Malandi #19
Dear Diary,
Agad akong bumalik sa loob ng classroom, Diary, para ilagay sa desk ko ang baon na ibinigay sa akin ni Mirasol. Kailangan ko siyang sundan at pigilan sa maaari niyang gawin kay Monica. Galit ako kay Monica pero hindi ako makakapayag na may mangyayaring masama sa kanya dahil sa akin.
Alam kong magagalit si Josh kapag nasaktan si Monica dahil gano’n si Josh noong mga panahong kaming dalawa pa. Ayaw niyang nasasaktan ang babaeng mahal niya. No’ng kami pa nga, pati langaw na sumusunod sa akin ay inaaway ni Josh, eh. Gano’n siya ka-protective pagdating sa taong mahal niya
Ay, o. Throwback hurtsday pa more, Pipay.
Ayoko ring isipin ni Josh na inutusan ko si Mimay para basagin ang bungo ni Monicalandiprettyngaperosuluterashutanginamokangpakaratka.
Tiyak `yon ang unang isiipin ni Josh dahil aakalain niyang galit ako sa kanya pero hindi naman talaga. Seryoso, Diary. Hindi ako galit dahil sa ginawa niya. Nasasaktan, oo. Pero galit? Parang hindi, eh. Hindi naman niya siguro kasalanan kung ipinagpalit niya ako sa iba, `di ba? Sadyang nagmamahal lang naman si Josh, eh.
Sige, Pipay. Pagtanggol pa more si Josh. Push mo `yan nang mai-push kita papunta sa kiki ni Mirasol. Gusto mong maamoy ang pempem ng anak ng puta ng karagatan? Malansa `yon for sure. Walang-wala ang amoy ni Pempem mo sa bilat na lukot ng prinsesa ng Bermuda Triangle.
`Ayan, pinapagalitan na naman ako ng konsiyensiya kong epal.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad kong inilibot ang paningin ko para hanapin si Mimay. Shutang inames na Mirasol `to, ang bilis mawala. Bakit ang bilis maglakad ng negrang balyenang pusit sa lupa? `Di ba, dapat mabagal lang ang kilos niya since sea creature si Gaga? I wonder kung ano ang ipinagpalit ni Mimay para mapalitan ng dalawang maiitim na paa ang kanyang mga galamay.
`Di ba, gano’n sa kuwento? Ipinagpalit ni Snow White ang glass shoes niya sa isang beast para magkaroon ng paa? Nabasa ko `yon, eh. Ginahasa pa nga ng pitong duwende si Sleeping Beauty. Side story ng Snow White `yong Sleeping Beauty .
Si Sleeping Beauty naman ang babaeng malandi na nagtulog-tulugan para magahasa ng pitong pandak na lalaki. `Landi niya, `no? Tinalo pa ako.
Ay, letse. Kung saan-saan na napunta ang sinusulat ko sa `yo, Diary. `Asa’n na ba ang letseng Mirasol Mayosa na `yon?
Inikot ko uli ang paningin ko sa quadrangle ng SOGO University. `Ayun! Nakita ko na si Mirasol. Letse. Naglalakad siya sa arawan papunta sa Engineering department. Ang lakas ng loob maglakad ni Mimay sa arawan. Hindi ba siya natatakot na sa sobrang init ng sikat ng araw, eh, baka maging kalamares siya?
Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Mimay at hinabol siya. Ang bilis talagang maglakad ng negrang `to. Ano bang meron sa mga paa niya at ganyan siya kabilis?
Nasa tapat na kami ng classroom nina Monica nang maabutan ko si Mimay.
“Mimay, ano ba’ng gagawin mo? `Wag na! Mapapahamak ka lang!” Hinawakan ko pa siya sa braso para pigilan. Agad akong napatingin sa kamay ko nang mapahawak ako sa kanya. Bakit nangitim ang kamay ko? Ano ba `tong itim na `to? Dumikit na sa palad ko ang tinta ni Negra.
“`Di ba, sinabi ko sa `yo na hintayin mo lang ako sa classroom? Why so hard-headed?” sabi niya saka nag-ikot pa ng mga mata. Nagpumiglas pa si Mimay para mapabitiw ako sa pagkahawak ko sa braso niya.
