noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 30

Ch. 31 / 98 Feb 05, 2022

“Doc, pwede na po ba akong umuwi?” tanong ni Abegail, ang nurse ni Harris.

Saglit na nabaling ang tingin ni Harris sa orasang nakasabait sa dingding. Alas dos na ng hapon. Kapag ganitong panglimang araw ng bukas ng clinic niya sa loob ng isang buwan ay wala na masyadong pasyente ang nadating kaya pwede na siyang magsara ng maaga. “In five minutes kapag wala na talagang pasyente na dumating, pwede ka nang maunang umuwi,” tugon niya. Tatawid pa kasi sa kabilang isla si Abegail kung saan ito nakatira.

“Sige po. Thank you, doc,” ani Abegail bago muling isinarado ang pinto.

Ibinalik naman ni Harris ang atensyon sa ginagawang pagpirma sa kaharap na mga papel. May ilan minuto niya pang binasa ang iba sa mga iyon bago sumandal na inuupuang swivel chair upang magpahinga. Tumingala siya at ipinikit ang mga mata. Kahit wala sila masyadong pasyente ay napagod naman siya kababasa at kapipirma sa mga kaharap na papeles. Ang ilan sa mga iyon ang mga request na gamot para sa kabilang isla, mga seminar na dapat niyang puntahan at kung ano-ano pa na kailangan niya munang basahin ng ilang ulit bago pirmahan.

“Hi doc pogi, pwedeng magpa-check up.”

Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Harris nang mamulatan ang mukha ni Rose na nakasilip sa pintong bahagyang nakabukas. Sinenyasan niya itong pumasok bago siya umayos ng upo at ipinatong pa ang mga siko sa lamesa. “Anong ipapa-check up mo, miss?”

“Ano po kasi doc,” panimula ni Rose nang makaupo sa harapan ng binatang doktor. Nakasuot siya ng kulay pink at maiksing dress na walang manggas na alam niyang lalong nagpapaputi sa kulay niya. Iniipit pa niya ang buhok sa may likod ng tainga bago ngumiti. “May problema po yata ‘tong puso ko.”

“Anong problema ng puso mo, miss? May kakaiba ka bang nararamdaman? May masakit ba?” muling tanong ng gwapong doktor.

“Hindi naman po masakit, doc. Pero para kasing hindi ko na siya maramdaman dito,” tugon ni Rose habang sapo ang dibdib.

Nagkunwang kumunot ang noo ni Harris. “Talaga? Saan naman kaya napunta ‘yun? Saka kailan mo ba nag nagsimulang maramdaman ‘yan?”

“Actually, parang simula lang po kanina after ko buksan ang door. Para nga pong hindi dapat saan napunta ang puso ko ‘yung tanong ninyo. Dapat yata, kanino napunta,” muling tugon ni Rose.

Napatikhim si Harris. Hindi niya na alam kung paano pa pipigilan ang paglapad ng mga ngiti. “Okay, so… Sa tingin mo, miss. Kanino kaya napunta ang nawawala mong puso?”

“Uhmmm…” Kingat muna ni Rose ang labi bago bumuntong hininga. “Ano po eh… Parang… Parang sa lalaking nakaputi na nasa harapan ko ngayon.”

Lumunok naman ng laway si Harris. Wala na siyang mahagilap na salitang itutugon sa magandang kausap kaya napapangiting umiling na lamang siya. “Let’s stop this. Nai-speechless na ako sa totoo lang,” kamot ang ulo at natatawang sabi niya.

“Sige na nga,” pati si Rose ay natatawa na rin. Ipinatong niya mga braso sa ibabaw ng lamesa upang mas mailapit ang sarili sa kausap. “Uhmm. May gagawin ka pa ba mamaya? Sabi ng nurse mo sa labas, wala na raw kayong pasyente. So, busy ka pa rin ba?”

