noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 7

Ch. 8 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #7

Dear Diary,

Hindi maalis ang malagkit na titig ko kay Mong, Diary. Para siyang magnet na tinutukso ang dalawang magkabilang hita ko para buksan ang itim na kuweba at pasukin niya ang aking kayamanan. Ilang beses ko na ngang sinusuntok nang palihim mula sa ilalim ng mesa ang dalawa kong malanding hita para lang maghunos-dili pero walang epekto. Lahat `ata ng parte ng katawan ko malandi, Diary, eh.

“Anong course mo, Pipay?” tanong sa akin ni Mong habang nakaupo kami sa hapag-kainan at kumakain ng pananghalian. Magkaharap kami sa isang mesang bilog.

Natutukso tuloy akong tumingin sa ilalim para silipan si Mong dahil manipis na boxer lang ang suot niya kaso `wag na lang. Baka kapag nahuli niya ako, bigla niyang isaksak sa mata ko ang hawak niyang kutsilyo, Diary. So scary.

“Bachelor of Science in Business Management,” feeling matalino kong sagot sa kanya. Nag-flip hair pa ako para kunwari sosyal ako.

“So kapag graduate ka na, ano’ng trabaho mo?” Ngumisi si Mong. Kitang-kita ko tuloy ang mga ngipin niyang `simputi ng brief niya.

Bakit ang ayos ng ngipin ngayon ni Mong, Diary? Unlike before noong mga bata kami na pulos sungki.

“Promodiser sa mga mall,” proud kong sagot kay Mong. “Gusto ko kasing magsuot ng maikling skirt habang may hawak na product ng company. `Tapos sasabihin ko, ‘Miss, try n’yo ang aming product. Hindi kayo magsisisi,’ gano’n. Ang slow-slow mo, Mong. `Kainis ka. Hawakan ko `yang patola mo, eh. Hihi.” Humagikhik pa ako.

“What? Anong patola?”

“Wala. Sabi ko, ang guwapo mo.”

Nakita kong ngumiti si Mong, Diary, saka napailing na lang sa sinabi ko. Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko kaya hinugot ko `to mula sa panty ko. Oo, tama ka, Diary. Sa panty ko itinatago ang cell phone ko kapag walang bulsa ang suot kong pantalon.

Inangat ko ang cell phone ko at may nakita akong dalawang buhok sa screen. Saang buhok kaya `to?

“Ano `yan?” tanong ni Mong habang nakatingin sa buhok na hawak ko. “Saang buhok `yan?”

“Ewan ko.” Nagkibit-balikat ako. “Amuyin mo, dali, para malaman natin kung saan buhok `to.” Inilapit ko sa kanya ang buhok pero lumayo siya at parang nandiri.

“ Sore wa iyada !” sigaw niya sabay hawak sa ilong niya.

“Ano? Minumura mo ba ako, ha?”

“Sabi niya, kadiri daw,” biglang sagot si Ninang Glenda na kabababa lang mula sa second floor. “Anong kadiri, anak?”

“`Yong buhok, `Ma. Pinapaamoy sa akin ni Pipay. Hindi ko naman alam kung saan galing `yon, eh,” diring-diring sabi ni Mong.

“Akala mo ikaw lang marunong mag-Japanese, ha?! Marunong din ako,” pagmamalaki ko.

“Sige nga, Pipay. Magsalita ka ng Japanese. Make your ninang proud. C’mon, make your ninang proud,” pagtsi-cheer sa akin ni Ninang Glenda.

“ Malakisusoko desu ,” mabilis na sabi ko. “Saka mabangopempemko deka . `Taray ko,`di ba?”

“Ha?”

Nagkatinginan sina Monjie at Ninang Glenda sa isa’t isa at nagtawanan. Halos napapapikit na si Monjie dahil sa sobrang tawa. Ano kaya’ng nakakatawa? Ako ba ang pinagtatawanan nila, Diary? `Kainis ka, ah.

