Malandi #38
Dear Diary,
Naglalakad kaming tatlo nina Mong at Prince habang magkakahawak-kamay pa rin kami. Napapatingin na nga sa amin ang mga tao sa ospital pero dedma lang kaming tatlo.
Habang naglalakad kami ay takang-taka ako kung paano naging close ang dalawang ex ko na nabaliw sa akin. Hindi ako na-inform na best friends forever na sila ngayon. May paghahawakan pa ng kamay na nalalaman. Siyempre, ayokong ma-out of place kaya nakihawak na rin ako sa kanila.
Bigla akong napatingin sa dalawa, Diary. Nahuli ko sina Mong at Prince na pasimpleng nagtitinginan saka magngingitian at mag-iiwasan ng tingin. Ang mga kamay nila ay todo-higpit pa sa pagkakahawak.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa mga nakikita ko ngayon na ginagawa nila. Seriously? Ganyan na sila ka-close, ha? Anong meron at feeling ko may fishy na nangyayari? Except sa pempem ko na amoy fish—noon—may iba pang fish na nangyayari sa dalawang `to.
Tsk. Naloloka na ako, ah. Abangan na nga lang natin sa sariling kuwento nina Mong at Prince if ever sipagin ang author na isulat ang buhay ng mga ex kong nabaliw sa akin. Hihihihi.
Pumasok kami ng elevator at binitiwan ni Prince ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pumunta ako sa kabilang gilid habang sina Prince at Monjie naman sa kabila
Napakunot-noo ako nang mapansin kong magkadikit silang dalawa at magka-holding hands pa rin mga, `te.
“Seriously, Prince at Mong?” hindi ko na napigilang sabi.
“What?” sagot ni Prince habang si Mong naman ay nakatingin lang sa akin.
“Seriously uli? Talagang hanggang dito sa loob ng elevator magka-holding hands pa rin kayong dalawa? Feeling mawawala sa isa’t isa, ano po?” Itinuro ko pa ang mga kamay nila. Malalanding `to!
Nagkatinginan muna sa isa’t isa sina Prince at Mong for a moment `tapos biglang itinulak ni Prince si Mong palayo. Napakamot na lang ng ulo si Mong sa inasal ni Prince habang si Prince naman ay pansin ko ang biglaang pamumula ng buong mukha. Hindi siya makatingin sa akin at napayuko na lang. Si Mong naman ay napailing-iling na lang at napangisi.
“Mukhang may new loveteam na naman sa kuwento ko, ah?” natatawa kong sabi sa sarili.
“Ano’ng pinagsasabi mo diyan, Pipay? Anong loveteam? Kaming dalawa nitong Hapon na `to, loveteam? Shit. Hindi ako bakla, ano ba.” Itinuro-turo pa ni Prince si Mong at parang diring-diri sa sinabi ko.
Napangisi ako, Diary, saka napa-cross arms pa. “Aba, maka-react, ha? Bakit, may sinabi ba akong pangalan? Sinabi ko bang kayo ni Mong ang bagong loveteam? Sinabi ko bang PrinJie na ituu? Rak na kayo, bh3. Ha, may narinig ka ba?”
Napanganga lang si Prince habang si Mong ay mahinang natawa.
“Eh... siyempre... ano. Halata naman kaming dalawa ang tinutukoy mo, eh. Hindi ako bakla, okay?” pagmamatigas ni Prince sabay tingin kay Mong. Napatigil tuloy si Mong sa pagtawa dahil sa seryosong tingin ni Prince. “Never akong magiging bakla. Ipinanganak akong guwapo kaya hindi ko `yon sasayangin para lang sa taong `yan.” Itinuro niya si Mong. “Nakakadiri. Hindi ako mai-in love sa gaya niya. Mas gugustuhin ko pang si Mimay na lang ang makatuluyan ko kaysa maging bading para sa taong `yan.”
Kitang-kita ko kung paano napalunok si Mong habang sinasabi `yon ni Prince, Diary. Parang naramdaman kong kumirot ang puso ni Mong dahil sa sinabi ni Prince. Biglang nawala ang kinang ng mga mata ni Mong at napangiti na lang nang mapakla. Obvious na nasaktan siya sa sinabi ni Prince.
“O, chill, Prince. Hindi mo naman kailangan magsalita nang ganyan kay Mong, eh,” sabi ko kay Prince.
