noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 2

Chapter 5

Ch. 6 / 43 Apr 09, 2022

Malandi #5

Dear Diary,

Nakatitig lang ako sa kawalan ilang minuto bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin. Walang ganang naglakad ako papasok at umakyat sa kuwarto ko dahil sa inarte ni Josh sa akin. Hindi ko talaga alam kung ano’ng nangyari kanina at parang may problema siya. Samantalang kanina, nagtatawanan pa kaming dalawa habang nanonood ng basketball sa court.

Siguro sadyang pagod lang siya kaya gano’n siya kalamig.

Dapat ang girlfriend ay understanding, Diary. Kaya kailangan kong intindihin ang ipinakita ni Josh kanina. Hindi healthy para sa isang relasyon na kapag may problema ang isa, dadagdag pa ang isa. Dapat may pagpapaubaya para hindi nag-aaway. Kaya ngayon, hahayaan ko muna si Josh dahil baka nga wala siyang gana. Mahal ako ni Josh kaya alam kong mamaya ite-text at tatawagan niya rin ako para sabihin ang problema niya.

Pag-akyat ko sa kuwarto, Diary, nagpalit na muna ako ng pantulog. Ginawa ko rin muna ang mga assignment ko. Nang wala na akong gagawin, tiningnan ko naman ang cell phone ko kung may text na ba si Josh, pero wala. Nakakapagtaka naman `to, Diary. Sa aming dalawa ni Josh, siya ang pala-text. Masyadong clingy ang lalaki na `yon, eh. Pero bakit ngayon walang text o tawag?

Since expired na ang unli ko, nag-register uli ako. Nag-reply naman agad `yong network at sinabing...

“Sorry, hindi sapat ang iyong balance para ma-avail ang promo...”

Napasimangot na lang ako, Diary. Mabuti pa `yong network, marunong mag-sorry. Pero samantalang si Josh, wala, nganga. Joke! Sabi ko naman, iintindihin ko si Josh, eh. Kalma mo lang ang beauty mo, Pipay. Hintay ka lang. Baka wala ring load ang boyfriend mo.

Kaso wala naman akong beauty, eh. So wala akong ikakalma. Charot!

Tinitigan ko muna ang picture namin ni Josh na wallpaper ng cell phone ko. Kuha `to no’ng minsang may liga sina Josh sa barangay nila. Of course, Diary, nanalo sila no’n. Ngiting-ngiti si Josh sa picture habang hawak ang patola , echos lang , `yong trophy nila. Gustong-gusto talaga ni Josh ang basketball. Alam kong pangarap din niyang mapasali sa SOGO Basketball team kaya sana mapasok siya. Alam kong magiging masaya si Josh kapag nangyari `yon at lalo ko siyang susuportahan.

Ang bait-bait ko talagang girlfriend, Diary. `Tapos ang ganda-ganda-ganda-ganda ko pa, `di ba? Subukan mong umangal, Diary, gagawin kong napkin ang bawat pahina mo.

Pagtapos kong mag-emote sa kuwarto ay bumababa naman ako sa kusina para kumain. Naabutan ko si Inay na nanonood ng boxing sa isang channel. `Taray talaga ni Inay. Masyadong loyal sa sports. Frustrated boxer kasi, eh. Ang alam ko, dapat ilalaban na si Inay sa isang international competition, eh. Kaso nabuntis siya ni Itay — na dati niyang coach — so na-stop siya. Kaya siguro mainit ang ulo ni Inay sa akin. Ako kasi ang may kasalanan kaya hindi siya nakaalis ng bansa.

Aba,`wag niya akong sisisihin, Diary. Kung hindi pinairal ni Inay ang kalandian niya at nagpabuntis kay Itay, eh, di sana successful boxer siya. Kaso wala, eh. `Eto nabuo ako. Lumaking pretty. Hihihi. Choosy pa ba si Inay? Pilar Payoson na ang anak niya, o. Ang reigning queen ng aming barangay. LOL!

“Inay, anong ulam?” tanong ko sa kanya. Kaso hindi ako pinansin at focused lang talaga siya sa panonood ng isang laban sa TV. “Inay!” tinawag ko uli siya.

