Malandi #11
Dear Diary,
Natapos ang klase namin nang eksaktong alas-singko ng hapon. Nag-text na ako kay Josh na uwian na namin. Nag-reply naman agad siya na sandali lang daw dahil matatapos na ang practice nila sa basketball. Mukhang napapalaban na naman ng alugan at hawakan-bola si Josh ko, Diary, ah. Hihi. Sana makita ko na siya kung paano niya hawakan at alugin ang sarili niyang balls, Diary. Nakakaatat kasi, eh. Charot!
Gusto ko sana mapanood ang first training niya ngayong hapon kaya lang hindi raw puwede, Diary. Gusto pa naman namin suportahan ni Pempem si Josh ngayon. Siyempre, kapag nasa loob na kami ng school court, bigla ko ilalabas si Pempem at sisigaw ng, “Josh, galingan mo! Pinapanood ka ni Pempem. Make her proud. Make your daughter proud!”
Exclusive lang daw ang practice para sa team nila. Ganito pala kahigpit ang basketball team ng SOGO, `no? Kaya no wonder kung gaano sila kagagaling dahil halatang puspusan ang praktis nila.
Kaya heto, mukha akong shunga na naghihintay sa tapat ng building namin at nakaupo sa ilalim ng punong mangga. Ang mangga pala ay hugis pempem, Diary. May nalaglag kasing bunga kaya kinuha ko at naisip kong magkahugis sila. Sa sobrang curious ko at gusto kong mapatunayan ang aking naiisip, inilabas ko uli si Pempem at idinikit ang mangga sa kanya.
“Emeged, pempem. Magkahugis kayo. Baka mangga ang destiny mo,” sabi ko kay Pempem ko habang idinidikit pa ang mangga sa kanya.
Nagulat ako, Diary, sa nakita ko. Ilang segundo ko palang kasing idinidikit ang mangga sa pempem ko nang bigla itong nangitim at parang nabulok na. May lumabas pa ngang bulate sa mangga, eh.
“Hala ka, pempem, anong ginawa mo sa mangga?” Tinakot ko si Pempem ko. “Magkasingtulad na kayo ng mangga, pempem. Parehas na bulok. Hihi. Meant to be talaga kayo.” Tumawa pa ako saka kinurot ang pempem ko.
Bakit gano’n, Diary? Ako rin ang nasaktan sa pagkurot ko sa pempem ko? I therefore conclude, nasasaktan ang isang babae kapag kinukurot nila ang pempem nila.
Napahinga na lang ako nang malalim saka itinapon sa malayo ang manggang hawak ko. Medyo matagal na akong naghihintay dito, ah? Nakita ko kasing dumaan na ang ChaKa twins na nahihirapang maglakad habang may saklay pang dala. Nabalian kasi sila ng buto, Diary. Ikaw ba naman sakalin at ihulog ng negrang pusit na anak ng puta ng karagatan sa pagiging kabit kay Poseidon, ewan ko na lang kung hindi ma-fracture ang buto mo. Taray! Fracture.
Kaya ang mga gagang feeling kontrabida sa kuwento ko, pumasok na may saklay at hirap na hirap sa paglalakad. Nag-aaway pa sila kanina kung sino ang mas pretty sa kanilang dalawa kaya itong si Mimay, nairita. Binuhat ni Mimay ang mesang pinagsusulatan niya saka ibinato sa kambal. Ang ending, nagkabukol ang mukha ng kambal at nagkaroon pa ng braces. Hindi braces sa ngipin kundi braces sa leeg, Diary. Nabalian ng leeg ang mga gaga.
Sa sobrang bored ko sa mga oras na `to, Diary, may bago tuloy akong na-discover. Ang buhok pala sa pempem at pilikmata ko ay magkarugtong? Sinubukan ko kasing hilahin ang buhok na nasa noo ni Pempem nang bigla akong mapakurap nang ilang beses at halos maiyak ako. Ang dami kong nadi-discover, Diary.
Una, ang pempem ay hugis mangga. O baka naman pempem ko lang?