“Wala ka kayang sinabing mag-stay lang ako sa classroom. Bobo much? Walang brain, `te? Mag-imbak ng utak sa ulo, please. `Wag pulos taba ang ilagay,” pambabara ko sa kanya.
“Ay, wala ba?”
Tumango ako.
“Eh, di ngayon sinabi ko na. Bumalik ka na sa classroom at ako na ang bahala rito.”
“No, hindi puwede, Mimay,” pagpupumilit ko. “Hindi mo alam kung ano’ng mangyayari sa `yo kapag kinanti mo kahit dulo ng daliri ni Monicalandinapakaratsuluterangboyfriendngibapalibhasaputakasi.”
“Wala akong pakialam. Si Mimay na pretty, matatakot sa isang Monicalandina kingina motegago pakyuazzhul kabitch? Asa `te. Asa ka.”
“Pero, Mimay, anak ng may-ari ng school si Monica. Matatanggal ka sa school kapag binugbog mo siya!” pananakot ko uli sa kanya.
“Anak siya ng school habang ako anak ng reyna ng karagatan. Pag-aari lang nila `to pero alam mo ba kung sino ang may-ari ng Mall of Asia?”
Umiling ako. “Hindi, eh. Kayo ba may-ari n’on?”
“Gaga, hindi rin. `Yong karagatan lang sa seaside ng Mall of Asia ang pag-aari ni Mudra. Ah, basta. Puta `yang Monica na `yan, eh. Feeling kontrabida sa kuwentong `to. Ako lang dapat ang kontrabida rito. Mamaya matanggal pa ako sa story dahil nawalan ako ng trabaho, eh,” pagmamatigas niya saka humarap sa mga babaeng nakaharang sa pintuan ng classroom nina Josh.
“Hoy, mga taratitat. Tumabi kayo!” sigaw niya sa mga babae.
Tiningnan lang siya ng apat na babae mula ulo hanggang paa saka inirapan si Mimay. Pagkatapos ay bumalik sila sa pagtsitsismisan nang hindi pinapansin ang existence ni Negra na nasa harap nila.
“Aba, futa . Dinededma n’yo ang utos ng prinsesa ng Bermuda Triangle, ah?” inis na sabi ni Mirasol saka hinablot ang isang babae at inihagis palabas. Na-shoot tuloy ang babae sa malaking trashbin na nasa tabi ng puno.
Napatingin naman ang natitirang tatlong babae kay Mirasol saka nagsalita nang sabay-sabay dahil sa gulat.
“OMG!” nanginginig na sabi nila dahil sa takot.
“OMG your faces, bitches!” Pag-e-English ni Mimay saka hinablot ang isa pang babae at inihagis din palabas. Sa sobrang lakas ng katawan ng baboy na negra, napunta sa itaas ng puno ang babaeng inihagis niya.
Shutang inerns . Parang sumo wrestler si Mimay sa ginagawa niya. So strong ni Gaga.
“OMG!” sabi uli ng dalawang natitirang babae sa harap ni Mimay. Tatakbo na sana silang dalawa papasok sa loob ng classroom nila pero agad nahawakan ni Mimay ang kanilang mga leeg.
“Pulos OMG lang ang sinasabi n’yo. `Yan lang ba ang line n’yo sa chapter na `to?” iritadong tanong ni Mimay. “Yari kayo sa akin!” Napangisi pa si Mimay habang hawak-hawak sa leeg ang dalawang babae na namimilipit na sa sakit dahil hindi na makahinga.
Napatingin ako sa gilagid ni Mimay. So dark and black. Napapikit na lang ako sa sunod na ginawa niya. Pinag-untog niya ang mukha ng dalawang babae at hindi siya tumigil hangga’t hindi nagdudugo ang noo ng dalawa at mawalan ng malay.
Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa gulat at pagiging gangster ni Gaga. Naramdaman ko ngang nanginig din si Pempem at parang may tubig na lumabas galing sa kanya, eh. Natatakot ba siya o naiihi lang ako?
