Malandi #37 Part 2
PRINCESS—este, PRINCE’S POV
Pinuntahan namin si Pipay sa morgue para malaman kung anong eksena ang ginagawa niya roon. Shit. Nakakahiya naman kasi talaga ang eskandalong ginagawa niya. Ano ba ang pumasok sa kukote ni Pipay—if ever mang may kukote talaga ang babae na iyon—at mag-iiyak-iyak sa harap ng matandang wala nang buhay? Siguro, akala niya ay si Josh iyon. Pero hindi ba pumasok sa isip niya na bago siya humagulhol ay tingnan muna niya ang bangkay para masigurong hindi nasayang ang pag-iinarte niya?
“Bilisan natin maglakad.” Hinawakan ni Mong ang kamay ko at hinila ako papasok ng elevator. Sa paghawak pa lang niya ay bigla nang bumilis ang tibok ng puso ko. `Tengene. Ano bang kabaklaan itong nararamdaman ko? Bakit ganito kalakas ang epekto ng taong ito sa akin?
“O, bakit ganyan ka na naman makatingin? Guwapong-guwapo ka na ba sa akin?” Napangisi na naman si Monjie habang nakatingin sa akin. Nasa magkabilang side kaming dalawa ng elevator. Talagang lumayo ako sa kanya dahil baka marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko.
“Asa ka,” sagot ko at umiwas na lang ng tingin. Pasimple akong napahawak sa dibdib ko para pakiramdaman ang tibok ng puso ko. Pero walang’ya lang naman, o. Mas mabilis ang tibok nito ngayon kaysa kanina. Paano ba naman kasi hindi titibok nang ganito kabilis kung dalawa lang kaming sakay ng elevator? Talaga bang nang-aasar ang tadhana o talaga bang nang-aasar si Author?
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong gumalaw si Monjie papunta sa side ko. Agad akong napatingin sa kanya at binalaan siya. “O, ano’ng gagawin mo? Diyan ka lang sa side mo. `Wag kang lalapit sa akin.” Iniharang ko pa ang dalawang kamay ko. “Sa oras na lumapit ka sa akin…”
“Ano’ng gagawin mo sa oras na lumapit ako sa `yo?” Lalong lumaki ang ngisi ni Monjie habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Tinanggal pa niya ang pagkakabuhol ng necktie niya. “May magagawa ka ba kung lapitan kita, Prince? Makakasigaw ka ba? Hihingi ng tulong? Wala rin naman makakarinig sa `yo since nasa elevator tayo at tayong dalawa lang ang laman.”
Namawis ang noo ko dahil sa sinasabi ni Monjie. Puta naman, o. Bakit kasi kaming dalawa pa ang nautusan para sunduin si Pipay? Puwede namang ang pusit na lang o `yong mama ni Josh, eh. Bakit kasi pumayag pa ako na sumama sa lalaking `to?
Yeah, right. Wala nga pala akong choice kanina dahil ang lalaking ito ang nagprisinta na kaming dalawa na lang daw ang pupunta kay Pipay.
Bago pa ako makaangal ay nakalayo na kami sa kuwarto ni Josh.
“Pare, ano ba’ng trip mo? Puwede ba, tigil-tigilan mo ako sa mga trip mong ganyan? Bading ka ba?” naiinis kong tanong. Sinubukan kong maging kalmado at huwag ipakita na kinakabahan ako sa mga ginagawa niya sa akin. Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa pagtitig ng singkit niyang mga mata.
Natawa siya. “Ako, bading? Hindi, ah. Baka ikaw.” May pang-aasar na naman sa boses niya. “Wala naman akong trip, eh. Sa nakikita ko, ikaw ang may trip sa akin. Generous akong tao kaya pagbibigyan kita sa trip mo. Ano ba’ng gusto mong mangyari?”