No’ng nakatingala pa rin siya dahil sa sobrang tawa, bigla kong inilagay sa plato niya ang dalawang buhok na hawak ko. `Ayan, kainin mo ang buhok ko na hindi ko alam kung saan nagmula.

“Bilisan n’yo na diyang kumain at bilhin n’yo na `tong mga kailangan sa restaurant.” Inilapag ni Ninang Glenda ang papel na punong-puno ng mga bibilhin namin ni Mong.

Nang natapos kaming kumain ni Mong, Diary, ako na ang nagprisintang maghugas ng plato. Nagpaalam sa akin si Monjie na maliligo na raw siya para makaalis na kami agad. Habang naghuhugas, hindi ko makita `yong sabon sa plato nila kaya todo-hanap naman ako. Pagbukas ko ng cabinet, may nakita akong pH Care, Diary. Kinuha ko `to at inamoy.

“Hmm... Not bad, panghugas ng plato,” sabi ko sa sarili ko. “Multipurpose naman ang pH Care,`di ba? Gamit ko nga `to as shampoo, body scrub at kagabi facial wash. Siguro puwede na rin `to panghugas ng plato.”

Binuhusan ko ng sangkatutak na pH Care ang mga platong kinainan namin ni Mong at nag-enjoy sa paghuhugas. Hindi masyadong bumula `yong pH Care sa plato kahit todo-kuskos na ako pero dedma na lang. Ang importante mawala ang lansa at amoy na naiwan sa plato.

Nang matapos na ako sa paghuhugas, inilagay ko na ang pH Care sa cabinet. Ayos. Ang sipag ko talaga, Diary.

Inikot ko naman ang buong bahay nina Ninang Glenda habang hinihintay si Mong. Napatingin ako sa dingding nila na punong-puno ng picture ng kaisa-isang anak ng Tiramoko-Tirakita Family. Apelyido ni Ninang `yong Tiramoko no’ng dalaga pa siya. Half Japanese rin kasi si Ninang. Habang `yong Tirakita naman ay apelyido ng napangasawa niya. Ang kyoot pala ng name ni Monjie, Diary.

Monjie Tiramoko Tirakita.

Kapag naging asawa ko pala si Monjie magiging Pilar Payoson Tirakita ako. Hihi. Perpek! Pero siyempre, joke lang `yan. Mas bet ko pa rin na Manalo ang maging apelyido ko. Siyempre, forever #JoPay `ata `to, Diary. Si jOsHu4 Lh4Rn Zh4p4T nH4 fOr3v3r. Walang titibag. Lahat ng babangga magigiba.

Pilar Payoson ang Queen Maldita b3nT3 tR3s ng Brgy. Lhas Phag. Hihihihi.

So anyway, Diary. Balik tayo sa pagtingin ko sa mga larawan ni Mong mula noong bata pa siya. Hindi ko talaga inaasahang guguwapo nang ganito ang lalaking `yan. Parang isang himala ang nangyari. From mukhang mongoloid naging ultra hot ang loko. From katawang patpatin naging ultra hot and sexy ang body niya. Rapsey, Diary. Bigla tuloy tumulo ang laway ko sa isang picture frame na hawak ko na may larawan ni Mong na naka-shorts lang at nag-picture sa isang salamin. So hot talaga, Diary.

Agad kong pinunasan ang laway ko na tumulo sa picture frame, Diary. Binalik ko na rin sa dingding ang picture at umakyat naman sa second floor ng bahay nina Ninang Glenda. Hindi ko maiwasang hindi ma-amaze sa mga nakikita kong design ng bahay nila, Diary. Kahit kasi nasa Pilipinas sila, hindi nawawala ang Japanese culture at design sa bahay nila. May mga gamit sila na galing Japan. Magkano kaya ang bentahan ngayon ng ganito, Diary? Magnakaw kaya ako at ibenta ko? Charot! Baka mahuli ako at isaksak sa lalamunan ko `yong samurai na nakalagay sa gilid. Hmm, puwedeng samurai na lang ni Mong ang isaksak niya sa `kin? Hihihi.

