Malandi #1
Dear Diary,
Ang aga-aga ang ingay ng bibig ni Inay, Diary. Akala mo machine gun na pinasukan ng sobrang daming bala kaya dere-deretso ang mga sermon sa akin ngayon. Jusko,`day! Ilayo n’yo nga sa akin `yang si Aling Tinay baka magdilim ang paningin ko at maibala ko `yan sa kanyon papuntang Lebanon. Charot!
“Ano, magpupuyat ka pa, Pilar? Ilang beses kitang pinaalalahanan kagabi na matulog ka na dahil ngayong araw ang first day of college life mo pero hindi ka nakinig,” sermon niya sa akin habang nasa likuran ko siya at inaayos ang mga damit na lalabhan niya. “Ang pangit-pangit mo na nga, ang tigas pa ng bungo mong bata ka. My God! Stress much.”
“Inay, `wag kang OA,” sabi ko sa kanya sabay kagat ng tinapay. “Alas-siyete pa lang ng umaga at alas-diyes pa ang pasok ko,” nakabusangot na sagot ko sa kanya.
“`Wag kang sumasagot habang nagsasalita pa ako. Bastos talaga `tong batang `to.” Sabay batok sa akin. “Sa susunod na magpupuyat ka, kukunin ko na ang iPad Air mo pati `yang iPhone 5s mo.”
Hindi ako sumagot.
“Hoy!” Binatukan na naman ako ni Inay. “Kinakausap kita kaya sumagot ka.”
“Ano ba talaga, Inay? Ang gulo-gulo mo namang kausap, eh!” naiinis na sagot ko sa kanya. “Sabi mo `wag akong sasagot habang nagsasalita ka, ngayong hindi ako sumasagot, nagagalit ka pa rin. Enebe, Inay. Hindi kita ma-gets. Saka wala naman akong iPad air at iPhone 5s, eh. Naka-drugs ka ba?”
“Echos lang `yong iPad Air saka iPhone 5s. Practice lang, malay mo next week bigyan kita.”
“Talaga, Inay?”
“Joke. Tigilan mo ako, Pilar. Hindi ka rich kid kaya `wag kang maghangad ng magagandang gadgits . Ang mahal na ng tuition mo kaya `wag ka nang dumagdag sa gastusin!” bulyaw na naman niya sa akin. “Mag-aral kang mabuti para matuwa ako sa `yo pati ang papa mo. Sige, diyan ka na at maglalaba pa ako ng mga panty mong nangingitim na sa dumi. May boxing pala ako mamaya, nood ka, ha?”
“Hindi ako makakanood. Busy ako. Tulog. Naglayas.”
“Ay, nagtampo ang pangit kong anak.” Tumawa si Inay. “Sakit ba, bH3? Sorry na, bH3. Hahaha.” Tawa nang tawa si Inay bago pumunta sa likuran ng bahay namin para maglaba.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng almusal ko, Diary. Itinuon ko na lang ang pagka-bad trip ko sa tinapay na nasa harap ko. Taggutom na ba kami, Diary, kaya tinapay lang ang almusal ko ngayon? Saka ano bang pinagsasasabi ni Inay na ang mahal daw ng tuition na binayad niya sa school na papasukan ko?
Heller, Inay. Naka-shabu ka ba? Paaral kaya ako ni Konsehala.
Lately, hindi ko na ma-gets ang mga pinagsasabi ni Inay. Mukhang naalog na ang maliit niyang utak sa pakikipagbasag-ulo kay Aling Petra. Jusme, kung kailan tumanda saka naging sakit ng ulo ko, eh. Lalong naging basagulera. Palayasin ko na kaya ng bahay `yan para stress-free na ako?
Habang inuubos ko ang pagkain ko ay biglang may kumatok sa pinto. Agad akong napalingon, Diary, para makita kung sino ang nandoon.
