noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 25

Ch. 26 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #25

PRINCE’S POV

Ang tagal kong nawala sa eksena dahil pinag-isipan ko talaga nang maigi ang mga sinabi ni Pipay. Until now, kahit ilang araw na ang nakalilipas mula nang gumanda siya, hindi pa rin makapaniwala ang buong sistema ko sa sinabi niya. Gusto kong matuwa dahil finally, wala na akong kaagaw sa kanya. After ng ilang buwan na pagtitiis ko ng kalungkutan sa Amerika para lang kalimutan si Pipay ay magkakaroon na ng panibagong pag-asa sa aming dalawa. Pero `tangina lang, eh. Ayaw ma-convince ng puso’t isip ko na dapat akong matuwa.

Saksi ako kung paano ipinaglaban ni Josh ang pagmamahal niya kay Pipay noong high school kami. Kung saan kinain niya ang pride at ego niya nang paulit-ulit at hindi nahiyang umiyak sa harap ni Pipay at nagmakaawa para magkabalikan lang silang dalawa.

Dude, bihira ang lalaking gagawa n’on. Iyong iiyak sa harap ng babae para lang bumalik ito sa kanya? Once na tumulo ang luha ng isang lalaki, ibig sabihin, seryoso siya sa nararamdaman niya. Masuwerte ang babaeng iniiyakan ng isang lalaki dahil ibig sabihin nito, hindi niya kayang mawala ang babaeng mahal niya.

Josh did that. Umiyak siya sa harap ni Pipay. Iyon pa lang, patunay na napakalakas ng pagmamahal niya kay Pipay.

Kaya nang sabihin ni Pipay na nahuli niya na nakikipag-sex si Josh sa ibang babae? Well, siguro normal na iyon. Dahil after all, lalaki si Josh. Ang mga lalaking katulad namin ay madaling matukso. Madali kaming ma-attract sa babaeng sexy at maganda pero mas attracted pa rin ang puso namin sa babaeng mahal namin. Kumbaga, katawan lang ang nakuha namin at hindi ang puso.

Laging sinasabi ng ibang tao na ang lalaki raw ay malalandi. Dude, you’re wrong. Very wrong. Stick-to-one ang puso namin. Katawan lang ang hindi.

I really don’t get it kung bakit ginawa iyon ni Josh, eh. Let’s say na nakipaghiwalay nga siya kay Pipay. But I’m sure na something fishy’s going on. Hindi gagawa si Josh ng ganoong klaseng bagay kung walang mabigat na rason.

I know some of you ay galit na galit kay Josh. But that’s bullshit. Sana kayo ang unang umintindi sa kanya, right? Kayo ang naka-witness kung gaano minahal at minamahal ni Josh ang isang Pilar Payoson. Pero ano’ng ginagawa n’yo? You judged him without hearing his side. Gusto n’yo ng equality, right? Gusto n’yo ng fair na trato sa babae’t lalaki pero what are you guys doing? Hinusgahan n’yo ang isang lalaki without hearing his side. That’s not fair.

Sasabihin n’yo, ang tanga ko dahil ito na dapat ang exposure ko sa kuwento, `di ba? Pero ano’ng ginagawa ko? Pinagtatanggol ko pa si Josh. Ha? Mahal ko si Pipay. Mahal na mahal until now. Pero I can say na wala ang pagmamahal ko sa pagmamahal ni Josh kay Pipay. Baka nga wala pa rin sa kalahati, eh. Pero I promise. Ipinapangako ko na kung ginawa lang ni Josh itong breakup with Pipay without a valid reason, ako mismo ang maglalagay ng pangalan niya sa listahan ni San Pedro. Mark my words, guys. Mark my words.

Anyway, nasaan ba ako ngayon? Ah, right. Pauwi na ako sa bahay namin. Galing ako sa isang cake shop dahil bigla akong nagutom at nag-crave sa isang strawberry cake. Pinag-iisipan ko kung kakausapin ko na ba si Pipay. The last time kasi na nag-usap kami, nainis ako sa kanya. Gumanda siya pero agad nagbago ang ugali niya. Parang nakasama yata sa kanya ang pagbabagong nangyari sa kanya.

