noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 21

Ch. 22 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #21

Dear Diary,

“What the fuck?! Are you sure na hindi ka na niya mahal?” gulat na tanong ni Prince sa akin habang nasa lobby kami ng building ng “Makeover mo, Sagot ko” na isang segment sa ABS-CBN.

Kaninang umaga, agad akong tinawagan ni @owwsiccc para tanungin ang information ko. No’ng una, nagdadalawang-isip pa ako kung ibibigay ko o hindi. Natural, kakabahan ako dahil hindi naman ako sure kung legit o hindi ang letseng segment na `to. Hindi naman kasi pinalatastas sa TV o prinomote man lang.

“Ang arte mo. Alam mo `yon?” naiinis na sabi sa akin ng kausap kong organizer sa cell phone. Ilang oras na kaming magkausap sa cell phone pero pulos “hulaan mo lang” ang sinasagot ko sa mga tanong niya. “Ang arte-arte nito. Feeling pretty. Ano nga? Sabihin mo na at marami pa kaming tatawagan.”

“Eh, kasi naman, baka fake `tong segment n’yo. Ni hindi ko nga napanood sa ABS-CBN na prinomote `tong show n’yo, eh. Aba, mahirap na. Baka scam `to para malaman n’yo ang bahay ko `tapos pupuntahan n’yo ako kapag walang tao at gagahasain. Ang creepy kaya.”

“Futa! Ang feeler mong pangit ka,” sigaw niya sa akin. “Hindi mo talaga mapapanood sa abs-cbn dahil sa Animal Planet namin pina-promote ang show namin. Naghahanap kami ng mga babaeng mukhang hayop na gagawing maladiyosa ang mukha’t hitsura. Saktong-sakto ang mukha mo dahil mukha kang unggoy,” pagpapaliwanag niya. “Besides, I really want to help you. I’ve read your reason. Kung bakit ka hiniwalayan ng boyfriend mo. We’ll make sure na manghihinayang siya sa `yo at gagapang siya pabalik sa feeling mo.”

Natahimik ako, Diary, dahil sa sinabi niya. Nag-aaway na ang puso’t pempem—este, ang utak ko dahil sa paliwanag niya. Gusto ko talagang magbago at gumanda. `Yong gandang hindi mo mabibili sa salon na pipitsugin. Para kasing ang sosyal ng gagawin nilang makeover sa akin kaya gusto ko rin magpursigi.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Sigurado ba kayo? Kaya n’yo akong baguhin?”

“Ay, `te, makulit lang?” Naiinis na talaga siya. “Oo nga. Kaya `wag ka nang mag-inarte. Tatadyakan talaga kita sa panga mo pagdating mo rito.”

Sinabi ko na ang information ko pagkatapos n’on. Agad naman din niyang sinabi sa akin ang address ng building nila.

Habang nag-aayos ako, naka-receive ako ng text mula kay Prince na ngayon daw ang date naming dalawa. Dahil may appointment akong pupuntahan, isinama ko na lang siya sa studio para may makausap man lang. Pagdating kasi namin, walang ibang contestant at tanging ako lang. Gusto raw muna nilang pagtuunan ako ng pansin dahil tiyak na mahihirapan daw sila sa makeover na gagawin sa akin.

Mga shutang inerns na `to. Mga pasimpleng lait din.

“Oo,” sagot ko kay Prince. Ikinuwento ko kasi sa kanya na wala na kaming dalawa ni Josh. Na natapos na ang kuwento naming dalawa. “Seryoso ako sa sinabi ko. Hindi ka ba nagtataka na hindi ko na nga siya nakakasama lately? Even sa Facebook hindi na kami ‘in a relationship’? Saka kung kami pa, `tingin mo, ikaw ang isasama ko dito at hindi siya?” nakangiti kong tanong kay Prince.

