noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 13

Ch. 14 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #13

Dear Diary,

Hindi ko maintindihan si Mong habang nagmamaneho siya, Diary. Nakangiti lang kasi siya habang nagda-drive. Ano ba’ng nakakatawa at parang ang saya-saya niya ngayon? Masaya ba siyang kasama niya ako ngayong gabi? Hihi. May crush yata talaga `tong si Mong sa akin, eh. Ayaw pa kasing umamin. Charlot!

“Seriously, Mong. Ano ba’ng nakakatawa at kanina pa malapad `yang ngiti mo?” tanong ko sa kanya nang huminto kami dahil naging red ang traffic light.

Napatingin naman sa akin si Mong at lalong lumapad ang kanyang ngiti. May dumaan pa ngang kotse kaya nailawan si Mong at nakita ko tuloy kung gaano kasingkit ang mga mata niya.

“Wala naman,” sabi niya habang umiiling. “Naalala ko lang kasi no’ng mga bata pa tayo. Lagi mong hinuhubad `yong panty mo `tapos isusuot mo sa ulo ko.” Natawa siya. “Pero ngayon, ibang-iba na.”

“Bakit naman ibang-iba na?”

“Ako naman kasi ang nagpapasuot sa `yo ng gamit ko. `Yon nga lang jacket at hindi brief.” Tumawa siya nang malakas.

“Bakit, gusto mo bang ipasuot sa akin ang brief mo?” natatawa kong sagot sa kanya. “Hubarin mo `yong brief mo, dali, `tapos isuot mo sa ulo ko. Hihihi.”

“Haha! Gago! `Wag ka ngang malibog, Pipay,” sabi niya saka binato ang karton ng tissue sa akin. Nagtawanan na lang kaming dalawa pagkatapos ay nagpatuloy na si Mong sa pagmamaneho.

Nakarating kami sa tapat ng restaurant nina Mong, Diary. Kahit hindi pa kami nakakapasok sa loob ay kitang-kita na kung paano dumugin ang restaurant nila. Punong-puno na kasi ng kotse ang parking lot ng restaurant habang ang mga upuan sa labas ay punong-puno rin ng tao. Resto-bar type kasi ang pag-aari nina Mong kaya talagang tinatangkilik ng mga kabataan at kahit ng mga matatanda na. Samu’t saring mga tao rin ang nakikita kong customer nila. May jejemon din sa paligid at mukhang may meeting ng clan nila.

Mga jejemon talagang `to, pakalat-kalat sa lasangan.

Bumababa kami ng sasakyan ni Mong `tapos dumeretso na sa loob ng restaurant. Ang ganda ng ambiance ng restaurant kapag gabi, Diary. Ang sarap sa mata ng mga ilaw. May touch of Japanese culture talaga. Talagang hindi inalis ni Ninang Glenda ang pagiging Hapones nila, ah.

Bigla ko ngang naramdaman na kumati ang pempem ko. Marahil gusto niya ring makita ang mga nakikita ko. Agad ko nga siyang tinapik at pasimpleng sinabi na, “`Wag kang lalabas, pempem. Maraming tao at baka pagkaguluhan ka.” Naramdaman ko naman na tumango si Pempem kaya dedma na.

Nakasunod lang ako kay Mong nang may dalawang babaeng super sexy ang humarang sa dinaraanan namin.

“Monjie! Hindi namin inaakalang pupunta ka ngayon dito sa restaurant n’yo. Let’s have a party!” sabi ng isang babae na halos makita na ang kuyukot sa ikli ng suot. `Yong isa namang kasama niya, nakangiti lang kay Mong at halatang nagpapa-cute.

*cough* Mga *cough* pakangkang na babae.

“I’m so sorry, ladies,” sabi ni Mong saka biglang hinawakan ang kamay ko at hinarap sa mga babae. “I’m with my girlfriend.”

