Malandi #20
Dear Diary,
Dahil sa ginawang kagagahan ng anak ng puta ng karagatan, pinatawag kaming dalawa ng may-ari ng school. Pinapunta kami sa guidance office para tanungin kung ano’ng nangyari at kung bakit niya binugbog si Monica na walang kalaban-laban.
Nakaupo kaming dalawa ni Mirasol sa mahabang upuan habang nasa harap namin ang guidance counselor at ang foreigner na tatay ni Monica. Nakatitig lang silang dalawa sa amin kaya nakayuko lang ako the whole time.
Napatingin ako sa gawi ng negrang balyena at ang gaga, parang hindi kinakabahan. Humiga pa si Mimay sa mahabang upuan na inuupuan namin. Hindi pa nakontento kaya sinipa niya ako pababa para kumportable siyang makahiga. Inilabas niya pa ang cell phone saka naglaro ng games.
“King inames , ang bilis kasi ng oras. Azzhul talaga,” naasar na sabi niya habang naglalaro.
Nakatingin lang kaming tatlo kay Negra kaya napatingin din siya sa amin. “Bakit? Nakakainis kasi `tong White Tile 2. Hindi ko ma-beat `yong five na highest score ng mudra ko,” painosente niyang sabi saka itinuon uli ang paningin sa nilalaro niya.
Dahil sa electric fan na nakasabit sa kisame at umiikot sa tapat namin, biglang hinangin pataas ang palda ni Mimay. Nakita ko tuloy ang pisngi ng bilat niya na nakasilip sa gilid ng kanyang panty. Diary, bakit gano’n ang pempem ni Mirasol? Bakit ang tanda na tingnan? Pulos kamot pa.
“Ehem, Miss Mayosa, will you please seat properly? This guidance office isn’t your house. You don’t have the right to behave like that,” seryosong sabi sa kanya ng counselor. “`Andito si Mr. Gordon, the owner of this school, para malaman kung bakit n’yo binugbog ang anak niya. We’re waiting for your explanation.”
“Puta naman,” inis na sabi ni Mimay saka tumayo mula sa kanyang pagkakahiga para umayos ng upo. Padabog niya pang inilagay sa boobs niya ang cell phone niya.
Kung ako sa panty ko inilalagay ang cell phone ko siya naman sa boobs niya. Wait, teka. Boobs ba `yan o taba?
“Hoy, Pilar. Ano’ng sabi ni Counselor? English, eh. Hindi ko naintindihan,” bulong niya sa akin.
“Hindi ko rin naintindihan, eh. Ang bilis kasi magsalita `tapos English pa,” sagot ko. “Tinatanong yata kung saan mo dinownload `yong White Tile 2 .”
“Ah, `yon lang pala, eh,” sabi niya saka tumingin kina Counselor. “Sa app store. Apple ba ang cell phone n’yo, Counselor? Eh, kayo, Mr. Gordon? `Download n’yo na rin, pataasan tayo ng score.”
“I wasn’t asking for that crappy game,” galit na sabi ni Mr. Gordon. “I’m here to know why you hurt my only daughter. She’s in the hospital because of what you did. Kindly explain it to me or else I’ll kick the two of you out of this school.”
“Puta, English na naman.” Muling tumingin si Mimay sa akin. “Ano raw ang sabi, Pilar?” naiinis na niyang tanong.
“Hindi ko rin alam.”
“Ang bobo mo talaga, Pilar, kahit kailan.” Umirap pa si Mirasol.
Sino kaya ang bobo sa aming dalawa?
“Bakit n’yo raw binugbog ang anak ni Mr. Gordon? Mga batang `to, ang bobo sa English. Nakaka-stress kayo,” biglang sabi ni Counselor.
“Ah, `yon lang pala ang tanong, eh. Akala ko naman kung ano. English pa kasing nalalaman!” singhal ni Negra. “Paano ko hindi bubugbugin ang anak mo, eh, masyadong pakarat sa kuwentong `to. Dapat itong unggoy na `to,” itinuro ako ni Mimay. “Ito lang dapat ang malandi na very-very light. Pero `yang letse mong anak na tinalo ang mudra ko sa pagiging puta ng Red Sea at Bermuda Triangle walang sawa at walang preno. Inahas ang syota ng unggoy na si Pilar. Feeling kontrabida pa sa story. Mang-aagaw ng role. Imbiyerna. Nasa’ng ospital ba `yang letse na `yan para matuluyan ko na?” Pinatunog na naman ni Mirasol ang kamao niya.
