Malandi #37 Part 1
Dear Diary,
Napatakbo ako palabas ng school gym na walang kahit anong dala, Diary. Naiwan ko sa loob ng gym ang bag at cell phone ko na biglang dumami dahil bumagsak sa sahig sa sobrang pagmamadali ko. Kabadong-kabado ako sa mga oras na tumatakbo ako patungong ospital. Hindi ko magawang sumakay ng jeep dahil wala naman akong pamasahe. `Yong wallet ko kasi ay naiwan ko sa loob ng bag ko. At wala nang oras para balikan pa dahil sa mga oras na `yon ay si Josh lang ang importante sa akin at kailangan ko nang makita.
Habang tumatakbo ako ay bigla kong naalala ang huling sinabi ng mama ni Josh na walang pangalan.
“Wala na si Josh...”
Medyo malayo-layo na rin ang natatakbo ko kaya napatigil ako at naiyak na naman. No, hindi puwede. Masyado pang maaga, Diary. Alam kong nagbibiro lang ang mama ni Josh na walang pangalan nang sabihin niyang wala na ang anak niya. Alam kong mahina na ang katawan ni Josh pero nangako siya sa akin na lalaban siya at hindi magpapatalo sa sakit niya. Nararamdaman kong buhay pa rin si Josh ngayon.
Utang-na-loob, Lord. Kakabalikan lang naming dalawa. `Wag Mo naman agad bawiin ang lalaking mahal ko. Kung plano N’yo talagang bawiin ang buhay niya, last request, pahabain Mo naman kahit na isang taon man lang.
Paabutin Mo naman sa debut ko si Josh, Lord. Pakikisama lang, o? Baka kapag eighteen na ako ay doon na pumayag si Josh na magrak- rakan kaming dalawa. Farewell gift niya lang ba sa akin? Kaya pakiusap lang, o. `Wag naman ngayon, please. Nakikiusap ako.
Nag-sign of the cross pa ako nang matapos akong magdasal. Ibinaba ko rin ang suot kong shorts na maikli para lumabas si Pempem. “Mag-sign of the cross ka rin, pems. Mas maraming sign of the cross, mas malakas ang bisa ng dasal, okay?”
Tumango si Pempem kaya naman binigyan ko rin siya ng sign of the cross. Mula sa noo niya at sa ilalim niya. Sunod naman sa magkabilang pisngi niya.
“Maliit na sign of the cross lang ang nagawa ko sa `yo kasi small ka pa lang, Pem, eh. Hihi,” sabi ko saka ko muling itinaas ang suot kong shorts.
Pagtingala ko ay nakita ko naman ang mga tao sa paligid na nakatingin sa akin at mga nakanganga pa. Para silang may nasaksihan na nakakagulat at unusual sa paningin nila, Diary. Napatingin tuloy ako sa paligid para hanapin ang nakita nilang nakakagulat pero wala naman akong nakita. Amp! Unfair, Diary. Bakit sila lang ang may nakikitang kakaiba?
Nagpatuloy na uli ako sa pagtakbo papuntang ospital, Diary. Kahit nararamdaman ko nang napapagod na ang katawan ko dahil sa sobrang hingal at layo nito ay hindi na ako huminto pa. Kailangan ko na agad makarating do’n as soon as possible.
Tagaktak na ang pawis ko sa buong mukha ko. Nararamdaman ko na ring nababasa na ang panty ko sa loob. Mukhang pinagpapawisan na rin si Pempem, ah. Bakit naman siya pagpapawisan? Eh, hindi naman siya napapagod sa pagtakbo. Nakasakay lang naman siya sa gitna ng hita ko?
Natatanaw ko na ang ospital kung nasaan si Josh, Diary. Ilang metro na lang ang layo ko nang may makita akong babaeng namimigay ng napkin. Lumiko ako at pinuntahan siya para kumuha ng free napkin.