Sinimulang ayusin ni Harris ang mga kaharap na papel bago itinabi. “Kanina oo, pero nung pumasok ka. Hindi na…”

“Bumabawi ka, doc ah.”

“H’wag mo kasi akong binibigla, miss. Natatameme ako,” napapailing na tugon ni Harris. “So ayun nga, saan mo ako ide-date.”

Si Rose naman ang sumandal sa inuupuan bago naghalukipkip ng mga braso. “Akala ko ba doktor ka? Bakit bigla ka na lang naging manghuhula? Paano mo nalaman na ide-date kita ngayon?”

***

“Paano mo nalaman ang lugar na ‘to?”

Napahinto si Rose sa paglalakad dahil sa tanong ni Harris na nakasunod lang sa may likuran niya. Pasimple niyang ngumisi ngunit sa pagharap sa binata ay matamis na ngiti na ang nakaguhit sa mga labi niya. “Aksidente lang nung naghahanap ako ng magandang view para sa ginaagawa kong project.”

Mataas pa rin ang sikat ng araw sa hapon na iyon pero dahil malakas ang hangin ay hindi na masakit sa balat.

“Matagal na akong hindi nakapunta dito. Naalala ko pa na ang tawag naming magkakaibigan sa parte ng isla na ‘to, Paraisong Azul.” Hindi na rin nagpatuloy sa paglalakad si Harris bago inilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya na matandaan kailan siya huling nakapunta sa lugar na iyon pero naalala niyang isa iyon sa pinakapaborito niyang lugar noong kabataan niya. Ang likod ng isla na bihirang puntahan ng mga tao. Wala naman kasing isda masyado sa bahaging iyon. Silang magkakaibigan lang ang buminyag dito na Paraisong Azul, mas matingkad kasi ang pagkaasul na tubig dagat dito at tila totoong paraiso sa katahimikan.. “Mahirap kayang puntahan ‘to ng walang sasakyan.”

“Wala namang mahirap kung gugustuhin ‘di ba?” ani Rose bago umupo sa may tuyong bahagi ng isla.

Umupo na rin si Harris sa tabi ng dalaga. Iniiwas niya ang tingin sa maputing hita nito kung saan lumulis ang maikling palda dahil sa pagkaka-bend ng mga tuhod. “Sabagay, may point ka do’n. Kumusta na pala ang project mo? Patapos na ba?”

“Medyo,” sagot ni Rose bago bumulong. “Malapit na…”

“I see. So kapag natapos na, ibig sabihin ba…” Hindi na itinuloy ni Harris ang sinasabi.

“Ikaw naman, nandito pa ako… Nami-miss mo na kaagad ako.” Bahagyang niyakap ni Rose ang mga tuhod bago nakangiting tumingin kay Harris. Pasimple siyang bumuntong hininga nang tumama ang sikat ng araw sa gwapong mukha nito. Bakat din ang magandang hubog ng mga muscle nito sa suot na fitted na poloshirt. Pinipigilan niya ang sarili na kiligin. Hindi pwede. Hindi pa.

“Bakit ako? Hindi mo ba ako mami-miss?” tanong ni Harris na sinalubong na ang mga tingin ng kausap.

Bigla namang nag-inat si Rose ng mga braso bago humiga at iniunan ang mga kamay na pinag-krus niya. Ramdam niya ang pagdikit ng maliliit na butil ng buhangin sa balat niya. “Sarap humiga.”

Napalunok si Harris. Kung kanina ay dahil iyon sa maputing hita ni Rose ngayon ay dahil sa maputing kili-kili nito kaya ibinalik niya ang tingin sa asul na dagat.

Napansin naman iyon ni Rose na lalong tila nagpapasabik sa kanya. Gustung-gusto niya talaga ang pagpapakikpot na ginagawa ng gwapong doktor. “May tanong ako, nag-eenjoy ka naman sa trabaho mo?”