Seryosong napatitig siya sa akin saka umiling-iling, “Imposible. Hindi talaga ako makapaniwala. Hindi talaga, Pipay, eh. I witnessed Josh’s undying love for you. Ipinaglaban ka niya sa akin, Pipay. He cried a lot because of his love for you. Then you’ll say na nakipag-break siya dahil sa isang magandang babae? `Tapos may nangyari pa sa kanilang dalawa?”

“Kung ayaw mong maniwala, wala akong magagawa. Maybe Josh isn’t the exact person that we used to know. Lahat nagbabago, Prince. Lahat as in lahat. Kahit feelings pa `yan. Sure, hindi nawawala ang feelings para sa isang tao pero nababawasan `to and in our case, nabawasan na kaya nanlamig si Josh at nag-init sa ibang babae.” I smiled bitterly.

“Shutang ina, hindi na masyadong makirot kapag binabanggit ko ang pangalan ni Josh. Kaunti na lang talaga makakawala na ako sa pagmamahal ko sa kanya.”

“Sige nga, sabihin na natin na naghiwalay nga kayo. Pero bakit hindi mo siya ipinaglaban? Pipay, you love him damn much, right? Bakit pumayag ka lang na mawala siya sa `yo?” frustrated na tanong ni Prince.

Parang mas affected pa siya kaysa sa akin o kay Josh. `Yong totoo, JoPay supporter ba siya?

“Ipinaglaban ko siya. Ipinaglaban ko siya to the point na ilang ulit ko nang nilunok ang pride ko para sa kanya. Shuta, pati nga pride na bareta nilunok ko na at isama mo pa `yong stock ko ng pH Care sa bahay, pero walang nangyari. So I gave up. Naisip ko kasi na bakit ko ipaglalaban ang taong hindi naman nagbigay ng dahilan para ipaglaban ko pa siya? Siya ang unang bumitaw sa aming dalawa at hindi ako.”

Natawa ako. “JoPay Lh4rN Zh4p4T nH4 at to the pempem and back? Bullshit. That word should be deleted from my vocabulary.”

“This is freakin’ unacceptable,” pagkontra na naman ni Prince. “May nase-sense akong nangyayari kay, Josh. Baka naman may reason siya. Hindi naman gumagawa ang isang lalaki ng isang bagay nang walang rason, eh. Trust me, Pipay. Baka naman para sa kapakanan mo rin ang ginagawa niya?”

“Let’s say, meron nga siyang rason, Prince. Pero wala na akong pakialam sa punyetang rason na `yan at sa kanya. Nasaktan na ako, eh. He hurt me to the point na parang hindi ko na gustong gumising sa umaga dahil sa sobrang sakit dito.” I pointed my heart. “Saka hindi ba dapat matuwa ka pa? Dahil from now on, wala ka nang kaagaw and I am finally single and ready to mingle?”

Saglit na natahimik si Prince bago sumagot. “I’m just... just confused. Hindi kasi ako makapaniwalang magagawa `yon ni Josh.”

“But he already did.” Tumayo ako nang marinig kong tinawag ng organizer ang pangalan ko para pumasok na sa loob. “He chose to break my heart so I’m busy collecting the pieces.”

Inilapag ko sa tabi ni Prince ang bag ko. “Don’t worry. I’m doing this makeover not for him but for myself. Gusto ko ng bagong anyo para makatakas na sa madilim kong nakaraan. Chos! Parang taong lobo lang.” Pagkatapos ay tumawa ako bago tumalikod.

Agad akong napalingon kay Prince nang marinig ko siyang magsalita. “Nasasaktan ka dahil sa ginawa ni Josh pero do you even know kung ano ang side niya? Puta kasi `tong si Author, eh. `Tagal bigyan ng POV si Josh. Anong petsa na, `uy!”

“Sa totoo lang, mas may pakialam pa ako sa side ng triangle kaysa sa side ni Josh.” Ngumiti ako. “Kanya na ang side niya dahil may side rin naman ako.” Tumalikod na ako saka pumasok sa kuwartong itinuro ng organizer.

