noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 6

Ch. 7 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #6

Dear Diary,

Ang aga kong nagising, Diary, ngayong araw. No’ng madaling-araw kasi, bigla akong nagising at umiyak. Napanaginipan ko kasing iniwan na raw ako ni Josh at ipinagpalit sa mas magandang babae kaysa sa akin. Parang makatotohanan ang panaginip kong `yon dahil pati pagmulat ko, pulos luha ang naramdaman ko sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko kinaya ang pisting nightmare na `yon dahil hindi na ako nakatulog pagkatapos n’on. Sa sobrang pangit ng panaginip ko, Diary, paghawak ko sa panty ko basang-basa na. Napaiyak din ang pempem ko dahil sa panaginip ko.

Ito ang nakakatakot kapag sobra mo nang mahal ang isang tao, eh. Wala kang assurance na forever ka niyang mamahalin. Paano kung isang araw magising ka na lang na sobrang mahal na mahal na mahal mo na siya habang siya, nagising na lang bigla na wala nang nararamdaman sa `yo? Sobrang nakakatakot, `di ba? Pero wala tayong magagawa kundi ang mag-invest ng trust sa kanila. Hindi Trust na condom, Diary. Gaga ka talaga forever. Kundi tiwala. Kailangan mong ibigay ang lahat ng tiwala mo sa kanya dahil mahal mo siya at aasang hindi ka niya sasaktan.

Ano ba `tong mga naiisip ko, Diary. Pulos negative chorva ang pumapasok sa maliit kong kukote. Nabubulok na `ata, eh. Pero siyempre, wala pa ring tatalo sa pagkabulok ng pempem ko. Ang pempem ni Pipay magpapatalo sa amoy? Never, of course. As in itaga n’yo sa birdie ng boyfriend ko `yan. Hihihi.

Anyway, Diary. As usual, umaga na naman kaya rumaratsada na naman ang malakanyon na bunganga ni Inay. Sermon na naman niya ang inalmusal ng pretty na tulad ko. Hays, kailan ba titigil si Inay sa kakasermon sa akin? Dalaga naman na ako, eh.

“Ang tanda-tanda mo nang gaga ka pero umiihi ka pa rin sa kama mo? Ano ba, Pilar? Tumatanda kang paurong. Nakakagigil ka na talaga, eh. `Sarap mo gawing punching bag!” Pinatunog pa ni Inay ang mga daliri niya at handa na para paulanan ako ng mga suntok.

Agad akong lumayo sa kanya dahil mahirap tamaan ng kamao na galing sa isang former boksingera.

“Hindi naman ako umihi, Inay,” sagot ko sa kanya. “Nagka-bad dream kasi ako kanina. Sa sobrang pangit ng panaginip ko, naiyak pempem ko. Sad,`no?”

“Puta ka! May bad dream ka pang nalalaman na bata ka. `Wag kang matakot sa bad dream dahil mas bad pa rin ang breath mo!” sigaw ni Inay sa akin habang tinatanggal ang sapin ng higaan ko. “Ikaw ang maglaba nitong sapin na `to. Isusungalngal ko sa `yo `to. Ang baho-baho ng higaan mo. Basura ba ang katawan mo?”

“Inay naman..”

“Don’t inay naman me!” sigaw na naman niya. “Pati `yang mga panty mong nangingitim na ang mga gilid at garter, ikaw na ang maglaba. Sumasakit ang braso ko kakakusot diyan pero hindi ko mapaputi.” Palabas na si Inay ng kuwarto, Diary.

“Inay naman...”

“Isa pang ‘Inay naman’ mo, makikita mo ang hinahanap mo.” Tinitigan niya ako nang masama kaya hindi na ako sumagot.

Nang tuluyan nang lumabas si Inay sa kuwarto ko, Diary, sinimulan ko nang kunin ang mga panty ko. Nahirapan pa ako dahil pulos langaw na ang laundry basket ko at may ilang daga pa. Sa sobrang sarap ng panty ko pinagpipiyestahan na siya ng mga peste. Masarap din kaya ang pempem ko? Si Josh kasi ayaw pang tikman, eh. Hihi. Charot lang! Aga-aga kung ano-ano agad naiisip ko. `Wag ganyan, Pipay. Magagalit si Bro.