“Honestly, hindi masyado.” Nanatili sa dagat ang mga tingin ni Harris. Ayaw niya kasing ipakita sa dalaga ang mapait at pilit na ngiti sa mga labi niya. “Ang nae-enjoy ko lang naman kapag nakakatulong na ako sa ibang tao. Pero personally, lalo na kapag wala na akong ibang ginagawa. Parang… Parang may gusto pa ako na ibang subukan na gawin.”

Napabangon naman si Rose. “Talaga? Ano ‘yun?”

“Siguro, ‘yung first passion na gusto ko talagang gawin dati pa. Photography. Na-kwento ko naman na ‘di ba? ‘Yun talaga ang first love ko.”

Natuwa si Rose bago inabot ang gamit sa tabi niya. “Oh, sakto naman pala.”

“Bakit?” takang tanong ni Harris nang tumingin kay Rose na may kinukuha sa loob ng bag na dala.

“Kaya pala naramdaman ko na gusto ko ‘tong dalhin kahit mabigat,” ani Rose habang hawak ang DSLR camera niya. “Gusto mong laruin ito?” nakangiting tanong niya.

“Ha?” kunot ang noo pero natatawang saad ni Harris.

“I mean – sorry ang pangit pala ng words ko…” pati si Rose ay natawa na rin. “Gusto mong subukan ‘to?”

“Talaga?” nae-excite na tanong ni Harris. Matagal na kasi noong huling beses siyang nakahawak ng camera. Nasa college pa yata siya no’n. Nang malaman kasi ng daddy niya ang tungkol sa pagsali niya sa camera club ng university nila ay binasag nito sa harapan niya ang camera niya, mula nga noon ay hindi na siya sumubok pa na humawak no’n. “Pero hindi ko na yata alam gamitin ‘yan. Matagal na kasi nung last time na humawak ako ng DSLR camera.”

“Ano ka ba, madali lang ‘to,” ani Rose bago itinuro kay Harris kung paano gamitin ang kamera na hawak niya. “Oh ‘di ba madali lang?” “

“Medyo nga. Parang ganito rin ‘yung last na kamera na nagamit ko na… Na binasag ni daddy.”

Nabakasan ni Rose ang lungkot sa boses noi Harris. Pinasigla niya ang sarili. “Kaya kakalimutan mo munang ikaw si Doc Harris kasi magiging photographer ka for today. Pero siyempre, kapag may photographer, dapat… May model ‘di ba?”

“W-wait…” Hindi na napigilan ni Harris nang itaas at tuluyan nang hubarin ni Rose ang suot na dress. Pasimple siyang muling lumunok nang tumambad sa harapn niya ang magandang katawan nitong nakasuot ng kulay asul na two-piece na swim suit. Parang nag-slow motion pa ito sa paningin niya nang tanggalin ang mataas na pagkakapuyod ng buhok at bahagyang ginulo gamit ang isang kamay, kasunod ang paglalakad at paghiga nang patagilid sa may bahagi ng isla na bahagyang naabot na ng tubig dagat.

“Ready na ang model mo, Harris,” ani Rose nang makapwesto nang higa at ngumiti sa lalaking may hawak ng kamera.

Napangiti na lamang si Harris bago saglit na tiningnan ang hawak na kamera. Matagal na niya ulit ito na gustong gawin. Napakatagal na. Tumayo na siya at pumwesto hindi kalayuan kay Rose bago sinimulan itong kuhnan ng mga litrato.

At dahil paminsan-minsan ay nagiging modelo rin si Rose, alam na alam niya na ang dapat gawin. Mula sa pagpose, pagliyad hanggang sa mapang-akit na mga ngiti.

“Ibang angle naman tayo,” ani Harris na nang-eenjoy na sa ginagawa. Pakiramdam niya kasi ay nasa isang photo studio talaga silang dalawa.