Inihagis din ni Mimay ang dalawang babaeng duguan palabas ng classroom nina Josh saka siya pumasok sa loob. Nagkalat tuloy ang apat na babae na kaninang nagtsitsismisan. `Yong isa nasa loob ng basurahan at walang malay. `Yong isa nasa itaas ng puno at wala ring malay habang `yong dalawa nando’n sa gitna ng campus naka-planking at wala ring malay.
“`ASA’N SI MONICA?” sigaw ni Mimay nang makapasok na siya sa loob ng classroom. Kakaunti lang ang nasa loob dahil mukhang vacant nila.
Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko nakita ang guwapong mukha ni Josh. Wala rin si Mong. `Asa’n kaya ang dalawang `yon?
“Ako si Monica, bakit?” Tumayo si Monica na nakaupo sa harap habang may kasama ring magagandang babae. Pero nag-stand out ang ganda niya. Isang kakaibang ganda kaya kinahumalingan ni Josh KO.
Oops, hindi ko na pala pag-aari si Josh.
“Lumapit ka dito sa harap ko,” seryosong sabi ni Mimay habang naka-crossed arms pa at parang sinasabing, “Ako ang boss. Kaya lapitan mo ako.”
“And bakit ko naman gagawin `yon?” natatawang sagot ni Monica. “Bakit ako lalapit sa sobrang itim na baboy na katulad mo? Girls, have you heard what the piglet said? Pinapalapit niya ako sa kanya.” Nagtawanan sila ng dalawang babaeng kasama niya.
Napatingin sa akin si Monica saka napataas ang kilay. “Wow. So you, piglet, and that pangit na ex ng boyfriend ko ay friends pala? How pathetic and perfect for each other. Mga basura talaga agad nagkakasundo. It’s like saying, ‘Hi, I’m trash. You’re a trash, too. We are friends na.’ Right, girls?” Nagtawanan na naman silang tatlo.
“Right, sis,” sagot ng dalawang punyeta saka malakas na nagtawanan.
“Ay, o. Nag-English para kunwari sosyalera. Tigilan n’yo `ko mga feeler. Kuskusin ko lang ng steel brush `yang mga pagmumukha n’yo para matanggal na ang ganda n’yo, eh. Mga beauty na hiram sa makeup.” Tumawa si Mimay. “At ikaw, punyeta kang malandi ka, nag-iinit ang ulo ko sa `yo. Lalapit ka ba sa akin o ako ang lalapit sa `yo para i-schedule na ang buhay mo kay San Pedro?” galit na sabi ni Mimay.
Napatitig ako kay Mimay, Diary, dahil sa mga sinabi niya. Si Mimay ba talaga `to? Bakit parang ang daming laman ng utak niya ngayon? Bakit parang ibang-iba si Mimay mula sa Mirasol na nakilala ko mula pagkabata hanggang high school?
She changed a lot, Diary. Except na mataba pa rin si Gaga at sobrang dark pa rin ng skin niya.
“`Wag mo `kong takutin dahil hindi ako natatakot sa isang baboy na maitim,” natatawang sabi ni Monica. “Mabuti na lang vegetarian ako. Hindi kasi ako kumakain ng baboy na katulad mo. So yucky!”
Tumawa na naman ang mga kaibigan niya. Kyot ng mga friends ni Monica, pulos tawa lang ang naiambag sa chapter na `to.
“You wouldn’t like me when I’m angry. Binabalaan na kita,” seryosong sabi ni Mimay habang nakatitig kay Monica. “Pipay, tumabi ka.”
“Ha, bakit?” mabilis kong tanong.
“Basta tumabi ka,” galit pa ring sabi ni Mimay sa akin.
Agad akong tumabi sa gilid tulad ng sabi niya.
Bumukaka si Mimay saka pumikit. Matapos ang ilang segundo ay muli siyang dumilat. Pulos puti lang ang nakikita sa magkabilang mata ni Negra na parang sinasapian ng masamang espiritu.
“Hala, sis. She’s so scary,” sabi ng isang babae na may maikling buhok na nasa tabi ni Monica.
At last! May naimbag na siyang line sa chapter na `to.
“She’s so parang tanga,” sabi naman ni Monica.