Agad napangiti ang pempem—este, ang puso’t mga labi ko dahil sa lalaking nakatayo sa harap ko. Nakangiti siya nang malapad sa akin habang nakatingin na para bang may pagnanasa. Chenes lang. Ang guwapo niya sa suot niya ngayon, Diary, at mukhang pinaghandaan niya ang first day of our college life together.
“Kung pumapasok ka kaya dito sa loob ng bahay `tapos halikan mo agad ako, eh, di natuwa ako sa `yo, `di ba?” sabi ko sa kanya saka siya inirapan.
Agad naman siyang pumasok ng bahay at hinila ako patayo. Magkaharapan na kaming dalawa ngayon.
“Sorry na. Ito naman, aga-aga galit agad?”Hinawi niya ang buhok ko. “Ang ganda mo ngayon, Pipay.” Hinalikan niya ako sa mga labi. “Baka madaming lalaki ang magkagusto sa `yo ngayong college na tayo at iwan mo ako. Naku, papatayin ko sila kapag inagaw ka nila sa akin.” Hinalikan naman niya ako sa ilong.
Emeged, Diary. Kilig pempem na naman ako dahil sa mga sinabi ni Josh ko.
“Lagi naman akong maganda, `di ba?”
Tumango siya.
“Saka ano naman kung madaming magkagusto sa akin? Sanay naman na ako do’n, eh.”
“Sanay ka na? Ilan ba ang nagkagusto sa `yo no’ng high school pa tayo? Ako lang naman saka si Prince, ah?”
“O, dalawa kayo ni Prince. More than one kaya madami na. Bobo much lang?” Tumawa ako. “Saka wala namang kaso kung may magkagusto sa akin, Josh ko. Ang tanong, gusto ko rin ba sila? `Di ba nga, iCkAw LhArN zHaPaT nHa? Ikaw lang din ang tinitibok ng pempem—este, ng puso ko.”
Natawa si Josh. “Sira. Ikaw talaga, pulos ka kalokohan.” Pinisil niya ang ilong ko. Naamoy kong amoy-Zonrox ang kamay ni Josh. Emeged. Anong ginawa ni Josh at bakit amoy-Zonrox ang kamay niya?
“Kumain ka na?”
Umiling si Josh.
“Tara, kain ka muna bago tayo pumasok sa school.”
Pupunta sana ako sa kabilang upuan pero pinigilan ako ni Josh. Umupo siya sa upuang inuupuan ko kanina at hinila ako para kumandong sa kanya. Naramdaman ko ang matigas na bagay na tumatama sa likod ko, Diary.
`Wag kang malisyosa. Sinturon ang tumutusok sa likuran ko. Ang dirty-dirty talaga ng utak mo, Diary. `Wag ganyan. Magagalit si Bro.
“Anong oras ang first class mo?” tanong ko kay Josh sabay subo sa kanya ng tinapay. Naka-back hug siya sa akin kaya medyo nahihirapan akong kausapin at subuan siya.
“Ten thirty pa,” sagot niya habang ngumunguya. Sinandal niya pa ang ulo niya sa likod ko. “Ang bango mo, Pipay. Hmmm...” Sininghot niya ang amoy ko.
Mabango pala sa katawan ang pH Care, `no? Ginawa ko kasing body scrub kanina, eh. Akala ko, pambuhok lang ang pang-hair care pero hindi pala. Hihi. Pipay learned something new.
“Saan ang first subject mo?” tanong ko uli kay Josh.
“Sa Engineering department. Do’n lang naman yata lahat ng subjects namin. Unlike sa inyo na palipat-lipat ng building. Kawawa naman ang Pipay ko, mapapagod kakalakad.” Hinaplos ni Josh ang buhok ko. “Basta lagi tayong sabay mag-lunch at uuwi, Pipay, ah? Saka kapag may lalaking ginugulo ka, sabihin mo agad sa akin para babalian ko ng buto.”