“Ganito ba?” Kumilos si Rose at nag-indian sit. Itinaas ang dalawnag kamay at inilagay sa likod ng ulo. Sinadya niya pang mas guluhin ang buhok kanina upang bahagyang matakpan ang mukha niya.

“Wait, natatakpan ang mukha mo,” ano Harris. Ibinaba niya muna ang kamera bago lumapit sa dalaga. Inayos niya ang buhok nito at ang isang kamay ay ibinaba sa may tabi. Iniiiwas niya ang tingin sa mga hita nitong bahagyang nakabuka dahil sa pagkaka-inidian sit. Pero unti-unti ay nawalan na siya sa konsenstrayson nang mapatingin sa malusog na dibdib ni Rose, sa maputi nitong kili-kili hanggang sa makinis na leeg at balikat. Nagtiim ang kanyang bagang kasunod ang paglunok ng laway. Hawak pa rin niya ang isang kamay ni Rose na nakababa sa may buhanginang at wala nang isang dangkal ang layo ng kanilang mga mukha mula sa isa’t-isa. Muli siyang napalunok nang bumaba ang mga tingin niya sa mapulang labi ng dalagang bahagyang nakaawang na tila ba handang-handa na magpasunggab sa kanya. Tuluyan na siyang nawalan ng control at konsentrasyon. Nakita na lamang niya ang sariling mga kamay na sabay na namamasyal sa makinis na mga balikat ni Rose habang magkatitigan ang kanilang mga mata.

Naramdaman naman ni Rose ang mainit na mga palad ng gwapong doktor na humaplos na sa mga pisngi niya. Hindi siya sigurado kung handa na siya pero alam niyang kailangan na. Nakulong na ang maliit niyang mukha sa mga palad ni Harris at halos nagkakaamuyan na sila ng hininga. Lumalalim at bumibilis na rin ang tibok ng puso niya na pakiramdam niya ay maririnig ng binate anumang oras. Muli siyang napalunok nang halos isang pulgada na lang ang layo ng mga labi nila sa isa’t-isa. Iniawang na niyang muli ang mga labi upang maging handa sa mga susunod na gagawin ni Harris.

“I thnik we need to go back,” halong pabulong na sabi ni Harris. Pilit pa siyang ngumiti na sinubukan niyang gawing natural sa mga labi bago tumalikod at naglakad pabalik kung nasaan ang binitawang camera.

Kumunot naman ang noo ni Rose bago napailing. Isang malalim na buntong hininga ang pasimple niyang binitawan bago tumayo. “Harris…”

Hindi alam ni Harris kung paanong kaagad na nakalapit si Rose sa kanya. At bago pa siya nakakilos dahil sa pagkagulat nang mapaharap sa dalaga ay lumapat na ang mapulang mga labi ni Rose sa mga labi niya. Mapusok ang mga halik nito na kaagad na nagpadarang sa kanya. At kung kanina ay pilit pa niyang kinokontrol at pinipigilan ang sarili, ngayon ay hindi na. Muling binihag ng mga kamay niya ang pisngi ni Rose at sinagot ang mga halik nito. Hinanap ng dila niya ang dila ng magandang turista bago tila nakipag-espadahan sa loob ng kanilang mga bibig. Lumalalim na lalo ang kanyang paghinga nang maramdaman ang pagbukas ng dalaga sa butones ng suot niyang poloshirt. Hindi na siya muli pang nagpapigil at mas lalong hindi na rin niya pinigilan ang sarili. Tinulungan niya na itong tanggalin ang lahat ng tumatakip sa balat niya. Hanggang sa natagpuan niya na lamang ang sariling nakaibabaw na kay Rose ay pinagmamasdan ang kahubdan ng katawan ng magandang turista.