“As if sasabihin ko kung nasa’ng ospital ang anak ko.” Nag-Tagalog na si Mr. Gordon. Hindi na `ata kaya ni Author ang pure English conversation. Sabi ko na, eh. Bobita rin si Author, eh.
“As if sasabihin kong nasa Gordon Hospital ang anak ko at nasa VIP room number twelve at nagpapahinga. Hindi ko talaga sasabihin kung nasa’n ang anak ko. Hindi mo malalaman.”
“`Wag na kamo siyang magpagaling at bumawi ng lakas. Sisiguruhin kong hindi na siya aabutan ng sikat ng araw bukas paglabas ko sa school na `to,” pagbabanta ni Mirasol. Muli na namang nagliyab ang mga mata niya.
“Hindi mo siya makikita,” sagot ni Mr. Gordon. “At dahil sa ginawa n’yo sa anak ko at sa paglabag ng rules and regulations ng school, I’m so sorry to say this but you, two, are now expelled. Tanggal na kayo sa school.”
“WHAT?” gulat kong tanong. “Bakit pati ako kasama sa pagtanggal sa school? Hindi naman ako kasali sa pagbugbog kay Monica, ah? In fact, `ando’n pa ako para pigilan `tong punyetang negrang `to,” naiinis na sabi ko saka tumingin kay Mimay. “ Pakyu ka, Mirasol. Tingnan mo ang nangyari dahil sa ginawa mo. Pisti.”
“How can you prove to me na hindi ka kasali sa pagbugbog? May ebidensiya ka ba?” tanong ni Mr. Gordon kaya napailing na lang ako. “See, you don’t have any proof. May nagsabi sa akin na katulong ka sa pagbugbog sa napakaganda at napakakinis kong anak.”
“At napakalandi, napakaputa, napakapakarat, and not to mention, napakalandi n’yong anak,” bulong ni Mimay kaya napatingin kami sa kanya. “Ano na namang tinitingin-tingin n’yo? Nananahimik ako dito sa sulok, ah.”
“At sino naman ang nagsabi niyang kasinungalingan na `yan? Hindi ako kasama sa pagbugbog kay Monica!” sigaw ko out of frustration. “Hoy, Negra, inutusan ba kitang bugbugin mo si Monica? Hindi naman, `di ba? Dapat ikaw lang ang ma-kick out sa school na `to, `di ba?”
Kunot-noong tumingin sa akin si Mimay. “Ang kapal mo, Pilar. Inutusan mo kaya ako. Sabi mo sa akin na bibigyan mo ako ng mga porn magazine, `yong latest issue kapag binugbog ko si Monicalandot. Ayoko pa nga, eh. Kaso kinulit mo `ko at sinabing dadagdagan mo pa ng mga porn website kung saan ka madalas nanonood.
“Sinuhulan niya lang ako, Mr. Counselor at Mr. Gordon. Ayoko naman talagang bugbugin si Monica, eh. Ang ganda kaya ni Monica saka idol ko pa. Kaya dapat si Pilar lang ang matanggal sa school.”
“`Wag mo `kong baliktarin, impaktang negra ka. Grrr. Ginagalit mo `ko!” buwisit na sigaw ko kay Mimay.
Sasagot pa sana si Mimay kaso biglang naagaw ang atensiyon namin nang may kumatok sa pinto. Nang sabihin ni Mr. Counselor na “pasok” ay agad bumukas ang pinto.
Nakita ko si Josh na nakatayo sa pintuan at tinawag niya si Mr. Gordon. “She’s fine now, Sir.”
Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Josh pero siya ang unang umiwas at muling tumingin kay Mr. Gordon. “Lalabas na po siya ng ospital later. Ako na lang po ang susundo sa kanya para po iwas hassle.”
“Thank you, Joshua.” Tinapik pa ni Mr.Gordon ang balikat ni Josh. “You’re such a good guy. Hindi mali ng pagpili ang anak ko sa `yo. Alam kong kaya mo siyang protektahan at alagaan.” Ngiting-ngiti pa si Old Gordon.
“Welcome, Sir,” magalang na sabi ni Josh. “A girl like her needs to be treasured.”
Bigla akong napatulala sa kawalan nang marinig ko ang sinabi ni Josh. Naalala ko kasing sinabi niya rin sa akin `yon noon. Nakakatawa lang dahil para sa iba na niya sinasabi at ginagawa ang mga bagay na minahal ko sa kanya. Agad ko tuloy naalala ang araw kung kailan niya sinabi ang famous line niya na `yon...