“Hi, Miss. Try mo `tong napkin namin. Malakas `tong sumipsip.” Ngiting-ngiti si Ate na namimigay ng napkin habang inaabot sa akin ang isang hawak niya.
“Talaga?” tuwang-tuwang tanong ko. “Puwede bang dalawa ang hingin ko?”
“Sure.” Pagkatapos ay inabutan niya ako ng dalawa.
Agad ko namang binuksan ang napkin saka ipinampunas sa mukha ko na punong-puno ng pawis. Tama nga si Ate dahil agad nasipsip ng napkin ang pawis na nasa mukha ko. No’ng natuyo na ang mukha ko ay agad kong itinapon ang isang napkin. Sunod ko namang binuksan ang pangalawang napkin at ipinasok sa loob ng panty ko para mapunasan si Pempem. Napapapikit pa ako at napapakagat-labi habang pinupunasan si Pempem. Ang sarap pala sa feeling kapag natuyo ang pawis ni Pempem.
“Ayos nga `tong napkin n’yo, `Te. Lakas sumipsip ng pawis. Hihi,” sabi ko kay Ate nang mapansin kong nakatitig siya sa akin at nakanganga.
Pansin ko sa mga tao ngayong araw na ito, Diary, lahat sila ay napapanganga, ah. Napapanganga ba sila sa kagandahan ko? Oh, well. Gano’n talaga.
“National Nganga Day ba ngayon, `Te? Bakit halos lahat ng tao napapanganga?” tanong ko pero hindi siya sumagot. Titig na titig pa rin siya at nakanganga pa rin. “Makanganga nga rin,” sabi ko saka ngumanga bilang suporta sa National Nganga Day.
“ Alamat, ah, apkin, eh .” Dahil nakanganga ako kaya nahirapan tuloy akong magsalita.
Bago pa ako tuluyang makaalis sa harap ni Ate ay pinunasan ko pa ang noo niyang namamawis na rin. `Yong napkin na ipinampunas ko kay Pempem ang ginamit kong pampunas sa mukha niya. Kawawa naman kasi siya, eh. Mukhang maghapon na siyang nagtatrabaho para lang makapagbigay ng free napkin. Naawa naman ako kaya pinunasan ko na ang noo niyang pinagpapawisan.
Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko nang nasa harap na ako ng ospital, Diary. Kung kanina ay nakalimutan ko nang panandalian ang sinabi ng mama ni Josh na walang pangalan, puwes ngayon ay naalala ko na naman. Nanginginig ang mga tuhod ko habang humahakbang papasok sa loob ng ospital.
Parang bumagal ang paggalaw ng mundo sa bawat hakbang na ginagawa ko. Hindi ko na mabilang ang bawat pagtibok ng puso ko sa loob nang isang segundo. Nasobrahan na yata ako sa kape, ah.
Napadaan ako sa morgue ng ospital nang may makita akong nakahiga sa isang kama at natatakpan ang buong katawan ng puting kumot. Nanginig lalo ang katawan ko at naramdaman kong naiiyak na ako sa mga sandaling `yon. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ng taong `yon na halatang wala nang buhay, sure akong kilala ko siya.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Sa mga oras na `yon ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Mga luha kong siya lang ang tanging nakakapagpalabas.
“Josh...” tawag ko sa pangalan ng lalaking minamahal ko. Totoo ba `to? Wala na talaga siya? Isa lang `tong panaginip, `di ba? Isang panaginip na alam kong mawawala rin kapag gumising ako.
Buhay pa si Josh. Oo, tama. Buhay pa siya.
“Nakakaawa siya, `no?” rinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko.
Paglingon ko ay isang nurse ang nakatingin sa akin. Awang-awa ang mukha niya.
Hay, nako. May extra na naman. Hindi ako makapag-emote nang maayos.
“Sino ka?” tanong ko. Pero ang gaga ngumiti lang sa akin nang tipid at naghawi pa ng buhok. Shutang inerns patagal pa ang gaga bago sumagot. Gusto pang tumagal ang exposure niya sa kuwento ko. “Sasagot ka ba o magpapa-cute ka lang diyan?”