Bumaba na ako sa salas namin habang hawak-hawak sa mga kamay ko ang mga panty kong lalabhan ko. Bigla akong nakarinig ng sigawan kaya agad akong napatingin sa bintana. Agad kong nakita si Inay na nakikipagbasag-ulo na naman kay Aling Petra. Si Aling Petra na number one niyang kaaway. Pinapalibutan na naman sila ng mga tricycle driver sa tapat ng bahay at mukhang pinagpupustahan na naman kung sino ang mananalo sa pagsusuntukan ng dalawang warfreak.

Lumabas ako sa pintuan para matanaw ko nang maayos ang pakikipagsuntukan ni Inay. Kitang-kita ng dalawang pretty kong mga mata kung paano gumawa ng moves si Inay at paulanan ng sunod-sunod na uppercut at lowercut si Aling Petra. Hindi agad napansin ni Aling Petra ang mga suntok na ginawa ni Inay na tumama sa katawan niya.

“O! Forty percent na lang ang buhay mo, mare,” nakaporma pang sabi ni Inay kay Aling Petra.

“Anong forty percent?” sagot naman ni Aling Petra habang pinupunasan niya ang dugo sa gilid ng mga labi niya. “Anong pinagsasabi mo, mare?”

“Gaga, kunwari nga nasa Street Fighter tayo, eh. `Di ba, gano’n sa Street Fighter ? May percentage ang buhay `tapos nababawasan kapag nasusugatan sila? Utak nga, mare.”

“Ay, gano’n ba, mare? Sige, sige, para cool ang pagsusuntukan natin. Basta ako si Chun-Li, ah?”

“Ikaw si Chun-Li? Eh, sino naman ako?” Humalukipkip pa si Inay saka nag-pout. Hala, nagpa-cute pa `tong matandang `to. Boksingera ka, Inay, at hindi artista. Ilusyunadang oldie.

“Hmmm. Ikaw na lang si Undertaker, mare.”

“Maganda ba si Undertaker?” tanong ni Inay kay Aling Petra.

“Oo pretty `yon, mare.”

“O, sige gow. Laban na uli tayo!”

Napa-face palm na lang ako nang pumayag si Inay na siya si Undertaker. Seryoso, Inay? Hindi mo alam na walang Undertaker sa Street Fighter? Akala ko pa naman fan ka n’on.

Sumugod uli si Inay at tinadyakan sa sikmura si Aling Petra. Agad naman siyang natumba sa kalsada at pinag-uuntog ni Inay sa bato ang mukha ni Aling Petra. Nagtalsikan ang kulangot, tinga, at bulok na ngipin ni Aling Petra. Kaderder. Hinang-hina na si Aling Petra kaya natapos na ang laban at in-announce ng mga tricycle driver na si Inay ang nanalo. Ang luka-luka ko namang nanay ang lapad ng ngiti kahit may malaking black eye at putok ang mga labi dahil sa pakikipagbasag-ulo niya.

“Okay ka lang, Inay?” tanong ko sa kanya nang lampasan niya ako papasok ng bahay.

“Ako pa ba? Malakas ata `to,” sabi niya habang naka-thumbs-up pa. “Ako, mapapatumba ni Petra? Ako pa talaga, ah? Ang lakas-lakas kaya ng — ” Hindi pa natatapos ni Inay ang sinasabi niya dahil bigla na siyang bumulagta sa sahig.

“O, ano? Magyayabang pa, Inay? Tse.” Inirapan ko nga siya at hinayaang matulog.

Kailan kaya titigil si Inay sa gawaing ganyan? Mukhang matagal pa, eh. Mahirap talagang pigilan ang isang tao sa bagay na gusto nitong gawin. Pangarap ni Inay `yan, eh. Suportahan na lang.