Tumawa lang ang isa pa nilang kaibigan. `Yong kulot na lang ang walang naiambag.
Patuloy lang si Mimay sa pagpikit na parang sinasaniban ng masamang espiritu hanggang sa sumigaw siya ng, “SUPER SAYANS!!!” May ginawa pa siya sa kamay niya na kung ano-ano na hindi ko maintindihan.
Futa , nag-aadik na talaga `tong si Mimay. Feeling nasa Dragon Ball Z pa ang gaga. Habang nakakunot-noong nakatingin kay Mimay, bigla kaming may narinig na malakas na utot. Umutot si Mimay at isang nakakasukang amoy ang nailabas niya. Agad naglabasan ang kaklase nina Monica dahil sa mabantot na amoy na `yon.
“Ewww! So gross! Ang baho!” sabi nina Monica.
“Panimula lang `yan,” natatawang sabi ni Mimay. “Watch out for this!” Tumakbo si Mimay papunta kina Monica.
Napansin kong nagkakaroon ng biyak ang mga sahig na naaapakan ni Mirasol dahil sa sobrang bigat niya.
Tinabig ni Mimay ang dalawang magkaibigan saka hinablot sa buhok si Monica pagkatapos ay binuhol sa leeg nito.
“Eeekk. Aray! I can’t breathe. Bitawan mo ako... eek...” angal ni Monica habang pinipilit makawala sa pagkakahawak ni Mimay sa kanya. Pero wala siyang magawa kahit magpapadyak pa siya dahil sobrang dambuhala ng katawan ni Mimay at sobrang lakas pa ng negrang balyena.
Nag-iiba na ang kulay ni Monica habang sinasakal siya ni Mimay. Unti-unting nagiging kulay-violet ang kutis niya dahil hindi na makahinga nang maayos.
Kinakabahan na ako sa ginagawa ni Mimay dahil parang balak niya talagang patayin si Monica sa kuwentong `to. Gigil na gigil si Mimay habang sinasakal nang mariin si Monica.
Agad akong tumakbo papunta kay Mimay para awatin siya. “Mimay! Tama na! Mapapatay mo siya!” sigaw ko sa kanya habang pinipilit na tanggalin ang pagkakasal niya kay Monica.
“Wala akong pakialam. Bitch ako kaya dapat patayin ko siya,” sabi naman ni Mimay.
“Akala ko ba gangster ka? Saka hindi naman killer ang bitch,” pambabara ko sa kanya.
“Basta bitch ako, bitch ako, bitch ako! O! Coca-cola. Nalilito, nalilito, nahihilo, nahihilo. Coke ko `to. Coke ko `to.” Kumanta pa si Mimay saka diniinan ang pagsakal kay Monica.
“Mimay, tama na!” sabi ko uli at hinawakan si Monica para ilayo kay Mirasol na bitch daw.
Habang inaagaw ko si Monica palayo kay Mimay, bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa pintuan ng classroom.
“Puta! Ano’ng ginagawa n’yo sa kanya?”
Napatingin ako sa nagsalita at agad bumilis ang tibok ng puso ko. Galit na galit na nakatingin si Josh kay Mimay at lalo sa akin. Parang nakalimutan na niyang ex niya ako at kahihiwalay lang naming dalawa.
“Wala `to, Josh. Naglalaro lang kami nina Pipay. `Di ba, `Pay?” sabi ni Mimay.
“Pay” ang tinawag niya sa akin. WOW! Kailangan pa niya ako binigyan ng nickname?
“Oo, `May,” sagot ko saka naiilang na napangisi. Pinagpapawisan na rin ang noo ko dahil kinakabahan na ako.
“`Wag n’yo nga akong pinagloloko! Tingnan n’yo ang kulay ni Monica, o. Hindi na makahinga. Bitawan n’yo nga siya!” sigaw uli ni Josh saka lumapit sa amin. Pinilit niyang agawin si Monica mula sa pagkakasakal ni Mimay.
Tinulungan ko si Josh sa paghila niya pero laking gulat ko na lang nang bigla niya akong itulak kaya napaupo ako sa sahig.