“Ito naman, ang sungit.” Nag-flip hair na naman siya. “Nurse ako dito.”
“Ah, K.” Lumapit ako sa kanya `tapos hinawakan ang braso niya para hilahin siya palabas ng morgue. Saka ko isinara agad ang pinto. Katok pa nang katok ang gaga.
“`Oy, teka lang naman. Hindi pa ako tapos mag-dialogue. Hoy! Magagalit si Direk! Hoy, pangit! Pakshet ka!”
Nag-roll eyes na lang ako at hindi na inintindi ang mga isinisigaw niya. Keri na `yong sinabi niya. May two hundred pesos na siya dahil nag-extra siya sa chapter na `to.
Binalikan ko ng tingin ang taong wala nang buhay na nasa harap ko. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko habang lumalapit sa kanya. Bakit ganito? Bakit nangyari sa love isturi namin ang ganito kagrabeng plot? Hindi ko ine-expect na sa dinami-rami ng pinagdaanan namin, sa morgue din pala ang bagsak niya. `Di ba, usually sa simbahan dapat at nagpapakasal kami?
Bigla ko siyang niyakap at tuluyan nang napahagulhol.
“JOSH KO! JOSH KO! BAKIT MO AKO INIWAN?” Nagwawala na ako habang nakayakap sa dibdib niya. Nararamdaman ko na ang lamig ng katawan niya kahit na may puting kumot na nakabalot sa kanya. Ibig sabihin ay wala na talaga siyang buhay.
Dahil sa sobrang pagwawala at pag-iyak ko, kung saan-saan na napahawak ang kamay ko. Napatingin na lang ako sa ibabang parte ng katawan niya nang mapansin kong nakahawak na ako sa bakal na krus niya. Napahinto ako sa pag-iyak.
“Ahihihi. Ang tigas-tigas ng bakal na krus. Pero bakit ang liit? Ang liit ng bakal na krus. Hihihi.” Ang tigas ng bakal na krus niya kahit wala na siyang buhay.
PRINCE’S POV
“ Ang init naman. Bakit kasi kailangan pang magsuot ng ganito,” iritado kong sabi habang nagpapaypay. Nakasuot kasi ako ngayon ng tuxedo habang nandito sa kuwarto ni Josh sa ospital.
“Ang arte mo. Kaunting tiis lang, puwede?” sagot naman sa akin ni Mimay.
Oo, tama kayo. Kasama ko ngayon `tong ex kong pusit. Invited din siya sa gagawing surprise namin para kay Pipay. Sinabi ko nga kay Josh na huwag na papuntahin ang negrang ito pero tinanggihan niya lang ako. Sinabi niyang kailangan daw ng maraming tao para mas maganda ang sorpresa.
“Hindi kita kinakausap!” singhal ko.
“`Wag ka ngang bitter sa akin, Prince. Mag-move on ka na lang, okay?” seryoso niyang sabi.
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
Pota , ano raw? Mag-move on na raw ako? Sa kanya pa talaga nanggaling ang salitang iyon?! Sa isang balyenang pusit pa talaga na mas maitim pa ang batok kaysa sa singit niya? Sa jejemon na gangster na feeling maganda na ito? Sa kanya talaga nanggaling iyon? Samantalang deds na deds siya sa akin no’ng high school kami.
Ang sarap pumatay ng pusit at gawing kalamares.
Sasagot pa sana ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas ang isang lalaking singkit na nakasuot ng puting amerikana at mukhang galante sa suot niya. Napatitig ako sa katawan niya at damn... bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya? Fitted ang suot niyang Amerikana kaya bumakat ang seksing tiyan niyang may six-pack abs.