Hinawakan ni Rose ang mukha ng lalaking nakaibabaw sa kanya habang pigil ang sariling mga luha. Ngumiti siya bago inilapit ang mukha ni Harris sa may leeg niya. Humalik ang mga labi nito doon pababa sa may dibdib niyang saglit pang nitong nilaro-laro gamit ang dila. Muling kumilos ang binata hanggang sa makababa na ang mukha na sa pagitan ng kanyang mga hita na ngayon ay bahagyang nakabuka. Lumalalim ang paghinga niya nang halik-halikan ng binatang doktor ang singit niya kasunod ang tuluyang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang pagkababae. Napigilan man niya ang sariling mapaungol nang kagatin ang mga labi ay hindi naman ang kanyang mga kamay, na sumabunot sa buhok ni Harris upang lalo pang idiin ang bibig nito sa pinakamaselang bahagi ng kanyang katawan. Lumalalim at bumibilis na ang kanyang paghinga. Malamig ang hangin pero napakainit kanyang pakiramdam. Habang bumibilis ang paglalarong ginagawa ng dila ni Harris ay mas lalong humihigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok nito. “Harris…. I’m…. I’m….” Muli niyang kinagat ang mga labi pero sa pagkakataong ito ay mas mariin na. At kasunod nang pagbitaw niya sa sa mahigpit na pagkakasabunot sa buhok ni Harris ay ang paghabol ng kanyang hininga.

Batid naman ni Harris na nakatapos na si Rose nang malasahan ang maalat-alat at manamis-namis nitong katas. Umalis na siya mula sa pagkakasubsob sa kaselanan nito. Ipinunas sa braso ang nanlalagkit na bibig bago muling umangat at pumaibabaw kay Rose. Nagtamang muli ang mga paningin nila. Kinabig ni Rose ang leeg niya at muling siniil ng halik ang mga labi niyang tila hindi alintana ang panlalagkit noon. Patuloy naman sa paglalaro ang mga kamay niya sa dalawang dibdib ng dalaga habang ang kanyang kahabaan ay gising na gising na at kanina pa nananabik na makapasok.

Muling pinaubaya ni Rose ang maputi niyang leeg at balikat sa mga labi ni Harris. Ramdam niya ang maingat nitong pagkilos at anumang oras ay alam niya na ang susunod nitong gagawin. Ikinuyom niya ang mga kamay na nasa likuran ng binata. Pumwesto na ang kahabaan ni Harris sa bukana ng kanyang pagkababae habang patuloy sa pagpapaligo ng laway sa kanyang dibdib. At ilang saglit pa, unti-uniting niyang naramdaman ang pagpasok ni Harris sa kanya. Dahan-dahan at napakaingat. Malayong-malayo sa huling beses na naranasan niya na kahit kailan ay ayaw na niyang balikan pa ni sa alaala. Napakaingat ng kilos ng gwapong doktor na tila ayaw siyang masaktan. At dahil napakatagal na ng huling beses na may pumasok sa kanyang pagkababae, nakaramdam pa rin siya ng matinding kirot.

Walang naramdaman na pagpigil si Harris sa kabila ng masikip na lagusan na kanyang pinapasok. At sa higpit ng yakap ng mga braso ni Rose sa likuran niya, batid niyang nasasaktan ito. Iniangat niya ang sarili. At hindi niya inaasahan ang makikita sa mukha ni Rose. Umiiyak ang turista. “R-Rose… I-I’m sorry… Do you want me to -”

“No! P-please don’t stop.” Ngumiti si Rose at muling hinagkan ang mga labi ni Harris. Banayad lang at wala ng halong kapusukan. Hanggang sa siya na ang kumabig sa may likuran ni Harris upang tuluyan nang pumasok ang kahabaan nito sa kanya sa kabila ng kirot na nararamdaman. Nagsimula na ring sumabay ang katawan niya sa ginagawa ng binata. At kasunod ng bawat ulos nito ay ang mga luhang lumalandas sa mga pisngi niya. ‘Walang mali sa ginagawa ko. Lahat ito tama. Ito ang tama.’