“Oo na po.” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Josh. “Ikaw rin, Josh ko, ah? Kapag may babaeng lalapit sa `yo at lalandiin ka, sabihin mo sa akin para maipatumba ko agad. Akin ka lang tandaan mo `yan.”
“Siyempre naman.” Ngumiti si Josh. “I love you, Pipay.”
“I love you, too,” matamis na sagot ko sa kanya.
“To the pempem and back?” tanong uli ni Josh, Diary.
“Of course.” Tumango ako nang bongga. “To the pempem and back and forth. JoPay LhArn ZhApAt nHa. Don’T mEss WiTh ThE bHosxz.” Saka ako hinalikan uli ni Josh nang medyo matagal.
Tumayo na kaming dalawa at nag-ayos para pumasok. Humingi ako kay Inay ng baon pero ang binigay niya lang sa akin ay isang Zest-O at isang Fudgee Bar. Shutang inerns. Ano ako, kindergarten? Aangal pa sana ako kaya lang sinabi agad ni Josh na `wag na raw at hayaan na lang dahil ililibre na lang daw niya ako ng lunch. Hay, nakakahiya naman sa boyfriend ko. Nakakahiya talaga! Kaya kapag nag-date kami, papabili ako sa kanya ng touch screen na cell phone, charot.
Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa motor ni Josh. May motor na si Josh na regalo sa kanya ng bruhilda niyang nanay, Diary. Kaya wala nang hassle sa aming dalawa kapag gumagala kami. Lagi ko pang nayayakap si Josh at nahahawakan ang mga muscle niya sa katawan. Hihihihi.
“Pipay, binilhan kita ng helmet,” sabi niya sa akin saka ipinakita ang pink na helmet na hawak niya. “Terno tayo ng design. Letter LO ang nasa likod ng helmet ko.” Ipinakita niya ang design ng kanya.“Samantalang sa `yo, VE naman.”
“Bakit LO sa `yo at VE ang sa akin?” tanong ko.
“Kasi hindi mabubuo ang LOVE kapag walang LO ang VE. Parang tayong dalawa, paano na ako kapag walang ikaw?” seryoso niyang sagot sa akin.
“Nakakainis ka. Ang cheesy mo!” Pinalo ko si Josh nang mahina sa braso.
“Hindi ko alam, eh. Sa bawat araw na nagdadaan, lalo kitang minamahal. Puwede pala `yon,`no?” Ngumiti si Josh.
“Tse, tama na ang bola. Let’s G na sa SOGO.”
“Anong SOGO? Sa school tayo pupunta, hindi sa motel, Pipay,” natatawang sabi niya.
“Sa school nga. South of Gordon Orlex University ang name ng school natin. SOGO for short.”
“Ang pangit naman ng pangalan ng school natin. Ang bobo talaga mag-isip ni Author, `no? `Kainis,” iritableng sabi ni Josh.
“Sinabi mo pa,” pagsang-ayon ko. “Ano ba ’ ng aasahan natin sa author na `yan? Alam lang niyan pulos pagpapapogi, eh. Tara na nga, baka ma-bad trip pa ako kay Author.”
Nagsimula na kaming bumiyahe ni Josh papunta sa school, Diary. Kahit dalawang buwan pa lang kay Josh ang motor niya, alam na alam na niya agad kung paano ito patakbuhin. Ang galing talaga ni Josh sumakay sa motor, `no? Sana someday ako naman ang sakyan niya para malaman ko kung gaano siya kagaling. Echos lang, Diary. `Naughty mo, ah! Hihi.
Maaga kami nakarating sa school, Diary, dahil walang masyadong traffic. Ang laki-laki ng SOGO, Diary, unlike sa dati naming school ni Josh. Siguro sampung beses ang laki nito kaysa doon. `Sabagay, university na `to.
Ang dami rin agad estudyante sa paligid namin. Halo-halong estudyante na akala mo may mga pinagmamalaki sa buhay.