Ilang araw na ang lumipas mula nang makasalubong ko siya sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Josh dito sa ospital at nang ipakita niya sa akin ang abs niya. Pero bakit ilang araw na ang lumipas ay lagi ko pa rin iyong naaalala? Kung minsan nga ay hindi na ako nakakatulog sa gabi dahil sa abs niyang `yon. Lagi ko kasing naiisip at napapanaginipan. Minsan ay nakakaramdam na lang ako ng may kung anong matigas sa pagitan ng shorts ko.
Shit. Malala na `to. Hindi ko dapat iniisip ang katawan niya. Hindi puwede `to. Hindi maaari.
Hindi ako bading! Hindi talaga! Ugh!
“ Fafa Mong!” rinig kong sabi ni Pusit.
Napalingon ako sa kanya kaya nakita ko kung gaano kalaswa ang titig niya sa katawan ni Monjie. Napapadila pa ang balyenang pusit habang titig na titig dito.
“Ayos lang ba ang suot ko?” tanong ni Monjie.
Bakit pati boses niya ang guwapo? Damn it. Bakit lahat ng katangian niya ay nagaguwapuhan ako. Hindi ako ganito. Hindi kailanman. Pero iba talaga ang pakiramdam ko habang nakatingin sa kanya. May kung ano sa loob ng tiyan ko na nagwawala. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong lumulutang sa himpapawid. Nararamdaman ko ring kumikislot-kislot ang alaga ko sa loob ng shorts ko. Pota. Ano ba itong nararamdaman ko?
“Hoy, p’re.” Bigla akong tinapik ni Monjie sa balikat ko. Nakaramdaman agad ako ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Ang mga tuhod ko ay bigla ring nanginig.
Shit. `Wag mong ipapahalata, Prince. `Wag mong ipapahalata sa kanya na nanginginig ang katawan mo.
“Ah... ano `yon?” nauutal kong tanong. Hindi ako makatingin nang deretso sa mga mata niya dahil pakiramdam ko, nanlalambot ang buong katawan ko at naninigas ang ano ko... ang mga tuhod ko. Kayo naman kung ano-ano naiisip n’yo, eh.
“Tinatanong ko lang kung ayos ba `tong suot ko? Hindi ba pangit? O kaya `yong isa na lang ang suotin ko? `Yong tuxedo para parehas tayo?”
Ano raw? Tinatanong niya ba ako kung ano ang mas magandang suotin niya?
Gusto ko sanang sabihin na kahit ano’ng isuot niya ay ayos lang naman dahil maganda niya itong nadadala. Kahit nga maghubad pa siya sa harap ko ay tiyak na mas maganda iyon sa paningin ko.
Pota naman, Prince. Ano ba `yang mga pinag-iisip mo? Hindi ka ganyan. Hindi ka bading.
Nag-aaway na kami ng utak ko dahil sa mga naiisip niya. Bakit ang lakas ng epekto ng Monjie na ito sa akin?
“Ah, ayos lang naman, p’re. Bagay nga sa `yo, eh.” Naiilang akong ngumiti sa kanya.
“Oo nga, Fafa Monjie. Hihi. Bagay na bagay sa `yo. Naka-white amerikana ka `tapos ako naman ay naka-white na ball gown. Para tayong ikakasal,” pagsingit ng negrang pusit.
Ang lakas magsuot ng puting ball gown ng babaeng `to, akala mo naman kaputian. Nagmukha lang siyang mantsa dahil sa suot niya. `Tapos ikakasal pa raw? Baka sakalin ko siya hanggang sa mawalan na siya ng buhay? “ Fafa Monjie” pa ang tawag kay Monjie. Ang sarap itakin ng mukha ng babaeng baboy na `to.
Ooops, hindi ako nagsalita niyan. Konsiyensiya ko iyan.
“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo,” pambabara ni Monjie kay Mimay. Pagkatapos ay itinuon uli niya ang paningin niya sa akin. “Pasensiya ka na pala, p’re, sa nangyari no’ng isang araw, ha?”