Nagsumiksik na ako sa side ng elevator para lang makalayo sa kanya. Napahawak na ako sa gilid nang mapansin kong wala na akong mapupuntahan. Napangisi na naman si Monjie nang mapansin niyang hindi na ako makakalayo sa kanya. Tagaktak na ang pawis ko habang papalapit siya sa akin. Hanggang sa nasa harap ko na siya at lumapit pa ng sobrang lapit. As in ilang inches na lang ang layo ng mukha at katawan niya sa akin.
Baka magkadikitan na ang mga bakal na krus at magsimula na ng panibagong giyera. LOL!
Gusto ko siyang itulak para makahinga ako nang maayos pero pinipigilan ako ng katawan ko. Pota na `yan. Ano ba’ng mga organs ng katawan ko? Sumunod naman kayo sa akin. `Wag n’yo hahayaang manyakin ako ng taong `to. Oo, guwapo, may abs, maputi siya pero puta na `yan. Ang pangit tingnan kung mamanyakin niya ako dahil parehas kaming lalaki.
“Tumingin ka nga sa akin.” Naging husky ang boses ni Monjie habang nagsasalita.
Nakaiwas lang ako ng tingin at hindi ko magawang tumingin at lumaban sa mga titig niya. Pakiramdam ko natutunaw ang buong pagkatao ko dahil sa lagkit ng mga tingin niya.
“Ayoko nga,” pagmamatigas ko. “Pakiusap, p’re. Lumayo ka na sa akin bago pa kita masuntok.”
Narinig ko na naman siyang tumawa. “Kung gusto mo akong suntukin ay ginawa mo na `yan no’ng nasa itaas pa lang tayo,” sagot niya sa akin at lalo pang inilapit ang mukha sa mukha ko.
Naaamoy ko na ang hininga ni Monjie. Amoy-mint candies. Ang bango. Ugh! `Wag ka magpapaapekto, Prince.
“Saka obvious naman na gusto mo rin `tong ginagawa ko sa `yo. In-denial ka lang, Prince.”
Parang naging musika sa tainga ko ang pagbanggit niya ng pangalan ko. Ang sarap pakinggan nang paulit-ulit. Napapatigas niya ang ano ko gamit ang boses niya. Tumitigas ang ano ko... ang.. ang tainga ko. Haha!
Dahan-dahan kong tiningnan si Monjie. Hindi na siya nakatingin sa akin kundi sa mga labi ko na. Napapa-lip bite pa siya habang nakatitig sa mga labi ko. Nakaka-conscious naman itong eksena naming dalawa.
Napaayos ako ng tayo at humarap sa kanya. “Lumayo ka nga, Monjie.” Itinulak ko siya sa matigas niyang dibdib.
Pero dahil sadyang mas malakas siya sa akin ay hindi man lang siya napaatras. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang kamay at itinaas ang mga iyon saka idinikit sa dingding ng elevator.
“Bitiwan mo nga ako!” pagpupumiglas ko.
Hindi siya sumagot. Tanging ngisi lang ang ipinakita niya sa akin.
“`Wag ka nang magpumiglas. Ang arte mo, p’re. Ikaw na nga ang binibigyan ko ng chance, ikaw pa nag-iinarte,” sabi niya saka bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Akala ko lalayo na siya sa akin pero hindi, eh. Nakatayo pa rin siya sa harap ko at tinanggal na ng paisa-isa ang butones ng suot niyang long sleeves.
Nakatitig lang ako sa ginagawa niya hanggang sa matanggal na nang tuluyan ang mga natitirang butones. Tumambad na naman sa harap ko ang six-pack abs niyang inaakit ako para hawakan ko sila at himasin.
Napalunok na naman ako.
Lunok pa ng isa.
Lunok. Lunok. Lunok. Lumunok ka lang, Prince.
Tumingin si Mong sa akin at nagtama na naman ang aming mga mata. Kumurba na naman ang mga labi niya sa isang mapang-akit na ngiti.
Napalunok na naman ako.