“ Josh, tanong ko lang. Ano ba’ng nagustuhan mo sa akin?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Magka-holding hands pa kami, Diary. Ang lambot din ng mga palad niya.
Nagse-selfie kaya si Joshua, Diary? Hihi. Ang dirty ng utak ko.
“Nagustuhan mo ba ako dahil maganda ako, Josh? O dahil sexy ako? O dahil maganda ako at sexy? Hihi,” nahihiya kong tanong.
“Sa totoo lang, Pipay, hindi kita nagustuhan dahil maganda ka o dahil sexy ka, dahil alam naman natin pareho na hindi ka maganda at sexy.”
Napasimangot ako.
“Joke lang! Ito naman, hindi na mabiro.” Kinurot niya ang ilong ko. Naamoy ko tuloy na egg ang breakfast niya. May naiwan kasing amoy, Diary. Hihi.
“When I saw you before, natuwa na ako sa `yo. Feeling ko kasi ang astig mong babae. Even if everyone makes fun of you and insult you, hindi ka lumalaban o gumaganti ng masasakit na salita. Hindi mo sila pinapatulan. Nagustuhan kita dahil ang bait mong tao. Nakita ko minsan na umiiyak ang isang bata dahil nalaglag ang laruan niya sa kanal, yet you didn’t hesitate to help her. Kahit ang dumi ng kanal at ang baho, sinuong mo `yon para lang makuha `yong laruan.”
Ngumiti si Josh saka deretsong tumingin sa akin. “Natutunan ko na ang pagmamahal pala ay hindi laging tumitingin sa pisikal na anyo. Kundi sa kabutihan ng puso, Pipay. Natutunan ko `yon dahil sa `yo. Kaya no’ng nakita kitang binu-bully nina Prince, hindi na ako nag-hesitate na tulungan ka. `Cause a girl like you needs to be treasured...”
I smiled bitterly because of the sudden memory that flashed in my mind. Nakaka- shutang inerns lang dahil bakit kung kailan ko pinipilit kalimutan ang memories namin ni Josh ay saka ko naman `to paulit-ulit na naaalala? Hindi deserve ni Josh kahit ang maliit na espasyo sa utak ko.
Kailangan ko yatang i-reformat ang maliit kong utak. Ang liit-liit na nga `tapos pulos siya pa ang laman. Buwisiterns .
“Can I talk to you, Sir?” rinig kong tanong ni Josh kay Mr. Gordon. Napatingin uli siya sa akin pero this time ako na ang unang nag-iwas.
Ang kapal mo, Joshua. Wala kang karapatang tumingin sa akin nang ganyan. Wala kang karapatan na tumingin sa akin at iparamdam na hindi ka apektado sa mga nangyayari. Someday, you’ll see. Makikita mo talaga.
Tumango si Mr. Gordon saka sila lumabas ni Joshua. Ilang minuto rin silang nawala. Si Mimay nakatulog na sa tabi ko at nakanganga pa ang gaga. Suntukin ko kaya ang bunganga ng punyentang `to? Ang lakas gumawa ng kuwento para mabaliktad ako, eh. Writer ba sa Wattpad `tong negrang `to? `Galing gumawa ng plot, eh. Pero iba ang twist na gagawin dahil itu-twist ko ulo ang niya.
Nang makabalik na si Mr. Gordon ay agad kong sinapok ang mukha ni Mirasol para magising siya. Agad naman siyang nagising saka tumingin sa akin nang masama.
“I changed my mind. Hindi ko na kayo iki-kick out dito sa school,” seryosong sabi ni Mr. Gordon. “But! Bilang parusa, kailangan n’yong linisin ang buong soccer field ngayon.”
Hindi na ako umangal at sumagot pa. Pero si Mirasol umangal at nag-hysterical pa. “Aba, nagkakalokohan tayo, eh. Sa bahay namin hindi ako pinapagawa ng gawaing bahay ni Mudra Ursula `tapos dito papaglinisin n’yo lang ako ng soccer field? Bitch, please!”
“Baka nakakalimutan mo, Miss Mayosa, na ako ang may-ari ng school na `to kaya magbigay-galang ka.”
Tumayo si Mirasol saka pumunta sa desk ni Mr. Counselor. May isinulat siya sa isang papel saka ibinigay kay Mr. Gordon.
“Ano `yan?” tanong ni Mr. Gordon.
“Duh, basahin mo kaya?” naiiritang sagot ni Mimay.
Agad naman `yong binasa ni Mr. Gordon kaya kumunot ang noo niya. “Galang?” sabi niya. “Bakit may galang na nakasulat dito sa papel?”