Lumabas na rin sa TV ang mga picture ni Pipay bilang official ambassador ng segment na pinag-undergo-han niya. Unti-unti nang nakakamit ni Pipay ang pangarap niya. Wait, kailan ba niya naging pangarap ang pagmo-model? Ang alam ko kasi, gusto niyang maging porn star, eh.

Bigla akong natawa. Naalala ko kasi ang mga kalokohan ni Pipay noong high school kami. Iyon bang ipinapakita niya sa akin ang suot niyang panty.

Pambihira. Iba ka talaga, Pipay .

Naglalakad na ako sa seaside ngayon. Papalubog na ang araw nang mapansin ko ang isang pamilyar na tao na na nakatingin sa papalubog na araw. Kahit nakatalikod siya, alam na alam kong siya iyon. Tindig pa lang at pangangatawan, alam ko na, eh.

Naglalakad na ako papalapit sa kanya nang mapansing kong parang umiiyak siya. Umiiyak ba siya? Pero bakit?

`Tanga mo, Prince. Malalaman mo ba kung bakit siya umiiyak kung hindi mo lalapitan? `Eto na nga, `di ba.

Nasa likuran na niya ako nang tapikin ko siya sa balikat.

“P’re...” sabi ko.

Napalingon siya sa akin. Nagulat ako nang makita kong magang-maga na ang mga mata ni Josh dahil sa pag-iyak. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil barado na rin ang kanyang ilong. Mukhang kanina pa siya umiiyak habang nakatitig sa paglubog ng araw.

“Ano’ng nangyari? Puta. Bakit ka umiiyak?” mabilis kong tanong sa kanya.

Inilabas ni Josh ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang kanyang mukha. Pero kahit punasan niya, mistulang waterfalls pa rin ang mga mata niya. Nagkaroon ng sariling buhay ang mga iyon para tumulo nang kusa ang mga luha niya.

“Shit, p’re. Tigilan mo nga `yang pag-iyak mo. Baka sabihin ng mga tao sa paligid magsyota tayo at pinaiyak kita,” saway ko sa kanya dahil napansin kong napapatingin at nagbubulong-bulungan ang mga taong dumaraan sa paligid namin.

Mga pakyu kayo. `Wag n’yong iisiping bading ako dahil hindi ko sasayangin ang kapogian ko para lang dito.

“Hindi ko na kaya, p’re. Hindi ko na kaya ang nararamdaman kong sakit sa dibdib ko,” sabi ni Josh. Pinilit niya pa ring magsalita kahit nahihirapan siya. “Monthsary namin ngayon ni Pipay, eh. Ipinangako namin sa isa’t isa na sabay naming papanoorin ang paglubog ng araw. Papatunayan namin na kahit lumubog ang araw, lumubog lahat ng barko sa mundo, lumubog na ang lahat pero ang relasyon namin ay hindi lulubog. Pero shit lang, p’re. Ngayon, hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya. Hindi namin sabay pinanood ang paglubog ng araw. Kasabay lumubog ng araw na `to ang kuwento naming dalawa.”

Tumulo na naman ang luha ni Josh saka tumingin sa malayo.

“Akala siguro ni Pipay na pinagpalit ko siya dahil mas maganda si Monica sa kanya at mas sexy. Putang ina. Kahit ganyan si Pipay, hindi ko siya ipagpapalit sa kahit kaninong babae, p’re. Kahit si Anne Curtis, Kathryn Bernardo at Julia Baretto, p’re? Shit. Si Pipay pa rin ang pipiliin ko. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Pilar sa kahit kaninong magandang babae sa mundo.”

