Malandi #18
Dear Diary,
Hindi ko na nilingon si Josh kahit tinawag niya ang pangalan ko nang ilang beses. Ayokong makita niyang umiiyak ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit hindi ko na alam kung saan ako patungo basta makalayo lang ako sa kanilang dalawa ni Monica.
Masakit isipin na tinapos ko na talaga ang namamagitan sa amin ni Josh pero kailangan talaga, eh. Ito lang naman talaga ang kailangan ko para tuluyan nang makalimot. Itong clos... close up lang talaga ang kailangan ko. `Di ba, ito lagi ang kailangan ng dalawang naghihiwalay? `Yong close up para maliwanag ang lahat sa bawat isa.
Napahinto ako sa isang poste dahil sa sobrang hingal. Pinunasan ko ang mga luha at sipon na nasa mukha ko. Suminga pa nga ako sa damit ko dahil hindi na rin ako makahinga dahil sa sobra-sobrang sipon na nakabara sa ilong ko. Bigla ko tuloy naalala si Pempem ko. Hala, baka kung ano na ang nangyari sa kanya, Diary.
Agad kong ibinaba ang short at panty ko kahit nasa kalsada. Wala na namang tao sa paligid dahil madaling-araw na kaya keri lang.
“Pempem, okay ka lang ba? Baka naman pagod ka na?” Bumukaka ako para makita ko nang maayos ang mukha ni Pempem.
Nakasimangot si Pempem at hindi ako pinapansin. Nagtago pa siya sa mga buhok. “Pempem, lumabas ka d’yan. `Wag mo `kong dedmahin kundi aahitin ko `yang mga buhok na pinagtataguan mo, sige ka,” pananakot ko sa kanya.
Pero ang gagang pempem ko, dedma talaga. Hinalukay ko siya sa mga buhok na pinagtataguan niya. Inirapan lang niya ako at lalo pa niya akong sinimangutan.
“Ang taray mong gaga ka!” sabi ko sa kanya saka kinurot ang pisngi niya. “Aray!”
Bakit kaya kapag kinukurot ko si Pempem, nasasaktan din ako? Iisa lang talaga ang pakiramdam naming dalawa.
Habang kinakausap ko si Pempem, may napansin akong tatlong binata na nakatayo sa likuran ko. Paglingon ko sa kanila, nakita kong nakanganga sila habang nakatingin sa akin. May hawak pa silang tatlo na plastic ng yelo na may lamang rugby
Ay, shet. Mga adik `tong sina koya .
“Bakit kayo nakatingin?” tanong ko sa kanila. “`Wag n’yo `kong pipigilan. Pinapagalitan ko si Pempem. Suplada at maldita masyado,” sabi ko sa kanila.
Nagpapalit-palit ang mga tingin nila sa akin at sa short at panty kong nakababa. Aba, mukhang na-speechless sila sa ginagawa ko, ah.
“Gusto n’yong makilala si Pempem? Hihihi,” tanong ko sa kanila saka tumingin kay Pempem. “O, pems. May mga boys na gustong makipag-usap sa `yo. Be nice, ah?” sabi ko saka muling tumingin sa tatlong binata na nasa harap ko.
Nakanganga pa rin sila habang titig na titig sa akin. “Pempem, meet boy adik number one, two, and three. Boys, meet Pempem. Talk dirty to her. Tenenentenenene . Talk dirty to Pempem. Tenenentenenene .” Sumayaw-sayaw pa ako habang bumubukaka para makita nang maayos ni Pempem ang tatlong binata na nasa harap ko.
“Ate, anong tinira mo? Mas high ka pa sa amin, eh,” tanong ni Boy adik one.
“`Wag mo nang kausapin `yan, p’re. Mas adik pa `ata sa `tin `yan, eh,” sagot naman ni Boy adik two.
Naglakad na silang tatlo paalis sa harap ko habang sumisinghot pa rin ng rugby na nasa plastic. Shutang inerns na mga `yon, pinagkamalan pa akong adik.
Excuse me, hindi ako nagra-rugby dahil panty ko pa lang, malakas na ang tama.
“Mga adik. Ulol!” sigaw ko sa kanila habang itinataas ang panty at shorts ko.
Sabay-sabay naman silang lumingon sa akin at nag- pakyu sign. Aba, gago `tong mga `to, ah? Bubuhatin ko sana ang trashbin na nasa gilid ko para ibato sa kanila pero nakalayo na sila, eh. Sayang!