Halos lumaki ang mga mata ng dalawang babae dahil sa sinabi ni Mong, Diary. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa sinabi niya, eh. Kailan niya pa ako naging girlfriend, aber? Kailan kami nag-break ni Josh at kailan niya ako niligawan?

“`Yan, girlfriend mo?” turo sa akin ng babaeng pulang-pula ang mga labi dahil sa kapal ng lipstick. “Imposible. C’mon, `wag kang mag-joke, Mong.” Humalakhak pa silang dalawa.

Natawa lang din si Mong saka bigla niya akong pinatalikod sa dalawang babae na tumatawa. Napansin ko naman na bigla silang napatigil habang binabasa ang nakasulat sa jacket na suot ko.

“OH, MY GOD!” sabay nilang nasabi. “That is your jacket, right?” Tumango si Mong habang nakangiti pa rin. “Oh. I remember na sinabi mo sa amin na tanging girlfriend mo lang ang papasuotin mo ng jacket mo. So, she’s really your girlfriend?” gulat na gulat na sabi ng isang babae.

“Yep,” matipid na sagot ni Mong. “So stop bothering me. Seryoso ako sa girlfriend ko.” Hinawakan ni Mong ang kamay ko saka nilampasan ang dalawang babae na gulat na gulat pa rin dahil sa sinabi niya.

Kilala si Mong ng mga customer na dinaraanan namin dahil kumakaway sa kanya ang mga ito, Diary. Famous pala `tong si Mong. Pati kaya sa Facebook famous din siya?

Hawak-hawak niya lang ang kamay ko kaya napapatingin ang mga taong nakakakita sa aming dalawa. May matanda pa ngang nagpa-cute kay Mong pero biglang hinimatay dahil nakita kung gaano kahigpit ang hawak ni Mong sa kamay ko.

“Hoy! Ano’ng pinagsasabi mo do’n? Girlfriend pa, ah,” sabi ko kay Mong nang makapasok kami sa kusina ng restaurant. Nasa gilid lang kami kaya hindi kami abala sa mga nagluluto at mga waiter.

Tumawa siya nang malakas. “Joke lang `yon! Gusto ko lang sila inisin.” Patuloy pa rin siya sa pagtawa. “Saka magiging girlfriend din naman kita, eh.”

“Ano’ng sabi mo?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.

“Wala, wala,” sagot naman niya. “O, `ayun pala si Mama, eh. `Ma! `Eto na si Pipay, o,” tawag niya nang pumasok si Ninang Glenda sa kusina.

“`Buti naman, Pipay, at nandito ka na. Hindi ka ba nahirapan sumakay ng jeep?” tanong ni Ninang Glenda. “At ikaw, Monjie, himala at napadalaw ka dito sa restaurant? Anong masamang hangin ang nagdala sa `yo rito at nagawa kang mapapunta dito ng gabi?” tanong naman ni Ninang kay Mong.

“Bored lang ako sa bahay, `Ma. Kaya dalaw-dalaw rin `pag may chance.” Ngiting-ngiti si Mong.

“Hindi naman ako nahirapan sa pagsakay, Ninang. Sinundo kasi ako ni Mong sa kanto namin, eh,” sabi ko. “Nagulat nga ako dahil hinihintay pala niya ako do’n. Pinasundo mo ba ako?”

Nagulat si Ninang Glenda. “Ha? Pinasundo? Hindi, ah. Hindi kita mapapasundo kay Mong dahil never mo mauutusan `yan kapag gabi na. Kahit nga suhulan ko `yan ng pera para lang dumalaw dito, hindi pa magawa, eh. Saka talagang sinundo ka niya?” Pagkatapos ay binigyan niya ng isang nakakalokong tingin si Mong.

“What?” sabi ni Mong na halatang naiilang.

“ Anata ga kanojo o sukidesuka ?” sabi ni Ninang Glenda kay Mong.

Hindi ko naintindihan. Letse! Gugel translator, I need you.