“Sabi mo magbigay-galang ako, eh. `Ayan na.” Tuluyan nang nabuwisit si Mirasol. “`Gulo n’yo naman, eh.”
“Hindi `yan ang tinutukoy ko,” galit na sabi ni Mr. Gordon. “Dahil sa pagiging pilosopo mo, hindi lang soccer field ang lilinisin mo. Lilinisin mo na rin ang buong campus, ang Mall of Asia, ang SM North Edsa, ang Araneta Coliseum, pati na rin ang Ninoy Aquino International Airport. At subukan mong umangal, idadagdag ko pa sa listahan ang mansiyon nina Author.”
Napanganga si Mirasol at hindi na sumagot. Mukhang natakot `ata at nalula sa dami ng lilinisin nya. Good luck na lang sa kanya kung matapos niya ngayong taon ang paglilinis sa mga binanggit na lugar ni Mr. Gordon.
Serves her right. Karma’s a bitch talaga.
Pinalabas na kaming dalawa ni Mimay sa guidance office at dumeresto na sa soccer field. May dala na rin kaming tig-isang walis tingting at dustpan. Bad trip talaga. Pero ayos na `to kaysa naman dumami ang lilinisin ko katulad ng kay Negrang matabil ang dila. O ang matanggal ako nang tuluyan sa SOGO University.
Nagtataka pa rin talaga ako kung sino ang nagsabi na tumulong ako sa pagbugbog kay Monica, eh. Si Josh lang naman ang nando’n saka ang dalawang friends ni Monicalantod.
Gusto kong isipin na si Josh ang nagsumbong. Puta siya.
Habang naglilinis ay biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko kaya napatalon ako sa gulat. Pagharap ko, si Monjie lang pala na pawis na pawis at tanging short lang ang suot. Tumambad tuloy sa akin ang pawis na pawis niyang matigas na chest at awesome abs niya.
“Ano ba, Mong? Nakakagulat ka naman,” sabi ko sa kanya. “Payakap-yakap ka pa. Amoy-pawis na tuloy ako.”
Tawa lang siya nang tawa. “Hahaha. Ayos lang `yan para parehas na tayong amoy-pawis,” sabi niya. “May panyo ka ba, Pipay? Pahiram naman ako, o. Wala kasi akong dala.”
Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko. “O. Punasan mo nga `yang pawis mo. Baka magkasakit ka.”
“Baka naman panty mo `to, ah?” bigla niyang tanong. “Ikaw na pala ang magpunas sa akin. Please?”
“Ang tamad mo naman,” sabi ko na kunwaring naiinis. Lumapit ako sa kanya at muling kinuha ang panyo para punasan ang likod at abs niya. Nakatingala lang siya habang pinupunasan ko ang katawan niya. Bakit kaya?
“Pati ba `yang nasa loob ng short mo pupunasan ko o ilalabas mo na lang para mahanginan?”
“Haha! Gago!” Tumawa si Mong. “Salamat, Pipay. Teka, bakit ka nga pala `andito sa soccer field?”
Ikinuwento ko ang nangyari kanina kaya naging seryoso na naman ang mukha niya. Damn, Diary. Ang guwapo ni Mong ngayon, nakakainis! Bakit kaya mas guwapo siya at hot kapag walang suot na pang-itaas? What more pa kaya kung hubo’t hubad siya? Eh, di tinalo na niya ang araw sa sobrang init.
“Gago talaga’ng Josh `yan,” sabi niya na halatang galit. “Actually hindi na ako masyadong sumama sa kanila nina Monica. Sa iba na ako umuupo at kapag may basketball practice kami, lagi akong lumalayo kay Josh. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko’t mabugbog ko na naman siya.”
“Mong, please, `wag na.” Hinawakan ko siya sa braso. “`Wag mo nang bugbugin si Josh, pakiusap. Para wala nang gulo. Hayaan na lang natin sila.”
“Damn, Pipay. Bakit ganyan ka kabait? Bakit kahit ikaw na ang lubos na nasaktan, kapakanan pa rin nila ang iniisip mo? Kaya dapat hindi ka sinasaktan, eh. Ikaw dapat ang pinapasaya. Josh is so stupid for making you cry,” seryosong sabi ni Mong habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa malayo saka nagsalita. “Ayoko lang na may nasasaktan sa mga nangyayari. Masakit siyempre ang nangyari. Pero acceptance na lang ang kailangan. Dalawang bagay lang naman kasi ang kakahantungan ng isang relasyon, eh. Ang maging kayo hanggang dulo o ang maghiwalay kahit wala pa sa kalagitnaan.Hindi lang matatag si Josh para sa relasyon naming dalawa kaya gano’n ang nangyari. Pero tatanggapin ko. Kakayanin ko.”