Mukhang nahimasmasan si Prince sa sinabi niya kaya agad siyang napatingin kay Mong. Si Mong naman ay nakatingin lang sa isang sulok at nakayuko. Hurt-hurt pa rin si Fafa Mong dahil sa binitiwang masasakit na salita ni Prince.
“Ah, eh... Hindi naman gano’n ang ibig kong sabihin. Teka kasi—” Magpapaliwanag sana si Prince pero biglang naputol ang sinasabi niya nang magsalita si Mong.
“Ayos lang `yon, p’re. Pasensiya na rin sa panti-trip ko sa `yo. Oo, tama `yan. Nakakadiri nga kapag pumatol ka sa akin.” Tumawa si Mong pero halatang pilit lang, Diary. “Pasensiya na talaga, Prince. Hayaan mo at hindi na mauulit,” sabi pa ni Mong saka pilit na ngumiti. .
“Mabuti naman kung gano’n.”
Natahimik na kaming tatlo habang nasa loob ng elevator. Nagmukhang library ang elevator dahil sobrang tahimik namin. Nagkaroon ng awkward atmosphere tuloy.
Hay, naku. Ang sakit naman kasing magsalita ni Prince. Sigurado akong nasaktan si Mong sa mga sinabi ng Prince Leroy na `to. Malakas mang-trip si Mong kasi doon niya lang ipinapakita ang mga bagay na gusto niyang sabihin at gawin. Eh, kaso... Hay ewan ko sa kanilang dalawa. Pati ako naguguluhan, eh. Wala pa nga sila sa kuwento nila pero may lovers’ quarrel agad na nangyari. Paano pa kung nasa sariling kuwento na nila ang dalawang `to? Eh, di, pulos iyakan na lang ang nangyari.
Good luck, Author. Sana maging tragic ang ending. LOL!
Hindi ko na natiis ang katahimikan kaya nagsalita na ako. “Totoo bang buhay talaga si Josh ko?”
Kroooo. Krooo.
Letseng mga lalaking `to! Walang sumagot sa akin!
Tiningnan ko si Prince. Nakatingin lang siya sa mga elevator buttons at mukhang ang lalim ng iniisip. Binaling ko naman ang paningin ko kay Monjie at aba ang loko, nakatulala rin sa kawalan na parang nalulunod sa kung ano’ng tumatakbo sa isip niya.
Mukhang parehas affected dahil sa mga sinabi nila, ah. Jusko, `day! Pempem na mahabagin. Ano’ng nangyayari sa dalawang fafa na yummy na mga `to?
Nanahimik na lang ako at hindi na kumibo. Sinabi naman nila kanina, Diary, na buhay nga si Josh, `di ba? Nasayang lang tuloy ang pag-e-emote ko kanina sa morgue. Bad trip. Ilang luha rin ang nawala sa katawan ko dahil do’n, eh. Pero kiber na rin. At least, nahawakan ko naman ang bakal na krus ni Tatang. Hihi.
Sorry, Tatang. Rest in peace na lang po. Pasensiya ka na rin dahil nahawakan ko ang iyong patola na mukhang kikiam naman dahil nakapa ko ang mga kulubot.
`Wag ninyong minamaliit ang kikiam ni Tatang. Kapag `yon nainitan biglang lumalaki.
Biglang tumunog at bumukas ang elevator. Naunang lumabas si Prince at nauna na rin siyang maglakad. Susunod na sanang lalabas si Mong pero bigla ko siyang pinigilan.
“Okay lang ako, Pipay. `Wag kang mag-alala.” Ngumiti siya sa akin pagkatapos.
Napakunoot-noo ako. “Ha? `Pinagsasabi mo diyan. Hindi ko naman itatanong kung okay ka ba o hindi, eh. Pinigilan kita para ako ang susunod na lalabas bago ikaw. Echusera `to,” sabi ko saka nauna nang maglakad.
Nakita ko pa si Mong na napailing-iling na lang at napayuko. Na-guilty ako kaya binalikan ko siya at kumapit sa braso niya.
“Okay ka lang ba?”
Tumingin siya sa akin saka ngumiti. “Ako, ayos lang naman,” sagot niya saka nag-iwas ng tingin.
Napatingin din ako sa tiningnan niya at nakita ko si Prince na pumasok na sa loob ng kuwarto ni Josh.
