Malandi #9
Dear Diary,
Sigurado ako, Diary, na kung sino man ang nakakabasa o makakabasa ng Diary na `to ay tatawanan ako. Tatawanan dahil agad kong pinatawad si Josh sa kasalanan niya. Marami diyang magsasabi na dapat pinahirapan ko muna siya at hindi agad pinansin. Pero masisisi mo ba ako, Diary? Sadyang mahal na mahal ko lang talaga ang lalaki na `yan, eh. Parang hindi ko kasi kayang nakikita siyang nahihirapan habang sinusuyo ako. Lalo na’t nakikita ko naman sa kanya ang effort at sinseridad para lang magkaayos kami. Ganyan naman kaming mga babae, eh. Masyado kaming mahina pagdating sa love at pagdating sa lalaking mahal namin. Ayos lang kahit kami ang mukhang tanga basta maging maayos lang ang lahat. Tunog pang-tanga pero totoo kumbaga.
Ang babae kasi kapag nagmahal ibinibigay ang lahat, Diary. Binibigay nang buo ang tiwala at binubuhos ang pagmamahal para sa taong laman ng puso nila. Hindi na nagtitira sa sarili kahit kaunti man lang. Because at some point, we wish that our first boyfriend will also be the last. We invest everything to that person without thinking that he might hurt us in return. Kaya as much as possible, kung puwedeng ayusin ang relasyon, ayusin na lang. Natatakot kami na mawala ang lalaking mahal namin.
Do I make sense here, Diary? Hay! Shutang inerns naman, o. Ano ba `tong mga naiisip ko. Masama talaga para sa akin kapag naghuhugas ng pempem, eh. Kung ano-ano kasing pumapasok na kakornihan sa gamunggo kong utak. Sa susunod nga, hindi na ako maghuhugas. Para hindi na ako nakakapag-isip ng mga ganitong bagay.
So anyway, Diary. `Ayun nga, bati na kami ni Josh. Siyempre, sino ba naman ako para mag-inarte pa sa kanya, `di ba? Pinagmalaki na niya ako sa harap ng maraming tao na ako ang girlfriend niya, eh. Hindi niya naman sinabi verbally, at least, ginawa niya through his actions. Mas okay naman `yon, `di ba? `Cause I do believe that actions speak louder than words but then again, words are useless `cause the character is the best... Ay, wait.. Parang mali `yong kasabihan na sinabi ko, ah. Okay lang, dedma na lang.
Tawang-tawa talaga ako sa reaksiyon ni Monica nang makita niyang hinalikan ako ni Josh sa harap niya. Ang laki ng pagkakanganga niya at gulat na gulat pa ang gaga. In her face, Diary. Pasensiya dahil hindi mahilig si Josh sa pempem na hinugasan. Mas gusto ni Josh ng pempem na may, oh, so black color and, oh, so yummy na amoy.
“Tell me everything,” sabi ko kay Josh habang nakaupo kami sa ilalim ng puno. Vacant ng buong school kaya kalat-kalat kung saang parte ng campus ang mga estudyante. “Ikuwento mo sa akin ang lahat kung bakit kayo magkasama ng gagang `yon,” seryoso kong tanong kay Josh.
“Akala ko ba okay na tayo, Pipay?” mahinang sabi ni Josh habang nakayakap sa akin. Inilagay niya pa ang baba niya sa balikat ko. “Puwedeng kalimutan na lang natin `yon?”
“Okay na nga tayo pero gusto kong malaman kung bakit,” sagot ko. “Gusto kong matahimik ang kaluluwa ko at malaman kung paano kayo nagkasama.”
Bumuntong-hininga siya. “Sige na nga. Alam mo naman na gustong-gusto ko ang basketball team ng Gordon Orlex, `di ba?” paninimula niya at tumango ako. “At suntok sa buwan ang pagpasok sa team na `to, `di ba?”
“Ha? Bakit naman suntok sa buwan? Bakit sa buwan mo pa isusuntok? Bakit hindi na lang sa pempem ko. Napalayo ka pa tuloy.”
“Pipay naman, eh,” parang bata na sabi ni Josh. “Basta suntok sa buwan. Alam mo bang anak si Monica ng may-ari ng school na `to?”
“Ay, talaga? Pero ano naman ngayon kung anak siya ng school na `to? Anak din naman ako ng...”
“Ng?”