Nagpatuloy na uli ako sa paglalakad nang napansin kong nakayapak na ako at wala nang tsinelas na suot. Napalingon ako sa paligid pero hindi ko makita ang tsinelas na suot ko kanina.
Agad akong napaiyak hindi dahil sa naalala kong pamamaalam ko kay Josh kundi dahil sa nawawalang tsinelas ko. Sa sobrang bilis ko sigurong tumakbo kanina ay hindi ko na namalayan na natanggal na ang suot kong tsinelas.
“ Shutang inerns naman, o. Mababalian ako ng leeg ni Inay, eh,” sabi ko sa sarili ko habang mangingiyak. “Galing pang Divisoria `yon, eh . Pakingshet talaga, o.”
Naglakad na lang ako uli habang walang suot na tsinelas. Mukha tuloy akong pulubi ngayong madaling-araw dahil sa ayos kong mukhang gusgusin at wala pang sapin sa paa. Futa! Medyo malayo pa ang bahay namin mula dito sa nilalakaran ko. Ilang oras pa kaya ako magtitiis na maglakad na walang suot sa paa?
Hindi ko na alam kung anong oras ako nakauwi sa amin pero papasikat na ang araw. May nakasalubong pa nga akong magpapadensal at taho vendor na naglalako ng paninda nila. Lahat sila nakatingin sa akin na para bang may mali sa katawan ko. Kaya naman napatingin ako sa shorts ko at nakita kong nauna kong naisuot ang short ko kaysa sa panty ko. Nagmukha tuloy akong si Superman dahil do’n.
Face palm.
Wala na si Inay pagpasok ko sa loob ng bahay. Mukhang maaga siyang nagising para gawin ang daily routine niyang pagdya-jogging since malapit na ang boxing contest sa plaza. Si Inay, walang kadala-dala. Lagi naman siyang nana-knockout ni Aling Petra, eh. Jusko! Hindi yata titigil `tong si Tinay hangga’t hindi nag-aagaw-buhay, eh. Bahala nga siya sa life niya.
Umakyat na ako sa kuwarto at hinubad ang damit na suot ko saka nagpalit ng pambahay. Matutulog na sana ako pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi pa rin ako dinadapuan ng lamok. Shutang inames . May pasok pa ako mayamaya kaya kailangan kong matulog kahit papaano. Pero ayaw talagang pumikit ng mga mata ko.
Napatingin ako sa cabinet kong nakabukas dahil nagkalat ang mga damit ko. Nakita ko ring nakasabit pa rin ang mga damit ni Josh na naiwan niya sa akin. Biglang nagsikip ang dibdib ko dahil do’n. Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko saka tumayo at kinuha ang mga gamit ni Josh. Kumuha na rin ako ng karton para sa mga paglalagyan ng gamit niya.
“Last na talaga. Ngayon lang `to,” sabi ko sa sarili ko saka inamoy ang T-shirt ni Josh. Pagkatapos kong amuyin ay inilagay ko na sa karton ang mga damit niya.
Napatingin ako sa mesa ko at nakita ko ang mga bigay ni Josh sa akin. From notebooks and ball pen na iba’t ibang kulay. Ibinigay niya sa akin `to para daw hindi na ako nauubusan ng ball pen sa pagsusulat sa `yo, Diary.
Nakita ko rin ang picture frame na may picture naming dalawa ni Josh. Kuha ito no’ng fourth monthsary naming dalawa ni Josh. Nakaakbay siya sa akin habang nakangiting nakatingin kami sa isa’t isa. We looked so much in love back then. Pero ano’ng nangyari ngayon?
Napapakanta na lang ako ng “Anong Nangyari sa Ating Dalawa” ni Aiza Seguerra.
Itinago ko na sa isang tabi ang karton pagkatapos kong ilagay ang mga gamit na naiwan ni Josh. Isasauli ko `to lahat sa kanya kapag wala na akong sakit at pagmamahal na nararamdaman sa kanya. Ipapamukha ko sa kanya na nakalimutan ko siya dahil ito naman ang gusto niya—ang makalaya siya nang tuluyan sa akin. Ibibigay ko ang gusto niya. Generous ako, eh.
Umupo ako sa gilid ng kama nang mahanap ko ang gunting na nasa mesa. Kinuha ko `yon saka umupo sa harap ng salamin. Medyo mahaba na ang buhok ko kaya gugupitan ko na ito. Ganito naman ang pagmu-move on, `di ba? Nagpapagupit ang mga babaeng brokenhearted to start a new life. Since gaya-gaya ako at brokenhearted din ako, `push ko `to.