“O, `ayan. Tinanggal ko na ang butones ng suot ko. Bahala ka na kung ano ang gagawin mo sa katawan ko,” sabi niya habang malagkit na nakatingin sa akin. Muli na naman niyang idinikit ang katawan niya sa katawan ko.
“Wala akong gagawin diyan,” pagmamatigas ko saka nag-iwas ng tingin.
Bigla naman niyang hinawakan ang pisngi ko at iniharap sa mukha niya. “`Wag ka nang magmatigas, Prince. Walang makakaalam, promise. Tayong dalawa lang.” Kumindat pa siya sa akin.
Nagtatalo na ang isip at puso ko sa mga oras na iyon. Sinasabi ng puso ko na sige na at hawakan ko na ang abs ni Monjie dahil pinapayagan naman niya ako pero kontra naman ang utak ko. Huwag ko raw hahawakan dahil pangit para sa isang lalaki na katulad ko ang humawak sa abs ng kapwa lalaki.
Shit. Ang gulo. Ngayon lang ako naguluhan sa tanang buhay ko.
“Ano, p’re? Bilisan mo na,” rinig kong sabi ni Monjie. Sumandal na siya sa dingding ng elevator habang hinihimas-himas ang abs niya. “Hinihintay ka na ng abs ko.”
Napalunok na naman ako. Naramdaman kong umaangat na ang mga kamay ko para hawakan at himasin ang abs ni Mong pero agad ko iyong pinigilan.
Ang lalandi ng mga kamay na `to, puta. `Wag kayong gagawa ng isang bagay na ikakapahamak at pagsisisihan ninyo `pag nagkataon.
Ughh! Bakit ba ako napunta sa ganitong kakomplikadong eksena?
“Bahala ka. Wala namang makakaalam, eh. Hihimasin mo lang naman ang abs ko and that’s it. Bahala ka na kung may gusto ka pang mangyari,” kalmadong sabi ni Monjie habang hinihimas ang sariling abs. Tumingin na naman siya sa akin at ngumiti. Ngiting nakakapanlaglag ng panty ng kababaihan. Kaya bigla akong napakapit sa suot kong brief dahil muntik na rin malaglag ang brief ko dahil sa ngiti niya.
“Ayoko! Mali `to. Maling-mali,” pagmamatigas ko saka nag-iwas ng tingin.
Tumawa siya. “Masarap gawin ang mali. Saka, anong mali rito? Binibigyan naman kita ng karapatan, eh.” Tumawa uli siya. “`Lang’ya. Ako pa ang namimilit sa `yo, ah. Ang daming gustong humawak at humimas ng abs ko pero hindi ko pinapansin. Pero ikaw na `tong binibigyan ko ng chance, ayaw pa. Pambihira.” Umiling-iling pa siya.
Gustong-gusto ko nang hawakan ang abs niya pero... Ugh. What the fuck. Ano ba `tong mga naiisip ko? Kailangan ko na `atang magsimba para umalis ang baklang espiritu na namamalagi ngayon sa katawan ko.
Ibinaling ko uli ang tingin ko kay Mong. Nakapikit siya at nakakagat-labi pa habang hinihimas ang sarili niyang abs. Napalunok muli ako sa eksena na nakikita ko ngayon. Diyos ng mahabagin, bakit may nakikita akong live show ngayon sa harap ko? Ang sexy tingnan ni Monjie habang hinihimas niya ang sarili niyang abs. Para siyang isang porn star na mapapanood sa mga X-rated film. Hahahaha!
“Ano, ayaw mo ba akong samahan?” Tumingin si Monjie sa akin habang kagat-kagat niya ang sariling labi. “Hindi ka anghel at hindi ako santo. Pero puwede nating sabay abutin ang langit.”
“What?” Napasigaw ako sa sinabi niya. Saan niya nalaman ang mga ganoong bagay? “`Tigil na nga, p’re. Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa mo.”
“Tssk. Arte talaga,” sabi ni Monjie at mukhang suko na dahil tumayo na siya nang tuwid at inayos na ang suot na damit. “Hindi raw nakakatuwa pero ang manoy mo matigas na.” Tumawa siya at itinuro ang ibaba ko.