“Anak ako ng Diyos. Itong school lang ang pag-aari nina Monica pero ang Diyos, buong mundo at even the whole universe. Mas mayaman ang Diyos,” pagbibiro ko. Nakatingin lang si Josh sa akin habang magkasalubong ang mga kilay. “K. Korni. Continue.”
“So,`ayun nga. Sabi ni Monica, samahan ko lang siya sa mall kahapon at ipapasok niya ako sa team ng school.”
“Eh, bakit hindi mo sinabi sa akin? Eh, di sana hindi ako nag-isip ng kung ano-ano,` di ba?!” sigaw ko sa kanya.
“Kasi nga hindi naman big deal `yon, Pipay. Wala lang naman `yon dahil nonsense lang para sabihin pa sa `yo. Gusto ko rin sana i-surprise ka na nakapasok ako sa team dahil alam kong sobrang saya mo kapag nakikita mo akong may hawak na bola!” Sumigaw na rin si Josh. “Kaso hindi ko naman alam na iisipin mo na niloloko lang kita. Shet, Pipay. Ang dami na nating pinagdaanan. `Tingin mo, gagawa ako ng isang bagay na magiging dahilan para lang mawala ka sa akin? Hindi ako tanga para gawin `yon.”
Na-touch ako sa sinabi ni Josh. “Na-surprise naman ako, eh. Gulat na gulat at may bonus pang sakit sa dibdib ko.”
Napasimangot si Josh.
“Joke lang, `to naman, hindi na mabiro. Saka gustong-gusto ko talagang nakikita kang naglalaro ng bola pero mas magiging masaya ako kung sarili mong bola ang lalaruin mo sa harap ko. Hihihi. Pipay so happy.”
Bigla niya akong binatukan.
“Aray! Shutang inerns . Hindi na mabiro!”
“Ikaw kasi, eh. Magseryoso ka naman.” Lalong sumimangot si Josh.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinala para mag-form into smile ang mga labi niyang kulay-pink.
“Josh naman kasi, eh. Sana kasi inisip mo muna kung ano’ng mararamdaman ko kapag may kasama kang ibang babae bukod sa akin. Masakit kaya sa dibdib,” sabi ko sa kanya. “Girls overthink and boys never think. `Kainis.”
“Quotes na naman?”
Tumango ako. “You know what to do.”
“Sa bahay ko na lang itu-tweet. Hindi ako naka-register sa Unlisurf, eh.”
Tumango ako. “Sige.”
“Hays! Kaysa naman kung ano-ano ang iniisip mo, hindi ko na lang itutuloy ang pagpasok sa basketball team.” Kinuha ni Josh ang bag niya na nasa gilid saka binuksan ang zipper. May kinuha siyang kulay-blue na jersey at ipinakita sa akin. “Ito na `yong uniform ko para sa team, eh. Kabibigay lang kanina. Hindi ko pa nagagamit pero isasauli ko na agad.” Niyakap niya pa ang damit saka inamoy. “Ba-bye, Jersey. Mas pipiliin ko nang ikaw ang mawala at ang pangarap ko kaysa `tong babaeng katabi ko ang mawala sa akin. Mas hindi ko kakayanin.”
Agad akong nakaramdam ng awa dahil sa sinabi ni Josh, Diary. Parang sinabi niyang willing niyang pakawalan ang pangarap niya `wag lang akong mawala sa kanya. Hindi ba, parang ang selfish ko, Diary? Parang tinatali ko si Josh sa akin at hindi binibigyan ng chance para abutin ang pangarap niya. Ayoko ng ganito, Diary. Ang dalawang nagmamahalan ay dapat sinusuportahan ang isa’t isa para maabot ang pangarap nila. Hindi nagiging pangunahing hadlang para hindi maabot ang gusto sa buhay.
“Sumali ka na,” nakangiting sabi ko sa kanya. Napatigil si Josh sa pag-amoy niya sa jersey niya saka gulat na gulat na napatingin sa akin.
“Seryoso ka ba diyan? Baka stressed ka lang, Pipay.” Hinawakan pa ni Josh ang leeg at noo ko. “Wala ka namang sakit. Pero seryoso ka? Pumapayag ka nang sumali ako sa team?”
Tumango ako. “Hindi ako seryoso kundi seryosong-seryoso. Magiging masaya ako kapag unti-unti mong naaabot ang pangarap mo, Josh. Ang girlfriend dapat supportive, `di ba? At hindi hadlang sa pangarap ng boyfriend niya. Hihi.”