Diary, napadaan naman ako sa isang kuwarto na medyo nakabukas ang pinto kaya pumasok ako. Hindi ko alam kung kaninong kuwarto `to at hindi naman siguro ako mapapagalitan if ever pumasok ako, `di ba? Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nabanguhan sa amoy. Parang amoy ni Monjie kanina. Inilibot ko ang mga mata ko at may nakita akong gamit sa paggi-gym, Diary. May picture din na nakasuot lang ng brief si Mong sa gilid. Emeged. Mukhang kuwarto niya `to, ah?

Habang nililibot ko pa rin ang mga mata ko, biglang may lumabas sa isang pinto na banyo pala. Nagulat si Mong dahil siguro hindi niya inaasahang nasa loob ako ng kuwarto niya, pero agad siyang ngumiti at dumeresto sa tapat ng cabinet. Hindi ko maalis ang paningin ko sa katawan ni Mong, Diary. Jusko! Napa-sign of the cross ako nang wala sa oras dahil tanging puting towel lang ang nakatapis sa patola niya. Bakat na bakat pa rin ang kakisigan ng puwitan ni Mong. Taray! Ang pogi ng puwit.

“Lalabas muna ako para makapagbihis ka,” sabi ko sa kanya saka tumalikod. Palabas na sana ako nang mapahinto ako dahil nagsalita siya.

“`Wag na. Bakit ka pa lalabas?”

Napatingin ako sa kanya at may ngisi sa mga labi ni Mong, Diary. OMG!

“Eh, kasi magbibihis ka, `di ba?” tanong ko sa kanya.

Napansin kong hawak-hawak na ni Mong ang dulo ng tuwalya at handa na niya iyong tanggalin. “`Sus! Wala namang malisya kahit makita mo `to.” Saka niya tinanggal nang mabilisan ang towel at hinagis sa mukha ko.

Agad kong tinanggal ang towel at nakita kong nakasuot na pala ng boxer si Mong. Kaya pala ang lakas ng loob ng mongoloid na `to.

“Bilisan mo na diyan at baka gabihin na tayo,” sabi ko sa kanya saka lumabas nang tuluyan ng kuwarto niya.

Hindi naman `yon ang talagang sasabihin ko, Diary. Dapat, “bilisan mo na diyan at baka magahasa kita nang wala sa oras.” Kaso dahil kaya ko pang pigilan ang sarili ko, hindi ko na sinabi. Ayokong lokohin si Josh dahil siya lang ang gusto at mahal ko.

Nakapormang lumabas na si Mong. Hindi ko maalis sa sarili ko na purihin lalo ang kakisigan ng lalaking `to.

“O, bakit ganyan ka makatingin? Napopogian ka sa akin, `no?” natatawang tanong ni Mong habang nagsusuklay.

“Seryoso, Mong, paano ka naging guwapo at paano naging ganyan ka-hot ang body mo? Any tips?” tanong ko.

“Tips? Wala naman,” sabi niya. “Siguro buwisit lang ako sa `yo no’ng mga bata tayo dahil sa pang-aasar mo sa akin. Saka sabi mo kaya noon na kapag pangit ako paglaki natin ipapaamoy mo uli ang panty mo sa akin. Siyempre, natakot ako kaya nagpursige ako para maging guwapo.” Nagpogi sign pa siya saka ngumisi.

`Yon pala ang dahilan niya. Ayaw niyang maamoy ang panty ko. `Kainis siya Diary, `no? Ang choosy pa. Panty ko na, ayaw pa? Pilar Payoson na tinatanggihan pa? Heller, Monjie, ang daming lalaking naghahabol sa ganda ko.

Umalis na kami ng bahay nina Monjie at dumeresto na sa pinakamalapit na mall. Nakasakay kami sa kotse na pag-aari ni Mongoloid. Tahimik lang ako nang bigla kong maalalang may text pala kanina sa cell phone ko. Inilabas ko ito saka binasa.