“Ha?” gulat na sagot ni Mong. “ Watashi wa kanojo o sukide wa arimasen. Kanojo wa b ō ifurendo o motte imasu. ”

“Weh? Hindi nga, anak. Magsabi ka ng totoo?” tanong ni Ninang Glenda. “Hindi naman kita pipigilan. Susuportahan pa kita.”

“Hindi nga sabi, `Ma,” iritadong sagot ni Mong

“Eh, bakit mukhang naiinis ka?” Natawa si Ninang Glenda. “Okay, `nak. Mukhang in denial ka pa.”

“Stop it, `Ma.” Iritado na talaga si Mong.

“Ano’ng pinag-uusapan n’yo?” pagsingit ko. “Kanina pa kayo nagja-Japanese. Susukolamasinmo desu `tapos sigepalamaslang deka . Ano meaning n’on?”

Humagalpak lang sila ng tawa.

“Wala naman kaming sinabing ganyan. `Bastos talaga ng bibig mo,” tumatawang sabi ni Ninang Glenda.

Ibinigay na sa akin ni Ninang Glenda ang uniform na gagamitin ko. Nagpaalam na rin siya na lalabas na at mag-aasikaso ng ibang customer dahil hindi kaya ng ibang waiter at waitress ang pagkuha ng mga order. Pero bago siya tuluyang makalabas ay bigla siyang tinawag ni Mong.

“`Ma!” tawag ni Mong sa nanay niya. “ Watashi wa kanojo o aishite gen’in. Watashi wa kanojo o sukide wanai. ”

“Really?” tuwang-tuwang sabi ni Ninang. “Approved!”

Tumango lang si Mong saka namula. Shutang inerns , ano ba’ng pinag-uusapan nila at hindi ko maintindihan? Mamaya pinaplano na pala nila kung paano ako gagahasain ni Mong, eh.

Ay, `te! Por pabor sa akin. Char!

Iniwan ko na si Mong sa kusina habang kumakain siya. Tinanong ko nga siya kung uuwi na ba siya pero sinabi niyang hindi pa raw dahil nakakatamad daw sa bahay nila.

Naguguluhan tuloy ako sa sinabi ni Ninang Glenda na dati raw ay hindi mapapunta si Mong dito sa restaurant nila kahit suhulan niya. Pero bakit ngayon, napapunta siya and sinundo pa niya ako? Imagine, dalawang bayan pa ang layo ng restaurant na `to mula sa bahay namin. Babiyahe pa siya ng gano’n kalayo para lang sunduin ako? Ang pretty ko naman pala talaga. Tumabi nga kayo. Naapapakan n’yo ang buhok ko. Haha!

“ Paputulan mo rin ang buhok ko. Ang haba na, eh,” rinig kong sabi ni Pempem ko kaya agad ko siyang tinapik.

“Hindi ka puwedeng gupitan ng buhok, pempem. Mamalasin tayo. Forever birhen ka kapag nagpagupit ka ng buhok. Gusto mo ba `yon?” sabi ko habang nakayuko para marinig niya ang bulong ko.

“Ayaw.” Ramdam kong nag-pout pa si Pempem dahil dumikit ang mga labi niya sa pantalon ko. Nakalimutan ko kasing mag-panty kanina sa sobrang pagmamadali ko.

Ang trabaho ko rito sa restaurant ay kumuha at maghatid ng mga order. Tinuruan ako ng mga katrabaho ko na si Lucky T. Tinio at si Pablo Job sa mga basic na trabaho ko. Pansin ko rin si Mong na sinusundan ako ng tingin habang nagtatrabaho ako. `Tapos kapag mapapatingin ako sa kanya ay bigla siyang nag-iiwas ng tingin at kunwaring may ginagawa. Anong eksena ng lalaki na `to?

“ Pipay, may order pala sa Tea Rhahan Thayo Motel. Puwede bang ikaw na lang ang magdala ng order do’n?” tanong sa akin ng head chef namin.

“Ah, sige po. Saan po ba `yon? Malayo ba?”