Napatingin ako sa suot kong pants at nakita kong may matigas na nga na nakatayo. Shit. Shit. Hindi naman malamig dito sa elevator pero bakit may tumigas sa katawan ko?
“`Lul mo.” Iyan na lang ang tangi kong naisagot sa kanya.
Napailing-iling si Monjie at pinindot na lang ang elevator button. Kaya pala nagtataka ako na parang ang tagal-tagal naming nakasakay sa elevator at hindi man lang gumagalaw, iyon pala ay hindi pa niya pinipindot. Talagang may plano siyang tumagal kami rito at may mangyari, ah.
Bading `ata `tong si Monjie, eh. Pambihirang buhay naman `to, o.
“Basta kapag ready ka na, sabihan mo lang ako. Puwede nating gawin sa bahay o kahit sa kotse ko.” Kumindat na naman siya sa akin.
“Ulol,” sagot ko at tanging tawa lang ang isinagot niya.
Nanahimik na kaming dalawa habang umaandar ang elevator pababa. Mabuti naman dahil hindi na kakayanin ng puso ko if ever na may gawin na naman siyang hindi kaaya-aya. Baka bigla nang bumigay ang katawan ko sa mga susunod niyang panlalandi.
No, hindi maaari. Hindi ko hahayaan ang sarili kong mahulog sa mga ganyang bitag.
Dalawa lang ang ginawa ng Diyos. Si Adan at si Eva lang. Si Adan ay para kay Eva. At si Eva naman ay para kay Adan lang. Hindi puwedeng si Adan ay para kay Steve at bahala na lang mag-selfie si Eva sa buhay niya.
Narinig kong tumunog ang elevator at naghanda na ako para sana unang lumabas. Pero nagulat ako nang biglang tapikin ni Monjie ang puwitan ko at nauna siyang lumabas at iniwan akong nakanganga.
Ang manyak ng Hapon na `to. Bad trip!
Naglalakad na kaming dalawa papunta sa morgue ng ospital nang mapansin kong nakatingin sa amin ang mga nakakasalubong namin. Siguro nagtataka sila kung bakit kami nakasuot ng tuxedo at amerikana sa ospital na ito. Tss. Mga usisero at usisera talaga.
May dalawang nurse na naghahagikgikan ang nakasalubong namin. Nagpa-cute pa sila kay Monjie at itong Monjie naman, kumindat pa sa mga babaeng iyon. Bigla akong nairita sa kalandian niya kaya napasimangot ako.
“Tsk. Ang landi talaga,” bulong ko sa sarili pero biglang humarap sa akin si Monjie at ngumiti.
“`Sus! Selos ka lang, eh,” sabi niya saka tumawa na naman.
“Hindi—” Magsasalita pa sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Bigla rin niyang binitawan at agad akong inakbayan.
“`Wag kang magselos,” bulong niya sa akin. “Ikaw lang naman ang dahilan ng bawat pagtigas nito.”
Ramdam kong biglang namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Para tuloy akong tuod habang naglalakad kaming dalawa at akbay-akbay niya ako.
Is this akbay-akbay while walking with pa-sway-sway pa?
“`Ayun ang morgue, o!” Itinuro ni Monjie ang umpukan ng mga tao sa tapat ng morgue ng ospital. Ang daming tao na nakikiusyoso sa ginagawang kabobohan ni Pipay. Seriously, ano nga uli ang nagustuhan ko kay Pipay dati?
“Alam ko, hindi ako bulag,” pilosopo kong sabi.
Padabog niyang tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. “Sungit! Halikan kita diyan, eh,” nakasimangot na bulong niya.
Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na lang sa tapat ng morgue. Sumunod din naman agad si Monjie sa akin. Ang ganda—este, ang guwapo ko talaga dahil lagi siyang nakasunod sa akin. Hahahaha!