Dumeresto na ako sa likuran ng bahay at inilagay sa washing machine ang mga panty ko. Sinabi ni Inay na `wag na `wag ko raw isasama o ilalagay sa washing machine ang mga panty ko dahil hindi kakayanin. Pero dahil matigas ang kukote ko, Diary, inilagay ko pa rin. Anong oras na kasi at kailangan ko pang pumunta sa magiging part-time job ko.

Tumalikod na ako at nagsisimulang bumalik sa loob ng bahay nang mapatigil ako sa paglalakad. Narinig ko kasing biglang inubo `yong washing machine namin at sinuka palabas ang mga panty ko. Pati washing machine hindi na na-take.

After kong mag-ayos sa sarili... joke! Hindi pala ako nag-aayos. Naligo lang ako saka umalis na ng bahay. O,`wag shunga! Siyempre nagdamit pa ako. Wala na akong suot na panty. Joke lang uli! May suot naman ako kahit pulos nasa labahan ang mga panty ko.

Kumuha ako ng isang brief sa damitan ni Popoy at `yon na lang ang isinuot ko. Dedma na lang kahit naka-brief ako. Wala namang makakaalam, eh. Unless ipakita ko sa mga taong makakasalubong ko. Hihi.

Pumunta na ako sa sakayan ng jeep na papunta sa kabilang bayan. Medyo malayo ang restaurant ni Ninang Glenda sa lugar namin kaya kailangan ko pang bumiyahe nang mahigit isang oras. Habang naghihintay ako, biglang may humintong motor sa harap ko at sumilay sa dalawang pretty kong mata ang isang napakaguwapong nilalang, Diary.

“Josh ko? Josh ko?” tawag ko sa pangalan niya. Nanlaki pa ang mata ko at parang hindi makapaniwala sa nakikita ko.

“O, bakit hindi ka makapaniwala, Pipay ko?” natatawa niyang sagot sa akin. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko saka tinitigan nang mabuti si Josh.

Nakangiti siya nang malapad habang nakasakay pa rin sa motor niya. Bumabakat tuloy ang malusog na patola ng boyfriend ko. Hihi.

Puwede pakurot sa patola, Josh?

“Akala ko hindi mo na ako naaalala, eh,” naiiyak kong sabi sa kanya. “Akala ko nakalimutan mo nang may girlfriend ka.”

Bumaba si Josh sa motor saka lumapit sa akin. Magkalapit na kaming dalawa kaya nakatingala ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya at nakatingin lang nang deresto sa mga mata ko.

“Puwede ko bang makalimutan ang girlfriend ko? Puwede ko bang makalimutan ang pangit mong mukha... Aray! Joke lang, eh.”

Kinurot ko siya sa tagiliran.

“`Buti naabutan pa kita. Galing ako sa bahay n’yo, eh. Wala ka na pala do’n. Si Tita Tinay lang ang naabutan ko at natutulog sa sahig. Mukhang nakipagbugbugan na naman.”

“Ano pa bang aasahan mo kay Inay? Wala,” sagot ko. “Teka bakit mo pala ako pinuntahan? Sasamahan mo ba ako sa part-time job ko?”

Umiling siya. “Nami-miss lang kita. Lately naging cold ako sa `yo dahil sa problema ko. Ayoko lang idamay ka. Kaya I think, you deserve an apology from me. Sorry na, my girlfriend. Sorry for taking you for granted. Sorry dahil ang gago ko. Sorry… Sorry...” sunod-sunod na sabi ni Josh.

Agad ko siyang hinalikan sa mga labi saka ngumiti. “Hindi ka pa humihingi ng tawad, napatawad na kita. If you love your boyfriend so much, you must understand him even in the most complicated times. Quote `yan, Josh ko. I-tweet mo using #DNHMSL2 . Thank you, boyfriend.”

Inilabas naman ni Josh ang cell phone niya at nag-type. “Na-tweet ko na.” Saka siya ngumiti sa akin.

“Sige na, Josh ko. Ayan na `yong jeep, o. Baka ma-late ako sa lakad ko.”