Una kong ginupitan ang bangs ko. “Ay, pakshet, hindi pantay.” Ginupit ko uli dahil hindi pantay. Paggupit ko, agad akong napatingin sa salamin. “Ay! Hindi pa rin pantay. Isa pa.” Saka ko uli ginupit. Pero hindi pa rin pumantay ang gupit ko. Kaya ginupit ko uli nang ginupit nang ginupit ang bangs ko hanggang sa wala na akong bangs.
“Ay futa!” gulat na sabi ko nang makita ko ang sarili sa salamin. Kitang-kita na tuloy ang noo ko dahil wala nang buhok na humaharang.
Napatingin ako sa magkabilang side ng buhok ko. “Hmm... bakit kasi bangs ang ginupit ko? Dapat ito, eh.” Saka ko ginupit ang buhok na nasa kanan ko. Napalaki ang gupit ko dahil lampas tainga ang nagupitan ko.
“Shutang inerns!” sigaw ko dahil sa nangyari. “Ang bobo ko maggupit!” Hinawakan ko ang buhok na nasa kaliwang parte at ginupit ko rin kapantay ng nasa kanan ko na abot-tainga lang. “Hindi rin pantay!” angal ko sa sarili ko kaya ginupit ko uli nang ginupit ang buhok ko hanggang sa napansin kong nagupit ko na ang lahat ng buhok ko.
Agad kong inilapag ang gunting na hawak ko saka hinawakan ang ulo kong kalbo na. “Shutang inerns! NOOOO!” sigaw ko habang pinagmamasdan ang hitsura ko sa salamin.
“Shutang inerns! YESSS!” Bigla akong nagulat at agad napadilat nang may humampas ng kaldero sa mukha ko. Agad tumambad sa akin si Inay na nakatayo sa harap ko at nakapamaywang pa.
“Ano, Pilar? Tanghali na pero ngayon lang gigising? Nanaginip ka pang gaga ka. Tumayo ka na diyan at may pasok ka pa.”
“Nananaginip lang ako?” hindi makapaniwala kong tanong kay Inay.
Nananaginip lang ako, ibig sabihin ba nito ay kami pa rin ni Josh at hindi kami naghiwalay? Agad tuloy akong napatingin sa karton na pinaglagyan ko ng mga gamit ni Josh. Pero na-disappoint lang ako. `Ando’n nga ang karton kaya hindi kasama sa panaginip ko ang paghihiwalay namin.
“Aba, oo!” sigaw ni Inay. “Nag-aadik ka na bang bata ka? Tingnan mo `yang mga mata mo. Pulang-pula at magang-maga. Bato o Mary Jane?”
Napakunot-noo ako at nagulat. “Anong bato o Mary Jane? Ano `yon?”
She rolled her eyes. “`Yong bato, shabu. `Yong Mary Jane naman ay marijuana. Synonyms `yan, `te. Hindi ba itinuro sa inyo `yan sa school?”
Umiling ako.
“Ay! Boom panot pala ang school n’yo sa school namin, eh. But anyway, tumayo ka na diyan at mag-ayos. Male-late ka nang shunga ka.” Umirap pa si Inay saka lumabas ng kuwarto ko.
Walang gana akong tumayo at humarap sa salamin. Nakita kong maayos pa rin ang buhok ko tulad ng dati. Panaginip ko lang pala `yong ginugupitan ko ang sarili kong buhok.
Hay, `buti naman.
Habang sinusuklay ko naman ang buhok ko ay nakita ko `yong gunting. Pakingshet. Masamang senyales `to kaya kinuha ko ang gunting saka ibinato palabas ng bintana. Mahirap na, eh.
Nag-ayos na ako at nag-ready para pumasok sa school. Mukhang good mood si Inay ngayon dahil pinabaunan niya ako ng singkuwenta pesos saka isang C2 at sandwich na may palamang sardinas na ulam niya kagabi. Very resourceful ang nanay ko.
Ang galing ni Nanay. Ang galing ni Nanay. Isali ko kaya si Inay sa bet on your nanay?
Paglabas ko ng bahay namin ay may nakita akong pinagkakaguluhan ang mga tao. May pulis pa nga at ambulansiya, eh. Dahil dakila akong tsismosa, nakisiksik din ako sa kanila para makita ang tinitingnan nila. Nandiri agad ako nang makita kong isang lalaking snatcher pala ang patay. Mukhang may inagawan ng cell phone kaya napagtripan. May gunting kasi na nakatusok sa noo niya, eh.