Ngumiti siya nang mapakla. “Binago ni Pipay ang sarili niya sa taong hindi na siya. Ibang-iba na siya ngayon dahil sa kagagawan ko. Pero ayos na `to, p’re. Mas okay na magalit siya sa akin hanggang sa kamatayan ko para hindi na siya masaktan.”

“Gago ka kasi. P’re, kahit ako nagagalit sa `yo, eh. Pero mas nag-uumapaw ang curiosity ko. Bakit ka ba nakipaghiwalay kay Pipay?” galit na tanong ko. “Sinabi niya na ipinagpalit mo siya sa isang magandang babae. Totoo ba? Hindi lang `yon. Nahuli pa raw niya kayong gumagawa ng milagro. Nakakagigil ka, p’re. Hindi ako nagparaya para lang gaguhin mo siya. `Wag mong sayangin ang pagpunta ko sa US para mag-move on. Mahal ang plane ticket, pakyu .”

“Nahuli kami ni Pipay. Totoo `yon. Pero I did it dahil tinakot ako n’ong babae. May pinaghahawakan siyang alas laban sa akin. `Tapos—” Naputol ang pagsasalita ni Josh nang mapatingin siya sa likuran ko. “P’re, bilis magtago tayo.” Bigla akong hinila ni Josh papunta sa isang malaking basurahan.

Ang baho, tae. Parang ganito ang amoy ni Pipay dati, eh.

“Bakit mo ba ako hinila rito?” tanong ko habang takip-takip ang ilong ko.

“Ssshh. `Wag kang maingay,” sabi niya at tinakpan pa ang bibig. “`And’yan si Pipay, o. Baka makita niya tayo lalo na ako...” bulong niya saka tumingin sa kinatatayuan ni Pipay.

Nakisilip na rin ako at nakita ko nga si Pipay na malungkot na nakatingin sa papalubog na araw. Nakasuot siya ng pink na damit na kagaya ng suot ni Josh. May design sila parehas na kalahating puso na kapag ipinagtabi, mabubuo ang puso na design.

“Sabi ko na, eh. Tutuparin pa rin ni Pipay ang pangako namin sa isa’t isa. Pupunta pa rin siya dito sa seaside kahit wala na kami at gawin ang pangako namin ngayong monthsary,” sabi ni Josh habang titig na titig kay Pipay. “Suot niya rin ang couple shirt naming dalawa. Pero kahit parehas naming suot ang damit ngayon, hindi namin kayang magsama para mabuo ang puso.”

Hindi ko alam kung ang damit pa ba ang tinutukoy ni Josh sa sinabi niya.

Nakatitig lang si Josh kay Pipay at naluluha na naman. Parang ako ang nasasaktan sa nangyayari sa kanilang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa’t isa pero hindi nila kayang magsama.

“Lapitan mo na kaya gago ka? Hindi ka ba naaawa kay Pipay? Tingnan mo, o. Nakatulala lang si Pipay sa kawalan at ang lalim ng iniisip. May dala pang bola. Teka? Bakit may dalang bola `yan? `Wag niyang sabihing magba-basketball siya rito sa seaside?”

“Binili niya pala ang bolang pinapangarap ko,” sabi ni Josh habang nakatingin pa rin kay Pipay. “Supportive talaga si Pipay kahit kailan. Suportado niya ako sa pagbuo ng pangarap ko sa paglalaro ng basketball.” Tumulo na naman ang mga luha niya.

Nakasulyap lang kami kay Pipay nang biglang magsalita ito. Hindi naman kami ganoon kalayo ni Josh kaya naririnig namin ang sinasabi ni Pipay.

“Josh, sobrang sakit na talaga,” panimula ni Pipay. “Bakit kasi ganito, Josh? Tinuruan mo akong mahalin ka nang sobra-sobra pero hindi mo naman ako tinuruan na tumigil na kung kinakailangan. Ang suwerte mo dahil may natirang taong nagmamahal sa `yo habang ako heto’t umiiyak pa rin dahil sa `yo. Ang unfair mo, Josh, eh. Alam mo `yon? Sabi mo, walang iwanan, `di ba? Sabi mo to the pempem and back? Sabi mo AcKO Lh4Rn Zh4P4t nH4 pero ano’ng nangyari ngayon? Wala kang tinupad, eh. Wala talaga, Josh.”