Pangalawa, nasasaktan ang isang babae kapag kinukurot nila ang pempem nila.
Pangatlo, magkarugtong ang buhok sa pempem at pilikmata.
Hihi. Me is so bright talaga, Diary. Mag-ship na kaya ako ng course? Anong course ba ang pagiging scientist? May -tist sa dulo, eh, di dentist? Mag-dentist kaya ako, Diary? Para maibahagi ko sa mga tao ang mga nalaman ko? Anong sinabi ng mga kapwa ko students sa akin? First year college pa lang ako may na-discover na.
Ibinaling ko uli ang mga mata ko sa school gym at nakita ko si Mong na palabas na. Liliko na sana siya kaya lang nakita niya akong nakabukaka kaya pumunta siya sa kinauupuan ko.
“Pipay, ano ba `yan? Umayos ka nga ng pagkakaupo mo. Kababae mong tao nakabukaka ka diyan.” `Yan agad ang mga sinabi niya sa akin, Diary. Magkasalubong pa ang mga kilay niya.
Hindi ko agad siya nasagot dahil busy ang katawan kong may slight na kalandian sa pagtitig kay Mong, Diary. Tumutulo pa ang pawis sa noo at leeg ni Mong. Medyo basa rin ang jersey niyang suot na mukhang kagagaling lang sa basketball practice. Napadako naman ang tingin ko sa tiyan niya at OMG! As in, O, MASARAP GAGA talaga ang tiyan niya. Bakat na bakat ang abs niya, Diary, dahil sa pawis sa buong katawan niya. I wonder kung ano’ng amoy ng singit ni Mong. Hihi! Dirty overload.
“Bakit?” patay-malisya kong tanong sa kanya. “Ano bang masama sa pagbukaka? Kunwari ka pa. Nagustuhan mo naman ang pagbukaka ko. Kaya ka nga napapunta sa kinauupuan ko, `di ba? Hihihi.”
“Untog ko kaya `yang ulo mo diyan sa kinasasandalan mo nang magising ka?” sabi ni Mong saka tumawa.
May bigla namang tumawag sa kanyang teammate niya kaya napatalikod siya sa akin at nabasa ko ang nakasulat sa likod niya.
Tiramoko-Tirakita
69
Bigla akong natawa dahil sa nabasa ko. Lagi talaga akong natatawa kapag nababasa ko ang apelyido ni Mong. Tiramoko-Tirakita. `Tapos `yong number, 69 pa. Baliktaran. Alam n’yo ba ang 69 ang pinaka-romantic na number sa lahat? After kasing mag-romantic dinner ng isang couple, `yan ang ginagawa nila. O, `di ba? How romantic!
“Bakit nandito ka pa?” tanong ni Mong saka umupo sa tabi ko. Nagpupunas pa siya ng pawis niya. “Dapat umuwi ka na, `di ba? May trabaho ka pa sa restaurant namin, eh.”
“Hinihintay ko lang ang boyfriend kong guwapo,” kinikilig kong sabi. “Bakit ka ba atat na pumunta ako sa restaurant? Kanina ka pang tanghali, eh. Text ka nang text at tanong nang tanong kung papasok ba ako sa restaurant. Ikaw, Mong, ah? Crush mo ako, `no?” pang-aasar ko sa kanya.
“Ang kapal mo, Pipay. Ikaw, crush ko? No, thanks. Para mo na ring sinabing patayin ko na lang ang sarili ko, `no. Saka never kitang magugustuhan. Kinakapatid kaya kita at mag-best friend pa ang mga nanay natin. Eh, di parang incest `yon, `di ba? Kaya hindi puwede `yon, `no. Hindi puwede dahil ang pangit pakinggan at pangit sa mga mata ng tao.”
Napanganga na lang ako at pakiramdam ko hiningal ako sa sinabi ni Mong. Bigla ko tuloy hinawakan ang pempem ko at nag-alala na baka pati siya ay hiningal din sa sinabi ni Mong.