“Sandali po. Padaan. Kilala po namin `yang nagwawala sa loob,” sabi ko sa mga taong nasa harap ko. Hindi ako makadaan nang maayos dahil siksikan masyado at ang daming natutuwa sa ginagawang kabobohan ni Pipay.
Kahit ilang ulit na ako nagsabi ng makikidaan ay parang wala silang naririnig. Nag-uunahan pa sila sa pagtingin at pagsiksik sa akin para makita nang mas maayos ang eksena ni Pipay sa harap ng bangkay.
“JOSH KO!! UWAAAAH! BAKIT MO AKO INIWAN? WAAAAAHH!”
Rinig na rinig ko ang hagulhol ni Pipay mula sa loob ng morgue.
“Padaan po—Aray ko!” Biglang nagkatulakan ang matatanda sa harap ko kaya naapakan nila ang paa ko. May bigla namang sumulpot na lalaki sa gilid ko at pinagtutulak ang mga tao na nakaipit sa paa ko.
“`Tangina naman, eh. Nakakaapak na kayo ng paa, o. Umayos naman kayo!” sigaw ni Monjie saka ako binalingan ng tingin. “Ayos ka lang?”
Dahan-dahan akong napatango dahil sa concern na ipinakita niya sa akin.
Ang puso ko lumalandi na naman dahil sa sobrang bilis ng tibok.
Pinagtutulak ni Monjie ang mga tao hanggang sa makadaan ako papunta sa pinto ng morgue. Sumunod din naman siya agad sa akin. Ibinigay ng nurse ang susi kaya nakapasok kaming dalawa sa loob. Isinara din agad ni Monjie ang pinto para hindi makita ng lahat ang kabobohan ni Pipay.
“JOSH KO! JOSH KO!” Todo-pagwawala na ang ginagawa ni Pipay sa harap ng bangkay.
Pero pansin ko lang na sa isang parte lang siya nakahawak. Sa toot lang ng matanda siya nakahawak nang mahigpit.
Pambihirang Pipay `to. Humahagulhol na’t lahat-lahat pero ang kalibugan maintain pa rin sa katawan. Pati ang matanda, hindi nakaligtas sa kahalayan niya.
“Pipay!” sabay naming tawag ni Monjie sa pangalan ni Pipay kaya kami nagkatinginan.
“Uy! Meant to be,” sabi ni Monjie saka humalakhak.
“Asa ka!” sagot ko.
“Umasa ka talaga.”
“Prince? Mong?”
Napatingin kami ni Monjie sa pagtawag ni Pipay sa pangalan namin.
“PrinJie? Charot! Waaahhh! Mong, Prince, si Josh ko! Iniwan na ako ni Josh ko!” Todo-tulo ang mga luha ni Pipay habang nakatingin sa amin.
Bigla akong naawa sa kalagayan niya dahil buong akala niya ay wala na si Josh at sumakabilang-buhay na. Mukhang hindi talaga kakayanin ni Pipay kapag dumating ang araw na iyon dahil mukhang mababaliw siya.
Dali-dali namang lumapit sa kanya si Monjie at niyakap siya nang mahigpit.
“Ssshh. Pipay, hindi naman `yan si Josh, eh. Buhay pa si Josh,” pagpapatahan ni Monjie sa kanya.
Bigla naman akong napaiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makitang yakap-yakap ni Monjie si Pipay nang ganoong kahigpit. Gusto ko silang paghiwalayin.
Monjie, `wag mo ngang niyayakap si Pipay! Mahal ko `yan!
Weh, `yan ba talaga ang gusto mong sabihin, Prince?
Letseng konsiyensiya `to, sumasagot na naman.
“Talaga? Hindi pa patay si Josh ko?” Tumigil sa pag-iyak si Pipay dahil sa sinabi ni Monjie. “Weh? Eh, sino`to?” tanong niya kay Monjie pero ang pagkakahawak niya sa toot ng matanda ay hindi pa rin niya tinatanggal.
Lumapit ako sa bangkay at tinanggal ang puting kumot na nakatalukbong dito.