Parang nagpipigil na ng luha si Pipay dahil humihikbi na siya.

Ang bigat sa dibdib ng mga sinasabi niya. Pakiramdam ko, ako ang sinasabihan ni Pipay dahil naiiyak na rin ako ngayon.

Narinig kong magsalita si Josh. Sagot para sa sinabi ni Pipay.

“Pipay, masakit na rin sa part ko at mas nasasaktan ako na nakikita kang nasasaktan. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko,” aniya saka nagpunas ng luha. “Hindi kita tinuruan na kung paano tumigil sa pagmamahal sa akin dahil wala akong planong mawala ka sa akin. Pero minamalas tayo parehas, eh. Minamalas ako dahil hindi ko alam na may mangyayaring ganito. Wala akong pakialam kahit walang matirang nagmamahal sa akin. Ikaw lang ang babaeng gusto kong magmahal sa akin. Ikaw lang. Hindi ako unfair, Pipay. Hindi talaga. Hindi naman kita iniwan, eh. Pinalaya lang kita. Pero nasa puso’t isip pa rin kita. Lagi mong tatandaan na iCk4W Lh4Rn Zh4P4t nH4. To the pempem and back and forth, remember?”

Napatingin naman ako kay Pipay at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

“Naaalala mo kaya na monthsary natin ngayon? Malamang, hindi na rin. Kinalimutan mo na `ata ang lahat ng tungkol sa akin, eh. Sana kaya ko ring gawin `yan. Sana kaya ko ring kalimutan ang lahat ng tungkol sa `yo para hindi ako nahihirapan nang ganito. Gusto na kitang kalimutan pero ayaw akong hayaan ng puso ko. Pakshet naman kasi. Masyado kang minahal ng puso ko, eh. Sana kasi binalaan mo ako na `wag kitang masyadong mahalin nang ganito.”

“`Wag mong sasabihin na kinalimutan ko na ang lahat ng tungkol sa `yo dahil never mangyayari `yon. Hanggang mamatay ako, babaunin ko sa hukay ko ang alaala nating dalawa. `Yong mga alaala natin ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Kung gusto mo na akong kalimutan, hindi kita pipigilan. Sige lang. Malaya kang gawin `yan pero ako, hindi ko gagawin `yon. Nakatatak na sa buong sistema ko kung gaano kita kamahal,” sagot naman ni Josh.

Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nila sa isa’t isa.

“P’re, pakiusap, puntahan mo si Pipay. Patahanin mo siya sa pag-iyak,” pakiusap sa akin ni Josh kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. “Please, p’re. Nakikiusap ako sa `yo. Sige na. Patahanin mo si Pipay sa pag-iyak.”

“Sige, kung `yan ang gusto mo,” sagot ko. “Pero kailangan nating mag-usap at ipaliwanag mo sa akin nang buong-buo kung bakit mo ginagawa `to. Kailangan valid ang reason mo dahil kung hindi, simulan mo nang hukayin ang lupang paglilibingan ko sa `yo.”

“Salamat, p’re. Makakaasa ka.”

Tumango ako bilang sagot. Magsisimula na sana akong maglakad papunta kay Pipay nang bigla akong tawagin ni Josh. “Prince.”

“Ano?” tanong ko nang lumingon ako.

“Pakibigay `to kay Pipay. `Wag mong sasabihing sa akin galing `yan, ah?” Saka niya inihagis ang isang maliit na box.

Nasalo ko naman iyon saka tiningnan ang laman.

“Kuwintas?” Hindi lang basta-bastang kuwintas dahil may palawit itong parang langit na may nakadikit na bituin at buwan.

Tumango siya. “Yeap. Pipay isn’t just a star to me because she’s my whole damn sky.”