“Wala `yon. Ako nga ang dapat ang humingi ng pasensiya dahil pinagkamalan kitang magnanakaw.” Nahihiya akong ngumiti.
“So, friends?” Iniabot niya ang kamay niya sa akin para mag-shake hands kami.
“Sure, friends.” Kahit best friends. Lovers and partners for life pa.
` Tangina. Hindi ako ang sumagot niyan. Konsiyensiya ko uli iyan.
Aabutin ko na sana ang kamay ni Monjie pero iba ang ginawa niya. Bigla niya akong hinila at niyakap pagkatapos ay tinapik-tapik pa ang likod ko. Naramdaman ko bigla ang six- pack abs niyang tumatama sa tiyan ko at iyong ano… iyong ano niyang tumatama sa ano ko... Shit. Nagkakatamaan ang aming mga ano. Ang matitigas naming ano nagkakadikit.
Nagkakadikit ang mga bakal ng sinuturon namin. Haha!
“Eww. Bromance. `Wag nga kayong magganyanan sa harap ko,” diring-diring sabi ni Mimay habang nakatingin sa aming dalawa ni Monjie.
Natawa si Monjie saka nagsalita. “Eh, di `wag mong tingnan. Tumalikod ka.”
“Oo nga, `no? Sige.” Pagkatapos biglang tumalikod sa Mimay.
Sabay kaming tumawa ni Monjie dahil sa kabobohan ng babaeng balyena na ito. Seryoso? Wala na bang tatalo sa kabobohan niya? `Sabagay, sabi nga ni Pipay, walang utak ang mga pusit. So, paano siya mag-iisip?
Bigla na naman akong niyakap ni Monjie sa huling pagkakataon pagkatapos ay bigla siyang bumulong.
“Nasarapan ka naman sa yakap ko.” Ngumisi pa siya bago humiwalay nang tuluyan sa akin.
“What?” gulat na tanong ko. “Hindi ako bakla, p’re!” pagdidiin ko.
“Wala akong sinabi.” Nakangisi pa rin siya saka lumapit sa mesa na may mga pagkain para sa surprise party kay Pipay. Kumuha siya ng isang saging saka dahan-dahang binalatan. Nang kakagatin na ni Monjie ang saging ay bigla siyang napatingin sa akin. May kakaibang ngisi na naman siya sa mga labi habang kinakain ang saging. May kung ano sa tingin niya na parang inaasar ako.
Damn, bakit ang sexy niyang kumain ng saging?
Shit. Malala ka na, Prince. `Wag mong hayaang malunod ka dahil sa pagnanasa mo sa Monjie na `yan.
HINDI KO SIYA PINAGNANASAHAN! Ugh!
Umupo na lang ako sa gilid at nanahimik. Hindi maganda kung didikit ako kay Monjie sa mga oras na iyon dahil pakiramdam ko ay may iba akong magagawa na pagsisisihan ko, eventually. Pinagmasdan ko lang siya habang hinaharot niya si Mimay. Ito namang Mimay na ito, ang landi-landing balyena.
Bumalik ka na nga sa Red Sea! Pota ka! Para wala nang nilalandi `yang si Monjie.
Kaya pala hindi na ako hinahabol ni Mimay ay dahil may iba na siyang kinababaliwan. Iyan din ang naiisip ko kung sakaling magkikita kami, eh. Na baka maghabol na naman siya sa akin kapag nakita niya ako. Good thing dahil hindi na. Iyon nga lang, dahil ang lalaking kinababaliwan niya ngayon ay may nararamdaman akong something. Something na unusual para sa isang lalaki na tulad ko.
Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kong ngumingiti si Monjie at lalong sumisingkit ang mga mata niya. Why so attractive? Shit. Napayuko na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Kailangan ko na bang pumunta sa banyo para mailabas ito? Hahahaha!