“Sa bayan lang naman `yon. Isang jeep lang,” sabi niya saka ibinigay sa akin ang paper bag na naglalaman ng sushi.

Bigla namang humarang sa harap ko ang kotse ni Mong paglabas ko ng restaurant para pumunta sa sakayan ng jeep. Ibinaba niya ang bintana saka ngumiti sa akin.

“Tara, hatid na kita,” nakangiting sabi niya.

“Naks! `Taray naman pala. Ang guwapo ng driver ko,” natatawang sabi ko saka sumakay sa sasakyan ni Mong.

“Driver? Mas bagay yata akong maging boyfriend,” mahinang sabi ni Mong.

“Uy, narinig ko `yon!” pang-aasar ko sa kanya. “May boyfriend ako kaya `wag mo `kong landiin, utang-na-loob. Baka kapag napikon ako patulan kita.”

“Haha! Mapikon ka na pala,” sagot niya saka nagpatuloy sa pagmamaneho. “Pipay, puwede ba kita titigan?”

“Bakit?”

“Sabi kasi ni Mama, mag-focus ako sa pangarap ko. BOOM!”

Aba, bumabanat ang mongoloid, ah.

“Mong, puwede mo ba akong mahalin? Kahit thirty-one percent lang?”

“Bakit naman thirty-one lang?” nagtataka niyang tanong.

“Para ako na ang bahala sa sixty-nine! Boom!”

Nagtawanan lang kami ni Mong habang papunta sa Tea Rhahan Thayo Motel. Habang nasa biyahe ay biglang may lalaking humarang sa daan namin at may ibinigay na papel. Agad ko namang binasa ang nakasulat sa papel.

May twitter ka? Pa-follow naman, o. @owwsiccc. Thanks!

Agad kong nilukot ang papel at ibinato sa labas. Shutang inerns , book 2 na ang kuwento ko pero may famewhore pa rin.

“Hintayin na lang kita dito,” sabi ni Mong nang nasa tapat na kami ng Tea Rhahan Thayo Motel.

“Sige, salamat.”

Ngumiti si Mong. “No prob. Basta ikaw!”

Pakshet! Ang guwapo-guwapo ni Mong. `Kainis.

Pumasok na agad ako sa motel dahil baka mahalikan ko si Mong kapag hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinanap ko naman agad ang room number thirteen na nag-order. Nang makita ko, agad akong kumatok.

Shuta . Ang tagal naman magbukas ng customer na `to. Mukhang nasa kalagitnaan sila ng langit, ah? Ano kaya’ng gagawin nila sa sushi kung nagkakainan na naman sila sa loob? Magsasayang lang sila ng pagkain, eh.

Narinig kong may papunta na sa pinto kaya napaayos ako ng tayo saka ngumiti. Pagbukas ay bigla akong yumuko at nagsalita. “Ito na po `yong sushi n’yo. Sorry po kung late. Hihi.” Pero pag-angat ko ng tingin, agad napalitan ng gulat ang ngiti sa mga labi ko. “JOSH?”

“Pipay?” gulat na gulat na tawag ni Josh sa pangalan ko.

Hindi agad ako nakasagot dahil napatitig lang ako sa ayos ni Josh ngayon. Tanging puting towel lang kasi ang kanyang suot na nakapalupot sa ibabang parte ng katawan niya. Medyo basa pa ang buhok niya na halatang kagagaling lang sa pagligo.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Gulat lang din si Josh habang nakatingin sa akin. Halatang kinakabahan siya. “Ah... eh... Dito kasi ako matutulog ngayong gabi. Wala kasing kuryente sa bahay namin. Tama... walang kuryente…”

“Ah… Sinong kasama mo diyan? Puwedeng pumasok?” Papasok na sana ako sa loob ng kuwarto kaso biglang humarang si Josh sa daraanan ko.

“Wala! Wala akong kasama. Magulo ang kuwarto ko, `wag ka nang pumasok,” sabi niya habang nakaharang pa ang mga kamay sa magkabilang gilid ng pinto.