“For Pacquaio’s sake, Pilar. Don’t disturb me while I’m watching my favorite sport. Get a life, will you?”

Nagulat ako sa birada ni Inay, Diary. Umi-English na, ah. `Taray ni Aling Tinay. Spokening dollar na.

“Ang taray naman ni Inay. Saan mo naman nakuha `yang English na `yan?” tanong ko sa kanya.

“Sa pinanood ko kanina. `Taray ng line, `no? Ang dami ko pa ngang nakuha, eh. Like, Okay. Okay. O, alam mo kung saan `yan?” Ngumisi pa si Inay.

“Okay-okay?” Inilagay ko pa sa baba ko `yong hintuturo ko para kunwari nag-iisip. Ganito raw kasi `yon, Diary, para mukhang genius. “Hindi, eh. Saan ba `yang okay-okay na `yan?”

“`Bobo mo talaga, anak. Hindi mo namana ang talino ko,” panlalait ni Inay sa akin. “`Yang okay-okay na `yan ay famous line sa Harry Potter. Magbasa ka nga ng ibang story, Pilar. Hindi pulos kalandian alam mo. Pinaiinit mo lang ang ulo ko.”

“Whatever you say, Inay,” sagot ko. “Ano na palang ulam?”

“Tingnan mo sa three-door refrigerator natin. May liempo at fried chicken diyan. Sige na, lumamon ka na do’n at `wag mo na akong istorbuhin.”

“K.”

Dumeresto na ako sa kusina namin, Diary, at hinanap ang three-door refrigerator na sinasabi ni Inay, pero wala naman akong makita. Tiningnan ko na rin sa ilalim ng mesa, sa banyo, sa likod ng pinto at sa mga drawer sa kusina pero wala akong makitang three-door refrigerator. Tanging isang one-door refrigerator lang ang nakikita ko na pulos kalawang pa. Ilang taon na `tong ref na `to sa amin at may kaunting diperensiya na rin. Hindi na kasi masyadong lumalamig at kadalasan imbes na maging yelo ang tubig, nagiging boiled water pa. Naging instant oven toaster ang ref.

Bumalik ako sa sala para muling tanungin si Inay. “Inay,`asa’n `yong three-door ref na sinasabi n’yo? Hindi ko naman makita, eh,” naiinis na tanong ko.

“Hindi mo nakita, anak kong shunga?”

Tumango ako.

“Baka naiwan ko sa ilalim ng lamesa. Tiningnan mo na ba do’n?”

Tumango uli ako.

“Eh, sa kubeta? Sa likod ng pinto? Sa likod ng bahay? Sa garden? Hindi mo ba nakita ang ref natin do’n?”

“Wala, Inay,” sagot ko.

“Ay! Baka na-misplace ko na naman `yong ref natin. Hayaan mo na, bukas susulpot uli `yon. Pinagalitan ko kasi kanina `yon at baka nagtampo. Magbukas ka na lang ng sardinas.”

“Ano pa nga ba’ng magagawa ko.”

Nagbukas na lang ako ng sardinas tulad ng sabi ni Inay. Habang binubuksan ko ang lata, Diary, naaamoy ko na ang lansa ng sardinas. Pero dedma na lang ako. Mas malansa at nangangamoy pa rin kasi kaysa sa sardinas na `to ang pempem ko kaya immune na ako sa amoy.

Habang kumakain ako, bigla na namang nagsalita si Inay.

“Hoy, Pilar. Nakasalubong ko pala kanina si Ninang Glenda mo. Kung gusto mo raw ba ng part-time job since college ka nang gaga ka.”

“Saan naman daw? Baka naman kung anong part-time job `yan. Naku, Inay, ah. Ayokong magbenta ng katawan o maging dancer sa isang bar. Ayoko ring maging pusher ng shabu.”

“Eh, pusher ng marijuana, keri?”

“Yeah, keri lang,” sagot ko saka sumubo ng kanin.

“Gaga ka talaga. Desenteng trabaho `to. Natatandaan mo naman si Ninang Glenda mo, `di ba?”