“Pero `etong puso ko, alam kong hindi okay,” mahina niyang bulong pero narinig ko pa rin.
“Tsk. Hayaan mo, hindi natin bati si Prince, okay?” pagko-comfort ko sa kanya. “Abnormal at mongoloid na nga `tong tao ay inaaway pa niya. `Wag mong ipapatikim ang bakal na krus sa kanya para magdusa siya.”
Napangiti si Mong. “Oo nga. Hindi ko na lang siya kakausapin. Tsk. Kay Anne Pamintuan na lang ako.”
“Oo nga do’n ka na lang. Babae na lang ang mahalin mo kaysa lalaki rin na katulad mo.”
Tumingin si Mong sa akin. “Pero hindi mo naman kailangan tumingin sa estado ng buhay, sa edad at sa seksuwalidad ng isang tao kapag mahal mo siya, `di ba? Love has no boundaries, hindi ba?”
Tumango ako. “Correct ka diyan. `Sarap mong lagyan ng malaking check sa noo. Hihi.”
Napabuntong-hininga si Mong. “Ang laki nga ng ano ko. Nine inches pa `to pero wala rin namang kuwenta. Ayaw pala ni Prince. Hays! Ipapaputol ko na lang `to `tapos ipapakain ko sa aso.”
“Awww, awww, awww, awww,” tumahol-tahol ako kay Mong.
“Ano’ng ginagawa mo?” kunot-noong tanong niya.
“Tumatahol. Aso kaya ako. Dali, ipakain mo na sa aso ang nine inches mo,” sagot ko saka muling tumahol. “Awww, awww, awww. Feed me. Feed me. Awww, awww, awww.”
Bigla niya akong binatukan. “Loko-loko ka talaga, Pipay,” natatawang sabi niya.
Binitawan ko na si Mong nang marating namin ang kuwarto ni Josh. Nauna siyang pumasok saka ako sumunod para may drama effect. Pagpasok ko ay agad akong nagulat dahil sa tumambad sa akin.
May mga pink na lobo na nakasabit sa kisame. May tarpaulin pa na nakalagay sa dingding ng kuwarto ni Josh na may nakasulat na, “Happy 18th Birthday, Pipay Ko”. `Tapos may mahabang lamesa na punong-puno ng masasarap na pagkain.Agad tuloy akong nagutom dahil do’n.
Nakanganga lang ako habang inikot ko ang tingin sa buong kuwarto. Parang may birthday party na magaganap.
“Eh, Tita, paano naman nabuo ang tao? Saan sila nanggaling?”
Bigla akong napatingin sa gilid ko dahil narinig ko ang boses ng pusit na si Mirasol. Nakita ko agad siyang nakaupo sa sahig habang kinukutuhan siya ng mama ni Josh na walang pangalan. Nakasuot pa si Negrang Balyenang Pusit ng puting gown.
Wait. Natatandaan ko `yang suot niyang gown na `yan. Iyan ang isinuot niya no’ng Ms. January Girl 2014, ha? Aba. Kawawang damit. Pinagdiskitahan na naman ng pusit.
“Kina Adan at Eba nanggaling ang tao, Mirasol,” sagot ng mama ni Josh na walang pangalan. Patuloy lang siya sa pagkukuto kay Negra. “Sa kanila nagmula ang mga tao sa buong mundo.”
“Gano’n ba `yon, Tita? Ang sabi ni Mama, nanggaling daw ang tao sa unggoy?”
“Teka lang naman kasi. Ikinukuwento ko kung saan nanggaling ang mga tao. Mamaya ko na ikukuwento ang pinanggalingan n’yo ng nanay mo.”
“Ah, sige po,” sagot ni Mimay saka inilahad ang palad niya para kunin ang kuto na nakuha ng mama ni Josh sa ulo niya. Nagulat na lang ako bigla dahil agad isinubo ni Mimay ang kuto.
Next naman ay may nakuhang paniki sa ulo ni Mimay. Akala ko kakainin din ni Mimay ang paniki pero pasimple niya lang itong inipit sa cleavage niyang maitim.
Aww. Kawawang paniki. Namatay nang walang kalaban-laban.
“`Asa’n si Josh ko?!” sigaw ko. Tiningnan ko si Prince na nakatayo lang malapit sa bintana habang si Mong naman ay nakaupo lang sa gilid. Si Mimay naman at ang mama ni Josh na walang pangalan ay consistent sa pagkukutuhan. I-push n’yo lang `yan.
Biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Naramdaman agad ng puwitan ko ang matigas na ano na tumama roon. Kinapa-kapa ko `yon at agad na-disappoint. Bakal lang naman ng sinturon. Akala ko naman kung ano na, eh. Sayang naman po.
“Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay,” bulong niya sa tainga ko.
Agad tumaas ang balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa boses ni Josh. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Totoo nga. Totoo ngang buhay pa ang lalaking pinakamamahal ko sa lahat.
Thank you, Lord. Thank you, Author. Maraming salamat dahil hindi Ninyo pa siya tuluyang kinukuha.
“`Yang mama mo kasing walang pangalan, sabi wala ka na raw kaya no’ng napadaan ako sa morgue, nag-drama agad ako. Akala ko kasi... Akala ko kasi wala ka na...”
Naramdaman kong napangiti si Josh. “Hindi ako mawawala nang hindi nagpapaalam sa `yo, Pipay. Gusto kong alam mo kapag nawala ako para makapagpaalam ako sa `yo nang maayos.” Lumuwang ang pagkakayakap ni Josh sa akin kaya dahan-dahan akong napaharap sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ayos ni Josh ngayon. Hindi ako nagulat dahil naka-tuxedo rin siya tulad ni Prince. Nagulat ako dahil lalo siyang namayat sa suot niya at nagmukha siyang hanger. `Tapos nawala na nang tuluyan ang buhok niya. Kalbo na siya. Gangster na ba ang Josh ko? BHosXz jOsHu4 na ba ang name niya ngayon?
“`Wag mo `kong titigan nang ganyan. Nahihiya ako,” sabi ni Josh saka napaiwas ng tingin. “Alam kong hindi na ako kasingguwapo tulad dati. Kailangan ko nang magpakalbo kaysa malagas pa ang buhok ko nang paunti-unti.” Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata ko dahil siguro sa sobrang hiya.
Agad kong hinawakan ang mga kamay niya saka ngumiti. “`Wag kang mahiya sa hitsura mo ngayon. Wala namang nagbago, eh. Nawala lang ang buhok mo at namayat ka lang pero ikaw pa rin si Josh ko na mahal na mahal ko. Hihi.
“Physical na anyo mo lang ang nagbago. Pero `yang nasa loob ng shorts mo, alam kong never magbabago.” Saka ako bumulong. “Saka iyang nasa loob ng pantalon mo. Alam kong hindi magbabago ang size niyan.”
Tumingin sa akin si Josh saka ngumiti. “Alam na alam mo talaga kung paano ako mapapangiti, Pipay. `Yang mga ganyan mo ang araw-araw kong nami-miss, eh. I still fall for you every day.”
“Aba, dapat lang. Dapat sa akin ka lang talaga ma-fall.”
“Kaya may inihanda akong surprise para sa `yo. Ise-celebrate na natin ngayon ang eighteenth birthday mo.” Pinisil ni Josh ang kamay ko. “Kaya kami nakasuot ng ganito ay para kunwari debut mo na talaga.”
“Two months pa bago ako mag-debut. Excited much?” natatawa kong sabi.
Napatitig si Josh sa akin saka nag-iwas ng tingin. “Baka kasi... baka hindi na ako umabot sa totoo mong debut. Kaya mas maganda na maging escort mo ako ngayon kahit sa araw na `to man lang.” Biglang nanginig ang boses ni Josh. Parang iiyak na siya.
“`Wag mo ngang isipin na mawawala ka. Hindi ka mawawala, okay? Alam kong lalakas ka at tatalunin `yang sakit mo. Mabait ang author ng kuwento natin. Alam kong hindi niya hahayaang mawalan ng lovelife ang pretty na tulad ko.
“Mabait si Sic. Guwapo. ‘The Great Sic’ nga siya, `di ba? Kaya alam kong pagbibigyan niya tayo sa hiling natin. Hindi niya papayagang mawala ka at umiyak ako.”
Tumango-tango si Josh. “Sana nga. Pero mas maganda na rin ang sigurado. Ipagpatuloy na natin `tong debut kuno mo. Ang dami ko nang nakausap para sumali sa pakulo ko, eh.”
“Eh, paano `yan? Hindi ako naka-gown. Kayo naka-formal `tapos ako parang magdya-jogging lang sa suot ko. Para akong hindi kasali. Ang pangit ko.”
