hindi ko siya tinitingnan kahit na lumalandi na ang mga mata ko at gusto na siyang sulyapan.
No, eyes. Magtigil kayo kundi dudukutin ko kayo. Hindi tuloy ako makapagkamot ng pempem dahil nasa harap ko si Josh.
Kay Josh ko na lang kaya ipakamot?
Natapos ang klase namin kaya tumayo na ako. Tumayo na rin si Josh.
“Tara, kain na tayo, Pipay ko,” masigla niyang sabi sa akin habang nakaipit sa kilikili niya ang placard.
“Kaya kong kumain mag-isa,” mapakla kong sagot.
“Pero mas masarap kumain na magkasama,” sagot niya. “Mas masarap kumain kapag kasama mo ang taong mahal mo. Kaya samahan mo `kong kumain, please?” Ngumuso pa siya.
`Kainis, Diary. Gusto kong i-kiss si Josh.
“No, thanks.” Itinulak ko siya para makadaan ako.
Ang loko hindi nagpatinag at nakasunod lang sa akin. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Ito namang magaling na Josh, biglang nagsalita saka ako itinuro.
“Girlfriend ko `yan. Mahal ko `yan. Hindi ko `yan ipagpapalit kahit kanino,” sabi niya sa mga nadadaanan namin.
Napapangiti tuloy ako nang palihim.
Pagdating namin sa canteen, humanap muna ako ng mauupuan. Nang makahanap na ako biglang tumabi sa akin si Josh.
“Ako na ang bibili ng pagkain natin. Ayokong mapagod ka kaya diyan ka lang.” Hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil tumakbo na siya papunta sa cashier.
Nakabalik din naman siya agad na may dala-dalang sobrang daming pagkain. Umupo siya sa tabi ko saka inilapag ang mga in-order niya.
“Masarap `yang lasagna nila. Tikman mo, dali,” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Ayoko,” sagot ko.
“Ito na lang, cupcake. May banana sa ibabaw, o. Paborito mo ang banana, `di ba?”
Sasabihin ko sanang, “Mas gusto ko ang banana mo. Banana mo na lang ang ilagay mo diyan sa ibabaw ng cupcake, please?” Kaso `wag na. War nga pala kami.
“Ayoko rin.”
“Ako na lang,” sabi niya. “Ako, gusto mo? Masarap ako.” Ngumisi si Josh pero inirapan ko lang siya.
Pulos siya ganyan hindi naman niya tinototoo. Haha. Echos.
“Ayoko niyang pinamili mo. Tabi nga, bibili ako.” Itinulak ko siya saka ako dumaan.
Palakad na ako nang biglang magsalita si Josh. This time ay seryoso na ang boses niya. “Pipay. Nagseselos ka ba kay Monica?” Malakas ang pagkakasabi ni Josh kaya napatingin ang mga estudyante sa amin. “Sabihin mo kung nagseselos ka. Hahalikan kita sa harap niya.”
Pagkasabi ni Josh n’on ay biglang pumasok ang babaeng mukhang manyika na kasama niya sa mall kahapon. May kasama itong dalawang babae at tatlong lalaki including Monjie.
“Hi, Josh!” masayang bati ni Monica kay Josh. “Oh, hi there, Pipay. `And’yan ka pala.” Humagikhik pa si Monica na parang nang-iinsulto.
Napatingin ako kay Josh saka nag-iwas ng tingin.
“Josh, kumain ka—” Nagsasalita pa lang si Monica nang bigla siyang mapatigil dahil sa ginawa ni Josh.
Bigla akong hinila ni Josh palapit sa kanya saka hinalikan sa harap ni Monica, sa harap ng barkada nila at sa harap ng mga estudyante sa canteen.
Mga sampung segundo rin tumagal ang halik ni Josh sa akin. Nakabukas lang ang mga mata ko, Diary, at gano’n din si Josh. Naramdaman kong nag-form into a smile ang mga labi niya habang nakadikit pa rin sa mga labi ko.
“Wala kang dapat ipagselos, Pipay,” sabi ni Josh nang maghiwalay ang mga labi namin. “Ikaw lang ang babaeng mahal ko at wala nang iba. Hindi na ako magmamahal pa kung hindi lang naman din ikaw. Ganyan magmahal ang mga Manalo. Sagad hanggang buto.”
Kitang-kita ko kung paano mapanganga si Monica at ang mga kasama niya dahil sa sinabi ni Josh. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Mong dahil sa narinig.
Wala akong masabi, Diary. Ano sa tingin mo? Makipagbati na ba ako kay Josh? Hihihi.
Nagmamaganda sa canteen,
Pipay