“Pero paniguradong `ando’n lagi si Monica sa practice namin. Si Sir Gordon ang coach namin, eh,” malungkot na sabi ni Josh.“`Wag na lang, Pipay. Ayokong maging issue na naman sa atin si Monica. Baka lalo lang magulo ang relasyon natin. `Wag na lang.”
“Hindi, Josh.” Hinawakan ko ang sa kamay niya. “Promise. Hindi na agad ako magseselos basta magsasabi ka kaagad sa akin kapag nilalandi ka ng kerengkeng na `yon. May tiwala naman ako sa `yo, eh. Sa bruhildang malandi na `yon lang ako walang tiwala.
“I know, hindi ko maiiwasan na hindi magselos every time na magkasama kayong dalawa pero pangako, pipigilan ko ang sarili ko sa abot nang makakaya ko. Sumali ka na, please?” Ngumuso pa ako.
“Okay... Okay…” Ngumiti si Josh. “Basta ito lang ang tatandaan mo, Pipay. Tuwing magseselos ka, isipin mo lang na ikaw lang ang laman ng puso ko.” Kinuha niya ang kamay ko saka inilagay sa kanyang kaliwang dibdib. Naramdaman tuloy ng palad ko ang nipple ni Josh. “Tuwing makakaramdaman ka ng selos, isipin mo lang na ikaw lang ang tinitibok ng puso ko. At titigil lang `yan kapag iniwan mo `ko.” Ngumiti siya. “Saka hindi ko na kayang magmahal ng iba dahil wala na akong puso. Nasa `yo na kaya.” Ngumisi pa si Josh sa akin.
Ihhh, Diary. Kainis naman si Josh. Pinapakilig ako.
“Tama...Tama...” sabi ko sa kanya na may malapad na ngiti. “Pa-kiss pala.”
Inilapit ni Josh ang mukha niya sa mukha ko at dinampian ng isang halik ang mga labi ko.
“Delisyoso. Hihihi,” sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang si Josh at inipit ang ilang piraso ng buhok ko sa gilid ng tainga ko.
“Salamat, Pipay. Salamat for being understanding. Hindi ko lang `to achievement kundi achievement nating dalawa.”
“Wala `yon, Josh ko,” nakangiting sabi ko. “LOL. Have fun.”
“Kathryn Bernardo lang?”natatawang sabi ni Josh.
“No! Julia Baretto ako,” sagot ko saka inilabas ang cell phone ko. “Mag-selfie tayo!”
Pumuwesto naman si Josh sa gilid ko at humalik sa pisngi ko. Nakuha tuloy sa picture na nakahalik siya sa pisngi ko.
Nang matapos na ang vacant namin, hinatid na ako ni Josh sa tapat ng classroom namin. Magkahawak-kamay kami at as usual, ang mga insecure na froglets sa tabi-tabi nakasulyap na naman sa aming dalawa. Ang hirap talaga maging maganda, Diary. Laging pinagtitinginan.
“Thank you talaga, Pipay ko. Salamat talaga sa pagiging understanding mo,” sabi ni Josh nang nasa tapat na kami ng classroom ko.
“Wala `yon. Hihihi,” natatawa kong sagot. “I’m an understanding girlfriend, `di ba? I’m super pretty pa.”
“Tama. Ang understanding mong girlfriend.”
“And super pretty.”
“Napaka-understanding mong girlfriend talaga, Pipay,” nakangiti niyang sabi.
“And pretty,” salubong ang mga kilay na dugtong ko.
“Tumpak! Napaka-understanding mo,” sabi na naman ni Josh kaya sinuntok ko siya sa tiyan. “Aray. Oo na. Super pretty ka na. Pretty hurts sa mata.”
Sinuntok ko uli siya.
“Nakakadalawa ka na, Pipay, ah? Isa pang suntok, hahalikan na kita.”
Sinuntok ko uli siya, Diary.
“Ay, gustong magpahalik. Next time na, Pipay. Nakakarami ka na ng kiss sa akin, eh.” Ngumisi siya.
“Tse. Umalis ka na nga.” Tumalikod na ako.
Narinig ko namang tumawa si Josh. “Haha! `Pikon mo talaga, Pipay ko.”
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa classroom. Pero naramdaman kong may humawak sa braso ko. Pagharap ko, may mga labing sumalubong sa mga labi ko. Mga labi ng pinakamamahal kong lalaki.
“I love you so much. To the pempem and back,” nakangiting sabi ni Josh.