Tumango ako. “Oo naman, Inay. Sino bang makakalimot sa pinakagalante kong ninang? Sinong makakalimot kay Ninang Glenda na kapag umuuwi galing Japan, ang laging binibigay sa akin no’ng bata ako ay isang pirasong chocolate at isang noodles,” sarkastikong sagot ko kay Inay. “Hindi ko makakalimutan `yang si Ninang Glenda. Sobrang galante niyan, eh.”

“Ay, bitter ang isa d’yan, o. `Wag ka na ma-bitter, anak. Malay mo naman ngayon, malaki na ang ibibigay sa `yo no’n since dito na sila sa `Pinas nag-i-stay. Kung hindi ko pa siya nakasalubong sa palengke kanina ay hindi ko malalaman na dalawang taon na pala sila dito sa `Pinas,” pagkukuwento ni Inay. “Ano, gusto mo bang mag-part-time job? `Binigay niya sa akin ang address ng restaurant niya at ibigay ko raw sa `yo.”

Napaisip naman ako kung papayag ba ako sa sinabi ni Inay, Diary. Kapag pumayag ako mag-part-time, eh, di ibig sabihin, mababawasan na ang oras ko kay Josh. Mababawasan na ang date naming dalawa. Pero maganda rin ang opportunity na `to para may pera naman ako at hindi na ako aasa sa ibinibigay ni Inay na bente na allowance ko araw-araw. Mabibili ko pa si Josh ng mas magandang regalo kapag monthsary namin.

Sige na nga, papayag na ako.

“Sige na. Para naman may extra pera ako.”

“Good. Pumunta ka na lang do’n bukas. Ikumusta mo rin ako do’n sa kinakapatid mo. Ano nga ba’ng pangalan n’on?”

“Si Monjie. Pero Mong ang palayaw niya. Si Mong na mongoloid.”

Bigla akong natawa nang maalala ko si Monjie na kinakapatid ko, Diary. Ako kasi ang nagbigay ng palayaw do’n na “Mong” dahil hindi ko mabigkas nang maayos ang pangalan niya. Lagi ko rin `yong inaasar na mongoloid dahil nga singkit at anak ng Hapon. Payatot pa siya no’n at lampa kaya binu-bully ko. Lagi ko pa `yong pinapaiyak no’ng mga bata kami dahil lagi kong pinapaamoy sa kanya ang panty ko. Hay, `kaka-miss naman si Mong. `Di bale, bukas naman siguro magkikita kami.

Ngayon kaya puwede ko pa ring ipaamoy sa kanya ang panty ko, Diary? Ano na kaya ang hitsura n’on? Mukha pa rin kayang mongoloid?

Umakyat na ako sa kuwarto ko at nagpahinga. Tiningnan ko uli ang cell phone ko pero wala pa ring text galing kay Josh. Ano ba’ng nangyayari sa lalaking `yon? Tsk. Makapag-selfie na nga lang na nakanguso at tears pa. Hashtag hurt.

No’ng wala akong magawa, binuksan ko na lang ang computer ko. Padala `to sa akin ni Itay no’ng bakasyon bilang reward sa graduation ko no’ng high school. Ang taray nga ng brand, eh, banana. Paborito ko pang prutas.

Pagbukas ko ng Facebook, agad kong tiningnan ang profile ni Josh. May status siyang kapo-post lang thirty minutes ago.

I’m such a jerk.

Ang daming likes na agad ng status ni Josh ko, Diary. Famous talaga `tong boyfriend ko. Samantalang ako kapag nag-i-status, walang nagla-like. Kundi ko pa ime-message isa-isa ang mga friend ko online, hindi sila magla-like. `Yong iba ko pang mine-message minumura ako.

Tse! Mga snob.

May isang comment na nakalagay sa status ni Josh, Diary.

“Queen Monica Gordon,” sabi ko nang basahin ko ang pangalan ng babaeng nag-comment sa status ni Josh ko. Sunod ko namang binasa ang sinabi niya.

You’re not, Josh. Trust me, you’re not.