“Aray!” pag-angal ko dahil nabugbog yata ang puwitan ko.
Saglit na napatingin sa akin si Josh. Akala ko tutulungan niya ako sa pagtayo pero hindi. Nag-iwas agad siya ng tingin saka muling hinila palayo si Monica kay Mimay.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nangingilid ang mga luha ko. Hindi na talaga ako mahal ni Josh. Nakalimutan na niya agad ako. Simpleng pagtulong lang ang kailangan ko pero hindi niya pa maibigay.
Bigla niyang itinulak si Mimay palayo kay Monica. Ang lakas ng pagkakatulak niya kaya tumalsik din si Mimay. Ang taba-taba ng negrang pusit pero nagawa niyang maitulak.
Lumalakas talaga ang isang tao kapag nasa panganib ang taong mahal niya. Napangiti na lang ako nang mapakla.
“Puwede ba, Pipay. Lumayo ka na? Utang-na-loob, lumayo ka na sa amin ni Monica. `Wag mo na kaming guluhin. `Wag mo na akong guluhin,” sabi ni Josh habang seryosong nakatingin sa akin.
Kumirot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman sila ginugulo, ah? `Andito pa nga ako para awatin si Mimay sa pagbubog sa babaeng umagaw sa kanya mula sa akin, pero ako pa rin ang napasama? Ang pagtulong ko ay minasama pa niya.
“Hindi naman kita ginugulo, ah?” seryosong sabi ko saka ngumiti nang tipid. “Hindi na kita ginugulo, Josh. I set you free wholeheartedly, remember?”
Huminahon si Josh na parang nahimasmasan. Yakap-yakap niya lang si Monica at parang pinaparamdam na nandiyan na siya at wala nang makakapanakit sa babaeng mahal niya.
Bigla akong tinapik ni Mimay na nakaupo sa tabi ko. “Perfect ang speech mo, `Pay. Pang-FAMAS,” sabi niya habang tumatango- tango pa.
“Salamat,” mahinang sagot ko sa kanya. “Thanks sa support, `May.”
“Welcome,” sabi niya habang patuloy pa rin sa pagtapik sa balikat ko.
“Friends na ba tayo?” tanong ko sa kanya.
“Sa chapter na `to lang,” sagot niya. “Sa next chapter war-war uli.” Pagkatapos ay ngumiti si Mimay sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot saka tumayo. Tumingin ako kay Josh for the last time saka siya tinalikuran at naglakad na palabas ng classroom nila.
Bago pa ako tuluyang makalabas ay narinig kong tinawag ni Josh ang pangalan ko. “Pipay...” simpleng pagbanggit niya sa pangalan ko pero naghatid agad ng libo-libong boltahe ng kuryente sa buong katawan ko.
Iba talaga ang reaksiyon ng katawan mo kapag binanggit ng taong mahal mo ang pangalan mo. Ang ordinaryong salita ay nagiging special dahil sa kanila, and I hate that. It’s breaking my heart.
Nilingon ko si Josh saka nagsalita. “`Wag mo `kong tatawaging Pipay na parang close tayong dalawa. The day na naghiwalay tayo ay tinatak ko na sa isip ko na you’re nothing but a stranger to me. We are strangers to each other with so many happy memories. I wish I could delete everything that easily para wala na akong naalala na bagay tungkol sa `yo.”
“Quotes ba `yan?” tanong niya. “Tweet ko na ba?”
Umiling ako. “`Wag na! Wala ka nang karapatan na i-tweet ang quotes na sinasabi ko. You broke up with me, remember?” Ngumiti ako. “This is gonna be the last time that you’ll see me like this, Josh. Broken and devastated. Pangako `yan. Ito na talaga ang huli. At hindi na ako makapaghintay na makalimutan ka. At kapag nangyari `yon, makakaya na kitang tingnan sa mata na walang kirot na nararamdaman pa.” Pagkatapos ay tumalikod na ako at doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko. Mga luhang tanging si Josh lang ang nakakapagpalabas.
Shutang inerns, may favoritism ang mga pretty kong mata.
Pakshet ka, Josh.
AYOKO NA,
Pipay