May tatlong tao pagpasok ko sa loob. Nasa magkabilang gilid ang dalawa habang ang isa naman ay nasa harap. Parang naging salon, clothing shop at medical clinic ang malaking kuwartong pinasukan ko. Nasa kaliwa ko ang salon na may malaking salamin na nakadikit sa dingding at punong-puno ng makeup, scissor at kung ano-anong kagamitan na pampaganda.

Sa kanan ko naman ay may kamang may gulong. May mga kung ano-ano ring kagamitan na ginagamit sa facial at derma.

Sunod kong ibinaling ang paningin ko sa harap na punong-puno ng magagarang kasuotan at damit.

Okay, Pilar. This is it.

“Take off your clothes,” sabi ng magandang babae. “We need to see your whole body para malaman namin kung ano’ng gagawin sa `yo.”

“Lahat po?” tanong ko.

Tumango naman siya.

Nagsimula na akong maghubad mula sa blouse at pantalon na suot ko. Hanggang sa tanging bra at panty na lang ang natira sa akin. Nahihiya akong tumingin sa kanilang tatlo at mabuti na lang pala pulos babae rin sila. Kasi kung may lalaki, baka malibugan na dahil sa hotness ko ngayon.

Si Pilar ba naman ang nakaharap sa `yo na tanging bra at panty lang ang suot, ewan ko na lang kung hindi tumigas ang patola mo.

Sa sobrang sexy ko kahit ice water magiging yelo sa tigas, eh.

“Seriously? Red panty `tapos orange ang bra mo? Hindi ka ba marunong ng fashion, hija?” tanong ng babaeng nasa clothing side.

Umiling ako. “Hindi po, eh,” sagot ko. “Pasyon lang ang alam ko. `Yong kumakanta kapag mahal na araw? Lagi po akong kumakanta sa lugar namin no’n. Gusto n’yo ng sample?”

“Hindi na kailangan,” sabi naman ng babaeng nasa salon side. “Baka matagalan pa tayo. Matatagalan na nga kami sa pagpapaganda sa `yo, eh. Magtatawag pa kami ng himala.”

Sabay-sabay silang nagtaas ng kamay saka itinutok sa akin. Tumingala sila at pumikit. “Oooh, puong bertud. Tulungan n’yo po kami sa gagawin naming himala. Gabayan n’yo kami sa pag-transform sa babaeng unggoy na `to papunta sa isang napakagandang dilag. Tulungan n’yo kami. Tulungan n’yo kami. TULUNGAN N’YO KAMI!” Tumirik-tirik ang mga mata nila na parang nababaliw saka seryosong napatitig sa akin habang may ngisi sa kanilang mga labi.

“Okay, girls. Let’s do this.”

Una akong hinila ng isang babae papunta sa salon section. Hinawakan niya ang buhok ko sa ulo, ha? Hindi buhok sa pempem. Napasigaw siya nang hawiin niya ang buhok ko.

“ARAY!” sabi niya. “Ano ba `yang buhok mo. OA sa pagkatigas. Nagsa-shampoo ka ba?”

“Naman!” pagmamalaki kong sagot. “Anong tingin mo sa akin, dirty?”

“Oo, eh,” deretso niyang sagot saka inamoy ang buhok ko. “Nakakasuka ang amoy ng buhok mo. Amoy-bulbol. Ano ba’ng gamit mong shampoo?”

“Pang-hair care,” sagot ko.

“Ha? Anong brand `yon?”

“pH Care, `te.”

“Ay, bobo! Hindi `yon pambuhok sa ulo. Para `yon sa buhok nito...” Saka niya tinapik si Pempem ko. “Kaya naman pala ang baho at ang tigas ng buhok mo, eh. Tsk.”

“May magagawa pa ba kayong paraan?”

“Siyempre!” Ngumisi siya. “Hindi kami matatawag na ‘Amazing Trio’ for nothing. As of now, kailangan muna nating gupitin ang buhok mo. Medyo mahaba na kaya babawasan natin at gagawin nating global cut.” Hinarap niya ako sa malaking salamin saka sinimulan ang paggupit sa buhok ko.