Galing sa Josh ko ang message, Diary.

Nakakainis si Mommy, Pipay ko. Kanina pa kami palakad-lakad dito sa mall. Anyway, kumusta ang part-time job mo? Kailan ka raw magsisimula?

Nireplyan ko naman siya agad kahit late ko nang nabasa ang text niya. Sinabi ko ang lahat ng napag-usapan namin ni Ninang Glenda hanggang sa pagpunta namin ngayon ni Mong sa mall.

Tinitigan ko lang ang cell phone ko at hinintay na baka mag-reply agad si Josh ko pero hindi siya nag-reply. Siguro busy lang talaga si Josh ko habang kasama ang bruhilda niyang nanay. Kahit kailan talaga bad trip sa buhay ko ang nanay ni Josh, eh. Ipatumba ko na kaya `yon?

“May boyfriend ka ba, Pipay?” rinig kong tanong ni Monjie, Diary.

“Meron,” sagot ko. “Seven months na kami.”

“Hindi nga?” Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. “Sa pangit mong `yan may boyfriend ka?”

“Eh, kung hubarin ko ang panty ko rito at isaksak ko sa bibig mo para manahimik ka?” inis na sagot ko sa kanya.

“`Eto naman, hindi mabiro. Joke lang.” Tumawa siya. “Nice, may boyfriend pala ang kinakapatid ko. Dapat sa boyfriend mo hindi ka paiyakin, ah? Babanatan ko `yan kapag pinaiyak ka.”

“Aww, na-touch ako. Pakurot pala sa kaliwang eggyok mo, bilis,” biro ko kay Mong.

“Baliw!” sabi niya. “May kaklase kasi akong may girlfriend na pero mukhang nakikipaglandian do’n sa isa naming kaklase. Kawawa naman `yong girlfriend niya.”

“Ay, sa akin hindi puwede `yan,” sagot ko. “Saka never akong lolokohin ng boyfriend ko. Mahal na mahal ako n’on, eh. Hihihi.”

“Good.”

Lumabas na kami ni Mong nang nasa tapat na kami ng mall saka dumeresto sa grocery. Bumili kami ng mga ipinapabili ni Ninang Glenda. Nang matapos kaming mag-grocery, naghanap naman kami ng coffee shop dahil ililibre niya raw ako. Pumayag naman ako since first time ko pa lang makakainom ng mamahaling kape.

Agad naman kaming may nakitang coffee shop, Diary. Pumasok kami saka pumunta sa harap para um-order.

“Coffee jelly nga, `yong venti. Sa `yo, Pipay, ano?”

“Sa akin? Hmm….” sabi ko habang nag-iisip. “`Yong Nescafe three-in-one na lang, ah? More sugar, please.”

“Po?” sagot ng cashier.

“Coffee jelly na rin sa kanya, Miss,” biglang sagot ni Mong saka natawa.

Ano kaya’ng nakakatawa?

Naghintay kami nang ilang minuto bago dumating ang order naming kape, Diary. Nagpaalam muna ako kay Monjie na magbabanyo muna ako dahil kanina pa ako ihing-ihi noong nasa grocery pa lang kami. Pagpasok ko ng banyo, may isang magandang babae ang nagsasalamin at may kausap sa cell phone niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka mainggit siya sa beauty ko. Pumasok na lang ako sa isang cubicle.

“Yeap! We’re on a date... I know.. Bilib ka na ba sa akin? Sabi ko sa `yo, girl, eh.” Rinig na rinig kong tumatawa si Ateng Pretty na halatang kinikilig. “I don’t care if he has a girlfriend. Sooner than soon he’ll be mine. Trust me.”

Ay, shet. Relationship wrecker si Ateng Pretty, Diary. `Sarap hampasin ng wrecking ball ni Miley Cyrus ang kagaya niya.