“Ang dami mo namang sinabi, Mong. Tinatanong ko lang naman kung crush mo na ako, eh,” pagbibiro ko sa kanya. “Saka ano ba’ng pakialam mo sa iisipin ng tao? `Di ba, kapag may gusto ka, dapat `yong iniisip niya at iniisip mo lang ang importante? Hindi n’yo naman isasama sa relasyon n’yo ang mga tao na nasa paligid n’yo. Hindi rin naman importante ang sasabihin nila dahil mas importante ang nararamdaman n’yo at ang pagmamahalan n’yo sa isa’t isa.”
Sandaling napapatig si Mong sa akin saka ngumiti. Lalo tuloy naningkit ang mga mata niya. “Nice,” nakangiting sabi niya. “Kambing ba?”
“Anong kambing?” nagtataka kong tanong.
“Who goat!” Tumawa siya. “Hindi mo gets? Ang hugot ay parang Hu-Goat. Kaya kambing.”
“Ay! `Buti na lang guwapo ka saka ang yummy ng katawan mo,” pambabara ko. “Kung puwede lang mag-donate ng humor sa `yo, ginawa ko na. Ang dry ng utak mo. Huhuhu.”
“Gago ka, ah!” Pabiro akong itinulak ni Mong.
“Ikaw kasi, eh. `Wag ka nang mag-joke. Kung ipinapakita mo na lang sa akin `yang patola mo, eh, di natuwa pa ako. Dali, ipakita mo na sa akin. Wala namang malisya. Trip-trip lang natin. Kinakapatid mo naman ako. Dali na, habang wala pang tao sa paligid.”
“Hahaha! Gago ka talaga.” Bigla niya akong itinulak. This time, napalakas na ang tulak niya sa akin, Diary, kaya gumulong na ako pababa. Mabuti na lang may malaking bato na nakaharang at naagapan ang paggulong ko nang bongga. `Yon nga lang, nauntog naman ang ulo ko.
“Aray! `Nyeta! Nahihilo ako,” sabi ko sa sarili ko nang makatayo na ako. Umiikot pa ang paningin ko dahil sa hilo. May nakikita pa nga akong mga patola na umiikot sa ibabaw ng ulo ko, eh. Kanino kayang patola `to?
“Pipay, ayos ka lang?” natatawang tanong ni Mong nang makalapit siya sa akin.
“Tinatanong mo ako kung ayos lang ako, pagkatapos kong gumulong sa lupa at humampas ang ulo ko sa bato? Aba! Oo, ayos lang ako. Ang sarap nga, eh. Ang sarap gumulong sa lupa at mauntog. Sa sobrang sarap, gusto ko pang ulitin. Tara, itulak mo uli ako. Ulit-ulitin lang natin hanggang sa dumugo ang ulo ko. `Wag kang titigil hangga’t hindi kumakalat ang utak ko sa lupa,” sarkastikong sabi ko.
“May utak ka?” nagtataka niyang tanong.
“Eh, di joke,” supalpal ko sa kanya. “Wala man akong utak, at least, malaki ang pempem ko. Gusto mong makita?”
“Manahimik ka nga, Pipay,” natatawang sabi ni Mong. Magsasalita pa sana ako kaya lang bigla na naman siyang nagsalita. “Sandali lang, Pipay.” Napatitig si Mong sa akin na parang ako lang ang nakikita niya sa mundo, Diary. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit na lang din ako at napanguso.
Hinihintay kong lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko pero walang lumapat. Shutang inerns .
“Imulat mo na ang mata mo. Tinanggal ko lang naman `yong damo sa ulo mo, may papikit-pikit ka pang nalalaman diyan,” tumatawang sabi ni Mong.
“Tse! Akala ko naman kasi hahalikan mo `ko,” sabi ko. “Paasa ka! Mabaog ka sana.”
“Aww! `Wag naman. Paano ka kapag nabaog ako? Eh, di hindi kita mabibigyan ng anak?” seryoso niyang sabi.