“Lolo na `to. Namatay sa heart attack,” sabi ko kay Pipay.
“ Shutang inerns .” Dali-daling tinanggal ni Pipay ang kamay niya sa toot ng matanda saka ipinunas sa damit niya. “Dirtyness. Kadiri. Akala ko pa naman nahawakan ko na ang bakal na krus ni Josh ko. Sayang naman.”
“At `yan pa talaga ang naisip mo, ha?” natatawa kong sabi.
“Puwede naman `tong akin na lang ang hawakan mo, eh,” sabi naman ni Monjie.
“Monjie!” sigaw ko.
“Selos ka na naman agad. Tsk. `Possessive naman nito,” sabi sa akin ni Monjie.
“Eh? Friends na kayong dalawa?” tanong ni Pipay sa akin.
“Oo at hindi lang friends.” Si Mong ang sumagot. “Friends with benefits pa.”
Lumapit ako kay Monjie para batukan siya. “Aray!”
“`Wag kang makikinig sa sinasabi ni Monjie, Pipay,” sabi ko saka sinamaan ng tingin si Hapon. “Tara na sa kuwarto ni Josh. May surprise siya sa `yo,” nakangiti kong sabi kay Pipay.
“Talaga? Buhay pa talaga si Josh ko?”
Sabay kaming tumango ni Mong.
“Yes! Akala ko hindi ko na mahahawakan ang bakal na krus, eh. Tara na, dali!” Maglalakad na sana si Pipay palabas ng morgue nang bigla siyang huminto at lumingon sa amin ni Monjie. “Pero teka, bakit nakasuot kayo ng tuxedo at amerikana. Anong meron?”
“Basta. Malalaman mo rin kapag nasa kuwarto na tayo ni Josh,” sagot ni Monjie.
Tumango-tango naman si Pipay saka tumalikod na uli at tumuloy na sa paglalakad palabas.
“`Wag ka nang magselos,” bulong sa akin ni Monjie sabay hawak sa kamay ko.
“Hindi ako nagselos. `Lul mo,” sagot ko saka pinisil ang kamay niya at hinawakan din iyon.
“Bakit kayo magkahawak-kamay?”
Bigla kaming nagulat nang makita naming nakatayo pa sa harap namin si Pipay. Akala namin ay nauna na siyang naglakad.
“Hindi naman kami magkahawak-kamay, ah?” sagot ko saka mabilis na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay ni Monjie.
“Magkahawak kaya tayo—”
Agad kong siniko ang tiyan ni Monjie.
“Oo nga. Hindi kami magkahawak-kamay.”
“Weh? Maganda ako pero `wag n’yo `kong gawing bobo. Nakita ko kayong magkahawak-kamay,” pang-aasar pa ni Pipay. “Kayo, ha? Ano’ng ibig sabihin niyan? Bakit kayo magkahawak-kamay?”
Bigla akong pinagpawisan dahil sa mga tanong ni Pipay. Habang itong si Monjie ay kalmado lang at parang wala lang sa kanya ang mga tanong ni Pipay.
“A-ah, ano... P-Pipay,” nauutal kong sagot.
“Kayo, ha?! Ang daya n’yo! Bakit hindi n’yo `ko `sinasali sa paghahawakan n’yo ng kamay. Pasali ako!” sabi ni Pipay at tumabi sa akin saka hinawakan ang kamay ko. Ako ang nasa gitna nina Monjie at Pipay.
“`Ayan! Tara na sa kuwarto ni Josh ko! Kailangan hanggang do’n ay magkakahawak tayo ng kamay!” masiglang sabi ni Pipay na parang walang ginawang kabobohan kanina.
Napailing na lang ako hanggang sa maramdaman kong hinawakan uli ni Monjie ang kamay ko nang mahigpit. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakangiti lang siya.
Napangiti na lang din ako at hinawakan nang mas mahigpit ang kamay ni Monjie.
Masama ba itong nararamdaman ko?