Maingat na bumaba si Jin sa may matarik na bahagi ng ilog mabato habang dala-dala ang kanyang mga gamit na pangguhit. Hindi naman gaanong mapanganib ang pwesto niya lalo na at hindi rin naman malalim ang ilog na babagsakan niya kapag nadulas siya o nawalan ng balanse sa bahaging iyon. Gusto niya kasing pumwesto sa may malapit sa tubig para mas maiguhit niya ‘yun ng maayos. Inilatag na niya ang gamit sa tabi nang makapwesto na sa medyo patag na bahagi bago hinawakan ng isang kamay ang malaking sketch book. Nagsimula na niyang iguhit ang mga ibon na nakadapo sa sanga ng mga punong nasa tabi lang ilog nang bigla siyang mapahinto.
“May tao?” pabulong na tanong niya nang makarinig ng tampisaw ng tubig hindi kalayuan mula kanya. Saglit siyang nagpalinga-linga sa paligid bago natuon ang tingin sa dulong bahagi na malapit sa may baba ng talon. “Mukhang may naglalaba do’n,” muling bulong niya nang mapansin ang ilang piraso ng damit na nasa tabi at tuyong bahagi ng ilog. Magpapatuloy sana siya sa pagguhit ng biglang lumitaw mula sa ilalim ng tubig ang isang maputing babae na tila walang saplot na suot. Nakatalikod ito mula sa kanya at sa kung anong dahilan na hindi niya alam, nagsimulang tila na-magnet ang mga mata niyang pinagmasdan ang kahubdan ng likod ng babae na ang ibabang bahagi ng katawan ay nakalublob sa tubig. Mataas ang sikat ng araw na lalo pang nagpapaputi sa makinis nitong balat na para bang kumikislap-kislap pa. May ilang minuto niya ring pinagmasdan ang babaeng sinasabon ang sariling katawan bago tila bumalik sa sarili at binawi ang mga tingin. “Bakit ba siya nandito?!” naiinis na bulong niya nang makilala na ito sa wakas bago sinimulang ligpitin ang mga gamit at ibalik sa bag na dala niya. Tatayo na sana siya nang biglang magsalita ang babae.
“Kanina ka pa ba d’yan, Jin?”
Sa gulat ni Jin ay hindi niya na nalingon pa ang babae kasunod ang pagkawala niya ng balanse sa kinatatayuang bahagi ng ilog. Nagawa niyang bitawan ang bag ngunit hindi ang mapakapit sa damo o bato. Kaagad siyang dumulas at bumagsak sa ilog na medyo may kalaliman na.
“Jin!” sigaw naman ni Rose. Naglangoy siya palapit sa kinabagsakan ng binata.
Saglit na ikinampay-kampay ni Jin ang mga kamay. Marunong naman siyang maglangoy, medyo nag-panic lang siya kaya natagalan bago niya nagawang palutangin ang sarili. Kung hindi pa siya aalalayan ni Rose ay hindi siya kaagad makalalapit sa may batuhang bahagi.
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Rose.
Saglit pang makailang beses na huminga nang malalim si Jin. Laking pasalamat niya at may manipis na bikini pa rin palang suot si Rose na buong akala niya ay hubo’t-hubad kanina. “O-oo…” tugon niya. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng kuryente nang hawakan siya ni Rose sa may braso. Iniiwas na niya ang sarili mula dito bago umakyat sa batuhan.
“Sorry, hindi ko alam na magugulat kita. Nagulat lang din kasi ako nang makita ka kanina,” ani Rose na nakasunod pa kay Jin.
“Okay lang…” tipid na sagot ng binata. Lumapit na siya sa pwesto kung saan niya nabitawan ang bag. Hindi na niya inalintana ang suot na mabigat na tshirt at maong na pantalon dahil sa pagkabasa ng mga ito. Batid niyang nakasunod pa rin ang magandang turista sa kanya.
“Jin, sandali lang,” habol pa ni Rose.
“Kailangan ko nang umalis,” kaagad na tugon ni Jin bago inabot ang bag.
“Bakla ka ba?”
Biglang napahinto si Jin sa kinatatayuan niyang halos patag na ang mga bato. Ramdam niya ang pag-igting ng kanyang mga panga.
“Alam mo kasi, parang ang lambot mo,” patuloy pa ni Rose na tila nang-uuyam. Nakasuot siya ng manipis na two-piece swimsuit kung saan halos lumuwa na ang malusog niyang mga dibdib. Mapang-asar pa siyang ngumiti sa lalaking nakatalikod mula sa kanya. “Minsan nga naiisip ko kung… Kung pinagnanasaan mo ba sina Adolph kapag kasama mo –“ Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi nang bigla siyang lapitan ni Jin at marahas na inihiga sa patag na bahagi ng mabatong ilog. Nagsimulang humimas ang mga kamay nito sa kanyang balikat at baywang habang ang mga labi ay namasyal na may leeg niya. Ramdam niya ang katigasan ng ibabang bahagi ng lalaking nakaibabaw sa kanya. Bumaba pa ang mga labi nito sa may dibdib niya na tila nais paliguan ng laway ang buong katawan niya. Ngunit nang maramdaman niyang ipapasok na ni Jin ang kamay sa loob ng kanyang pang-ibabang bikini ay kaagad na niyang hinawakan ang braso nito.
Tila natauhan naman si Jin dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Rose sa braso niya, lalo na nang salubungin niya ang tingin ng mga mata nitong nanlalabo sa luha. Kakaiba ang nakikita niya ngayon sa mukha ng turista. Wala na iyong kabakas-bakas ng tapang o panghahamon na madalas niyang nakikita noon. Walang ngiti sa mga labi nitong nangangatal na tila anumang oras ay iiyak. Isang bagay na lang ang nakikita niya ngayon sa mukha ng magandang turista… TAKOT.
“S-sorry…” ani Jin bago tumayo at inalalayan si Rose. Muli siyang naguluhan nang kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Bumalik iyon sa matapang at palabang mukha na madalas niyang nakikita..
“Okay lang. Hindi ko alam na pikon ka pala,” natatawang sagot ni Rose. Mga tawang pinilit niyang gawing tunog na natural mula sa kanya habang ang dibdib niya ay malakas ang kaba.
“Alis na ako. Sorry ulit,” huling sabi ni Jin habang hindi maintindihan kung anong dapat na maramdaman. Nagi-guilty ba siya sa ginawa niya kay Rose? Kinakabahan ba siya na baka magsumbong ito sa halos pangmo-molestyang ginawa niya? O nalilito na siya sa kakaibang nakikita niya sa mukha ng magandang turista? Bumitaw siya ng buntong hininga bago mabilis na nagpatuloy sa paglalakad palayo.
Naiwan naman si Rose na sapo ang dibdib niya habang kagat ang labi niya. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na maiyak. Kasama ito sa plano niya. Kasama ito lahat sa mga plano niya. Pati na rin ang posibleng pagbibigay ng niya ng sarili sa mga taong paghihigantihan niya. Pero bakit parang hindi niya pa rin pala kayang gawin? ‘Kailangan kayanin mo lahat, Rose!’