“Tsk. `Wag mo ngang isiping pangit ka, Pipay ko. Hayaan mo na lang kami ang mag-isip n’on. Nakikisali ka pa, eh.”
Agad kong sinuntok si Josh sa sa tiyan niya. Akala ko naman, banat ang sasabihin niya.
“Aray ko! Hindi ka na mabiro.” Ngumiti siya. “Gusto ko lang sabihin na kahit ano’ng ayos mo, maganda ka sa paningin ko. Hindi mo na kailangang mag-gown.”
“Sige na nga.”
“Umupo ka do’n sa pink na upuan na nasa harap. Basta tingnan mo na lang muna ang mga mangyayari,” sabi ni Josh kaya sumunod na lang ako sa sinabi niya.
“`Ma, doon nga kayo magkutuhan sa gilid ni Mimay. Magsisimula na kami.”
Tumayo ang mama niya at si Mimay sa nagpunta sa sulok at muling naupo at nagkutuhan uli.
“`Oy, Mong at Prince. Tara na! Game na,” tawag naman ni Josh sa dalawang may LQ.
Nagtama ang mga paningin nina Mong saka Prince pero nag-iwasan din agad. Napatingin sa akin si Josh dahil sa ginawa ng dalawa pero nagkibit-balikat na lang ako. Kunwari wala akong alam sa pag-iinarte nina Prince at Mong.
Mga lalaking `to ang emotero.
Lumapit si Josh sa akin saka binuksan ang radyo at may pinatugtog. Isang napakagandang tugtugin ang background music para sa debut kuno ko ngayon.
“This is all for you. I love you to the pempem and back.” Ngumiti si Josh saka niya ako mabilisang hinalikan bago naglakad papalabas.
Nakatingin lang ako kay Josh habang naglalakad siya. Mukhang pinipilit lang niya ang katawan niya para makagalaw. Halatang hinang-hina na siya at ano mang oras ay bibigay na.
Napapikit ako bigla dahil naisip ko, paano kung bumigay na nang tuluyan ang katawan ni Josh? Paano kung mawala na siya sa akin? Makakaya ko pa kayang bumangon sa umaga kahit wala na akong Joshua Renz Manalo na makikita?
Sumikip ang dibdib ko dahil sa mga naisip ko.
Pagmulat ko ng mga mata ko ay may nakita na akong mga nurse na papalapit sa akin na may dalang mga pulang rosas. Isa-isa nila iyong ibinigay sa akin sabay sabing “Happy birthday, Pipay.” Labinlima silang lahat kaya labinlima na ang hawak kong rosas.
Naiiyak na ako sa nangyayari. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagde-debut kahit hindi `to totoo at trip-trip lang ni Josh ko. Dagdagan pa ng senti pero very meaningful na kanta. Sabog feels tuloy ang nararamdaman ko.
Sunod naman na pumasok si Prince at may dala rin siyang pulang rosas. Agad siyang lumapit sa akin.
“Sayaw tayo,” nakangiting sabi niya.
“Eh, kailangan ba?”
Tumango siya.
Tumayo tuloy ako saka kami nagsayaw sa gitna.
Iniabot niya muna sa akin ang pulang rosas na hawak niya bago nagsalita, “Mahal na mahal ka talaga ng taong `yan, Pipay.”
Napatitig lang ako kay Prince.
“Napaka-unbelievable ng pagmamahal niya sa `yo. Ang tanging kaligayahan mo lang ang iniisip niya. Kahit ngayon na hinang-hina na ang katawan niya, ikaw pa rin ang iniisip niya. Ilang beses niya akong kinulit para makisali sa surprise niya na `to. Hindi ko siya mahindian. Hindi ko kayang hindian ang taong kung magmahal ay sobra.” Ngumiti si Prince. “Hindi ako nagsisising nag-give up ako sa `yo para sa kanya. Si Josh ang lalaking napakasarap mahalin dahil napaka-loyal at mapagmahal...”
“Oops. Off limits si Josh, ha? Kay Mong ka na lang,” biglang sabi ko.
“Ha?”
“Wala.” Saka ako tumawa.
Binitiwan ni Prince ang pagkakahawak sa baywang ko. “Hindi ako bakla. Diyan ka na nga!” Padabog siyang umalis sa harap ko.