“Ha?” gulat na tanong ko.
“Wala! Sabi ko, ang landi mo.” Tumawa na naman siya.
“Hindi ako malandi,” sagot ko. “Slight lang.” Pagkatapos ay sabay kaming natawa ni Mong.
“Ano’ng ginagawa n’yo?”
Parehas kaming napalingon ni Mong sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita namin si Josh na seryosong nakatingin sa amin ni Mong habang nasa gilid niya si Monicalandi na nakangisi. Nakahawak pa siya sa balikat ni Josh ko. Shutang inerns na babae `to, ah. May pahawak-hawak pang nalalaman sa boyfriend ko.
Okay, Pilar. Ikalma mo ang beauty mo. `Di ba, nangako ka kay Josh na hindi ka magseselos?
“Wala naman, Josh ko,” sabi ko saka ngumiti. “Tapos na ang practice n’yo?”
Hindi agad nakasagot si Josh dahil may sinabi si Monicalandi sa kanya. Mahina lang kaya hindi ko narinig. Tumango na lang si Josh kaya umalis na rin si Gagang malandi na mukhang chaka doll.
“Oo tapos na,” sabi ni Josh na seryoso pa rin. “Tara na, uwi na tayo. Pagod ako. Gusto ko nang magpahinga.” Seryoso siyang tumingin kay Mong. “Gusto kitang masolo sa lugar na walang istorbo.”
Natawa naman si Mong sa sinabi ni Josh.
“Tara na,” yaya ko sa kanya. Maglalakad na sana ako kaya lang biglang hinawakan ni Mong ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit?”
“Don’t trust too much. That ‘too much’ can hurt you so much,” nakangiti niyang sabi sa akin na hindi ko naman naintindihan.
“ Hanu raw?” sabi ko.
Umiling siya saka binitiwan ang braso ko. “Wala. `Yong tungkol pala sa tanong mo kanina,” sabi niya na nakangiti pa rin. “Siguro tama ka.”
“ Hanu raw?” tanong ko uli.
“Wala. Sige na. Lapitan mo na `yang boyfriend mong loyal,” pinagdiinan pa ni Mong ang salitang “loyal” kaya kinilig ako.
“I know! Loyal talaga `tong boyfriend ko,” sabi ko nang makalapit ako kay Josh. “`Di ba, Josh? Super loyal boyfriend ka?”
Napalunok muna si Josh bago sumagot. “Siyempre naman. Never kitang ipagpapalit, `no. Ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Saka siya napaiwas ng tingin.
“Enebe. Kinilig pempem ko. Tingnan mo ang pempem ko, Josh, biglang nangitim `yan for sure,” natatawa kong sabi.
Hinawakan ni Josh ang braso ko saka pinagpagan. “Ayokong may humahawak sa `yo na ibang lalaki, ah? At ayokong may ibang lalaking humahawak sa pag-aari ko. Gusto ko ako lang,” sabi niya habang nakatingin kay Mong.
Napangisi lang si Mong at napailing.
Naglakad na kami ni Josh palayo kay Mong nang marinig kong sumigaw si Mong. “Hoy, Manalo. `Yong sinabi ko sa `yo, ah? Sa oras lang talaga na may gawin ka, makikita mo.
“ULOL! Asa ka pa,” sigaw ni Josh na hindi man lang nililingon si Mong.
Para saan kaya `yon?
Magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Josh. Pansin kong ang higpit ng pagkahawak niya sa kamay ko kaya palihim akong napapangiti. Siyempre kinikilig ako, Diary. Ramdam ko nga rin na kinikilig si Pempem, eh. Namamasa na kasi ang panty ko sa loob. Ito talagang si Pempem na-carried away na naman sa pagiging sweet ng boyfriend ko.
“Josh ko, alam mo ba kanina na pina-tumbling ako ng mga kaklase ko?” masayang pagkukuwento ko sa kanya.
“Tumambling ka naman ba?”
“Siyempre,” proud na sagot ko. “Kailan nagpatalo si Pipay? Ako magpapakabog? Nevah!”