Tumango rin ako saka lumapit na kay Pipay na narinig ko na namang may sinasabi para kay Josh. Sa sobrang bigat ng mga iyon, bigla ko siyang niyakap nang mahigpit mula sa kanyang likuran. Nagulat si Pipay sa biglaang pagyakap ko kaya napalingon siya sa akin. Mukhang nakilala naman niya agad ako kaya pinabayaan na lang niya ako.

“It’s okay to cry, Pipay. Even the clouds are crying when they can’t hold the weight anymore,” sabi ko sa kanya.

Nalaglag sa buhanginan ang bolang hawak niya at tumalbog iyon nang ilang beses. Nagsisimula nang humagulhol si Pipay habang yakap-yakap ko pa rin siya.

“Ngayon lang uli ako magiging mahina. Ngayon lang uli ako iiyak nang ganito. Kaya sana... sana hayaan mo lang akong umiyak...” huling sabi ni Pipay bago siya mapahagulhol.

Pulos pag-iyak na lang ang naririnig ko sa kanya. Mukhang inilalabas lahat ni Pipay ang bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib kaya hindi ko siya pinigilan.

Napalingon ako kay Josh at nakita kong hawak-hawak na niya ang bibig niya para pilit pigilan ang sarili sa paghagulhol sa nakikitang kalagayan ni Pipay ngayon. Pareho silang nasasaktan at umiiyak sa mga oras na iyon. Parehong mahal ang isa’t isa subalit hindi kayang magsama.

`Tangina. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na umiiyak na rin sa awa ko sa kanilang dalawa. Ang hirap. Ang sakit sa dibdib. Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na kalungkutan para sa kanilang dalawa.

ILANG oras ding umiyak nang umiyak si Pipay sa seaside habang nakatingin sa araw na unti-unting lumulubog. Tumigil lang siya sa pag-iyak saka humarap sa akin nang nakangiti matapos mapalitan ng buwan ang kalangitan. Masakit para sa akin na makita siyang lumuluha at pilit pa rin siyang ngumingiti sa kabila ng lahat. Gusto niyang kumbinsihin ang sarili na hindi siya nasasaktan sa pamamagitan ng pagngiti pero hindi niya kayang kumbinsihin ang kanyang mga mata.

“Samahan mo ako,” sabi niya.

“Saan?” tanong ko.

“Sa bar! Gusto kong magpakalunod sa alak! Gusto kong makalimot. Gusto kong masubukang gumagapang pauwi ng bahay dahil sa labis na kalasingan. Gusto ko munang takasan ang masalimuot na realidad na `to.”

BAGO pa ako umangal, namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa harap ni Pipay at pinapanood siyang tumungga ng alak. Nakakailang bote na siya ng Red Horse pero patuloy pa rin sya paglagok ng mga boteng nasa harap niya. Hindi ako umiinom at strawberry cake lang ang kinakain ko.

Buwisit! Bakit sa bar ko kinakain itong cake? Ang out ko masyado pero hindi kasi ako puwedeng uminom, eh. Mukhang lasing na si Pipay at walang mag-aalalay sa kanya kapag parehas kaming nalasing.

“Tama na nga `yan,” sabi ko saka inagaw ang boteng hawak-hawak niya. “Ang dami mo nang nainom. First time mong uminom pero magdadalawang case na ng Red Horse ang naitumba mo. Babae ka ba talaga? Ang laki ng space ng tiyan mo para sa alak, eh.”

“Akin na nga `yan.” Inagaw niya ang bote saka lumagok uli. Isang straight na inuman at naubos na naman ni Pipay ang laman ng bote.

Ibang klase itong si Pipay.

“Bakit ganito ang lasa ng alak? Ang pakla pero hindi ako nalalasing. Shutang inerns naman. Wala na bang mas ha-hard dito? Gusto kong malasing. Gusto kong malasing, eh...” Napayuko na si Pipay sa mesa habang binabanggit niya ang mga salitang iyon. “Gusto kong malasing... Gusto kong malasing! Pakiusap... Gusto kong malasing... Please, nagmamakaawa ako. Gusto ko si Josh... Mahal na mahal ko si Josh. Gusto ko siyang makita. Mahal na mahal ko ang lalaki na `yon, eh,” umiiyak nang sabi niya.