Nakatitig lang ako sa kanya habang ginugupitan niya ako. Halatang nahihirapan siya dahil ilang gunting na ang napurol dahil sa buhok ko, pero hindi siya sumuko. Hanggang sa may inilabas siyang kulay-gintong gunting at iyon ang ipinanggupit sa buhok kong matigas.

Naalala ko noong kami pa ni Josh, sinabi niyang pagupitan ko na ang lahat ng buhok ko sa katawan pero `wag daw ang buhok ko sa ulo. Mas maganda raw kasi ako kapag mahaba ang buhok ko.

Natawa ako. Mahilig pala si Josh sa mahahabang buhok kaya pati si Monicalandinapakaratatputangschoolnahindipamamatay ay nagustuhan niya.

“That’s it,” sabi ng babae nang matapos niya akong gupitan.

Nagulat ako nang makita kong parang lumambot na agad ang buhok ko’t kumintab pa. Nagkaroon na rin ng magandang style ang buhok ko kaya parang lumiit ang shape ng mukha ko.

“Ang ganda...” hindi makapaniwalang sabi ko.

“Hindi pa `yan tapos,” pagmamalaki niya. Nilagyan niya rin ako ng cellophane na kulay-violet kapag nasisinagan daw ng araw

Nang matapos na niya akong lagyan ng cellophane, binanlawan niya na ang buhok ko saka naman shinampoo. Kakaibang shampoo ang inilagay niya dahil agad na bumango at lumambot ang buhok ko.

Sunod naman akong pumunta sa clinic section ng kuwarto saka humiga sa kama.

“Tsk. Mukhang madami tayong aayusin sa katawan mo, ah? Though hindi naman operation ang gagawin natin kundi facial, diamond peel, black and white heads removal. Hmm, ano pa ba?” sabi ni Doc habang nag-iisip. “In all fairness, ang ganda ng mata at ilong mo, ah? Labi lang ang problema sa `yo dahil medyo manipis pero ayos na rin naman `yan. Pampakinis ang gagawin natin and foot massage na rin,” sabi niya saka hinawakan ang mukha ko.

“Ah, Doc, ano muna ang uunahin natin?”

“Foot massage,” sagot niya saka minamasahe ang mukha ko.

“Ah, eh, Doc, mukha ko po `yan,” sabi ko. “`Eto po ang paa ko.” Ginalaw-galaw ko pa ang paa ko.

“Ah, sorry. Sorry,” sabi niya. “Magkamukha kasi ang paa at mukha mo. Akala ko tuloy ito ang paa mo.” Kinurot niya pa ang mukha ko.

Shutang inerns na `to, ah.

May tinawag si Doc na limang babae na pumalibot sa akin. Sabay-sabay nilang hinawakan ang katawan ko. May taga-massage at may tagalagay ng wax sa magkabilang hita ko para tanggalin ang buhok. Habang ang dalawa naman ay nasa magkabilang kilikili ko at nile-laser `to.

“Ano po’ng ginagawa n’yo sa kilikili ko?” tanong ko.

“Hair removal `to. Para matanggal na ang buhok sa kilikili mo,” sabi ng babae. “In all fairness, ha? Ngayon lang ako nakakita ng babaeng mas makapal pa ang buhok sa kilikili kaysa sa tatay ko.”

Nagtawanan silang lima.

“Naku, `te. Walang sinabi `yang buhok ko sa kilikili sa buhok ko sa pempem.” Saka ko itinaas ang garter ng panty ko para ipakita sa kanila ang buhok ni Pempem.

Nagulat silang lahat dahil sa nakita. Nahimatay pa nga `yong isa dahil malapit siya kay Pempem.

“Ay, nahimatay? Hindi kinaya ang amoy ni Pempem. Hihi.”

Medyo masakit ang wax habang tinatanggal ito sa binti ko. Sumasama kasi ang mga balahibo ko sa hita, eh.