“Wala naman akong sinasabi, eh,” natatawang sabi ko.
Palabas na si Prince nang pumasok naman si Mong. Nagtama na naman ang mga mata nila pero agad ding nag-iwasan.
Naku, naku. May nakikita talaga akong future loveteam sa dalawang `to, eh. Sino ang top at sino ang bottom? Hihihi.
“O.” Iniabot sa akin ni Mong ang pulang rosas na hawak niya.
“Bakit galit ka?” pabirong tanong ko. “Ayaw mo bang ibigay sa akin `tong rosas? Kay Prince mo balak ibigay, `no?”
“Asa ka!” biglang sagot ni Mong. Inilagay niya rin ang kamay niya sa baywang ko at nagsimula na kaming sumayaw.
“Magsabi ka nga ng totoo sa akin. Ano ba’ng trip mo? Trip mo ba si Prince?” seryosong tanong ko.
“Tsk! `Wag nga. Ibang tanong na lang, Pipay,” iritadong sabi ni Mong. Hindi rin siya makatingin nang deretso sa mga mata ko.
Napangisi ako. “Sayang. Bagay pa naman kayo.”
“Talaga?” Parang nagliwanag ang mukha ni Mong sa sinabi ko.
Binatukan ko siya. “Boom bading.” Saka ako tumawa.
Sinimangutan lang ako ni Mong.
Ilang minuto rin kaming nagsayaw bago siya humiwalay sa akin. Paalis na sana siya nang bigla ko siyang tawagin.
“Bakit?” tanong niya.
“I-push mo si Prince. Bagay kayo. Hindi kita huhusgahan kung ano’ng gusto mo at kung sino ang gusto mo. Bilang best friend mo, trabaho kong suportahan ka. Kaya kung siya ang gusto mo, susuportahan kita.”
Napangiti si Mong—ngiting punong-puno ng kasiyahan, “Salamat, Pipay.”
Nag-thumbs-up ako sa kanya.
Paglabas ni Mong ay saka naman pumasok ang lalaking payatot at kalbo. JOKE! Saka naman pumasok ang lalaking pinakaguwapo, pinakamasarap, at pinaka-macho sa kuwentong `to para sa akin. Ang lapad ng ngiti ni Josh habang naglalakad siya palapit sa akin. Kung pulos pulang rosas ang ibinibigay sa akin ng mga nauna, ang dala naman ni Josh ay puting rosas.
“Para sa pinakamagandang babaeng na nakilala ko.” Iniabot sa akin ni Josh ang puting rosas.
“Salamat sa bulaklak mula sa pinakaguwapong lalaki na nakilala ko.”
Ipinulupot ni Josh ang mga kamay niya sa baywang ko. Ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Kitang-kita ko na ang kulay ng mga mata ni Josh. Kahit malaki ang nagbago sa pisikal niyang anyo, walang nagbago sa mga mata niya. Bakas na bakas pa rin ang nag-uumapaw na kasiyahan at kaligayahan sa mga iyon.
“Salamat, Josh ko. Salamat sa debut na `to,” sabi ko habang nakatitig sa kanya.
Umiling siya. “Nope, Pipay. Ako dapat ang magpasalamat sa `yo.” Ngumiti si Josh pagkatapos. “Salamat dahil dumating ka sa buhay ko at nakilala kita. Hindi ko alam kung ano ang buhay ko ngayon o kung ano ang Joshua Renz Manalo kung hindi ko nakilala ang isang Pilar Payoson.” Napalunok siya. “Ang dami na nating pinagdaanang dalawa. Lagi na lang kitang nasasaktan at napapaiyak pero kahit gano’n, bumabalik ka pa rin talaga sa akin at minamahal ako nang walang sawa. Kaya ako ang dapat magpasalamat dahil napakasuwerte ko sa `yo.”
Nakita ko ang pangingilid ng mga luha ni Josh.
“Ang dami nating plano sa isa’t isa, `no? Hindi na nga ako makapaghintay sa panahon na ikaw ang una kong makikita pagkagising ko sa umaga. `Yong ikaw ang magluluto ng almusal ko, maiiwan sa bahay habang papasok naman ako sa trabaho. `Yong ikaw ang magiging ina ng mga anak ko. Iaalay natin sa isa’t isa ang mga natitira nating panahon hanggang sa tumanda tayo at sabay na mangulubot ang mga balat at pumuti ang buhok natin. Ang dami kong plano para sa ating dalawa pero hindi ko alam kung matutupad ko pa `yon.” Ngumiti si Josh pero tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.