Napadikit tuloy ako sa katawan niya kaya bumangga sa akin ang bukol na nakabakat sa towel niya.

“Ouch!” sabi ko. “Bakit may bukol ka diyan? Nadapa ka ba?” Hahawakan ko sana ang bukol na `yon pero agad siyang lumayo.

“Hindi.” Saka niya kinuha ang paper bag na dala ko. “`Eto na ba `yong in-order ni Mo—ko? `Eto ba `yong in-order ko?”

Napatitig lang ako kay Josh saka dahang-dahang tumango. “Oo, `yan na `yon.”

“Sige, salamat.” Malakas na isinara ni Josh ang pinto.

Napatitig lang ako sa kawalan dahil sa ginawa niya. `Di ba, boyfriend ko siya? Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin? Shutang inerns . Girlfriend niya ako pero hindi man lang ako nagawang kumustahin kung pagod na ba ako dahil nasa part-time job ako ngayon?

Hindi ako nagagalit dahil sa pinakita ni Josh kundi… nasasaktan. Ano `to, kapag nasa motel siya, kailangan may cold treatment siya sa akin? Nagmamalaki por que naka-check in siya sa motel? Gaguhan ganerns?

Naglalakad na ako palabas ng motel nang maalala kong hindi pala ako binigyan ni Josh ng bayad para sa in-order niyang sushi. Padabog tuloy akong naglakad.

“Miss, `wag maingay. Dahan-dahan lang sa paglalakad at may nagse-sex,” paalala sa akin ng babae sa front desk.

Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Naglakad uli ako papunta sa room ni Josh para kuhanin ang bayad niya. `Wag niya sabihing ako ang magbabayad ng in-order niya dahil first night ko pa lang sa trabaho ko. Aba! Hindi puwedeng mabawasan ang kikitain ko dahil bilang ko na `yon pambili ng regalo ko sa kanya sa Linggo. Monthsary na kasi namin sa Linggo kaya kailangan special ang maibibigay ko. Hindi puwedeng siya na lang lagi ang bongga ang regalo.

Huminga muna ako nang malalim pagbalik ko sa pinto ng kuwarto ni Josh. Kakatok na sana ako nang mapansin kong hindi niya pala naisara nang maayos ang pinto kaya may kaunting siwang. Nakaisip tuloy ako ng very-very na idea. Papasok ako at gugulatin si Josh sa loob para ma-surprise siya. Hihihi.

Nakangisi ako habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Mabuti hindi nag-ingay ang pinto kaya madali kong nabuksan at nakapasok sa loob. Natawa ako nang mahina sa ideyang magugulat ko si Josh kapag nakita niyang nakapasok ako nang hindi niya alam.

Maingat akong naglakad papasok hanggang sa makita ko ang kama. Napanganga ako at imbes na si Josh ang magulat, ako pa ang nagulat sa nakita ko.

Nakapatong si Josh sa isang babae at nakahubad habang may ginagawa silang milagro. Napansin ko rin ang dala-dala kong sushi na nasa sahig lang at natapon na.

“Josh?” Nanginginig ako nang banggitin ko ang pangalan ni Josh. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya at sa babaeng kasama niya habang naglalaro sila sa ibabaw ng kama.

Napatigil si Josh sa ginagawa niya at napatingin sa akin. Kitang-kita ko kung paano lumaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Napanganga lang siya at tanging walang naisagot sa akin.

Ramdam kong umagos na ang mga luha ko. Napatakip na lang ako ng bibig nang makita ko kung sino ang kasama ni Josh.

Si Monica.

Si Monicalandi. Shutang inerns .

Hindi ko na ma-take ang nakikita ko kaya agad akong napatakbo palabas ng kuwarto at palabas ng motel.

Shit, Diary. Sabihin mong hindi totoo ang nakita ko. Sabihin mong joke lang `yon at task lang `yon ni Big Brother.

Nasusuka sa nakita,

Pipay