“Sige.” Lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa mga labi. “Damn. I’m addicted to your lips, Pipay.”

“Hihihi. Alam mo kung ano’ng secret ko?”

Umiling si Josh.

“Once a week lang ako mag-toothbrush kaya masarap ang mga labi ko.”

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Josh. Parang nasusuka.

Sinuntok ko siya sa sikmura. “Joke lang! `Di ka na mabiro.”

“Joke lang din. Alam mo naman na kahit hindi ka mag-toothbrush o maligo, ikaw pa rin ang mamahalin ko, eh.” Niyakap niya uli ako nang mahigpit. “Alam mo naman na at the end of the day, it’s always you.”

“Aba, dapat lang! Putol patola kapag nagloko ka,” pagbibiro ko.

Biglang natahimik si Josh saka ngumiti nang tipid. “Hinding-hindi ako magloloko,” sabi niya pero hindi nakatingin sa akin.

“Okay lang naman kung magloko ka Josh, eh. Pero sabihan mo muna ako para maihahanda ko ang sarili ko na masaktan.” Tumawa ako. “`Ayan na `yong jeep. Sakay na ako.” Nagnakaw pa ako ng kiss kay Josh bago tuluyang sumakay ng jeep.

Sayang, Diary. Sana pala hinawakan ko rin ang patola ni Josh bago sumakay ng jeep. Hindi naman siya makakaangal sa akin dahil nakatakbo na ako, eh. Hihihi.

Magkatinginan lang kami ni Josh ko habang umaandar ang jeep, Diary. Kumakaway pa siya habang ako nag-flying kiss pa. Na-miss ko ang boyfriend ko. `Di bale, sa susunod na araw Lunes na kaya magkikita na uli kami agad.

Habang nakasakay ako sa jeep, bigla kong naalala ang panaginip ko, Diary. `Yong iniwan ako ni Josh at sumama siya sa magandang babae. Parang tinusok agad ang puso ko dahil sa ideyang `yon. Sa totoo lang, Diary, parang hindi ko kakayanin na mangyari `yon. I mean, masyado akong masasaktan panigurado. Guwapo si Josh at hot. Malamang marami talagang babae ang lumalandi sa kanya at hindi niya lang sinasabi. Kailangan kong ihanda ang sarili ko pero makakaya ko kaya? Makakaya ko kayang gumising na lang bigla isang araw na hindi ko na siya pag-aari?

Naramdaman ko na namang naiiyak ang pempem ko, Diary, kaya agad ko `tong pinigilan.

Subukan mong lumuha, pempem. Susuntukin ko noo mo pag-uwi natin sa bahay.

Nang makarating na ako sa kabilang bayan, Diary, pumara na ako at bumaba ng jeep. Tanaw ko agad ang restaurant na sinabi ni Inay. Ang ITKAMUNA na restaurant na pag-aari nina Ninang Glenda. Lumakad na ako at pumunta do’n.

Isang babaeng may blonde na buhok ang naabutan ko sa counter.

“Ninang Glenda?” sabi ko.

Naagaw ko naman agad ang atensiyon niya kaya napatingin siya sa akin. “Pipay, ikaw ba `yan?” halos hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Tumango ako saka ngumiti.

“OH, MY GOD! Ang laki-laki mo na.” Lumabas siya ng counter saka lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

“Anong amoy `yon? Ang baho,” bulong ni Ninang Glenda pero narinig ko rin naman. “Ang laki-laki mo na, Pipay. Ang laki-laki mo nang bata ka.”

“Pulos laki-laki lang naririnig ko sa inyo, Ninang. Wala bang ang ganda-ganda mo naman, Pipay. Lumaki kang maganda.”

“Wala,” sagot niya agad. “Hindi ako liar. Kung `yong ibang babae lumaking maganda, puwes ikaw, lumaki lang,” pambabara pa niya.

“Haha. Funny,” sagot ko. “Anyway, Ninang Glenda, `andito ako para tanggapin `yong part-time job. Ano bang trabaho ko?”