May nakalagay pang kindat at sangkaterbang puso, Diary. Sino ba `tong babae na `to?

Siyempre hindi ako nagpatalo, Diary. Nag-comment din ako ng,

You’re not a jerk `cause you’re my universe, Josh. Boom panes!

Naghintay ako nang ilang sandali pero walang reply si Josh. Mukhang offline na siya, Diary.

Nag-message naman ako sa kanya at nagbabaka-sakaling online pa siya.

Pilar Payoson : Josh ko, bukas pupunta akong bayan. Punta ako sa isang restaurant para sa isang part-time job. Samahan mo `ko, please? :)

Nakita kong may lumabas na “seen,” Diary. Online pa nga si Josh ko.

Joshua is typing a message...

Joshua : Hindi ako puwede, eh. Sorry.

Pilar Payoson : Aww. Ayos lang. Ano ba’ng gagawin mo?

Joshua : May lakad kami ni Mommy, Pipay.

Pilar Payoson : Ah, sige. Teka, maitanong ko lang. May problema ka ba? Para kasing wala kang gana.

Joshua is typing a message...

`Yan lang ang lumalabas, Diary, at medyo natagalan ang sunod na reply ni Josh.

Joshua : Pinapatulog na ako ni Mommy, Pipay. Maaga pa kasi kami aalis bukas. Goodnight na...

Pilar Payoson : Sige. Goodnight din. Kung may problema ka sabihin mo agad sa akin, ah? Willing akong makinig, Josh ko. Ako ang girlfriend mo kaya makikinig ako.

Seen 10:32

Pilar Payoson : Lagi mo tatandaang mahal na mahal kita. Hihi. I’m here for you always, Josh.

Seen 10:40

Pilar Payoson : I love you to the pempem and back and forth.

Seen 10:45

Pilar Payoson : Mahal na mahal kita kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari sa `yo ngayon. `Andito lang ako at iintindihin ka, Josh. :’(

Pipindutin ko na sana ang “Enter” Diary para ma-send ang last message ko for Josh pero `wag na lang. Binura ko na lang iyon at pinalitan.

Pilar Payoson : Goodnight na. Kita-kits na lang sa Monday. Mag-load ka na, ah? `Love you biri mats.

Seen 11:00

Mukhang wala nang planong mag-reply si Josh, Diary, kaya nag-log out na ako saka pinatay na ang computer. Kinuha ko ang cell phone ko saka humiga sa kama. Tiningnan ko ang pictures namin ni Josh na nasa cell phone ko at inalala ang mga pinagdaanan naming dalawa. Hindi dapat ako makaramdaman nang ganito, Diary. Alam kong may problema lang si Josh kaya kailangan kong hintayin ang paliwanag niya.

Tama. Be strong, Pipay.

Pero okay lang namang umiyak,`di ba?

Bakit ko pa ba tinatanong sarili ko, Diary? Eh, tumulo na nga ang mga luha ko nang kusa, eh.

Papikit na ang mga mata ko nang biglang mag-ring ang cell phone ko. Agad akong napatingin sa screen para tingnan ang caller at nabasa kong si Josh ko ang tumatawag.

“Hello...” nanginginig ang boses ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Hindi agad siya nagsalita, Diary. Tahimik lang sa kabilang linya kaya muli akong nagsalita.

“Josh...”

“Pipay...” parang garalgal ang boses niya. Galing ba siya sa pag-iyak? “I’m so sorry... I love you so much pero sorry...”

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Wala `to... Goodnight na. Sige, matulog ka na at good luck bukas. I love you...”

“Josh — ”

Magsasalita pa sana ako kaso pinatay na niya ang tawag. Hindi ko talaga siya maintindihan. Sana kung ano man ang problema niya, hindi maapektuhan ang relasyon namin. Kasi paniguradong hindi ko kakayanin.

Naramdaman ko na naman na tumulo ang mga luha ko, Diary. Ipinikit ko na lang uli ang mga mata ko at sinubukang matulog. Para kahit papaano, matakasan ko `tong kirot sa dibdib ko.

Goodnight, Diary.

Love,

Pipay