Ewwwiness lang talaga.
Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep ay biglang may humarang sa mukha ko na isang papel dahil sa lakas ng hangin. Akala ko promote ng mga account na naman ni Author ng Instagram at Twitter niya which is @owwsiccc ang username niya pero hindi pala. Ibang annoucement ang nakalagay dito.
Gusto mo bang gumanda? Oo, alam ko dahil pangit ka. Sumali na sa biggest and newest game ng channel 2 ang “Makeover mo, Sagot ko!” Just follow the mechanics on how to join.
Inilagay ko sa bag ko ang papel para basahin uli mamayang pag-uwi ko. Sa ngayon, kailangan ko nang magmadali dahil late na late na talaga ako for school.
Pagdating ko sa school ay umakyat agad ako papunta sa classroom namin. Sakto namang pagdating ko ay dumating na ang professor namin. Nagpatuloy ang lessons nang nakatulala lang ako sa kawalan at inaantok. Pakshet . Ngayon pa ako inantok dahil wala ako gaanong tulog.
“Hoy, Pilar!” Biglang tumayo si Mimay sa harap ko habang lunch break namin. Wala nang tao sa loob ng classroom dahil nasa canteen silang lahat at tanging ako at si Mimay na lang ang nandito.
“Bakit?” walang ganang sagot ko sa kanya. “Kung aawayin mo ako, puwedeng next time na lang? Wala ako sa mood, eh. Kung bubugbugin mo naman ako, sige go lang. Manhid naman na ang buong katawan ko kaya wala akong mararamdaman.”
“Gaga!” Bigla niya akong binatukan. “Hindi kita aawayin o bubugbugin ngayon dahil wala sa script ko `yon. May iba akong pakay.”
“Ano `yon?”
“May itatanong lang ako.” Nag-cross arms pa si Gaga. Nakita ko tuloy ang kilikili niyang nangingitim ang gilid at may buhok pa. “Ano’ng nangyari sa `yo? Bakit tulala ka lang buong klase natin at parang wala sa sarili? Namamaga rin ang mga mata mo na parang umiyak ka magdamag?”
“So, concerned ka na sa akin?”
Binatukan uli niya ako. “Gaga! Wala akong sinabi. Tinatanong kita kaya sumagot ka nang maayos kung ayaw mong matulad do’n sa kambal sa uma na inihagis ko pababa ng ground floor.”
“Ah, wala naman. Hindi lang ako nakatulog nang maayos,” sagot ko dahil nakakatakot ang banta ng negrang pusit.
“Weh? Eh, bakit ibang babae ang kasama ni Josh sa canteen? Sinusubuan pa n’ong babaeng maputi na `yon ang boyfriend mo. Wala na ba kayo?”
Napaiwas ako ng tingin saka umiling. “Wa... wala na,” mahina kong sagot saka napayuko.
“King Ina. So, true?” gulat na tanong ni Mimay. “Inagaw ba sa `yo ng maputing babae na `yon si Josh?”
Hindi ako sumagot.
“Aba, punyeta, ah. Ako lang dapat ang kontrabida sa story na `to, eh. Bakit may umeepal? Maturuan nga ng leksiyon ang malanding babaeng `yon.” Pinatunog pa ni Mimay ang kamao niya. Kitang-kita ko ring nag-aalab sa galit ang mga mata niya. Lumaki rin ang butas ng ilong niya kaya nakita ko na ang utak niyang kulay itim dahil nabubulok na.
“Ano’ng gagawin mo?” kinakabahang tanong ko.
Mukhang hindi maganda ang gagawin ni Mimay. Shet. Gulo `to.
“Basta. Ako na ang bahala sa babaeng `yon,” sabi ni Mimay. “O! Sa `yo na `yan. Hindi ka kumain, `di ba? Sa `yo na `yan tutal diet ako.” Saka niya inilapag ang baon niyang pagkain a harap ko.
Sasagot pa sana ako nang makita kong palabas na si Mimay ng classroom namin. Hinabol ko siya saka tinanong.
“Hoy, Negra! Saan ka pupunta?”
“Sa Engineering department. May babalian lang ako ng buto! `Ge, kitakits mamaya,” sabi niya saka kumaway pa.
Shutang inerns . Gangster na si Mimay at dadayo pa talaga ng Engineering department para mambugbog lang?
Kailangan kong makita ang gagawin ni Mimay, Diary. Kuwentuhan kita later. Bye, mwa.
Kinakabahan sa gagawin ni Negrang Mirasol,
Pipay