Letse! Hahalik din pala, ang dami pang sinabi.
“I love you, too,” nakangiti kong sagot. “To the pempem and back and forth. Ikaw lang ang dahilan ng pagkati ng pempem ko. Hihihi.”
“Ay, gago!” Natawa si Josh. “Sige na, papasok na ako. Ba-bye na.” Nagpaalam na si Josh at tuluyan nang lumabas ng classroom.
Pag-upo ko pa lang, biglang nag-vibrate ang cell phone ko. Itinaas ko ang palda ko at kinuha sa loob ng panty ko ang cell phone ko. Nakita kong nakanganga ang mga kaklase ko dahil nakita nila ang ginawa ko.
“Ano? Ngayon lang nakakita ng cell phone na nakatago sa panty?” sabi ko sa kanila. “Para iwas snatch,” proud na sabi ko pa sa kanila.
Binasa ko agad ang text na galing kay Josh. Nag-“I Miss You” agad ang loko. Natawa ako dahil kakahiwalay lang namin pero na-miss niya agad ang kagandahan ko.
“Hoy, Pilar.” Biglang may nagsalita sa harap ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatayo sa harap ko sina Charry at Kathy na nakataas pa ang mga kilay.
“O, problema n’yo?” nagmamalditang tanong ko sa kanilang dalawa.
“OMG! Ang taray!” sarcastic na sabi ni Kathy. “Naiinis kami sa `yo.”
“Bago n’yo sabihing naiinis kayo sa akin, pakitanong muna kung natutuwa ba ako sa inyong dalawa,” mataray na sagot ko.
“Aba, sumasagot ka na.” Umangat ang kamay ni Charry sa ere at handa nang isampal sa akin. Akala ko masasampal na niya ako pero biglang may nagsalita.
“Subukan n’yong idikit `yang palad n’yo sa pisngi ni Pilar. Itong blackboard sa harap natin ang ihahampas ko sa pisngi n’yo,” pagbabanta ni Mimay.
Shutang inerns , Diary. Is it real? Is it real? Kendra, totoo ba `to? Pinagtatanggol ako ni Mimay laban sa ChaKa twins?
“Mirasol naman… Akala ko ba, inis ka sa feeling pretty na Pilar na `to? Why mo siya pinagtatanggol?” inis na tanong ni Kathy.
“Oo, inis ako sa gagang slight na malandi na `yan mula book one,” sabi ni Mimay. “Pero hindi ko hahayaang may ibang kontrabida sa story na `to at aagaw ng papel ko para pahirapan siya. Kaya kayo…” Biglang hinawakan ni Mimay sa leeg ang ChaKa twins at inangat sa ere. “`Wag na `wag n’yo siyang kakantiin, okay?”
“Ekkk... O-oo… na...bi… tawan...mo... kami…” nahihirapang sagot ni Charry dahil hawak siya sa leeg ni Mimay.
“`Wag mo `kong uutusan.” Lumakad si Mimay palabas ng classroom habang hawak pa rin sa leeg ang kambal.
Sinudan ko sila para makita ang gagawin niya sa kambal. Nagulat na lang ako, Diary, nang biglang ihulog ni Mimay ang kambal mula sa second floor ng building namin pababa sa ground floor. Mukhang nabalian `ata ng buto `yong dalawa dahil parehas nilang hawak-hawak ang mga likod nila at hindi na rin makatayo.
“Ay, sorry! Nabitawan ko kayo. Hihihi.” Humagikhik pa si Mimay. “Ayos lang ba kayo d’yan? Text-text na lang. I-enjoy n’yo muna ang sahig.”
“ Pakyu ka, Mirasol. Pagbabayaran mo `to. Ang sakit...” sigaw ni Kathy mula sa ibaba habang naiiyak dahil sa sakit ng likod.
Natawa na lang ako sa nangyari kaya napatingin sa akin si Mimay.
“Anong nakakatawa, Pilar?” mataray na tanong niya.
“Wala naman,” mabilis kong sagot.
“K.” Umirap pa siya saka pumasok sa loob ng classroom namin.
Lalo tuloy akong natawa, Diary. Who would have thought na ipagtatanggol ako ng anak ng puta ng karagatan na si Mimay The Black Balyena of Red Sea? Nagbago na ba ang kulay ng budhi ng negrang pusit, Diary? Hindi na ba itim ang kulay ng dugo niya?
Pretty and happy,
Pipay