“Kulang kasi ng puno ang restaurant ko. Kaya ang trabaho mo ay isa kang kunwaring puno. Tatayo ka do’n sa sulok maghapon at aastang puno.”

“Seryoso ba `yan?”

“Char lang, gaga.” Binatukan niya pa ako. “Siyempre, waitress ka.”

“`Yon naman pala, eh,” sagot ko naman. “Teka, Ninang, `asa’n pala si Mong? Gusto ko siyang makita. Mukhang mongoloid pa rin ba siya?”

“Ayiii... Hindi na, `no. Lumaking guwapo si Monjie, Pipay. Baka kapag nakita mo `yon maglaway ka.” Humalakhak pa siya. “Sandali, tatawagin ko. Nasa itaas kasi at nagpapalaki ng katawan. Alam mo naman `yon, masyadong conscious sa katawan niya dahil sa pang-aasar mo.” Saka lumapit si Ninang Glenda sa hagdan at sumigaw. “Monjie! Monjie! `Andito na si Pipay. Bumaba ka na diyan.”

“Sandali lang, `Ma.”

Shet, Diary. Boses ba talaga ni Monjie `yon? Bakit ang guwapo ng boses niya? Parang hindi pag-aari ng kinakapatid kong lampayatot at gusgusin no’ng mga bata pa lang kami.

Nakatitig lang ako sa hagdan, Diary. Bumilis ang pintig ng puso ko nang may marinig akong kalabog na pababa na si Mong. Hindi mapakali ang pempem — este, puso ko dahil sa excitement. Hanggang sa tuluyan na siyang makababa at masilayan ko ang kakisigan ni Mong.

“Hindi nga, Ninang Glenda? Joke time ba `to? `Asa’n si Mong? `Yong kinakapatid kong payatot?” sabi ko kay Ninang Glenda.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, Diary. Shutang inerns talaga, o! Si Mong ba talaga `to? Bakit ang guwapo-guwapo niya? Parang Japanese actor? `Tapos `yong katawan, Diary. Pakbet! Pak na pak at bet na bet ko. Pang-model. Talo pa ang katawan ng Joshua ko. Ang yummy ng pandesal, Diary. Kung ganito ang almusal ko araw-araw, aba, walang problema.

“Pipay, laway mo tumutulo,” narinig kong sabi ni Mong. Nakangisi siya, Diary, at nakatingin sa akin. Ang singkit-singkit ng mga mata niya.

Ay, malamang! Half Japanese, eh. Bobo ka, Pipay?

“Tse.” Inirapan ko siya at isang tawa lang ang isinagot niya sa akin, Diary.

“Wala ka bang basketball practice ngayon, anak?” tanong ni Ninang Glenda.

Umiling naman si Mong. “Wala, `Ma. Pina-cancel ni Monica, eh. Dapat ngayon niya ipapakilala `yong bagong recruit niya sa team kaso sa sunod na practice na lang daw. May date yata sila.”

“Naku naman. Aba, `yang babaeng `yan mukhang may boyfriend na, ah. `Buti hindi ka na kinukulit?”

“Asa naman siya. Hindi ko siya trip,” sagot naman ni Mong. “Saan ka pala nag-aaral, Pipay?”

“Sa SOGO,” mabilis kong sagot habang nakatingin sa abs ni Mong. Ang sarap ng abs niya, Diary. Huhubells.

“`Di nga? Do’n din ako nag-aaral,” nakangiting sabi ni Mong.

“Shet! Destiny na ituuu,” sabi ko.

“BOOOM MALANDI!” sagot naman ni Ninang Glenda saka tumawa.

Shutang inerns lang, Diary. Hindi ko ine-expect na schoolmate ko pala `tong guwapo at yummy kong kinakapatid.

Destiny na ba ituuu ?

I think, yes. Char! Loyal ako kay Joshua 5ever .

Hanggang dito na lang muna, Diary.

Mukhang mag-e-enjoy sa restaurant na mapapasukan,

Pipay

PS. Diary, anong masarap na palaman ang puwedeng ilagay sa pandesal ni Mong sa tiyan niya? Hmm...