“Sabi mo, ang suwerte mo sa akin pero ang totoo talaga niyan, Josh, ako ang masuwerte sa `yo. Pina-realize mo kasi sa isang tulad ko na deserving akong mahalin. Ang dami na nating napagdaanan pero tingnan mo ngayon at tayong dalawa pa rin ang magkasama.” Naiiyak na rin ako sa mga sinasabi ko. “Marami nga tayong pangarap para sa isa’t isa. Pero huwag kang mag-aalala, kung hindi mo man matupad `yon lahat ay maiintindihan kita. Hindi mo naman kinalimutan, eh. Sadyang kinapos ka lang sa oras.
“Maaalala ko kung paano mo ako minahal at hindi dahil kung paano ako umiyak nang saktan mo ako. Sabi ko nga kay Monicalandi, you gave me the equal meaning of pain and happiness. Hindi mabubuo ang pagmamahal mo sa akin kung hindi ko rin naramdaman ang mga lungkot at sakit na naiparamdam mo sa akin.”
Nakatitig lang si Josh sa akin habang umiiyak.
“Kung mawala ka man nang tuluyan sa akin at sa amin, don’t worry because a part of me will always be waiting for you. Ikaw ang pinakamagandang pitong buwan na nangyari sa akin, Josh. Lagi kitang maaalala sa lahat ng oras.” Naging gripo na ang mga mata ko dahil sa patuloy na pagluha ng mga mata ko.
Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakasilip ang mga nurse na nag-abot sa akin ng mga pulang rosas kanina. Lahat sila ay naiiyak na habang nakatingin sa aming dalawa ni Josh. Napabaling naman ang paningin ko sa mama ni Josh na walang pangalan at kay Mimay na nakaupo sa sulok. Ang dalawang gaga, nagkukutuhan pa rin. Ang daming hawak na paniki ni Mimay na mukhang galit lahat sa buhok niya.
“I love you, Pipay ko. I love you. Ang pagmamahal ko sa `yo ay hindi mo mai-imagine kung hanggang saan o hanggang kailan matatapos. Mas matagal pa sa forever,” sabi ni Josh. “Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko nang ganito. Pangako. Kahit saan ako magpunta ay ikaw lang ang mamahalin ko.”
“Ako rin. Ikaw lang ang mamahalin ko. Mapunta man ako sa kung saan. Ang pagmamahal mo lang sa akin ang aalalahanin ko. Magka-amnesia man ako at makalimot sa lahat. Pero ang pagmamahal mo, never kong kakalimutan.”
“To the pempem and back?” nakangiti niyang tanong.
Tumango ako. “To the pempem and back.”
“The pempem in our stars ba `to?”
Sabay kaming nagtawanan ni Josh.
Lumipas ang ilang sandali hanggang sa isandal ni Josh ang ulo niya sa balikat ko. Parang biglang naubos ang lakas niya dahil sa pagsasayaw naming dalawa.
“Pipay...” mahinang tawag ni Josh sa pangalan ko. Nakatayo pa kaming dalawa pero hindi na kami sumasayaw. Nakasandal lang ang ulo niya sa balikat ko.
“Ano `yon, Josh?” sagot ko. Nanginginig na ang mga tuhod at boses ko dahil bigla kong naramdaman na hinang-hina na si Josh.
“Napapagod na ako. Puwedeng magpahinga muna?” hinang-hina na tanong ni Josh.
Hinaplos ko ang ulo ni Josh. “Sige. Magpahinga ka lang. Pero ipangako mong `wag muna, ah? `Wag muna ngayon, Josh.” Tumulo na naman ang mga luha ko dahil sa sinabi ko.
Naramdaman kong tumango si Josh nang marahan. “Pangako. I love you to the pempem and back.”
“I love you, too, to the pempem and back and forth,” mahina kong sagot.
After that, biglang nawalan ng malay si Josh kaya agad siyang sinugod sa emergency room.
Alam kong hindi pa `to panahon. Nangako siya sa akin na hindi muna.
Please, Lord. Please, Author.
Umaasang hindi pa ngayon,
Pipay
PS: Ano’ng magandang color ng damit pang-funeral if ever?