“Jin, bakit nandito?” gulat na tanong ni Adolph nang maabutan si Jin sa labas ng bahay nila.
Kumunot naman ang noo ni Jin. “Akala ko ang sabi mo, nagpapasama ka mangisda ngayon. Nagpadala ka pa nga ng flashlight dahil sira kamo ang flashlight ninyo. Eto oh.”
Napangiwi si Adolph. Nawala sa isip niya ang sinabing iyon kay Jin noong isang araw. “Oo nga pala. Pero okay na, hiramin ko na lang ‘tong flashlight mo.”
“Hindi mo na kailangan ng kasama ? O hindi ka na mangingisda?” tanong ni Jin. Napansin niya kasing iba ang damit ni Adolph at parang nagpabango pa ang binata.
“Ang dami mo namang tanong.” Natatawa namang napakamot sa kulot na buhok si Adolph bago inakbayan si Jin. Lumingon pa siya at siniguradong sarado pa rin ang pinto ng bahay nila. Malalim kasi ang tulog ng tatay niya nang lumabas siya kanina. “Aabangan ko kasi si Rose sa pampang mamaya. Alam mo kasi…” hininaan pa ni Adolph ang boses. “No’ng isang araw, muntik na kaming mag-sex.”
“Muntik na kayong mag-“
Kaagad na tinakpan ni Adolph ang bibig ni Jin sa biglang pagbulalas nito. “T*ng ina naman paps. H’wag ka maingay, baka magising si tatay.”
Napalunok si Jin nang matanggal ang kamay ni Adolph. Bigla kasing reumihistro sa isipan niya ang nangyari kanina sa ilog mabato. Kung paano niya paibabawan si Rose, hinimas ang mga braso nito at hinalikan ang makinis na balat. Kung hindi pa siya nakapagpigil, malamang sila ang muntik nang magtalik kanina. “P-pero ano nga ‘yung sabi mo? M-muntik na kayong…”
“Oo, paps. T*ng-ina, swabe talaga nung nangyari. Gising na gising si junior ko. Kung hindi lang sumulpot tong tatay ko, natira ko na si Rose.”
“Hindi ko mainitindihan. Paano nangyari? Bakit?” naguguluhan pa ring tanong ni Jin. Muli tuloy bumalik sa alaala niya ang huling araw na magkakasama silang tatlo nina Mel. Kung paano nagkwento ang dalawang kaibigan niya tungkol sa pagpaparamdam ni Rose ng pagnanasa sa mga ito. Hindi niya naman iyon naramdaman kanina nang magkaharap sila ng turista. Inasar lang siya nito at dahil pikon siya ay muntik na niyang hindi mapigilan ang sarili na galawin ito. Kung hindi pa niya nakita ang kakaibang takot sa mga mata ni Rose, hindi siya kaagad na matatauhan. Pero bakit nga ba parang bigla na lang itong natakot, dahil kung tutuusin ay parang si Rose pa ang mapusok na naghamon kanina.
“Anog paanong nangyari?” kunot ang noo pero natatawang balik tanong ni Adolph. “Magtataka ka pa ba naman sa akin? Sino bang babae ang makakatanggi sa kagwapuhan at lakas ng dating ko?” Muli niyang inayos ang nagulo na kulot na buhok. “Pero ayun nga paps. Aabangan ko ulit siya sa pampang. Baka kasi mas maging busy na ako sa mga susunod na araw, mahirapan na ako makita siya ulit kaya sasamantalahin ko na ngayon.”
Nagbuga ng hangin si Jin habang nag-iisip ng susunod na sasabihin. “P-Paps, h’wag ka na lang kaya tumuloy do’n? Ang ibig kong sabihin, h’wag mo na lang siyang kitain. Mangisda na lang tayo, sasamahan kita.”
“Para ka na namang gago paps. Ngayon ka pa talaga aasungot. Kung kailan ramdam kong libog na libog na rin siya sa akin. Sabi na eh, hindi talaga ako nagkamali.” Tumingin pa si Adolph sa malayo na parangh ini-imagine ang magandang mukha ni Rose. “Unang tama pa lang ng mga tingin namin ni Rose. Alam ko na eh. Alam na alam ko nang type niya talaga ako. Pinaramdam niya sa akin paps. Kulang na lang talaga mag-sex kami sa dagat nung gabi na ‘yun.”
Muling napabuga ng hangin si Jin. Itong-ito rin ang sinabi ni Mel noong huli silang mag-usap tungkol kay Rose. Nagsisimula na ulit tuloy siyang mapaisip. Sino ba sa dalawnag kaibigan niya ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagsisinungaling? Pero paano kung totoong pareho man ang sinasabi ng dalawa, bakit iyon gagawin ni Rose? Bakit ito magpaparamdam ng pang-aakit sa dalawang kaibigan niya? O sa kanila?
“Huy! Tulala ka na d’yan!” taka pero natatawang bahagyang tinulak ni Adolph ang kaibigan na muntik pang matumba. “Para ka talagang gago kahit kailan. Oh sige na, alis na ako.”
“Paps! Paps! Saglit lang…” habol ni Jin na napahawak pa sa braso ni Adolph.
“Shhh!” saway pang muli ni Adolph nang muling lumakas ang boses ng kaibigan. “Kulit naman nito, sabi nang h’wag maingay! Ano ba kasi ‘yun?”
“Ano kasi…” Napaiwas pa ng tingin si Jin. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang gustong sabihin. Sa pangatlong pagkakataon ay napabitaw siya ng buntong hininga. “W-wala. Sige na…”
“Alam mo, ikaw talaga. Para ka laging tanga, alis na nga ako. Baka hindi ko pa abutan si Rose,” muling paalam ni Adolph bago nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi na muling umimik si Jin na humabol na lang ng tingin sa papalayong si Adolph. May mali. May mali talaga sa nangyayari. May mali sa ginagawa ng turista sa kanilang isla lalo na sa kanyang mga kaibigan.
Excited na nagpatuloy sa paglalakad si Adolph. Nang malapit na siya sa may pampang kung saan niya madalas makita si Rose ay saglit pa siyang huminto. Sinuklay-suklay ng mga daliri ng kamay ang kulot na buhok at inamoy ang sarili. “Mabango pa rin,” anang niya bago muling naglakad.
“Nasaan siya?” Nadismaya siya nang hindi makita ang babaeng pakay na tagpuin. Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. “Alas nuebe pa lang naman…” bulong niya bago naupo sa bahaging hindi nahahalikan ng tubig dagat at matyagang naghintay. Mahigit dalawang oras na siya sa ganoong pwesto nang magsimula nang mainip. “Tsk.” Bumuntong hininga siya bago binitawan ang buhangin na kanina pa nilalaro sa kamay. Ilang minuto na lang ay magigising na ang tatay niya kaya kakailanganin niya nang umuwi bago pa siya hanapin nito.
“May hinihintay ka?”
Ang pagkainip niya kanina ay kaagad na napalitan ng pananabik dahil sa pag-upo ni Rose sa tabi niya. “H-Hi… Akala ko hindi ka na darating.”
“So, ako pala ang hinihintay mo?” muling tanong ni Rose bago tumingin kay Adolph. Iginunit niya ang ngiti sa mga labi. Ang mapaglaro at mapang-akit niyang mga ngiti. “Tara, ligo tayo sa dagat?”