Napahinto sa paglalakad si Josh at napatingin sa akin. “Bakit ka naman tumambling, Pipay? Gusto lang nila makita ang panty mo!” inis na sabi niya.
“Alam ko!” pagmamalaki ko sa kanya. “Kaya nga tinanggal ko muna ang panty ko at inilagay sa bulsa ko bago tumambling, eh. Eh, di hindi nila nakita ang panty ko. `Talino ko,`di ba? Hihi.”
Nasampal na lang ni Josh ang noo niya dahil sa sagot ko. Bakit kaya? Hmmm. I have no idea, Diary.
Napatitig ako sa mga labi ni Josh, Diary, nang mapansin kong namumula iyon. Parang kinagat ng malalaking langgam, eh. Parang namamaga kasi.
“Ano’ng nangyari sa mga labi mo, Josh ko?” tanong ko sa kanya sabay hawak sa mga labi niya. “Parang may kumagat, eh. Nakagat ba ng langgam `yan?”
Nagulat ako sa ginawa ni Josh dahil bigla niya akong niyakap nang mahigpit, Diary.
“Oo, Pipay ko. Kinagat `yan ng malaking langgam. Kinagat `yan ng malanding malaking langgam.”
Parang may lungkot ang boses niya, Diary. Hinagod ko ang likod niya habang nakayakap sa akin.
“Gagong langgam `yan, ah. Kinakagat ang mga labi mo. Ako nga hindi ko kinakagat `yan, eh,” sabi ko para mapagaan ang loob ni Josh. “Yari sa akin ang langgam na `yan.”
Kumalas si Josh mula sa pagkakayakap sa akin saka seryosong tumingin sa aking mga mata. “Basta, Pipay, mangako ka, ah? Ipangako mo sa akin na kahit ano’ng mangyari, hindi mo `ko hihiwalayan. Baka kasi hindi ko alam ang mangyari sa akin kapag naghiwalay pa tayo sa pangalawang pagkakataon.”
Napatitig ako sa kanya saka natawa. “Ano ba `yang mga iniisip mo, Josh ko? Natural, nevah akong makikipaghiwalay sa `yo. Hihihi.”
Hinalikan ako ni Josh nang medyo matagal. After n’on, naging okay na ang mood niya at hinatid na niya ako sa bahay namin, Diary. Tinanong niya kung gusto ko raw ba na ihatid niya ako sa restaurant kaso sabi ko,`wag na. Halata kasing pagod siya dahil sa practice kaya sinabi kong magpahinga na lang siya. Ite-text ko na lang siya kapag nakauwi na ako.
Papasok na sana ako sa bahay namin pagkaalis ni Josh nang may marinig akong nagsalita sa likuran ko.
“Nice. Ilang buwan na rin ang nakalipas pero kayo pa rin.” boses ng isang lalaki. “Kailan ba kayo maghihiwalay?”
Biglang bumilis ang tibok ng pempem—este, ng puso ko dahil sa boses na iyon. Agad akong napalingon sa kanya at ngumiti. Shutang inerns . Medyo lumaki ang katawan niya at lalo siyang gumuwapo, Diary.
“Nasaan ang pasalubong ko?” nakangiting tanong ko. “Chocolates man lang o sapatos?”
“Saka na `yon,” sagot niya saka ngumiti rin.
Nakita ko uli ang ngiti niya na dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Siyempre, number one ang patola niyang pinagnasaan ko noong high school pa lang kami.
“Ito muna ang ibibigay ko.”
Agad kong tiningnan ang laman ng paper bag na ibinigay niya sa akin. “pH Care? Saka panty?” Natawa ako.
OMG, Diary! May nagbabalik sa kuwento ko!
Bukas na lang uli ako magkukuwento.
Inuulan ng mga guwapo, hot at yummy ang story,
Pipay
PS. Lalo siyang naging yummy. Lumaki rin kaya ang patola niya? Nakakalaki ba ng patola ang paninirahan sa States, Diary?