Napatingin kaming lahat nang pumasok na ang mama ni Josh. Nakasuot na rin ng red na tuxedo si Josh pero halatang nanghihina na siya. Kalbo na rin siya dahil nagsimula na ang chemotheraphy niya kaya mas pinili niyang magpakalbo na lang.
Napatitig ako sa katawan ni Josh na sobrang payat na. Hingal na hingal siyang dumating sa kuwarto niya kahit sa ibaba lang siya galing para i-check ang kalagayan niya. Sobrang hina na talaga niya dahil ang bilis na niyang mapagod.
“Wala pa rin si Pipay?” tanong niya saka nagpalinga-linga sa loob ng kuwarto. “Bakit kaya ang tagal n’on?”
“Baka padating na rin `yon? May practice sila ng boxing kanina, eh,” pagsingit ni Monjie. Nagkatinginan kaming dalawa kaya bigla niya akong kinindatan. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil sigurado akong biglang namula ang mukha ko.
“Ano ba kasi’ng sinabi mo kay Pipay no’ng kausap mo siya sa cell phone?” iritadong tanong ni Josh sa mama niya.
“Sabi ko lang, wala ka na. Hehe.”
“Ano?! Baka isipin n’on ni Pipay, patay na talaga ako. Slow pa naman `yon.”
Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Josh.
“Ay, hard,” sagot ni Mimay habang iniikot ang buhok niya gamit ang daliri niya.
“Mas hard pa rin ang mukha mo,” pambabara ko sa kanya.
“Naks! Ganyan ang gusto ko. `Yong nambabara,” sagot naman si Monjie habang nakatingin sa akin. Kumindat na naman siya.
Shit na `yan. `Yong totoo? Trip ba ako ng Hapon na `to?
Biglang may kumatok sa pinto. Akala naming lahat ay si Pipay na pero hindi pa rin pala. Iyong mga staff ng bakeshop lang pala ang dumating at dala ang malaking cake saka ang tarpaulin na in-order namin. Isinabit nila sa dingding ang tarpaulin na may nakalagay na,
Happy 18th Birthday, Pipay ko!
Kahit hindi pa ngayon ang birthday ni Pipay at sa susunod na dalawang buwan pa, ngayon na ipina-celebrate ni Josh. Alam niya kasing hindi na siya aabot sa birthday ni Pipay.
Napatitig ako sa cake. Isa iyong malaking strawberry cake at may nakalagay pang eighteen candles. Agad akong napatayo at pumunta sa harap para makita nang malapitan ang strawberry cake. Para akong sini-seduce ng cake na iyon para tikman.
“Mukhang masarap `yong cake, `no?” Biglang sumulpot si Monjie sa tabi ko pagkatapos ay inakbayan pa niya ako. Gusto ko sana siyang itulak palayo sa akin pero baka isipin niyang naiilang ako sa kanya. `Ayan, nararamdaman ko na naman na may tumatayo sa katawan ko.
Ang bango ni Monjie. Errr.
Ano ba’ng mga pinagsasabi ko?
“Oo nga, eh. Favorite ko talaga ang strawberry cake,” sagot ko habang nakatitig pa rin sa cake.
“Gano’n ba?” mahinang sabi naman ni Monjie. Nakaakbay pa rin siya sa akin at dikit na dikit pa rin ang katawan namin sa isa’t isa. “Ako ba, favorite mo rin? Masarap din ako.”
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Ang lokong Monjie, nakangisi pa habang nakatitig sa akin.
Shit. Shit. Shit. `Wag mo `kong titingnan nang ganyan.
Sasagot pa sana ako kaso biglang may nurse na sumulpot sa harap naming lahat.
“Baka po kilala n’yo `yong babae sa morgue. Nagwawala po kasi at iyak nang iyak dahil akala niya, boyfriend niya `yong patay do’n. Imposible naman po `yon dahil lolo na `yon, eh.”
Lahat kami napa-face palm dahil sa kabobohan ni Pipay.
Forever bobo talaga. `Kainis!