“Okay... Bye na. Nag-text na siya na nandito na siya sa coffee shop, eh. Naiwan ko kasi sa sinehan `yong pouch ko at nagprisinta naman siyang babalikan niya at maghintay na lang daw ako dito. He’s so sweet. I’m such a lucky girl,” pagkukuwento na naman niya. “Okay… Bye, sis. See you on Monday.”

Narinig kong bumukas ang pinto at mukhang lumabas na siya ng banyo. Hays,`buti naman dahil hindi ko matuloy ang pag-ihi ko dahil sa pagiging kerengkeng ng babaeng `yon.

Pagkatapos kong magbanyo, dali-dali agad akong lumabas at bumalik sa table namin ni Monjie. Hindi pa ako nakakalapit nang makita ko na agad si Mong na may kasama sa table namin. Isang babaeng nakatalikod mula sa gawi ko at isang lalaki rin.

Wait, Diary... Parang kilala ko ang lalaki na `yon, ah?

Don’t tell me, Diary…

“O,`and’yan na pala `yong kababata ko, eh. Guys, meet, Pipay.” Ipinakilala ako ni Mong sa babae at sa lalaking nakaharap sa kanya. Napaharap naman agad sa akin ang dalawa. `Yong babae nakangiti sa akin at `yong lalaki naman, halos lumuwa ang mga mata dahil sa pagkagulat.

“Pi... Pay?” tawag ni Josh sa pangalan ko. Nakatitig lang siya sa akin at parang gustong maiyak dahil nahuli ko siya. “Let me explain.”

Ngumiti ako sa kanya. “Explain what?” patay-malisya kong tanong.

“Wait. Seriously, ang gulo,” sabi ng babaeng katabi ni Josh. “You and Josh knew each other?”

“Hindi lang kilala,” sagot ko. “Kundi kilalang-kilala.”

“Really?” sabi niya saka tumingin kay Josh. “Sino siya, Josh?” Humawak pa siya sa braso ni Josh.

Shutang inerns ka! `Wag mong mahawak-hawakan ang pag-aari ko!

“Girlfriend ko,” sagot ni Josh.

“OMG!”

“Hi, my name is Pilar Payoson aka Pipay. Hindi mo man kasing-pretty pero sobrang funny naman. I’m one of a kind and not easy to find,” pagpapakilala ko sa kanya. “I’m his girlfriend. May problema ka ba?”

“A-ahh... W-wala…” nauutal na sabi ng babae.

Shutang inerns , Diary. Gusto kong sampalin ang babae na `to.

“Naiirita ako sa `yo sa totoo lang. Puwedeng pasampal?” tanong ko sa kanya.

Bigla siyang napaurong kay Josh.

“Pipay naman…” Nagsalita uli si Josh.

“ Shutang inerns ka! Gago! Pakyu !” sabi ko kay Josh. Napasigaw na ako kaya biglang napatingin ang mga tao sa paligid namin. “Josh, mabait akong tao. Mapagbigay ako pero pagdating sa `yo, madamot ako. If you’re mine, you’re mine. I’m not sharing you with anyone else.” Ngumiti ako nang mapakla. “Sabi mo nanay mo ang kasama mong mag-mall? Kailan mo pa `yan naging nanay?”

Hindi siya sumagot at napayuko na lang. Ito namang si Gaga, hindi rin makatingin sa akin. Si Mong naman—ay nandito pa pala si Mong. Akala ko sa next chapter na uli ang labas niya.

Kinuha ko ang bag ko saka naglakad palayo sa kanila. Napahinto ako nang ma-realize kong may naiwan ako kaya binalikan ko agad.

“Sayang, mahal `to...” sabi ko saka kinuha ang kape ko.

Akala ko sinundan ako ni Josh paglabas ko ng coffee shop pero hindi pala. Shutang inerns . Hindi ako sinundan ni Gago. I can’t believe this.

Mukhang makakapatay ako, Diary.

Naiiyak ako palabas ng mall dahil walang

pamasahe pauwi,

Pipay