Bigla akong niyakap ni Mong mula sa likuran ko. “Basta `wag mong kakalimutan na ako ang Batman ng buhay mo at ako ang bahala sa `yo.”
Tumango ako.
“TIRAKITA! Bilisan mo, bumalik ka na rito!” sigaw ng coach nina Mong.
“`Asar. Istorbo naman `tong panot na `to,” inis na sabi ni Mong. “Sige na, Pipay. Balik na `ko do’n.”
Tinawag na si Mong ng coach nila dahil simula na uli ng excercise nila. Kailangan pala nilang ikutin ang buong field nang ilang beses. Pero bakit si Josh, hindi nag-e-excercise?
Ay, malamang, Pilar. Inaalagaan niya pa ang prinsesa niya, eh.
Napatingin ako kay Mirasol na nakahiga na sa damuhan. Agad ko siyang nilapitan para malaman kung ano’ng nangyari sa kanya. Paglapit ko, nakatulala lang ang negra sa kawalan.
“Hoy, ano’ng nangyari sa `yo?” tanong ko saka sinipa ang mataba at maitim niyang hita.
Wala sa sariling sumagot siya. “Bakit ang guwapo n’ya? Ang sarap pisilin ng chest at abs niya. I think I’m in love again.”
Mukhang si Mong ang tinutukoy ng futa . Asa naman na may pag-asa siya.
Nang gabing `yon, habang inaayos ko ang laman ng bag ko, bigla akong may nakitang papel na nakasingit sa notebook ko. Agad ko `tong tiningnan at binasa.
Gusto mo bang gumanda? Oo, alam ko dahil pangit ka. Sumali na sa biggest and newest game ng channel 2 ang “Makeover mo, Sagot ko!” Just follow the mechanics on how to join.
Ito ang papel na humarang sa mukha ko habang papasok ako sa school. Sumali kaya ako? Hindi naman siguro masama kung magta-try, `di ba? Wala namang mawawala sa akin, eh.
Agad kong binasa ang mechanics on how to join.
1. Follow @owwsiccc at Twitter and Instagram.
2. Tag @owwsiccc a photo of yourself on Twitter or Instagram with the hashtag of #SicsNextTopModel and a reason why I have to choose you as one of my participants.
3. Wait for my reply. Don’t worry it won’t take long.
4. Compliment me and say, “Ang pogi mo, Sic. Ang hot mo pa.”
Agad kong ginawa ang mechanics. Since may Twitter na ako, Instagram na lang ang ginawa ko. Nag-picture rin ako at t-in-ag ang famewhore na `yon with the hashtag and reason.
“Isa ako sa dapat mapili dahil gusto kong makaranas ng isang kagandahan na hindi iiwan ng isang lalaki. Galing ako sa isang breakup dahil mas pinili ng ex-boyfriend ko ang isang maganda at isang makinis na babae. Masakit para sa akin `yon dahil nakakatapak ng dignidad. Gusto kong ipamukha sa kanya na malaki ang sinayang niya kapag maganda na ako.”
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng instructions, agad akong nag-log out at natulog. Kinakabahan ako habang nakahiga dahil iniisip ko na kapag natanggap ako sa game, shet, gaganda na ako.
Ano kaya’ng iisipin ni Josh kapag gumanda ako? Babalik ba siya sa akin?
For Mimay bilat’s sake, Pilar. Gawin mo `yang makeover na `yan para sa sarili mo at hindi para sa walang kuwentang Josh na `yon. Okay?! sinigawan na naman uli ako ng konsiyensiya ko.
“Okay po,” sabi ko saka pumikit na dahil sa sobrang antok.
Kinabukasan habang antok na antok pa, binuksan ko ang Instagram at Twitter ko para i-check kung may sagot na ba ang famewhore na organizer ng game. Pagtingin ko sa photo na kaa-upload ko lang sa Instagram, ang dami nang likes. Hundred likes to be exact.
Agad nanlaki ang mga mata ko at nawala ang antok ko. Ang dami na ring comments do’n.
Bakit ang daming comment, eh, kaa-upload ko lang nito kagabi?
Isang comment ang nakaagaw ng atensiyon ko na galing sa @owwsiccc ang username.
O, SHUTANG INERNS .
Napatayo ako mula sa pagkakahiga ko at hindi makapaniwala sa nabasa ko.
This is it, Diary. This is really is it.
Gaganda na,
Pipay