May magaganda at guwapo. May chaka at feeling pretty rin. Samahan pa ng mga mukhang kuko at mga mukhang parang takas sa preso. My gosh. Are they even just students?
May mga halatang rich kid din at mga feeling rich kid. Oopps, may social climber din pala at mukhang carnapper at snatcher ng cell phone.
Halo-halo na talaga ang mga students kapag university, `no? Hindi na nasasala.
Hawak-kamay kaming pumasok ni Josh sa loob ng school. Pansin ko ang malalagkit na tingin ng malalanding pokpok na nadadaanan namin ni Josh ko. Iyong iba napapanganga pa dahil sa kaguwapuhan ng boyfriend ko. Mukhang may mga lalandi agad sa Josh ko, ah. Subukan lang nila at makakatikim sila ng panty na hindi nahugasan ng isang buwan.
`Wag n’yong gagalitin si Pipay. Iba akong magalit. Grrrrrr.
Hindi binitiwan ni Josh ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng classroom ko, Diary.
“So, paano? Text mo na lang ako kapag labasan n’yo na, ah?” nakangiting sabi niya sa akin.
“Opo.” Humalik ako sa pisngi niya. “I love you.”
“Ako dapat ang magsasabi niyan. Inunahan mo naman ako, eh,” inis na sabi niya. “I love you, Pilar Payoson-Manalo.”
Natawa naman ako. “I love you, too.” Mabilisan akong hinalikan ni Josh sa mga labi.
Magpapaalam na sana siya kaso biglang may humarang na dalawang babae. Kambal ang mga ito dahil magkamukhang-magkamukha sila. Ang jeje ng porma nilang dalawa. Parang pokpok sa kanto.
“Hi, pogi,” sabi ng babaeng malapad ang noo. “Anong name mo?” tanong niya kay Josh ko.
“Ah...” Napatingin si Josh sa akin. Siguro naghihintay siya ng sagot ko kung kailangan niya bang sumagot sa malalanding gagang nasa harap namin. “I’m hers...”
“Hers?” gulat na sabi ng isa pang malanding babae. “Is that even a pangalan? Hers? Weird, ah.”
“I’m hers... I mean, her boyfriend,” magalang na sagot ni Josh saka hinawakan ang kamay ko. “I’m Josh. Her property.”
Nalaglag sa ere ang mga panga ng kambal. Napangisi na lang si Josh habang ako ay natawa sa reaksiyon nilang dalawa.
“OH... MY... GOLLY... You mean, girlfriend mo siya?” gulat na tanong ng isa.
“Yes.” Tumaas-taas ang mga kilay ng boyfriend ko.
“I thought katulong mo siya,” hindi makapaniwalang sagot ni Gaga. “In all fairness, ah. Hindi naman hamak na mas maganda kami diyan sa girlfriend mo. Wala kang taste,`no?”
“May taste naman ako,” natatawang sagot ni Josh. “Kaya nga never ko kayong papatulan, eh. HAHA.” Tumingin sa akin si Josh. “Sige na, Pipay, papasok na ako. `Love you.” Kumindat pa si Josh sa akin saka lumakad palayo.
“Ang yabang niya! Akala mo naman kung sinong guwapo!” pagmamaktol ng isang gaga.
“Gaga, twinnie. Guwapo talaga siya,” sagot naman ng kakambal niya.
“Magiging boyfriend din kita. Aagawin kita sa pangit na `to.” Itinuro pa niya ako.
“You know what, girl?” sabi ko sa kanya. “Just grow up.” Tuluyan na akong pumasok sa classroom na may ngiting tagumpay sa mga labi.
Sige na, Diary, kukuwentuhan na lang kita sa susunod. Malapit nang dumating ang professor namin.
Nagmamaganda ngayong college,
Pipay
PS. Shutang inerns lang si Author. Chapter one pa lang ng story may kontrabida agad. Hindi lang isa, kundi dalawa pa. Pakyu , Sic. Pakyerns.