Pagkakita ko sa magkabilang binti ko, ang kinis at ang ganda na nilang pareho. Parang mga binti ng mga artista sa sobrang kinis.

Nakakaputi at nakakakinis pala kapag tinanggal at inahit ang buhok, ano? Tanggalan ko kaya ng buhok si Pempem? Ay, wag na lang. Ang pangit na ni Pempem kapag kalbo siya.

Sunod namang nilagyan ng cream ang buong mukha ko saka tinapatan ng kulay-violet na ilaw. Ilang minuto akong nakapikit dahil makakasira daw ng mga mata kapag tumingin sa violet na ilaw na `yon. Sabi nila masakit pa raw ito kapag tinitigan mo.

Ang violet na ilaw pala at si Monicalandinapakarat ay magkapareho? Pareho kasi silang masakit sa mga mata, eh.

Nang matapos ang ginawang facial sa akin, nakaramdam ako ng ginhawa sa mukha. Pakiramdam ko ang kinis-kinis ng mukha ko dahil sa diamond peel na ginawa sa akin.

Binigyan nila ako ng salamin para tingnan ang hitsura ko. Napangiti ako. Ang kinis at ang kintab ng mukha ko. Nawala ang marks ng mga natuyong pimple. Tinalo ang effects ng Camera360 dahil sa ginawa nilang magic. Boom kinis! Makakapag-selfie na ako kahit walang Camera360 at Retrica. With hashtag na “no filter.”

Sunod naman ang sa clothing session. Since tinatamad na si Author na mag-narrate tungkol sa mga nangyayaring transformation ko, hindi na niya sinabi ang conversation namin ng stylist. Ang tamad ni Sic, `no? Shutang inames `yan, eh. Binigyan na lang ako ng napakaraming damit na magagamit sa pang-araw-araw, pang-alis, pang-party at panlalandi.

Tinuruan niya rin ako kung paano mag-partner ng mga damit para magmukhang classy at sossy. Binigyan niya rin ako ng iba’t ibang sapatos na ang tutulis ng takong.

Puwede ko `tong ipampukpok sa ulo ni Monica `pag nagkataon, ah.

Sinabi nila sa akin na every weekends daw babalik ako dito sa studio nila para sa tutorial kung paano umasta bilang isang tunay na babae.

Bakit, Diary? Peke ba akong babae? Hindi naman ako made in China, ah? Proudly made in the Philippines kaya ako. Sabi pa nga ni Inay, sa boxing ring nila ako ginawa ni Tatay, eh.

P-in-icture-an nila ako bago ako tuluyang lumabas sa studio. Para daw ito sa ilalabas na picture ko sa TV.

Shutang inames, Diary. Artista na `ata ako? Sisikat na ako! Makikita na ako sa TV, sa Showtime , sa Ellen de... de... Ellen De Leon Show at saka sa Oprah... Oprah... Oprah Mayweather Show!

Pinagbihis nila ako ng sleeveless blouse dahil wala nang buhok ang kilikili ko. Plus, super puti pa nito. Pinagsuot din ako ng shorts kung saan nae-expose ang mapuputi at makikinis kong hita.

Lumabas na ako ng studio para puntahan si Prince na halos eight hours nang naghihintay sa akin.

“Huy!” sabi ko sa kanya nang maabutan ko siyang natutulog habang nakaupo. Nakasandal lang ang ulo niya sa dingding. “Huy, gising! Tapos na ako.”

Agad naman siyang nagising at kinusot-kusot pa ang mga mata. Napatingin siya sa akin saka nagulat at napaayos ng upo.

“Ha, ano po `yon? Pasensiya na po kung natutulog ako,” sabi niya na parang hindi niya ako nakilala. “Ano pong kailangan n’yo?” tanong niya kaya bigla akong natawa.

“Baliw. Si Pilar `to,” nakangiting sabi ko. “Ang ganda ko ba? Aminin mo! Hindi mo ako nakilala, eh.” Umikot pa ako para makita niya nang buo ang ayos ko.

Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni Prince habang nakatitig sa akin. Napanganga pa siya at kung puwede lang sumayad ang panga niya sa lupa ay nagawa na niya. “WOW!” hindi makapaniwalang sabi niya. “Hindi nga? Ikaw talaga si Pipay? Ikaw `yong babaeng minamahal ko mula first year pa lang ako? `Yong babaeng dirty na malibog—este, malandi?”

Binatukan ko si Prince. “Oo nga, letse `to.”

“Fuck, Pipay. Ang ganda mo, grabe. Hindi ako makapaniwalang gaganda ka nang ganyan. Grabe.” Parang naglalaway si Prince habang nakatingin sa akin. “Wow lang talaga! Wala akong masabi as in. Shit. I can’t believe na gaganda ka nang ganyan sa loob ng ilang oras. They did a great job. Amazing. Ang galing nila as in.”

“I know,” sabi ko sabay tingin sa reflection ko sa salamin na nasa gilid ko. Kahit ako ay hindi rin makapaniwalang gaganda ako nang ganito, eh. Oo, pretty na ako dati pa. Pero iba talaga ngayon, eh. Nailabas nila ang natutulog na ganda sa katawan ko. Kung tutuusin, parang mas maganda pa ako kay Monicalandi, eh.

Tignan lang natin, Josh, kung hindi ka maghabol kapag nakita mo ang hitsura ko ngayon.

Napapatingin sa amin ang mga taong nakakasalubong namin paglabas namin ng studio ni Prince. Specially ang kalalakihan. May mga nagpa-picture pa nga at humihingi ng number ko pero umeepal si Prince at sinasabing hindi raw puwede dahil siya ang boyfriend ko. Hinayaan ko na lang siya dahil nag-e-enjoy ako sa attention na nakukuha ko sa mga tao. Hindi naman `to ang first time na pinagkakaguluhan ako, eh. Pero ito ang unang beses na pinagkaguluhan ako dahil sa kagandahan ko at hindi dahil mukha akong unggoy.

Medyo madilim na nang makarating ako sa bahay. Medyo malayo ang pinanggalingan kong lugar kaya natagalan ang biyahe. Si Prince naman ay nagpababa na lang sa bayan dahil iba ang route ng bahay nila.

Pinapasok ko sa mga tauhan ng studio ang mga gamit na ibinigay sa akin ng show. Mabuti naman dahil wala pa si Inay at mukhang nasa boxing practice pa na gaganapin sa susunod na araw. Mas mabuti na ring wala muna siya dahil tiyak makikiaagaw `yon sa mga pampagandang ibinigay sa akin.

“Kuya, salamat po, ah?” sabi ko kay Kuya Driver na naghatid sa akin.

“Wala `yon, Miss Payoson,” sabi niya. “Para sa magandang kagaya n’yo, wala pong anuman.”

Agad naman akong kinilig dahil do’n. Nag-wave ako at tuluyan nang pumasok.

Huminga muna ako nang malalim saka naglakad papasok sa gate namin. Habang isinasara ko ang gate ay may lalaking biglang tumawag sa pangalan ko.

“Pipay...”

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko. At agad nag-init ang ulo ko nang makita ko si Josh. “Ano’ng kailangan mo?” malamig na tanong ko.

Paano niya kaya ako nakilala agad-agad? Paano niya ako nakilala kahit ibang-iba na ang ayos ko ngayon?

Hindi siya nagsalita at sa halip ay naglakad siya palapit sa akin. No’ng nasa harap ko na siya at tanging rehas ng bakal na gate lang ang humaharang sa pagitan namin, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Lalong akong nanlamig.

“Pipay...” tawag niya uli sa pangalan ko. Napansin kong naiiyak na si Josh dahil may luha na ang gilid ng kanyang mga mata. “Hindi ko na kaya... Hindi na talaga...” sabi niya at tuluyan nang tumulo ang mga luha niya

Ano na naman ba `to, Diary?

May himala,

Pipay