“Hays! Pipay naman, eh. Puwede ba, tama na? Mapagod ka naman!”

Napatingin si Pipay sa akin saka ngumisi nang nakakaloko habang lumuluha pa rin ang kanyang mga mata. “Pagod na pagod na ako, Prince. Pagod na pagod na talaga. Itong lintik na puso ko lang ang hindi pa napapagod! Shutang inames , o,” sabi niya. “Happy seventh JoPay. Wala raw iwanan, pemsters! Futa lang! Pero bakit nag-iisa ako ngayon?!” sigaw niya saka nilaklak na naman ang laman ng boteng hawak.

“Para sa lalaking nanloko sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan. Para sa mga tanga sa mundong kagaya ko. Magpapatayo ako ng rebulto sa Luneta para sa kagaya kong tanga.” Tumawa si Pipay. “`Wag na pala. Mahal ang semento, eh.”

Sininok na rin siya sa sobrang kalasingan. “Magpaparada na lang kaming mga tanga sa Pilipinas. Kailangan ako ang nasa unahan kasi ako ang pinakatanga sa kanilang lahat. Hehe.”

“Lasing ka na. Gago!” inis na sabi ko kay Pipay.

Ibinato niya sa akin ang boteng hawak niya. Mabuti na lang nakaiwas ako pero may tinamaan naman na babae na nasa likuran ko. Napatingin ako sa babaeng tinamaan sa mukha ng boteng ibinato ni Pipay. Boom, tulog si Ate!

“Hindi ako lasing,” sabi niya saka bumagsak ang ulo sa mesa at mukhang tuluyan nang nakatulog.

Letse. Paano ko `to iuuwi sa kanila?

Tatayo na sana ako para buhatin si Pipay nang may tumayo sa harap ko.

“Ako na ang bubuhat sa kanya,” sabi ni Josh.

“Ano’ng ginagawa mo rito? Pati dito sinusundan mo kami?” tanong ko sa kanya.

“Kailangan kay Pipay ko lang itutuon ang pansin ko ngayong araw ng monthsary namin kaya lagi akong nakasunod sa inyo,” sabi niya. “`Asa’n na ang kuwintas?”

Dinukot ko ang box sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. “`Eto.”

Kinuha iyon ni Josh saka binuksan. Isinuot niya naman ang kuwintas kay Pipay “Nakakainis naman si Pipay. Kailangan pa ba `to natutong maglasing?”

“Ngayon lang at nang dahil sa `yo pa,” inis na sabi ko sa kanya. “Tarantado ka kasi, eh.”

“Alam ko,” sabi niya saka binuhat na si Pipay.

“Saan mo siya dadalhin? Hindi mo puwedeng iuwi `yan nang ganyan ang hitsura n’yan. Mabubugbog `yan ng nanay niyang boksingera.”

“Sino ba’ng may sabi na iuuwi ko siya?” balik-tanong ni Josh sa akin. “Hindi ko papabayaan si Pipay. Sabi ko nga, kailangan namin magsama ngayong monthsary namin.”

“So saan mo siya dadalhin?”

“D’yan sa malapit na hotel. Do’n na lang kami matutulog ni Pipay pero bago siya gumising, kailangan wala na ako sa tabi niya,” sabi ni Josh saka ngumiti. “Salamat sa tulong, p’re.”

“Wala `yon,” sabi ko. “Happy monthsary na lang.”

“`Ge. Aalis na kami ni Pipay. Magha-honeymoon pa kami, eh.” Tuluyan nang umalis si Josh sa harap ko habang buhat-buhat si Pipay.

Pero, teka. Nag-loading ako sa huli niyang sinabi, ah.

Magha-honeymoon daw? WHAT?!